binabasa mo ang...
The Man of Hikari's Dreams

The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 1

Chapter 1

Hindi na halos matandaan ni Hikari kung ilang oras siyang walang malay at nanatili sa kadiliman. Pakiwari niya ay nagiging manhid ang buo niyang katawan. Wala siyang nararamdamang anuman…

Parang inuutusan ng sarili ay naidilat niya ng dahan-dahan ang kanyang mga mata. Puting kisame ang unang nakita niya.

“Are you feeling better?”

Para siyang idinuduyan nang marinig ang malamig at swabeng boses ng isang lalaki na alam niyang nasa tabi lamang niya. Hinagilap niya ng tingin ang may-ari ng boses na iyon.

“How are you?,” dagdag na tanong nito sa kanya.

“N-Nasaan ako?”

“You’re here inside the hospital. But you’re safe now…”

Nang makita niya ang malamlam na mga mata nito ay agad na gumaan ang kalooban niya. She’s safe… Pero nasa hospital siya? Bakit?

Pilit niyang inalala kung ano ang huling nangyari sa kanya bago siya napunta dito, ngunit nahihirapan siyang isipin iyon, nalilito siya.

“B-Bakit ako nandito? Ano ang nangyari sa akin?”

“I was so sorry…” Bakas sa mukha nito ang guilt nang sabihin iyon. “Nasagasaan kita kahapon. Hindi ko kasi namalayan na naroroon ka sa gitna ng daan. I was in a hurry nang habulin ko ang isang taong may atraso sa pamilya namin.”

Sa sinabi nito ay bigla niyang naalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay. Sa peryahan… Matapos siyang hulaan ng isang matandang manghuhula.

“Nasaan ang mga kaibigan ko?”  Ang natatandaan niya ay iniwan niya sandali ang mga ito sa fast food na pinagkainan nila kahapon. Yesterday was her birthday… “At ang mama at papa…”

He smiled gently. “They were here a minute ago. I tried reaching them nang makita ko ang contact nila sa cell phone mo. I’m sorry pinakialaman ko na nga ang mga gamit mo. I was too worried about you. Mabuti na lang at natawagan ko agad sila. They will be here maya-maya lang. We were relieved when the physician told us that you’re okay and everything will be fine.”

She felt relieved with that. Yeah, everything will be fine. Hindi man lang siya nakaramdam ng anumang sakit sa katawan niya kahit natatandaan niyang umaagos ng walang patid ang dugo sa katawan niya noong magdilim ang pananaw niya.

“I am so sorry for causing you this,” he softly said.

Napatingin siya sa mukha nito. This guy is handsome. And his eyes… they looked perfectly admirable. Abuhin ang mga mata nito at likas na malamlam kung kaya kung tumitig ito ay para siyang idinuduyan. Magaan na ang loob niya dito. Kahit sabihin pang ito ang nakasagasa sa kanya.

But now is not the perfect time para kiligin dito.

“I am perfectly fine,” aniya. In fact, mas malakas pa nga siya sa inaasahan. “A-Ano nga ba ang pangalan mo?” Nakikipag-usap siya dito ngunit wala man lang siyang ideya kung ano ang itatawag dito.

“Rohann,” he said.

Rohann…

She haven’t heard any name as that. But his name sure fits his personality. He was gentle, dahilan kung bakit parang nahuhulog na ang loob niya dito. Lihim tuloy niyang pinagalitan ang sarili niya. This is their first encounter, and yet, she secretly falls for him?

Bigla niyang narinig ang katok mula sa labas ng silid. Nang mabukas iyon ay tumambad sa paningin niya ang mukha ng mama at papa niya. Bakas sa mukha ng mga ito ang labis na pag-aalala sa kanya.

“Anak,” sambit ng ina niya nang makita siya at agad na napayakap sa kanya. “Labis kaming nag-aalala ng iyong papa nang malaman namin ang nangyari sa iyo. Kumusta ang pakiramdam mo?”

“I’m okay, ma,” nangingiting wika niya. Kapag ang mama na niya ang nag-aalala, tiyak na maghi-hysteria ito ng labis anuman ang masamang mangyari sa kanya.

“May malaking sugat ka sa kaliwang binti,” sabi naman ng kanyang papa. “Masakit pa ba?”

Takang napatingin siya sa binti sa ilalim ng kanyang kumot. Nakabalot iyon ng makapal na bandage. Ni hindi man lang siya nakaramdam ng anumang sakit mula doon.

“Hindi naman po masakit,” aniya.

“Talaga?” Natuwa ang papa niya sa sinabi niya. “Kung ganoon ay tama ang doctor.Pwede ka nang makauwi, Hikari.”

Napangiti siya. “I’m glad kung gano’n. Malapit na ang graduation. Hindi pwedeng hindi ako makapag-martsa sa araw na iyon.”

Nang masulyapan niya si Rohann ay nakangiti lang naman ang mga mata nito habang pinagmamasadan siya.

Nakalabas na siya ng ospital na iyon at kasalukuyan nang nagpapahinga sa kanilang bahay nang bumalik ang pagiging matamlay niya. Kanina ay inihatid sila ni Rohann sa kanilang bahay. Ngunit nanatiling hungkag ang kanyang kalooban nang matanaw ang sasakyan nitong papalayo sa kanilang village.

“Anak…?” Her mom called her nang makapasok ito sa kanyang silid at inihatid ang isang baso ng milk. “Heto… Para mainitan ang sikmura mo at tuluyan ka nang lumakas.”

Napangiti siya. Kahit bente anyos na siya ay alagang alaga pa rin siya ng kanyang mama. Palibhasa ay nag-iisang anak kasi siya.

“Thank you, ma.”

Ngunit nahalata agad nito ang katamlayan niya. “Are you really okay, anak?”

“Opo. Bakit n’yo naman naitanong ‘yan?”

“Matamlay ka kasi.” Bigla tuloy nitong naisip ang isang bagay kung bakit matamlay siya. “Anak…” Naupo ito sa kanyang higaan. “Kung si Robert ang iniisip mo, hayaan mo na ang lalaking iyon.”

Alam nito ang tungkol sa love life niya. Para na kasi niyang bestfriend ang ina. Parati niya ibinabahagi dito ang tungkol sa love life niya. Alam na rin nitong hiniwalayan siya ni Robert, at tulad niya ay nasaktan din ito. Pero gayun pa man ay pinayuhan agad siya nito na wag magdamdam at hayaan na lamang ang binata. Anyway, darating din ang panahong magsisisi ito at pinakawalan siya.

“Ma,” aniya. “Hindi naman po si Robert ang iniisip ko, eh.” Totoo iyon. Since the moment she laid her eyes on Rohann, nawala na ng tuluyan si Robert sa kanyang isipan. At nakapagtataka talaga ang bagay na iyon. Parang kahapon lang when she felt so devastated of losing Robert in her life. But now… it’s totally different. She felt a little bit empty… Para bang nagkaroon na agad ng puwang sa puso niya ang lalaking iyon, ang lalaking nakasagasa sa kanya accidentally…

“Kung ganoon eh ano ang iniisip mo?”

“W-Wala po. Siguro po ay kailangan ko lang ng konting paghinga,” pagdadahilan niya.

“Tama ka, Hikari. Hala sige… Magpahinga ka muna d’yan at may aayusin lang ako sa kusina, ha? Don’t forget to drink your milk, baka lumamig ‘yan.” Hinalikan siya nito sa pisngi at saka lumabas na sa silid niya.

Naiwan pa rin siyang malungkot, at lihim na inaasam na sana ay muling mag-krus ang landas nila ni  Rohann.

Pagkakinabukasan ay pumasok na sa University si Hikari. Agad niyang nakita ang mga kaibigang sina Julia at Steve nang nasa loob na siya ng campus.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?,” nakangiting pangangamusta sa kanya ni Julia.

“I’m sorry, friend, tulog na tulog ka pa kahapon nang mabisita ka namin sa ospital,” wika ng baklang si Steve. “Okay ka na ba?”

“Yeah,” masiglang wika niya. “I’m definitely good!”

Nagtaka naman ang mga ito.

“Ganoon?,” Julia asked. “Eh may malaking sugat ka kaya sa kaliwang binti. Milagrong nailalakad mo na yang mabuti.”

“Of course I can walk perfectly,” bale-walang saad niya saka nagpatiuna nang naglakad patungo sa silid ng una nilang subject.

Pareho silang Mass Communication ang kursong kinuha. Pareho kasi silang mahilig sa broadcasting at pangarap nilang tatlo na maging news caster o kaya ay reporter sa isang news sa telebisyon.

Nagtatakang napasunod na lamang ng tingin sa kanya ang dalawa. Sa isip ng mga ito ay hindi makapaniwala. In just two days ay magaling na magaling na siya?

“O, ba’t parang hindi maipinta ang mga mukha n’yo?” Napatigil siya sa paglalakad nang mapansin ang nagtatakang ekspresyon ng mga mukha nina Julia at Steve. Siya man ay nagtaka sa reaksyon ng mga ito. “Am I really serious nang madala sa ospital?”

“As a matter of fact,” Julia said with hesitation. “Oo. Tingin ko nga ay nag-aagaw-buhay ka nang madala ka sa ospital. Umaagos ang maraming dugo sa katawan mo that time. In fact, tarantang taranta ang mga tao sa paligid, lalong lalo na kami. At ang kaliwang binti mo…”

Napatingin siya sa kaliwang binti na ngayon ay wala nang benda.

“What’s with my left leg?,” takang tanong niya.

“It was seriously wounded,” sagot naman ni Steve. “Tingin nga namin ay hindi lang basta sugat, eh. Fracture na yata.”

Nagtataka man ay natawa na lamang siya. “Ano’ng fracture ang pinagsasabi n’yo? Tingna n’yo nga at nailalakad ko na ang paa ko without even pain. Kayo talaga, kung anu-ano ang pinagsasasabi n’yo. Aren’t you glad na hindi pa ako kinuha ni Lord?”

Napailing na lamang ang mga ito sa sinabi n’ya.

“Umayos ka, bruha ka,” ani Steve. “Of course masayang masaya kami nang malaman namin buhat sa doktor na hindi ka naman napaano.”

“Oo nga. Ang mahalaga ay okay na okay ka.” Julia was happy with that.

Break time na nila nang maisipan nilang mag-pizza muna sa gilid ng University. Masaya silang nagku-kwentuhan nang may makitang pumasok sa loob ng pizza house.

Bigla namang sumimangot sina Julia at Steve nang makita ang lalaking papasok doon.

Si Robert. Mag-isa lang ito. Nagtaka tuloy siya kung bakit hindi nito kasama ang bagong girlfriend nitong ipinalit sa kanya.

Hindi naman siya nakaligtas sa paningin nito at agad siya nitong nakita. Na-shock siya nang ngitian siya nito habang nilalapitan ang mesa nila nina Julia at Steve.

“Ang asungot na ‘to…,” nai-imbyernang wika ni Steve. “May lakas ng loob pang maka-lapit-lapit.”

“The nerve!,” inis namang sambit ni Julia.

Nang tuluyan na itong makalapit ay umupo ito sa tabi niya.

“Hi, Hikari!,” nakangiting bati nito sa kanya habang tinititigan ang mukha niya. “Kumusta ka na? I heard na nasagasaan ka raw kahapon. I was worried, but the way I see you now, I am happy na mukhang hindi ka naman napaano.”

“Hindi nga,” mataray na interrupt ni Steve. “She is doing perfectly good, thanks a lot. Hindi pa siya destined na mawala sa mundong ‘to hangga’t hindi pa niya natatagpuan ang prinsipe niya na maipapalit sa’yo.”

Siniko naman ito ni Julia sa katarayan nito.

Binale-wala naman ng binata ang pagtataray ng bakla niyang kaibigan, instead ay patuloy nitong pinagmamasdan ang mukha niya.

“Are you okay now, Hikari?”

“Y-Yeah,” aniya na hindi na naging komportable sa titig nito. “W-Why are you here? You’re supposed to be with your girlfriend. Baka ‘pag may nakakita sa’yo dito ay isumbong ka agad sa nobya mo at mapapahamak pa ako.”

“Oo nga,” interrupt na naman ni Steve. “Baka pinlano mo ito at gusto mong makitang magsabunutan ang girlfriend mo at si Hikari? Aba, talagang hindi ako uurong at sasabunutan ko rin ang nobya mo!”

“Steve,” awat niya dito. “Tama na. Aalis na si Robert.” Tiningnan niya ang ex-boyfriend. “You may now go. Ayokong may makakita pa sayo dito at makarating pa sa girlfriend mo. Tiyak na malaking issue ‘to para sa inyo.”

Ngumiti lang ito ng pasimple. “You don’t have to worry anything, Hikari. Wala na kami ni Trixie.”

Nagulat sila nang marinig iyon. Ganoon lang kadali? Noong isang araw pa yata nakipag-hiwalay sa kanya si Robert dahil sinagot na raw ito ni Trixie, na lingid sa kaalaman niya ay lihim na palang nililigawan ni Robert kahit sila pa ng binata.

“Wala na kayo?” Napakunot-noo siya. “But, why?”

Nagkibit lang naman ito ng balikat. “There are a lot of things na hindi kami nagkakasundo. And…” Muli ay tinitigan siya nito ng mariin. “I think… I still love you, Hikari.”

Napatda siya sa narinig. Is he really serious? Ganoon lang ba kadali para dito na sabihin iyon? After causing her heartaches?

“Hoy, asa ka naman!,” sambat ni Steve. “At tingin mo naman may feelings pa sa’yo si Hikari pagkatapos mong palitan!”

“Steve, ano ka ba?,” awat naman ni Julia dito na lihim ay natatawa sa katarayan ng bakla.

Hindi niya iyon pinansin. She was now confused. Totoo ba ang sinasabi nito o ginu-good time lang siya nito?

“Hikari…,” anito na sumeryoso na ang ekspresyon ng mukha. “You must know this… I want you back.”

Hindi siya agad nakapagsalita.

“Mahal pa rin kita, Hikari. Kahit kami na ni Trixie, ikaw pa rin ang laman ng isipan ko. Hinding hindi ka niya mapapantayan.”

Tumayo siya at galit na tiningnan ito.

“Do you think paniniwalaan pa kita, Robert?’

Napangiti naman sina Julia at Steve sa inakto niya.

“Pagkatapos mo akong i-dump ng basta basta? Makinig ka… Isang beses mo lang akong ibabasura, at hinding hindi na mauulit pa iyon, okay? Guys, tayo na. Kung ayaw niyang umalis dito, tayo na ang aalis.” Iyon lang at nagpatiuna na siyang umalis sa pizza house na iyon. Nagmamadali namang napasunod sa kanya sina Julia at Steve.

“Idol na idol na talaga kita, friend!,” masayang sabi ni Julia nang maglakad na sila patungo sa classroom ng susunod nilang subject. “Buti nga sa mokong na ‘yon!”

“That’s Hikari,” tuwa namang wika ni Steve. “Hindi siya ganyan ka-uto-uto para paniwalaan ang mga kasinungalingan ng lalaking ‘yon, ano.”

Nagngingitngit pa rin ang kalooban niya habang papalapit na sa classroom.

Matapos ang kanilang klase ay nag-abang na silang tatlo ng taxi pauwi.

Ngunit bigla niyang natanaw sa di kalayuan ng daan ang papalapit na sasakyang pamilyar na pamilyar sa kanya. Huminto ito sa tapat nila. Nang mabuksan ang window ng kotse sa may driver’s seat ay natambad sa paningin niya ang gwapong mukha ng binatang laman na yata ng isipan niya kagabi at kanina paggising niya sa umaga.

Rohann…

Napangiti siya nang makita ito. She didn’t expect to see him again…

About pearlangeli12

i'm an imaginative kind of person...

Talakayan

13 thoughts on “The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 1

  1. Ahmmmm,,mpipilay o mpuputol b binti nya someday…

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 3:59 hapon
  2. Nice story kakabitin nman:):)

    Posted by hairon macmod | Agosto 13, 2014, 6:40 umaga
  3. hmmm may kakaiba?

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 6:14 hapon
  4. aaaaaaaaahhhhhhh,,, kakaexcite naman!!!! :))

    Posted by rhaeZEL | Hunyo 10, 2010, 9:45 umaga
  5. ehloe!..new reader po..hehe..nice names..uh,ito plang po b ung s2ry xa TOP?o marami pa?..now lan kc aqo nkapnta d2..love the start..write more,gudluck!..

    Posted by strawberry | Mayo 30, 2010, 1:45 hapon
  6. hehe…:) thanks for the comments guys..:) keep reading…. i hope u will be more thrilled sa upcoming chapters to be posted every tuesdays and thursdays..:) siao!:)

    Posted by pearlangeli12 | Mayo 19, 2010, 6:16 umaga
  7. ang ganda 22o kya uing hula nung ale ky hikari?.,sana happy ending 2 pra masaya=)

    Posted by alescy | Mayo 18, 2010, 5:16 hapon
  8. nice names.🙂 i’ll wait for the next chapter.😀

    Posted by candy | Mayo 17, 2010, 4:38 hapon
  9. I love it.. Interesting story..

    Posted by jennie | Mayo 17, 2010, 7:10 umaga
  10. next page?

    Posted by chyrin | Mayo 14, 2010, 3:24 hapon
  11. kelan ang next posting nito?..i like it🙂

    Posted by zoey | Mayo 14, 2010, 12:13 hapon
  12. this is good.. thanks for these…
    waiting for the next chapter..🙂

    Posted by Jana | Mayo 14, 2010, 12:07 hapon
  13. woowww..parang ang ganda po…next na po…tnx

    Posted by eizzy | Mayo 14, 2010, 10:05 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2010
M T W T F S S
« Mar   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: