binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 2 : Finding My True Love

“Manong, paano po ang tubig dito?” ang tanong agad ng kaibigan niyang si Kenny sa may-ari ng bahay na si Mang Kardo. Aakalain mo tuloy na ito ang titira sa bahay na iyon.

” Umiigib lang kame ng tubig dito. Sa may labasan may makikitang poso tapos maraming nakapila doon kami umiigib ng tubig. Kailangan nga lang gumising ng maaga para ikaw mauna sa pila. May iniwang drum sa likod ng bahay ang dating nakatira dito kaya puwede ninyong magamit iyon ng kasama mo.” ang mahabang paliwanag ni Mang Kardo.

“Yuan ayos na ba itong bahay sa iyo at ang tungkol sa tubig?” ang tanong nito kay Yuan ngunit hindi pala ito nakikinig sa kanila dahil busy ito sa kakatitig sa isang babaing nakikipag-kuwentuhan sa tindahan kaya hindi niya alam ang pinag- uusapan nina Kenny at Mang Kardo.

” Yuan, are you with us?” ang tanong ulit niya sa kaibigan at biglang bumalik sa huwisyo ang binata.

” Ano nga ba uli iyong sinasabi m0,pare?” ang napapahiyang tanong niya sa kaibigan ngunit hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa dalagang pumukaw ng kanyang atensyon.

“Ang sabi ko kung okey lang ba sa iyo itong bahay at iyong sa tubig.” ulit na wika ni Kenny.

” Oo naman. Ayos na sa akin iyon.” mabilis na sagot ni Yuan.

” Kung ganoon naman pala maiwan ko na kayo kasi may pupuntahan pa ako. Punta na lang ako dito mamaya kung sakaling may itatanong pa kayo.” pamamaalam nito.

” Sige po,ingat po kayo.” tugon niya.

Nang naiwan na silang dalawa ng kaibigan niyang si Kenny ay inayos na nila ang kaunting gamit na pinamili nila na gagamitin niya sa pagtira sa bahay na iyon.

“Sa tingin mo ba may kakailanganin pa akong bilhin na gamit dito sa bahay?” tanong niya sa kaibigan.

” I think you need to buy new bed. Tingnan mo papag lang iyang tutulugan mo. For sure sasakit iyang likod mo diyan.” sagot nito.

” Ayos na itong papag na ito para tulugan ko. Kasama na iyan sa pagtira ko dito. Kailangan ko na lang magkaroon ng trabaho.” sambit niya.

” You mean maghahanap ka pa rin ng trabahong pang mahirap?” gulat na tan0ng ni Kenny sa kaibigan niyang si Yuan. Hindi kasi niya inaasahang maghahanap din ito ng trabaho bukod sa pagtira sa lugar na iyon. Hindi kasi siya sang ayon sa plano nito dahil hindi niya nakikitang makakaya ng kaibigang matalik ang pagtira sa squatter’s area na iyon sapagkat lumaking mayaman ang kaibigan niya na kahit kelan ay hindi naranasang maghirap.

” Oo, pare sigurado ako. Huwag kang mag-alala sa akin makakaya ko ito. Saka alam mo naman kapag ginusto ko eh.” mabilis na sagot nito.

” Bahala ka talaga. Sana lang hindi ka mahirapan.” sambit nito at iniwan siyang nag-iisa sa sala.

” Kakayanin ko talaga at hindi ako susuko. Makikilala ko rin ang babaing nakalaan para sa akin. Mamahalin niya ko ng totoo at hindi lang dahil sa pera ko” wika niya sa kanyang sarili. Sobra kasi siyang nasaktan sa mga narinig niya sa kanyang dating nobya. Akala niya totoong mahal siya nito dahil siya totoo niyang minahal ito. Aalukin na niya sana ito ng kasal noong araw na marinig niya ang katagang hinding hindi niya makakalimutan at nagbigay ng malaking lamat sa kanyang puso.

Kinagabihan ay hindi dalawin ng antok si Yuan kahit na matagal na siyang nakahiga kaya napagpasyahan niyang magpahangin muna sa labas baka sakaling antukin siya maya-maya. Hindi pa siya nakakaupo sa bangko ng biglang may narinig siyang babaeng humihingi ng saklolo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa kanya na itong sinaklolohan. Nang nakarating na siya sa lugar na iyon ay nakita niya ang babae na hawak-hawak ng dalawang lalakeng lasing sa braso.

“Hoy, kayong dalawa bitiwan ninyo siya kung ayaw ninyong samain sa akin.” ang matapang na pananakot niya sa dalawang lasing.

“Bitiwan nyo ako.” ang nagpupumiglas na wika ng babae sa lasing na may hawak sa kanya.bagamat hindi pa niya masyadong maaninag ang mukha ng babae ay sigurado siyang maganda ito.

“Huwag kang makialam dito lalake. Away magsyota ito kaya umuwi ka na.” ganting wika ng isang lasing habang ang isa pang kasama niya ay kinakaladkad ng papalayo ang kasama nilang babae na takot na takot na.

” Kayo syota ng magandang babaing iyan? Nagpapatawa yata kayo. Tingnan nyo nga iyang itsura nyo ang panget ninyo para patulan ng magandang kasama ninyo.” natatawang wika niya sa dalawang lasing.

” Loko pala ito eh. Tingnan natin ang tapang m0.” sabay sug0d ng isang lasing upang suntukin siya. Ngunit bago pa man makalapit ang lasing sa kanya ay mabilis niyang nasuntok sa mukha ang lasing na agad nitong ikinabagsak. Pero sa pagsugod ng kasama nito ay hindi niya naiwasan ang suntok nito kaya natamaan siya nito ngunit agad naman siyang nakabawi.

” Sige, suntukin mo iyang lasing na iyan. Bastos iyan.” tiling wika ng babaing binastos ng mga lasing.

Kitang kita ng babae kung paano niya bugbugin ang dalawang lasing na lalaki at hindi nagtagal ay kapwang hindi na makabangon sa sakit ng katawan ang dalawang lasing. Nang kanyang matitigan ang babaing kanyang iniligtas sa kamay ng dalawang lasing ay ito rin ang babaing kumuha ng atensy0n niya kanina.

” Salamat nga pala ha! Mabuti dumating ka dahil kung hindi baka may nangyari ng hindi maganda sa akin.” pagpapasalamat ng babae sa kanya.

” Alam mo palang baka may mangyare sa iyong masama pero bakit lumalabas ka ng dis-oras ng gabi.” ang pagsusungit ng lalaki sa kanya.

” May pinuntahan kasi ako kaya ginabi ako.” wika niya.

” Kahit na ba. Sana nagpasama ka para kahit gabihin ka may kasama ka. Para hindi ka nakakaistorbo ng ibang tao” pagsusungit ulit nito sabay salita ulit. Baka naman may iba ka pang ginagawa kaya kahit dis oras na ng gabi nandito ka pa rin sa labas?”ang makahulugang wika nito.

Sa narinig ng babae ay nagpanting na ang kanyang tenga. Bakit? Ginusto ba niyang gabihin siya at kung hindi naman pala bukal sa loob ng lalake ang pagtulong sana hindi na lang siya tinulungan nito at hinayaan na lang siya nito sa kamay ng dalawang lalaking bastos. At napagkamalan pa siya nitong nagbebenta ng laman. Guwapo sana kaso antipatiko.

“Hoy,bakulaw,sinabi ko bang tulungan mo ako? saka hindi ko gusto ang mabastos at kahit kailan hindi ko gugustuhing mabastos ako.” ang mahabang litanya niya sa lalaking nagligtas sa kanya.sobrang natuwa pa naman siya dito dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya. Akala niya gusto talaga siyang tulungan nito at bukal sa loob nito ang pagtulong sa kanya pero hindi naman pala.Isa lang pala siyang istorbo para rito. Hindi man niya gustong sungitan ito ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.gwapo sana ang lalaki kaso masama ugali. Masamang masama talaga ang loob niyang nilisan ang lugar na iyon. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang lalaki na magsalitang muli. Agad na niya itong tinalikuran. Wala na siyang pakialam kung may gusto pa itong sabihin sa kanya dahil para sa kanya sapat na ang nasabi niya rito ang kanyang saloobin.

Habang nakahiga na si Yuan ay hindi mawala sa isip niya ang namagitan sa kanila kanina ng babaing kanyang tinulungan. Hindi naman niya talaga nais na sungitan at pagsalitaan ng ganoon ang babae dahil nabigla lang talaga siya. Nais man niyang bawiin ang kanyang mga nasabi ay alam niyang huli na. Sana lang talaga ay mabigyan siya ng pagkakataong makitang muli ang babae para makahingi siya ng tawad dito.Sana rin kahit malabo ay mabigyan siya ng pagkakataong maging kaibigan ito.

Pagkauwi naman ni Yanyan sa kanila ay naabutan niyang gising pa ang kanyang dalawang kapatid. Sigurado siyang hinintay na naman siya ng mga ito.

Oh! Kayong dalawa bakit gising pa kayo? Maaga ang pasok ninyo,di’ba? tanong niya sa mga ito. Syempre hinintay ka namin. Alam mo namang hindi kame makakatulog nito hanggang wala ka dito sa bahay eh.” mabilis na sagot ni Ricky. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang napansing malaking pasa sa braso ng kanyang ate. Agad niya itong nilapitan at sinuri. Ano’ng nangyare dito,ate? puna nito sa pasang nasa braso niya habang hawak ang kanyang braso. Naging pasa pala agad ang naging mahigpit na hawak ng dalawang lasing sa kanyang braso.

Ah! eto ba? Naku! wala ito, Ricky. Nabangga lang ako sa may pinto kanina kaya nagkapasa ako.” tanggi niya dito.

“Saang pinto naman,ate.” tanong ng bunso niyang kapatid.

“E,d itong pinto natin.” maagap na sagot niya sabay turo sa pinto nila.

“Sana,ate nag-iingat ka para hindi ka nagkapasa ng ganyan. Masakit ba,ate?” inosenteng tanong nito habang tinitingnan ang kanyang brasong may pasa.

“Medyo lang naman pero okey lang ito.Kayang kaya ni ate.” mabilis na sagot niya.

“Next time mag-ingat ka na,ate ha! ” wikang paalala naman sa kanya ng isa pa niyang kapatid na si Ricky.

“Hay salamat. Naniwala rin sila sa akin.” wika niya sa kanyang sarili.

Pero ang totoo ay hindi naniniwala sa kanyang sinabi ang kanyang kapatid na si Ricky.Dahil alam nitong hindi lang basta nabangga sa pintuan ang kanyang ate kaya ito nagkapasa. Bakit naging dalawa ang pasa nito sa braso? Imposible namang nagkataong nabangga ang dalawang braso nito ng sabay. Kanya itong aalamin sa mga susunod na araw. Ayaw na niyang mag-usisa pa dahil ayaw na rin niyang mag-alala pa ang kanyang isa pang kapatid sa totoong nangyare sa kanilang ate.

“Opo mga kuya ko. Tulog na tayo ha! Antok na ako eh.” ang pagtatapos niya ng kanilang usapan.

“Good night,ate Yanyan.” wikang sabay ng kanyang dalawang kapatid at humalik sa kanyang magkabilang pisngi.

“Goodnight din sa inyong dalawa.” ganting wika niya sabay halik sa mga pisngi nito.

“Oy,bez kanina ko pa nahahalatang sambakol iyang maganda mong face ha! Mabuti na lang mabenta pa rin itong tinda natin dahil kung hindi ikaw talaga may kasalanan. May problema ka ba,bez?” sitang wika ni Cleo dahil kanina pa niya nahahalata ang kaibigan. Hindi kasi ito ganoon katahimik. Si Cleo ang matalik na kaibigan ni Yanyan. Halos lahat ng kanyang problema ay alam nito.

” Loka! wala akong problema noh! Pagod lang ako.” tanggi niya.

” Alam mo Ms.Marianna Baltazar hindi mo ako maloloko. Deny deny ka pa diyan. Ano nga problema mo? Malay mo
makatulong ako sa iyo.” pangungulit ng bestfriend niyang si Cleo.

Alam na alam niyang hindi siya nito tatantanan sa pangungulit hanggang hindi siya magsasabi dito.

” Hay naku! Talagang sinabi mo pa ang full name ko. Napakakulit mo talaga, Ms. Cleotilde Asilo.” panggagaya niya sa kanyang kaibigan sa pag tawag nito sa kanyang buong pangalan.
Sigurado siyang maiinis na naman ito sa kanya dahil sa pag tawag niya dito ng buong pangalan nito na Cleotilde.

“Kainis ka talaga,bez! Alam na alam mo namang naiinis ako kapag tinatawag ako sa totoong name ko pero ginagawa mo pa rin.” inis na sambit nito.

“Ikaw naman ang nag- umpisa tapos magagalit ka diyan.” wika niya sabay tawa.

“Nagtatanong lang naman ako tapos deny deny ka pa diyan. Halata namang meron eh.” si Cleo.

“Hindi naman problema noh! Naiinis lang ako sa isang lalake kagabi. Sobrang naiinis talaga ako sa kanya. Kapal ng mukha niya.” gigil na gigil na wika niya na makikita mo talaga sa mukha niya
ang tindi ng inis niya para sa lalaki.

“Sinong lalake naman iyan? Guwapo ba siya at macho,bez? Pakilala mo naman ako kung guwapo.” sunud-sunod na tanong ni Cleo sa kanya.

“Hindi ko kilala ang mukhang bakulaw na iyon. Sana hindi ko na siya makita pang muli. Baka kung ano pa magawa ko sa kanya.” mabilis na wika niya.

“Eeeewwwww! Wag na lang kung mukhang bakulaw noh! Iyong-iyo na siya,bez. Ano bang ginawa niya sa iyo ng bakulaw na iyon at ganyan ang pagkainis mo sa kanya? Sabihin mo nga,bez.” muling wika nito.

“Sasabihin ko sa iyo,bez pero secret lang natin ha! Huwag na huwag mong sasabihin lalong lalo na sa mga kapatid ko lalo kay Ricky. Mangako ka.bez.” mahabang wika niya sa kaibigan at
gusto pa nitong mangako ito.

“Over ka,bez ha! Kailangan ko pa talagang mangako. Oh siya! Sige na,pangako secret lang natin ito at hindi ko sasabihin lalo sa mga kapatid mo.” pangako niya kay Yanyan kahit na gulong gulo pa rin siya
dahil sa gusto pa siya nitong mangako.

“Ganito kasi iyon,bez kagabi muntik ng may mangyare sa akin. Habang pauwi ako sa amin may biglang humarang sa akin na dalawang lasing tapos kinakaladkad nila ako sa madilim na lugar.
Syempre nagpupumiglas ako at humihingi ng tulong ng biglang may dumating na isang lalake para tulungan ako. Tapos iyon pinagbububugbog niya iyong dalawang lasing na iyon. Grabe talaga iyong suntukan nila.”
mahabang kwento niya sa kaibigang si Cleo.

“Hala! Muntik ka ng ma-rape kagabi? Mabuti pala natulungan ka nung guy. Nasaan na pala iyong guy na iyon? Kaya ka pala tahimik diyan dahil sa nangyari sa iyo kagabi.” gulat na wika nito at nagtanong uli.

“Hindi lang doon sa muntik na akong ma-rape dahil na rin doon sa guy na tumulong sa akin. Gigil na gigil ako sa inis sa bakulaw na iyon.” ani niya.

“Bakit ka naman gigil na gigil sa inis doon sa bakulaw na tumulong sa iyo? Di ba dapat matuwa ka sa kanya. Utang mo sa kanya iyang buhay mo.” sambit ni Cleo.

“Paano ako matutuwa sa bakulaw na iyon,pinagsalitaan ako ng masama noh. Saka hindi naman pala bukal sa loob niya ang pagtulong sa akin at isa raw akong istorbo. At heto pa ang matindi na sobrang ikinainis
ko sa kanya baka raw may iba pa akong ginagawa kaya kahit dis oras ng gabi nasa labas pa ako.” nabuhay na naman ang pagkainis niya sa lalaking tumulong sa kanya.

“Talaga,bez sinabihan ka niya ng ganoon? Pero teka nga, ano ba kasi ang ginagawa mo sa labas ng dis oras ng gabi?” tanong ni Cleo dahil maging siya ay nagulat bakit nasa labas pa ang kaibigan niya. Kaya naman
tiningnan niya ito ng may ibig sabihin.

“Bruha ka,bez! Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin iyon at kahit kailan hindi ko magagawa iyon. Nagtitinda ako ng balot,penoy at chicharon kagabi kaya ako ginabi ng
uwi. Nagsideline ako kay Mang Tonio sayang din naman kasi ang kikitain ko doon.” ang mahabang paliwanag niya sa kaibigan.

“Ikaw talaga,bez basta raket ang daming alam.. Sana man lang sinabihan mo ako para join force tayong dalawa at may kasama ka na rin.” ani ni Cleo.

“Sige sa makalawa sama ka sa akin. Pero ngayon ubusin na muna natin itong paninda natin para makauwi na tayo” tugon ni Yanyan.

“Pero bago iyan,bez may itatanong muna ako sa iyo ha! Paano kung magkita kayo ng bakulaw na tagapagligtas mo
ano ang gagawin mo?” tanong ni Cleo na ang tingin kay Yanyan ay may kakaibang ibig sabihin.

” Bakit mo naman naitanong yan,bez?” tanong niya.

” Just answer my question,bez.” wika nito.

” English iyon ah. Simple lang sasampalin ko lang naman siya ng mag-asawang sampal. Nakalimutan ko kasing gawin iyon kagabi sa inis ko sa kanya eh. Mabuti na lang naitanong mo iyan. Kaya kung ako sa kanya huwag na huwag siyang magpapakita sa akin.” tonong may pagbabanta niya.

” Kakatakot ka naman,bez. Kawawa naman pala si bakulaw pag nagkita kayo.” sabay tawa ng malakas.

” Kawawa talaga at pati ikaw magiging kawawa kapag hindi ka pa tumigil diyan.” pananakot niya.

” Opo, Ms.Marianna Baltazar tatahimik na po. Katakot naman.” huling salita nito at inayos na lang ang kanilang natitirang panindang gulay.

Pero ang totoo ay hindi pa niya talaga alam ang kanyang gagawin kapag nakita niyang muli ang bakulaw na iyon. Sa totoo ay inis na inis pa rin siya dito at ayaw niya munang makita ito. Dalangin niya ay sana hindi na sila magkita pang muli nito.

Kaya lang sadyang mapagbiro ang tadhana. Talagang mangyayari sa hindi mo inaasahan ang ayaw mong mangyare sana. Kainis na buhay talaga!

Talakayan

7 thoughts on “Chapter 2 : Finding My True Love

  1. n_n

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 4:45 hapon
  2. Hm. . Excitd ako sa upcoming chapter. . Haha

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 1:21 umaga
  3. ahahahah! . .ang kulit ni yanyan dpat nga mgpasalamat pa xa kay yuan ei. . .heheh
    but sbi nga nila. .
    HATE IS JUST A THIN LINE AWAY FROM LOVE. .har!har!

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 29, 2012, 3:33 hapon
  4. ehehehe kung sino pang ayaw mo un pang lalong makikita mo,talagang mapagbiro ang tadhana weeewwwwww

    Posted by pea | Enero 8, 2011, 9:26 hapon
  5. Next chapter pls….. this story is brilliant and romantic… Thanks to the Writer….
    mwaaaaaaahhhh! God Bless!

    Posted by Faith Evardo Sapong | Hunyo 10, 2010, 12:19 hapon
  6. im looking forward for the next chapter…
    nagustuhan ko ang concept ng story nito..

    Posted by Dana Faye Andrew-Fonacier | Hunyo 9, 2010, 8:46 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: