binabasa mo ang...
The Man of Hikari's Dreams

The man of Hikari’s Dreams – Chapter 4

Chapter 4

“Then you start discovering my world now,” he said with a cold and gentle voice.

That statement made her look at him with confusion.

“W-What do you mean?”

Natawa ito, sabay pisil sa pisngi niya. “Come with me somewhere. I’ll show you everything about my world and how I live with it.”

That gave her a stroke of thrill in her being.

Everything happened so fast, and all that she was aware of ay nakasakay na siya sa magarang sasakyan ng binata while Rohann was driving so fast and rapid.

“W-Where are we going?” Nagsisimula na siyang kabahan. Not because she sensed danger with this man, pero kinakabahan siya na baka kung ano ang mangyari sa kanila sa tulin ng pagpapatakbo nito sa sasakyan.

No wonder kung bakit muntik na siyang masagasaan nito. He is driving like the car’s going to fly!

“Relax…,” he said coolly pagkatapos siyang sulyapan at muling itinuon ang atensyon sa daan. “We’re going to a place na paborito kong tambayan kapag nabo-bored.”

Napasandal na lamang siya sa sandalan ng upuan ng kotse nito. Ngayo’y nagsisisi na tuloy siya kung bakit niya sinabi ang mga nasabi kanina. She’s stepping a dangerous situation here. Kahit nagtitiwala siya sa binata ay naroroon pa rin ang katotohanang kakikilala pa lamang niya rito at ito ay isa pa ring estranghero. Kahit marami na itong naikwento sa buhay nito, still, the fact remains na hindi pa rin siya nakakasiguro kung safe siya dito. Nababalot na tuloy siya ng pagkalito.

Nagulat siya nang itigil nitong bigla ang pagpapatakbo ng kotse. Mabuti na lamang at naka-seat belt siya kung kaya hindi siya napaano sa biglang pagtigil ng saskyan.

“W-What’s wrong?,” takang aniya.

Seryoso ang mukhang tinitigan siya nito. Those eyes again…

It always makes her feel the unexplained emotions raging through whenever she look at those eyes.

“Hikari…”

Naghintay siya sa susunod na sasabihin nito. She could her heart beat so fast.

“Do you really trust me?”

That question made her stunned. She was unable to utter a single word. Ano ang ibig nitong sabihin sa mga katagang iyon? Did he sensed her confusions and inhibitions?

“Why… are you even asking?,” she managed to ask him back.

“Because I could feel it. Nagdadalawang-isip kang sumama sa akin, am I right?”

Hindi niya nagawang magsalita. How did he know that? And how would she react to it?

“Tell me, Hikari… You still don’t trust me, do you?”

Napatungo na lamang siya. Deep inside her ay nanginginig siya sa hindi maipaliwanag na emosyon.

“I’m… I’m just scared,” nasabi niya habang hindi makatingin sa mukha nito.

Bigla siyang kinabig nito at niyakap.

Before she could even react, she was now imprisoned in his arms. Ngayo’y nagtataka siya sa sarili. Kanina lamang ay kinakabahan siya. But now that she’s already been embraced by this man… It turned out to be totally different.

She felt everything was turned into a beautiful scene. Just like a dream come true…

“How can I make you trust me, Hikari?,” he asked, still enclosing her warmly in his arms.

“There’s no need,” she said lightly. “You came so suddenly and almost accidentally took my life away. But that would never be a reason not to lay my trust on you.”

He smiled when he heard that.

“That’d would be better,” anito.

Muli nitong binuhay ang makina nang kotse at muli, matulin na naman nitong pinatakbo ang kotse.

Napailing na lamang si Hikari. This man is driving her crazy! Dahil ngayo’y umatake na naman ang kaba niya dahil halos paliparin na nito ang kotse sa bilis ng takbo!

Rohann took her to a certain place kung saan naroroon ang mga taong ngayon lamang niya masasalamuha sa tanang buhay niya.

So, this is what he calls his world…

It was a big free place kung saan naroroon ang mga modernong klase ng mga tao. The place was surrounded with city lights. Sa isang banda ay naroroon ang isang malaki at magarang bar. Sa kabila namang bahagi ay naroroon ang iba’t ibang klase ng mga disco establishments. Ang mga taong naroroon ay halatang liberated. Some are even smoking in a certain side, habang ang iba naman ay nagkukwentuhan habang uminom ng mamahaling alak.

She’s beginning to feel uncomfortable with the place.

Habang magkasama sila ni Rohann, agad niyang nadiskubre na marami pala itong kakilala doon. Sabagay, Rohann said the he’s always coming here kapag nabo-bored.

Aware din siya sa kakaibang tingin ng mga babae kay Rohann. The way they looked at him… It was full of admiration and desire.

“C’mon,” anito at iginiya siya sa isang banda. “I’ll take you to my favourite spot.”

Napasunod na lamang siya, not knowing exactly how to act in such an awkward situation. Anong bahagi kaya ng lugar na ito ang sinasabi nitong paborito nitong puntahan?

Nalaman niyang na ang tinutukoy nitong paboritong lugar ay ang isang maluwang na establishment kung saan halos lahat ng naroroon ay mga lalaki. Sa lugar na iyon, makikita ang iba’t ibang recreation spots. Sa isang banda ay may billiards station at sa may kabilang banda naman ay may bar kung saan mayroon ding nag-iinuman.

Habang naglalakad sila, hindi niya maipaliwanag sa sarili ang nararamdaman. Hindi siya makapaniwalang sa kabila ng pagiging gentle ni Rohann ay may ibang side din ito, an opposite side.

Naroon na sila sa may banda kung saan malapit lang sila sa may high way. Nakita niya agad ang mga magagarang motor na naka park sa isang side ng road. This must be a motor cross area kung saan magpapaligasahan ang mga lalaking naroroon.

“I always love to be here,” wika ng binata habang nanonood.

May lumapit sa kanilang isang lalaking ka-age din yata ni Rohann.

“Pare,” bati nito kay Rohann sabay tapik sa balikat nito. “Mabuti naman at nagpakita ka rin dito. Balita ko’y tuloy na tuloy na ang alis mo appauntang States.”

Natawa lang si Rohann at napapailing. “By the way,” anito sabay sulyap sa kanya. “I’d like you to meet Hikari. Hikari, this is Joe, one of my friends here.”

Nakipag-kamay ang lalaki sa kanya na tinanggap naman niya.

“Nice to meet you, Hikari,” anito.

“Same here,” tugon niya.

“By the way…” Binalingan ni Joe si Rohann. “As you see, may racing ngayon. And since you’re leaving so soon, bakit hindi mo naman kami pagbigyan na sumali ka ngayon sa competition?”

Natawa si Rohann. “Man, you’re pushing me…”

Natawa na rin si Joe. “Of course! This will be the last time na sasali ka dahil aalis ka na ng bansa. So, are you joining? Pasasabihan ko si Gab.”

Sa narinig ay nais mag-protesta ni Hikari. Ayaw niyang sumali si Rohann sa sinasabi nitong competition. It will be dangersome.

“I’ll think,” anito na naging seryoso ang ekspresyon ng mukha.

“R-Rohann,” sambit niya.

Napatingin naman ito sa kanya, pati si Joe.

“Yes, Hikari?”

Napa-buntong hininga siya. “P-Please don’t.”

Wala siyang pakialam kung magalit man si Joe sa pagpipigil niya kay Rohann. But, she doesn’t want to get nervous seeing him riding in a motor habang mabilis ang pagpapatakbo niyon. It would really kill her!

“Why?” He looked at her again with so much gentleness.

“Isn’t it dangerous? Rohann, wag mong ilagay sa kapahamakan ang sarili mo. I-It would—“

“I can handle this,” pagbibigay-assurance naman nito sa kanya while smiling at her. “Don’t worry about me, Hikari.”

“But—“

“Rohann is right,” sang-ayon naman ni Joe. “He can handle it very fine.” Inakbayan pa nito ang binata. “Ito yata ang ultimate champion sa drag racing at motor cross last year. Kaya nga bilib na bilib ako dito, eh.”

Still, hindi iyon nakapagpanatag sa loob niya. Nag-aalala pa rin siya dito kung sasali ito sa naturang kompetisyon.

“Get ready,” ani Joe sabay muling tapik uli sa balikat ng binata. “The competition is about to start. “Pasasabihan ko muna si Gab na confirmed nang sasali ka.”

Nang makalayo si Joe ay agad-agad niyang pinigilan si Rohann dahil aktong pupunta na ito sa mga naka-park na mga motor.

“Rohann, please,” aniya na nagawang pigilan ang binata sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito.

Tumigil naman ito sa paglakad at hinarap siya.

“Hikari…” Hinaplos nito ang pisngi niya habang mariin siyang tinititigan sa mga mata. “You really don’t know about me. But don’t worry, hindi magtatagal at makikilala mo rin ako ng lubusan. You should trust me that I’d be fine.”

“No, I simply can’t stand here and watch you ride so fast. Baka… Baka mapaano ka at…” Hindi niya maipaliwanag kung anong takot ang namamayani sa kanya habang iniisip kung ano ang masamang mangyari kay Rohann kapag pumalpak ito.

“Sshh… I’ll be fine, sweetie. Just stay put, okay?”

Natigilan siya. Did she heard him right?

Sweetie…

He used such endearment…

Tinungo na nito ang parking area. Wala siyang nagawa upang pigilan ito. Nakita niya itong sumakay sa isang magarang motor na pinaandar nito at tinesting ang kapasidad.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nag-line up na ang mga lalahok sa motor cross. Kabilang na roon si Rohann na ngayon ay nakasuot na ng bonnet sa ulo. Nag-anunsyo ang isang lalaki ng limang minuto na lang at sisimulan na ang competition. At habang dumaraan ang bawat segundo ay mas lalo siyang kinakabahan. Pakiramdam niya ay may mangyayari talagang hindi maganda ngayon.

She must listen to her heart and mind this time. Baka kung mapaano si Rohann at hindi na niya maibabalik ang nangyari.

“Thirty seconds left…,” anunsyo ng lalaki sa isang banda.

No, she can’t just simply stand here and watch. Kung mapapahamak man ito, mas mabuting mapahamak na rin siya!

She ran through him fast. Nagulat naman ito nang sumakay siya sa likuran ng motor.

“Hikari…” He was really shocked nang makasakay na siya sa likuran nito at naiyakap na niya ang mga kamay sa baywang nito..

“I’ve heard the rules. Anyone can ride with a competitor,” aniya. “So, take me with you, Rohann.”

Wala na itong nagawa pa dahil nagsalita ang lalaking tagapag-announce.

“Get set, go!”

Iyon lang at namalayan na niya ang matuling pagpapatakbo ni Rohann sa motor nito. Halos mabingi siya sa ingay ng tambutso sa paligid. Nililipad ng hangin ang kanyang mahabang buhok sa bilis ng pagpapatakbo nito sa motor at napahigpit ng husto ang pagkakayakap niya rito.

Takot na takot siya. Hindi niya inaakalang doble ang magiging takot niya sa ginawa niyang pagsakay sa motor nito. Ang tangi na lamang niyang nagawa ay mapapikit sa nararamdamang agitation habang mas lalong napapahigpit ang pagyakap kay Rohann. Nararamdam din niya ang pagliko ng motor ni Rohann sa pakurbadang parte ng daan. Ang akala niya ay madadapa sila sa pag-curve ng motor nito. But Rohann managed to keep them safe.

“Hikari…”

Sa kabila ng ingay ay alam niyang sinasambit nito ang pangalan niya.

“Don’t be afraid. Trust me.”

It was enough to let her fears succumb. Nagawa niyang idilat ang mga mata niya at tingnan ang nakakahilong daan.

Yeah, she should never be afraid. She should trust him.

At habang papalapit na sila sa finish line ay naramdaman niya agad ang kakaibang thrill nang mas lalo pang binilisan ni Rohann ang pagpapatakbo ng motor. Parang bulang biglang naglaho ang kanyang takot sa nangyayari. Instead, she felt the sudden impulse of excitement. Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong feeling. She felt like she was full of life. Full of spirit.

They first reached the finish line before the rest.

Tapos na ang motor cross competition. Naroroon lamang sa isang tabi si Hikari habang nakatingin kina Rohann at sa mga kasama nitong masayang nag-uusap sa may di kalayuan. Binati ng mga kaibigan nito ang binata dahil muli ay nanalo na naman ito sa isang simpleng motor cross competition na iyon.

Matapos itong makipag-usap sa mga kaibigan ay pinuntahan na siya nito sa kinauupuan niya.

Nakangiti ito habang papalapit sa kanya.

“Great job, Hikari,” masayang sabi nito.

Nagtaka naman siya at napatingin dito.

“Why me? Ikaw yata ang nagpapatakbo ng motor kanina,” natatawang wika niya.

Tinabihan siya nito sa pagkakaupo.

“I guess you’re my luck this time, Hikari,” simpleng sabi nito.

“Gano’n?” Hindi siya kumbinsido doon. Matulin lang talaga ito kung magpatakbo at talagang alam na alam nito kung paano maniobrahin ang isang sasakyan.

“And because of that…” He gazed at her.

“Because of that, what?”

“Ililibre kita, kahit anong gusto mo. Sky is the limit.”

Napapailing na lamang siya. “Sa ibang araw na lang, Rohann. It’s too late already. And I… I wanna go home.”

She lied. The truth is, she doesn’t want to go home yet. She wants to be with him and she wants to spend her time with him ng ilan pang sandali. But she has to go home. Baka nag-aalala na ang mga magulang niya sa kanya.

Nakita niya ang panghihinayang sa mga mata nito. Pero agad din naman iyong napawi.

“Okay, Hikari. I forgot that I promised your dad na iuuwi kita sa bahay n’yo safely. And now, I’ll be taking you home.” He inspected her by gazing at her. “Wala ka naman sigurong galos, Hikari, right?”

Napangiti siya. “No, I’m perfectly good.”

Hihatid siya ni Rohann sa kanilang bahay sakay ang kotse nito. Tumuloy muna ito sandali sa loob at nagkwentuhan muna sandali with her parents. Nang mag-decide na itong umuwi na hinatid niya ito sa maliit na gate ng kanilang bahay.

“Rohann… I just wanna say thank you for a very…” Hindi niya mabigyan ng anumang adjective ang naganap kanina while they were together. “For a bizarre and ridiculous thing that happened a while ago.”

Natawa ito sa pahayag niya.

She remained serious. “You made me overcome my fears.”

Lalong naging malamlam ang mga mata nito matapos niyang sabihin iyon.

“I’m glad to hear that from you, Hikari.”

Ilang segundo muna niyang napagmasdan ang gwapong mukha ni Rohann bago ito nagpaalam sa kanya na aalis na.

“Good night, Hikari..,” anito.

“Good night,” tugon naman niya.

Pero lihim siyang nagulat nang halikan siya nito sa pisngi. It was a light kiss coming from this man she secretly adores.

“I’ll call you up tomorrow morning to check you up,” he said.

Hindi pa rin siya makatinag sa kinatatayuan  kahit nakalabas na ito sa gate nila. Nakasakay na ito sa kotse nito nang sundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan.

May isang bagay siyang na-realized nang makaalis ito.

She missed him. And she can’t live a day without seeing him again…

Nagising si Hikari na masakit ang ulo. Bagama’t masakit ang ulo ay ramdam pa rin niyang inaantok pa siya. Nang makapasok ang mama niya sa silid niya ay may dala itong isang basong milk.

Napasulyap siya sa orasan na nakapatong sa ibabaw ng study table niya. Nagtaka siya nang makitang alas-kuwatro na pala ng hapon.

“Mama…?”

Nagulat ito at napalingon sa kanya.

“O, Hikari, anak, mabuti naman at nagising ka na. Mukhang himbing na himbing ka talaga sa iyong pagtulog, ah,” anito na napapailing.

Did she slept too long? Hindi naman siya napuyat kagabi para makatulog ng ganito kahaba. She suddenly felt sleepy again.

“Ikaw talagang bata ka,” anito na inaayos ang bintana ng kanyang silid. “Simula nang dumating ka kagabi hanggang ngayon ay wala ka nang ginawa kundi matulog nang matulog. Hindi naman kita magawang gisingin dahil himbing na himbing ka. Heto, uminom ka muna ng gatas dahil wala pang laman ang tiyan mo. Mabuti na lang at wala kang pasok ngayon.”

She closed her eyes as she was about to fall asleep again.

“Ma,” aniya. Tulog na yata siya ngunit nagawa pa niyang magsalita. Naisip kasi niyang bigla ang lalaking lihim na iniibig.

Napalingon ang mama niya sa kanya.

“Tumawag po ba si Rohann?”

Naalala kasi niya ang sinabi nito bago sila nagkalayo kagabi.

“I’ll call you up tomorrow morning to check you up…” Iyon ang natatandaan niyang sinabi nito.

Napakunot-noo naman ang mama niya.

“Rohann? Who is he?,” takang tanong nito sa kanya.

Ngunit hindi na niya nagawang sumagot sa ina dahil hindi niya namamalayang nagdilim na ang paningin niya at muli ay nakatulog siya mula sa pagkagising…

About pearlangeli12

i'm an imaginative kind of person...

Talakayan

13 thoughts on “The man of Hikari’s Dreams – Chapter 4

  1. Multo-multuhan ang peg,,hehe

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 4:38 hapon
  2. sabi n eh my twist 2🙂

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 7:02 hapon
  3. un na ung hula s knya. sa panaginip nya lng pla mkakasama c rohann..wat a twist!

    Posted by aileen | Oktubre 15, 2013, 9:46 hapon
  4. ha?panaginip lng ba yun?

    Posted by tianna | Abril 22, 2013, 5:29 hapon
  5. its a unique story and maganda🙂 meron na kayang nagyaring ganito…well yan ang iniisip ko ngayon….thanks for the story

    Posted by marlie cabrelles | Abril 8, 2011, 1:49 hapon
  6. ayun!!!
    that’s what I’ve been thinking..she’s only dreaming😀

    aaaaaayyyyyy😦 ang panget naman kung ganun ang mangyayari sa buhay ko…cguru mas pipiliin nlng akong hindi nlng magising ::)

    Posted by jeh089 | Disyembre 27, 2010, 9:51 hapon
  7. huh? omg!! na confused aqo.. dream lng ba un? :O

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 20, 2010, 10:56 umaga
  8. wow! galing ng twist… kaka excite lalo! hmmm next chapter na..=D

    Posted by rioangela | Agosto 12, 2010, 12:00 hapon
  9. ngek panaginip lang yon

    Posted by gel | Hunyo 6, 2010, 5:54 umaga
  10. woah! panaginip lng pala,paano na kaya c hikari

    Posted by marjorie | Mayo 26, 2010, 12:00 umaga
  11. sa dream Lang talaga ano, ahaha
    Luv it

    Posted by blase | Mayo 21, 2010, 12:16 hapon
  12. wow…i think the twist of this story starts here…this make me feel nervous and at the same time excited sa next chapter….hehehe….

    Posted by jhunez | Mayo 21, 2010, 10:29 umaga
  13. waaaahhhhhhh.. sbi na nga ba nsa panaginip c hikari eh……. wow.. excting to.. makikilala nya na cguro c rohann..kc nagising na sya sa mahimbing nyang pagkakatulog..

    next chapter pls.. thanks…

    Posted by sjyo_0208 | Mayo 21, 2010, 10:22 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2010
M T W T F S S
« Mar   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: