binabasa mo ang...
The Man of Hikari's Dreams

The Man of Hikari’s Dreams – PROLOGUE

Prologue

“Happy birthday, Hikari!”

It’s her twentieth birthday. Hindi man siya gaanong masaya ay hindi rin naman siya ganoon kalungkot para hindi magawang ngumiti sa kabila ng masasayang pagbati sa kanya ng mga kaibigang sina Julia at Steve.

“Thanks,” hindi gaanong masiglang wika niya.

“C’mon, ano pang hinihintay natin?,” excited na sabi ng baklang si Steve. “Let’s party!”

Na-excite naman si Julia. “Saan ang lakad natin ngayon?”

Pinilit niyang ngumiti. “Saan n’yo gusto?”

“Ikaw na ang mag-decide, Hikari. Syempre mas gusto naming masaya ka kaya ikaw na ang mag decide kung saan.”

Ngunit kahit anong pilit niya ay hindi siya nasasabik sa kanilang lakad.

“Hey,” ani Steve na nahalata agad ang katamlayan niya. “Punta na lang kaya tayo sa mall?”

They are already twenty at marami na rin silang napagdaang magkaibigan. They’re already friends for almost five years, at sa tagal ng kanilang pinagsamahan, masasabi niyang true friends niya ang mga ito.

“No,” ani Julia. “May naisip ako.” Nagningning pa ang mga mata nito habang sinasabi iyon.

“Punta na lang tayo sa paborito nating tambayan mula noon hanggang ngayon,” suhestyon nito.

Ang paborito nilang tambayan na sinasabi nito ay ang lumang peryahan sa may pinakasulok ng kanilang lugar na parati nilang pinupuntahan noon kapag sila’y nababagot at walang magawa.

“Pwede na rin,” ani Steve na napipilitan. Medyo hindi kasi nito feel ang lugar mula noon. Napipilitan lang naman itong sumama sa kanila dahil wala naman itong choice. “Ano sa paglagay mo, Hikari?”

“Okay,” payag na lamang niya. “Kahit saan, basta masaya.”

Halata naman sa mukha ng kanyang mga kaibigan na lihim ay nag-aalala ang mga ito sa kanya. Noong isang araw lang kasi ay hiniwalayan siya ni Robert, ang boyfriend niya for almost three months. Nakakita lang ito ng mas maganda, mas sexy, at halatang mayaman ay itinapon na siya nito na parang basura! Halos maalala pa niya’ng sinugod nina Julia at Steve ang binata at pinag-aaway ito.

Napapailing na lamang siya. Nagawa siyang saktan ni Robert, ngunit wala naman siyang planong maghabol dito o maghiganti. Hahayaan na lamang niya ito. Total, mas maganda naman talaga ang bagong girlfriend nito.

Naroroon na sila sa lumang peryahan at naglibot-libot kung saan-saan ngunit matamlay pa rin siya.

“Hikari,” ani Steve na hindi na napigilan ang sariling komprontahin siya. “Please, kami ang nahihirapan sa pagiging matamlay mo, eh. Bakit ba iniisip mo pa rin ang walang-modong lalaking ‘yon? He doesn’t even deserve your love para maging matamlay ka. Birthday mo pa naman ngayon, bruha ka.”

Ngayon niya lang napagtantong sumusobra na pala ang pag-iisip niya sa lalaking iyon at hindi man lang niya nagawang i-enjoy ang kaarawan niya. That made her think na parang ang swerte naman ni Robert para pag-aksayahan ng panahong isipin ng isipin!

Hinarap niya ang mga kaibigan ng napakatamis na ngiti. Halos umabot na nga iyon sa kanyang tenga.

“I’m sorry, guys! Alam n’yo kasi… Err… Gusto ko naman talagang mag-enjoy ngayon, eh. It’s just that… hindi ko lang talaga maiwasang isipin siya. Pero ngayon, pagod na ako sa kakaisip sa kanya. Kaya, panahon na rin para ang sarili ko naman ang isipin ko.”

Napangiti na lang sina Julia at Steve.

Masaya nilang pinuntahan ang paborito nilang fast food sa peryahang iyon at nag food trip hanggang sa hindi na sila makahinga sa sobrang busog.

“Guys,” aniya at tumayo. “Punta muna ako sa may CR.”

Nang makaalis sa table ay lumabas agad siya. Palibhasa walang CR sa fast food na iyon kaya kinailangan niyang maglakad ng ilang distansya sa may CR ng peryahan.

It was almost six in the afternoon. Madilim na ang paligid. She decided to hurry up, para makauwi na silang magkaibigan. Napakahigpit pa naman ng mama ni Julia at ilang minuto lang ay hahanapin na ito ngayon.

Nang makalabas galing sa CR at naglakad pabalik ay may nakabangga siyang isang matandang babae.

Ano ba naman ‘tong matandang ‘to, ako na nga ang umiwas, sinadya pa akong banggain!

Naiirita man ay binale-wala na lamang niya iyon, bagkus ay humingi na lamang siya ng paumanhin.

“Pasensya na po, ale,” aniya at tinulungan itong makatayo dahil medyo nadapa ito sa pagkakabangga sa kanya.

“Aba, eh, paumanhin na rin sa iyo, hija,” anito. Ngunit nang magtama ang kanilang mga paningin ay bigla itong natigilan.

Nagtaka naman siya sa reaksyon nito.

“A-Ano pong problema? B-Bat po kayo natitigilan?”

“Hija…” Naging seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Hindi tuloy niya maiwasang kabahan. Ano ba ang meron sa matandang ito at parang nahihiwagaan siya?

“Nakikita ko sa iyong mga mata na hindi ka masaya ngayong araw na ito… Dahil nabigo ka sa isang pag-ibig na akala mo’y totoo at walang hanggan.”

“H-Ho?” Nasurpresa siya, sapagka’t alam yata nito ang bagay na iyon. Manghuhula ba ito?

“At nakikita ko rin… Na ngayong araw na ito, ganap na matutupad na ang iyong pangarap. Ang pangarap na makita ang lalaking nakatakda para sa iyo.”

Napakunot-noo siya. Ano ba ang sinasabi ng matandang ito?

Weird…

“Hali ka, hija. Sumama ka sa akin, nang maipaliwanag ko ang lahat.”

Para naman siyang na-mesmerized kaya napasunod na lamang siya dito. Ano ba ang hiwagang nagaganap at parang nahihipnotismo yata siya?

Tama ang hinala niya nang makapasok sa loob ng isang maliit na silid ng matanda. Isa nga itong manghuhula.

“Maupo ka, hija.”

Nang makaupo ay agad nitong tiningnan ang palad niya.

“Ngayon mismo… Sa araw na ito,” wika nito. “Ilang minuto na lang ay matutupad na ang pangarap mo.”

Naalala niyang bigla ang kanyang kabataan, noong nagkaisip siya… Noon ay isa lang ang sinasabi niyang pangarap niya sa mga magulang, ang makita at makapiling ang lalaking nakatakda niyang mahalin. But that was just a childish dream. Nakalimutan na nga niya iyon, eh.

Ngunit napatda siya nang bigla itong matigilan.

“Ngunit…”

Bigla siyang kinabahan habang hinihintay ang sasabihin pa nito.

“Ngunit nakikita kong hindi mo siya makakapiling sa reyalidad, hija. At maaaring hindi mo nga siya makapiling habang-buhay.”

“Po?” Gulat na gulat talaga siya sa sinabi nito. Maaaring hindi ko siya makapiling habang-buhay?

“Hija, hindi biro ang iyong kapalaran. Magiging masaya ka pero… Pero malamang ay magiging malungkot ka rin habang-buhay.”

This is absurd! Kung balak lang nitong i-discourage siya sa kapalarang sinasabi nito, then she wouldn’t dare believe her! Kalokohan lang ang sinasabi nito at walang katuturan.

Naiiritang tumayo siya at binawi ang kamay.

“Ale, pasensya na po kayo pero hindi po ako naniniwala sa mga hula-hula. At ang sinasabi ninyong pangarap at kapalaran ko, lalong hindi rin ako naniniwala doon. Magiging masaya ako habang buhay at wala kayong karapatang sabihin sa aking magiging malungkot ako dahil hindi n’yo hawak ang mundo!”

Iyon lang at naglakad na siya palabas sa munting silid ng matandang manghuhula.

Ngunit nagmamadali din itong sundan siya.

“Hija, sandali!”

Napalingon siya. Naalala niya, baka gusto nitong bayaran niya ito. Kinapa niya ang bulsa at binigyan ito ng fifty pesos.

“Hayan po. Ayo’ko na pong marinig ang mga hula n’yo.”

“Pero, hija. Kailangan mong makinig—“

“Maraming salamat po,” aniya at aktong aalis na.

“Hija!”

Ngnuit natigilan siya.

“Kung gusto mong makitang muli ang lalaking pinangarap mong mahalin, ‘wag na ‘wag mong kalimutang balikan ang lugar kung saan kayo unang nagkita, sa mismong oras kung kailan kayo pinagtagpo,” mahiwagang wika nito.

Napailing na lamang siya at bale-walang umalis sa lugar na iyon. Nagiging palaisipan tuloy sa kanya ang mga pinagsasabi nito, at kahit anong pilit ang gawin niya para mawaglit sa isipan ang sinabi nito ay nagsusumiksik pa rin ang isiping iyon.

Foolish! Ang mga hula-hula ay walang katuturan at—

Pero natigilan siya nang biglang may paparating na sasakyan sa daan. Matulin ang pagtakbo niyon, na hindi man lang niya namalayang papalapit na sa dinadaanan niya. Nasa gitna siya ng daan nang makita niya ang matuling pagtakbo ng kotseng iyon. Halos hindi na niya nagawang mag-isip at iiwas ang sarili sa paparagasang kotse. Huli na… Dahil nagdilim na ang paningin niya at naramdaman na niya ang pag-agos ng dugo sa kanyang katawan.

“Hey! Miss… Miss…”

Ngunit wala na siyang marinig na anuman. Ni hindi na niya naramdaman ang pagkupkop sa kanya ng isang tao sa mga bisig nito. Naging madilim na ang lahat, at ang tanging natanaw niya ay kawalan….

~

Ito po ay kumpletong istorya na buong puso naming ipinagmamalaki sa inyo! Mula sa panulat ni Pearl Angeli ay tiyak na tayo’y kikiligin at muling titibog ang ating puso na muling umibig!

Mababasa ninyo ito tuwing Martes at Huwebes dito lamang sa inyong pinagkakatiwalaan at iisang online pocketbook romance story sa internet– sa TOP!

About pearlangeli12

i'm an imaginative kind of person...

Talakayan

13 thoughts on “The Man of Hikari’s Dreams – PROLOGUE

  1. Hmmm ok,,but sna nmn nd ma-dead ang isa sa knila ha..

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 3:51 hapon
  2. mabasa nga🙂 mukhang mgnda

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 6:07 hapon
  3. intriguing!

    gotta read now!

    Posted by aileen | Oktubre 15, 2013, 6:21 hapon
  4. nice

    Posted by jjhuls | Nobyembre 9, 2012, 8:39 umaga
  5. npaisip aq..hmmmm….

    Posted by alma | Oktubre 29, 2012, 12:10 hapon
  6. naiiba..mahiwagang pag-ibig? hehhe

    Posted by jeh089 | Disyembre 27, 2010, 8:13 hapon
  7. hmm.. im intrigue ahehe

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 19, 2010, 8:27 hapon
  8. Love the plot of the story… Mysterious…

    Posted by mareinnelady | Hulyo 2, 2010, 9:59 umaga
  9. i like it!😀

    the plot of the story is UNIQUE!

    thumbs up!

    Posted by sweetypink | Mayo 14, 2010, 9:48 hapon
  10. wow… my aabangan na nman.. thanks angeli… welcome to TOP!

    post na chapter 1… ehehehhe

    thanks..ingatz

    Posted by sjyo_0208 | Mayo 12, 2010, 12:30 hapon
  11. thanks marj and yesha…:)

    Posted by pearlangeli12 | Mayo 12, 2010, 5:38 umaga
  12. walang kinikilingan…walang pinoprotektahan…TOP lang hehehe🙂

    Nice one Pearl!

    Posted by yes2yesha | Mayo 11, 2010, 11:20 hapon
  13. wow! prologue p lng eh na.eexcite n agad aq,hehe…ang ganda nang pgkaka suspense nya,aabangngan q i2….more power po and godbless

    Posted by marjorie | Mayo 11, 2010, 10:51 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Mayo 2010
M T W T F S S
« Mar   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: