binabasa mo ang...
The Man of Hikari's Dreams

The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 9

Chapter 9


Agad na binalot ng kakaibang damdamin si Hikari nang makita ang singsing na iyon. Hindi siya makapinawalang masisilayan niya ang bagay na iyon. Bahagyang nanginginig ang kamay niya nang dali-daling kunin iyon at hawakan.

Paano ito napunta sa silid niya? Hindi ba’t sa panaginip niya lang nakita ang bagay na iyon?

This could never be happening…

Nagsimula na siyang kabahan habang napapatitig sa singsing na nasa kamay.

That old woman… There must be something else going on… And she’s responsible for it…

Naging dahilan iyon para hindi siya matahimik. Kung kailan handa na siyang pakawalan ang lahat ng kahibangan niya, saka naman lumitaw ang hindi kapani-paniwalang bagay.

Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang kanilang kusina kung saan nagluluto ng kare-kare ang mama niya.

Nagtataka naman itong napatingin sa kanya.

“Ma, saan niyo ‘to napulot?,” tanong niya rito at ipinakita ang singsing dito.

Pinilit nitong alalahanin kung saan nito nakita ang singsing.

“Ah, yeah, I remember,” anito nang maalala iyon. “Nang dalhin ka rito sa bahay nina Julia at Steve, nakita ko iyan sa bulsa ng suot mong uniporme.”

“B-Bulsa?,” takang aniya. “P-Paano po ito napunta sa aking uniform? H-Hindi ko ito nakita noon pa. But…”

Kunot-noong napatitig ang mama niya sa kanya.

“Rohann gave this to me…,” wala sa sariling wika niya. “In my dream… He gave this ring to me.” Muli ay namuo ang luha sa kanyang mga mata.

Nang marinig iyon ng mama niya ay napailing ito.

“Hayan na naman ‘yang panaginip-panaginip na iyan,” anito at muling ibinaling ang atensyon sa pagluluto. “Mabuti pa ay tulungan mo ako sa paghahanda dito.”

Nalilito at hindi siya matahimik sa isiping iyon. Hindi niya lubos maisip kung bakit nasa kanya ang singsing na iyon gayong alam na niyang panaginip lamang ang lahat.

Buong gabing hindi makatulog si Hikari. Nanatili lamang siyang nakaupo sa kanyang kama habang hawak-hawak sa kamay ang singsing na iyon. Sa isipan ay namumuo pa rin ang sari-saring mga katanungan na pilit nagsusumiksik sa isipan niya.

Ngayon ay hindi na siya mapakali hangga’t hindi niya malalaman ang kasagutan sa mga katanungan niya. She wanted to know everything, even risk of trying hard to finally come up with all the answers she need.

Kung kaya, namamalayan na lamang niya ang sariling dinadayal ang land line ng kaibaigang si Julia. Narinig niya ang pag-ring ng telepono mula sa kabilang linya. Mabuti na lang at gising pa ito dahil ito mismo ang sumagot sa telepono.

“Hello?”

“Julia, si Hikari ‘to,” pagbibigay-alam niya rito.

“O, Hikari?,” anito na mababakas sa boses ang pagtataka at napatawag siya.

“I need your help,” seryosong wika niya.

“Why?,” anito. “May problema ba?”

“Yeah.”

“Okay. So, what can I do with it? Would you please tell me what’s wrong?”

“Magkita tayo ngayon. Sa Lexo’s tayo magkikita.” Ang tinutukoy niya’ng lugar ay isang twenty four hours na fast food chain.

“OMG. Ganyan na ba kalala ang problema mo at ngayo’t ngayon na tayo magkikita?”

Hindi siya nakaimik sa tanong na iyon ng kaibigan. Malamang ay nagiging maalala na talaga ang isipan niya dahil sa bawat minuto ay wala siyang ibang naiisip kung hindi si Rohann. “Sa tingin ko’y oo, Julia,” napapabuntong-hiningang tugon niya.

“Hay naku… O siya, sige, magkita tayo ngayon nang mapag-usapan natin ang tungkol sa problema mo. But! Isasama natin ang isang kaibigan nating si Steve. Baka magtampo ang baklang ‘yon kapag nalamang hindi natin siya isinama. Of course, what are friends for kung hindi natin siya isasali dito, right?”

“Right, Iyan ay kung gising pa siya.”

“Oo naman. Sanay yatang magpuyat ang bruhang iyon. Sige na, tatawagan ko si Steve at nang makapagbihis na tayo.”

Ilang sandali lang ay nakalabas na siya sa sarili nilang bahay, without her parents’ knowledge. Malamang ay tulog na ang mga ito kung kaya walang nagkamalay na tumakas siya. Sa mismong tagpuan nila ay nasurpresa siya nang makitang naroroon na ang dalawang kaibigan niya. Bilib din siya sa mga ito at mas nauna pa ang mga ito sa kanya.

Nang makaupo siya sa upuan at makaharap ang mga kaibigan sa mesa ay agad-agad siyang tinanong ng mga ito kung ano ang problema niya.

Napahinga muna siya ng malalim bago sinagot ang mga ito.

“Actually,” panimula niya. “Hindi ko alam kung paano sisimulan ito.”

Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Baka hindi siya maintindihan ng mga kaibigan at maging ang mga ito ay maguluhan sa kanya. Siyempre, sino ba naman ang hindi maguguluhan sa klase ng dilemma niya? Maski siya ay ganoon ang nararamdaman ngayon.

“Ha?,” takang sambit ni Steve. “Eh ano ba talaga, Hikari? Dahil na naman ba yan kay Robert?,” napapaismid na tanong nito. “Diyos ko naman, nakita mo lang siya kaninang kasama ang bagong girlfriend niya ay nagpa-apekto ka naman…”

“It’s not about that,” she corrected. “It has nothing to do with Robert or his new girl.”

“Eh, ano?,” ani Julia na gustong-gusto nang malaman kung ano ba talaga ang problema niya.

“It’s about a guy I met from my dreams.”

Nakita niya ang pamumulagat ng mga mata nina Steve at Julia sa narining buhat sa kanya. Muntik pa ngang mabulunan si Steve sa kinakain nitong burger.

“What are you talking?,” natatawa na lang na tanong ni Steve nang maka-recover na ito.

Natawa rin si Julia sa kanya. “Hey, Hikari, quit joking please. We’re serious here, right? ‘Di ba gusto mong pag-usapan ang tungkol sa problema mo?”

“But, I’m not joking,” seryosong sabi niya sa mga ito. “That’s the reason why I’m asking you guys to help me now.”

“Sandali, sandali,” awat ni Steve. “Eh sa hindi namin ma-gets ang gusto mong sabihin, eh.”

Muli ay napahinga siya ng  malalim, not knowing exactly what to say to make it more convincing. Dahil talagang para sa mga ito ay napaka-ridiculous ng sinasabi niya.

“His name is Rohann,” aniya. Nakita niyang walang reaksyon ang mga ito nang binanggit niya ang pangalang iyon. Well, of course, what does she expects? They didn’t know or even heard that name before, dahil sa reyalidad ay hindi na-meet ng mga ito ang binata. Never.

“And…?,” naghihintay na ani Julia.

“He was the one I met in my dreams.”

Muli ay natawa ang dalawa.

“Ano ka ba?,” naaaliw na ani Steve. “Would you please be serious enough? Just this once para matapos na ‘to at makauwi na tayong lahat.”

“I’m not kidding,” seryosong aniya. “Not even joking or something. I’m serious.”

Dahil doon ay naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ng mga ito. Nanatili na lamang nakikinig ang mga ito.

And there, she told them everything. Everything that happened on her birthday, simula nang kumain sila sa fast food chain na iyon ng lumang peryahan hanggang sa magising siya isang hapon at na-realize na panaginip lang pala ang lahat.

Sa huli ay ipinakita pa niya sa mga ito ang mamahaling singsing na nakita niya kani-kanina lang sa kanyang study table.

Sa ikinuwento niya ay nakita niya ang hindi maipaliwanag na reaksyon ng mga ito. Pagtataka, pagkalito, at panghihinayang…

“So, what are we going to do now?,” ani Julia na unang naka-recover sa ikinuwento niya.

“Malamang ay may koneksyon ang singsing na iyan sa mga panaginip mo.”

“Hindi ako nagpapaniwala sa ganyan,” prangkang sabi ni Steve sa kanila. “But then… Nakakapagtaka naman yatang nangyari ang lahat ng panaginip mong yan in such a weird situation. Sa tingin ko’y may kinalaman nga talaga ang matandang manghuhulang sinasabi mo sa panaginip mo, Hikari.”

“Iyon din ang hinala ko. Naiisip ko pa hanggang ngayon ang mga sinasabi ng matandang iyon,” aniya.

“Noong makita ka namin sa birthday mo na nakatayo sa gilid ng daan,” ani Julia. “Nahihiwagaan na rin kami ni Steve dahil tulalang-tulala ka at kinailangan ka naming ihatid sa bahay n’yo. Iyon pala’y… nahihipnotismo ka na ng mga sandaling iyon at parang natutulog kahit dilat ang iyong mga mata…”

“Diyos ko naman,” ani Steve. “Kung ganoon ay kailangan nating malaman ang dahilan kung bakit ganito ang mga nangyayari sa’yo, Hikari.”

“May nababasa ako noon tungkol sa mga sorceries at witch crafts,” wika ni Julia.

Napatingin siya sa kaibigan, hoping that she could get a single hint.

“Ang natatandaan ko sa nabasa ko noon ay ang lahat ng manghuhula ay nakakakita ng mga pangyayari in the future. At kapag may sinasabi silang isang bagay ay kailangan mo itong pakinggang mabuti at tandaan. Dahil ang lahat ng sinasabi nila ay may koneksyon sa mga magaganap in the future.”

Natigilan siya. Dahil bahagya niyang naalala ang tungkol sa mga sinasabi ng matandang manghuhulang iyon.

“Hikari,” ani Julia na hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa mesa. “Malamang ay may ibig ipakahulugan ang mga sinasabi ng manghuhulang iyon tungkol sa huling sinabi niya…”

Muli ay naalala niya ang sinabi ng matandang manghuhulang iyon nang naroroon sila sa silid nito sa mismong peryahan ding iyon.

“Kung gusto mong makitang muli ang lalaking pinangarap mong mahalin, ‘wag na ‘wag mong kalimutang balikan ang lugar kung saan kayo unang nagkita, sa mismong oras kung kailan kayo pinagtagpo…”

“Tama,” ani Steve na may naisip agad. “Baka ang ibig niyang ipakahulugan ay dapat mong puntahan ang lugar kung saan kayo unang nagkita. Meaning, sa peryahan ding iyon kung saan mo siya nakita, hindi ba?”

“Yeah,” sang-ayon naman ni Julia. “Hindi nga ba’t sinabi niya na iyong araw na iyon ay makikilala mo na ang lalaking pinapangarap mong mahalin?”

“Pero…,” naguguluhan pa ring sambit niya. “I’ve been there kanina. Pero…” Bigla siyang binalot ng lungkot. “Wala siya. Wala akong nakita na kahit isang senyales na naroroon siya.”

“Ganoon ba?,” ani Julia na napaisip muli. “Anong oras ka nga bang pumunta kanina?”

“Noong nasa pizza house tayo and I decided to leave. Sa peryahan ako pumunta doon,” pagtatapat niya.

“So, that was around four o’clock,” ani Steve. “Ang sabi ng manghuhula, sa mismong lugar at oras kung kailan kayo nagkita…”

“Anong oras ka bang nakipag-usap sa matandang manghuhulang iyon at umalis sa silid niya?,” tanong naman ni Julia.

“Hindi ko na matandaan,” aniya na pilit na inaalala ang nangyari. “Ang alam ko, it was getting dark. So, I think it was around Six PM.”

“Nakita ka namin sa gilid ng daan at exactly Six-thirty when we decided na hanapin ka dahil hindi ka na bumalik sa fast food chain,” Steve added.

“So, that was 6 PM,” Julia concluded. “It means to say, that you would go there at exactly 6 PM.”

“But… I left a while ago when it was already getting dark,” aniya. “Hinagilap ko ang buong paligid just to see him pero wala siya.”

“But, you didn’t stay there,” ani Julia, na ang tinutukoy ay ang exact place kung saan niya unang natagpuan si Rohann, sa gilid ng daan na iyon. “You told us that you roamed around para hanapin siya.”

“Does that mean I have to stand there sa gilid ng daan all along at abangan siya?” Nais niyang matawa sa naisip ng kaibigan.

“Exactly. You would stand there at exactly 6 PM and see what’s going to happen.”

Bigla siyang nakaramdam ng pagkasabik sa naisip ni Julia. And there, she suddenly agreed to her friends’ plan.

“Right,” buo ang loob na aniya. “And when will that be?”

“Tomorrow,” sagot ni Steve. “Sasamahan ka namin.”

Pinaghandaan niya ang muling pagkikita nila ni Rohann. Ngayon ay nararamdaman niyang ito ng ang perpektong pagkakataon. Makikita na niya ang lalaking pinakamamahal. Isinuot niya ang bago niyang jeans at sleeveless na kulay asul.

Lumutang ang ganda niya when she wear a light make up. Nababaliw na yata siya, dahil lihim siyang umaasang makikita niya nga in reality si Rohann. She felt excited to see him again. She longed to be in his arms once again. And of course, she wanted to be happy again.

Para sa kanya, sadyang napakabagal ng oras. Hinihintay niya’ng mag-alas sais na upang ganap na magawa niya ang gustong gawin. She can’t wait to see him again. This time, in reality.

Matagal silang naghintay sa oras, along with her friends habang nasa may di kalayuan ng gilid ng daan.

Finally, nang tumigil pansamantala ang kamay ng relo sa alas-sais ay humakbang na si Hikari patungo sa gilid ng daan kung saan niya mismo nakita si Rohann sa unang pagkakataon noong birthday niya.

Naging malakas ang tibok ng puso niya, positively believing that she and Rohann will finally see each other for real.

She waited a few seconds, until…

The car from not-so-afar suddenly appeared by her sight. Out of the blue, it was as if tumigil sa pag-inog ang mundo niya. The car was Rohann’s. She was sure of it. It has the same color and design. This is it… Nararamdaman niya’ng magkikita na silang muli. But the car was running so fast she couldn’t even think about what to do to make it stop.

Nang malapit na sa kinaroroonan niya ang kotse ay wala na siyang maisip na ibang paraan para mapahinto ito. The adrelin within her worked hard to think and move her body as fast as possible.

Dahilan para mabilis siyang humarang sa gitna ng daan at itinaas ang dalawang kamay sa magkabilang sides ng katawan, senyales na pinahihinto niya ang nagmamaneho niyon. Dahil sa ginawa niya ay nagawa niyang pahintuin ang driver niyon.

It felt like her breathing momentarily stopped habang hinihintay ang paglabas ni Rohann sa kotse nito.

About pearlangeli12

i'm an imaginative kind of person...

Talakayan

18 thoughts on “The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 9

  1. Si robert ang lumabas,,haha

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 5:25 hapon
  2. c Rohann ba talaga ung lalabas??? heheh

    Posted by jeh089 | Disyembre 28, 2010, 8:42 umaga
  3. ahahaha.. my god!! makikita na niya si rohann😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 20, 2010, 2:11 hapon
  4. kinikilabutan ako sa kwentong ito at napakamahiwaga.

    Posted by Jerrica | Setyembre 1, 2010, 7:45 umaga
  5. ooops mkha nhihiwagahan aq s kwento…sarap mangarap…haaay…galing ng writer

    Posted by melai | Hunyo 23, 2010, 7:12 umaga
  6. hikari.🙂 yan din ung pangalan ng bidang babae sa story ng kaibigan ko. nice story.🙂 i love it. malapit na pasok ko. hayy, sana may time pa ko mgbasa dito cause i super dooper love the stories here.🙂 and this story, it’s so exciting… and unique.

    Posted by candy | Hunyo 10, 2010, 5:14 hapon
  7. grave..kakaloka…totoo dn pla c Rohan!..wee..buti n lang hnd lang xa s panaginip…love it…salamat po sa magandang story..ang galing nio po!=)

    Posted by Vanet | Hunyo 10, 2010, 10:50 umaga
  8. wow, totoo ba tlaga un.. as in magkikita cla… galing galing nman *clap! clap! Clap!* next chapter na pls.. ehehehhe.. thanks.. ingatz… makapigil hininga to.. dko alam kng suplado sa personal ang rohann na ya.. ehheheh

    Posted by sjyo_0208 | Hunyo 10, 2010, 7:07 umaga
  9. woooaaa.. parang feeling ko rin na opposite yung mangyayari sa reality.. hmmm.. haha! excited na ko sa mga susunod na chapters :O grabe! napapaisip tuloy ako sa mga mangyayari, haha!

    Posted by jessica | Hunyo 10, 2010, 1:01 umaga
  10. hello guys! thanks poh sa lahat ng nag comment…:) 12 chapters po lahat ang novel na ‘to…sana poh patuloy kayong mag aabang…:) love u guys!!!!

    Posted by pearl angeli | Hunyo 9, 2010, 7:08 hapon
  11. conclusion ko lang ha..
    hindi kaya iba ang mangyayari sa reality ni hikari..
    kabaligtaran sa mga nangyayari sa dream nya…
    kasi i think she’s thinking na ang mangyayari sa reality nya with rohan ay katulad din ng sa mga dreams nya na masaya at puno nh love.. pero parang kabaligtaran namna
    kung ang dream nya ay parang full of happiness at love kasama si rohan… baka kabaligtaran naman ang mangyari sa reality nya..baka full of sad and loneliness…at baka ibang rohan ang makikilala nya..

    Posted by deezz | Hunyo 9, 2010, 6:54 hapon
  12. whoah…totoo nga yung cnabi ng mtanda…..pero bka hindi mabait si rohan jan sa reality…hayy

    Posted by Khira | Hunyo 9, 2010, 4:42 hapon
  13. ang ganda ng story wala akong masabi..very unique talaga!!
    and yes magkikita na rin sila ni rohann kaso ang tanong magugustuhan kaya sya ni Rohann.. in reality??…maiinlove kaya sa kanya si rohan…
    and im just a little bit curious kung magkapareho kaya ang ugali ng rohann sa dream ni hikari at ng rohann sa reality…
    baka kasi ibang Rohann ang makikilala nya sa reality.. sa rohann sa dreams nya…
    bka hindi sweet at baka arogante o suplado…
    unpredictable talaga… sana may next chapter na…
    baka mangyari sa reality nya ngayon ang lahat ng nangyari sa panaginip nya…

    Posted by una | Hunyo 9, 2010, 3:48 hapon
  14. hay naku baka magalit sakanya si rohann…
    baka isang suplado at hindi sweet ang tunay na rohann…

    Posted by una | Hunyo 9, 2010, 3:47 hapon
  15. baka iba ang ugali ni rohann sa panaginip nya sa ugali ni rohann sa tunay na buhay…

    Posted by trixiee223 | Hunyo 9, 2010, 3:35 hapon
  16. uu nga nakakbitin kasi sobrang nakakexcite ung last part….next n pls…ganda ng story kahit nung una mejo naguluhan ako…hehehe…ilang chapter pa po ba ito?

    Posted by jhunez | Hunyo 9, 2010, 12:39 hapon
  17. wow pangalawa ko sa comment
    heheheh
    nakakabitin un ndi ko na mahintay ung kasunod

    Posted by gel | Hunyo 9, 2010, 4:55 umaga
  18. oh my gosh.. hanggang sa dulo nung chapter parang natigil yung paghinga ko!!… its so exciting… at sobrang nakakabitin.. sana next chapter na.. good luck to the writer.. more power… ang galing mo!!

    Posted by kris3515 | Hunyo 8, 2010, 9:45 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: