binabasa mo ang...
Half Crazy

Half Crazy – Chapter 12

PAGKALIPAS ng isang taon, muling bumuhos ang balita tungkol sa pagpatay kay Rhoda Santillan. A video was found and it leaked in the internet.

Lumitaw ang mukha si Fred. Nakangisi ito. “I’m gonna surprise my bride-to-be! Watch out guys!” Isinet nito ang cam at nagtago sa likod ng kurtina.

Bumukas ang pinto. Narinig ang mabining tawa ni Rhoda at ang malambing na tinig nito.

“Dude, morphines again? I thought you’re over it.”

Inakay nito si Justin na tila wala sa sarili.

“Margarette… “ paulit-ulit na sambit ng binata. Pagkuwa’y ngumingiti saka napapabuntong-hininga at napapangiti ulit.

“No, it’s Rhoda…” anang dalagang tila naiiyak. “It’s Rhoda, Justin.” anitong niyakap ng mahigpit ang binata. “Make love to me,” bulong nito’t sinimulang halikan ang punong-tainga ng binata.

“I need to talk to Margarette…” ani Justin na panay iwas at itinulak ang dalaga.

Ngunit mas lalong nangunyapit ito’t patuloy ang paghalik.

“I’ve loved you for so long Justin. Don’t you know that?” Itinulak nito ang binata sa kama at kaagad na kinubabawan iyon. “And I wanted you to be mine. Kaya ko sinagot si Fred para mapalapit sa’yo. But you’re head over heels in love with Marga. Ano bang meron siya na wala ako?” bigla nitong ibinaba ang zipper ng pantalon ni Justin pero kaagad umiwas ang huli at pilit na bumangon.

“No,” ungol ni Justin. Nang yapusin ito ng dalaga’y itinulak ito ni Justin. “I can’t… I’m in love with Margarette.” Tumayo ito’t pasuray-suray na tinungo ang pinto.

Sukat sa sinabi’y parang leon na nagalit si Rhoda at hinarang ang binata. “Margarette, Margarette! Puro ka na lang Margarette! Can’t you see that she doesn’t love you?” Sinampal nito si Justin. “Hindi ka pa rin natatauhan? That was why I set up a date for you! Para malaman mong hindi ka niya mahal. Para tumigil ka na sa kabaliwan mo nang sa gayon ay makita mo na ako! I’m the one in love with you, Justin!” umiiyak na saad nito. “Ako lang ang nagmamahal sa’yo ng ganito! Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin makita iyon?”

“But I love her,” usal nito na tila hirap na hirap.

“She doesn’t love you!” sigaw nitomsa pagmumukha ng binata.

“I know.” sagot ng kaharap at tumango-tango. Lumarawan ang pait sa mukha nito. “But I love her still.”

Lalong tumindi ang galit ng kaharap at kinalmot ang binata. Dumugo ang kaliwang pisngi ng binata ngunit tila hindi ito nasasaktan. Nagwala si Rhoda at patuloy ang pangangalmot at pagbayo sa dibdib ng kaharap. Bigla’y itinulak ni Justin ang dalaga at bumagsak ito sa paanan ng kama.

“I’m sorry.” tanging sambit ni Justin at mabilis na umalis sa silid na iyon.

Naiwang nagwawala si Rhoda. Nagmumura ito saka napahagulhol.

Nagulat ito nang biglang may gumalaw sa kurtina.

Naroon ang nagtatagis na bagang na si Fred.

“F-Fred?”

“You bitch.” tanging sabi nito na nanlilisik ang mata. “Ginagago mo lang pala ako!”

“I’m sorry, Fred.” Nahintakutang saad ng dalaga. Tinangka nitong tumayo. “I can explain-“

Ngunit hindi na naituloy ng dalaga ang sinasabi. Humampas sa ulo nito ang lampshade. Hindi na nakasigaw si Rhoda. Tumama ang ulo nito sa matigas na bahagi ng kama at nangingisay. Saka lamang natauhan si Fred.

“R-Rhoda?” Ngunit tumagos na ang maraming dugo sa carpet.

Napahilamos ng mukha si Fred. Napaluhod ito. Napa-iyak. Nagpanic. Nagpalibot-libot ito sa silid na tila hindi alam ang gagawin. Dagli itong kumuha ng basang basahan at pinunasan lahat ng nahawakan niya. Saka biglang nanlalaki sa takot ang mga mata nang makita ang camera. Kaagad itong lumapit at pinatay iyon.

Hindi makapaniwala si Marga sa nakita. Natagpuan niya ang sariling walang tigil ang pagbuhos ng luha at hindi niya mapigil ang panginginig. Justin is innocent… And Rhoda… Bakit hindi man lang niya napansin ang nararamdaman ng bestfriend niya? Ni wala siyang nagawa para tulungan ito. Her bestfriend was in love with Justin and kept her feelings. Rhoda had suffered and yet, she didn’t know about it.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Henrik sa balikat niya. Nang tingnan niya ito’y puno ng paghihirap ang mukha nito. Niyakap siya nito ng mahigpit. Kita niya ang pagpipigil nitong magpakita ng emosyon. Wala sa hinagap nilang lahat na si Fred ang makakagawa noon kay Rhoda. Kasabay ng pagkalat ng video ay ang balitang pagsuicide ni Fred. Hindi nito nakayanan ang sundot ng sariling konsensiya. Nagpakamatay ito sa bahay na itinayo nito para kay Rhoda at iniwan ang videong iyon.

She felt sorry for Fred. She felt sorry for Rhoda. She felt sorry for Justin. She felt sorry for all of them.

Biglang umiyak si Jojo. Pareho silang napalingon sa batang nasa kuna. Kaagad niyang pinahid ang luha’t dinaluhan ang anak. Kinarga niya ito at buong pusong hinalikan at inihele hanggang sa muling naging mapayapa ang tulog nito.

“Justin’s gonne be freed tomorrow.” ani Henrik nang mailapag niya ulit ang bata sa kuna.

“We need to be there.” aniya. Muling sumungaw ang luha sa mga mata niya. Tumango si Henrik saka niyakap siya ng mahigpit.

“I guess it’s about time to say goodbye…” bulong nito.

Gumuhit ang sakit sa puso niya. Alam niya ang ibig sabihin nito.

NASA headlines ulit ang pangalan ni Justin. Napawalang-sala ito. Nagsalita ang mga Santillan sa publiko, humingi ng dispensa sa maling pang-aakusa na nagawa nila. Ipinangako nila na malilinis ang pangalan ng binata. Bago pa man matapos ang araw na iyon, dumating ang Auntie Edith at Uncle Renato niya sa apartment na tinutuluyan nilang mag-ina. Humingi ang mga ito ng kapatawaran. Walang makapang galit si Marga sa dalawang itinuring niyang mga magulang. Biktima silang lahat ng pagkakataon. Sila lang natitirang pamilya niya. Kaya buong lugod niyang tinanggap ang paumanhin ng mga ito. Hindi niya makakalimutan ang pabor na hiningi niya a Uncle Renato niya na bagamat labag sa loob nito’y pinagbigyan siya. Hiniling niya rito na sana’y huwag ng pahirapan si Justin. Dahil ito ang ama ng sanggol na dinadala niya.  Akala niya’y hindi nito pagbibigyan ang hiling niya. Pero nabalitaan niyang ipinasok sa rehab si Justin. At ipinagpapasalamat niya iyon ng malaki.

Kumusta na kaya si Justin? Magiging masaya kaya ito kapag nagkita sila ulit?

PARANG hindi siya makapaniwala nang sabihin sa kanya na laya na siya. Simula noong makaharap niya si Renato Santillan ay alam niyang mabubulok na siya sa kulungan. Ngunit nagulat siya nang sa sumunod na araw ay pinalipat siya sa rehabilitation center para tuluyang magamot ang addiction niya.  Hindi na siya muling ginalaw ng mga tuta nito pagkatapos ng paghaharap nilang iyon.

Ngayong tuluyan na siyang nakalabas ay hindi niya tiyak kung saan patungo. Kinamayan siya ng police officer. Nandoon din ang abogado niya. Hiniling niya na huwag ng makita ang taga-media.

“Sa likod ka dumaan. May susundo sa’yo,” anang pulis.

Nagtataka ma’y sinunod niya ito. Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyang makalabas sa presinto. Mas masarap pala talaga ang hangin sa labas.

“Justin!” tawag sa kanya ng boses na alam niyang kailanma’y hindi niya malilimutan. Naroroon ang Honda CRV na alam niya kung kanino. Kumislot ang puso niya na tila ba magwawala sa saya nang masilayan ang nakangiting mukha ni Marga. His Margarette. His special kind of morphine. Parang hindi niya kakayanin ang tuwang nararamdaman ng dibdib. Parang sasabog iyon sa sobrang saya. Ngunit nawala ang ngiti niya nang maya-maya’y lumabas si Henrik, kalong-kalong ang isang batang lalaki.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nang mapatitig siya sa bata. Bumilis ang tibok ng puso niya. Namimilog ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Unti-unti siyang lumakad palapit. Ngunit gusto niyang mapaatras nang makita kung ano ang ibig sabihin ng nakikita niya. Margarette and Henrik and the baby… A family.

Hindi niya alam kung may hihigit pa sa sakit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

“Da-daaa,” anang bata.

Pinigilan niya ang pagpatak ng luha.

“Da-daaaa,” ulit nito na tila ba tuwang-tuwa habang karga-karga ni Henrik.

Hindi pa man siya nakakalapit ay tumakbo na si Marga at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

“I’m so happy to see you again.” anitong pumiyok ang boses.

Napalunok siya. Masayang napatitig ito sa kanya saka kumawala ng yakap. Gusto niyang tumutol. Gusto niyang manatiling nakapaloob si Margarette sa bisig niya pero hindi siya nagpumilit.

“Bro!” ani Henrik. Tinanggap niya ang palad nito. “Welcome back.”

“Thanks for everything, bro,” aniya rito.

Ngiti lang ang isinagot nito saka tinapik ang balikat niya.

“I’m sorry about Fred.” Nasa mata ng kaharap ang pighati. Tumango-tango ito.

“I’ve already mourned for him, bro,” anito sa mababang tinig. “I’m so sorry for everything.”

“It’s no one’s fault,” tapat sa loob na sagot ni Justin. Wala siyang makapang galit sa nangyari. Wala siyang sinisisi. Dahil marami siyang natutunan sa isang taong pagkakakulong. He felt like a new person. He was healed from his wounds. He felt grateful it happened. maliban na lang sa malaking panghihinayang sa dibdib na hindi niya nakasama si Margarette sa loob ng isang taong iyon. Napabuga siya ng hininga habang pinagmamasdan ang tatlo. Pero hindi niya maunawaan kung natutuwa ba siya o nalulungkot sa nangyayari.

“Look who’s here, Jojo” tila musika sa pandinig niya ang boses na iyon ni Margarette habang kausap nito ang anak.

Sumilay ang ngiti sa mukha ng bata saka tila nahihiyang itinago ang mukha sa dibdib ni Henrik. Natawa sila. Pakiramdam niya’y pinipiga ang puso sa nakikita.

“C’mon, Jojo, say hi..”

Lumingon ang bata sa kanya saka ngumiti. Pagkuwa’y  inilahad nito ang dalawang kamay na tila gusto mgpakarga.

Napalunok siya. Hindi niya alam kung papaano ito kakargahin pero nanaig ang kagustuhan niyang pagbigyan niya ang bata. Hindi niya maipaliwanag ang saya na naramdaman nang kinalong niya ito.

“Ilang taon na?” tanong niya sa dalawa. Kita niya ang pagpahid ni Marga ng luha sa mga pisngi. Muling sumigid ang kirot sa dibdib niya.

“One year,” si Henrik ang sumagot.

“Da-daa,” anaman ng bata habang hawak ang mukha niya.

“Maiwan ko muna kayo, may kakausapin lang ako sa loob.”

Tumango siya. Tinapik nito ang balikat niya. Alam niyang binigyan sila nito ng pagkakataong magkasarilinan. Napatitig si Justin kay Marga. One year… Still, she’s the most beautiful thing on earth for him.

Panay pa rin ang patak ng luha nito pero hindi ito humihikbi. Tila alam na ni Justin ang sasabihin nito sa kanya. She’s saying hello. And then goodbye. And she’ll go on with her life… And he has to go on with his.

“Kumusta ka na?” anitong nangingiting-naiiyak.

Nagkibit-balikat siya. “Heto,” tanging sagot niya. Pilit niyang nilululon pabalik ang rumaragasang emosyon.

“Na-miss kita…” amin nito. Muling sumungaw ang luha nito. Kagaya noong huli nilang pag-uusap, pinigilan niya ang sariling pahirin iyon. Kagaya ng pagpipigil niya sa sariling yakapin ito’t halikan hanggang sa humupa ang pangungulilang nararamdaman niya sa loob ng tila napakahabang panahon.

“Ako din… Na-miss din kita. Sobra.”

Pinahid nito ang luha sa mga mata ngunit patuloy ang pag-agos noon.

“May ipagtatapat ako,” anito.

Tumango siya. Hinanda niya ang sarili sa panibangong sakit. Niyakap niya ang kalong na bata, tila kumukuha doon ng lakas ng loob.

“You told me to live my life, right? Na kalimutan na kita…” Tumango ulit siya. Yumuko at kunwa’y nilalaro ang bata para hindi nito mapansin ang pangingilid ng mainit na likidong iyon sa mata niya. “But… there are just things I cannot change. And I don’t want to change.” Humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita saka napatitig sa anak nito na kalong-kalong niya. “I named him after you. Justin Camara Junior.”

Napangiti siya sa kabila ng paninikip ng dibdib at lalamunan. “He’s…” napalunok siya. “He’s mine…” Hinalikan niya ang ulo ng bata at hinayaan niyang dumaloy ang kanina pa nagbabantang luha. His son… “Wanna play with Daddy?” aniya sa anak at itinaas ito. Napahagikgik si Jojo.

Natutuwang pinagmasdan ni Marga ang mag-ama. Laking pasasalamat niya sa Diyos at sa wakas dininig ang panalangin niya. She loves them both so much. At wala nang mas makapagpapasaya sa kanya ngayong magkasama na silang lahat.

“Justin..” tawag niya rito. Mula kay Jojo napatingin ito sa kanya. His expression was almost unreadable. Pero alam niya ang nararamdaman nito.

“I’m with Henrik,” she paused.

Doon gumuhit ang pait sa mga mata nito pero nakuha pa rin nitong ngumiti. “I know. I told you to live your life.”

Gustong umigkas ng kilay niya sa narinig. It’s not what she wanted to say. “I did., lived my life.. I tried… Henrik helped me out. And-”

“You don’t have to explain. I understand, Margarette. At masaya ako para sa’yo.  I only wanted you to be happy.”

Muling dumaloy ang luha sa pisngi niya. She recalled those times she yearned for his presence. Sa lahat ng araw na pinangarap niyang makapiling ito. Mula sa pagdadalangtao niya hanggang sa panganganak niya, sa lahat ng pagkakataong hungkag ang pakiramdam niya dahil wala ito. “I’ve been praying for this to happen, Justin. At masayang-masaya ako ngayon. I’ve been waiting for so long and God knows how much I missed you.” Lumapit siya rito at niyakap niya ang mag-ama ng mahigpit. Saka muling tinitigan ang mukha ng lalaking pinakamamahal niya.

“I live with Jojo.” Napalunok ulit ito, namumula ang ilong at paligid ng mata. “If… if you want.. you can live with… us.” aniyang nakahinga ng maluwag nang sa wakas ay masabi niya. Kinabahan siya nang wala siyang makitang reaksyon sa mga mata nito. Nagbago kaya ang damdamin nito sa loob ng isang taon at ayaw na nitong makapiling siya at ang anak nila?

“With Henrik?” sa wakas ay sagot nito’t napabuga  ng hangin.

“No…” kunot-noong sagot niya. “Just Jojo. Me and you… i-if you like.”

Tila nakain nito ang dila at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

“You’re not married with Henrik?!” anitong bahagyang umangat ang boses.

“No,” lalong kumunot ang noo niya.”Do you want me to marry him?”

“No!” Napabuga ulit ito ng hangin. Bigla’y umiyak si Jojo sa gulat. “S-Sorry, Jojo,” anitong inihele kaagad ang anak. “It’s okay, Jojo…” alo naman niya sa anak hanggang sa kumalma ito.

Lapat ang mga ngiping binalingan siya ni Justin. “Alam mo bang muntik na akong mabaliw kanina habang pinagmamasdan ko kayong tatlo? And you told me you’re with him!”

Sasagot sana siya ngunit inangkin na ni Justin ang labi niya’t buong diin siyang hinalikan. Napapikit siya ng mariin at dinama ang tamis ng halik nito at buong pusong tumugon. He still kissed her the way that could make her weak and strong at the same time. Iniyakap niya ang isang kamay dito habang ang isa’y nakasuporta sa bisig nitong kalong ang anak nila.

Natawa sila bigla dahil hinahaplos ni Jojo ang mukha nila.

“Baka maipit yang bata.” ani Henrik. “Akin na nga.” anito saka kinuha mula kay Justin ang bata. May binulong ito kay Marga dahilan para mapatitig siya saglit dito. Henrik loved her. Dama ng puso niya iyon. At alam niyang nasasaktan ito ngayon. But he’s a good sport. And Henrik is a nice guy. Once a nice guy, always a nice guy. Hindi niya alam kung papaano susuklian ang lahat ng kabutihan nito sa kanilang mag-ina.

Bahagya itong tumango sa kanya at kumindat saka inaliw si Jojo at dinala patungo sa sasakyan.

Thank you, Henrik… bulong ng puso niya.

Napatingin si Justin sa pinsan. He felt deep gratitude for keeping his promise. Inalagaan nito ang mag-ina niya para sa kanya. At hindi niya alam kung paano niya ito pasasalamatan. Nang mapatingin siya sa kaharap ay nakatitig ito sa kanya.

“So… Do you want to.. I mean, I’m not in a rush but-” tila hindi magkandatuto sa pagsasalita si Margarette. Tumaas ang sulok ng labi niya at hindi napigilan ang ngiti. Margarette wants him in her life. Muling inangkin ni Justin ang mga labing iyon na kaytagal niyang pinangarap na muling mahagkan. He felt her once more and breathe with her and wanted to stay there forever. Margarette will always be the love of his life. Even if he died, he knew, he’d still search for her in another lifetime. Ito ang bukod-tanging dahilan at hinayaan niya ang sariling mabuhay. He was hoping to see her and love her for the rest of his life.

“Walang araw sa loob na hindi ko hiniling na makapiling kita, Margarette. I love you so much… mahal na mahal pa rin kita. So… Yes,  gusto kong makapiling ka habambuhay at lahat ng magiging anak natin.”

Nangislap ang mga mata nito sa tuwa’t napasubsob ito sa dibdib niya. “Mahal din kita,Justin. I’m sorry if it took me so long to realize. I’m sorry for all the pains that I’ve caused you. That was what I wanted to tell you the last time I visited you… that I’m in love with you and I want to stay in love with you until my last breath. Nasaktan ako noong mabasa ang sulat mo. I was hurt but I knew you. You would never hurt me. Kaya kahit anong pilit kong ibaling sa iba ang tingin ko, hindi ko magawa dahil umaasa pa rin akong pag nagkita tayo ulit, mahal mo pa rin ako…”

“I’m sorry…” Hinalikan niya ang luhang pumapatak sa pisngi nito. “I’m so sorry for those silly things I wrote. Gusto ko lang magpatuloy ang buhay mo. It would be unfair if you messed your life because of me when you can have the chance to be happy, to have a normal life that I know I cannot give at that time. That’s what I’ve always wanted Margarette, ang maging masaya ka. Pero walang makapagbabago ng pag-ibig ko sa’yo. Not a year. Not a lifetime. Not an ever after… I’ve been in love with you since forever.”

Pinigil ni Marga ang sariling mapahikbi. “Thanks for loving me that much. Hindi ko alam kung mapapantayan ko ang pag-ibig mo. All I know is I love you so much that it hurts not to be with you.  Sana hindi ka na muling ilayo sa akin dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa…” parang batang samo nito.

“I’m more than glad hearing you say these things to me. Hinding-hindi ko na iyon hahayaan pang magkalayo tayo, Margarette. I got all the reasons to fight for my life. You and Jojo.” ani Justin at hinaplos ang pisngi nito.

“Does that mean you can m-marry me?” anitong namula ang pisngi sa huling sinabi.

Ngumiti siya. “Did you just propose?

Lalong tumindi ang pamumula nito. Biglang bumusina si Henrik. Pareho silang napalingon at sumenyas.

“So…” alumpihit na tanong ni Marga.

“So?”

Nang tumingala ito sa mga mata niya’y nahigit niya ang hininga nang mabasa ang damdaming nakapaloob sa titig ng kaharap. Napalis ang ngiti niya’t sumeryoso ang mukha.

“Will you marry me?” tanong ulit nito.

He suddenly knew what it felt when heavens poured out blessings to you. Happiness touched his heart and his soul. His nerves were shaking because the emotions were almost unbearable. Wala nang sasaya pa sa sandaling iyon. Hinawakan niya ang magandang mukha ng kaharap, ng kanyang Margarette. “Yes, I will marry you. And be with you forever.”

Niyakap siya nito ng mahigpit. She was crying again. Pagkuwa’y nakangiting nakatingala sa kanya. “I’m so happy,” anito habang sumisigok. “I can’t control my sobs.” Hinimas niya ang likod nito. “H-Henrik just did us a favor.” patuloy nito. “Our wedding is happening in ten minutes!”

Nakangangang napatitig siya kay Margarette. Pero hindi ito nagbibiro. Muling bumusina si Henrik.

Nagkatinginan sila saka parehong napangiti.

“You’re that in love with me?” tudyo niya.

“Yes. And from now on,  you can never get away from me.” anaman ni Marga.

That’s all I ever wanted, ani Justin sa sarili at ginagap niya ang palad ng babaing pinakamamahal. Magkahawak-kamay nilang tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan.  Sa puso nila, alam nilang wala ng makapaghihiwalay pa sa kanila.

THE END

Author’s Note:

Isang kuwento na naman ang natapos. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta. Nawa’y nasiyahan kayo sa kuwentong ito. Sa totoo lang, medyo na-stress ako sa kuwentong ito. This isn’t supposed to be my second story pero hindi nawawala ang mga characters sa isipan ko kaya tinapos ko na. Kaya kung medyo magulo, pasensiya na.hehe This is the best I could do. Pinilit ko talagang gawing happy ending.

As for the original writer of this story, Ms. Louise, sana okay sayo ‘to. I really really hope na magustuhan mo. Thanks for this Lou! 🙂 And thank you Foo for making me do this. I’m so happy!!! For Yesha, Bench and Blue, thank you sa support!

As for the Top family that is growing 🙂 , thanks! kahit hindi tayo nagkakachika, mahal ko kayo.

Dear  readers, we are thankful for all of you. Maraming maraming salamat! Salamat sa walang sawa ninyong suporta. You knew who you are and I’m really grateful for all your support. 🙂

As for Justin and Margarette, Good luck! happy days are ahead of you.

And as for Henrik, you’re gonna be okay. You might be a bit heartbroken, but you’re gonna be alright. You’ll soon find the love of your life.

And for all of you, especially to God, Thank you very much!!!

Hanggang sa muli,

Calla Lily

About Calla Lily

I write for a cause and that cause is "love".

Diskusyon

54 thoughts on “Half Crazy – Chapter 12

  1. I mean knilig

    Posted by Jenny | Disyembre 20, 2017, 5:21 hapon
  2. Kindling at npa iyak ako danda ng story 😊

    Posted by Jenny | Disyembre 20, 2017, 5:20 hapon
  3. wow! ganda
    maganda

    Posted by nuriam | Hunyo 18, 2017, 11:15 hapon
  4. Masyadong madrama sakit sa dibdib.hehe

    Posted by Evelyn Pequiro | Hunyo 16, 2014, 10:46 hapon
  5. super naiyak ako… galeng!!

    Posted by loubeelou17 | Mayo 6, 2014, 11:55 umaga
  6. True love never dies very nice story 🙂

    Posted by sushibar | Pebrero 18, 2014, 7:44 hapon
  7. ang galing mo talaga calla lily..bongga 2 d MAX!

    Posted by nesilita | Enero 11, 2014, 12:29 umaga
  8. nice ending 🙂

    Posted by luvlyangel | Enero 9, 2014, 12:01 umaga
  9. superb! galing ng kwento. mali ung hula q. i thot c marga ang pumatay hehe.

    sobrang carried away aq sa eksena…ur awesome author cally! il read this again. harhar 🙂

    Posted by aileen | Oktubre 20, 2013, 12:52 umaga
  10. nakaka inspired ang story na ito at nakaka-iyak sobra… di ko inakala na iiyak ako.

    Posted by mary grace | Hulyo 9, 2013, 1:13 hapon
  11. nakaka inspired ang story na ito.. super ganda.. wala na akong masasabi..

    Posted by mary grace | Hulyo 8, 2013, 4:01 hapon
  12. another interesting story, nakakaiyak na nakakahanga sobrang ganda.

    Posted by nina15 | Mayo 30, 2013, 11:58 hapon
  13. I thought in the first place na pangit to,., kaseh ang pangit ng chapter 1 dahil ganun na nga,., (hahahaha)
    but then sabi ng isip ko until chap 2 baka may mangyaring exciting.,., tapos may nabuo sa isip ko na baka c Henrik talaga ung sa kanya,., but then again,., nawalan ako ng ganang magbasa ,., so nagun ko lang talaga na tapos then again,. I found it interesting and sooooooooooooooooo exciting, na sa kabila ng lahat .,.. ilang taon din nyang inisip kung c JUSTIN ba or HENRIK,., the time came na they spend their time together in one month,., (halos d nga umabot ng 1 month because of the incident) ,.,from then on,., IMLOVINGTHESTORY na until, I found myself laughing *kilig.kilig pud*

    overall,., ang ganda SUPERB graveh,., TRUE LOVE NGA NAMAN HINDI MO NAMAMALAYAN,. woosshh,. so happy for them that no one has given up their love though it hurts, not being with the one u LOVE,.,

    Posted by zyn | Mayo 27, 2013, 4:58 hapon
  14. Grabe ang gamda ganda naman ng story n 2 sobrang nakaka in love at nakaka iyak din keep up the good work calla lily and tnx din kc mas na inspire akong magsulat ng love story actually marami na rin ako nasulay pero parang nawalan ako ng inperasyon kya hnd na q nagsusulat pero tnx 2 u na inspire ako ulit 🙂

    Posted by Mhaldita | Marso 17, 2013, 5:46 hapon
  15. Good job writer…
    Verry nice story

    Posted by mary | Enero 25, 2013, 5:44 hapon
  16. ganda grabe!!!!!

    Posted by kenneth | Nobyembre 21, 2012, 11:34 umaga
  17. super ganda tlga at ska ang ending ang saya nkka relate ,ang kwento nato! salmat calla lily. godbless!

    Posted by chritina m sale | Agosto 17, 2012, 1:01 hapon
  18. SHE MADE A GOOD CHOICE THEN. 🙂

    Posted by Aixe | Hulyo 31, 2012, 10:06 umaga
  19. ang ganda talaga nose bleed ako ata!he he he keep it up

    Posted by Jeffrey Pairat | Hulyo 18, 2012, 11:43 hapon
  20. Thumbs up!!! Sobrang ganda. Nakakakilig! nakakaiyak! nakakapanabik ang mga susunod na kaganapan! At higit sa lahat, love the ending. Kinabahan ako doon ah! Akala ko talaga si henrick at marga na sa huli. Hehehe!!! Congrats calla lilly!

    Posted by Icell | Hulyo 15, 2012, 1:52 umaga
  21. thumbs up to the writer! good job!

    Posted by crishnaalaina | Hulyo 9, 2012, 10:24 hapon
  22. naiyak ako dun a..heehe.. ganda! ^_^

    Posted by jlyn | Abril 30, 2012, 7:15 umaga
  23. oh my gosh. . . . ang ganda talaga super…. nakakaiyak na nakakilig. . . by the way anu na pala nag nangyari sa mga kuko ni justin? kawawa talaga siya… pero atleast ang ganda pa rin ng ending ng story nila…. the best talaga ang fave author ko dito sa TOP. more power always. I’ll be looking forward for more of your stories. XD

    Posted by prettii_ren | Abril 12, 2012, 9:23 hapon
  24. Patunay lng na tao lng tau na marunong mag mahal nakakagawa nang pag-kakamali Pero dahil sa pag kakamali naten ung natototo tau at nalalaman nten kung ano ang tama at makakabuti”t makaka pag pasaya sa atin .. npaka gandang kwento marami kang ma22tunan.

    Posted by Camille Abril | Marso 29, 2012, 7:38 hapon
  25. ang ganda ganda nman nito!!!im so glad i’ve read thiz. .mai mga lesson din. . =)

    nde lahat ng nara2mdaman mu ay love. .
    matutu kang makontento dahil panu kung huli na ang lhat bago mu mlaman na xa pla tlga ang mhal mu at attracted ka lan w/ smeoder? . .dbva?

    be contented of wat u hve =)

    Calla Lily: thanks for reading pazawaiy and thanks for the comments. natutuwa ako’t nagustuhan mo ang kwentong ito. ganoon talaga sa pag-ibig. minsan,nasa harap na natin, hindi pa rin natin nakikita. Kapag wala na,saka pa natin malalaman ang halaga nito. it’s heartbreaking oftentimes, kaso, ganoon na talaga. but one good thing is we can always learn. contentment is one thing we should learn. 🙂

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 10, 2012, 9:06 umaga
  26. GRaveh aNg Ganda ng STory … Ikaw na Ate ! ikAW NA TALAGA..

    Posted by laine | Pebrero 11, 2012, 3:23 hapon
  27. grabeh ang ganda ng story, its nice to read what true love is. naiiyak n nmn ako.

    Posted by belle | Pebrero 10, 2012, 4:45 umaga
  28. Calla Lily~ you’re such a pro!
    ganda ng story talaga…”)

    great ending! epic!

    please write more 🙂 I’m a fan of yours 🙂
    Calla Lily: thank u jeh 🙂 grabe, super saya ko sa comment mo. Isang araw lang 2 stories ang nabasa mo’t ni-like mo pa lahat. I’m touched 🙂 sana mabasa mo rin yung I Meant It When I Said ‘I Do’, ebook siya. isa yun sa mga kuwentong pinaka-love ko. Maraming salamat ulit! God bless 🙂

    Posted by jeh089 | Disyembre 20, 2010, 11:24 hapon
  29. grabe ang ganda.. sobra lang. ang galing galing mo naman magsulat.. dko nahulaan kung sinong pumatay talaga kay rhoda. ang galing ng suspense. more power ms. calla lily!

    next na sa isa mo pang story yung as long as forever please? thankss! 😀

    Posted by krisae | Disyembre 12, 2010, 11:13 umaga
  30. Omg!!!kakaiyak…..

    Posted by April<3 | Nobyembre 30, 2010, 2:12 hapon
  31. galing..ganda ng story sobra..

    Posted by jeon | Nobyembre 10, 2010, 3:57 hapon
  32. c0ngrats louise and calla lilly nice st0ry…

    Kakaiyak..

    M0re p0wer and g0d bless

    Posted by yuumie | Nobyembre 10, 2010, 9:49 umaga
  33. the best! galing ng author. ganda ng story nakakaiyak!

    Posted by astigurl | Nobyembre 6, 2010, 10:06 hapon
  34. the best….grabe kinilig tlga ako sa story nila justin at marga….
    ang ganda!

    Posted by sheryl | Oktubre 24, 2010, 12:19 umaga
  35. galing ng author nito. kakaiba ang story. more power!

    Posted by sweetorange1226 | Oktubre 17, 2010, 12:38 umaga
  36. ang gnda po tlga at slamat at khit gnun n nkulong c justin may happy ending p rin…..

    Posted by hermhel | Oktubre 5, 2010, 8:02 umaga
  37. ang ganda ng story… nakakaiyak.. and maganda ang pagkagawa mo ng ending….. happy ending pero realistic.. hehehehe.. keep it up!!! meron bang story rin si hendrick??

    Posted by blessbel | Setyembre 8, 2010, 7:24 umaga
  38. galing mo girl…
    keep up the gud work…

    Posted by sweet _anne | Agosto 28, 2010, 6:33 hapon
  39. ang ganda grabe naiyak ako..nice job..keep it up..:)

    Posted by almira | Hulyo 21, 2010, 11:32 hapon
  40. ha’ay… it is such an amazing story that i can’t help my tears from falling…

    Posted by joecille | Mayo 23, 2010, 11:37 hapon
  41. this one is a really really nice story….no words so far can explain what i feel while reading the story…halo-halo kasi ang emotion ko…hehe…grabeh ang ending….i can’t stop myself to cry while reading this chapter…keep up the good work ms. calla and thanks for sharing this story…

    Posted by jhunez | Mayo 20, 2010, 3:49 hapon
  42. grabe pinatulo mo talaga ang luha ko miss calla . . dey’r all teasing me. .ang OA ko daw my paiyak iyak pa .. . hehehhehehe . pero to tell you the truth . . saludo ako sayo ..ang ganda talaga ng pagkakagawa mo nito. . thank you miss calla. . mwuah! love you

    Posted by chyrin | Mayo 16, 2010, 9:56 umaga
  43. grabe… hindi ako tumigil sa pag-iiyak simula sa pagkulong nila kay justin hanggang sa video na inilabas, tungkol sa pagkamatay ni rhoda…… grabe, ang bad ni rhoda.. akala ko ang mahal niya talaga si fred… yun pala may nakatagong pagmamahal siya para kay justin… hayz… best story ever… NAKAKAIYAK!!!!! anyway, just what i expected… HAPPY ENDING —– cOnGrAtUlAtIoNs…. 🙂

    Posted by xxbunzxx | Mayo 15, 2010, 6:23 hapon
  44. nakakaiyak ang kwento….

    Posted by tricshine | Mayo 6, 2010, 3:16 hapon
  45. eto ako wala pang tulog, 5am na pala.. hahaha napakaganda… napaiyak ako.. sobra!!!!!! chinese ako mamaya! ahah sana marami pa po kayong magagawang storya.. God bless po!

    Posted by sEnsiTivE_AngeL | Abril 30, 2010, 4:59 umaga
  46. ang may kasalan sa lht ng nangyaring masama eh c rhonda………………

    Posted by shaira | Abril 29, 2010, 6:18 hapon
  47. Super ganda ng kwento…

    Posted by Antonia Rivera | Abril 23, 2010, 6:55 umaga
  48. this is the best ever!true love prevails.tnx.

    Posted by wenz | Abril 17, 2010, 4:16 hapon
  49. sinasabi q n nga ba. . . c fred ang killer. . . nararadar q talaga. . . haha. . . ganun pala nangyayari s mga naaakusahan. . . napakabrutal naman. . . mapipilitan talagang umamin sa sobrang pahirap. . . papatay na rin eh. . . aniweiz, nakakaenjoy. . . ang sweet ni justin. . . napakamartir aba. . . kaloka. . . haha. . . super nice. . . tnx and more power!

    Posted by rishell | Abril 6, 2010, 11:56 hapon
  50. ay.ay.ay…pag-ibig…
    grabe…makabagbag damdamin..

    Posted by brook22 | Abril 5, 2010, 10:56 hapon
  51. I LOVE this story one of my favorite!!! Ang ganda as ins… sana gawa ka pah ng another story sure aabangan ko mga story mo love it!!!

    Posted by blossomsz | Abril 3, 2010, 8:34 hapon
  52. so nice 🙂

    Posted by sweetypink | Abril 1, 2010, 5:12 hapon
  53. buti nman dirinig din ni rhoda sinabi ko.. na kung tlagng love nya c justin, sna ituro o lumabas tlaga ung totoo… happy ending parin..

    believe din me ky henrick, di sya nanamantala….

    thanks.. thanks tlaga calla, ..ganda… tlgang napapaiyak mo kmi lagi.. more story pa..

    ingatz.. God Bless…

    Posted by sjyo_0208 | Marso 17, 2010, 4:23 hapon
  54. ganda ng ending,miss calla lily..ending na nga napaiyak mo pa ako..huhu! kahit po kme nastressed dito dhil sa pagkamatay ni rhoda.. nmli ako ng hula dun,hehe.. sna po my nxt story ka pa po..ang ganda po kasi ng ginagawa nyong story.. sna po soon na nxt story nyo.. mamimiss nmin ang pag iyak,hehe.. thank you and godbless,miss calla.. see you in your nxt story..

    Posted by krizia | Marso 17, 2010, 10:33 umaga

Mag-iwan ng tugon sa aileen Pindutin ito para bawiin ang tugon.

TOP Calendar

Marso 2010
L T M H B S L
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan