binabasa mo ang...
The Man of Hikari's Dreams

The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 8

Chapter 8

She was wrapped in confusion, unable to think right on what on Earth is happening now. Paano siya napunta sa kanyang silid gayong kani-kanina lamang ay kasama niya si Rohann? Tumayo siya at agad na tinungo ang silid ng kanyang mga magulang. Kinatok niya ang nakasarang pintuan.

Makaraan ang ilang minuto ay bumukas ang pintuan at lumantad ang inaantok pang ina niya.

“O, nagising ka na pala, anak,” pupungas-pungas pang wika ng mama niya. “Buong araw kang tulog. Ni ayaw mong magpagising.” Naiiling ito habang sinasabi iyon.

She was shocked hearing that.

“A-Ano? Buong… araw…”

“Yes of course! Hindi mo ba alam na tulog na tulog ka buong araw?”

Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari, but what she is certain of is that something wrong is happening, isang bagay na hindi normal.

“M-Ma… What about Rohann?”

Ngayon ay kinakabahan na siya, sa hindi niya maipaliwanang na dahilan.

“Rohann?,” kunot-noong tanong nito. “Kaninang hapon nang magising ka ay itinanong mo rin sa akin ang tungkol sa pangalang iyan. But… Who really is that person? I couldn’t even ask you again dahil bumalik ka na sa pagkakahimbing.”

Natigilan siya. Natutulog lang siya?

Tears began forming in her eyes. Ngayo’y hindi na basta kaba ang nararamdaman niya. Takot na siya. Takot siya sa isang hinala na baka… Siya ay nananaginip lamang nang mga sandaling nakilala niya si Rohann.

No!, pilit na deny ng kanyang isipan. This is absurd but I know I wasn’t just dreaming!

Nang makilala niya si Rohann… Noong mga sandaling nakasama niya ito… It was all real.

“Ma, what are you saying?,” pilit na deny niya sa sarili. “I wasn’t sleeping all day. Kasama ko si Rohann. Remember…? Ipinagpaalam niya nga ako sa inyo ka— k-kanina…” She was confused kung kailan nga ba naganap ang tagpong iyon.

Kunot-noong tinitigan siya ng kanyang ina.

“That was odd,” anito. “Ni wala akong ideya kung ano ang pinagsasabi mo, anak.”

“Bakit hindi n’yo kilala si Rohann? Siya ang… Siya ang taong naksagasa sa akin, di ba?”

Nang marining ng mama niya iyon galing sa kanya ay agad itong nahintakutan.

“Anong nakasagasa?,” she asked worriedly. “Ano bang pinagsasabi mo, anak? Diyos ko… Ako’y natatakot sa mga pinagsasabi mo.”

Nagising ang papa niya at tarantang napabangon. Marahil ay narinig nito ang huling sinabi niya at ng ina.

“Hikari, what did you just say?,” anito nang makalapit sa kanila. “Noong isang araw ay dinala ka rito nina Julia at Steve na antok na antok at tila wala sa sarili. Pagdating na pagdating mo ay agad kang nakatulog sa sala kung kaya binuhat na kita patungo sa silid mo,” pagbibigay-alam nito sa kanya.

“D-Dinala ako dito nina Steve at Julia?”

“Yes, anak,” sagot ng mama niya. “That was your birthday.”

Para siyang binagsakan ng langit sa narinig buhat sa ina.

So, that’s it. She was just only dreaming. At ang lahat ng nangyayari ay panaginip lamang at pawang ilusyon lamang na likha ng kanyang isipan.

Nanghihinang napasandal siya sa wall ng silid na iyon. Hindi niya matanggap iyon sa sarili niya.

“Hikari, anak,” wika ng mama niya. “Are you okay?”

Wala sa sariling napatango na lamang siya.

Kaya pala tila walang alam ang mga magulang niya sa mga pinagsasabi niya. Dahil panaginip lang ang pala ang lahat. Ang lahat ng nangyari sa peryahang… Nang masagasaan siya, nang makilala niya si Rohann, nang maging bahagi ito ng buhay niya… That was all just a dream! At tila gumuho ang daigdig niya nang mga sandaling iyon.

“Hikari… You better go back to sleep now,” sabi ng kanyang ama. “Bukas ay may pasok ka pa sa eskwela.”

Wala sa sariling binuksan niya ang pintuan at lumabas na lamang sa silid na iyon.

Napapailing na lamang ang mga magulang niya habang sinusundan siya ng tingin.

Nang makabalik sa kanyang silid ay hindi na napigilan ni Hikari ang mga luhang kanina ay namumuo sa kanyang mga mata.

The thought of him… It makes her want to cry. Just when he was proposing to marry him… Just when he told her he want to spend the rest of his life with her…

Lahat ng iyon ay likha lamang ng kanyang imahinasyon. And that wasn’t real. It didn’t really exist in her reality.

Just when she have loved him and set her world to only him.

Pagkakinabukasan ay pinilit ni Hikari ang sariling pumasok sa school. Habang nagbibihis ay hindi niya maiwasang isipin na baka nananaginip lang uli siya.

Silly…

Ngunit alam niyang ngayon ay gumagalaw na siya sa kanyang reyalidad.

“Ma..,” aniya sa ina habang kumakain. “Hindi na po ba ito isang panaginip?”

Ang kanyang mama na abala sa kusina ay natawa sa weird niyang tanong.

“Of course this is not a dream, Hikari,” naiiling na sagot nito na natatawa.

Hungkag ang isipang bumalik na lamang siya sa pag kain.

Nang makapasok na sa eskwelahan ay parang naninibago na tuloy siya. Para bang ilang araw siyang nawala doon at ngayon ay bumalik na siya sa reyalidad.

“Hikari!”

Napalingon siya. It was Julia. Kasama nito si Steve. Nagmamadali ang mga ito habang papalapit sa kanya.

Ngumiti siya ng pilit.

“How are you?,” nakangiting tanong ni Julia sa kanya.

“I-I’m fine,” kaila niya.

“Sure?,” duda ni Steve. “Eh mukhang wala ka yata sa sarili the last time we were together at nang maihatid ka namin sa inyo. You are weird, Hikari.”

Hindi niya makuhang mag-react sa mga pinagsasasabi ng mga ito.

“Hali ka na,” aya ni Julia sa kanya at hinala siya. “Mag-uumpisa na ang first subject natin. Nagawa mo na ba iyong thesis natin?”

Biglang sumakit ang ulo niya pagkaalala sa bagay na iyon. Ang nakakalokang thesis na iyon ay hindi pa niya nasimulan!

And this is reality…, nasabi na lamang ng isipan niya.

Habang nagli-lecture ang kanilang professor ay talagang wala sa silid na iyon ang isipan niya. She was thinking about those days in her dream kung saan kasama niya si Rohann.

Rohann…

No wonder the name sounds so mysteriously. But he was just a dream.

But, why? If he is just a dream… Why does it felt so real? His kisses… his warm embrace… It all felt so real to her. Bakit panaginip lang ang lahat ng iyon?

Bigla niyang naalala ang tagpo sa panaginip niya na nakapagpalito sa kanya.

“Nag-aagaw-buhay ka nang madala ka sa ospital. Umaagos ang maraming dugo sa
katawan mo that time. In fact, tarantang taranta ang mga tao sa paligid, lalong
lalo na kami. At ang kaliwang binti mo..,” sabi ni Julia.

Napatingin siya sa kaliwang binti na wala nang benda.

“What’s with my left leg?,” takang tanong niya sa mga ito.

“It was seriously wounded,” pagbibigay alam ni Steve. “Tingin nga namin ay hindi lang
basta sugat, eh. Fracture na yata.”

Ngayon ay naliwanagan na siya. Her wounds healed so fast. She didn’t even feel any pain. Dahil iyon ay panaginip lang pala…

But… Why does she felt her heart beat so fast whenever she’s in an enormous situation? Noong mga sandaling inaasam niya na makitang muli si Rohann, noong magkita sila, and when he kissed her… She could feel her heart beat. And when she is in danger nang pilit siyang dalhin ni Robert kung saan and Rohann was there in time to rescue her from an impending danger.

She spent all her time thinking about the events that happened in her dream. Hindi man lang niya namalayan ang oras at agad niyang narinig ang bell na nag-ring.

Class dismissed.

“Pizza time!,” excited na wika ni Julia.

Si Steve naman ay nakangiti habang nagti-ext.

“Hoy, bruhita,” ani Julia kay Steve. “Libre mo ngayon, ha? Noong isang araw ay libre ni Hikari ang mga kinain natin sa peryahan.”

Nagkibit na lamang ng balikat ang baklang kaibigan.

“Hati-hati na lang sana tayong dalawa, Julia.”

Sa peryahan… Nang marinig ang salitang iyon ay nalungkot na naman si Hikari.

Tinungo nila ang paboritong Pizza House at umorder ng masarap na delicacy doon.

Pre-occupied pa rin siya hanggang ngayon. She was physically present but her mind is somewhere.

Suddenly ay may pumasok sa loob ng Pizza House na iyon. Nakita niya mula doon si Robert na nakaakbay sa girlfriend na si Trixie.

“The nerve,” inis na sambit ni Steve na nakatingin din sa mga bagong pasok.

“Ang kapal talaga ng mukha,” segunda naman ni Julia.

And so, everything in her dream wasn’t really true, after all. Sa kanyang panaginip ay sinabi ni Robert na hiwalay na sila ni Trixie at gusto nitong makipagbalikan sa kanya. Nais niyang matawa. She has weird dreams. And she is staring to be weird.

But Rohann…

Gusto niyang maiyak na naman. Rohann was the best thing that ever happened in her sleep.

“Guys…,” aniya sa mga ito.

Napatingin ang mga kaibigan sa kanya.

“What really happened to me nang nasa peryahan tayo?” She wanted to know why it all happened to her. It was a mystery to her, kung paano siya inihatid nang mga ito sa kanilang bahay, since she really didn’t recall everything.

“Hindi mo man lang naalala?,” Steve asked unbelievably.

“No, not exactly,” she honestly said.

“Weird,” anito.

“When we were eating at that fast food chain,” Julia started to tell her everything…

“Guys,” ani Hikari at tumayo. “Punta muna ako sa CR.”

“Sure, go ahead,” wika ni Julia at nagpatuloy sa pagtatatalak habang kumakain. Si Steve naman ay halatang aliw na aliw sa mga kwento ni Julia.

Ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik si Hikari.

“Ano bang nangyayari doon at natagalan?,” takang tanong ni Steve.

“Baka nag-diarrhea,” biro ni Julia na natatawa.

“Eeew!,” sambit naman ni Steve na ngumingiwi. “Ang yuck mo talaga, friend! Alam mo namang pareho tayong kumakain!”

“Eeew ka diyan! Eh baka nga naman talaga…”

“Whatever…”

Matagal pa silang naghintay ngunit hindi pa rin bumabalik ang kaibigan. They started to feel nervous kung kaya agad silang umalis ng fast food chain na iyon ay hinanap si Hikari. They didn’t find her at the comfort room kung kaya naglakad-lakad sila at patuloy na hinanap ang kaibigan. Bumalik sila sa fast food chain na pinagkainan ngunit wala rin doon si Hikari.

“Nasaan ba ang bruhang ‘yon?,” ani Steve. “Baka may nakilala ‘yong gwapo at hindi na tayo binalikan. Traydor na Hikari’ng ‘yon, ah.”

“Look,” agaw-pansin ni Julia kay Steve. “Hayun si Hikari!,” turo nito.

But they were shocked nang makita itong tila wala sa sariling nakatayo sa gilid ng daan at tulala.

“Ano bang drama niya?,” takang tanong ni Steve.

Nilapitan nila ang kaibigan.

“Hey, Hikari,” gising nila dito.

Ngunit wala itong anumang reaksyon, istead ay nakatingin ito sa kawalan.

Takang nagkatinginan sina Steve at Julia.

“What?” Hindi makapaniwala si Hikari sa kwento ni Julia.

“That was what happened,” Julia said.

“At para kang baliw nang mga sandaling ‘yon,” natatawang wika naman ni Steve.

Bigla siyang napaisip. Kung ganoon ay tulala siya sa daan ng mga sandaling iyon at walang alam kung ano ang nangyayari. Hindi siya nasagasaan o anuman. Pero kailan nga ba naganap iyon? Noong mga sandali bang papunta pa lang siya ng CR? No, natatandaan pa niya ang pangyayaring iyon.

Bigla ay may naalala siya.

That old woman!

Nang makabangga niya ang matandang iyon… She knew, that woman isn’t just a dream. Tiyak niyang nakabangga niya ang matandang manghuhulang iyon. Dinala nga siya nito sa isang silid at hinulaan.

At nang nilisan niya ang silid na iyon, iyon yong panahong…

Tumayo siya nang may maisip na gagawin. She need to find out everything! At ang matandang iyon lang ang makakasagot sa mga katanungang nagsusumiksik sa kanyang isipan. That old woman is the key to everything.

“Hey, Hikari, aalis ka na?,” takang tanong sa kanya ni Julia.

“I need to find out something.” Iyon lang at nagmamadali na siyang umalis.

Naiwang nagtataka sina Julia at Steve.

Pumara siya ng taxi at sinabihan ang driver na sa lumang peryahan ang punta niya.

Nang makarating doon ay nagmamadali siyang naglakad sa direksyong patungo sa silid kung saan siya dinala noon ng matandang manghuhula. Natatandaan pa niya kung saan iyon. Ngunit nang makarating sa bahaging iyon ay wala na ang silid na iyon.

“Manong,” tawag niya sa isang lalaking tagabantay sa isang silid katabi ng silid na pinagdalhan sa kanya ng manguhuhula noong isang araw.

“Ano iyon?,” tanong nito.

“May… May kilala po ba kayong matandang ale na nanghuhula sa bahaging ito?”

“Wala, eh,” iling nito. “Wala nang manghuhula sa peryahang ito, sa pagkakaalam ko. Noon, mayroon dito ngunit humina na ang kita kaya lumipat na sa ibang peryahan.”

“S-Sigurado po ba kayo?”

“Oo. Matagal na ako dito, ineng. At kilala ko na lahat ng naririto.”

She didn’t give up. Patuloy siyang naghanap sa buong paligid. Ngunit inabot na lamang siya ng gabi at hindi niya nakita ang matandang iyon.

She decided to go home.

Hungkag ang kalooban niya nang marating ang silid. And again, she cried.

Bakit nangyari ito sa kanya? She didn’t longed to meet the man he yearns in just a dream. Will it remains just a dream?

Humiga siya sa malambot na kama. She couldn’t stop crying.

Will I ever see you again, Rohann? And if I was just dreaming, can I just sleep forever and see you again and be with you for the rest of my life… even if it’s only just a dream?

All of a sudden… Bumalikwas siya ng bangon nang makita sa kanyang study table ang isang bagay na pamilyar na pamilyar sa kanya.

The precious ring Rohann gave her that moment when he proposed to her!

About pearlangeli12

i'm an imaginative kind of person...

Talakayan

14 thoughts on “The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 8

  1. Omg!sabi n multuhan to e!!!!!!

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 5:17 hapon
  2. oh my G! goosebumps to the max!

    Posted by aileen | Oktubre 16, 2013, 8:30 umaga
  3. grabeh…kinikilabutan ako…

    Posted by jeh089 | Disyembre 28, 2010, 8:31 umaga
  4. paano napunta ang singsing dun? whew!! ang ganda ng story ah..😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 20, 2010, 11:32 umaga
  5. ngayon q lng aq ngstart bsahin kc nman late q n find out 2ng column n2…bat ok lng kc interesting cya ha…

    Posted by melai | Hunyo 23, 2010, 7:02 umaga
  6. ma’am it’s been 5 days since you posted this chapter…..i can’t wait to read your next chapter for this story…..weeeeeeeeehhhhh post na po ninyo PleaSe……
    me so excited….hehehe

    Posted by khira | Hunyo 8, 2010, 4:00 hapon
  7. thanks u so much for the comments guys….:) every tuesdays and thursdays po ang posting nito…:) thanks talaga…:) sana patuloy kayong magbasa sa mga works q..tc poh and GOD bless!!

    Posted by pearlangeli12 | Hunyo 6, 2010, 3:53 hapon
  8. I’ve read many books already, but not as unique as this. Although the writer has to be more careful with the use of “was” to her sentences when she refers to present happenings. Other than that, her idea is competely refreshing. A promising future lies ahead of you… Kelan ipopost ang next chapter? Ecxited nako. 2 thumbs up!!!!🙂

    Posted by Claire | Hunyo 5, 2010, 9:26 hapon
  9. fantasy!

    Posted by senti | Hunyo 5, 2010, 9:32 umaga
  10. GRABE! ang ganda ng story..kakaiba sa lahat ng nabasa ko na..nakaka excite naman kung anong mangyayari..mahiwaga ung sinasabi ng matandang manghuhula.
    ilan pang chapter ang hihintayin namin?

    Posted by shon | Hunyo 4, 2010, 2:05 hapon
  11. wahhhhhhhhh.. my multo… ehehehe. bkit napunta don ang singsing.. db panaginip lng ang lahat..

    hay.. next chatper na pls…. thanks

    Posted by sjyo_0208 | Hunyo 4, 2010, 10:27 umaga
  12. grabeh…nakakakaba naman to…panong napunta ung singsing dun sa room????a big question with an exciting answer…i can’t wait for it….ilang chapter po b ‘to lahat?excited na talaga ako…clap clap clap….galing po….thanks….

    Posted by jhunez | Hunyo 4, 2010, 9:28 umaga
  13. WOW! ang ganda tlaga!
    post na po yung nxt……

    Posted by khira | Hunyo 4, 2010, 8:34 umaga
  14. OMG!ano to?hindi ko maintindihan..panu napunta yung ring sa room nia?..ahayst…cant wait 4 nxt chhapter,,super duper interistng tlga ang story…hehe..sana hindi lang panaginip si Rohann

    Posted by Vanet | Hunyo 3, 2010, 11:03 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: