binabasa mo ang...
Kamandag ng Pag-ibig

Kamandag ng Pag-ibig – 6

Walang pagsidlan ng kanyang tuwa habang pinapanood ang mga kapatid at mga magulang na namimili. Ito ang naging inspirasyon n’ya para  magtrabaho sa labas ng bansa. Malaki talaga ang pasalamat n’ya sa Diyos sa lahat ng grasyang inaani. Mula sa mapagmahal na magulang, mga kapatid na kahit madalas mag-pikunan pero maganda naman ang takbo ng pag-aaral at mga tunay na kaibigan isa na si Sunshine doon.

Natupad na rin n’ya ang kanyang bihirang pangarap na makasali sa Ms. Gay kahit nagkaroon ito ngayon ng konting komplikasyon. What a life she had so far! Pero inamin n’yang may kulang pa. Gusto pa n’yang tulungan ang pinsan na hindi legal ang papeles na nakapasok sa Amerika kaya kabilang ito sa tinawag na ‘tnt’ o tago ng tago. Pera lang naman ang kailangan, pero isang malaking halaga. At kapag matulungan na n’ya itong maging legal sa US baka pwede na s’yang mag-asawa.Sa huling naisip mukha ni Adam ang biglang dumaan sa kanyang balintataw.

” Oh no. What’s happening to me?” bulong n’ya sa sarili at napabuntonghininga. Nang umalis sila kanina sa Dakak hindi na n’ya nakita sa Adam na lihim n’yang ikinalungkot sa hindi malamang rason. Kung may crush man s’ya sa lalaki hanggang doon na lang iyon dahil iyon na nga ang huli nilang pagkikita. Ibinaling n’ya ang tingin sa hanay ng mga pabango. Kumuha s’ya ng isa sa mga bote at inamoy ito.

“Your smell is far more mesmerizing than that?” Muntik na n’yang mabitawan ang pabango. Parang boses iyon ni Adam ah! Si Adam nga ba ang nasa likod n’ya? Pero kahit papaano’y kilala n’ya ang smell nito. Geez pwede namang gumamit ito ng ibang pabango this time. Dahan-dahan s’yang lumingon. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil hindi ito si Adam. She was hopeful though that it was him. However she succeded hiding that little disappointment on her face.

“Miguel! I didn’t expect to see you here.” Nasabi na lang n’ya and faked a smile. Ito ang isa sa mga makulit na suitors n’ya noon na engaged na pala. Panay ang palipad hangin sa kanya at hindi naman n’ya type. Maliit itong lalaki pero  may hitsura naman. Not to mention na maldita ang fiancée nito na taga-Dipolog din.

” Kanina pa kita nakita. I thought my eyes were playing me. I’ve heard nasa Canada ka.” Hanggang taynga ang ngiti nito. ” Nilapitan kita para masiguro na ikaw nga. Indeed still the gorgeous Rania. Hindi mo ako napansin dahil you’re absorb of something. Must be thinking of somebody.” Nanunudyo nitong wika at kumuha rin ng pabango at inamoy.

Inilapag n’ya ang pabangong muntik mabitawan sabay sabing, “Well, iniisip ko lang mga utang ko sa sari-sari store ng aming kapit-bahay.” Tumawa s’ya.

“Goodness Migwe! Nandito ka lang pala!” malakas na wika ng babae karga ang batang babae na sa tanto n’ya ay tatlong taon na, matalim itong tumingin kay Miguel. Kapwa sila muntik ng mapalukso. Ngumiti s’ya sa mga ito. Si Miguel naman ang natigilan this time at kumamot ito sa  ulo saka ibinalik ang perfume na inamoy nito sa stand.

“This is my wife Katya & our daughter Jika. ” parang napipilitang pakilala ni Miguel na binalewala ang matalim na tingin ng asawa.

“I’m Rania.” wika n’ya at kinamayan ang babae. Lalong naging matalim ang tingin ng babae kay Miguel. Oo nga pala minsang na-black-eye si Miguel nang suntukin ito ni Katya noon nang makita nito sa sent items ng cellphone ang text ni Miguel para sa kanya. Minsang naikwento ni Miguel iyon kaya mula noon takot na s’yang makipagkita rito at pilit na n’yang iniiwasan ito ngunit minsan bigla na lang itong  sumulpot kahit sa kanilang boardinghouse.

“Well your name rings a bell. Until now ba binobola ka pa ng asawa ko? Naku day sayang ka kung pabobola ka nito. He is small down there!” at ibinigay ang bata kay Miguel. Napailing na napayuko si Miguel.  Nagkatinginan  ang mga salesgirls at ang ibang customers ay naghagikgikan sa narinig. Walang nagawa si Miguel kundi ang magpaalam sa kanya. Lumapit ang kanyang ina na kanina pa pala nakikinig.

” Sino iyon?” tanong nito habang sinundan ng tingin sina Miguel. Nginitian n’ya ang mga salesgirls bago sumagot.

” Ay, he was one of my admirers noon na hindi ko type. Nag-asawa ng taga-rito ayon nagselos ang wife nang makitang kausap ako so—”

“Her wife announced that he is small down there!” salo ng ina n’ya na ikinahagikgik ng mga nakikinig na salesgirls at cashiers.

” Ma! ” Nakitawa na rin s’ya.

“Lagi talagang lumikha ng scene ang pamilyang iyon dito. Masyadong selosa ang wife n’ya at walang preno ang bibig gayung teller naman daw ng banko ang babae at may pinag-aralan. Palaaway talaga.” Hindi nakatiis na sabat ng cashier.

“Akala talaga n’ya papatulan mo ang husband n’ya. Hindi na nahiya. Parang ang gwapo ng asawa bansot naman.” Saad din ng isang salelady.

Paparating ang kanyang mga kapatid bitbit ang mga nagustuhan ng mga ito. “Ate, ito na ang napili namin.” Si Khara hawak ang mga damit at sapatos.

Nilingon n’ya ang ina. “Saan ang napili n’yo ma?” tanong n’ya sa ina at may pagdududa na hindi ito pumili at hingin na lang ang ‘share’ para ibili diumano ng ulam. Umiling si Rania and jokingly rolled her eyeballs. “Don’t worry sagot ko ang isang buwang grocery ninyo kaya get your choice na. Haay ang mama ko masyado talagang matipid.” Aniya at kinindatan ang cashier. Tumalima naman ito at kinuha ang nagustuhang sandals.

“Miss, marami itong bibilhin ng anak ko siguro naman may discount.” Naroon na naman ito sa kanyang ‘tawaran portion’. Isa ito sa katangian ng ina na kanyang hinangaan. Kahit pa may-ari ng Robinson kausapin nito maka-discount lang. Ngumiti naman ang cashier at may tinawagan. Malamang ang head nito. Paparating nga ang babaeng nahulaan n’yang hindi lang head kundi isa ito sa anak ng may-ari. Ngumiti ito sa kanila at isa-isang tiningnan ang mga items.

“I-total mo lahat iyan Beth.” Utos nito sa cashier. Agad namang tumalima ng cashier. ” 7,950.25 po ma’am.”

“Okay drop the 50.25.” wika nito saka pinirmahan ang resibo.

“Thank you ma’am.” Sabi ng kanyang ina. Ngumiti ito at bumalik na sa kanyang opisina. Napailing na napangiti s’ya sa ina at nagkatinginan sila ng kanyang ama at mga kapatid. Kahit pa ‘ata sa Mall of Asia susubukan pa rin ng ina na humingi ng discount.

” Wise ang mga negosyanteng iyan. Malaki ang patong ng mga iyon sa tinda nila. Iyong discount natin, it’s not even one-fourth of their profit per item.” Saad ng kanilang ina nang nasa loob na sila ng kanilang van.

” What’s next?” tanong n’ya sa mga ito. Sabay na nagreklamo si Gracy at Khara na nagugutom sila sabagay breakfast lang ang kinain nila at mag-aalas-dos na ng hapon. Umirap ang kanyang ina.

” Pag itong mga ito kasama mo butas talaga bulsa mo.” Hirit na naman ng kanyang ina. Sabay na pabirong nag-ungulan ang apat.

” Sige sa Greenwich na lang tayo.” Sabi n’ya at sabay na nag yes ang tatlo n’yang kapatid. Binigyan n’ya ng isanglibo ang ina at sinabing sila na ang mag-order. Pupunta lang s’ya sa restroom. Nag-excuse s’ya sa crew ng Greenwich na nagpupunas ng sahig malapit sa restroom. Nakangiti naman itong pinagbuksan pa s’ya ng pinto. Nagsuklay at naghugas s’ya ng kamay bago lumabas.

Nagsimula ng kumain ang mga ito ng kanyang balikan. Ibinalik ng kanyang ina ang kanyang sukli at inilagay n’ya ito sa wallet. ” Si mama te ayaw palagyan ng toppings ang ice cream ko kasi daw dagdag gasto at nakasira ng ngipin.” reklamo ni Gracy kahit puno ang bibig. Napangiti na naman s’ya sa ina.

“Gracy where’s  your table manners?” sita ng ina. ” Eh ano iyang toppings na kulay-kulay na iyan malay mo may ihi iyon ng butiki. Mahal pa.” Pagpatuloy ng ina.

“Well may point si mama. Saka putting those toppings is just spoiling the flavor of your ice cream.”

Kumain na rin s’ya nang mapansin n’yang naglingunan ang mangilan-ngilang tao sa pintong kabubukas lang ng guwardiya. Si Adam kasama ang Ms. Mindanao na mas kilalang Claudia. Napakalaki ng ngisi nito at siguradong proud na proud ito sa kasama. Maganda naman talaga ito.

Quite honest Claudia was a whole lot prettier than Bumby. Kilala rin at maykaya ang pamilyang pinagmulan. Though she hated to admit, but they look perfect for each other. Balewala sa mga ito na pinagtitinginan sila ng mga tao. Maya-maya pa ay may tinawagan si Claudia sa cellphone habang umorder si Adam. White t-shirt na may print na Dakak at pantalon na Levis ang suot ni Adam.

Umupo ito sa mesang pang-apatan  sa may sulok. Nagpalinga-linga si Adam at nginitian ang mga taong napatingin rito. Nagyuko ng ulo si Rania. Parang tinusok ng karayom ang kanyang puso. He was so handsome and Claudia’s beauty was a perfect match.

“Iyan iyong nasa Dakak ah.” Si Gracy at patudyong tiningnan si Khara na abala sa pagkain ng ice cream nito. Lihim na lumingon ang mga ito at dagli ring ibinalik ang atensyon sa pagkain.

“Yup si Adam something yata.” Matabang n’yang sagot. At ipinagpatuloy ang pangnguya ng pizza at nag-isip ng mapagkwentuhan. Pero palihim ding sinulyapan si Adam at napansin n’yang may mga kasama na ang mga ito.
“Pa, kailan uli ang harvest ng mga mangga?” tanong n’ya sa ama. May dalawang malalaking puno kasi itong pina-sprayhan sa lupa ng kanyang lola.

” Next Sunday. Pwede ka pang magdala. Balutin lang nating mabuti.” Sagot naman nito.

“Hindi ko aayawan iyan. Bihira talaga sa Canada ang klase ng ating mangga. Karamihan ay iyong tinawag nating apple mango na galing Mexico at Costa Rica. Ipinagmamayabang ko talaga ang mangga dito sa atin.” Tinapos n’ya ang pagkain at naisipang magpunta sa beauty parlor na nasa kabilang block lang upang dalawin ang dating kaibigang bading na doon nagtrabaho.

“Pupunta lang ako sa Doles. Kumustahin ko lang si Edwarda.” Tumango naman ang mga ito. Hindi s’ya tumingin sa mesa nila ni Adam balewala s’yang lumabas at nagtungo nga sa Doles. Makikita pa n’ya ang loob ng Greenwich dahil salamin naman ito. Hindi naman kalakihan ang syudad ng Dipolog kaya hindi nakapagtatakang napadpad doon si Adam lalo na at taga-Dipolog si Claudia.

Nagtanong s’ya sa loob ng Doles kung nasaan si Edwarda. Hindi na pala ito nagtatrabaho doon. Lumabas uli s’ya at tiningnan ang pamilya na hindi pa natapos sa pagkain. Naisipan na lang n’yang pumasok sa Roy Plaza isang maliit na department store na ilang metro lang ang layo sa Doles. Tumingin tingin s’ya sa mga tagalog pocketbooks at tagalog CD’s.

Madalas s’yang pagtatawanan noon dahil ang mga awitin nila Imelda Papin, Jose Mari Chan at iba pang OPM singer ang paborito n’ya hanggang ngayon. Badoy nga raw s’ya sabi ng mga pinsan at kaibigan. Pero kahit ngayon mas gusto pa rin n’ya ang mga ito. Hindi lang dahil mahal n’ya ang sariling atin pero para sa kanya ang mga awiting iyon ay may sense kahit nga luma na. Nagbabasa at nakikinig naman s’ya ng mga books at music na English. Pero for her iba pa rin ang boses ng singer na kababayan.

Pumili s’ya ng cd at pocketbook. Nang makapili binayaran n’ya sa counter. Nginitian s’ya ng nasa kahera. Maputi ang babae at pamilyar ang mukha. Binasa n’ya ang nameplate nito. “Celya kumusta?!” natutuwa n’yang sambit. Tumango at ngumiti ang dati n’yang kaklase sa highschool.

“Okay lang. Lalo ka talagang gumanda. Naging balita ang pagdating mo. Sana magkaroon tayo ng reunion.” Sabi nito sabay scan ng kanyang mga bibilhin.

“Oo planuhin natin iyan. Miss ko na talaga kayon lahat. Saan kaba nakatira ngayon?”

“Sa atin pa rin. Umuwi ako tuwing alas singko ng hapon.”

” Kung ganoon babalikan kita mamaya rito. Kasama ko sila papa. Sumabay ka na sa amin.” Imbita n’ya rito.

” Nakakahiya naman kina ma’am.” Ma’am ang tawag nito sa kanyang ina dahil naging guro nila ito noong first year high school.

“Geez wala iyon. Basta I’ll go back later susunduin kita. Sige mamaya na lang tayo mag-usap ha kasi mukhang busy. See you later.” Lumakad na s’ya palabas matapos kunin ang resibo. Credit card kasi ginamit n’ya.

” Miss ang binili mo!”  Awtomatiko n’yang natampal ang noo. Bumalik s’ya at laking gulat n’ya ng si Adam pala ang tumawag sa kanya at ibinigay nito ang supot ng kanyang mga binili. Kahit doon nakakuha pa rin ito ng atensyon. Marami namang gwapo sa Dipolog pero dahil nga sa bagong mukha si Adam at mala-foreigner ito kaya people just can’t helped themselves to stare.

“Thanks.” Sabi n’ya na hindi tumingin at marahang hinablot ang supot. Sumabay si Adam sa paglabas n’ya.

Bigla itong nagsalita ng malapit na sila sa exit. “Stop the withdrawal. Nakakawala daw iyon ng memory.” Mahina nitong wika na ikinalingon n’ya.

” What?!” sabi n’ya kahit nakuha n’ya ang ibig sabihin nito. Lagi nilang joke iyon sa college days. Kasi may mga kaibigan s’yang may mga asawa na at madalas nilang pag-usapan ang sex. Maraming myths ang mga ito at isa na nga ang ‘withdrawal’ na nakakasira raw ng memory. Naningkit ang kanyang mga mata sa inis. Tumigil s’ya malapit sa estante ng mga payong at hinablot nito ang bisig ni Adam at patago n’yang dinala ito sa sulok ng estante. Iniisip marahil ni Adam that she was an ‘experienced’ bitch. Nawalan na ito ng respeto sa kanya. At kung sabihin n’yang she was a virgin never itong maniniwala. Sumali s’ya ng Ms. Gay at nagtrabaho sa Canada where sex was just an ordinary thing.

” You are stalking me aren’t you?!”

” Why should I?” Darn! He was smiling sweetly.Gusto n’yang mahawa.

” Why should you?” naningkit na ang kanyang mga mata sa inis na sinabayan naman ng excitement deep inside.

” Emma errrr Rania, babaeng bading, I already booked my vacation sa Dakak before I judged that pageant. May gagawin akong tour dito sa Zamboanga del Norte if you won’t mind.” Nakangisi ito. Sinulyapan ni Rania ang relo nito. Hindi n’ya mabasa ang brand pero malaki talaga ito kaysa karaniwang relo. “Iyang relo mo pangit.” Nasabi na lang n’ya out of the blue. Goodness ano ba ang pumasok sa utak n’ya? Gaya na lang ng little Spanish talk n’ya.

Amusement overcasted Adam’s face. “My word, pati relo ko napagdiskitahan mo.” Tumingin ito sa bisig n’ya. Hinawakan ito at tiningnan ang kanyang relos. She was hypnotized. Bakit nanginginig ang kanyang katawan? Why she had this somatic sensation just because he held her? How much more if he’ll caressed her?

Natigilan sandali si Adam. He never thought na ganoon pala ka-smooth ang balat ng dalaga. Sa mga nalaman n’ya, hindi mahilig si Rania magpa-spa at tanging baby lotion ang gamit nito.Hindi rin ito lumaking prinsesa. Claudia and Bumby grew-up with nannies and all the expensive lotions and went to spa regularly pero hindi ganoon kakinis damhin ang balat ng mga ito. Rania’s skin was supple and silky. How much more the rest of her body?

“Kaya pala! Hindi umaandar ang relo mo.” Parang tuwang-tuwa si Adam sa natuklasan. Hinablot ni Rania ang bisig at tiningnan ang kanyang relo. Niyugyug iyon at sinuling-suling. Tama ito hindi na nga umandar ang kanyang relo at may pawis ang salamin. Lihim s’yang napahiya. Siguro battery ang kailangang palitan.

“Battery lang ang problema nito.” At nagmartsa s’ya patungo sa estante ng mga relo. Sumunod naman si Adam. Hinubad n’ya  sa salesclerk na naroon.

” Paki-change po ng battery. ” Sumunod naman agad ang lalaking clerk. Binuksan ito at tiningnan anong klaseng battery ang nasa loob ng kanyang relo. Nakangiti lang si Adam habang patingin-tingin ito sa mga relong naka-display.

” Hoy ikaw tsupe na baka hinanap ka na ng mga kasamahan mo.” Sabi n’ya kay Adam. Pinatulis lang nito ang nguso.

Nagsalita ang clerk. ” Ma’am sira na po ang relo n’yo. Hindi po umubra kahit bago ang battery. Heto po.” At ipinakita ito sa kanya.

” Naku expert ka ba n’yan ipaayos ko na lang sa labas. Ano ba ang nasira n’yan?”

“Ma’am dati po akong watch repairman. Itong relo n’yo malamang nabasa ito. Di kaya nalaglag.”

” Pero w-water-resistant iyan.” Giit n’ya. Hindi naman kasi branded ang relo n’ya. Nabili lang n’ya sa flea market iyon ng minsang nagpunta s’ya sa Ontario. Pero maganda kasi ang kulay at style nito at bumagay sa kanyang bisig. White strap iyon at gold ang ulo.

” Can I see this?” si Adam at itunuro ang Timex na pambabaeng relo na kahawig ang disenyo ng relo n’ya bagama’t square ang salamin nito. Kinuha ng salesclerk at ibinigay kay Adam. Sandaling tiningnan at kumuha ng pera sa wallet nito at ibinigay sa salesclerk.

” Pakibigay ang relo at sukli sa friend ko.” Turo sa kanya at mabilis naman na tumalima ang pinagsabihan.

” Wa— no ako ng magbayad.” Tatawagin sana n’ya ang salesclerk na papunta sa cashier pero gusto n’yang habulin si Adam. Nalito s’ya sinong unahin so she ended up staying. Mabilis nang nakalabas ng department store si Adam. Pinadali n’ya ang salesclerk para maabutan pa n’ya si Adam at maibalik ang pera nito. Pero may tatlo pang nakapila sa counter. Tumingin s’ya sa counter ni Celya may lima ring nakapila. Dadalawa lang ang counter doon kasi nga maliit lang na tindahan. Kaya wala s’yang nagawa kundi maghintay.

” Sorry natagalan ako. Wala si Edwarda sa Doles at pumasok na lang ako sa Roy Plaza kasi ang aking relo hindi na pala umandar. Ibibili ko sana ng battery kaso sira na daw.” Nagpalinga-linga s’ya bakasakaling makita si Adam. Pero wala na ang mga ito sa mesang inuokopa kanina.

” Bumili na rin ako ng cd at pocketbook.” Ipinakita n’ya sa mga ito ang relo.

” Hmmm ano ba ang brand ng relo mo?” si Charmel.

Bumungisngis s’ya bago sumagot.” Brandless. Nabili ko sa flea market sa Ontario.” Natahimik ang kanyang pamilya. Namuo ang luha sa mga mata ng kanyang ina. Naalarma s’ya bigla.

” Ma, What’s wrong?”

Pinahiran muna nito ang mga mata bago sumagot. “Anak you don’t need to sacrifice this much. You sent us signature watches and stuffs pero tinipid mo ang sarili mo. Naaawa ako sa iyo.” Parang hinaplos ng anghel ang kanyang puso. She blinked away her tears that threatened to fall. Naintindihan talaga ng kanyang ina ang kanyang sitwasyon. Alam nito na tinipid n’ya ang sarili para may sapat na maipadala sa mga ito. Sana kung lahat ng pamilya ng mga OFW may isip at puso na tulad ng kanyang ina mas magaan ang puso ng mga OFW’s habang nagpa-alila sa ibang bayan.

” Ma, it’s just because I don’t see a necessity for me to wear nice watches sa Canada. Kahit saang sulok doon may relo. Sa bahay pa lang ng amo ko kahit sa restroom may relo. Saka may cellphone/pda ako na s’yang lagi kong ginamit kaysa wristwatch. Saka ang boss kong babae laging nagpalit ng relos. Mas nakakaraos pa rin ako . ” Mahaba n’yang paliwanag. Gusto pa n’yang sabihin na si Adam ang nagbayad ng bago n’yang relo pero naisip n’ya hindi iyon mahalaga sa ngayon.

Napatingin s’ya sa supot na pinagsidlan ng bagong relo na si Adam ang nagbayad. Hindi n’ya maiintindihan kung bakit ginawa nito iyon? Impossibleng crush s’ya nito. Siguro marami itong pera o kaya ay hobby na nito ang mamigay. Masuwerte naman si Bumby at Claudia. Galante marahil ito sa mga nobya. Kinuha n’ya ang relo mula sa kahon. Tinanggal ang tag at isinuot. Well, para matahimik s’ya inisip na lamang n’ya na kung makita n’ya itong muli ay ibabalik n’ya ang pera nito at kung hindi tanggapin mas mabuti.

Talakayan

19 thoughts on “Kamandag ng Pag-ibig – 6

  1. kaw na dakilang ate

    Posted by may2 | Nobyembre 14, 2013, 10:37 umaga
  2. napakabait naman ni rania. . .

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 3:10 hapon
  3. habang tumatagal lalung ngi2ng exiting!!hahah! =D

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 31, 2012, 1:20 hapon
  4. Mahirap talagang maging ofw malayo sa family

    Posted by bhengay | Enero 28, 2012, 3:43 umaga
  5. sobrang understanding talaga ng mama ni Rania…iloveyou,mama….

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 11:23 umaga
  6. paganda ng paganda…🙂

    Posted by Riza Responde | Enero 8, 2012, 4:48 hapon
  7. ahahaha tama!! qng hindi tanggapin ni adam.. deh mas mabuti talaga xD😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 21, 2010, 1:10 hapon
  8. ganda!!!!!! superb!!!!

    Posted by micole | Oktubre 5, 2010, 6:27 hapon
  9. yes nababasa n nmin..
    ang ganda tlgah ng story…

    i love it….super!.

    Posted by seysey11 | Pebrero 8, 2010, 7:51 hapon
  10. more chapter please…

    Posted by irbee | Pebrero 8, 2010, 6:23 hapon
  11. hay salamat, chap 6 n sya hehe.
    nbsa ko n po.
    next chap plssss.. jejeje

    Posted by xerine | Pebrero 8, 2010, 4:44 hapon
  12. na double paste po uli.. hehehhe..

    thanks mira..at last nabasa ko rin.. hehehhe.. knina kc umaga dko maopen open eh..

    wow, ganon ba un.. nkkawala ng memory un? hehehhe..

    thanks mira.. next chapter na pls.. hehehhe..

    Posted by sjyo_0208 | Pebrero 8, 2010, 3:27 hapon
  13. aayyyyeeeiii..sweet2 tlg ng fafa adam ko..kilig2 nman ako tlg..ate nitz naunahan na kita ky fafa adam ko…tira2 na lng sa inyo..thank you,mira..ganda2 ng story mo..keep it up,girl..godbless and takecare

    Posted by krizia | Pebrero 8, 2010, 3:17 hapon
  14. aayyyyeeeiii..sweet2 tlg ng fafa adam ko..kilig2 nman ako tlg..ate nitz naunahan na kita ky fafa adam ko…tira2 na lng sa inyo..thank you,mira..ganda2 ng story mo..keep it up,girl..godbless!

    Posted by krizia | Pebrero 8, 2010, 3:16 hapon
  15. na doble po ata ang story..hehe…..

    Posted by senti | Pebrero 8, 2010, 3:09 hapon
  16. Thanks Miraluna.. ganda tataga.. but doble ulit ang paste niya…

    Godbless

    Posted by Clay | Pebrero 8, 2010, 3:05 hapon
  17. Hopefully you guys can read it now. Thank you sa pagsubaybay…🙂

    Posted by miraluna | Pebrero 8, 2010, 12:09 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: