binabasa mo ang...
The Man of Hikari's Dreams

The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 2

Chapter 2

It felt like she was in between heaven and earth when she saw that face again… Naramdaman agad niya ang kakaibang pagkabog ng kanyang puso. His eyes… It almost speaks of mystery… Pero bakit parang nahihipnotismo siya ngayong nakikita niya ito?

Nagtinginan naman ang mga kaibigan niyang sina Julia at Steve, nagtataka kung sino ang lalaking nasa isang magarang kotse at nakapako ang tingin kay Hikari.

“Hi!,” bati nito kasabay ng pagpapakawala ng isang simpatikong ngiti.

Hindi agad nakatalima si Hikari. She was really hypnotized by this man… He almost took her heart beat from her. Nagtataka namang napantingin sa kanya sina Steve at Julia.

Bumaba ang binata mula sa kotse nito at nilapitan siya. Habang unti-unti itong papalapit sa kanya, hindi niya maiwasang pagmasdan ito. He was one heck of a man.

Almost perfect. No, he was perfect, for her. He is tall, has lean figure, and has broad shoulders. Any girl would dream and wait for this guy for a lifetime.

“Hikari?,” he gently said nang hindi pa rin niya makuhang kumibo dahil ang mga mata niya’y nakatitig pa rin dito.

Para naman siyang nagising mula sa pagkaka-hypnotized. She simply returned back to her composure.

“Rohann,” she smiled hesitantly.

“Tapos na ba’ng class mo?,” tanong nito. “C’mon, ihahatid na kita.” Napatingin ito sa mga kasama niya. “And they’re…?”

“Ahm,” aniya at napatingin sa mga kaibigan niya. “By the, Rohann, they’re my friends. Sina Julia at Steve,” pakilala niya dito.

Nakipag-kamay ito kina Julia at Steve. Halata namang nagningning ang mga mata ng baklang kaibigan niya nang makipag-kamay sa gwapong binata.

“Naku, friend,” ani Steve. “Hindi mo man lang nasabi na may friend ka palang gwapo.”

“S-Siya ‘yong…” Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin. Baka ma-offend ang binata kapag sasabihin niya sa mga kaibigan niya na ito ang nakasagasa sa kanya noong isang araw.

“Siya ang alin?,” ani Julia.

Napatingin siya sa binata. Kampante lang naman itong naghihintay sa sasabihin niya.

“Siya ang—“

“I happen to be the one who caused Hikari that trauma happened two days ago.” Ito na ang nagpatuloy sa hindi niya masabi-sabi.

Nakita niyang natigilan ang mga kaibigan niya.

“Gano’n ba?,” ani Julia. “Kung gano’n ay ikaw ang nagbuhat kay Hikari at naghatid sa ospital?”

“Yes,” he answered.

“Oh… I see,” ani Steve. “Hindi ka na namin napansin kasi tarantang-taranta na kami noon kay Hikari, eh.”

Napatungo na lamang siya. “A-Alam n’yo guys… Hindi naman kayo dapat nag-alala sa akin, eh. I’m okay. Feeling ko nga, hindi talaga ako nasagasaan.”

“Okay, okay,” ani Steve. “Hali na’t makauwi na…”

“So… May ibang lakad pa ba kayo?,” anito. “I’d be glad to take you on a ride.”

Natuwa naman sina Julia at Steve.

“Wow, mabuti naman at may maghahatid na sa atin pauwi, friend!,” Julia smiled.

Napangiti na lamang si Hikari.

Dali-dali namang sumakay sina Julia at Steve sa kotse ni Rohann sa may likurang upuan.

Napapailing na lamang siya. Wala talaga sa bokabularyo ng mga ito salitang ‘nahihiya’.

“Pasensya na,” medyo naaalangang sabi niya dito. “Gan’yan talaga ang mga ‘yan.”

Pasimple lang naman siyang kinindatan nito. “No worries. Mababait naman sila.”

Napangiti siya.

“C’mon, you hop in.”

Binuksan ni Rohann ang pintuan ng kotse sa tabi ng driver’s seat para makaupo siya. Deep inside her, nararamdaman niya ang kakaibang tuwa. She felt happy and so alive. It was like… He simply gave life to her soul. She was barely hypnotized by this man.

Binuhay na nito ang makina ng kotse at nilisan ang University na iyon.

Matapos ihatid sina Steve at Julia sa bahay ng mga ito at nang mapag-isa silang dalawa sa kotse ng binata ay tahimik lang naman sila.

Nahihiya siya sa binata, at hindi niya maikakaila iyon. Perhaps because of his being so mysterious that it made her feel mischievously confused and magnetized by his presence. Hindi niya maiwasang mapasulyap sa binata.

“Hikari…”

His cold voice soothed her soul.

“Malapit na tayo sa bahay n’yo,” he said.

“Yeah,” aniya na nakaramdam na naman ng kakaibang kalungkutan. Muli, hindi na naman niya makikita ng ilang segundo, ilang oras, o ilang araw ang binata.

“Hikari…”

Napatingin siyang muli dito. Naka-focus lang ang atensyon nito sa daan.

“Again, I’m so sorry for the trouble I’ve caused you.”

Napatungo siya. “W-Wala ‘yon. Hindi naman ako napaano.”

“Kung naging grabe ang kondisyon mo, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”

She was stunned with that statement coming from him. Hindi niya nagawang magsalita tumugon sa sinabi nito. Wala siyang maisip na anuman. Ang tanging alam niya, mas nagiging malakas ang pagkabog ng dibdib niya, in a strangest way she doesn’t understand.

“Hikari… I’m very thankful you’re alive… After that deathly incident, I felt relieved when I knew from the physician that you’re okay. I felt as though… A part of me didn’t die, too.”

Napatda siya sa sinabi nito.

Does he mean… That if I die, a part of him dies too?

Hanggang sa maihatid siya nito sa kanilang bahay, naging palaisipan sa kanya ang mga sinabi nito. Hindi mawaglit-waglit sa isipan niya ang mga katagang narinig buhat dito. Nang makapasok na sa loob ng kanyang silid sa ikalawang palapag ng luma nilang bahay ay napasilip pa siya sa bintana at sinundan ng tingin ang papalayong kotse nito.

Why is it that I feel as if I’m living in such a mysterious happening? Since that fateful incident… it was though I am living in a totally different world…

Funny, yet it was what she felt.

Pagkakinabukasan, habang nasa klase ay nagiging blangko ang isipan ni Hikari sa mga nagaganap sa loob ng silid nila. All she was thinking was the thought of Rohann. It was weird. Parating nagsusumiksik sa isipan niya ang mukha nito. And all she could hear was his cold but gentle voice. The thought of him… it simply mesmerizes her. No, she couldn’t exactly take him of her mind.

Lihim niyang inaasam na sana’y muli itong makita. Pero, alam niyang huli na ang pagkikita nilang iyon. Bakit naman sila magkikita uli? Para ano? Nakahingi na ito ng dispensa kahapon nang maihatid siya nito sa bahay nila.

Matapos ang kanilang klase ay nagpaalam sina Steve at Julia na hindi muna siya masasamahan ng mga ito pauwi dahil may dadaluhang party si Steve sa isang pinsan nito, at si Julia naman ay may emergency call galing sa ama nitong nasa Saudi.

“It’s okay,” aniya sa mga ito na hindi naiwasang maging matamlay. Mukhang mas lalo siyang magiging malungkot ngayong wala siyang kasama pauwi. Ano na ba ang nangyayari sa kanya? Bakit parang naging kulang na yata ang buhay niya dahil wala si Rohann sa paligid?

Naghihintay na siya ng taxi nang biglang may lumapit sa kanya. It was Robert.

“Hikari…”

Napakunot-noo siya. Ano na naman ang kailangan sa kanya ng asungot na ‘to?

“So, pauwi ka na ba n’yan, Hikari?,” anito at aktong aakbayan sana siya nang umiwas siya.

“What are you doing?,” naiiritang aniya. “Oo pauwi na nga ako.”

“Ihahatid na kita.”

Napatingin siya sa pulang kotse nito sa may gilid ng daan.

“No, thank you, Robert. Kaya ko namang umuwing mag-isa, eh. Marami namang taxi,” she refused.

“I insist,” seryosong wika.

“And I refused,” saad naman niya.

“Hali ka na,” agad na sabi nito saka mahigpit na hinawakan ang braso niya at mapwersang pinasusunod siya patungo sa kotse nito. Hindi niya nagawang pumalag dahil sadyang napakalakas nito. Sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya, bahagya siyang nagtaka dahil hindi man lang siya nakaramdam ng anumang sakit. She should’ve felt the pain by now.

“Rob, ano ba?,” angal niya. “Ayokong pahatid sa’yo!”

Naiinis na siya. She didn’t know na ganito pala ang ugali nito. They’ve been together for three months pero may itinatago pala itong masamang personalidad.

“You can’t refuse me, Hikari…,” marring wika nito habang papalapit na sila sa kotse nito.

“Damn,” nasambit na lamang niya. Nakaramdam agad siya ng kaba. She felt something dangerous might happen to her kapag sumama siya dito. Nag-isip agad siya ng paraan para maikaiwas dito ng tuluyan.

Saka pa tuloy siya lihim na nagsisisi kung bakit hindi siya nasamahan nina Julia at Steve pauwi.

Nakaisip siya ng isang paraan. It will be a desperately funny move, pero kailangan niyang makaiwas dito ng tuluyan. Nararamdaman niya mapapahamak lang siya dito.

Kinagat niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Dahil doon ay napabitiw ito sa pagkakahawak sa kanya. Sinamantala niya ang pagkakataon at nagmamadaling lumayo dito. Pero sinundan agad siya nito ng dobleng tulin ng paglakad niya.

What a persistent guy! Ano ba ang kailangan niya sa akin? Hindi kaya…?

Bigla niyang naalala ang babala noon sa kanya ng isang kaibigan na kakilala rin ni Robert.

“Is he already your boyfriend?,” tanong sa kanya ni Dana nang minsang magkausap sila sa may lobby ng University.

“Yeah, why?,” takang tanong naman niya rito.

Nagkibit ito ng balikat. “I knew Rob for almost three years. Naging girlfriend niya kasi ang kapatid ko, eh. And I could say… Na hindi siya mapagkakatiwalaan.”

Napakunot-noo siya.

“What do you mean?”

“Hikari, habang maaga pa, iwasan mo na at hiwalayan ang ang lalaking ‘yan.”

“But, why?”

“He’s a dangerous man. He’s… He’s a sex-thirsty pervert.”

Natigilan siya. Should she believe her?

“Ang kapatid ko… He raped her.”

Na-shock siya nang marinig iyon buhat kay Dana.

“I don’t know if you believe me, Hikari. Pero habang maaga pa, think for your own safety. Ayo’kong magaya ka sa kapatid ko na ngayon ay nawawalan na ng ganang mabuhay. That person destroyed my sister’s life.” Nasasalamin niya sa mga mata nito ang pagkamuhi sa lalaking kanilang pinag-uusapan.

Gusto pa sana niya itong tanungin sa detalye tungkol sa kapatid nito nang mamalayan ang paglapit ni Robert sa kanila.

“Babe..?,” anito nang makalapit.

Kinakabahang napatingin siya sa nobyo.

“What’s the matter?,” takang tanong nito sa reaksyon niya na kinakabahan habang nakatingin dito. Nang mapasulyap ito sa babaeng katabi niya ay Napakunot ang noo nito.

“Oh, Dana…,” he said with a wicked smile. “Seems like you two are having some good conversations here…”

Tumayo si Dana habang bakas pa rin sa mga mata ang nagliliyab na galit sa binata. Sinulyapan siya nito.

“I’m going, Hikari. Remember what I told you,” she said. “Keep safe.”

Iyon lang at umalis na ito.

Agad niyang kinompronta si Robert nang ihatid siya nito sa bahay nila at hindi pa sila nakakarating doon.

“What?,” kunot-noong anito matapos niyang sabihin dito ang tungkol sa naging usapan nila ni Dana kanina. Natawa ito. “That’s too foul!”

“Rob… Please be honest with me,” seryosong saad niya.

“Hikari,” anito habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. “Masyado kang nagpapaniwala sa mga taong nonsense. Wala ka bang tiwala sa akin? Do you think I will do that to anybody?”

“Then, why is she telling me those things kung hindi naman ‘yon totoo?” She must know.

“Okay, I’ll tell you. Naging kami nga ng kapatid niyang si Deah. But it wasn’t really a serious relationship. Ang babaeng kagaya ni Deah ay ang tipo ng babaeng hindi seseryosohin ng sinumang lalaki. She’s a bitch. Kung sinu-sinong lalaki na yata ang dumaan do’n. And I happen to be one of them. One day she told me that she’s pregnant at ako ang ama ng dinadala niya. I never believed her. Alam na alam kong hindi lang ako ang lalaking sinasamahan niya sa pagtulog.”

Nanatili siyang nakikinig dito.

“Gusto niyang panagutan ko ang batang dinadala niya,” patuloy nito. “Ano ako, tanga para gawin ‘yon? Syempre hindi ako nagpauto sa kanya. Dahil sa galit niya ay pinalaglag niya ang bata. Nang malaman ng family niya na ipinalaglag niya ang bata, galit na galit ang mga magulang niya. At hayu, itinuro ako at sinabing ni-rape ko raw siya kaya nagawa niyang ipalaglag ang bata na hindi raw niya ginusto.”

Hindi siya nakakibo. But, she believed him.

At ngayon ay nanganganib na mapahamak siya dito. Dahil sinusundan pa rin siya nito ay natataranta na siya. Padilim na at nakapagtatakang wala nang tao sa paligid niya maliban sa kanila ni Robert. Kinakabahan na siya, kung kaya nagawa niyang tumakbo with a shaking legs. Hindi na siya nakapag-isip nang tinawid niya ang daan patungo sa tapat ng building ng University habang tumatakbo.

And then, suddenly… A familiar car was about to hit her again dahil sa tulin rin ng takbo ng sasakyang iyon… Huli na nang makita niya iyon. Naging blangko ang isipan niya at hindi malaman ang gagawin. Halos isang dipa na lamang ang layo ng kotse at hindi niya nagawang itakbo ang mga paa palayo dahil sa nararamdaman niyang takot.

Naipikit niya ang mga mata, almost seeing in her visions the life-threatening situation she was in…

About pearlangeli12

i'm an imaginative kind of person...

Talakayan

8 thoughts on “The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 2

  1. Disgrasyada nmn tong hikari,,haha

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 4:18 hapon
  2. pervert ung x nya hahaha ..my twist

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 6:27 hapon
  3. fave hobby ata ni hikari mgpasagasa hehe..

    Posted by aileen | Oktubre 15, 2013, 7:59 hapon
  4. i thnk she was only in her dreamz. . .

    Tittle plang eh. .hehe =D

    Posted by pazawaiy_1901 | Mayo 30, 2012, 7:23 hapon
  5. I think she’s inside her dream…
    she’s only dreaming that’s why she never felt any pain

    Posted by jeh089 | Disyembre 27, 2010, 8:42 hapon
  6. hmmm.. deh xa nkakaramdam ng sakit? ano xa patay? :O omg!!!

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 19, 2010, 8:42 hapon
  7. i really love the flow of the story…kakaexcite…i can’t wait for the next chapter….

    Posted by jhunez | Mayo 19, 2010, 12:59 hapon
  8. katakot nman ung x bf nya……prone sa accident tong c hikari.. eehehhe…

    can’t wait sa next chapter.. ano kya nangyari na nman ky hikari.. ok kya sya… c rohann kc kla mo hari ng kalsada mgpatakbo ng sasakyan.. prang lagi my humahabol or hinahabol lagi.. hehehehhe

    thanks.. ingatz pearl..

    Posted by sjyo_0208 | Mayo 19, 2010, 12:17 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2010
M T W T F S S
« Mar   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: