binabasa mo ang...
My Only You

My Only You – Chapter 6

Years ago….

“Bro! Ano ‘tong nabalitaan ko na bumalik na sa dati ang walang kabuhay-buhay mong buhay ha?” tudyo sa kanya ng kapatid sa kabilang linya. “Who’s the girl?” dagdag na tanong nito. Alam niyang natatawa na si Kean sa kanya.

Kean is the only brother he had. Hindi lang simpleng kapatid kundi kakambal pa niya ito. They are identical twins even their parents can’t identify which is which. Kaya naman palagi silang nagkakasundo kapag kapilyahan na ang pag-uusapan.

“Stop the crap Kean! What’s up at napatawag ka?” pag-iiba niya, alam niyang hindi siya tatan-tanan nito. Tumawa ito ng husto bago nagpatuloy.

“It’s nice to know na ok ka na Dean after living like hell when your ex-girlfriend dumped you!” Hindi nito sinagot ang tanong niya. Marami yatang alam ‘tong mokong na ‘to, pero hindi na siya nagtaka dahil nand’yan si Sam. Napabuntong-hininga na lang siya bago nagsalita.

“Ano pang sinabi sa’yo ng magaling nating bunso?” wala na siyang magawa kundi pag-usapan ang buhay niya.

“Well she said na natutorpe ka sa isang babae. And this woman made you whole again” tugon nito.

“Yeah right!”

“And this woman is mad at you because of your ex. What’s wrong with you bro?” anito na nakikinita niyang nakakunot-noo ito.

“Damn! I’m just protecting her from Dennise” napataas ang tono ng boses niya.

“Ok ok! I think this woman is interesting” sabi nito na nagpatahimik sa kanya.

“Well, I just called to inform you all na bibisita ako d’yan sa Pinas. And I’m going to stay in your condo” untag nito. “I have to go bro! Bye.”

THERE’S no place like home’ bulong niya sa sarili ng makalapag na ang eroplanong sinakyan niya. Limang taon din siyang hindi nakauwi sa Pilipinas kaya kahit tatlong araw lang ang bakasyon niya ay umuwi talaga siya sa Pinas.

“Kean!” isang pamilyar na tinig ang tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya ang kakambal at lumapit siya dito.Tinapik nito ang balikat niya bilang pagbati.

“Kumusta byahe, ‘tol?” tanong nito.

“Whew! Kakapagod nga pero ok lang basta nakauwi ako” nakangiti niyang tugon.

“Mabuti pa punta na tayo sa condo ko. Naghihintay na sila Mommy at Sam do’n” anito.

“May pagbabago rin pala dito sa Pinas pero hindi pa rin nagbabago ang sobrang traffic dito” naibulalas lang niya nang mapansin ang usad-pagong na takbo ng mga sasakyan.

“Sanayan lang ‘yan” natatawang sabi ni Dean.

Makalipas ang isang oras ay sa wakas nakarating na rin sila sa condo unit ng kapatid. Gaya ng inaasahan ay masayang sinalubong siya ng kanyang mama at bunsong kapatid.

“Kuya Kean!” bungad sa kanya na akmang yayakapin siya pero nag-alinlangan ito. “Oh wait, sino si kuya Kean sa inyong dalawa?” nalilito nitong tanong

“Guess who?” natatawang tanong ni Dean na halatang niloloko ang kapatid.

“Andaya talaga!” napasimangot si Sam pero biglang ngumiti. “Ah wait, kaw si kuya Dean dahil natatandaan ko yang tshirt mo, am I right?” Tumawa ito habang nagtatalon na parang bata at niyakap siya.

Maya-maya lang ay dumating ang daddy nila kaya masaya nilang pinagsaluhan ang inihandang pagkain ng mommy nila. Masaya siya dahil ngayon lang uli sila nakumpleto simula noong pumunta siya sa States para mag-aral.

TAMANG-tama ang pag-uwi mo Kean at matutulungan mo ako sa negosyo na ‘tin” untag niya sa kakambal nang nasa balkonahe sila habang umiinom ng beer.

“Whoa!” anito. “Negosyo na naman? ‘Kaw nalang muna ang bahala d’yan Dean at saka nand’an naman si Cathy. Ayoko munang mag-isip tungkol sa negosyo. Alam mo namang umuwi ako rito para makapagrelax” tanggi nito.

“Nah, Cathy is not in town. Nagbakasyaon ata kasama ang barkada” aniya. “Ok, pagbibigyan kita ngayon” suko niya. Napabuntong-hininga nalang siya dahil wala siyang magawa kundi ang lumiban sa mga klase niya. May konting problema lang sa negosyo na dapat niyang resolbahin.

“AY! Ano ba?” gulat na sambit ng isang babae.

“Hey, watch out!” Nagulat din siya kaya medyo napalakas ang timbre ng boses niya. Pero alam niyang siya ang may kasalanan. Nagmamadali siyang lumakad habang palingon-lingon dahil hinahabol siya ni Dennise.

Napatitig siya sa dalaga nang humarap ito sa kanya. Hindi lang pala basta babae ang nakabangga niya kundi isang magandang babae. Para itong isang anghel sa angking ganda nito kahit simple lang ito. Ang mga mata nito na may malalantik na pilik-mata, ang matangos nitong ilong at ang mapupulang labi nito ay saktong-sakto sa hugis ng mukha nito.

“Kuya Dean?” anito ng makita siya. Dean? Kunot-noo niya itong tinitigan dahil napagkamalan siya nitong si Dean. Pero napangiti nalang siya.

“Oh! I’m sorry miss. Nagmamadali kasi ako.” aniya at dali-dali na siyang umalis.

Napag-alaman niya na ang magandang dalaga na nakabangga niya at ang babaeng nagugustuhan ni Dean ay iisa. Ipinakita kasi ni Sam ang litrato ng kaibigan nitong si Danielle. Ikinuwento ni Sam kung bakit naging magkaibigan ang mga ito at kung bakit nakilala ito ni Dean.

“Bukas na ba talaga ang flight mo kuya Kean?” untag sa kanya ni Sam.

“I have no choice” natatawang sagot niya. “Why?” tanong niya.

“Debut kasi ni Dan bukas. Sayang naman hindi ka namin mapapakilala” paliwanag nito.

“Talaga?” nasabi lang niya. “Can I have her cellphone number?” Huli na para bawiin ang tanong niya.

“Huh?” tila nagulat si Sam.

“I just want to greet her” depensa niya

“Ahh ok. ‘Eto oh” anito sabay lahad ng cp nito sa kanya.

Hindi siya makatulog ng gabing iyon dahil sa kaiisip sa kay Dan. Ewan ba niya pero may impak sa kanya ang dalaga. Stop it Kean! sita niya sa sarili. Ipinilig niya ang ulo para matigil ang kabaliwan niya. Hindi niya dapat maramdaman ‘yon.

ALAS sais ng hapon ay nasa airport na siya. Ang mommy lang niya ang naghatid sa airport dahil alam niyang busy sila Dean at Sam sa pag-aasikaso ng surprise birthday party para kay Dan. Dan! sambit niya sa isipan. Agad niyang kinuha ang cellphone at nagtext.

HAPPY BIRTHDAY DANIELLE. Nagdalawang-isip pa siya kung isi-send niya ito. Pero kusang gumalaw ang daliri niya kaya naisend ito.

Message Sent ang nakalagay sa screen. Maya-maya lang ay tumunog ang kanyang Iphone at pagkakita kung sino ang nagtext ay agad niyang binasa iyon.

THNX…MAY I KNW U?🙂 napangiti siya sa reply nito. Do I have to tell my name at magpakilala bilang kapatid nila Sam at Dean?

Kaya ito nalang ang nereply niya. 8S NOT MPORTNT, JST ENJOY UR DAY…:)

WHAT? I DNT KNW U & U KNW ME, DO U THINK 8S FAIR?.. reply nito. Hindi na siya nakareply uli dahil in-announce na ang flight niya. Kailangan na niyang pumasok sa eroplano.

LINGID sa kaalaman ni Dan ang pagkakaroon ng kakambal ni Dean na si Kean. Ang alam lang niya ay may kapatid ito sa Amerika. Hindi pala niya alam ay nakaharap na niya ito.

Ano ang magiging papel ni Kean sa buhay ni Danielle? At ano naman ang magiging papel ni Kean sa pag-iibigan nila Dean at Danielle? Possible bang magkagustuhan din sila Kean at Dan pero paano?…….

Abangan sa mga susunod na kabanata ng kwentong pag-ibig ng MY ONLY YOU.

About blythe sapphire

a graduate of Bachelor in Science of Electronics and Communication Engineering but! a frustrated writer ;)

Talakayan

23 thoughts on “My Only You – Chapter 6

  1. nice

    Posted by may2 | Nobyembre 14, 2013, 10:35 umaga
  2. Wow huh

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 8:54 hapon
  3. weeeew!! Itz so interesting huh. . .hehehe ;p

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 30, 2012, 7:14 umaga
  4. akin nalng si kean😀

    Posted by Thea Jane | Enero 12, 2012, 7:42 hapon
  5. Exciting,…

    Posted by yuuna | Disyembre 8, 2011, 9:55 hapon
  6. MERON BANG TWIST SA SUSUNOD NA CHAPTER?

    Posted by febe | Nobyembre 20, 2011, 2:39 umaga
  7. ahahaha wow!!! interesting😛

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 23, 2010, 9:13 umaga
  8. kainis naman eepal pa kc c kean! team dan and dean aq!

    Posted by astigurl | Nobyembre 13, 2010, 9:10 hapon
  9. wow… what will happen to this story… whew

    Posted by mareinnelady | Marso 12, 2010, 10:42 umaga
  10. nka harang yung box na kulay black😦 hndi ko tuloy mabasa yung last part

    Posted by borden | Pebrero 22, 2010, 3:36 hapon
  11. Mejo naliwanagan ako kung sino ang nagtext kay Dan ..akala ko pa nung una one of Dean’s joke lang yung pagtawag ng miss kay Dan yun pala si kean yun… exciting.. mukhang may mabubuong love triangle.. mabasa na nga next chap.. hehe

    Posted by Mharliz | Pebrero 15, 2010, 1:05 umaga
  12. maganda poh story kaya lng poh confusing eh.., and i think unfair nman if magkahiwalay c dean and c dan tas mapunta nman c dan kay kean.. kac di poh bah dan and dean both love each other bsides according to the story matagal na cla mag-on tas all of a sudden ders kean interrupting hehe.. sana c DEAN and DAN pa rin together in the end..

    Posted by maoleifranz | Pebrero 13, 2010, 8:04 hapon
  13. gusto ko si kean and dan :))

    Posted by sweetypink | Pebrero 10, 2010, 2:40 hapon
  14. thanks for the comment😉

    Posted by kavenjane | Pebrero 7, 2010, 1:41 umaga
  15. shucks… kakabitin naman.. pero in fairness ganda ng mga names ng mga papables! Dean at Kean.😉

    Posted by eunsleepwalker | Pebrero 6, 2010, 11:00 hapon
  16. parang napakakomplekado naman ng next chapter… sana naman maganda parin ang next chapter.

    Posted by babes78 | Pebrero 6, 2010, 1:50 hapon
  17. whoaaa!tlaga naman c ate nitz..tlgng seryoso c ate nitz ah..paunahan plng tlga.. Yan ba,kaven ang patikim
    mong cnsbi sa akin?haha!i like it,kaven..my twin din pla c dean..akin na c kean ah!haha..kc im sure mas
    guwapo c kean kesa ky dean,hehe..inyo na c dean akin na c kean.. wla ng mkakaagaw sa akin ky kean.
    babalatan ko kyo ng buhay pag inaagaw nyo glo at senti sa akin c kean..

    Posted by kriziann | Pebrero 6, 2010, 1:09 hapon
  18. What……….ano ba yan.. grabe na talga…hahahaha
    Nice story kaveven.. i love it.
    I did not know it na my ganito palang twist.. hahaha.
    Keep it up kaven.
    Next Chapter Please…

    Posted by Clay | Pebrero 6, 2010, 1:06 hapon
  19. whoaaa!tlaga naman c ate nitz..tlgng seryoso c ate nitz ah..paunahan plng tlga.. Yan ba,kaven ang patikim

    mong cnsbi sa akin?haha!i like it,kaven..my twin din pla c dean..akin na c kean ah!haha..kc im sure mas

    guwapo c kean kesa ky dean,hehe..inyo na c dean akin na c kean.. wla ng mkakaagaw sa akin ky kean..

    babalatan ko kyo ng buhay pag inaagaw nyo glo at senti sa akin c kean.. lagot kyo syo tlg..

    Kaven,bitin naman itong chapter 6..nxt chap na oh..post mo na bukas..hehe..atat lang..kakabitin kc eh..c

    kean pala ung nagtxt na un ky danielle. buong akala ko pa nman c dean.. mukhang nakikini-kinita ko na ang

    mngyayare sa mga nxt chapters ha! exciting tlg suuuuppppeeeerrrr… goooo,kaven..gogogogogo!hehe

    thank you sa beautiful story mo..see you in chapter 7..haha.. sana maunahan ko na si ate nitz pra

    makatikim xa ng tira2..hehe..

    GODBLESS,KAVEN! TAKECARE…

    Posted by kriziann | Pebrero 6, 2010, 12:53 hapon
  20. wow! exciting ah.. kaso kinakabahan ako.. hehehhe.. my kakambal pala c fafa Dean.. un pla ung ngtext sa knya.. kla ko tuloy c Dean un ngtext kc nga db dpa cla ok non..

    weehh.. una me snyo.. hehhhehehe.. kriz, senti, glo.. ky Kean nlng kyo ha.. basta wg lng c fafa Dean.. mukhang my kakaiba din impact c Kean eh.. hehehhe

    Thanks kaven.. ganda ganda.. promise.. kinakabahan ako sa next chpater.. hehehhe..

    take care..mwahh.. God Bless..

    Posted by sjyo_0208 | Pebrero 6, 2010, 9:49 umaga

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: My Only You – Chapter 6 | Tagalog Online Pocketbook - Abril 10, 2014

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: