binabasa mo ang...
Kamandag ng Pag-ibig

Kamandag ng Pag-ibig – 8

Nakapwesto na ang chess board at pieces sa kawayang mesa. Umupo naman si Adam opposite to her.

          ” Bakit naman alternate iyang chess pieces na parang dama?” nagrereklamong wika ni Adam at binago ito na pinigilan naman ni Rania ang mga kamay nito sa gustong gawin. They both stared at each other. Rania could feel the electricity running all over her veins. She smelled his cologne & it smells so good. Her nose wanted to inhale it all. Her eyes automatically closed.

          “Ehem!” napabalikwas si Rania sa pag-ehem ni Adam. Para yatang wa epek rito ang pagkakahawak n’ya sa mga kamay nito. Napahiya s’ya and came to a realization – she was no Claudia nor Bumby. Ganoong klase ng mga babae ang gusto ni Adam. Na kapag kasama n’ya lilingunin talaga ng mga tao. Si Claudia obviously sa ganda nito at si Bumby sa daming blings ng katawan at nagmumura ang dibdib. She might have the beauty & brain pero hindi marahil ang tipo ni Adam.

          “Are we going to play cheese or your just trying to flirt with me?” diretsahang sabi nito.His voice showed annoyance. He was actually afraid that he might make love to her right there. Uncombed hair, red summer dress that showed some shoulder flesh, he wanted to shower it with his kisses.

          “I’m sorry, I mean dama ang lalaruin natin not cheese. I actually don’t know how to play cheese.” Nalilito n’yang wika.

          Adam breathed harshly. ” You expect me to teach you? Then I can’t & I won’t.” he was pissed off. Not to Rania but to himself. Bakit parang ang hirap ng sitwasyon? Kung sasabihin na lang n’ya ang nararamdaman n’ya para sa dalaga matapos na sana ito. Pero uurong ang kanyang dila.

Naiinis na rin si Rania at hindi paglalaro ang dahilan why she wanted him there. Gusto n’yang kausapin ito ng walang makarinig at alam n’yang paminsan-minsan sumilip ang mga kapatid sa bintana mula sa kanilang silid. Makikita sila mula roon at hindi n’ya makikita ang sinuman sa sisilip dahil they won’t turn on the light.

           ” Shut up Adam! You knew that I’m not flirting with you. Your such a conceited weasel. I noticed that you almost said something about the Ms. Gay thing kanina.” Hinanaan n’ya ang boses at nagsimula umano ang kanilang laro. Una s’yang nag-abante ng poon.

           ” Now, act as if you are consentrating on the chess and that we are playing. But you’re going to answer me.” Matigas n’yang sabi na nakangiti. Ayaw n’yang may makapansin na sinuman na nag-aargumento sila.

           Kilala n’ya ang kanilang baryo. Animo walang paki kahit ang mga manok at lamok pero nang-oobserba lang ang mga ito. Somewhere, somehow sa malalagong damu sa kanilang likod-bahay may nakatingin sa kanila na mga kapitbahay. Not to mention the peeping toms around. Kahit naka-koral ng barbwire ang kanilang likod bahay may mga peeping tom pa rin.

         ” Ano ang ginawa mo dito?”

         ” You know why I’m here.” At nagsimula rin itong makilaro diumano ng dama.

          “That’s why I ask  simply because I don’t know. What I knew everything was not a coincidence. Your vacation in Dakak at higit sa lahat ang pagkaalam mong dito ako nakatira. What do you want?”

          “I told you already. I’m really here for business. Magtatayo ako ng aking branch ng aking Dream Internet Café. It’s one of the best internet café sa Luzon. Walang hassle at mura ang per hour. Bago at well-maintain ang mga computers. At balak ko ring magtayo ng internet service sa mga bahay-bahay. Pwedeng dito ako sa barangay n’yo magsimula.”

          “Stop your salestalk to me. I’m not interested. I-”

          “Let me finish Rania kung gusto mo ng matapos ito.” Tumaas ang boses nito. Sumeryoso din ang mukha.

          “I want you to met Bumby again.” Napamulagat s’ya sa narinig. May kutob na s’yang may connection kay Bumby ang lahat pero a foolish part of her vital organ hoped that somehow he was guided by his attraction for her. Goodness! She assumed that he likes her.

          “Bumby is sick. Dinamdam n’ya ang sobrang kahihiyan that night. She was so depressed getting a lot of texts messages & letter from anonymous people laughing at her sa ginawa mong panghihiya sa kanya. Naging laman s’ya ng blind items. She is kinda famous sa mundong kanyang ginagalawan. ” Bumuntonghininga ito bago nagpatuloy.

           “In case you don’t know she really is good in her field. Maraming galit sa kanya dahil she could really be a bitch pero maaring naiinggit lang ang iba. But I understand her. She is not really what she appeared to be. Something nasty happened in her life and it affected her attitude.”

           Nagngitngit ang kalooban ni Rania. Parang gusto nitong palabasin na mag-appear s’ya sa radio at telebisyon para hihingi ng tawad kay Bumby. She tried to listen to him kahit nasasaktan s’ya sa nakitang concern sa mga mata ni Adam para kay Bumby. Gusto na rin n’yang sabunutan ito.

         Tiningnan s’ya ni Adam na tila tinitimbang muna ang sunod na sasabihin. “I need your cooperation. I want to make a ‘play’ where she can embarrassed you as Emma Darna in front of a lot of people at mababawi ang kanyang kahihiyan.” Napatayo si Rania sa gulat at silakbo ng galit.

          “Never Adam! Never!!! That is so immature and absurd!” nagngangalit ang kanyang mga bagang.  It was worst of what she expected. Kinalimutan na n’ya ang laro at ang mga peeping toms. Bahala na kung may makakarinig sa kanila. Pumasok s’ya sa kanilang dirty kitchen uminom ng tubig at ini-on ng may kalakasan ang radyong naroon bago lumabas uli.

          “Rania please listen and calm down.” Sabi ni Adam na comfortable pa ring naupo at patuloy sa paglalaro ng dama. She sat down & crossed her legs.

          Adam glanced at those legs. It was not long but not short either. Maliliit ang mga balahibo kaya aninag n’ya ang kakinisan nito. He was tempted to touch it but he heard Rania’s voice again.

           “Adam whatever you’ll say I’m not going to do it. She is a bitch and you are a little weasel!.” tumawa s’ya ng mapakla. “Oh well I know your just kidding but they are not funny. Go home tomorrow & never bother me or anybody in my clan again!” Kumukulo na ang kanyang dugo. She can’t imagine herself in any situation na ipahiya s’ya ni Bumby o ng kahit sino sa harap ng publiko at hindi s’ya kikibo man lang.

          He searched her eyes pero sumaglit ang kanyang mga mata sa dibdib ni Rania. Jezevel! In front of him was a woman who was not even wearing a lipstick and a bra. Nonetheless she was driving him dotty. Tila naman hindi iyon napansin ni Rania.

          “Bumby has less than a year to live. She got a breast cancer & was also a rape victim. Her plate is full of bad stuff Rania. Siya siguro ang pinaka-miserableng tao sa balat ng lupa ngayon.” Finally he said while looking intently in her eyes.

          Natahimik si Rania at ini-absorb ang sinabi ni Adam. Mahina ang puso n’ya sa mga taong may taning ang buhay. She have seen a lot of patient cancer. During her caregiving course she taken cared one. Ayaw n’yang magpaapekto pero hindi n’ya maiwasang mapaluha lalo na pagdating sa mga huling hiling ng mga ito.  Isa sa mga pasyenteng naalagaan n’ya noong nag-intern s’ya sa Cebu ay binatilyong edad 17 na may braincancer, nagawa n’yang umawit sa harap ng pamilya nito dahil nagmamakaawa itong gawin n’ya.

          Never that she sang karaoke even if it’s inside their home. Nakakahiya ang boses n’ya. Ayon pa sa pamilya n’ya para s’yang baka na nag-uunga. Pero para sa lalaking iyon ay animo buhay nito ang kanyang boses. The happiness that reflected the pale face of that boy was unbearable. Lantaran namang ipinakita ng lalaking teenager na may pag-ibig ito sa kanya. At talagang nanligaw ito sa kanya na ang sagot n’ya idinaan lang sa ngiti at biro. Hindi n’ya kayang hindian ito pero hindi rin n’ya pwedeng pagbigyan.

           If Bumby’s situation now was genuine how she’s going to smile & joke for her? Sobra marahil ang galit sa puso nito. No wonder ang lupit ng last wish.

           Pero kaya ba n’ya ang magparaya? Natigilan s’ya sa salitang magparaya na naglalaro sa kanyang isip. Parang wala s’yang karapatang gamitin iyon. Because she had nothing to do with Adam.  What’s happening to her? All of the sudden she wanted him to be happy while he wanted to hurt her? She decided not to let her confusing emotions overruled her mind.

           ” If that’s true, I can’t believe that is her last wish. Hindi s’ya tatanggapin sa langit. Ayaw ni San Pedro ng ganyan. Baka katayin pa ni Bumby ang manok n’ya.” She didn’t even realized na nagawa pa n’yang magbiro. Matalim ang tinging ipinukol ni Adam sa kanya. Akala marahil nito hindi n’ya sineryoso ang kanilang usapan.

           “A woman with so much pain & only one person helping her to at least face her fate gracefully, and this person is not even a family. Apparently it is me. You may not believe that she was adopted. Kinasuklaman s’ya ng kanyang kinagisnang ina dahil nagkakaroon s’ya ng relasyon sa nakagisnan n’yang ama. She fall in love with Mr. Lorenzo who is 8 years younger than Congresswoman Lorenzo. Bumby is one of the richest girl in the Philippines who has nothing.”

          “Pero hindi kayang isiwalat ng pamilya ang lihim na iyan. Lalo na ni Mrs. Lorenzo. Isa s’yang public figure for Pete’s sake. At inakala ng mga tao perfect ang pagsasama ng kanilang pamilya. Imagine how hellish is that? Nang malaman ni Mrs. Lorenzo ang sakit ni Bumby, you should have seen the victory in her face. Ayon kay Bumby na magpamisa-pasalamat daw si Mrs. Lorenzo if she’ll die soon. May kutob din si Bumby na ang ina-inahan ang may pakana ng rape.”

          Nagkibit s’ya ng balikat. “She should fight Mrs. Lorenzo. Sayang ang kanyang masteral sa Bitching Industry kung hindi n’ya magamit sa sariling ina-inahan.”

           “Stop making fun of her!” his voice was like a thunder na s’ya lang ang nakarinig. Napaatras ang mukha ni Rania.

           “Ano ang laban n’ya sa kinagisnang ina? Mrs. Lorenzo is a multimillionnare. Sunud-sunuran si Mr. Lorenzo sa asawa dahil he has nothing. Naki-hitch lang s’ya sa yaman at fame ni Mrs. Lorenzo. He was a driver na binihisan ni Mrs. Lorenzo para maging asawa. Mrs. Lorenzo can’t conceive so they decided to adopt Bumby or should I say bilhin si Bumbee sa drug-addicts na mga magulang na nasa Muntinlupa ngayon nakakulong dahil nakapatay.”

          “Tell me Rania, where should Bumby get a nice side? Hindi na s’ya naniniwala sa Diyos dahil sa lahat ng malas sa kanyang buhay? That’s explained her attitude towards other people.”  Adam looked so sad and mad. He must truly loved Bumby to feel that way despite his escapades with Claudia. She felt the pangs inside her. Maybe her infatuation for this man was getting out of hand. Jealous! Yes she was jealous of Bumby for having a man like Adam. But should she also pity Bumby for what she’d been through?

          “Adam, I’m sorry to hear that.” Sinsero n’yang wika. Naawa sa sinapit ni Bumby. Kaya lang hindi s’ya lubusang naniniwala na pulos malas ang inabot ni Bumby.

          “I need more than an apology from you. Wala akong pakialam kung hindi makatarungan ang gustong mangyari ni Bumby. However it’s just a small sacrifice on your part while it’s a day life added for Bumby.” His expression softened and his eyes begged. Pero dagli rin itong nawala at bumalik ang blangko nitong ekspresyon ng mukha.

          “Erica is in Japan now. He was supposed to go next month. But my aunt owned the agency that financed his career. Tinakot ko na dahil accomplice s’ya sa ginawa mong panloloko pwedeng masira ang career n’ya. She is going to be the make-up artist of Susanne Martinez. Isang tawag ko lang pwede s’yang babalik ng Pilipinas na bigo.” Ang Susanne Martinez na tinutukoy nito ay ang bagong pinay na sikat sa Japan bilang singer. Hindi inakala ni Rania na magagawa iyon ni Adam. Poor Erica nadamay pa sa kanya.

           “Adam he had nothing to do with it ako ang nagpilit sa kanya.” Nakagat n’ya ang mga labi. Pero hindi naman siguro kasalanang mortal ang kanyang nagawa? Ibinigay naman n’ya ang napalunang pera kay Erica at pinabigyan din n’ya iyong ibang mga bading bilang balato. Pang-taxi lang talaga ang kinuha n’ya sa premyong natanggap sa gabing iyon.

           ” Well, what is accomplice means Rania? He agreed with you & was your make-up artist & personal assistant. Therefore he was guilty.” She saw a glint of victory in his face. Yumuko s’ya at nag-isip ng sunod na sasabihin. Pero nagsalita na itong muli.

           ” You can’t say no. Maging Emma Darna ka uli at haharap kay Bumby. Do it for your conscience. The woman is dying & your friend na pinilit mo lang ay nasa alanganing sitwasyon. How could you say no? Not only that, I can also tell your parents.”

           Painfully she looked at Adam. Still couldn’t belive it’s happening. He blackmailed her. Napailing s’ya at pinigil ang mga luha. The last thing she’ll do with this man watching was crying like a child lose in jackstone.

          ” Okay I’ll do it. Please h’wag mo ng idamay si Erica.” Buong tatag ngunit pabulong n’yang sabi. She liked being Emma Darna that night. It was a dream came true. Pero ang iharap s’ya ni Bumby uli bilang bading at ipapahiya s’ya nito ay hindi makatarungan. Pwede namang sampalin s’ya nito in private.

          ” You succeded convincing us that night that you’re a gay. Acting like one again will just a piece of cake for you.” Pakonswelo de-bobo ni Adam.

          ” Yeah right. Make it a cookie monster cake para mas masarap.” Nanunuya n’yang sagot. The man didn’t have an idea how she was hurting inside. He’ll ruin her in any way if she won’t do what she told. Para iyon sa mahal nitong si Bumby Lorenzo.

           ” So I’ll plan the act. Mangyayari ito sa mall. Siguro sa Mall of Asia pero don’t worry ipahiya ka lang n’ya, doon maraming tao at baka may reporter. Don’t worry I won’t let her hurt you physically.” hindi napansin ni Rania ang tenderness sa huling pangungusap ni Adam.

           ” May maging kasama ka rin so you’ll be fine. I’m going to meet you sa airport. You just need to be there one day before your flight. I’ll pay for your hotel accomodation. The ‘act’ won’t take long as long you’ll play it perfectly. ” mahinahong dagdag ni Adam.

           Gusto n’ya itong sampalin. What hurts her more was the fact that Adam never considered her feelings mapagbiyan lang ang last wish diumano ni Bumby. Paano naman s’ya? Naawa s’ya kay Bumby sa sinapit nito pero makatarungan ba ang gustong ipagawa sa kanya ni Adam?

           ” Just make sure kaya ko ang script Adam, huwag mo lang gawing soap opera dahil inis ako sa mga bidang inaapi. Hindi ako ang bidang type magpaapi at iiyak na lang sa sulok.” She said dryly.

           Adam smiled cutely and shook his head. Dagli at agad na nalimutan ni Rania ang tampo at galit n’ya sa kaharap.  Ayun sumayaw na naman ang puso n’ya. Tanggo na this time sa pag-aakalang nakadama rin ito ng malasakit sa kanya. Gusto na sana n’yang ngumiti rin pero hindi natuloy dahil sa sinabi nito.

          “Sinong maysabing ikaw ang bida dito Rania? Is it unclear that you are the antagonist o kontrabida?” pamimilosopo nito. Namula s’ya sa pagkapahiya at galit. Tumawa na ito ng malakas na para bang sobrang nakakatawa ang sinabi nito.

          Tingin n’ya kay Adam ng mga sandaling iyon ay gwapong demonyo na may dalang tinidor habang nagsasayaw sa apoy. If her stares could kill, bumulagta na si Adam kanina pa.

           “Schadenfreude.” When she said it huminto sa pagtawa si Adam at tumingin sa kanya.

          Mapait s’yang ngumiti.”Of course you know the meaning of it. You are a gay, aren’t you? At dahil hindi ka makapagladlad ng kapa dahil kilala ka ng madla,sobra ang inggit mo sa akin ngayon dahil ako na hindi bading nagawa kong makapagladlad. You are taking offense dahil unintentionally I’m making fun of your situation. Poor Adam! Kaya pala hindi magkakandauto sa pambabae para pala hindi mahalatang bading.” Hindi nakahuma si Adam. Animo itinulos ito sa pagkakaupo. Na lalong nagpapaduda kay Rania.

           “What a shame Adam! Let it go baby, if your family loves you the way my family loves me matatanggap ka nila kahit anananggal ka pa. Goodnight!” patakbo s’yang pumasok ng bahay at sinigawan ang mga kapatid na ito na ang maghintay sa pagbalik ng mga magulang at siguruhing naka-lock ang mga pintuan saka s’ya dumiretso sa kanilang silid.

          Napatiimbagang si Adam habang nililigpit ang chessboard. Ito na rin ang nagpatay ng ilaw at radio sa dirty kitchen. He saw the looked of Rania when she said it. Para itong nakakita ng sagot sa isang misteryo. It never occurred to him na mag-iisip ng ganoon si Rania. Inakala nito na isa s’yang bading. That was the first time ever na may nagsabing bading s’ya.

          Ayaw dalawin ng antok si Adam sa gabing iyon. Bakit ba sobra s’yang nabagabag na napagkamalan s’yang bading ni Rania? Pero kung pagbabasehan ang nangyari sa gabi ng Ms. Gay pageant maaaring naging bading s’ya sandali. Naalala n’yang sa unang labas ng candidate no.8 na walang iba kundi si Rania, napaupo s’ya ng tuwid. Ang anklet nito ang una n’yang nakita at napukaw ang kanyang interes dahil sa hugis din ng binti nito. Kakaiba rin ang hugis ng mga hita kumpara sa ibang bading na nasa stage. Pinagmasdan n’ya itong mabuti at sa unang pagkakataon sa kanyang buhay nagkaroon s’ya ng damdamin sa isang bading!

           Right there, nagkakaroon s’ya ng hard-on para sa isang bading. Labis n’ya iyong ikinabigla. Nalilito s’ya sa nangyari sa reaksiyon ng  sariling katawan. Marami na s’yang nakilalang transexual pero wa epek ang mga ito sa kanya. Natutuwa nga s’yang pagmasdan ang mga ito. Nginitian lang n’ya sa tuwing nagpapansin. Pero ang magkaroon s’ya ng damdamin sa mga ito na para sana sa tunay na babae ay hindi nangyayari. Not until he saw Emma Darna o Rania. Dahil nga sa pag-aakalang bading nga si Rania na gumamit pa ng a.k.a na Emma Darna ay gusto n’yang mahihiya sa sarili.

           He was in favor of same-sex marriage. Dahil mga tao rin ang mga lesbians at shemales. Hindi s’ya masyadong apektado sa isyung iyon dahil hindi naman iyon makakaapekto sa kanya. Dahil nga hindi iniisip na magkagusto s’ya sa isang bading. Pero iba si Emma Darna. Hindi n’ya matukoy ang kaibahan sa gabing iyon. The voice, the actions & charms. There was something with ‘her’ personality that triggered his curiosity & disturbed him emotionally.

          That was the first time he used his covert video camera na ipina-attach n’ya sa kanyang relo when he visited US the other year. Malaya n’yang nakunan ang bawat galaw at anggulo ni Emma Darna. Nang matapos ang pageant nagpunta s’ya sa backstage pero wala na ang mga ito.  Tinawagan n’ya si Robin ang kanyang personal secretary at driver at ipinahanap si Emma Darna ang candidate no. 8. Walang permanenteng lugar ang mga bading. He didn’t know what got into him sa gabing iyon. With his connections nakuha n’ya ang address ng make-up artist nito. At tinawagan agad n’ya si Robin at sinabi ang address. Magdamag nga na nagbantay si Robin doon at pinuntahan na rin n’ya para may kasama.

          Hindi nakapagtanong si Robin kung bakit n’ya ito pinasundan dahil inunahan n’ya ito na huwag magtanong sa dahilan. Dahil sa sarili nga n’ya hindi n’ya naintindihan ang mga nangyayari, ano pa kaya ang magpaliwanag sa kanyang driver na ituuring na rin n’yang kaibigan? Matagal rin ang hinintay nila. Pero hindi sila umalis sa kanilang pwesto,doon na sila natulog sa sasakyan. Relyebo sila ni Robin.

          Alas dyes y medya kinaumagahan nang may lumabas sa pintuan. Mabilis n’yang kinuha ang telescope. Nakita n’ya ang make-up artist nito pero wala si Emma Darna. Isang simpleng babae na naka ponytail ang buhok at may dalang mga maleta ang lumabas. Maya-maya pa ay may taxi na dumating. Palibhasa nakapantalon ito hindi n’ya nakita ang anklet. Mabilis na gumana ang kanyang utak. “The shape of the woman’s body, maaring ito si Emma Darna kagabi at totoong babae ito sa araw.”  Sinundan n’ya ito at iniwan n’ya si Robin para bantayan ang bading sakaling hindi si Emma Darna ang babae.

           Naabutan s’ya ng redlight sa isa sa mga intersections at nawala sa paningin n’ya ang taksing sinakyan ng babae. Bumalik s’ya sa apartment ng bading at mahinahon n’ya itong kinausap. Nagtapat naman ito nang masigurong hindi s’ya masamang tao. Parang nabunutan s’ya ng tinik sa puwet nang malaman ang drama ni Emma Darna.

            Nakuha n’ya ang address nito sa Mindanao. He wasted no time & went to Mindanao. Dumiretso sa Dakak dahil ayon sa bading magbakasyon ito at ang pamilya roon. The next day dumating nga ang mga ito.  His eyes glittered with excitement & his heart sang a joyful song when he saw Rania.

           Walang alam si Emma Darna o Rania na buhat sa duyan malaya niya itong nakunan ng mga larawan gamit ang kanyang relo. Her beauty mesmerized him. In some ways she was stunning but not voluptuous. Pero ang kanyang mukha ay iyong tipo na maalala mo pagkatapos ng unang tingin. Then when you turned back & couldn’t see her again it made you feel you missed something special. She can thinked & talked smartly yet wackily. While she was playing with her younger sisters, he couldn’t see Emma Darna. He saw a happy woman with hidden loneliness. And yes those pouting lips though not as big as Angelina Jolie’s, was inviting for a sensual kiss.

Talakayan

16 thoughts on “Kamandag ng Pag-ibig – 8

  1. ganda talaga ng story. kunwari pa si adam, sabihin mo na kac kay rania yong feelings mo.

    Posted by mia garcero | Hulyo 30, 2014, 3:57 hapon
  2. who is the author of SECRET MARRIAGE? KENT AND PHEOBE ANG MGA CHARACTER.. MATAGAL NB UN?

    Posted by jhie | Disyembre 24, 2013, 4:11 hapon
  3. ok lang
    what’s next??
    kakabitin eh

    Posted by anness23 | Hulyo 8, 2013, 3:26 hapon
  4. njas…. may lihim na pagnanasa pala itong si Adam kay Rania eh.. . ang ganda naman ng relo nia. .

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 4:30 hapon
  5. uhm, .may puna lan pu aque in some of ur wordz. .
    ung cheese mu pu itz chess. .uhm den ung at least itz atleast pu. .heheh ;p

    anywayz ang ganda pu tlga nang story supper kaka’amaze pu!! ;p

    mediu naguluhan lan pu aque about kay erica? . .
    who is she? . . .

    haaay! . .akala que puru girl side lang to ei. .heheh!

    kakakilig! tlgang cnundan nia pa tlgah c rania! . .
    it meanz na love at first sight xa kay rania ket nung una akala nia tlgah bding ituh?! . .wahahahah!

    Galing . .galing! . . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 31, 2012, 5:08 hapon
  6. a.k.a. detective din pala si Adz🙂

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 1:51 hapon
  7. Sino si erika, db sunshine name nung bading na friend ni rania

    Posted by Abbythe1 | Disyembre 16, 2011, 9:17 hapon
  8. nasan na po ang next chapter?!?

    Posted by jlhayne | Enero 12, 2011, 10:54 umaga
  9. ahahhaha!! i like your watch adam xD😀 akin na yan.. puede?

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 21, 2010, 1:51 hapon
  10. kunwari ka pa adam…..!

    Posted by senti | Pebrero 23, 2010, 1:06 hapon
  11. susme mga lalaki talga paraparaan…

    Posted by railee anne | Pebrero 17, 2010, 10:32 hapon
  12. weeeeeeeeeeeee
    kabitiiiiiiiiiin…

    Posted by Lynta2 | Pebrero 17, 2010, 5:55 hapon
  13. Wahahahaha.. kunwari pa si fafa Adam.. eh d lumbas din na may gusto siya kay Rania… ca’t wait kung ano mangyayari sa Mall.. hmmm!!!! Next Chapter please.

    Posted by Clay | Pebrero 15, 2010, 2:15 hapon
  14. nice naman nito… kunwai pa si adam may patingin din naman pala siya kay rania… aminin mo na kasi

    Posted by kris3515 | Pebrero 15, 2010, 1:47 hapon
  15. Kunyri pa si fafa Adam may lihim na pagnanasa este pagtingin din pala kay Rania aka Emma Darna.. harhar.. can’t wait for the next chapter…

    Posted by Mharliz | Pebrero 14, 2010, 11:59 hapon
  16. Aha! Ano kaya mangyayari sa MoA? Can’t wait…

    Posted by irresistible | Pebrero 14, 2010, 10:36 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: