binabasa mo ang...
The Man of Hikari's Dreams

The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 5

Chapter 5

Simula nang dumating si Rohann sa buhay ni Hikari, everything seemed to fall into an extraordinary bearings. Lagi na lamang niyang nahuhuli ang sarili na nakatulala habang nagli-lecture ang kanilang professor. Minsan nga nakakalimutan niyang nasa loob pala siya ng kanilang classroom. Ganoon na ba ang epekto sa kanya ni Rohann? Parati na lamang ito ang laman ng isipan niya. Hindi na nagiging normal ang takbo ng buhay niya. Para bang… kinulong na siya nito sa bitag at wala na siyang ibang naisip kundi ito at ito lamang!

“Hey,” bulong sa kanya ni Julia nang mahuli siya nitong tila tulala na naman. Madalas siyang nahuhuli nito, palibhasa seatmates sila. “Tulala ka na naman… At kung hindi ako nagkakamali, pang-labindalawang beses mo na yata ito na parang wala rito sa apat na sulok ng silid ang isipan mo.”

Namumulang napayuko na lamang siya.

“Would you mind telling me kung sino ang maswerteng lalaking ‘yan?,” tukso sa kanya ng kaibigan.

She planned to tell Julia who that guy she was thinking all over again, but not now. Baka mahuli sila ng kanilang propesor na nagtsi-chikahan ay mapagalitan pa sila ng wala sa oras sa harap ng mga kaklase.

“Naku, ‘wag naman sanang si Robert,” takot na sambit ni Julia.

Bigla tuloy siyang na-irita pagkaalala sa asungot na ex. “No way,” medyo napapalakas na bulong niya sa kaibigan. “Ayo’ko nang magpakaloka sa taong ‘yon.”

Nakita niya ang relief sa mukha nito sa sinabi niyang iyon. “Mabuti naman kung ganoon, friend. Eh sino ba kasi ang lalaking ‘yan, ha? Naku-curious na tuloy ako.”

“I’ll tell you later,” she winked.

“Asus… Pinapa-thrill mo naman ako niyan,” anito.

Ganoon pa man ay hindi pa rin maalis-alis sa isipan niya ang mukha ni Rohann. His smile, his eyes… The way he looked intently at her… All of him. Parang totally ay na-mesmerized na siya dito. He was a total mystery to her. Kung bakit ay patuloy pa rin niyang hindi nahahanapan ng rason. Ang alam niya, habang tumatagal ay mas lalong nakukulong ang puso niya dito.

“Hikari…”

Napatingin siya kay Julia.

“I remember, I once read a certain book. It states that, if you keep on thinking about that person, surely, he will keep on thinking of you, as well.”

Napaisip tuloy siya.

“Gano’n?,” aniya.

“Yeah,” Julia answered. “Kung parati mo siyang iniisip, ganoon din siya sa’yo, Hikari.”

Marahan siyang napahinga.

Sana nga… Sana nga ay iniisip niya rin ng mga sandaling ‘to…

And then suddenly, along with that wishful thinking, she longed to see him again…

Hindi naman siya binigo ng pagkakataon dahil nang makalabas na sila nina Julia at Steve sa campus ay nakita niya agad ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa gilid ng road. It was Rohann’s…

Her heartbeat become undeniably fast and rapid by just a mere thought of him. Nakita niya ang binata na nakatayo at nakasandig sa gilid ng magarang kotse nito. And he was looking directly to them, particularly at her.

In an instant, their eyes met and it seemed like everything in her world dashed somewhere. Habang nakatingin siya sa mga mata nito ay mas lalo na yatang lumalakas ang kaba na nararamdaman niya. She could almost hear every beat of it.

Nahalata naman siya nina Steve at Julia, kung kaya napangiti ng makahulugan ang mga ito.

“Hmmm… I could say na parang may ideya na ako kung sino ang lalaking tinutukoy ni Hikari,” wika ni Julia habang sinusundan ng tingin ang lalaking laman ng isipan ni Hikari buong araw.

Takang napatingin naman si Steve kay Julia. “What do you mean, friend?”

Napabungisngis na lamang si Julia. “Mukhang in love na yata ang kaibigan natin,” masayang dagdag nito.

Napangiti si Steve. “You mean… With him?”

“Yes, friend. Nahuli ko yatang tulala si Hikari ng ilang beses,” pambubuking nito sa kanya.

“Oh, I see…”, nasambit na lamang ni Steve habang muling itinuon ang paningin kay Rohann na undeniably ay tinititigan din si Hikari sa di kalayuan. “Not bad. This guy is mysteriously gorgeous. At bagay sila ni Hikari. I would vote for him.”

Natigilan na lamang siya nang makita niyang papalapit si Rohann sa kanila. She saw him smile at her.

With that, she felt elated.

“Hikari…,” sambit nito nang sa wakas ay makalapit sa kanila.

“R-Rohann…”

Tila nagpipigil naman ang dalawang kaibigan niya sa kilig para sa kanilang dalawa.

“Y-You’re here…,” aniya na hindi makatingin ng diretsa dito. Kahit malapit na siya dito ay hindi pa rin niya magawang maging at ease dito at makatingin ng diretso sa mga mata nito.

“Yeah,” he said. “I came to see you.”

Muli ay natigilan siya.

He came… to see me?

“I wasn’t able to sleep well at night,” he added. “I actually think of…” Hindi nito naituloy ang sasabihin.

She was waiting for the next words to come out from him, but she was kind of disappointed nang hindi nito maituloy ang iba pang sasabihin.

Nagkibit ito ng balikat. “C’mon, ihahatid ko na kayo.”

“Wow!,” sambit ni Steve na tuwang-tuwa. “Talagang napaka-swerte natin, friend. Mukhang mapapadalas na yata ang paghatid sa atin sa bahay.”

“Exactly,” sang-ayon naman ni Julia.

“Mabuti pa itong si Papa Rohann,” ani Steve at pasimpleng hinawakan ang siko ng matikas na binata. “Ang bait-bait at ubod ng gentleman. Unlike Hikari’s ex-boyfriend, ni minsan yata ay hindi kami naisipang ihatid sa bahay o ilibre man lang ng isang slice ng pizza.”

Natawa si Julia. Dahil doon ay hindi tuloy niya naiwasang matawa na rin sa sinabi ni Steve.

Nahuli naman niyang bahagyang napakunot ang noo ni Rohann pagkarinig sa sinabi ni Steve.

“Ex-boyfriend?,” anito.

“Yeah,” sagot ni Steve. Umandar na naman ang pagka-taklesa ng baklang kaibigan. “His name’s Robert. But unlike you, hindi namin type si Robert para sa kaibigan namin dahil sa simula pa lang ay mabigat na ang dugo namin sa lalaking ‘yon.”

Gusto niyang upakan ang kaibigan sa mga pinagsasasabi nito. Parang sinasabi na tuloy nito na boto ang mga ito kay Rohann para sa kanya. Baka kung ano pa ang masabi ng binata. Baka akalain nitong nag-a-assume siya na may ‘something’ sa kanilang dalawa.

“I see,” anito.

Matapos maihatid ni Rohann sa bahay ang dalawang kaibigan ni Hikari ay sila na lamang dalawa ni Rohann ang nasa-loob ng kotse nito. Muli, parang nablangko na naman ang isipan ni Hikari kung ano ang sasabihin. She was too speechless just by the mere presence of him.

“Hikari…”

Napatingin siya sa binata na ang atensyon ay nasa-daan habang nagmamaneho.

“Actually… I wasn’t able to sleep well last night because…”

Pigil niya ang hininga sa iba pang sasabihin nito. Could it be… that this time, this time… ay itutuloy na nito ang sasabihin nitong hindi naituloy kanina?

Bigla nitong itinigil sa isang tabi ang kotse at tiningnan siya straight into her eyes.

“I was thinking of you, Hikari.”

That made her world collapse. Is this the reason why he is seeing her now? Oh God, she wished she was right. That this guy is feeling the same way too… the way she feels for him.

“The thought of you—no, your face… It makes me feel so damn restless.”

She never seen him looked this serious as he was gazing into her eyes.

“I wanted to see you again, Hikari. I want you know na hindi mo na pinatatahimik ang mundo ko. I suddenly felt this weird thing… I mean, how the hell should I say this?” He was confused now.

Huminga ito ng malalim, and then suddenly ay binuhay nito ang makina ng kotse at muling pinausad iyon.

It was almost dark, at para bang idinuduyan siya sa alapaap nang mga sandaling iyon. She felt so alive now… Now that she knew he was thinking of her too.

“Can I take you somewhere, Hikari? I just… I just wanna talk to you.”

She doesn’t sense any danger with that statement coming from him.

“Sure,” payag niya. “I trust you.”

His eyes smiled. “Thank you, Hikari.”

He took her to the beach where he first brought her. Doon ay muli niyang nalanghap ang sariwang hanging-dagat.

Dahil sa kakaibang sayang nararamdaman ay hindi niya namamalayang napapayakap siya sa sarili. Dinuduyan ng hangin ang kanyang mahabang buhok, dahilan para hawiin ni Rohann iyon para makitang maigi ang kanyang maamong mukha.

“You are lovely, Hikari…”

Mas lalo siyang naging speechless sa sinabi nito. There are a lot of people who appreciated her beauty, pero pilit niyang binabale-wala ang mga komento ng mga ito noon. But now… Now that it’s coming from the man she secretly adores… and secretly wished to be with for the rest of her life… It felt extremely good to her. She was so happy.

“And you make me long to see your face each day…”

“I-Is that… Is that true, Rohann?” Naglakas loob siyang tanungin iyon.

Those sweet words coming from him… She would always believe it.

Napahinga ito ng malalim. “Why, Hikari? Do you think I would waste my time here just to tell you this?”

Napangiti siya.

“Well, I’m not asking you to believe me, Hikari. But you must know this… I don’t wanna go there and live with my family.”

Natigilan siya. Ang ibig ba nitong sabihin ay nagdadalawang-isip na itong sumunod sa pamilya nito sa Amerika?

Napailining si Rohann sa sarili. “I am not good in wooing. I don’t even know why I am acting this way. But Hikari, you simply got me.” He looked at her more intently. “I simply wanna stay here… I wanna live here… With you.”

She was stunned by that statement.

“R-Rohann… Y-You’re not serious, right?”

“I am,” sinserong wika nito.

Just by looking at his eyes alone, masasabi niyang sinsero ang binata sa mga sinasabi nito.

“B-But…”

“Hikari…,” anito na ginagap ang kamay niya. “You said you would love to discover everything in my world.”

Yeah, she could still remember last night how she knew exactly what his world is. He lives in a wild modern world, malayung-malayo sa mundo niya. They were the exact opposite. They live in an opposite world, in an opposite dimension.

“I did,” aniya.

“Then how do you find my world? On how I live with it?” He asked.

“I find it… different. But I never felt so alive like what I felt when I was riding in your motor that night. Para bang… Para bang muling nabuhay ang aking pagkatao that moment.” Napangiti siya. “And I would never ever trade that moment to other things in this world, Rohann. I was happy living in what you call your ‘world….”

With you..., nais niyang idagdag.

He gently cupped her face.

“Then live with me, Hikari. Be with me. And let’s live happily in the same world we both know.”

“A-Are you saying that…”

“You are everything I think of the world of, Hikari. I am crazy about you.”

Those words coming from him are like a dream come true. She felt so very happy knowing that Rohann adores her like how she adores him.

“So please… I am asking you, Hikari. Can I live in your world, too?”

This is too much. She didn’t expect this moment to come. She was too delighted.

“Yes, Rohann…”

She saw the overflowing joy in his eyes when she said that. Alam niya, ito na ang magiging simula ng masasayang araw at puno ng surpresa sa kabanata ng buhay niya. Yes, she’s in love with him!

He gently stared at her eyes and moved his face toward hers. Napapikit siya and she felt his lips entwined on hers. His kisses are passionately sweet and embracing. Puno iyon ng carefulness and respect. Para siyang nasa langit nang mga sandaling iyon. She could never explain how happy she was. This was the sweetest moment of her life.

Para itong isang panaginip na hindi niya inaakalang magaganap sa buong buhay niya.

At kung nananaginip lang siya, sana ay hindi na siya magising kung ganito kaganda ang panaginip niya. She would risk everything just to feel this happiness all over again with this man… Yes, she’s in love… She’s deeply in love with this man!

About pearlangeli12

i'm an imaginative kind of person...

Talakayan

9 thoughts on “The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 5

  1. Ang haba ng dream nya,anpecha n hikari!

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 4:47 hapon
  2. nacoma ata xa hihihi

    Posted by aileen | Oktubre 15, 2013, 11:09 hapon
  3. hmhm gnda ng dream,jejeje nxt chaptr na.

    Posted by Khrishna | Agosto 20, 2012, 4:36 hapon
  4. grabeh!!! I’m having a goosebumps while reading this…

    Posted by jeh089 | Disyembre 27, 2010, 10:10 hapon
  5. …nice story….0

    Posted by mischale | Setyembre 24, 2010, 4:16 hapon
  6. parang sobrang tagal naman na tulugan ‘to…hehehe….bakit tagal magising ulit ni Hikari?anyway, thanks for this good chapter….

    Posted by jhunez | Mayo 26, 2010, 1:04 hapon
  7. gus2 kna mabasa ang next chapter.. ehehehe.. di nman me masyado atat noh..

    thanks po.. ingatz…

    Posted by sjyo_0208 | Mayo 26, 2010, 12:37 hapon
  8. nagmamahal xa ng patay..at lahat ng mga nangyayari eee.mga panaginip lang…ETCHOS NMN OHHHHHHHHH…..pero kilig aaaaa.kc ung pinamahal ko..ee ndi ako kayang mahalin..peo sa panaginip sobra nya akong mahal kya nga parang gus2 ko na lang laging m2log para lagi kming magkasma…

    “You are everything I think of the world of, shaira. I am crazy about you.” ( svhin mo yan sken aaaa..kht nasa korea ka..mahal kita un lang ang alam ko kht svhin nilang maling mahalin ka..

    _shai❤ jason
    4
    ever

    Posted by shaira | Mayo 26, 2010, 8:35 umaga
  9. Nalalabuan naman ako pero … sige babasahin ko pa rin. Mukhang unpredictable ang story, it’s good.

    Posted by Laaab | Mayo 26, 2010, 1:29 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2010
M T W T F S S
« Mar   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: