binabasa mo ang...
Kamandag ng Pag-ibig

Kamandag ng Pag-ibig – 7

Pangatlong linggo n’ya sa Pilipinas at naisipang tawagan uli si Sunshine at kumustahin. Pero cannot be reached pa rin ang numero nito. That was her tenth attempt to contact ‘her’ again but to no avail. She texted ‘her’ too but didn’t get a reply. Marahil umalis  na ito papuntang Japan. Pero sana kahit papaano’y itinitext man lang s’ya nito. Siguro nakalimutan na sa sobrang pagka busy.

In that week she organized their highschool reunion. Gagawin nila ang reunion sa skwelahan nila mismo. Naging madali naman ang pag-contact ng karamihan sa kanyang mga kakaklase dahil sa karatig bayan at mga baryo lang ang mga ito nakatira. Ipina-anunsyo din n’ya sa radio kaya naging madali ang pagtakda. Sagot naman n’ya ang kalahati ng gastusin. Mga pagkain lang naman at hindi gaya sa Canada ang kanyang $150 malayo na ang mararating sa kanilang baryo.

Nagleletson sila ng baboy, may mga inihaw na isda at softdrinks. May kaklase s’yang nagbigay ng bigas at may nagprisinta rin para sa dessert. Kaya ensaktong alas-otso ng umaga sa Sabado ginanap ang kanilang reunion.

Hindi engrande ang selebrasyon.Inimbita nila ang mga guro at nagkaroon ng munting programa. Dahil na rin ang kanilang mga guro ay pawang sa iisang baryo lang nakatira halos lahat naka-atend. Kahit pa iyong mga retired na. Umani s’ya ng papuri  hindi lang sa kanyang achievements bilang OFW kundi maging sa lalong pagganda n’ya at ang hindi pagbago ng kanyang ugali.

She was the same Rania almost 11 years ago. Weird, wacky pero hindi s’ya nabansagang maldita, strikta s’yang tingnan pero ilang minuto lang makakausap lalabas ang tunay na s’ya. Laging cool kahit pa man mapagalitan s’ya ng ina noon.

Dumaan din s’ya ng maraming paghihirap. Dahil nga maliit na baryo, laging may mga munting tsismis. Hindi maiwasang lagi s’yang laman ng usap-usapan noon. For the reasons that she was always at the top 3 and some said it was just because one of the teachers was her mother not to mention that two other teachers were also her aunts. Iyong mga academic rivals n’ya normal na pinagduduhan s’yang tiningnan na ang mga questions before exams o binigyan na s’ya ng sagot ng ina at mga relatives na guro nila.

Hindi maiwasang matingnan n’ya ang mga questionnaires ng ina noon pero hindi n’ya sinasadya iyon. She tried to be honest. Hindi naman s’ya ang naging valedictorian at hindi n’ya ikinalungkot iyon. Nobody believed her that all she wanted was to graduate. But for the sake of her parents she tried to place herself in the top 2 lalo na at pwedeng makapag-discount sa tuition fee sa college pag nag-graduate na kasali sa top 3.

Naging masaya ang selebrasyon at kinahapunan nag-uwian silang may mga ngiti sa labi. Kinabukasan nagbalik s’ya sa Dipolog mag-isa. Sumakay lamang s’ya ng jeep at naglakad at pag medyo may kalayuan ang gustong puntahan saka s’ya sumasakay  ng tricycle.

Silently she prayed na makita si Adam para isauli ang pera nito. She hated to admit it to herself but she missed him and yes she realized too,she was infatuated to him or probably it was love. Hindi s’ya nakatulog at nakakain ng maayos since day 1 nang makita n’ya ito sa Dakak.

Dahil nga ibinili s’ya nito ng relo may nasilayan s’yang romance. Whoa! Pa-romance-romance pa s’ya. Mahilig s’yang magbasa ng pocketbooks lalo na ang mga tagalog romance novels kung minsan real luck and real love happened in real life. Though she knew they were mostly fiction.

However, it was not the first time she received a gift from a man, kung gift mang matawag iyon. But this one is different. He was a man she can’t called friend nor a suitor. Just a plain acquaintance.

Naging hapon na lang hindi n’ya ito namataan sa Dipolog marahil umuwi na ito o d kaya ay totoong nilibot nito ang Zamboanga del Norte. Pumara na rin s’ya ng tricycle at nagpahatid sa sakayan ng dyip pauwi sa kanila. Dahil kilala s’ya ng karamihang nakasakay din sa dyip hanggang nanaog s’ya saka pa lang natigil ang kanyang bibig sa kakabida. Napangiti s’ya sa sarili dahil iyon ang tawag ng kapatid na si Charmel sa kanya ‘bida’ na ang ibig sabihin nito ay masydong ma-papel.

Walang tao pagdating n’ya sa loob ng kabahayan. Pero narinig n’ya ang mga tawanan sa likod-bahay kung saan naroon ang kanilang ‘dirty kitchen’ at sa tabi nito ay nilagyan ng kanyang ama ng mga bangko na gawa sa kawayan at may maliit na mesa sa gitna. Doon madalas magpahangin ang mga ito dahil nasa lilim ito ng punong-langka at mga cacao. Sumigaw s’ya mula sa loob ng silid habang nagbibihis ng pambahay. Dahil nga ang kanyang ina ay preferred magluto sa kahoy dahil mas masarap daw at nakakatipid pa sa LPG kung kaya’t bababa din s’ya at tutulong, t’yak na magkaka-uling s’ya.

” I’m here. What’s for dinner?” sigaw n’ya habang palabas ng silid.

” Narinig namin ang iyong pagdating. May bisita tayo narito sa baba.” Sigaw din ng kanyang ina. Marahil isa na naman sa mga kamag-anak nila. Lagi naman n’yang ikakasiya iyon. Nagmamadali s’yang pumanaog suot ang luma n’yang damit pambahay. Hindi rin s’ya mahilig mag bra lalo na pag nasa bahay lang at  nalaman n’yang mas lesser ang risk sa breast cancer ng mga babaeng hindi mahilig magsuot ng bra. Not to mention that her breast were not really that big saka hindi erect ang kanyang mga nipples maliban lang kung gininaw s’ya at kung may hihimas n’un. Kaya hindi iyon masyadong mababakas  at hindi ‘istorbong’ tingnan.

Nakangiti s’yang nagmano sa kanyang mga magulang at sa kanyang tiyahin na biyuda na nakatira sa bahay sunod ng sa kanila. Nakita n’yang may beer sa mesa at nilagang kamote. Normal na sa kanila ang may inuman lalo na pag ganitong may bagong uwi. Magkaharap doon ang kanyang pinsan at ang kanyang ama. Tatlong baso ang naroon. Nagtaka s’ya kung nasaan ang kanilang bisita.

“Nagkatay kami ng manok at bumili ako ng alimango iyon ang ulam natin ngayong gabi.” Sabi ng kanyang ina.

” Woow lagyan natin ng niyog ma ha.” She froze nang lumabas mula sa kanilang restroom na nasa loob ng kanilang dirty kitchen si Adam! Ito ang tinutukoy ng kanyang ina na kanilang bisita? Gummy Bears! Matagal nang laos ang awiting otso-otso ni Bayani Agbayani pero ito ang tugtog ng kaniyang puso ngayon. Binawi n’ya ang pagkabigla at ngumiti.

” Well, I didn’t expect to see you here.” Hinanap kita sa Dipolog kanina pero di kita nakita. Gusto sana n’yang idugtong. Pinilit n’yang magsalita ng kaswal. Nakangiti ito at medyo namumula ang balat. Marahil masydaong nagbilad sa araw. But boy, it only added mystery to his alluring appeal. Mukhang tumayo ang kanyang nipples. Mama Mia! She simply crossed her wrist along her chest.

“I went to Sindangan and on my way back to Dipolog  the bus happened to stopped at the eatery across the street then I saw your parents with your aunt on the church.” Ang sinabi nitong karenderya ay nasa kabilang kalsada mula sa kanilang bahay. At  ang simbahan naman ay halos katapat nito. Parang may awkward sa sitwasyon pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Sana hindi ito nagsabi tungkol sa Ms. Gay at sa relo.

“Inimbitahan ko s’ya kung hindi s’ya nagmamadaling bumalik ng Maynila ay pwede s’yang mag-stay dito sa atin. Isasama natin s’ya sa harvest ng mga mangga bukas.” Nakangiti ang kanyang ama at halatang nagustuhan nito ang kanilang bisita. May pagdududa s’yang hindi n’ya matukoy. Mamaya na n’ya tanungin ang ama.

Umiling si Rania at kinamot-kamot ang braso . “Papa dalawang puno lang iyon ng manggang kalabaw baka inisip ni Adam plantation na kasinglaki ng pag-aari ng mga Cojuangco ang tinutukoy mo.”

“Naku sinabi kong dalawang puno lang.” ani Mang Theodoro.

Bumaling s’ya kay Adam na kampanteng tumungga ng beer. “Well as you see, we are poor here. I mean isa kang manilinyo at hindi ko alam kung magustuhan mo ang pag-stay dito but we’ll try to be a good host.” At naalala n’yang dalawa lang pala ang silid ng kanilang bahay. Bagama’t malaki ang dalawang silid pero hindi pwedeng doon ito matulog at saan silang apat na magkapatid matutulog? Noong maliliit pa sila kasya sila sa silid ng mga magulang pero ngayon parang hindi na yata. Saka masyadong personal ang silid nilang magkakapatid.

Tila nabasa ng ama ang kanyang iniisip. “Doon s’ya matutulog kina Tiya Alma mo. Nasabi kong dalawa lang ang silid na gusto ng mama mo para sa ating bahay dahil sa katwirang pulos kayo babae at darating ang araw na sasama kayo sa mga maging asawa ninyo. Nakakahiya naman kung sa sala natin s’ya patulugin.”

Tama ang kanyang ama. Ayaw ng ina n’ya ang malaking bahay at may dalawang palapag. Tatlo naman ang silid sa bahay ng tiyahin n’ya at nasa Cebu ang pinsan n’ya kaya bakante ang isa nitong silid.

” Pinsan walang problema sa tulugan.” Sabat ng pinsan n’yang lalaki. Bunsong anak ng kanyang tiya Alma.

” That is settled then.” Hindi n’ya alam kung nahalata ba ng mga ito ang biglang pag-tense ng kanyang boses. Naisip n’ya ang sasabihin ng mga tao. Pag may bagong mukha sa kanilang baryo maging ‘headline’ ito sa tsismis. Worst pa kung iisipin ng mga ito na si Adam ay nobyo n’ya. At dahil nga tisoy ito mapagkamalan pang kano. A part of her wished it’s true na nobyo n’ya ito. Pero sinuway din ng kanyang isip. Damn it! She should stop thinking dummy things. But falling inlove was not  a dummy thing. Is it?

Nag-excuse s’ya at pumasok sa dirty kitchen. Naroon ang kanyang mga kapatid na naghahanda ng mesa. “Dito ba tayo kakain? Nakakahiya naman kung makita ng bisita natin iyang mga kalderong gawa yata sa uling dahil sa pangingitim.”  tanong n’yang pabulong dahil nasa labas lang si Adam.

Kung sila lang pamilya okay lang sa kanya kung doon sila kakain sa dirty kitchen pero kung kasama si Adam medyo nahihiya s’ya kahit ‘langaw-free’ ang kanilang dirty kitchen at maayos ang loob. Anim lang ang kasya sa mesang naroon  pero sa dining room sa taas kasya ang sampo sa mahabang mesang..

“Hindi doon tayo sa dining room kakain. At guess what ate? Binigyan s’ya ng tour ni papa kaya nakita na n’ya iyang mga kalderong gawa sa uling.” Sagot ni Khara na nakangiti.

“Parang feel ni papa na son-to-be n’ya si Adam. Kaydali nilang naging magkaibigan ate.Si Adam pa nga ang bumili ng beer.” Bumungisngis si Charmel.

” Oo nga te. Pero hindi na crush ni Ate Khara si Adam dahil crush na naman n’ya si—

” Heh! Kung anu-ano talaga iyang pinagsasabi mo!” saway ni Khara at matalim na tiningnan si Gracy. Natakot marahil ang bunso at tumahimik ito at nagtago sa likod ni Charmel pero sinilip rin nito si Khara na nagpupunas ng lababo.

Pumasok ang kanyang ina at tinikman ang niluluto.

“Prinito ko ang ibang manok sakaling hindi magustuhan ni Adam ang sinabaw. Hindi ko alam kung nakatikim na ba iyan ng tinolang bisayang manok.” Her mother said casually. Nakitulong na rin s’ya sa paghahanda ng mesa at ikiniwenento ang naging lakad n’ya sa Dipolog and skipped the part that she tried to look for Adam.

Masaya silang naghahapunan. Adam didn’t like the tinolang manok much but he loved the fried chicken at alimango. Panay rin ang puri nito kung gaano kasarap ang pagkaluto. Papaya ang ginawa nilang panghimagas. Sinabihan n’yang hindi sila madalas uminom ng softdrinks pero mayroong soda sa refrigerator kung gusto nito pero umayaw rin ito.

Tumulong s’ya sa pagliligpit ng pinagkainan at ang tatlo n’yang kapatid ang nagtulong-tulong sa paghuhugas ng mga pinggan. Pumunta sila sa terrace at kahit dim ang ilaw doon maaninag pa rin sila mula sa kalsada. Palibhasa anim na metro lang ang layu nila sa main highway. Natakot s’yang mapansin ng mga nagsipag-daan na may bisita silang lalaki na mukhang kano. Pero malalaman naman talaga ng mga ito sooner or later. Maliban na lang kung aalis si Adam ng maaga kinabukasan. Napabuntung-hininga s’ya.

Ang kanyang ama at si Adam ang usap ng usap. They talked about stuff sa sasakyan na hindi nila kabisadong mag-ina. He also didn’t mention much about his personal life. Maliban sa ang trabaho nito ay isang inhenyero.  Software Engineer at suma-sideline daw ito as computer teacher sa Ateneo. His mother is Fil-am at Pinoy ang kanyang ama na may dugong kastila. Magandang kombinasyon ang lahi nito.

Lumalim ang gabi at isa-isa ng nagpaalamang matutulog ang mga ito. S’ya na ang nagprisintang ihatid si Adam sa kabilang bahay ilang dipa lang yata ang layu mula sa kanila. Mahihirapan s’yang kausapin ito at sitahin dahil nga tiyak na maririnig s’ya ng mga magulang at kapatid. “You don’t need to escort me sa kabilang bahay it’s too near. Kaya ko na. Goodnight.” Wika nitong nakangiti.

“Okay. Sige goodnight na rin.”  Lumakad na si Adam patungo sa bahay ng kanyang tiyahin. Nag-flying kiss ito ng lingunin n’ya. Inirapan n’ya ito at pumasok na rin s’ya ng bahay at ini-lock ang pinto. Saka na n’ya kiligin ang sarili dahil bukas pa ang ilaw sa silid ng mga magulang kaya kumatok s’ya. Nakita n’yang nagbasa pa ang ama at naglinis ng mukha ang ina gamit ang astringent na dala n’ya galing Canada sa harap ng tokador.

Sinulyapan s’ya ng ama. “Uhm, pumunta na si Adam sa kabilang bahay? Tanong ng ama na umayos ng pagka-upo sa kama.

” Oo.” Sagot n’ya at inisip paano at ano ang itatanong n’ya sa ama.

” Bakit n’yo s’ya inimbitahan pa? Hindi natin s’ya gaanong kilala. Malay natin kung druglord pala si Adam.” May nginig sa kanyang boses at kahit s’ya man ay hindi kumbensidong druglord ito.

Tumingin sa kanya ang ama at ngumiti.  “Mukhang may gusto sa iyo at parang alam na dito tayo nakatira. Hindi masama kung kilalanin natin. Saka mabait naman sa tingin ko.” sagot din ng ama.

“Ewan ko pa. Pero nakita n’yo naman na may nobya na ito. Si Claudia.” Gusto sana n’yang sabihin na may Bumby pa ito sa Maynila instead, ” and he is a bit too old for me. 36 years old na ito for Mindanao’s sake.” Rania said impatiently.

“In fairness, he don’t look his age. Para lang s’yang 25 years old. Hayaan na lang natin. Basta pakiramdam ko mabuti s’yang tao. At kung mali ako na may gusto s’ya sa iyo then ok lang. Mabuti na rin iyong may kakilala tayong taga-ibang lugar lalo na sa Maynila na wala tayong maraming kamag-anak. Pwede daw tayo tutuloy sa kanya pag maisipan nating magpunta doon which is very unlikely but we don’t know. ” Mahabang paliwanag ng ama habang iniligpit ang mga binasa nito.

Tumingin s’ya sa ina. ” Well wala akong masabi. Kung tungkol naman sa mga tao ay bahala na ang mga iyon. Kung ikakasal nga s’ya kay Claudia malaman iyon ng buong probinsya dahil siguradong ipapalagay ito sa newspapaer at i-aanounce sa radio. Hayaan mo na lang.”

Nagpakawala uli s’ya ng malalim na buntung-hininga. Hindi n’ya maipaintindi sa mga ito ang ikinabahala n’ya. Maliban sa natakot s’yang magsalita ito hinggil sa Ms. Gay natakot din s’ya para sa sariling damdamin. She knew that she had feelings for him. At patindi iyon ng patindi.

Nagpaalam s’ya at nag-goodnight saka pumasok na sa kanilang silid na magkapatid. Tulog na ang mga kapatid at dahil uminom s’ya ng antihistamine kanina para sa allergy n’ya  kaya nakatulog din s’ya kaagad. Pero laman ng kanyang panaginip ang flying kiss ni Adam.

Kinabukasan s’ya ang pinakahuling nagising na normal na sa kanya. Paiba-iba talaga ang oras ng kanyang paggising at pagtulog. Naligo s’ya at nag-almusal sila. Bagong ligo rin si Adam at ang bango nito. Gaya ng dati puting t-shirt na may tatak nike sa kaliwang dibdib ang suot nito at maong na short at brown na sandalyas. Ang cute ng paa nito. Mahihiya s’yang itabi ang kanyang mga paa. Bigla yata s’yang nanggigil. It was one of the nicest man’s feet she had ever seen.

Kahit saang anggulo tingnan ang kumag gwapo talaga ito. Sa passenger seat ito pina-upo ng kanyang mga magulang kaya malaya n’yang napagmasdan ang likod nito. Naging sentro ng tingin ng mga tao si Adam pagdating nila sa pook kung nasaan ang harvest ng mangga. Kahit dalawa lang ang puno umabot ng hapon bago ito natapos.

Napagkamalan ngang nobyo n’ya si Adam, akala ng mga ito ‘penpal’ diumano n’ya. Napangiti s’ya sa term na ginamit ng mga villagers. Minsan na-mispronounce pa ang ‘penpal’ at naging pempal. Para naman talaga kasi itong foreigner tingnan at panay pa ang englis.

Nang medyo madilim-dilim na nakasilip na rin s’ya ng pagkakataong maka-usap ito na walang mag-iisip ng malisya. Busy ang lahat sa paglalagay ng mga kahon na may lamang mangga sa truck. Kahit papano ay nabawi nila ang ginasto sa pag-spray. Nagtira ang kanyang ama ng hindi kasali sa ibebenta sa Cebu. Mga pitong kahon para paghati-hatian ng mga kamag-anak at kapitbahay.

“So, tell me Adam what is it this time?” she said sardonically habang tinulungan itong magligpit ng straw at ibang kalat. Kumunot ang noo ni Adam at sumulyap sa kanya. Suot n’ya ang relong binili at pinili nito.

“Don’t start messing up with me Rania, I have the ace.” Tila tinitimpi ang inis na sabi nito. Naiinis na rin s’ya. Ano talaga ang gustong palabasin ng lalaking ito?

“Dare not Adam! You see how nice is my family. We are  poor but I have a happy family. I won’t let you destroy it. Go back wherever you are and forget that we’ve met. Then, all of this crap will be over! I’ll be returning your money for the watch by the way.” May galit na sa kanyang boses. Lumapit si Adam ng ilang dipa at pasimpleng lumingon sa paligid, sinigurong walang nakapansin na hindi friendly talk ang usapan nila ni Rania bago nagsalita.

“You’re right they are very nice people Rania. Where did you get the nerve to lie to them, of when you really arrived? Why not tell them the truth? Aren’t you guilty looking at them and thinking that oh geez, if they only knew that there precious Rania joined Ms. Gay? ” nanunuya si Adam at may punto ito.

Pero hindi n’ya aaminin iyon sa mga magulang o sa sinuman sa pamilya n’ya ngayon. Babalik na s’ya sa Canada sa susunod na linggo. Ayaw n’yang mitsahan ang natitira n’yang araw kasama ang pamilya. Maaring maintindihan s’ya ng mga ito pero hindi s’ya sigurado kung hindi ito magtampo. Maging mas mabigat ang kanyang dibdib na aalis kung may tampo ang mga ito sa kanya kahit konti. She can’t do it. Not now maybe in her next vacation.

“You have no prerogative whatsoever to have a say for this matter Adam. This is out of your damned league. Why don’t you sort out your own life? Espesially your lovelife.” May ideyang pumasok sa isip ni Rania. Susubukan din n’yang i-blackmail ito. Anyway that’s what he was exactly doing to her.

“Are you not guilty for doing it to Bumby and Claudia? Oh well, I got an ace now too, Aren’t I? ” ngumiti s’ya ng pagkatamis-tamis. Bakit ba hindi n’ya agad naisip iyon?

He faked a smile and crossed his arms along his chest. ” Bumby & Claudia will never mind. Because complaining about it while I made it clear to them that I can’t be faithful, would means staying away from me. Unfortunately they can’t compromise their happiness. Sharing me is better than not having me at all.” He smiled naughtily. She almost hurled the roll of straw to him.

Kaydagling naglaho ng alas n’ya. Nadiskobre pa n’yang masyadong conceited ang kaharap. Inis na inis talaga s’ya at gustuhin man n’yang magsalita uli lumapit sa kanila ang kanyang pinsan na si Mario. “Magpahinga na kayo ‘insan. Ako ng bahala nito.” at binuhat nito ang kahon na pinaglagyan nila ng natitirang straws at supot.

Sabay silang naglakad ni Adam papunta sa bahay ng lola n’ya wala silang imikan at nginitian lang ang mga taong nakatingin sa kanila. Na ang iba ay alam na hindi n’ya ito nobyo pero sige pa rin na sabihing ‘pempal’ n’ya ito.

” Para kayong mga artista at may hawig ang mga  mukha ninyo.” Sabi ng isa sa kanyang mga kamag-anak. Nginitian n’ya lang ito. Ngumiti din si Adam. Ang unggoy na ito kahit yata pawisan at narumihan ang suot na puting t-shirt he still looked gorgeous. At kung may hawig ang kanilang mukha ibig sabihin na maganda rin s’ya talaga. Masarap iyon sa pakiramdam ah. She grinned discreetly. Hindi iyon nakatakas sa pansin ni Adam.

“You were flattered of what that lady said? If it were not rude to disagree, I would tell her that I have no similarities with a she-gay! Babaeng bading sa diretsahang pagkasabi. It stained your personality Rania. It really did.” Mahinahong wika ni Adam.

Naningkit ang kanyang mga mga mata at gusto n’yang sumagot at sigawan ito pero too late maririnig na s’ya ng pamilya. Na kahit abala sa kanilang mga ginagawa sigurado s’yang nagmamasid lang ang mga ito sa kanila.

Kaswal pa rin ang pakikitungo nila sa isa’t isa ng nasa sasakyan na sila pauwi. Pero nag-iisip si Rania kung paano n’ya i-solve ang situation? Nalilito s’ya kung ano ang gusto nitong mangyari. Hindi s’ya kumbinsido na ang bakasyon nito sa Dakak ay coincidence lang. Parang impossible talaga? She read a lot of romance novel, at hindi n’ya maiwasang ikompara ang mga pangyayari sa mga kwentong pag-ibig na kanyang nabasa.

Na siguro lihim itong nagkagusto sa kanya kaya s’ya sinundan at gumawa ng kung anu-anong drama. Sounds romantic huh! But at least in those novels, sometimes the hero gave out some clue if he likes the heroione. In her case she can’t see nor observe anything that Adam liked her. Maliban sa ibinili s’ya ng relo. She tried to read his eyes but she can’t see any emotion in there.

Kinagabihan nasa terasa uli sila at sinabi ni Adam na kinabukasan aalis na ito. Gustuhin man daw nitong manatili ay hindi pwede may ibang commitment daw itong dapat puntahan.

“I was invited by Claudia Torres for her sister’s wedding tomorrow at 2p.m.” at pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanyang mga magulang. “The time I spent with your family  Tito Teodz is fantastic. Anytime maisipan n’yong magbakasyon sa Luzon, you have my calling card. Thank You so much for your hospitality.” Sinsero ang mga mata at boses nito.

Tumikhim ang kanyang ama. “Kasiyahan naming mapasaya ang aming panauhin. Salamat sa imbitasyon Adz.” Napangiwi si Rania. Goodness may pa Adz-adz pa ang kanyang papa. Petname nito kay Adam. Close na ba talaga ang mga ito kasi Tito Teodz din ang tawag ni Adam sa kanyang ama? Doroy ang tawag ng halos lahat sa kanyang ama. Si Adam lang ang pa-teodz-teodz.

“Salamat at  nagustuhan mo ang iyong munting bakasyon dito sa payak naming lugar. Don’t hesitate to come back.” Segunda ng kanyang ina.

Ngumiti si Adam. “Thanks Tita Elvs.”

Goodness talaga! Buti hindi Ranz ang tawag ni Adam sa kanya kasi mahilig yata ito sa Z as ending sa mga names. Hindi pa rin s’ya nag-react habang binabasa ang librong bigay ng kanyang kaibigan noong birthday n’ya 2 years ago na. It’s actually a biography about  Theodore Roosevelt, a US president. Until now nasa page 10 pa rin s’ya. As if she was so absorbed with her reading but her mind was flying & in the corner of her eyes she was watching him. Minsan din n’yang sinulyapan ito. She noticed an awkward silence. Tumingin s’ya sa mga ito at itiniklop ang librong binasa. Ang ama ay kinati-kati nito ang mga braso, at ang ina ay nakatanaw sa malayo at si Adam pinipiyano ang mga daliri.

“Are you out of words? Well, let’s skip the ’emote part’ in this conversation.” she can’t believe her voice trembled a little. Suddenly she realized, she’ll going to miss Adam again. By the time she’ll come back in Canada there will be a defeaning silence with matching sobbing in the privacy of her room there. She looked at Adam and was terrified when she sensed that he was about to say something but was in the process of gathering his words. Oh no! Magsasalita ba ito tungkol sa pagsali n’ya sa Ms. Gay? No Way! Uunahan n’ya ito.

“Adam lalandiin na kita.” Sabay na napatingin sa kanya ang tatlong kaharap. Bigla rin ang paglabas ng kanyang mga kapatid na nanonood ng soap opera sa sala. Nakikinig lang din pala ang mga ito sa usapan sa labas. She laughed nervously. “Ooopps wrong word. I’m just going to invite Adam if he wants to play chess doon sa bangkong kawayan sa likod para hindi naman expose sa mga nagsidaang mga tao. Gumamit ka lang ng insect repellent lotion dahil malamok doon kapag gabi.” Tumayo s’ya at nagpatiuna ng lumakad saka kinuha ang cheese set na nasa ibabaw ng ottoman sa sala.

” May ilaw naman doon at saka don’t worry Adam I’m not really that malandi noh. Ask my parents & sisters. Eh di sana may asawa na ako ngayon. I’m not going to rape you.” She said it very seriously at the same time confidently. Nobody detected that she trembled deep inside for reason even unknown to her.

Gusto lang talaga n’yang malaman ang motibo nito sa lahat ng pangyayari. His vacation at Dakak, his appearance at Greenwich, buying her a watch & now ‘visiting’ them. It was just so odd.

“Well I won’t mind playing cheese. Sige tito,tita pupunta muna kami sa likod. You can join us in there if you like. How about kayo mga girls?” nag-ilingan ang kanyang mga kapatid. Nakatutok ang mga mata sa soap-opera na matatapos na diumano next week.

“Pupuntahan pa namin si pareng Erapyok para sa transaction ng mga mangga.” ang tiyuhin na s’yang ka-parte nila sa pag-spray ng mangga ang tinutukoy ng ama. Nakatira ito isang block mula sa bahay nila.

” Make yourself comfortable at kung inaantok ka na magsabi ka kay Rania. Okay kayo muna bahala rito .” Wika ng kanyang ama. Nagsitanguan lang sila.

Talakayan

9 thoughts on “Kamandag ng Pag-ibig – 7

  1. HAHAHA…nice word,,,,

    Posted by alma | Setyembre 18, 2012, 12:37 umaga
  2. hahah! . .i really love diz story!! =)

    but bkit puru side lan ni rania ung dinidiscus? . .

    well itz oqei lan aman. .🙂

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 31, 2012, 2:45 hapon
  3. Maglalandian sila hahaha

    Posted by bhengay | Enero 28, 2012, 4:06 umaga
  4. chess set po – di cheese set…peace

    goodluck!

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 11:58 umaga
  5. it’s chess not cheese.. nwei.. nice story talaga.. keep it up! fighting!

    *wink

    Posted by dramatic_socialite | Disyembre 27, 2010, 7:13 umaga
  6. ahahahha.. galing nman.. ganda.. thanks mira.. kulit tlaga ng 2.. hehehhe

    next chapter na pls.. thanks mira.. mwahhh

    Posted by sjyo_0208 | Pebrero 10, 2010, 7:48 hapon
  7. waaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh… grabe! siguro may gusto itong si Adam kay Rania.. hmmmm!!!
    Next Chapter Please…

    Posted by Clay | Pebrero 10, 2010, 6:31 hapon
  8. ate nitz,naunahan kita kay fafa adam..hehe..tira2 na lang inyo.. thanks mira..ganda2 ng stories mo..godbless.. youre the one of the best author here on top..aja!aja!

    Posted by krizia | Pebrero 10, 2010, 5:29 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: