binabasa mo ang...
The Man of Hikari's Dreams

The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 6

Chapter 6

Hindi niya namamalayan ang nagaganap sa paligid niya. Ang alam niya, nararamdaman niyang niyayakap siya ni Rohann ng buong higpit.

“Thank you, Hikari. Thank you for being part of my world,” he gently said.

Dinig na dinig niya ang tibok ng puso ni Rohann habang nakayakap dito at nakadikit ang tainga sa malapad nitong dibdib.

“Thank you for spending your time with me,” dagdag nito.

She raised her head and meets his eyes.

This guy… This guy was the most striking thing that ever happened to her life. Hindi niya inasahan ang pagdating nito sa buhay niya.

“You’ll… You’ll stay, right?,” she asked him.

“Yes,” walang pagdadalawang-isip na sagot nito. “I’m staying here and you’ll be with me. We’ll be together, Hikari.”

It sounded like music to her ears. She wished it would be forever, and it would have no ending. Just pure happiness… Like what she is feeling right now.

“Can you promise that?” she again, asked.

“I promise,” he said, and then gently cupped her face and sealed it with a kiss.

Iyon lang at napanatag na ang loob ni Hikari.

They shared a kiss full of passion and tenderness.

Their future might be uncertain. Pero bahala na. Ang iisipin niya ay masaya siya, at sa ngayon, iyon lamang ang natatanging bagay na mahalaga para sa kanya.

“What? You mean, kayo na?,” gulat na wika ni Julia nang malaman mula sa kanya na saila na nga ni Rohann. Hindi ito makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

“Yes,” she simply answered with glitters in her eyes. Talagang napakasaya niya ngayong araw na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Sila na nga ni Rohann, ang lalaking sa kaibuturan ng puso niya ay lihim niyang inaasam na makasama… habang buhay.

“Oh-my-God!,” mariing sambit nito na nandidilat ang mga mata sa matinding pagkasurpresa.

Naroroon sila sa kanilang classroom at kasalukuyang nagbi-break.

Nang masulyapan sila ng baklang si Steve ay napalapit ito sa kanila out of curiosity nang makita ang kakaibang reaksyon ni Julia.

“O, ano na namang latest at mukhang hindi maipinta ang mukha mo, Julia?,” tsismis ni Steve sa kanila nang makalapit.

“Oh, Steve, you wouldn’t believe it, pero alam kong masu-surprise ka talaga sa balita na ‘to,” Julia said to Steve.

“O, ano na naman ‘yan? Baka isa na naman ‘yan sa mga nonsense topics mo,” ani Steve kay Julia.

Napapangiti na lamang siya habang pinagmamasadan ang dalawang kaibigan.

“Sina Hikari at Rohann ay mag-on na!,” napapatiling wika ni Julia.

“Whaaat?” Maging ang mukha ni Steve ay hindi maipinta sa matinding pagkagulat. Binalingan siya nito. “Is that true, friend?”

Napapangiting tumango siya.

“Oh gosh…” Napayakap ang baklang kaibigan sa kanya. “I’m so happy for you, friend! Napaka-swerte mo naman. Kahit ilang beses pa lang naming nakasalamuha si Rohann ay masasabi na naming mabait siya at gentleman. At mukhang concerned na concerned talaga siya sa iyo. Tama lang na sinagot mo siya at nakalimutan mo na nga si Robert. Pero… Bakit ang bilis naman yata?”

“Hay naku,” singit ni Julia sa usapan. “Hindi na iyon importante, friend. Ang mahalaga, masaya ang kaibigan natin, right?” Inakbayan siya ni Julia.

“Oo nga naman,” ani Steve na binale-wala na lamang iyon. “Saka sa ganoon kagwapong lalaki, kahit ako ay hindi na makaka-dare na magpakipot, ano.”

“Ako rin,” pilyang sang-ayon ni Julia.

“Loka,” aniya sa mga ito na naiiling kahit nakangiti.

Natapos ang klase nila at hindi pa rin mawaglit-waglit ang masayang ngiti sa labi niya. Nang i-dismiss na sila ng kanilang propesor ay nagmamadali siyang lumabas ng room. Hinayaan na lamang siya nina Julia at Steve habang sinusundan siya ng tingin. Marahil ay nakakaintindi ang mga ito na sobrang nananabik siyang makita muli ang nobyo. Nang ihatid kasi siya nito sa bahay nila kagabi ay sinabi nitong araw-araw na raw siyang susunduin nito pagkatapos ng kanilang klase.

Kaya ngayon ay excited na excited na siyang muling makapiling ang binata.

Ngunit hindi niya inaasahan ang paglapit ng isang lalaking hindi niya inaasam na makita. Si Robert.

“Hikari…”

“Anong kailangan mo, Robert?,” aniya na biglang nawala ang magandang mood pagkakita dito.

“Hikari, let’s talk.”

“What for?”

“About us,” diretsang sabi nito.

“What about us?”

“Alam mo namang hanggang ngayon ay in love pa rin ako sa’yo, di ba? Bakit ayaw mong makipagbalikan sa akin, ha?”

Napapailing siya. This guy is impossible! At may gana pa itong tanungin ang bagay na iyon sa kanya?

“Napakamanhid mo talaga, Robert. Sinasabi ko nang wala na akong nararamdaman para sa iyo. At saka… Wala ka nang aasahan sa akin dahil may boyfriend na ako.”

Bahagya itong natigilan sa sinabi niya.

“Boyfriend”,” natatawang sambit nito nang makabawi mula sa pagkabigla. “You mean, napalitan mo na ako, Hikari?”

“Yes.”

“And do you think I would believe that crap, ha?,” anito at hinawakan siya ng mahigpit sa siko. “Gumagawa ka lang ng istorya para makawala sa akin. Pero ang totoo, in love ka pa rin sa akin pero natatakot ka ba, di ba?” Inilapit nito ang mukha sa kanya, aktong hahalikan siya.

Nagpupumiglas na iniwas niya ang mukha dito at pinilit na makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya.

“Let go of me!”

“No way,” he said with a wicked smile. “Ngayon ay wala ka nang kawala sa akin, Hikari. Sa ayaw at sa gusto mo ay babalik ka sa akin. Hali ka at sumama sa akin,” anito at aktong hihilain siya.

“Robert, ano ba?,” nagpupumiglas na aniya dito. “Bitiwan mo ako! Why can’t you understand that I don’t have any feelings for you anymore?!”

Natawa ito sa sinabi niya. “Talaga? Pwes, patunayan mo sa akin ‘yan mamaya.”

Biglang nanginig ang tuhod niya sa takot. Buong lakas siya nitong hinala, ngunit…

“Bitiwan mo siya,” narinig niyang wika ng isang kalmadong boses. Alam niya, boses iyon ni Rohann. She felt safe now that she’s aware he’s here.

Natigilan si Robert nang makita si Rohann.

Makalipas ang ilang segundo ay nagtatawa si Robert saka binalingan siya. “Hikari, siya ba ang sinasabi mong boyfriend mo? That man? Di ba siya iyong muntik nang makasagasa sa’yo noong isang araw?”

She remembered that day when Rohann almost caused her life in danger for the second time, when she tried to run so fast just to avoid Robert. Here… in this same old place…

“Look how cheap you are,” Robert said with an insulting gaze on Hikari. “Kakakilala mo pa lang sa isang lalaki ay bumigay ka na. Samantalang ako na matagal mo nang kilala at ngayo’y nakikipagbalikan sa iyo ay nagpapakipot ka pa.”

Nagpumiglas siya. Sumusobra na ang ungas na ito!

“I said, bitawan mo siya,” buo na at galit ang boses ni Rohann. Nang mapatingin siya sa mga mata nito ay nag-aapoy ang mga iyon sa galit.

Matagal munang naglalaban ang paningin nina Rohann at Robert, nang sa huli ay napalitan si Robert na bitawan si Hikari.

“You don’t have any right to insult her just like that,” Rohann seriously said.

Robert smiled sarcastically. “Really? Eh talaga namang cheap si Hikari, ah. I have always known her like that way back then. Pero kahit ganyan ka cheap si Hikari, minahal ko rin naman ‘yan. Kahit hindi marunong humalik ay pinagtiyagaan ko na.”

Sa narinig ay gustong suntukin ni Hikari ang sikmura nito nang buong-buo sa galit na nararamdaman. How could he!

“Kaya ayun, nang dumating si Trixie ay iniwan ko na,” dagdag pa ni Robert na siya ang tinutukoy. “Ba’t pa ako magtitiis sa isang frigid girl at cheap–?”

Hindi na naipagpatuloy ni Robert ang sasabihin dahil mabilis na tinamaan ng kamao ni Rohann ang ang mukha ng binata. Sa lakas ng impact ng suntok ni Rohann ay agad na hindi nakapag-balanse si Robert at humilata ito sa may gilid ng daan. Tumama ang mukha nito sa semento.

Hindi pa nakuntento ay galit na kinuwelyuhan ni Rohann ang binata. Wala itong nagawa para ipagtanggol ang sarili at gumanti dahil hindi na nito nagawang itayo ang katawan sa lakas ng pagkakasuntok dito.

“You pissed me off,” nagpipigil na wika ni Rohann kay Robert habang kinukwelyuhan pa rin tio. “Oras na uulitin mo pa ‘yang mga pinagsasabi mo about Hikari, hindi lang ito ang aabutin mo sa akin, you bastard. I could kill you to hell.”

Hindi na nakapalag si Robert.

Pabalandrang binitawan ni Rohann ang binata at hinala si Hikari palayo doon.

Nang makasakay sa kotse ni Rohann ay napayuko na lamang si Hikari.

“Are you okay?,” alaalang tanong ni Rohann sa kanya.

“Y-Yeah. I’m sorry…”

“Why?,” kunot-noong tanong ni Rohann. “Why are you saying sorry?”

“For causing you this. I mean… Ayokong mapaaway ka kahit kanino, Rohann…”

Agad siyang kinabig nito at niyakap ng mahigpit.

“You don’t have to say that, Hikari. I am here to protect you. That’s part of my responsibility. I’ve caused your life to harm before, now I’m trying so hard not to put you to that situation again. I would never forgive myself if anything bad happens to you.”

That made her speechless.

He must have really loved her to say that.

“I missed you, Hikari…,” he said in a cold-tender voice.

“And I missed you, too, Rohann.” Buong puso niyang inaasam na makasama ito. She yearns to be with him almost every second of her life.

Nang makakalas mula sa pagkakayakap nito ay bigla siyang may naisip. How about showing him her world?

“Look,” aniya rito. “Why don’t we go to my favourite place?”

Napakunot-noo ito. “Favourite place?”

“Yeah. Sa lumang peryahan, naalala mo pa?,” nakangiting aniya dito. “Yong paborito naming tambayan nina Steve at Julia… Kung saan una tayong nagtagpo.”

Napangiti ito. “Why are we going there? Hindi ba pangit kung muli nating makita ang lugar kung saan muntik ka nang—“

“Hindi, ano,” putol niya sa iba pang sasabihin nito. “Nasagasaan mo lang ako pero hindi naman ako napaano. I didn’t even feel any pain…”

Naaaliw na pinisil nito ang pisngi niya. “That is unbelievable, Hikari.”

“Totoo naman, ah. I really didn’t feel any pain—“

“Alright, alright,” anito. “O siya, we’re going there.” Natatawa ito at napilitang sundin ang gusto niyang puntahang lumang peryahang paborito nilang tambayan ng kanyang mga kaibigan. Ninakawan muna siya nito ng halik sa labi bago pinaandar ang kotse.

Naipilig na lamang ni Hikari ang ulo.

Nang marating nila ang peryahang ay masaya niyang inilibot ang nobyo sa iba’t ibang bahgi ng lugar na iyon. Halatang hindi sanay ang binata sa ganoong klase ng lugar pero nagawa naman nitong aliwin ang sarili sa iba’t-ibang pakulo ng peryahang.

“So, this is  your world…,” anito.

“Yeah,” aniya. “Me and my friends spend most of our time here in this place kapag wala kaming magawa sa buhay.”

“I see.”

“Kahit medyo magulo at maraming tao, still, nag-i-enjoy kami dito. Dito na kasi namin nasanayang tumambay ng mga kaibigan ko noon hanggang ngayon.”

“Good to know that,” anito at inakbayan siya.

They looked so perfect together, in this simple place…

Niyaya niya si Rohann na kumain ng street foods sa isang tabi. Halata ring hindi pa ito nakakakain ng ganoong mga pagkain kung kaya pinatikim niya rito ang fish balls at fish barbecue. Parang nag-enjoy naman ito lalo na’t sinusubuan niya. Masaya silang nagtatawanan habang sweet na sinusubuan ang nobyo, nang bigla siyang matigilan nang mahagilap ng tingin ang isang pamilyar na tao sa may di-kalayuan.

Ang matandang babaeng manghuhula na nakabangga niya noon bago siya masagasaan ni Rohann…

“Anything wrong, sweetie?,” tanong sa kanya ni Rohann nang matigilan siya.

Hindi na naalis ang tingin niya sa matanda. Para bang may nag-uutos sa kanyang  lapitan ito at kausapin.

“Sandali lang,” paalam niya sa nobyo. “May kakausapin lang ako, isang matandang babaeng kakilala.”

“Sure, go ahead,” anito. “Dito lang ako maghihintay.”

Hinalikan muna siya nito sa pisngi bago siya lumayo.

Agad niyang nilapitan ang matanda nang makalayo sa may bahagi ng peryahang kinatatayuan ni Rohann.

“Ale, ale, sandali,” aniya at kinuha ang atensyon ng matanda.

Lumingon ito at tumingin sa kanya. Hindi siya nagkamali. Iyon nga ang matandang manghuhula.

“Ale, kayo po iyong nakabangga n’yo minsan, kung hindi ny’o na naalala… Minsan n’yo rin akong hinulaan,” aniya dito.

“Oo, ikaw nga iyon, Hija.”

Napangiti siya. Malaki rin ang dapat niyang ipagpasalamat rito. Dahil kahit hindi niya pinaniwalaan ang hula nito ay nagkatotoo iyon.

“Ngayong araw na ito, ganap na matutupad na ang iyong
pangarap. Ang pangarap na makita ang lalaking nakatakda para sa iyo…,”
naalala pa niya na sinabi nito noon.

“Marami po’ng salamat, ale,” sinserong wika niya dito. “Nagkatotoo po ‘yong hula n’yo. Natagpuan ko na po siya, ang lalaking pinangarap kong mahalin… Noong araw ding iyon, nagkatagpo ang landas namin nang masagasaan niya ako. Pero hindi naman po ako napaano. At iyon na po ang simula ng lahat,” masaya niyang balita dito. “Lubos akong nagpapasalamat sa inyo, ale. Ang galing n’yo pong manghula. Ngayon ay naniniwala na ako sa inyo. Ngayon nga po ay kasama ko po siya at naroroon sa—“

“Hija,” serysosong putol nito sa iba pang sasabihin niya.

Natigilan siya.

“Nais kong sabihin sa iyo na…”

“Na ano po?,” nagtatakang aniya.

Hinawakan nito ang kamay niya. “Kahit natagpuan mo na siya, gaya ng sinabi ko sa iyo noong una tayong magkita, hindi siya nakalaan sa iyong reyalidad.”

Napakunot-noo siya. “A-Ano po ang ibig niyong sabihin?”

Talagang napaka-weirdo ng matandang ito, kahit papaano.

“Simple lang, Hija. Natupad na ang iyong pangarap, ang pangarap na makapiling ang lalaking nakatakda para sa iyo. Ngunit… Ang lahat ng nangyayari ngayon ay hindi naaayon sa iyong reyalidad, Hija.”

“H-Hindi ko po maintindihan…”

“Pakinggan mo ang iyong puso, Hija. Pilitin mong hagilapin sa iyong damdamin at isipan kung ano ang hinahangad ng iyong puso. Kung tunay siyang may puwang sa puso mo, hagilapin mo siya sa kaibuturan ng iyong damdamin. At malamang… Malamang ay magiging bahagi siya ng iyong reyalidad.”

Naiiling siya na nalilito. Talagang hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin.

“A-Aalis na po ako, ale,” aniya na nagpasya na lamang iwanan ito. Baka sasakit lang ang ulo niya sa pag-a-analyze sa mga pinagsasasabi nito.

Sinundan na lamang siya ng tingin nito.

“Gumising ka, Hija…,” nasabi nito nang makalayo siya. Hindi na niya narinig ang mga katagang iyon mula sa matanda. “Gumising ka mula sa iyong pagkakahimbing…”

About pearlangeli12

i'm an imaginative kind of person...

Talakayan

11 thoughts on “The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 6

  1. Malapit n akong bangungutin,lol

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 5:00 hapon
  2. kung c hikari ndi nggcng, aq d n ntutulog sa kababasa nto :D…pengeng tulog hikari!🙂

    Posted by aileen | Oktubre 15, 2013, 11:27 hapon
  3. hindi po tapos??
    wla pa po bang chapter 6?

    Posted by luie | Setyembre 12, 2012, 5:19 hapon
  4. gumising ka na kasi Hikari…!!! parang 2 days ka ng n22log..hahah😄

    Posted by jeh089 | Disyembre 28, 2010, 8:03 umaga
  5. i mean gising ahahaaa😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 20, 2010, 11:15 umaga
  6. wow!! how sad naman.. sa reality hindi sila magkakatuluyan ni rohann😦 sing na hikari!! taas ng tulog mo ha ahehehe😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 20, 2010, 11:14 umaga
  7. i love the story🙂 pero ang daming narrations, hehe!

    but i really love it… can’t wait for the next chap!

    Posted by sweetypink | Mayo 31, 2010, 1:08 umaga
  8. wahhhh… tagal nmn matulog ni hikari… na coma yta cya sa accident na un..
    kya lahat panaginip lng…. sna nmn makikilala nya c rohann sa reyalidad…i like him, eheheh\

    thanks po.. next chapter npo… ingatz

    Posted by sjyo_0208 | Mayo 30, 2010, 8:08 hapon
  9. w0w….. 2lo gpla c hikari… akla kuh hindi… nalaman kuh lng nung cnbi nang matanda na “gumising ka mula sa iyong pagkakahimbing” xna nga magising na cia.. im really excited n phOe!

    Posted by xxBunZxx | Mayo 30, 2010, 8:50 umaga
  10. uu nga po…cited n ko….mgising si hikari

    Posted by eizzy | Mayo 28, 2010, 8:45 hapon
  11. mejo naguguluhan na ako….para kasing sobrang haba na ng panaginip ni hikari….anyway, i’ll just wait for the next chapter….sana magising na si hikari…tnx for this chapter…

    Posted by jhunez | Mayo 28, 2010, 2:06 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2010
M T W T F S S
« Mar   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: