binabasa mo ang...
Kamandag ng Pag-ibig

Kamandag ng Pag-ibig – 10

Naunang nagising si Adam kinabukasan. S’ya man sa sarili hindi makapaniwalang ikinasal sila kagabi ni Rania. Hinalikan n’ya ang mga pisngi nito na ikinagising ng huli.

           “Good Morning Mrs. Rania Cartallejo!” bati ni Adam sa magandang asawa. Sabay halik sa noo.                                                                                                       

            ” It was not a dream.” Sabi n’ya nang mahawakan ang kamay ni Adam. Nakita n’ya sa ring finger nito ang wedding bond. Katulad na katulad ito sa wedding bond na suot rin n’ya.

           ” Have I told you yet today that I Love You, Mrs. Rania Cartallejo?” Umiling si Rania at dahan-dahang bumangon at umupo sa kama. Nanakit ang kanyang ulo at katawan at naalala na may nangyari na pala sa kanila ni Adam. It formed a smile on her lips.

          ” I Love You too Adam. Things happened very fast. Hindi ko alam paano ko ito e-explain sa family ko.” Gumuhit ang pag-alala sa kanyang mukha.

          ” You don’t need to. I talked to your dad before I left, & I’m sure he told your mom. He knew that I Love their stubborn daughter.”

         ” What?! Ano ang reaksiyon ni papa?”

         ” Boto s’ya sa akin. Sinabi ko rin paano tayo unang nagkita. Ipinakita ko sa kanya ang videoclip ng iyong Ms. Gay pageant.”

         ” You mean alam na pala nila before I even left?” nawalan ng kulay sandali ang kanyang mukha.

         ” Yes & your dad were so proud of you. Sabi n’ya minana mo raw ang pagiging talented n’ya.” Nakita nito ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Her father is one of the most understanding people she had ever known.

           Adam kissed her fingertips. ” Owww don’t cry he understood. I made sure I explained it correctly. May alam ako sa Psychology at ginamit ko iyon para ma-explain ng mabuti sa kanya ang lahat.”

          ” I’m sure they are mad.” She said softly.

          ” Nope. I keep in touch with them. Alam rin nila ang nangyaring kasal kagabi & I told them that after we sorted things out, we’ll go home in there to have a proper church wedding.”

          ” Paano ang pagbalik ko sa Canada? Magagalit ang amo ko.”

           ” I took care of that already too. Masaya ang  mga amo mo pero nalulungkot sila dahil ikaw daw ang pinakamagandang nanny na kanilang nakita not to mention you are over qualified for the position. They will come for our wedding. Maging ninang at ninong natin sila. Tinapos ko na rin ang kontrata mo. Agad naman akong nakakita ng papalit sa iyo. Pero may pipirmahan kang kontrata sa akin.” Pilyo itong ngumiti sa kanya.

          ” Gosh how did you do all of this? Paano mo pala nalaman na dito ako tumuloy?”
           
          ” Kaibigan ko ang receptionist ng hotel. She called me as soon as you left at sinabi kung saan ka nagpahatid. Hindi agad ako nakabalik dahil nga nagkaroon ng aberya. Nagpang-abot si Claudia at Bumby sa opisina ko. Nagkalmutan ang mga ito. Kung hindi pa tinakot ng guard na pag hindi agad magamot ang mga kalmot mananatili ang peklat hindi magsi-alisan ang dalaw. Nag-unahan daw ang mga ito sa pagpunta sa pinakamalapit na clinic. Nag-unahan din sino ang unang makatawag sa akin. Si Claudia ang nakalusot.” mahabang kwento ni Adam na iiling-iling.

           “Oh my! ” Nasambit na lamang ni Rania.

           ” Puro pasa at kalmot ang mga katawan nila ng abutan ko sa clinic. Iba-iba rin ang version ng kanilang istorya kung bakit sila muntik ng magpatayan. Nakatalikod lang ako at ang mga nurse ng konti nagsipaan na naman.”

           Humalakhak si Rania ngunit lihim na nainis. ” Akala ko ba friends sila? Saka iyan na ang nakuha sa pagkababaero mo.” Umirap s’ya.

          ” Pareho ko silang hindi tunay na girlfriend. Hindi ako nanligaw isa man sa kanila. Pero sila ang sunod ng sunod sa akin. Hinayaan ko na lang, lalo na si Bumby dahil nga nadala ako sa ‘dying theatrics’ n’ya.”

          ” Bakit si Claudia ang roommate mo sa Dakak?”

          Tumaas ang kilay ni Adam. ” Hindi kami magkasama ng kwarto sa Dakak. She didn’t spend the night there. Umuwi s’ya kinahapunan.”

           She believed him. Dahil hindi naman n’ya nakita uli si Claudia sa Dakak. Though nakita n’ya ito sa Greenwich. Pointless na kung palalakihin pa n’ya iyon.

           ” Feeling gwapo ka talaga at pinag-aawayan ka ng mga babae?”

           Lumani si Adam. ” Hindi ko naman type. ”

           ” Bakit mo

            “I trust you Adam because I Love You. ” Lumalamlam ang kanyang mga mata at madamdamin din ang tugon ni Adam.

          “I Love You too Rania. More than the number of stars in the galaxy. Hindi mo lang alam na para akong baliw that night in the pageant and nang pagbintangan mong bading ako.”

          “Sorry nadala lang kasi ako sa galit ko sa iyo. Saka hindi ka nag-deny.”

          ” You never gave me the chance. Na-shocked din ako sa sinabi mo. May poison pala ang love ano?”

          ” Over! Pa-poison-poison ka pa d’yan.”

          ” Rania,do you have any idea how beautiful you are both in that little Emma Darna outfit at kahit naka-duster ka lang at walang suot na bra?”

          Itinukod ni Rania ang braso at nilaro ang ilong ng asawa.

          ” Talaga. That’s news to me.” She said sweetly.

          ” You have a classic beauty. Natural din ang dibdib mo and it’s perfect inside my palm. Hindi maliit at hindi rin malaki.” he said huskily.

          ” I will always love you until orange tree bear apples.” saad uli ni Adam. Once again they kissed and made love.

         Dinala s’ya ni Adam sa bahay ng mga magulang sa Alabang kung saan naroon  ang magulang at kapatid nito. She’s been in nice homes sa Canada at Hongkong kaya hindi na s’ya nabigla sa mala-palasyong tahanan nila Adam. May sarili daw itong condo unit sa Makati pero nakiusap ang ina na dalasan naman ang pagdalaw sa kanilang bahay sa Alabang.

          Ipinakilala s’ya ni Adam sa mga magulang at kapatid. Ang ina nito na may hawig kay  Susan Roces sa edad na 74 napaka-healthy pa rin. Lagi itong may ngiti sa labi. Larawan na lang ng ama ni Adam ang kanyang nakita. Namatay pala ito tatlong taon na ang nakaraan.

          ” Napakaganda mo iha.” Sabi ni Mrs. Cartallejo. Ganoon din ang sinabi ng nakatandang kapatid ni Adam na si Paul na malungkutin. Mas mataas ito kay Adam pero mas gwapo ang huli. On the process pala ito ng annulment sa asawa. Wala pa itong anak. Hindi matapos-tapus ang kanyang thank you sa mga papuri ng mga ito. Ang dami na palang naikwento ni Adam sa mga ito tungkol sa kanya. Namangha s’ya nang makita ang larawan n’ya sa ibabaw ng coffee table. Iyon ang larawan n’ya when she was still 18. Nagtatanong ang kanyang mga mata kay Adam.

           ” I got that from your friendster, Fantacy.” Pinindot nito ang kanyang ilong. Naalala n’yang iyon pala ang unang larawang inilagay n’ya sa friendster.

           Matamis s’yang ngumiti rito. “I’ll be changing that to my real name when I log back in.” At humilig s’ya sa balikat nito habang naka-upo sila sa loveseat . Iniwan sila ng mama at kapatid ni Adam upang mapag-isa.

          ” Alam mo bang sinubukan kitang i-google when Sunshine told me that you have a friendster account? Bakit C nga pala ang iyong Fantacy?” tanong ni Adam habang hinaplos ang kanyang buhok.

          ” For a difference. Marami na kasing a.k.a na Fantasy kaya nagpa-iba ako.”

          ” Uhumm. Yes, you are my fantacy. You don’t know how you turned my world upside down. I shaked every time I’ll think, What if you really are a transsexual? How I’m going to deal with it?”

           ” Mukha ba talaga akong bading?” tanong n’ya at nilaro-laro ang mga balahibo nito sa braso.

           ” That was the thing. You’re so seductive in your little Emma Darna outfits. Kung mukha ka talagang bading hindi kita mapansin. Pero iba ka nga sa mga ‘bading’ na nasa stage though you ramped on stage extravagantly. You see your videoclip, didn’t you see how you pouted your lips, blinked your eyes & swayed your body?” Natawa si Rania. Natural lang na gawin n’ya iyon sa beauty pageants. Pero totoong pinasobrahan n’ya iyon sa Reyna de Mayo.

            ” I’m so happy that I joined that. Malamang hindi tayo nagkita.”

            ” Tama ka my Love.” At masuyo nitong inangkin ang kanyang mga labi nang may narinig silang nagsigawan sa labas. Humahangos na pumasok ang katulong at nakasunod ang dalawang babaeng may bondages ang mga bahagi ng katawan. Nang malapitan na ay nakilala n’yang si Bumby at Claudia pala. Grabe siguro ang pagsalpukan ng dalawa kung pagbabasehan ang ayos ng mga ito.

            ” Sir nag-uunahan silang pumasok. Ayaw paawat.” Sumbong ng katulong. Bahagyang napatigil ang dalawa nang makita s’ya habang naka-akbay si Adam sa kanya.

            ” Who the hell are you?” si Bumby na sinabayan ni Claudia ng,   ” Kilala kita.” Nakaturo pa sa kanya ang daliri nito.

           “Sit down ladies.” She said gracefully. And Adam hold her left hand. Sabay na bumaling ang ulo ng mga ito sa kamay n’ya at sa kamay ni Adam. Napanganga ang dalawa sabay din na naupo sa magkabilang upuan.

           Bumulong si Rania kay Adam. ” I’ll deal with this and I want you to shut your mouth okay?” tumango na naman si Adam at tila naaliw sa sitwasyon.

            ” I-is that a wedding bond?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Bumby.

           ” Yes.” nakangiti n’yang sagot. Amuse na amuse si Adam habang tiningnan  ang asawa. Nakamasid ang mga magulang at kapatid ni Adam na binalitaan ng katulong sa nangyari sa salas. Nagmamadali ang mga itong ewan ang paghahanda ng pagkain at naki-usyoso.

           ” Kasal na kayo?” shock ang bumalatay sa mukha ni Claudia.

           ” Brilliant Claudia!.” Sagot uli ni Rania na hinimas-himas ang singsing.

            ” Shit! I can’t believe this. Who is this woman Adam?” galit na galit na tanong ni Bumby. Si Rania ang sumagot.

           ” Claudia knows me. Why don’t you ask her?” Nag-aapoy ang mga tingin ni Bumby sa kanya pero ng bumaling ito kay Claudia. ” Hoy babaeng itim ang kili-kili sino ang babaeng iyan?!” lumapad ang leeg ni Claudia sa tinimping galit .

            ” Oh shut-up! Pwede pang paputuin ang kili-kili ko. Painless! Iyang ilong mo major operation kailangan n’yan!” akmang tatayo si Bumby para sugurin si Claudia pero nahawakan ito ng katulong sa balikat at muli itong napaupo. Nilingon ni Bumby ang katulong. “H’wag kang makialam! Ma-infected pa ang skin ko sa kamay mo. ” singhal ni Bumby.

           ” Let’s just talk walang sakitan ng katawan.” Si Rania, ” Bottomline is, I’m Adam’s wife now. We got married last night. Habang kayong dalawa nagbalian ng buto. See the result of being foolish? Napunta sa ibang aso ang butong pinag-aawayan n’yo. The thing is, the dog that is holding the bone now is a whole lot crazier than you two put together. Pagsamahin man ang kamandag n’yong dalawa hindi makatalo sa kamandag ko. My rabbish is fatal. Laway pa lang  pag pumatak kahit sa damit n’yo, 50-50 na ang tsansa n’yong mabuhay.” Matamang nakatingin ang dalawang babae sa kanya. Gusto namang matawa ni Rania.

          Para silang mga batang nag-aaway sa isang laruan. Pero nag-e-enjoy s’ya sa nakitang galit sa mga ito lalo na kay  Bumby. Halos lalabas ang eyeballs ng babae.

           Tumitig si Bumby sa kanya. ” You look familiar!” at inilapit ni Bumby ang kanyang mukha kay Rania.

           ” Ops, remember laway pa lang 50-50 na.” Napatigil naman si Bumby sa ginawa at napalatak.

           ” Bollocks! Ikaw iyong bading na…Oh no! Adam, she– oh! crap I mean he is Emma Darna. Iyong bading sa Ms. Gay who talked a lousy Spanish!” hindi ito makapaniwala.

          ” Yes that was me. Thank you for remembering my name. I was right when I said that there is no such thing as some sort of latin word, isn’t it Bumby?” Bumby clenched her teeth.

         ” Uuwi na ako.” si Claudia. Bumalik ang atensyon ni Bumby rito.

         ” You bitch, we are not yet done. Papayagan mo si Adam na mapunta sa babaeng ito na muntik ng maging Ms. Gay? Coward! Akala ko matapang ang mga babaeng itim ang kili-kili!” napangiwing tumayo si Claudia habang hawak ang likod. Hindi ito sumagot at walang lingong lumabas. Nakaawang ang bibig ni Bumby habang sinundan nito ng tingin si Claudia.

           Kasasara pa lang ng pinto ni Claudia ilang segundo lang muli itong bumakas. Pumasok ang dalawang lalaking na naka-uniporme ito ng barong tagalog.

           ” Kami po ang mga bodyguards ni Congresswoman Lorenzo. Pasensya na po kay Bumby.” At hindi nag-aksaya ng panahon ang mga ito mabilis na nabuhat ng dalawang lalaki si Bumby na nagpupumiglas.

           ” Damn it ang mga pasa ko! Adam help me. Ouch my nosssseee!!!” sumara uli ang pinto at natahimik ang paligid. Sabay silang lahat sa pagbuntong-hininga.

          ” Whoa! Should I expect for more? May kamandag talaga ang pag-ibig isn’t it? ” huminga ng malalim si Rania sabay ngiti sa asawa.

          Umuwi sila ng Dipolog ng araw din iyon. Masayang-masaya s’ya at dalawang kamay pa ring nakayakap ang pamilya sa kanya. Nang una daw nagalit ang kanyang ina nang ipakita ng kanyang ama ang vcd na naroon ang videoclip ng pagsali n’ya ng Ms. Gay. Pero dali-dali rin iyong napawi at nagawa pang ipagmalaki sa mga kapit-bahay.

           Her sisters were so happy too. Nalaman ng buong bayan ang kanyang lovestory. Nagbiro s’ya sa kanyang mga kapatid. ” Kayong tatlo, walang gagaya sa ate na sumali ng Ms. Gay. Sasali kayo ng totoong beauty pageant ha.” Napuno ng tawanan ang bakuran ng kanilang bahay na kasalukuyang naroon ang mga kamag-anak na tulong-tulong sa paghahanda sa kanyang kasal.

           May humintong  tricycle sa kanilang gate at sobrang arteng nanaog si Sunshine. ” Oh my gosh!” Masayang sigaw ni Rania. Sobrang taas ang takong ng heels ni Erica at bigla itong na-out balance dahil sa pagmamadaling makalabas ng pedicab. Nakakatawa ang ayos nitong nakahawak ang kamay sa pedicab habang nakaluhod ito sa batuhan. Buti na lang  pantalon ang suot nito.

           Nagtawanan ang lahat. ” Papa Adam, heylllf naman d’yan. Di ako makatayo.” Inilalayan ito ni Teteng ang kanilang kapit-bahay na mongoloid na nahulog diumano ito sa hagdan noon, at hindi na makapagsalita. Hindi na rin tumubo at nag-deform ang mukha. Nanatiling  3″ 7 ang height nito. Diretsong nabalanse ni Erica ang sarili uli.

           Napasigaw ito sa pagkabigla dahil sa pagngiti sa kanya ni Teteng na walang ngipin at tumul pao ang laway. ” Waha! Okay lang iho kaya ko na.” Mabilis pa sa alas-singkong lumakad si Sunshine papasok ng gate.

           Nakangiti si Rania at Adam habang sinalubong si Erica.

          ” Espesyal ko s’yang pinabalik para maging make-up artist natin. I never blackmailed him. Kusa n’yang ibinigay ang impormasyong kailangan ko.” masuyong wika ni Adam.

          ” I’m so happy.” Tumigil sila sa paglakad nang sumigaw na naman si Sunshine. Pinaliligiran na pala ito ng mga bata. Naka-kulintas kasi ito ng mga candies at chocolate animo graduate.

           ” Naku sandali lang para sana ito sa mga poging fafa rito hindi sa mga kids. Juice Beo wala na akong ipang-lure sa mga menz.” Naiiling at natatawa na lang sila. Natitiyak n’yang marami pa silang tawanang pagsaluhan ng kanyang mga kapamilya at kapuso.

          ” Pasok muna tayo sa loob.” bulong ni Adam at nakuha ni Rania ang ibig sabihin nito.


          


           Nakontento na lamang sa pagyakap-yakap at paghalik si Adam sa noo ng asawa. Habang kinikilig na nagpalitan ng tingin ang kanyang mga pinsang babae at mga kapatid.

          ” O sige lalapitan ko muna si Sunshine. ”

          Maligayang-maligaya si Adam habang sinundan ng tingin ang asawa. Marami na ring babae ang akala niya ang kaniyang inibig ngunit nauwi sa wala ang relasyon niya sa mga ito. Pero nang malaman niya na tunay na babae si Rania hindi siya nag-aksaya ng panahon. Hindi talaga siya marunong manligaw. Ngingitian lang niya ang mga babae noon the next day kasama na niya ito.

          Hinanap ni Adam ang ama at ina ni Rania. Nakita niya itong parang nag-argumento. Lumapit siya. Tumahimik ang mga ito nang lumapit siya.

          ” May problema po ba, papa? ” Papa at mama na rin ang tawag niya sa mga ito

          Kinamot ni Mang Teodoro ang ulo nito bago sumagot. Mahinhin naman ang ngiting pinakawalan ng ina ni Rania. ” Ito kasing si Elvy, ayaw niya sa puting kabayo dahil mas mahal gusto niya sa brown na lang. ”

          ” Adam, kahit pa ikaw ang gagastos sa lahat ng ito gusto ko pa ring makatipid. Kahit iyon man lang ang maitulong namin sa kasal ninyo ng aking anak.” sabad ni Aling Elvy. He smiled lovingly to his in-laws. Medyo kilala na niya ang mga magulang ni Rania. Hindi ito mapanlamang na mga tao.

          ” Mama, I have budget for this wedding. I want those white horses to match the white-painted carousel for Rania’s bridal car. Why don’t we go through to all of these. Let us not think about how much will it cost. Madalian ang kasal na ito. Kahit man lang sa paraang ito maipakita ko sa aking asawa na kaya ko namang bigyan siya ng kaniyang wedding dream in just two weeks.” saka kinindatan niya ang mga ito.

         ” Iho, kung tungkol sa pera hindi marami ang sa amin, pero may maitutulong naman kami kahit papaano.” hirit uli ni Aling Elvy. Talagang hiyang-hiya ito na i-shoulder ng manugang ang lahat ng gastusin sa kasal nila ni Rania.

         Napangiti si Adam saka hinawakan ang palad ng mother-in-law. ” Mama, keep it. Ang ginawa ninyong pagpapalaki kay Rania at sa kaniyang mga kapatid ay sobra-sobra na. Saka, ang effort niyo na tulungan akong maging perfect ang kasal namin ni Rania sa church ay hindi mababayaran ng pera. Let us get all the labor we need for I want this wedding to be flawless.”

         Hindi alam ni Rania ang lahat ng detalye ng kaniyang kasal. Gusto lang kasi ng lahat na mag-relax siya. Nang dumating ang araw ng kasal, larawan siya ng napakagandang bride. Proud na proud naman si Sunshine dahil puring-puri ng lahat ang make-up ni Rania.

        Gustong maiyak ni Rania nang makita ang kanyang bridal car. Isang puting kabayo na may karay na karwahe na hugis pumpkin. Napalamutian ito ng red and white roses at white christmas lights. Ngunit lalo siyang nalula pagdating sa simbahan. Ang dekorasyon ng kasal ay masasabi mong ginastusan.

         Habang naglalakad siya patungong altar, namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Pero nangiti rin siya sa kakengkoyan ng kaniyang ama.

        ” Cool ka lang anak. Relax lang gaya ng gwapo mong daddy. ” birong-totoo ng ama na narinig ng ina.

        ” Gwapo kamo? Sa akin kaya nagmana si Rania.” ganting biro ng ina ngunit kinindatan lang ito ng kaniyang ama.

         Nangiti siya. Naghihintay na si Adam sa Altar katabi ang ina at kapatid nito. Hindi matatawaran ang kaniyang saya sa araw ng kaniyang pangalawang kasal. Nasulyapan din niya ang mga nakakabatang kapatid na bakas ang tuwa sa mukha para sa kaniya.
          ” Someday, bawat isa sa inyo ay makakatagpo rin ng inyong mga soulmates. Nawa’y maging maligaya kayo gaya ko. Lord maraming salamat. May you’ll never cease to bless us.” Bulong n’ya sa sarili at niyakap ang mga magulang nang makalapit na sila sa altar.

                                             ***WAKAS***

TOP READERS,

Salamat ng marami sa inyong pagsubaybay.  Sana inyo ring subaybayan ang kwento nina Brady at Crystal.

Hugs,

Miraluna

Talakayan

58 thoughts on “Kamandag ng Pag-ibig – 10

  1. ang ganda ng ending

    Posted by mia garcero | Hulyo 31, 2014, 7:25 umaga
  2. Ang gnda nmn ng story nkakaklig:)

    Posted by rose | Hulyo 29, 2014, 10:00 hapon
  3. Ang ganda ng story..I love it

    Posted by myle | Abril 12, 2014, 4:33 hapon
  4. Maganda ung story very unique, funny siya🙂 good job to the writer🙂

    Posted by Mushroom | Pebrero 15, 2014, 11:14 umaga
  5. happy ending🙂

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 5:27 hapon
  6. wow ang gnda,ang saya grbe ung kasal super meron kya in real ung mla fantasy

    Posted by maelanie | Oktubre 17, 2013, 9:04 hapon
  7. Thnk u ms author for a wonderful love story ..I enjoyed it a lot
    Frm chaptr 1 til d end.. gbu🙂

    Posted by babyjhen | Setyembre 11, 2013, 10:41 hapon
  8. Ang ganda ng story.thank u s pg-online nito.i hope marmi ka pang gwn pocketbook.god blessed.

    Posted by cintah | Hulyo 4, 2013, 11:18 hapon
  9. nice story…comedy romantic!!!!!!

    Posted by ann.capellan@yahoo.com | Agosto 20, 2012, 10:37 hapon
  10. nice one.. very entertaining.

    Posted by anne umali | Hunyo 23, 2012, 6:19 hapon
  11. hehe nakakatawa yung character ni Rania….nice story…light lang yung kwento at nakakarelax.

    Posted by Grace | Hunyo 11, 2012, 12:39 umaga
  12. napakaganda po ng story. . . super like ko po talaga… nakakatawa as in…. *thumbs up*

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 5:13 hapon
  13. Nakakatawa po talaga ang story na ito.. Teaser pa lang, natatawa na ako.. Ahaha! I really love the story.. Keep it up author!

    Posted by Maganda ako | Abril 13, 2012, 10:20 hapon
  14. ganda pu tlgah!!!

    Khit maiksi pu xa okey lang!!
    heheh. .akala que bitin pero nde pu pala!!wahahahah!!
    grabe kilig tlgah aque!!
    at khit sa lazt chapt tawa parin aque ng tawa hahahahah!!!

    Galing pu tlgah ng author nito!
    Thnkz pu sa pagshare ng story!!and more beautiful story to come! =)

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 1, 2012, 4:58 hapon
  15. Happy ending nice story

    Posted by bhengay | Enero 29, 2012, 4:32 umaga
  16. nice one galing

    Posted by virginia | Enero 20, 2012, 9:54 hapon
  17. congrats miraluna….fantacy come true …

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 1:58 hapon
  18. maganda xa now q lng nbsa..hehehhe

    Posted by mary | Enero 9, 2012, 10:37 umaga
  19. nice…sobrang bilis ng kasalan…but i like the part when Rania became a shegay….kakatawa lol

    Posted by faye | Disyembre 24, 2011, 6:18 hapon
  20. nice🙂

    Posted by meg10 | Disyembre 19, 2011, 10:08 hapon
  21. hmmmmm. .the story is good. .choice of words good din. Kaya lang, parang napakabilis ng mga pangyayari parang masyadong malayo sa katotohanan. . minsan naman mahaba lang talaga yung pasalaysay. .(hehe, peace! Pero I like it. .promise!)

    Posted by Prettykimmy | Disyembre 12, 2011, 8:31 hapon
  22. wow..grabe ang ganda..

    Posted by ladyferit | Disyembre 1, 2011, 10:57 hapon
  23. Thank u po.. I really enjoyed reading it🙂

    Posted by chelseajane | Nobyembre 20, 2011, 1:11 umaga
  24. good job, nice story…

    Posted by Liv | Nobyembre 19, 2011, 9:20 hapon
  25. well what can i say every story have a happy ending…….and i love it!!!!!!(“,)

    Posted by Raquel | Nobyembre 19, 2011, 8:05 hapon
  26. aaaaa

    Posted by chean | Abril 7, 2011, 7:03 umaga
  27. you’re a great writer rainbow. i feel so inspired with your novels. i hope that i can read more of your works. :))

    Posted by chean | Abril 7, 2011, 7:01 umaga
  28. wow.. super ganda ng ending grabe..

    :))))

    Posted by edzie | Marso 29, 2011, 3:12 umaga
  29. wow! fantastic…
    ganyan din ang wedding dream ko……

    ano po ba yung title ng next story…..
    please…please….please!!!excited na talagag ako
    sa next story….

    Posted by Jelaine Anne R. Ariz | Pebrero 17, 2011, 8:55 hapon
  30. Bago lang akong reader ng TOP. And so far, soooo good! Maraming magagandang story. Just like this one. Plot is wierd in a gooooood way! Thumbs up ako.🙂 If may downside lang akong makita, iyon ay ang grammar. Sorry, please better your english grammar? Choice of words is fantastic naman! Grammar lang talaga. Anyway, keep the great job going!🙂

    Posted by UnbreakableJ | Disyembre 24, 2010, 12:52 hapon
  31. wow!! nice ending😀 at ang ganda ng bridal car niya ha in fairness…hmm.. ano ang titlte ng next na story?

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 21, 2010, 2:20 hapon
  32. thx🙂

    Posted by gracy | Nobyembre 29, 2010, 8:33 umaga
  33. thnx ^_^

    Posted by donna | Nobyembre 3, 2010, 4:13 umaga
  34. what a wondrful love story..i love it.tnx 4 the great author..

    Posted by jhodin | Setyembre 6, 2010, 1:22 umaga
  35. ang ganda nito..
    dami kong narealize nung binabasa ko to..
    tnx to you dahil sa ginawa mong ito..

    Posted by sweet _anne | Agosto 28, 2010, 1:13 hapon
  36. ang ganda grabe..keep it up..nice job..:)

    Posted by almira | Hulyo 24, 2010, 3:51 hapon
  37. Sino si Brady at Crystal? Ano title ng novel nila??? Ahihi Ganda nito the best… Naalala ko tuloy tatay ko.. Para ciang si Mang teodz at para si Aling Elvy nmn ang Momi ko… Hahaha

    Posted by _sheanmackie_ | Hulyo 16, 2010, 10:37 hapon
  38. … aaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyeeeeeeeeeeeeee
    … kiLig 2 d max ehehehe
    … uhm, when po ung story nna Brady at Crystal???

    Posted by jhenrheyn21 | Hunyo 25, 2010, 8:20 hapon
  39. CUTE………….! thanks!

    Posted by trish | Hunyo 24, 2010, 12:12 hapon
  40. totoo yan may kamandag ang pag ibig , napatunayan ko yan sa asawa ko hehehehehe

    Posted by marlie cabrelles | Abril 11, 2010, 2:00 hapon
  41. maganda! churva na churva. kung totoong may kamandag ng pag-ibig sa phr hahanapin ko curious ako kung kapareho nito.

    TOP: kindly confirm if such novels exist. while some titles may be the same, we hope that the content is not. thank you.

    Posted by lombardi | Marso 15, 2010, 7:16 umaga
  42. wow…

    un lng msabi ko..

    ang ganda kc..speechless ako!!!hahaha

    ang bilis ng mga pangyayari!!hahaha

    thanks for mira luna..ang gnda ng story..more power to you…mdameng story to come hehehe

    Posted by jayselle17 | Marso 10, 2010, 9:04 hapon
  43. ang ganda naman nito… can’t wait for the nxt story…. thanks miraluna….

    Posted by tinzz26 | Marso 2, 2010, 1:17 hapon
  44. ang ganda ganda.. nakakatuwa.. hahah si fafa adam tlga.. hehehehe

    Posted by yvette | Pebrero 26, 2010, 12:12 hapon
  45. wow…hummm parang bitin..hehehehehe

    Posted by eizzy | Pebrero 26, 2010, 10:37 umaga
  46. cute…really..
    khit medyo nguluhn aq s bilis ng takbo ng kwento..
    i really enjoy it…
    thanks ate miraluna…
    for the story you posted here on TOP..
    hoping to see more of these..
    *hugs*
    jejeje…godbles pu…

    Posted by gethsemane | Pebrero 23, 2010, 7:08 hapon
  47. maganda po !……kakaiba po talaga story nyo…..

    Posted by senti | Pebrero 23, 2010, 2:03 hapon
  48. wow!!! what a nice love story, i cant believe it.. !!! i really like it.. i cant wait for the next story of crystal and brady!!!

    i’d like to congratulate u for ur successful story of Adam and Rania…

    I Hope, it will happen that wedding to me.. it is my dream wedding…
    heheheh… wow!!!! wonderful…

    Posted by Sheryl | Pebrero 22, 2010, 11:14 hapon
  49. nakakalokang love life!!!…

    grbe superb… heheheh

    super.. hehhehe

    puro superlative cnv ko ah.. hahaha

    nice story… love it…

    Posted by railee anne | Pebrero 22, 2010, 10:31 hapon
  50. Thanks ng marami sa inyong lahat. This is base on a true story ( I just added some spices ) and yes it was fast. Ako man ay hindi alam paano pa i-expand🙂

    Posted by miraluna | Pebrero 22, 2010, 8:47 hapon
  51. wow.. grabe ganda nman… galing ni fafa adam.. lahat lahat nagawa nya.. hay.. pag-ibig nga nman or sabihin na ntin destiny… kng talagang kyo ang nakalaan pra sa isat isa khit ano mangyari kyo parin..

    thanks mira.. ganda.. congrats..

    yehey!! c brady at crystal nman… nakkamiss narin cla..

    thanks.. mwahh..

    Posted by sjyo_0208 | Pebrero 22, 2010, 7:00 hapon
  52. i love fantacy🙂

    Posted by marbhie | Pebrero 22, 2010, 2:36 hapon
  53. whaaa!!!! ang bilis ng love story nila pero nice pa rin,,

    can’t wait for the next story: Brady and Crystal🙂

    Posted by sweetypink | Pebrero 22, 2010, 2:20 hapon
  54. sarap naman nun..talagang princess on wedding. Ang swerte talaga ni rania. Amy konti lang akong napansin sana medyo hinabaan mo sa part nung pag gising nila ng umaga. parang agad bumigay. pero ok narin kasi happy ending siya.

    Godbless.

    Posted by Clay | Pebrero 22, 2010, 12:34 hapon
  55. maraming salamat sa story, napakagandang love story.
    nakakainlove…. hoping marami pang lovestory na ganito.

    we will wait for the next love story.

    Posted by babes78 | Pebrero 22, 2010, 11:25 umaga
  56. the story was very beautiful……but i want for more…..i’m not yet satisfied….

    Posted by jeanluis | Pebrero 22, 2010, 9:03 umaga
  57. oh my!.
    sobrang dream wedding tlgah..

    swerte nmn ni rania ky fafa Adam..
    ganda ng story nyo..
    congrats for the author…

    and ty s magandang story!!

    Posted by seysey11 | Pebrero 22, 2010, 8:35 umaga
  58. yehey! aquh nkauna sa comment! hehehe
    wow… ang galing miraluna… FANTASTIC! WONDERFUL!!!
    ang ganda2 ng ending… makalaglag panty— este napakagnda.. whoo. grbe

    susunod b ang isa s mga kapatid ni rania?
    ipost mo n huh (ahaha.. aba minamadali tlga ah)

    ang galing2 mo… wa aquh ma say..
    to the highest level ang gnda ng stories..
    evry chapters are unique.. and very funny..
    i lhub it so match~ heheheh

    aabangan quh nxt stories mo..
    keep up the gud work..
    GODBLESS~ hehhee

    Posted by marysolgrace | Pebrero 22, 2010, 8:03 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: