binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 3 : Finding My True Love

Araw at linggo ang lumipas ay hindi pa rin nakikitang muli ni Yuan ang dalagang kanyang tinulungan. Kaya naman nalulungkot at nawawalan na siya ng pag-asang makikita silang muli nito. Siguro hindi talaga sila ang nakalaan para sa isa’t isa but in the back of his mind he is hoping that the girl is the one for him. If that so he will be the happiest and luckiest guy on earth. Gustong gusto niya itong alagaan at mahalin kahit hindi pa niya ito nakikilala. Unang kita niya pa lang sa dalagang iyon ay matindi na ang kanyang nararamdaman para dito. Kahit kailan ay hindi niya pa naramdaman sa kahit na sinong babae.

Kung si Yuan ay nalulungkot sa hindi niya pagkakakita kay Yanyan, ang dalaga namang iyon ay sobrang natutuwa sa hindi nila pagkukrus ng landas ng lalaking kinaiinisan. Sino naman ba kasi ang hindi maiinis kung pagbintangan kang nagbebenta ng laman, di’ ba? Sobrang natutuwa talaga siya sa mga lumilipas na araw at linggo dahil hindi na niya nakita pang muli ang lalaki. Sana talaga forever na raw silang hindi magkita ng lalaki talagang ikaliligaya niya ito ng lubusan.

” Yuan,pare kamusta na? Mabuti napadalaw ka dito?” masayang salubong ni Kenny sa kaibigang si Yuan dahil sobra siyang nagulat sa pagdalaw nito sa kanya. ” Napadaan lang naman ako. Papunta kasi ako kina lolo at lola para dalawin sila. Baka magalit na kasi sila sa akin kung hindi pa ako dumalaw sa kanila. Sa tanong mo naman kung kamusta na ako not so good,pare. Hindi ko pa kasi nakikilala ang girl na iibigin ako ng totoo.” wika niyang sabay napabuntong hininga.

” Wew! lalim no’n ah! puna nito sa kaibigan sabay nagsalitang muli. Miss na miss ka na ng lolo at lola mo,Yuan. Pumunta kasi ako doon kahapon sa mansyon nyo para papirmahan ang papeles sa lolo mo kailangan kasi sa opisina eh. Nagtatanong na nga sa akin kung bakit hindi ka pa dumadalaw sa kanila. Almost a week ka na raw kasing nakalipat pero hindi mo pa sila nadadalaw. Sinabi ko na lang marami kang ginagawa na importante kaya hindi ka pa makadalaw sa kanila. Pero once na matapos ka dadalaw ka na.Kaya mabuti talaga dadalawin mo na sila ngayon.” mahabang wika ni Kenny.

” Mabuti naman pinagtakpan mo ako sa kanila. Naging busy lang talaga ako kasi may inaabangan ako tuwing umaga at gabi na babae na makita ko ulit. Kaso weeks na kong naghihintay hindi ko pa rin siya makita.”mahabang paliwanag niya kung bakit hindi siya nakakadalaw sa kanyang lolo at lola.

” Sino naman ang babaing iyon,Yuan? Ganoon ba siya kaimportante sa iyo?” tanong ni Kenny pero may ibang kahulugan ang tinig nito.

” Hindi naman kaso may kasalanan kasi ako sa babae na iyon kaya gusto ko talagang makita siyang muli. Last week kasi may babae akong tinulungan muntik na siyang gawan ng hindi maganda ng dalawang lasing. Mabuti na lang narinig ko ang paghingi ny ang saklolo kaya tinulungan ko.” mabilis na sagot niya sa tanong nito.

” Wow! Naging knight in shining armour ka pala.” tudyo nito.

” Loko!Hindi naman. Nagkataon lang iyon. Kaya ko siya gustong makita ulit kasi gusto kong makahingi ng sorry sa kanya dahil nasabihan ko siya ng hindi maganda. Hindi ko naman sinasadya iyon. Sobrang nabigla lang ako ng nasabi ko iyon.” nagsisising wika ni Yuan na mababakas sa guwapo nitong mukha ang pagsisisi sa nasabi niya sa babae.

‘ Ano ba kasi ang nasabi mo sa babaing iyon at talagang gusto mo pang magkita kayong muli?” mabilis na tanong nito.

” Nasabi ko kasing may iba pa siyang ginagawa kaya kahit dis oras na ng gabi nasa labas pa siya.” sagot naman niya.

” Nasabi mo iyon sa kanya? You really need to apologize,pare. Hindi maganda ang nasabi mo sa girl. Im sure nasampal ka niya pagkarinig sa sinabi mo.” sambit nito na sobrang ikinagulat niya ang nasabi ni Yuan dahil hindi niya naisip na masasabi iyon ng kaibigan kahit na kaninong babae.

” Hindi naman niya ako nasampal pero sobrang galit na galit siya sa akin. Ni hindi nga nya ako hinayaang makapagsalita tapos tinalikuran na niya ako. Kaya kahit gusto kong mag apology sa kanya hindi ko na nagawa. Hinanda ko na nga sarili ko sa kanya dahil panigurado pag nakita niya ako sasampalin na niya ako. Nakalimutan niya lang gawin iyon.” wika ni Yuan.

” Dapat nga lang talaga na humanda ka kasi panigurado kating kati na kamay no’n na masampal ka. Anong itsura ng babae? Maganda ba?”

” Hindi siya maganda. Sa katunayan nga kamukha niya si Zorayda at ang mata niya banlag. Kaya siguradong hindi mo siya magugustuhan.” pagsisinungaling niya. Talagang sinadya niyang hindi sabihin ang totoong itsura ng babae dahil baka magkainteres pa ang kaibigan niya sa babaing bumihag na ng puso niya simula pa lamang. Kilala kasi sa pagiging chickboy ang kaibigan niya.

” Iyo na lang siya,pare. Malayong malayo siya sa gusto kong girl.” tanggi nito.

” Ok lang kung siya naman pala ang magmamahal sa akin ng totoo eh. Kahit ganoon ang itsura niya ayos lang sa akin.” sambit niya.

” Sana nga,pare makita mo siya para may girlfriend kang kamukha ni Zorayda.” pang aasar nito.

“Loko! Sige mauna na ko. Gusto ko ng makita sila lola. Kapag may time ka punta ka na lang ulit sa bahay ha!” paalam nito habang naglalakad sila papuntang gate.

” Sige,pare punta na lang ulit ako doon. Ingat ka.” ani ni Kenny habang nakatingin sa papalayong taksi na sinasakyan ng kaibigan.

Sa kanyang pagpasok sa bahay ay nakita niyang naiwanan ni Yuan ang sumbrero nito. Napagpasyahan na lang niyang puntahan na lang ito sa bahay nito para isauli ang sumbrerong naiwan ng kaibigan sa mga susunod na mga araw.

” Beeeeeeeeezzzzzzzz!” tili ni Cleo na ikinagulat ni Yanyan ng gabing iyon. Nagluluto pa naman siya.

” Ay kabayong bundat na gutom!” pasigaw na nasabi niya dahil sa pagkagulat. Kaya naman napaso tuloy ang kanyang dila. Kasalukuyan pa naman niyang tinitikman ang kanyang niluluto para sa kanilang gabihan ng kanyang mga kapatid ng dumating ito. Nasa konsentrasyon siya kaya hindi niya talaga namalayan ang pagsulpot ng kanyang kaibigan.

” Over ka namang magulat,bez.” sabay tawa nito dahil sa naging reaction ng kanyang kaibigan.

” Over ka diyan! Paanong hindi ako magugulat biglang sulpot ka diyan at kung makatili daig pa ang sirena ng bumbero sa lakas. Bakit ka nga pala nandito?” pagsusungit niya sa kaibigan kahit masakit pa rin ang napasong dila.

” Sungit mo naman,bez. May sasabihin lang naman ako sa iyo.” himig nagtatampong wika nito.

” Paanong hindi ako magsusungit sa iyo napaso kaya dila ko. Tingnan mo pa oh! paliwanag niya sabay labas ng dila niya para ipakita sa bruha niyang bestfriend ang nangyare sa kanya.

Namumula nga ito tanda ng pagkapaso niya. Ikaw kaya ang mapaso ewan ko lang kung hindi ka magsusungit.

” Sinong tanga,bez? Tanga ka lang talaga kaya ka napaso ng ganyan.” pang aasar nito na sinabayan niya ng nakakalokong ngiti.

Sa narinig niya tuloy sa sinabi ng kanyang kaibigan ay talaga namang nainis siya pero sanay naman siya sa kanyang bruhang bestfriend.

” Tanga pala ha! Eh kung itapon ko kaya sa iyo itong kumukulong niluluto ko? ” sabay kuha kunwari ng kaldero para itapon sa bestfriend niya.

” Loka ka! Bez,huwag naman. Ayokong malapnos ang maganda kong balat ah! Kung gusto mo ako na lang magbubuhos sa iyo,bez. Tutal ideya mo naman iyan eh.” pang aasar na naman ni Cleo sa kanya sabay halakhak at lapit sa kaldero para kunin.

” Hay naku! Kahit kelan talaga,bez ang baliw mo talaga. Suko na ko talaga sa iyo.” sukong wika niya. Kahit kelan talaga hindi niya matalo talo sa kakulitan ang bestfriend niyang si Cleo.

” Pareho lang tayong baliw noh! Pero ikaw ang mas baliw kasi napili mo kong maging bestfriend. ” sambit nito na nangingiti.

” Whatever,bez! Ano nga ba ang sasabihin mo kaya ka pumunta dito?” tanong niya.

” Aaaaayyyyeeeeiiii! ” tanging nasabi nito na halatang namimilipit na kinikilig.

” Aaaayyyeeeeiiiiiii lang ang sasabihin mo sa akin pagkatapos mo kong gulatin at mapaso diyan?!” muling nabuhay ang pagsusungit niya sa kaibigan.

” Loka! Hindi naman noh. Kinikilig lang ako dahil sa isasagot ko sa tinatanong mo.” paliwanag nito.

” Ano bang isasagot mo sa tinatanong ko para kiligin ka ng ganyan ha?! tanong niya pero sa totoo lang hindi siya talaga masyadong interesado sa isasagot nito sa kanya.

” May nakilala akong guwapo,bez. Aaaayyyyyeeeeiiiiii….Panalo talaga sa pagkaguwapo to the highest level. Sobra talaga ang kaguwapuhan.” kinikilig na wika nito.

” Sino namang guwapo iyon? Guwapo ba talaga ha?” tanong niya ulit.

” Oo,bez sobra talaga ang kaguwapuhan niya. Ang pangalan nga niya Yuan. Ang guwapo talaga at ang macho kakaiba kaguwapuhan niya. Siya iyong bagong lipat sa apartment ni Mang Kadyo. Sobrang guwapo talaga niya.” sagot naman ni Cleo na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin.

” Hay naku! Por que guwapo kinikilig ka na ng ganyan, Cleotilde. Mahiya ka nga diyan,bez. Sobra ka pang kiligin diyan.” pagsusungit niya.

” Kahit kailan ka talaga,Marianna ang KJ-KJ mo. Sa kinikilig ako noh! Im sure pag nakita mo siya baka mas kiligin ka pa kesa sa pagkakilig ko sa kanya ngayon.” sabay halakhak nito. Tila walang pakialam sa sinabi sa kanya ni Yanyan bagkus kanya pa itong inasar.

” Malaking NEVER noh! In capital letter pa.Saka hindi ako interesadong makita siya at wala akong panahon sa kanya.” asik niya at nagpatuloy sa paghahain ng kanilang hapunan.

“Talaga lang ha! Tingnan natin baka mainlove ka pa nga sa kanya eh.” sabay halaklak nito

” Ewan ko sa iyo,bez. Ang kulit mo. Kahit kailan hindi ka talaga magpapatalo. Ito lang sasabihin ko hindi ako maiinlove o kikiligin sa lalaking kinakikiligan mo.” pagtatapos niya ng pag-uusap nila. Ayaw na niya kasing humaba ang diskusyon nila sa lalaking iyon kasi wala talaga siyang pakialam kung sino man iyon. Wala pa siyang oras sa pakikipagnobyo sa panahon ngayon dahil ang kanyang priority ay ang kanyang mga kapatid. Sapat ng naranasan niya noon ang umibig at masaktan. Pinangako niya sa sarili na iibig lang siyang muli kapag napagtapos na niya ng pag-aaral ang kanyang dalawang kapatid sa kolehiyo.

” Mabuti naman,apo nadalaw mo na kami ng lola mo. Sobrang nag-aalala na kami sa iyo.” wikang salubong sa kanya ng kanyang Lolo Felimon sabay yakap sa apo.

” Oo nga,apo dahil kung hindi mo pa kami dinalaw ngayong week na ito kame na ng lolo mo ang dadalaw sa iyo. Sobrang miss ka na namin.” nagtatampong wika ng kanyang Lola Minerva habang nakayakap pa rin ito sa kanya.

Mababakas mo talaga sa mga tinig nila ang pagkamiss sa kanya at pag-aalala ng mga ito sa kanya. Ngayon lang kasi siya nawalay sa mga ito kaya talagang mamimiss siya ng mga ito. Kahit naman siya ay ganoon din ang nararamdaman niya sa mga ito.

” Sobrang busy lang po talaga ako nitong mga nakaraang araw,lolo ‘t lola kaya ngayon lang po ako nakadalaw. Pero ngayon po hindi na po ako masyadong busy kaya madadalaw ko na po kayo ng madalas dito. Kapag weekend dito ako matutulog kung okey lang po iyon sa inyo. Sobrang miss ko na po kayo” mahabang wika niya sa mga ito at sabay na niyakap ang mga ito.

” Syempre naman ayos na ayos sa amin iyon ng lolo mo. Sige ha! Dadalawin mo na kami ng madalas ngayon ha!” wika ng kanyang lola.

” Opo, promise! pangako niya sa mga ito at tinaas pa ang kanang kamay tanda na nagsasabi siya ng totoo.

” Kumain ka na ba,apo? May niluto akong paella at caldereta na paborito mo at nagbake din ako ng strawberry cake. Kainin mong lahat iyon,apo. ” masayang wika ng lola niya.

” Wow! Dami naman no’n. Kakainin ko po talaga lahat iyon. Miss ko na kaya ang luto nyo. Gutom na nga po ako eh.” wika niya habang himas himas ang tiyan.

Naging masaya ang kanilang hapunan ng kanyang lolo at lola nggabing iyon. Halos lahat ng inihain sa mesa ay kanyang naubos lahat. Kasi naman sobrang namiss niya ang mga pagkaing inihanda sa mesa. Puro de lata kasi ang kanyang kinakain simula ng lumipat siya ng bahay pero hindi naman siya nagsisisi sa kanyang paglipat doon dahil alam niya doon niya makikilala ang babaing magmamahal sa kanya ng tapat at totoo hindi lang dahil sa kayamanan niya. Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan niyang sa mansyon na siya matutulog ngayong gabi. Kaya naman ng malaman iyon ng kanyang lolo at lola ay sadyang ikinatuwa ng mga ito ang kanyang naging pasya. Ibig sabihin lang kasi noon ay makakasama pa siya ng mga ito ng matagal ngayong gabi.

Habang papauwi sila Cleo at ng kanyang nanay ay nasalubong sila ni Yuan. Kakagaling lang nila sa grocery kaya marami silang bitbit na pinamili. Lingid sa kanilang kaalaman ay talagang sasalubungin sila nito dahil natanaw na sila nito pagbaba palang ng tricycle.

” Hello Yuan. Nakabihis ka yata,saan ang punta mo? mabilis na usisa niya.

” Hi Cleo! Tulungan ko na kayo.” pagmamagandang loob ni Yuan sabay kuha ng dala-dala ng nanay ni Cleo.

” Naku! Huwag na,hijo madudumihan ka pa mukhang aalis ka pa naman.” tanggi ng ginang.

” Okey lang po iyon,’nay. Kakauwi ko lang naman po kaya okey lang na marumihan ako.” sambit niya.

” Iyon naman pala,inay eh. Kunwari ka pa diyan, inay di ba nga kanina pa kayo umaangal diyan sa bigat ng dalahin nyo.” pambubuking ni Cleo sa nanay niya.

” Dyaskeng bata ka! Binuko mo pa ako sa binatang ito.” wika ng nanay ni Cleo sa anak sabay batok kay Cleo.

” Aray naman po,inay. Kakahiya naman po kay Yuan. Ang laki-laki ko na binabatukan nyo pa ako.” ang angal nito.

” Okey lang iyon,Cleo.” tanging nasambit ni Yuan pero nangingiti siya. Natutuwa kasi siya sa mag- inang nasa harapan niya lalo sa usapan ng mga ito.

“Loko! Saka nga po pala,inay kaibigan ko po pala siya si Yuan po. Nakatira po siya diyan kina Mang Kadyo. Bagong lipat lang po siya doon. Yuan, ang inay ko si Aling Lita.” pagpapakilala niya sa mga ito habang naglalakad sila.

” Ikinagagalak ko po kayong makilala, Aling Lita.” masayang wika niya.

” Ako rin,hijo. Salamat sa pagtulong sa amin.” tugon din nito.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa bahay nila Cleo at ipinaghanda siya ng meryenda ng mga ito.

” Magmeryenda ka na muna,Yuan.” sabay bigay sa kanya ng tinapay at juice ni Cleo.

” Nag- abala pa po kayo. Okey lang naman po ako.” tanggi nya sana sa ibinigay sa kanyang meryenda.

” Hindi naman puwede iyon,hijo. Sige kainin mo iyan.” pangungulit ni Aling Lita sa kanya para kainin ang inihanda sa kanyag meryenda.

” Kainin mo na iyan, Yuan kasi hindi ka titigilan ni inay hanggang hindi mo iyan kinakain.” pangungumbinsi ni Cleo sa kanya.

“Sige na nga po. Salamat po.” pasasalamat niyang tugon.

” Saan ka ba galing,hijo? tanong ni Aling Lita kay Yuan.

” Diyan lang po sa tabi tabi. Naghahanap po ng trabaho kaso wala pong makita.” sagot naman niya.

” Ano bang gusto mong trabaho,hijo?” tanong ulit nito.

” Kahit ano po basta trabaho at kikita po para may panggastos sa araw- araw.” mabilis naman niyang sagot dito.

” Kung gusto mo may alam akong puwede mong maging trabaho. Puwede kang magsimula agad.” wika nito.

” Ano naman po iyon, Aling Lita?” mabilis na tanong niya rito.

” Oo nga po,inay ano naman pong trabaho iyon? sabat na tanong din ni Cleo sa usapan ng kanyang inay at ni Yuan.

” Kargador nga lang kung gusto mo,Yuan.” mabilis na sagot nito.

Talakayan

9 thoughts on “Chapter 3 : Finding My True Love

  1. pano n c yanyan?

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 4:58 hapon
  2. Hmm kilig ako dun ahh

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 1:35 umaga
  3. grabe lalim aman ng mga lines nito. .hahah
    parang makaluma hihih. .
    piece (>_<)/''/ heheh. .

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 29, 2012, 4:06 hapon
  4. natutuwa talaga ako sa magbestfriend!!!!
    napakamasayahin!

    Posted by Jerrica | Agosto 16, 2010, 1:57 hapon
  5. thank you po sa pagbabasa..

    Posted by DIOZsA | Agosto 12, 2010, 5:51 umaga
  6. hindi kaya magkita uli sila sa may palengke ni yanyan at si yan yan ang tindera HAHA nice

    Posted by deezz | Hunyo 13, 2010, 6:34 hapon
  7. acguradong mganda ang story nito at sobrang nkakakilig next chapter na poh plsss……….. tnx poh luv u mwaaahhh

    Posted by ellaine | Hunyo 12, 2010, 6:59 hapon
  8. ehehhehe.. c fafa yuan, mgkakargador… kng ako tindera sa palengke.. nku lagi sa knya me mgpapahakot.. ehehhee…gogogo fafa yuan.. love u..ehhehe

    Posted by sjyo_0208 | Hunyo 12, 2010, 8:24 umaga
  9. hahaha.. kakatuwa naman ang story na toh… sna magkita na silang dalawa.. nakakakilig cguro kpag nagkita n asilang dalawa.. nxt chap na po, otor..

    Posted by rize | Hunyo 11, 2010, 7:49 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: