binabasa mo ang...
Half Crazy

Half Crazy – Chapter 11

ALL RISE.” Hudyat iyon ng pagsisimula ng paglilitis. “The court is now in session. Judge Pompeo Adriano presiding. People of the Philippines versus Justin Camara. ”

Bahagyang napapitlag si Justin nang marinig niya ang pangalan niya. Nananakit ang buo niyang katawan. Pagpasok pa lang niya’y sinalubong siya ng media at sapak at batok ang inabot niya sa iilang taong naroroon. He had his share of torture last night and now his body is craving for morphines again. Nanginginig siya’t balisa ang diwa. Pero nagtutumining sa utak niya ang kahahantungan ng buhay niya sa araw na ito. Dead end.

Katabi niya ang abogado na walang ibang sinabi sa kanya kundi aminin ang kasalanan para mapagaan ang sentensiya niya. Alam niyang tuta din ito ng mga Santillan. Pero wala siyang mapagpipilian. Lahat ng abogadong nilalapitan ni Henrik ay hinaharang ng mga ito. He had no one. At nitong umaga lang din niya nabalitaan mula sa abogado na nasa ospital ang mommy niya, inatake ito ng sakit sa puso. Kaya walang sinuman sa hukumang iyon ang nasa panig niya kahit pa ang abogado niya. Somehow, he wished the trial would happen quickly. Alam din naman niya ang mangyayari. Tumigas ang mukha niya nang binalingan siya ng judge. Judge Adriano was Renato Santillan’s comrade. Pagkakataon nga naman.

“What do you plead?” anang judge. Matiim itong nakatingin sa kanya.

Napatingin sa kanya ang lahat lalo na ang abogadong nasa tabi niya na kulang na lang ay sumagot ng ‘guilty’ para sa kanya. Oo’t gusto niyang mapadali ang lahat. Pero wala iyang planong akuin ang kasalanang hindi niya ginawa. Huminga siya ng malalim bago sumagot. “NOT GUILTY, YOUR HONOR.”

Pinukpok ng judge ang maso sa harap nito. “Call in the first witness.”

 

PANAY ang sulyap ni Marga sa orasan na nasa dingding. Hindi mapanatag ang loob niya. Wala siyang tulog sa nakaraang mga araw dala ng problemang hinaharap niya. Laman ng mga pahayagan, radyo at tv ang nangyaring paglilitis sa kaso ni Rhoda. Maraming ebidensiyang nakalap ang kampo ng mga Santillan. May mga saksi din na nakakita kay Justin at Rhoda ng gabing iyon. Lahat ay kumbinsido na si Justin nga ang gumawa ng krimen. Nasasaktan siya sa tuwing maiisip na posibleng bitay ang ipataw na parusa dito. May kuru-kurong bago mag-isang buwan, magpapataw na ng sentensiya ang husgado. Iniisip pa lamang niya’y nanginginig na siya sa takot. Hindi niya kayang magpunta sa hukuman at balikan ang pangyayari ng pagkamatay ni Rhoda. Hindi rin niya kayang makitang nadidiin ng husto si Justin.

Si Justin ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog sa gabi. Nangungulila siya sa presensiya nito. Nag-aalala siya sa kalagayan nito sa loob ng kulungan. Nakokonsensiya siya sa sinabi niya rito noong huling dalaw niya. Dahil sa kaibuturan ng puso niya, kahit imposible, naniniwala siyang inosente si Justin sa nangyari. Pero paano niya mapapatunayan iyon?

LUMIPAS ang araw. Bago ang huling paglilitis ay hindi inaasahan ni Justin na may dadalaw pa sa kanya. Wala siyang planong harapin kung sinuman iyon. Mahigit isang buwan na ang lumipas. Tinapat siya ng abogado niya na wala na itong magagawa para depensahan siya. Masyadong mabigat ang mga ebidensiya ng mga ito. At kahit abogado niya’y kumbinsidong siya nga ang may kagagawan ng krimen.

Alam niyang bilang na ang araw niya. At tanggap niya iyon. Tanggap niya ng buong-buo. Wala siyang sinisisi. He wanted to end his life. And the universe made way for it to happen. Why would he cling on to life when there’s no one to live for? Ang tanging hiling lang niya’y mahuli ang tunay na salarin pagkatapos niyang mabitay. And they will mourn for their bad justice. Napaismid siya. That’s happy. But the sad part is he’ll die a convict. A murderer. And Margarette hates him. Great.

“Justin,” anang tinig na pamilyar sa kanya. Saka pa lang siya nag-angat ng tingin. Si Margarette. Pilit ang ngiti nito halatang pinipigil ang sariling huwag maiyak. Bigla’y sinugod siya nito ng yakap. Dinig niya ang impit na hikbi nito sa dibdib niya. Pinaglapat niya ng mariin ang mga ngipin para pigilin ang sariling emosyon. Pinilit niyang inilayo ang dalaga sa kanya at hinanda ang sarili kahit pa tila pinipiga ang puso niya nang mga sandaling iyon.

“Gusto kong ito na ang huling beses na makikita kita rito.” aniya sa matigas na tono.

Tila tulala itong nakatingin sa kanya. Pinigilan niya ang sariling pahirin ang luha nito. Kailangan niyang gawin ito para sa ikabubuti ng dalaga. “I don’t want you anywhere near. Is that clear? Ayoko ng makita ka. And yes, I killed Rhoda. I remembered everything now.”

“I-I don’t believe you…” Lumunok ito, umiling. “I don’t believe you did it to her.” anitong pumiyok ang boses.

Bumalong ang luha sa pisngi nito. And his own vision blurred. He swallowed hard as he could to push the tears down.

“It doesn’t matter to me, Margarette. ” Nakuyom niya ng mahigpit ang kamao. Hindi niya alam kung saan huhugutin ang lakas para itaboy ang babaing minamahal. “I did it to her. I killed her.” mariing sabi niya.

“Stop lying!” anitong panay ang agos ng luha.

“You have to forget me. Totally. Hate me, whatever. Just get out of my life. Kagaya ng gusto mong gawin noon. And I’ll forget you in return.”

“You promised to love me,” humihikbi na saad nito.

“I’m an addict. I’m a murderer. What made you think I could not lie?” saad niya.

Bumuka ang bibig nito pero tila walang maapuhap na sasabihin. Patuloy ang pag-agos ng luha nito. Tinalikuran na niya ito bago pa nito makita ang sakit na kanina pa niya itinatago rito.

“Justin, I want to tell you something.” gumaralgal ang boses na sabi nito. Pero hindi na niya ito nilingon pa . Mabilis siyang lumapit sa guwardiya para pumasok na sa kulungan.

SUMAPIT ang araw ng pagbibigay-hukom kay Justin. Walang balak na pumunta si Marga sa korte. Wala rin siyang balak makarinig ng balita sa radyo o tv. Nakausap niya ang private investigator na kinuha niya para sa kaso pero maging ito’y kumbinsido na si Justin nga ang may gawa. Masaydong matibay ang mga ebidensiya at may mga witness na nakapagsabi na naroroon si Justin sa oras na maganap ang krimen. Pero kahit ganun pa ma’y naniniwala siyang wala itong kasalanan.

Humilab ang tiyan niya’t dali-dali siyang napasuka sa lababo. Nanghihina siya nang mapabalik sa sofa.

“Are you okay?” tanong ni Henrik sa kanya. Hindi na siya nito iniwan simula noong makita siya nito sa presinto. Minsan ay sa apartment pa niya ito natutulog. Katwiran nito’y hindi niya kayang mag-isa. Nagpapasalamat siya’t hindi siya nito iniiwan. Dahil nagiging panatag ang loob niya kapag kasama ito.

“Hindi ko alam kung anong kinain ko kagabi.” aniyang napangiwi nang tila lalabas na naman ang buong sikmura niya. Inilapag ni Henrik ang dala-dalang diyaryo at inalalayan siya. Bago pa siya pumihit papuntang banyo’y nahagip ng paningin niya ang headline, CAMARA: GUILTY. Nanlaki ang mata niya. Nasapo niya ang bibig saka mabilis na tinungo ang banyo. Muli siyang napasuka. Saka niya nahagip ang tiyan.

Ganun na lang pagkabog ng dibdib niya. She’s a week delayed. Pakiramdam niya’y lumaki ang ulo sa iniisip.

“Marga,” tawag ni Henrik sa kanya. Ngunit nagsimula ng magdilim ang buong paligid niya.

“Justin…” usal niya saka nawalan ng malay.

HINDI makapaniwala si Justin sa hukom na ibinaba ng husgado. Habambuhay na pagkabilanggo? Para ano? Bakit hindi na lang siya isilya elektrika nang matapos na ang lahat? Pero unti-unting luminaw sa kanya ang lahat nang kinagabihan ay ipinatawag siya ng isa sa mga warden. Napatingin siya sa latay ng sugat sa katawan. Gusto niyang umatras. It’s a lifetime torture.

Binatukan siya ng guard. “Bilisan mo!”

Hindi nga siya nagkakamali ng akala. Dinala na naman siya sa lugar na iyon na ang tanging ilaw ay isang maliit na bombilya. Kung noo’y tatlong pulis ang bumubugbog sa kanya, ngayo’y apat na. Hindi pa man siya nakakalapit ay binigwasan na siya ng warden na may dala sa kanya. Napasubsob siya sa semento.

“Eto na Ser!”

Napa-igik siya nang sinipa ang tiyan niya.

“Parusahan n’yo,” anang tinig na bago sa kanya. Paos iyon pero kababakasan ng awtoridad. “Huwag ninyong titigilan hangga’t hindi umaamin.”

“Narinig mo ‘yon?” anang isa na hinila ang buhok niya’t binugahan ng usok ang mukha niya. “Maghanda ka na.” anito’t pinatay ang sigarilyong hawak sa leeg niya. Napasigaw siya sa sakit. Kumawag siya, tinangkang gumapang palayo pero may humala sa paa niya’t ubod lakas iyong tinadyakan. Napahiyaw siya ulit sa sakit. Halos mawalan siya ng ulirat. Kasunod no’n ang paghataw ng latigo sa iba’t ibang bahagi ng katawan niya. Naririnig niya ang tawa ng mga ito sa bawat hiyaw niya.

“Ano, matigas ka pa rin? Aminin mo na ang kasalanan mo!”

Napaigtad siya nang lumapat ang latigo sa likod niya. Bumaon iyon sa balat niya’t ganon na lang ang sigaw niya nang binuhusan nito ng likido ang sugat niya. Halos maubusan siya ng tinig at lakas. Hanggang sa hindi na niya makayanan ang hapdi.

CONGRATULATIONS MISIS! masayang bati ng doktora sa kanya. “You’re four weeks pregnant.”

Awang ang labing hindi maipaliwanag ni Marga ang nararamdaman. Inaasahan niya iyon pero nabigla pa rin siya. Hindi siya nakahanda sa magiging reaksyon niya. Masuyo niyang hinaplos ang tiyan kasabay noon ay ang pagtulo ng luha. She’s having a baby. She’s carrying Justin’s child.

“Bawal sa inyo ang mapuyat. Bawal ang stress.” Tumango lang siya sa sinabi ng doktora. Nasa malayo ang isip niya. Nasa ama ng batang dinadala niya. Nang tingnan siya ni Henrik ay nakakaunawa ang tingin nito. Inayos nito ang bill sa ospital at binili ang niresetang vitamins saka sila umuwi sa hudyat ng doktora.

“Henrik-”

“I’m not expecting you to say anything about this, Marga. I completely understand.” anito bago pa man siya makapagsalita. Nakatutok ang mga mata nito sa daan habang nagmamaneho.

“You’re not obliged to do this.”

“Alam ko. Pero gusto kong gawin ‘to.”

“Maybe it’s time I should be on my own.” aniya kahit hindi sigurado sa sarili.

“Maybe it’s time you need someone.” gagad nito saka sinulyapan siya. “You’re just lucky I’m available.” anitong kumindat pa. Ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata nito ang saya.

He looked hurt. Pero bakit naman ito masasaktan? Lalong nadagdagan ang iniisip ni Marga. Hahayaan ba niya si Henrik na alagaan siya? Kailangan na niyang magdesisyon ora mismo. Ayaw na niyang maging magulo pa lalo ang sitwasyon na kinasasangkutan niya. Namalayan niyang inihimpil na nito ang sasakyan.

Ang totoo’y masaya siya pag kasama niya si Henrik at inaalagaan siya nito ng maayos. Hindi nga lang niya makapa kung ano ang tunay niyang damdamin para dito simula noong mapagtanto niyang si Justin ang tunay niyang minamahal. Pero magaan pa rin ang loob niya sa binata.

“Did…” Tinitigan niya sa mata ang binata. “Did Justin told you to do this for me?

Naglapat ang mga labi nito. “Even he did, I’ve always wanted to do this.” seryosong sagot nito’t tinitigan siya. “I’ve always wanted to take care of you.”

Kumunot ang noo niya sa narinig. “But-”

Ginagap nito ang palad niya at marahang pinisil iyon. “No buts. I’ll take care of you and the baby.”

“Ayokong maging pabigat sa kahit na sinuman, Henrik. Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo na kailangang gawin pa ‘to.”

“Yeah… pero hindi kita kayang pabayaan, Marga.” Napabuga ito ng hangin saka napatitig sa kanya. Saka niya naaninag ulit ang sakit sa mga mata nito. “I wished I didn’t let go when we kissed. I wished… ” Marahas nitong pinahid ang mga mata. “I w-wished I had the courage to tell you that night how I really felt for you.”

Nanikip ang ilong niya sa narinig. What is he trying to say? Naramdaman niya ang pamumuo ng luha sa mga mata.

“I’ve always loved you, Marga. You can call me stupid. Hindi ko magawang sabihin sa’yo dahil masasaktan si Justin. But now, I can’t hold back this pain any longer. I’ve been a coward for so long. And I’m tired of it. Please, give me chance. Let me love you.”

Napanganga siya sa tinuran nito.Kasabay ang pagpatak ng luha. Henrik loves her? Nakita niyang papalapit ang mukha nito sa mukha niya ngunit hindi siya umiwas. Hanggang sa magpang-abot ang labi nila. Napapikit siya ng mariin. Dinama ang tamis ng halik. Kasunod noon ang pagbalong ng luha.

Sumigid ulit ang sakit sa kaibuturan ng puso… Isang mukha lamang ang nakikita siya sa tuwing pipikit siya. Itinulak niya si Henrik.

“I’m sorry,” aniya saka mabilis na umibis mula sa sasakyan.

Mahal niya si Justin. Iyon ang nagtutumining na katotohanang lumulukob sa kanyang pagkatao. She could feel Henrik’s pain… pero hindi na maikakaila ng puso niya kung sino ang tunay niyang minamahal. She’s in love with a convict.

NAGISING si Justin nang may bumuhos na malamig na tubig sa katawan niya. Napa-ungol siya. Hindi siya makabangon. Sinipa siya sa tiyan dahilan para tumihaya siya. Saka niya naramdamang may nakatapak na sapatos sa leeg niya. Kumawag siya nang hindi siya makahinga.

“You can do better than that, Camara.” anang paos na tinig. “Now tell me, how did you kill my daughter? Paano mo nilapastangan ang anak ko hayup ka?!”

Pakiramdam niya’y mapupugto na ang hininga niya. Napahawak siya sa paang nakadagan sa lalamunan niya pero hindi niya maialis iyon. Nang lumuwag iyo’y napa-ubo siya’t napasinghap.

“Sumagot ka,” anang isa na may hawak na posporo. Sinisindihan nito iyon saka hinihipan. Saka lang niya naisip na hindi tubig ang ibinuhos sa kanya kundi kerosene.

“Hindi ako ang pumatay sa anak mo.” aniyang halos walang tinig na lumabas sa bibig.

Hinawakan ng kaharap ang mukha niya’t nakita niya ang galit at poot sa mga mata nito.

“Matigas ka nga. You’re about to die, Camara. Bibigyan kita ng pagkakataon kung sasabihin mo sa akin kung bakit mo ginawa iyon sa anak ko!”

“Wala akong ginawa sa kanya. Hindi ko kailanman sasaktan ang mga taong mahal ni Margarette.” Tumulo ang luha niya nang mabigkas ang pangalan ng dalaga.

“You’ll die in hell!” sigaw nito.

“I’ll die innocent.” aniya saka pumikit.

Inaasahan niyang magliyab anumang oras, ang lamunin ng apoy, ang sumigaw at humiyaw sa tindi ng init. Ngunit ilang segundo ang nagdaan ay walang nangyari. Hapo na ang buong katawan niya. Idinadalangin niyang hindi na magising pa.

NANG sumunod na araw ay kaagad na pinuntahan ni Marga si Justin sa presinto. Sasabihin niya rito ang tungkol sa pagbubuntis niya. He deserves to know. At sasabihin din niya rito na handa siyang maghintay kahit ilang taon. Aasa siyang makakalaya rin ito. At umaasa siyang mahuhuli na ang tunay na salarin. Ngunit nadismaya siya nang sinabing ayaw siyang harapin ni Justin. Bagkus, isang sulat lang ipinaabot nito sa kanya.

Whatever it is, I don’t care. Marga. I thought it was clear to you that I don’t want to see you again. I meant it. I want you to get out of my life. Go , live your life. And I’m gonna live mine. Wala kang tungkulin sa akin. Ayoko ng awa mo. Sawang-sawa na ako sa awa mo. I’m letting you go. You’ve been asking this for long, right? Ginagawa ko na siya. I’m setting you free. Sana maging masaya ka na. At sana, hindi na tayo muling magkita pa.

Palabas na siya ng presinto. Tila nanghihinang tiniklop niya ang sulat. Sinikap niyang huminga. Hinaplos niya ang tiyan at pinilit niyang huminga ng maayos. Pakiramdam niya’y namaga ang puso niya’t nakaharang iyon sa lalamunan. Hindi siya makahinga! Nanigas siya nang maramdamang may tumulong likido sa binti niya.

“Tulungan niyo ako!” sigaw niya sapo ang tiyan. No God… Please, nooo!

Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Marga habang nakasakay sa ambulansiya. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng luha habang hinihimas ang tiyan.

Baby… please hold on. Don’t leave Mommy. Paki-usap niya. Bigla’y tumindi ang sakit sa puson niya. Napasigaw siya sa sakit hanggang sa hindi niya makayanan at tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya.

NAGISING si Marga sa masuyong haplos sa pisngi niya. Kaagad niyang iminulat ang namimigat na mga talukap ng mata.

Hindi niya maalala kung ano ang nangyari. Nasaan ba siya? Bakit puti ang paligid niya?

Napatingin siya sa nag-aalalang mukha sa harapan niya. Kunot noong napatitig siya rito.

“Auntie?” gulat na tanong niya. Saka bigla’y nasapo niya ang tiyan. Biglang dumaloy ang pangyayari kahapon at naramdaman niya ang matinding kirot sa dibdib. “How’s my baby?” aniyang pigil ang sariling emosyon.

“The baby’s fine.” sagot nito.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi saka napabuga ng hininga. Buong puso siyang nagpapasalamat sa Diyos ng mga sandaling iyon. Napahimas siya sa tiyan at napangiti. At tila hinaplos ang puso niya sa pag-aalalang nakikita niya sa mukha ng Auntie Editha niya. Ibig bang sabihin napatawad na siya ng mga ito? Dahil ba nasentensiyahan na si Justin?

Nang titigan niya ito’y nakita niya ang laki ng ipinangayayat nito. Nakikita pa rin niya ang hinagpis sa mga mata nito. Naramdaman niyang muli ang sakit ng pagkawala ng kaibigan. Hini niya alam kung mawawala ba ang sakit na iyon. Ang alam lang niya’y kailangan niyang magpakatatag para sa anak niya… Para sa magiging anak nila ni Justin.

“You’re pregnant.” anitong napahalukipkip saka humugot ng malalim na hininga.

Tumango siya. “But I’m happy about this, Auntie. Wala akong pinagsisihan.”

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang Uncle Renato niya. Kaagad nanubig ang mga mata niya nang makita ito. Nag-aalala pa rin ang mga ito sa kanya.

“Hindi ka ba nag-iisip? Bakit ka nagpabuntis? Hindi mo man lang inisip ang kahihiyan na dadalhin mo sa pamilya mo!” galit na bungad sa kanya ng Uncle Renato niya. “I thought you are way better than this, Marga!”

Tuluyan na siyang napaiyak. “I’m sorry if I failed you,” aniyang napatitig sa dalawang itinuring niyang sariling ama’t ina. “Patawad kung wala akong dinala kundi sakit at sama ng loob sa inyo. Pero ni minsan hindi ko ginusto na masaktan kayo.”

“I’m sorry, Auntie… Uncle…” aniyang pinahid ang luha. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataong makiramay dito. Napatingin ang auntie niya sa kanya saka nanginginig ang labing pinigilan ang pag-alapas ng sariling damdamin. Nagpalakad-lakad lang ang Uncle Renato niya, madilim ang mukha.

“Hindi madali ang lahat ng ito para sa akin, Marga. Hindi…” umiiling na sabi nito kasabay ang pagtulo ng luha. “Patawad kung nasaktan man kita. Kung sinisi kita. Hindi ko lang matanggap ang pagkawala ni Rhoda. At kahit kailan, hindi ko matatanggap ang pagkawala niya. Pero kahit na ganoon, anak pa rin ang turing namin sa iyo. And you disappointed us with what you did! Sino ang ama ng dinadala mo?”

Natahimik siya.

Napatitig sa kanya ang Uncle Renato niya. “Si Justin Camara ba?”

Hindi siya sumagot nanatiling nakatungo.

“Si Justin ba?” ulit na tanong nito.

“Nakikiusap po ako sa inyo, Uncle. Hindi ko hinihiling na patawarin ninyo si Justin. Just stop torturing him. Dahil naniniwala akong wala siyang kasalanan. Please, just let him live alang-alang sa magiging anak namin.”

Nakita niya ang galit na ekspresyon ng uncle niya. Saka padabog na lumabas ng silid.

“Auntie please… just let Justin live. Hindi ko kakayanin kapag pati siya mawala sa akin.” aniyang humihikbi. “Believe me, Auntie, hindi kayang gawin ni Justin iyon kay Rhoda. Hindi niya kayang gawin iyon.”

Tumaas-baba ang dibdib ng Auntie sabay daloy ng luha nito..

“Hindi ko kakayaning mabuhay kung mawawala siya. Hindi ko mapipilit ang sarili kong maging masaya. I love him so much, Auntie…”

“Hindi ko siya kailanman mapapatawad, Marga,” anitong tila nahihirapan. “Mahal kita bilang anak at nararamdaman ko ang bawat paghihirap mo pero hinding-hindi ko siya kayang patawarin.”

Nakagat ni Marga ang labi. “You don’t have to, Auntie… Just please, spare his life.” pakiusap niya. Ngunit wala ng anumang tugon mula sa kausap. Hinayaan na lamang niyang umagos ang lahat ng luha. Sinalat niya ang tiyan.

We’ll survive for Daddy, baby…

About Calla Lily

I write for a cause and that cause is "love".

Talakayan

22 thoughts on “Half Crazy – Chapter 11

  1. I am totally wowed and prearped to take the next step now.

    Posted by Jacalyn | Enero 13, 2015, 1:05 umaga
  2. sna mkasurvive si justin at marga

    Posted by nesilita | Enero 11, 2014, 12:07 umaga
  3. pumangit n ang s2ry tsk…ang heavy n maxado

    Posted by luvlyangel | Enero 8, 2014, 11:50 hapon
  4. dami q iyak huhuhuhuhu! naririmarim as sa torture ni justin! sobrang kwawa!

    Posted by aileen | Oktubre 20, 2013, 12:26 umaga
  5. grave tlga ang nangyare,kawawa nman n fafa justine napaiyak toloy aqu,at super ganda ng st0ry

    Posted by chritina m sale | Agosto 17, 2012, 12:35 hapon
  6. grabe tlga ung tortur kay justine. .kawawa aman xa ='((

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 10, 2012, 8:35 umaga
  7. grabeh ka naman Calla, palagi mo akong pinapaiyak sa mga kwento mo😦

    sana magkaron na ng justicr…maituro na ung real suspect

    Posted by jeh089 | Disyembre 20, 2010, 10:53 hapon
  8. grabe nmn yung pagtorture na ginawa nla kay justin…huhuhuhu
    kawawa tlga!

    Posted by sheryl | Oktubre 23, 2010, 11:50 hapon
  9. pano na po c henrik? cno pong makakatuluyan nya? gagawan nyo pu ba ng story c henrik? please. . . sana po gumawa kau. salamat po and nice story:))

    Posted by kanamegirl05 | Marso 14, 2010, 6:11 hapon
  10. oh! my…muntik na akong maiyak dito sa internet shop..gosh! po nkakahiya..yung part na nkakaiyak yung pilit na pinaplayo na ni Justin si Marga…

    Posted by eunice19 | Marso 13, 2010, 9:33 hapon
  11. grabe ang ganda talaga basta gawa ni miss calla inaabangan ko… thanks… more powers and more novels….

    Posted by shara | Marso 13, 2010, 5:13 hapon
  12. nxt chapter na po pls………….

    Posted by mrtys | Marso 12, 2010, 10:22 umaga
  13. kainis ung mga pulis pwede ko ba silang ipa salvage?????????pnapahirapan nila c justin!!!!!!!!

    Posted by dkirst | Marso 10, 2010, 1:04 hapon
  14. pwede poh bng gwin nyo kaagad ung nxt chapter ganda ehhhhkakabitin tuloy,,,,,,,nxt chap poh plssssssssssssssssss

    Posted by dkirst | Marso 10, 2010, 1:02 hapon
  15. err! bakit ba kailangan pa itorture c justin???

    sana the ending is not so soon.. cnu ba tlga ang suspect? err!

    Posted by sweetypink | Marso 8, 2010, 7:31 hapon
  16. kakaiyak ko lang… iiyak nanaman…
    haay. lumabas na nga yung salarin! Pinapahirapan niyo si Justin. >.<
    Haay. Next chap po.🙂

    Posted by Kat | Marso 8, 2010, 7:21 hapon
  17. calla, lagi kna lng ngpapaiyak… hehehhe

    kwwa nmna c justin..sobra parusa na inaabot nya sa kulungan.. cno ba kc ang totong killer.. magparamdam ka nman rhoda.. kng mahal mo talga c justin, ikaw mismo magturo na hindi c justin ang pumatay syo.. maawa ka nman sa tao.. sobrang kawawa na sya….kng pwede klng pag-umpugin mga pulis sa kulungan pra hindi nman ganon cla mgtrato sa tao.. sobra nman kwawa…. sna makuha parin ni justin ang justice pra sa knya.. kng hindi talaga sya ang pumatay..

    thanks calla.. ingatz

    Posted by sjyo_0208 | Marso 8, 2010, 11:07 umaga
  18. waahhhhhhhhhhhhhhh…kakaiyak n talaga toh!…sinu po ba talaga pumatay kau rhoda…pa post na po ung next agad….tnx

    Posted by eizzy | Marso 8, 2010, 12:26 umaga
  19. sinu ba kasi pumatay kay rhoda at bakit sya pinatay..

    Posted by pakats | Marso 7, 2010, 5:59 hapon
  20. san yung continue?

    Posted by den | Marso 7, 2010, 4:05 hapon
  21. kaiyak nman toh..buti tlg nabuhay ang baby.. sino ba tlg ang killer ni rhoda? waaahhh…galing mo tlg,calla lily.. fan mo tlg ako.. kip it up…

    Posted by krizia | Marso 7, 2010, 2:11 hapon
  22. super duper nkakaiyak…huhuhu..

    Posted by seysey11 | Marso 7, 2010, 11:34 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2010
M T W T F S S
« Feb   May »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: