binabasa mo ang...
Kamandag ng Pag-ibig

Kamandag ng Pag-ibig – 9

Pagkatapos mag-almusal umalis na si Adam. Nginitian n’ya ito ng makahulugan. Tila inis na inis pa rin ito ng makasakay ng bus. Maliban sa munting usapan nang sila ay kumain hindi na sila nagkausap ng sarilinan. Nakatulog s’ya kagabi sa tulong ng  antihistamine. Pero alam n’yang ginulo nito ang kanyang panaginip.

           Hindi muna n’ya inisip ang naghihintay sa kanya the next week. She spent the rest of the week with her family. Naligo sila sa dagat, nag-shopping at nagpaletson din s’ya sa kanyang despedida party. Foods, the smell of the air, being with her family and friends were the things she missed most while working in Canada. Pero hindi naman s’ya pwedeng magretiro. Napakabata pa n’ya at napakarami pa n’yang pangarap.

           Matindi ang lungkot na kanyang nadarama ng makarating na s’ya sa domestic airport sa Maynila. Marahil ilang taon muli bago n’ya makapiling ang pamilya. Napabuntunghininga na lamang s’ya at pinilit huwag maiyak. Paglabas n’ya ng domestic airport dagli n’yang namataan ang lalaking may hawak ng placard na nakasulat ang kanyang pangalan. Hindi ito si Adam. Payat ito sa unang tingin akala mo si Vic Sotto. Pero mas gwapo naman si Vic kaysa rito. Para yatang kilala s’ya nito at awtomatikong lumapit sa kanya.

           ” Magandang araw po. Inutusan ako ni sir Adam na sunduin kayo.” nakangiti ito sa kanya. Mabait naman ito sa kanyang palagay. Agad nitong kinuha ang kanyang dalawang trolleys at pinasunod s’ya nito sa kabilang daan na naroon nakaparada ang mitsubishi montero na sakyan nila.

          ” Nasaan ang sir Adam mo Robin?” hindi nakapigil n’yang tanong. Lihim s’yang nainis dahil nangako itong susunduin s’ya.

           ” Nasa hotel na po. Nauna na s’ya roon. Dumating kasi po iyong nagngangalang Claudia at doon din tumuloy.” Magalang nitong sagot at tiningnan s’ya sa rearview mirror. Nakagat n’ya ang mga labi sa inis. Ano na naman ang gustong palabasin ni Adam ngayon?

           ” Nakakainis na talaga ang bading na iyon. Trying hard talaga para walang makahalata sa sekreto nito.” Wika n’ya sa isip. Pero alam ng kanyang puso na hindi ito bading. Or at least nangarap ang kanyang damdamin na isa itong tunay na lalaki kahit nalito s’ya sa hindi pag-amin at hindi pag-deny nito.

          Hindi na s’ya muling nagsalita hanggang makarating sila sa hotel. Isang Club Deluxe room ang kinuha nito para sa kanya. Hindi nito tinitipid ang kanyang accommodation. Dapat lang dahil magiging artista s’ya bukas.

          Marami s’yang iniisip mula ng umalis si Adam. Isa na roon ang hindi pagdeny na hindi ito bading. That alone caused her a lot of stress. Nanghihinayang s’ya para rito. Kaya lang hindi s’ya kumbinsido. Pero aaminin n’yang hindi nawala ang crush n’ya sa ungas or should she’ll say the hidden love she had discovered that night for him? Umiling s’ya. It can’t be.

          Humiga s’ya sa kama na tila nang-anyaya ang lambot at bango. Sinabi ni Robin bago ito umalis na hihintayin na lang n’ya si Adam. She unhooked her bra and took off her shoes before she lied down. Naidlip s’ya ng dalawang oras. Napabalikwas s’ya ng may kumatok ng malakas. Akala n’ya sa pintuan iyon nanggaling. Dali-dali s’yang bumangon at tinungo ang pintuan.

           Before she even touched the doorknob, “Where are you going?”  tanong ni Adam na nakatayo katabi ng side table.

           Agad s’yang lumingon at naiinis s’ya sa sobrang kabog ng kanyang dibdib. She couldn’t almost breath. ” Damn you! Paano ka nakapasok rito?” asik n’yang tanong kahit may ideya na s’ya kung paano.

            ” With this.” Ipinakita nito ang card swiper. ” You’re a silly girl. Kinatok ko ang side table & you ran towards the door. Tsk.. tsk.. tsk.. you might need some hearing aide.” He smiled mischievously. Annoyed, she hurriedly got back to bed then farted. Hindi n’ya sinadya ang mapa-utot at nagkatinginan sila ni Adam. Hindi s’ya gumalaw at nanlaki ang kanyang mga mata habang nakangiwi. Maya-maya pa ay ipinaypay ni Adam ang kamay sa ilong.

           “My word farting girl! It stinks!” napahiya talaga s’ya pero hindi na n’ya maibalik eh. Totoong mabaho iyon pero mabango para sa kanya.

           ” Well all human beings fart, even animals. What’s surprising about that?” sabi nya at umayos ng upo. Halos hindi n’ya matingnan si Adam. That was disgusting.

           ” What surprises me is, you are the first woman aside from my mom who farted in front of me.” Sagot ni Adam at lumipat ito sa pagkakaupo sa recliner chair. Still wrinkling his nose. That was really fishy. Siguro dahil kumain s’ya ng boiled corn at beans.

           “I’ve heard Claudia is here too.” Pag-iiba n’ya sa usapan.

           “Yeah she actually left an hour ago. Kasama ang kapatid n’ya at ang asawa nito nagpunta sila sa mall.”

           ” So nasaan na ang ‘script’ ko?” tanong n’ya.

Nagtaas ng kilay si Adam. ” It is cancelled. I found out this morning that she was lying to me. Hindi totoong may taning ang kanyang buhay. She had cyst sa left breast. Also, maliit pa lang pala ito ipinaalam na ng mag-asawang Lorenzo na ampon lang s’ya. Iyong nangrape sa kanya mga tauhan n’ya iyon na hindi n’ya nabayaran sa serbisyong ipinagawa. Imagine she wanted Mr. & Mrs. Lorenzo dead. Dahil nga legal ang adoption sa kanya, she’ll have all of the wealth acquired by the couple. Such a bitch & I was a fool!” mahaba nitong paliwanag.

          Nakahinga s’ya ng maluwag. Kahit papano natuwa s’yang hindi naman pala malubha si Bumby. However she was hurt when his eyes showed pain. Why was it she could felt that he cared for Bumby so much despite what that lady told him? She shrugged her shoulder when she remembered that Adam still didn’t deny that he wasn’t a gay.

          “That’s quiet a relief on my part.” she responded lightly.

            Biglang nagbago ang atmosphere ng silid when Adam looked at her. She didn’t met his eyes, she can’t. Afraid it might burn her. Plus hindi n’ya alam kung galit ba ito o kung ano ang iniisip nito. Bumaba ang tingin ni Adam sa kanyang jeans. Dali-dali n’yang tiningnan kung bukas ang kanyang zipper. Sirado naman kaya napanatag ang kanyang loob. The silence was defeaning. Kinikilig si Rania. Malamang ito na ang panahon.

           “I wonder how your fart skipped? Geez your jean is pretty tight. ” his eyes shone with amusement now. Gustong malaglag ni Rania sa kama. Tsugtsang! Akala n’ya sasabihin nito na kayganda n’ya at maghahayag ito ng pag-ibig. Umasa s’ya ng himala. Pero tama si Nora Aunor, “Walang Himala!” Naiinis s’yang tumayo at pumasok ng bathroom. Padabog na isinara ang pinto.

           Tiningnan n’ya ang sarili sa salamin. Namumula ang kanyang pisngi sa hiya at galit. Lagi na lang umarangkada ang lalaking iyon sa kanya. Hindi s’ya patatalo rito. Naabutan pa n’ya itong nakangiti habang nakatingin sa kisame. Marahan n’yang sinipa ang paa nito inside those fancy rubber shoes.

           ” Ikaw na bakla ka marami ka ng atraso sa akin! Lahat ng tao ay umutot. Pera ng doctor kung hindi mo maipalabas iyan!”

          Tumayo si Adam. He clenched his teeth. “Stop calling me bakla. Baka pag mahalikan kita ayaw mo na akong tantanan.” Napaatras si Rania.

          ” O-Okay hindi ka na bakla. Silahis ang tamang salita. Nagkagusto sa babae at lalake. It never means that kissing expertly means you’re not a silahis. Kayo talagang mga men iyan lang ang ginawang basehan ng inyong pagkalalaki ang paano humalik. Ang dami kong alam na bading na ang galing humalik sa babae at kapwa lalaki.” At umupo s’ya uli sa kama ngunit diretso s’yang napahiga dahil kumababaw sa kanya si Adam sabay halik sa kanyang labi. Gulat na gulat s’ya sa ginawa nito. 

           His mouth devoured hers and before she knew it, she met & matched his hunger. She’d been kissed before but it was never as sweet as this. Her body leapt into full existence, beam with a blizzard of desire. His hands started to caress her breast & she gasped and couldn’t believe the reaction it made to her body. His touch was like magic that if not with the rang of a cellphone, she might go with him beyond those horizons.

          He cursed under his breath before picking up his cellphone. Rania got up hurriedly trying to regain her composure. Hindi silahis o bading si Adam iyon ang una n’yang naisip. Hindi naman talaga s’ya lubusang naniniwala na silahis o kaya ay bading nga ito. The way he kissed her erased all her doubts.

          Tama pala na ang halik ay makapagpatunay kung bading nga ba ang isang lalaki. Goodness nang makadagan ito sa kanya parang may mainit na bato sa kanyang puson. Gustuhin man n’yang sulyapan ang ‘down there’ nito hindi kaya ng kanyang guts. Isa pa nakatalikod na ito sa kanya ngayon.

           “Okay Claudia I’ll be there in a minute.” Then he pushed the end call button. She almost wanted to faint. For a moment there she’ll almost going to say that was the best kiss she ever had. But the sound of Claudia’s name brought her back into reality.

          Sinaksak ang puso n’ya. Parang binuhusan ng asido. Mahapdi at nakapanlupaypay ang sakit. ” Please don’t say a word. Just go.” She said calmy without looking at him. She turned on the t.v.

           “We’ll eat dinner together.” He answered. Probaby didn’t detect the pain she was feeling.

           Rania smiled sardonically. “I said don’t say a word.” Lumapit sa kanya si Adam at hinablot ang remote at pinatay ang t.v.

           “Stop acting like a child. Let me remind you lady we just kissed passionately. We’ll do it more, it was sweet & addictive.” he said huskily.

           “Yes we did. But come on we both knew it was just a —”  nawalan s’ya ng idugtong. She couldn’t think straight; realizing that it is just a matter of minutes & Adam will be with his precious Claudia. At baka pupuntahan pa nito ang another precious na si Bumby.

           ” We’ll talk more when I come back.” Sabay ng pagsara ni Adam sa pinto tumulo ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Kung sana sinabi man lang ni Adam na big deal dito ang kiss na iyon baka mahalikan uli n’ya ito. Instead he hurriedly signed off dahil naghihintay si Claudia.

            Bakit s’ya nasasaktan? As much as she wanted to admit but she’s jealous with his women. Kahit na wala s’yang karapatan. He was only playing her. Kung hindi ito naging faithful kay Bumby or kay Claudia how much more sa kanya na hindi naman s’ya nobya nito? She was inlove with him. Hindi na n’ya kayang itago iyon at least sa kanyang sarili.

           ” You’re a saphead Rania!” malakas n’yang sabi at pinahid ang mga luha saka mabilis na pinalitan ang nalukot n’yang blusa. Nagtataka ang receptionist na tila namukhaan yata s’ya nang sinabi n’yang aalis na s’ya.         

           ” Mr. Cartallejo told me his guest will be staying here until tomorrow noon.” May pagka-antipatika ang receptionist. Hindi man lang ito ngumiti.

           ” Hindi ako ang tinutukoy n’ya ang kanyang girlfriend.” Nginitian pa rin n’ya ito.

           ” I see.” may pagduda sa mga mata ng front desk. Gayunpaman tinawagan nito ang isa sa mga bellmen at ipinakuha s’ya ng taxi.

           Nagpahatid s’ya sa ibang hotel. Gumamit s’ya ng ibang pangalan in case hahanapin s’ya ni Adam. She smiled bitterly. Maalala pa kaya s’ya nito? Such a silly thought. Nonetheless she used another name. Talagang mahilig s’ya sa alyas. Pero hindi na n’ya ginamit ang Emma Darna.

           Pagkatapos maghapunan sa Jollibee na nasa kabilang kanto lang ng hotel na kanyang tinutuluyan ininom n’ya ang kanyang antihistamine at nagbasa ng dyaryo kahit walang pumasok sa kanyang utak. Ipikit man n’ya ang mga mata mukha ni Adam ang kanyang nakikita. She couldn’t help but wonder ano kaya ang naging reaksiyon ni Adam nang malaman nitong wala na s’ya sa hotel? O hindi pa marahil alam nito dahil nasa kandungan pa ito ni Claudia.

           Umiyak na naman s’ya. This time may kalakasan na ang kanyang paghikbi. Tapos huminto na naman at umiyak uli. Ano ba ang nangyari sa kanya? She never cried this hard before sa kanyang naging mga ex. Bakit sa lalaking ito na hindi nga n’ya naging bf labis s’yang nasaktan? Wala namang nangyari sa kanya maliban sa hinalikan s’ya nito at humalik din s’ya. Tila tinalo ng sakit ng dibdib ang kanyang antihistamine. Buhay na buhay s’ya. Hindi nakaramdam kahit ng konting antok.

           Alas-onse na ng gabi nang may kumatok. Sumigaw ng housekeeping at boses ng babae. Hindi n’ya bubuksan ito. Inis na inis n’yang dinayal ang numero ng front desk. Hindi s’ya nagpatawag ng housekeeping at alas-onse na ng gabi. Pero walang sumagot at patuloy sa pagkatok ang housekeeping people. Napabuntung-hininga s’ya. Ito ang malaking kaibahan ng mumurahing hotel sa mamahaling hotel. Lahat ay 24 hours pero sa mumurahing hotel ewan. Imbes na front desk ang 24 hours ang housekeeping pa yata.

           Kinuha n’ya ang roba at bahagyang tiningnan ang sarili sa salamin. Gosh she looked so messy! Tumutulo pa ang kanyang sipon at ang kanyang buhok was in riot. Namamaga ang kanyang mata sa kaiiyak. Nasulyapan n’ya ang sunglasses katabi ng kanyang bag. Isinuot n’ya ito hindi baling mapagkamalan s’yang bulag. Hindi naman s’ya magtatagal sa pakikipag-usap sa housekeeper.

          “Hindi ako nagpapatawag ng—” nabitin sa ere ang sunod n’yang sasabihin. Isang babaeng nasa edad 60 ang nakangiting nakatingin sa kanya. Nasa likod nito si Adam at si Robin. Bakas sa mukha ng mga ito ang tinitimping ngiti. Marahil dahil sa kanyang sunglasses.

          ” Naku papasukin mo kami iha at masyadong mainit dito sa labas.” biro ng babae na nagsisigaw kanina ng housekepping.

          Wala s’yang nagawa kundi ang papasukin ang tatlo.

          ” Where is the sun Robin?” si Adam na na nangangantiyaw pa habang sinuklay ang buhok nang maisara na n’ya ang pinto. Pilit itinago ni Robin ang pagtawa. Kung nag-iisa lang sana si Adam tatadyakan n’ya ito.

         ” Alisin mo iyang sunglasses mo Rania, nasisilaw ako.” Sabi ni Adam.

         ” Ayoko!” pasinghal n’yang sagot.

         ” Okay lang iyan Adam. Shall we start?” wika ng babae at kinuha nito ang parang toga na itim saka isinuot. She realized that she was a judge. Nalilito s’yang nagpalipat-lipat ng tingin sa tatlo. Si Robin ay may hawak ng camera o videocam. Bubuksan na sana n’ya ang bibig pero naunahan s’ya ni Adam.

           ” Rania once and for all shut-up and be obedient. Pakasal ka sa akin right here, right now o hindi na tayo magkikitang muli. Hindi ako nagbibiro. Don’t ask nor think of what’s going to happen tomorrow. Just do what you think is right  in this instant. It’s now or never. Let your heart do the talking now My Love. I’ll only propose once, will you marry me now or not?” seryosong-seryosong wika ni Adam na iniluhod ang kanang tuhod.

          Hindi n’ya alam ang isasagot. Nakapokus ang camerang hawak ni Robin sa kanyang mukha. Gustong n’yang magsalita na hindi s’ya niligawan nito pero tango ang kanyang naging tugon. At agad na sinimulan ng judge ang seremonyas. Walang beinte minutos natapos ang munting seremonyas at pirmahan ng marriage contract. Gusto n’yang kurutin ang sarili. Pero kung nanaginip man s’ya ayaw na n’yang magising.

          His lips already covered hers. She clung her hands to his neck & kissed him back deeply. She saw love in his eyes nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Those were the nicest eyes for her sa gabing iyon. Mabilis na nakapagpaalam si Robin at ang huwes. Kumindat ang mga ito bago tuluyang lumabas.

           Naiwan silang dalawa ni Adam. May redwine na sa side table. Marahil isa ito sa laman ng paperbag na dala ng judge. Walang salitang namutawi sa kanilang mga bibig. They let their eyes & heart do the talking. Isinayaw s’ya ni Adam na tanging ang pintig ng kanilang mga puso ang nagsisilbing musika. Hindi na rin s’ya nag-atubili ng hubarin ni Adam ang kanyang sunglasses.

           Adam started to caress her. His mouth & his hands discovered other pleasure points ; the sensitive place where her throat joined her  shoulder, a certain spot at the back of her neck. Some he kissed , some he nipped , slowly, delicately letting her become accustomed to his touch.

            At last he said against the upper curve of her breast, ” No longer nervous?”

           “No.” she said dreamily, afloat on a tide of honeyed pleasure.

            She lifted a heavy arm and buried her fingers in his hair. ” Please ,” bulong n’ya sa boses na parang nilalagnat. ” oh please.’

          ” I’m more than willing to please you. You don’t need to beg my sweet Love.”

          And then he lowered himself and she felt his rounded search at the passage that waited for him. Her eyes widened as he slowly moved in. Napalunok si Rania ng sunud-sunod.

           Adam led her along pathways of passion until she shuddered and bit his shoulder and moaned deep and long, head flung back in bliss so intensely sharp it was close to agony because it wasn’t enough.

Talakayan

25 thoughts on “Kamandag ng Pag-ibig – 9

  1. wow! kasalan agad. bilis ah.🙂

    Posted by mia garcero | Hulyo 30, 2014, 4:19 hapon
  2. ang bilis naman :0

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 3:10 hapon
  3. huwattttt? kasal agad?? pumayag nman ang loka!

    Posted by aileen | Oktubre 22, 2013, 11:21 hapon
  4. Wah! anu, grabe k adam, nat gf,but nagng wife nah.

    Posted by laylannieanastacio | Setyembre 4, 2013, 11:08 hapon
  5. anu un… on the spot marriage. . lol…..

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 4:43 hapon
  6. whOaa!!!grabe bilix aah???

    Anu to sapilitan??
    now or never???
    wla man lang kaswit’swit!

    pero unique un aah??
    hahahah! . .

    kaso parang btin? . .
    hmmm. . .but well see if itz n0t bitin heheh. .
    Lazt chapter na!!! =)

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 1, 2012, 3:42 hapon
  7. Kasalan agad wala ng ligawan …. Ang bilis mo adam

    Posted by bhengay | Enero 28, 2012, 4:53 hapon
  8. ano yon?!? what the …. ang bilis naman …

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 1:32 hapon
  9. ang ganda…

    Posted by Liv | Nobyembre 19, 2011, 9:12 hapon
  10. what the?!! ngekzzz.. bakit parang ang bilis ata? wala man lng explanation? hhmm.. nakakaloka

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 21, 2010, 2:05 hapon
  11. LOLz.. I love the ‘fart’ part.. It really made me laugh. Keep it up author.. Nice story😀

    Posted by yuumie | Nobyembre 26, 2010, 12:48 hapon
  12. SOBRANG BILIS AH!..
    Can’t imagine dis mangyari sa totoong buhay

    Posted by zeneth | Hunyo 24, 2010, 11:44 umaga
  13. weeeeeeeeee kalokah!haha

    Posted by yang218 | Abril 6, 2010, 4:32 hapon
  14. wowowowow! HAHAHA… bilis ahh? as in serious ba c adam or maii hidden reason? i think it’s bcoz of Bumby.. wahahaa!

    Posted by sweetypink | Pebrero 22, 2010, 2:06 hapon
  15. Ang nagagawa talaga ng love! Sana hindi panaginip…

    Posted by irresistible | Pebrero 18, 2010, 11:34 hapon
  16. next chapter pls… till the end of the story na po kase nakakabitin sa ganda ng story.
    salamat po.

    Posted by babes78 | Pebrero 18, 2010, 3:21 hapon
  17. wowwwwwwwwww that was so fast adam….kahit ndi sweet ok na rin

    Posted by bunso | Pebrero 18, 2010, 2:15 hapon
  18. waaaaaaahhhhhhhhhhh.. grabe na talaga ito.. cant’ take it.. Next Chapter please!!!

    Posted by Clay | Pebrero 18, 2010, 1:56 hapon
  19. waaaahhhhh… grabe na ito.. cant take it… Next Chapter na po…

    Posted by Clay | Pebrero 18, 2010, 1:54 hapon
  20. wow!!!super sweet naman ni adam…kelan po next posting?

    Posted by cathy07041981 | Pebrero 18, 2010, 12:50 hapon
  21. waha! ganyan ang gusto kong mangyari sa akin.instant ang kasal.

    Posted by Erickz | Pebrero 18, 2010, 10:51 umaga
  22. keme….hehe…astig nman..di kaya e2-dream lang ni Rania…wish q lng truelulu…ang bilis ng pang-yayari…uso tlga ang biglaang pagpapakasal hehe……..
    naman…..next………………chuppy…………….xayamat…..author
    hehe

    Posted by mucat | Pebrero 18, 2010, 9:47 umaga
  23. Sabi nga ng matatanda sa hinabahaba ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.Sa kaso nila Rania Mukhang dun na ang punta..
    Grabe kakakilig.. Ganda

    Posted by khenjo | Pebrero 18, 2010, 9:30 umaga
  24. wow! ang bilis ah…sa isang iglap.. is now or never…right here, right now.. grabe pg ganito ang propose syo.. marry me now or not.. no choice tlaga c rania.. loko din c fafa adam ah..

    mira,,. grabe tinawa ko sa part na umutot c rania.. ahahhaha.. loko tlaga.. dko kya un.. sobrang nkkahiya tlaga un.. to think na di mo nga bf manlng ung guy.. hehehhehe..

    thanks mira.. ganda… next chapter na pls..

    kriz… naubos na nmin ni rania c fafa adam mo.. hehehhee

    Posted by sjyo_0208 | Pebrero 18, 2010, 9:17 umaga
  25. wow biglaan and speechless cya ha..
    nu kaya itsura nya s wedding pic nila…
    nka sunglasses and robe lang..
    very unique..for a bride…

    cant wait for the next chapter…

    Posted by seysey11 | Pebrero 18, 2010, 7:48 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: