binabasa mo ang...
Half Crazy

Half Crazy – Chapter 10

HINDI magawang ihakbang ni Marga ang mga paa. Nanlalambot ang tuhod niya’t alam niyang babagsak siya kapag gumalaw siya. Nanatili si Henrik sa tabi niya, hawak-hawak siya. Nang magising siya kanina’y nasa apartment siya ng binata. Isa lang ang pumasok sa isipan niya, ang makita ang bestfriend niya. Tinangka siyang pagpahingahin ni Henrik ngunit buo ang loob niya. Ngunit ngayong nakatayo siya sa may pintuan ng chapel na kinaroroonan ng labi ni Rhoda’y, parang gusto niyang umatras.

“We can come back later, Marga,” ani Henrik. Ganun na lang pag-iling niya. Humugot siya ng hininga saka nagsimulang humakbang. Napahawak siya ng mahigpit kay Henrik. Ramdam niya ang bigat ng mga paa habang naglalakad. Nakatitig lang siya sa puting kabaong at hindi namalayang higit niya ang sariling hininga at pigil ang luha. Habang papalapit, idinadalangin niyang sana’y ibang mukha ang makita niya sa loob ng niyon. Na sana, nagkamali sila.

Nakagat ni Marga ang sariling mga labi nang tuluyang masilip ang loob ng kabaong. Si Rhoda nga ang naroroon. Napasinghap siya. Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang pagtangis. Napahawak ang isa niyang kamay sa salamin ng kabaong. Mabilis ang pagtulo ng luha. Nang hindi niya makayanan ang sakit na nadarama ng dibdib, hindi na niya pinigilan ang sariling hagulhol.

“Rhodaaa!” sigaw niya. “Rhoda…” paulit-ulit niyang sambit hanggang sa mapaos ang tinig niya. Ngunit wala ng Rhodang nakangiti na lilingon sa kanya. “Bestfriend naman… Hindi p-pa natin nakuha yung gown.” sumisigok-sigok na sabi niya. “H-Hindi pa na-tin nafinalize y-yung invitation.” Hinayaan niyang umagos ang luha. “Rhoda…” tawag niya sa dalagang parang natutulog lang. Alam niyang kahit anong tawag niya’y hindi na ito magigising. Halos hindi na siya makahinga sa sikip ng dibdib niya. Hindi niya alam kung hanggang saan niya kakayanin ang sobrang dalamhati na nadarama ng puso. Hindi niya halos namalayan na patuloy ang pag-alo ni Henrik sa kanya.

“M-Marga?” anang gumagaralgal na tinig.

Napalingon siya. Ganon na lang pamamalisbis ng luha nang makita niya ang Auntie Edith niya. Mabilis niyang nilapitan ito para yakapin ngunit laking gulat niya nang isang nakakatulig na sampal ang sumalubong sa kanya. Napasinghap sa gulat ang mga taong naroroon.

“Ang kapal ng pagmumukha ninyong pumunta rito!” puno ng galit at pighati ang mga mata nito. “Kung hindi dahil sa inyo, buhay pa sana ang anak ko hanggang ngayon!” Isang sampal uli ang natanggap niya pero hindi siya umiwas.

Tinakpan siya ni Henrik para hindi na siya maabot ng nagdadalamhating ina. May ilang mga kaibigan na dumalo sa Auntie niya at inalo iyon pero patuloy ang pagwawala nito.

“Auntie,” aniyang gustong sugurin ito ng yakap pero pinigilan siya ni Henrik.

“Umalis na kayo rito! We don’t need your sympathy!” sigaw nito. “I thought you were smart enough, Marga. Hindi ko lubos maisip na ang pinatira namin sa aming pamamahay at itinuring namin bilang anak ang siyang magiging dahilan ng pagkawala ng aming tunay na anak!”

Mas natulig siya sa sa sinabi nito kesa sa sampal na natanggap niya.

“Auntie, I never knew–”

“Umalis ka na! Hangga’t hindi nabibitay ang Justin na ‘yan, hindi ka maaaring lumapit kay Rhoda!”

Nang tingnan niya ang lahat ng kamag-anak nito’y masama ang tingin sa kanila. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwanan ang kaibigan. Ni hindi pa siya nakakahingi ng tawad. Pero hinila na siya ni Henrik papalabas dahil nagsisimula nang maghysteria si Auntie Edith.

“We have to go, Marga,” ani Henrik sa kanya pero tila wala siyang naririnig. Gusto niyang manatili roon. Ayaw niyang umalis. Pero wala siyang magawa kundi magpatianod. Panay ang lingon niya habang hinihila siya  nito patungo sa kotse nito.

“Marga!”

Natigil ang pagpasok nila sa kotse. Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig at dalawang bisig ang yumakap sa kanya ng mahigpit.

“Sara…” bulong niya. Gusto niyang ihinga sa kaibigan lahat ng bigat na nasa dibdib niya. Gusto niyang sabihin rito ang lahat ng takot at agam-agam niya. Gusto niyang ilabas lahat ng sakit. Yumugyog ang balikat niya at hindi niya pinigilan ang hagulhol. Kasunod noo’y ang biglang pagdilim ng buong paligid niya.

HINDI siya iniwan ni Sara sa pagdadalamhati niya. Pati sa pagtulog ay tinatabihan siya nito. Kapag naiiyak siya’y sinasabayan siya nito. Hindi rin umalis sa tabi niya si Henrik. Kahit pa nagluluksa din ang kapatid nito na siyang mapapangasawa sana ng kaibigan. Inaasikaso nito ang kaso ni Justin. Ito ang humanap ng pinakamagaling na abogado para hindi siya lalong mag-alala.

Nang sumapit ang libing ni Rhoda’y hanggang silip lang siya. Pinagbawalan siya ng Auntie Edith niya at ng buong angkan ng mga ito. Siya ang sinisisi ng lahat sa pagkamatay ni Rhoda. Nirerespeto niya ang desisyon nila. Pero hindi niya maiwasang masaktan ng sobra. Sila lang ang natitirang pamilya niya. Ngayong itinakwil  siya ng mga ito kasabay ng pagkawala ni Rhoda, mas naramdaman niya ang lungkot na unti-unting pumupunit sa buong pagkatao niya.

Saka pa lang siya lumapit sa libing nang magsialisan na ang lahat ng tao roon. Inalalayan siya ni Henrik papalapit sa kinaroroonan ng libing. Mahigpit namang nakahawak si Sara sa mga kamay niya. Napaluhod siya’t napahawak sa lupang nakatabon sa labi ng kaibigan. Saka siya humaguhol at pinakawalan ang bigat na nadarama ng dibdib niya. Ayaw niyang magpaalam… Ayaw pa niya. Marami pa silang plano. Hindi pa pwede… Hindi pa pwede!

But she has to let her go… Dahil kahit anong gawin niya, hindi na nabibilang si Rhoda sa mundong kinagagalawan niya. She has to let go… but it is so hard.

“I’m sorry…” humihikbing bulong niya sa lupa. Dinig niya ang pag-iyak ni Sara sa tabi niya ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kamay niya’t panay bulong na dapat magpakatatag siya. “Sorry if I wasn’t there when you needed me. I would risk my life for you, you know that. I’m sorry I was too late. And I’m sorry if…” Napasigok siya. “if I can’t let go for now. Hindi ko pa rin matanggap na wala ka na. Kung may paraan lang para bumalik ka, Rhoda, gagawin ko!” Pinilit niyang ipinatag ang sarili. “I love you so much, bestfriend… And I promise you, hindi ako titigil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay mo.” lapat ang ngiping saad niya. “Magbabayad siya ng mahal. Ipinapangako ko ‘yan.” aniyang mas humapdi ang dibdib. Dahil kung si Justin ang kumitil ng buhay ng kaibigan, hinding-hindi niya ito mapapatawad.

MAKALIPAS ang isang linggong pagluluksa, hinarap ni Marga ang kaso. Nakipag-ugnayan siya sa mga kinauukulan at naghire siya ng pinakamagaling na imbestigador. Nakabalandra sa lahat ng newspaper ang pagkamatay ni Rhoda. Palagi din itong nasa balita sa telebisyon. Halos lahat ng tao ay nakatutok sa kaso. At lahat ay galit kay Justin na siyang tinutukoy sa lahat ng ebidensiyang nalikom ng kinauukulan.

Dama ni Marga ang pait sa dibdib. Sisimulan na ang paglilitis sa kaso sa pagbubukas ng linggo. Alam niyang mapapadali ang lahat dahil isa ang mga Santillan sa mga pamilyang may pinakamalawak na koneksiyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan. Rhoda’s father was once the general of the police force. At alam niyang gagawin nito ang lahat mapabilis lang ang pagkamit ng hustisya sa pagkamatay ng anak.

She would do the same for Rhoda. Gagawin niya ang lahat maparusahan lamang ang gumawa ng krimen na iyon sa kaibigan. Ngunit may bahagi ng puso niyang masasaktan kapag napatunayang si Justin nga ang pumatay sa kaibigan. Dahil alam niyang mahal niya si Justin. Mula noon, hanggan ngayon.

Napahigpit ang yakap niya sa sarili nang lumabas ang pulis mula sa selda dala ang taong mahigit isang linggo din niyang tinikis na hindi makita. Nakayuko lang ito. Tila hindi interesado kung sinuman ang bumisita rito. Nakagat ni Marga ang labi nang mamasdan ang ayos ng binata. Marumi ang suot nito. Magulo ang buhok. Tila piniga ang puso niya nang makita ang mga pasa sa katawan nito.

Nang mag-angat ito ng tingin at magtama ang mga mata nila’y ganun na lang pagliwanag ng mukha nito. Hindi niya magawang ngumiti dahil naninikip ang dibdib niya. Sino ang may kagagawan nito kay Justin? Tila napahiya ito sa reaksyon siya. Saka tumungo. Iniwan sila ng mga pulis para makapag-usap.

“Say whatever you want to say,” anito.

Lumapit siya rito’t palihim itong pinagmasdan. Dalawa sa kuko nito ang natuklap. May mga sugat ito sa braso. May putok ito sa kaliwang bahagi ng labi. Nangingitim ang paligid ng mga mata nito. Maraming pasa sa mukha nito. She knew, he was tortured!

“W-Who did this to you?” aniyang pigil ang paggaralgal ng boses.

Ngumiti ito ng mapakla. Nanatiling nakatungo. “Anong ipinunta mo rito?”

Pinatatag niya ang mukha. Hindi siya dapat magpakita ng pagkaawa. If he killed Rhoda, he doesn’t deserve to be pitied!

“Gusto kong malaman ang totoo.” Nanginginig na sagot niya.

Tiningnan siya nito sa mga mata. “I did not kill her.” mariing sagot nito.

“Kung ganon, ano yung kasalanan na gusto mong ipagtapat sa akin?”

“It’s about Rhoda…” Napabuntong-hininga ito. “I think… I think I’ve hurt her.”

Namilog ang mata niya sa sinabi nito.

“Not kind of hurt that you think! And this happened five years ago. She told me once that she loved me. But I told her I still love you.”

Tinitigan niya ito. Inaarok ang katapatan ng sinasabi nito.

“Believe me, hindi ko kayang gawin ang ibinibintang nila sa akin!”

“You’re an addict! How can I trust what you say is real?” biglang humulagpos sa bibig niya.

“You knew me from the very beginning, Margarette. Yes, I’m an addict pero hindi ako mamamatay tao!”

Saglit siyang natigilan sa pagbigkas nito sa pangalan niya. Pinilit niyang ituon ang pansin sa pag-uusap nila. How can she continue to pretend she doesn’t miss him?

“How can you explain the evidences?” aniyang kunot na kunot ang noo. “Ikaw ang tinutukoy ng lahat ng ebidensya, Justin! You were in her room that moment she died. How can you escape from that? How could you do this? How could you-”

“I didn’t kill Rhoda!”sigaw nito. Dagling lumapit ang mga pulis at hinawakan ang binata.

“She’s my bestfriend!!!”

“You’re not saying-”

“I don’t know what to believe anymore, Justin…” hapong-hapo ang pakiramdam niya. Hindi na matanggap ng sarili niya ang mga pangyayari. Ayaw ng puso niyang paniwalaan ang sinasabi ng ebidensya. She doesn’t want to believe it was Justin. Because she would wish for his death if he was the one who killed her bestfriend. And she knew, she would hurt, deep. “This is so unfair!!! Kaya mo ba handang tanggapin ang lahat ng naging kasalanan ko sa’yo para magawa ko ring tanggapin ang kasalanan mo? Do you really think that I would still love you after killing my bestfriend?!” Nanlilisik ang mga matang sabi niya. “It’s Rhoda, Justin!!! She is more than a sister to me! How could you?! Bakit hindi na lang ako? Sana ako na lang ang pinatay mo!”

Sumungaw ang luha sa mga mata nito. Nangangalit ang bagang na umiling-iling. “Of all people…” Nang muling magtama ang mga mata nila’y dama niya ang hapding nadarama nito.

“Take him,” aniya sa mga pulis saka tinalikuran ang binata. Nang makalabas sa presinto’y saka niya pinakawalan ang lahat ng luhang pinipigilan niyang lumabas.

Pumikit siya ng mariin ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. Sa puso niya, alam niyang hindi iyon magagawa ni Justin. Pero kung lango ito sa ipinagbabawal na gamot ng mga sandaling iyon, hindi malabong ganon nga ang mangyari. Paano niya iibigin ang isang kriminal?

CAMARA! MAY BISITA KA.”

I don’t care… sa loob-loob ni Justine. They could kill him right now, for all he cares. Sa loob ng isang linggo, wala siyang ibang iniisip para patuloy na mabuhay kundi si Marga. Pilit niyang binabalewala lahat ng sakit at pagpapahirap sa kanya sa loob para lang aminin niya ang kasalanang hindi niya ginawa. Kung ilang beses siyang nakatanggap ng suntok at tadyak, hindi niya alam. Ibinitin siya ng patiwarik at inilublob sa isang drum ng tubig. Isa-isang tinutuklap ng mga ito ang kuko niya. Bawat sigaw at hiyaw niya’y hindi niya alintana. He could survive the pain of torture as long as he knows someone believes he is innocent. But he was wrong about the only person he thought would believe him. Margarette just accused him. Ano pa ang silbi ng buhay niya?

Hinila siya ng pulis sa batok nang hindi siya gumalaw. Bumaon ang mga daliri nito sa balat niya. Walang kibong napasunod siya rito. Baka ang mga Santillan na naman. O hindi kaya’y ang naghihinagpis na Mommy niya na kahit anong paliwanag niya’y hindi nito kayang paniwalaan na inosente siya.

Nang buksan ng nakabantay sa kanya ang selda’y nakita na niya kung sino ang naghihintay sa kanya. Si Henrik. Ilang saglit pa’y iniwan na sila ng mga bantay.

“You’re famous.” anunsiyo nito. Hindi siya kumibo. Hindi na siya nagtataka. Kayang-kayang gawin ng mga Santillan ang lahat.

“Saglit lang ako. Fred is furious about this. Ayaw niyang tulungan kita.”

Tumango-tango siya. “I know. Thanks anyway.”

“Bro, I didn’t know you were back into morphines.” May disappointment sa tinig nito. “Akala ko ba matagal mo nang tinigil yan?”

“It was just once. But I swear I was never off-guarded. I remembered everything. Wala akong sinaktan. Mas lalong wala akong pinatay.”

“Then can you explain why after you went to Rhoda’s room she was found dead? Your prints were all over her body. They found your hair, your fingerprints. And your DNA matches the flesh that was found in her fingernails. And bro, you have that scar on your face.”

“I don’t remember how I got into her room.” Nasabunot niya ang sariling buhok. Bakit ba hindi niya maalala ang nangyari? All he remembered that fateful night was the commotion of people and the feel of adrenaline rush as he went to save Margarette. Si Margarette lang ang naaalala niya at ang takot na mawala ito sa buhay niya.

“You have to tell me the truth, bro. Because as I can see it, everyone… and I mean everyone,” anitong diniinan ang salita. “wants you on the electric chair.”

Natahimik siya. “Including Margarette.”

“If it was you who did it, yes, including her.”

“But I didn’t kill Rhoda!”

“You better come up with better alibi in court. You better remember what happened that night.” seryosong pahayag nito, may pag-aalala sa mukha. “I’m trying to help you dahil naniniwala akong hindi ikaw ang gumawa no’n.  Pero hinaharang nila ang lahat ng abogadong kinokontak ko para sa’yo. They’re big time enemies, bro. And I’m sure Fred’s gonna kill me for this.” may desperasyon sa tinig nito.

Ngumiti siya ng mapakla. Fred is convinced he killed Rhoda. Napatingin siya kay Henrik.

“I know. Wala akong kawala. They’re killing me slowly. ” Nagtatagis ang bagang na saad niya. “The killer is somewhere, Henrik. I want you to keep an eye on Margarette. And if ever I die, promise me one thing,” aniyang nakatitig sa mga mata ng kaharap.

“What?”

“Take care of her.”

Tumango ito. “I surely will.”

“Ipangako mo.” aniyang inilahad ang kamay at seryosong tinignan ang pinsan.

Napatingin ito sa kanya saka tinanggap ang kamay niya. “Pangako.” saad nito.

About Calla Lily

I write for a cause and that cause is "love".

Talakayan

13 thoughts on “Half Crazy – Chapter 10

  1. grabe nakakaawa naman si justin pinaparusahan ng walang kasalanan.

    Posted by mia garcero | Hulyo 31, 2014, 8:14 umaga
  2. ano b tlga..

    Posted by nesilita | Enero 10, 2014, 11:32 hapon
  3. ngayong bati na sil i a naman ang pumasok sa eksena.. inaantokna akon pero di ko mpigilan at gustoko ng tapusin…

    Posted by jlyn | Abril 30, 2012, 6:49 umaga
  4. OMG!!kawawa aman c justine. . .wla aman tlga xang ksalanan ei. .but cnu kaya tlga ung pumatay kay rhoda?. .kawawa aman din c marg . .

    Anu kaya tlga ung totoong nangyari dat night??
    I can’t wait to figure out. .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 10, 2012, 8:11 umaga
  5. I feel pity for the both of them (Justin and Marga)

    grabeh namang tragic na nangyayari sa love story nila

    nakakaiyak😥

    Posted by jeh089 | Disyembre 20, 2010, 10:23 hapon
  6. grabee…nakakaiyak….

    Posted by aizdin | Setyembre 14, 2010, 1:13 umaga
  7. hmn!!..im sure rhoda’s plan to kill herself and she plan to make justin be accused to this case..di ba nga may ininom si Justin that nyt toz wla syang maremember so bka kinuha sya ni rhoda..sa room nya..

    ..pls!!!wag nmn po sanang mwala si Justin,i sacrifice my salary to read this story..not only in Internet Shop but also in my CP..

    Posted by eunice19 | Marso 13, 2010, 7:41 hapon
  8. i don’t want justin to die. :((

    Posted by sweetypink | Marso 7, 2010, 1:05 umaga
  9. tingin ko c rhoda ang pumatay sa sarili niya tpos gumawa rin xa ng paraan na tanging si justin lang ang mapaghihinalaan na pumatay sa kanya… dahil hndi nya matanggap na mahal pa rin ni justin c margarette… mas nanaisin pa ni rhoda ang mamatay at makulong c justin kesa makitang masaya sina justin at margarette..

    waaaaaaaaaaahhh… grabe naman ang imagination ko,ehehe…

    dalang-dala lang ako sa story mo,miss calla lily..

    next chapter na po.. can’t wait na po.. thanks po..

    Posted by krizia | Marso 7, 2010, 12:35 umaga
  10. waaahh….anu ba talaga?? sinu pumatay ky rhoda..?? pero feling ko si marga gumawa nun….waaaahh,,kasi may gusto xa kay justin..hay hirap mag isip…next na po..tnx

    Posted by eizzy | Marso 6, 2010, 11:51 hapon
  11. i still want justin for marga..

    Posted by pakats | Marso 6, 2010, 6:40 hapon
  12. i can’t take it anymore ?who killed rhoda?

    Posted by Erickz | Marso 6, 2010, 12:51 hapon
  13. Kawawa naman si Justin. :[
    Nkakabaliw na tlaga toh! Sino ba kasi pumatay kay rhoda?
    Next chap po. :>

    Posted by Kat | Marso 6, 2010, 10:02 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2010
M T W T F S S
« Feb   May »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: