binabasa mo ang...
Kamandag ng Pag-ibig

Kamandag ng Pag-ibig – 5

        Maaga s’yang nagising kinabukasan kahit hindi s’ya masyadong nakatulog. Panay ang pag-iisip n’ya sa muling pagkikita nila ni Adam. Lihim n’yang ipinagdasal na sana umuwi na ito at ang sinuman na kasama nito. Confident s’ya na magaling ang pagkaka-make-up ni Sunshine sa kanya that night. Pero bakit sobra namang coincidence na nandito ito sa Dakak? Kailan lang ba ito rito? Ito ba ang lalaki na itinuro kahapon ni Gracy na crush ni Khara? Tama! Ang suot nitong short na navy blue ay pareho nga ng short na suot nito habang nag-jogging.

          Kinaumagahan, tahimik s’yang lumabas ng kanilang cottage dala ang sarong na ginawa n’yang jacket dahil may kalamigan pa sa labas. Unti-unti ng sumisilang ang araw. Oh how she missed a beautiful sunrise! Naglakad-lakad uli s’ya sa dalampasigan at alerto sa mga taong nakikita baka isa roon si Adam. Ngunit hindi naman n’ya ito nakita sa beinte minutos n’yang paglakad-lakad sa dalampasigan. Umupo s’ya sa isa mga bakanteng mesa habang hinintay ang paglabas ng mga kapatid at mga magulang. Mula sa kanyang kinaroroonan makikita n’ya ang kanilang cottage. Dala naman n’ya ang cellphone ni Charmel kaya pwede n’yang itext ang mga ito. Naisipan n’yang tawagan si Sunshine para sabihing narito si Adam. Pero cannot be reached ang cellphone ng kaibigang bading.

          Hindi nagtagal nakita n’yang kinatok ng kanyang ina ang pinto ng karatig cottage. Bumukas naman ito at iniluwa ang tatlo n’yang kapatid. Marahil itinanong kung nasaan s’ya. Nakita s’ya ni Gracy kaya kumaway s’ya at isinenyas na hintayin n’ya ang mga ito doon para kakain sila ng agahan.

          Tinawag n’ya ang waiter at ni-request ang menu. Ensaktong pagbalik ng waiter dumating na ang mga magulang at mga kapatid n’ya.

          “Kay aga mong nagising ate ah.” Si Khara na panay ang suklay ng buhok nito.

          “Ang lakas kasi ng hilik mo.” Sagot n’yang nakangiti.

          ” Ay ate Rania sinabi mo pa. Parang kalabaw ang hilik ni Ate Khara.” Wika ni Gracy na naupo sa tabi ng ama para kung balak s’yang sakmalin ni Khara hindi agad s’ya maabot nito at mapigilan ng kanyang ama.

          “Ikaw parang kambing. Mheheeeee!” wika ni Khara na pinandilatan ang kapatid. Lihim s’yang natawa sa mga ito.

          ” Tama na iyan. Kay-aga nag-aaway na kayo. Grounded kayo for 1 year.”  may himig banta na wika ng ama. Nagtawanan lang ang mga pinagbantaan. Madalas kasi na hindi sineryoso ng kanilang ama ang mga banta nito. Inirapan ng kanilang ina ang kanilang ama at pakengkoy lang itong ngumiti.

          Ganoon lagi. Ang seryosong sitwasyon mauwi sa tawanan dahil ang kanilang ama ay puno ng kakengkoyan. Nang mag-order ang mga ito luminga-linga s’ya. Kalahati ng kanyang puso nanalangin na sana hindi na n’ya makita si Adam pero may bahaging gusto n’yang masilayan muli ang ngiti nito at ang gwapong mukha.

          Naging palaisipan sa kanya kung ano talaga ang nationality ni Adam. Mukha kasing Spanish pero ang accent nito ay American. He never smiled throughout the pageant night. She’s a hypocrite if she won’t admit that his smile made her shivers of kilig na pilit n’yang itinago. Marunong naman pala itong ngumiti. Siguro hate lang nito ang Ms. Gay. Teka, baka gay rin ito at naiinggit sa mga gays na nakaladlad na rumarampa pa sa stage. Oh no! Kayrami pa namang macho na kilala n’yang bading pala. Marahil bading nga ito kaya pumatol kay Bumby at patawarin s’ya ng kanyang anghel pero kung hindi lang mamahalin ang suot nitong mga damit at alahas mapagkamalan siguro itong taga-tinda ng balot. Nangiti s’ya habang ini-imagine si Bumby sakay ng bisikleta at nagsisigaw ng Baloooot!

          ” Balot.” mahina n’yang nasambit.

          ” Ay ma’am wala po kaming balot.” Wika ng waiter.

          Khara touched her wrist. “Iyan ba talaga ang orderin mo for breakfast? Wala daw silang balot.” bulong nito.

          ” H-hindi ko pa ba nasabi ang order ko?” bawi n’ya at hindi ipinahalatang napahiya s’ya.

          ” Nasabi n’yo na po kaya lang wala kaming balot.” Magalang na sagot ng waiter. Ngumiti naman s’ya ng pagkatamis-tamis at tiningnan ang menu. Pinasadahan lang n’ya ito ng tingin at ibinalik sa waiter.

          ” I’ll  have egg sandwich & pineapple juice. Thank You.” Tumango ang waiter at umalis na ito. Tiningnan n’ya ang mga kapatid. Namumula na si Khara sa kapipigil ng pagtawa.

         “Absent-minded ka yata ate. Balot ba naman gusto mo for breakfast.” Si Khara.

         “Of course not.” Sagot n’ya at nahagip ng kanyang paningin ang lalaking kakaupo lang sa karatig mesa.

          Naka-side view ito sa kanya pero hindi s’ya pwedeng magkamali. Si Adam iyon. Kinakabahan na naman s’ya. Nakasuot ito ng summer short at puting t-shirt. Bagong paligo at  suot ang relo nito na papansin. Silver nga ito at mukhang bagong-bago. Marahil regalo ni Bumby dahil mukhang mamahalin. Pero pwede ring binili ito para sa sarili. Sa ayos nito mukhang can afford naman.

          Tumingin ito sa kanilang direksyon at dali-dali n’yang ibinaling ang tingin sa dagat. Gwapo talaga ito. Hindi n’ya masydaong napag-ukulan ng tingin ang mukha nito noong pageant. Pero ngayon na maliwanag at may kalapitan sa kanya para itong artista sa kagwapuhan. Napansin din n’yang may mga silver hairs na ito but it just gave him a distinguished look. Hindi n’ya matanto ang edad nito. Pero mukhang nasa 30 something. But oh boy, mahihiya si Richard Gere tumabi rito. He looked so neat and fresh.

          “Ate Khara ang crush mo nasa likod natin.” Gracy said teasingly na ikinalingon ng kanyang mga magulang pati na rin ni Charmel. Bago lumingon si Khara pinandilatan muna n’ya si Gracy. Nag-bleh lang ang huli.

          ” Gracy stop that. Matanda na iyan hindi bagay sa ate Khara mo. ” pabulong na wika ng kanilang ina. Paparating na ang waiter na hila-hila ang cart kung nasaan naroon ang kanilang almusal. Nagdasal muna sila bago nagsimulang kumain at nagsitahimik na ang lahat. Iyon kasi ang nakasanayan nila. Kapag nasa harap ng pagkain kung maari iwasan ang magsalita lalo na kung ito ay hindi maganda. Kaya noong mga bata pa sila ni Charmel napapalo s’ya dahil aabutin n’ya ang paa ni Charmel sa ilalim ng mesa tapos tadyakan at magagalit s’yempre ito at magsisimula na silang  mag-away na matigil naman agad pag nagsalita na ang ina.

          Minsan pa n’yang tinapunan ng tingin si Adam sa karatig mesa. S’ya namang pagtayo ng huli at lumipat ito sa ibang mesa na lihim n’yang ipinagsalamat pero nang makitang papunta doon ang isang babae na naka-suot ng maikling miniskirt at halter white top biglang bumangon ang inis sa kanyang dibdib. Maganda din ito. Kilala n’ya ang babae. Ang dating Mutya lang naman ng Mindanao. Bumalot ang insecurity sa kanyang puso. Malapad ang ngiti ni Adam at inilalayan pa itong maupo.

          Ngayon s’ya naawa kay Bumby. Malamang  nag-iisa lang si Adam na nagpunta rito at iniwanan ang nobya sa Maynila para makipaglandian sa iba. What a jerk! Pinigil n’ya ang mapa-buntunghininga dahil hindi iyon gugustuhin ng ina kapag nasa harap sila ng pagkain.

          Pagkatapos ng kanilang almusal nagyaya si Khara na maglaro ng volleyball pero gusto ni Gracy na sumakay ng kayak. Kaya nagrenta s’ya ng dalawang kayak. Si Charmel at Khara ang kasama n’ya sa kayak at nasa isang kayak naman si Gracy at ang mga magulang. Natutuwa s’yang pakinggan ang tawanan ng mga ito.  Ang hindi matapos-tapos na kantiyawan nina Gracy at Khara. Halos dalawang oras din silang nagkayak tapos naliligo na sila sa dagat. Maya-maya pa ay umahon s’ya at nagpaalam na mag-order s’ya ng lunch. Medyo nagutom na rin kasi s’ya. Tatawagin na lamang daw n’ya ang mga ito pag handa na ang pagkain. Itinuro n’ya ang mesa kung saan s’ya maghintay sa mga ito.

          Nagpunta s’ya sa bar section at naghanap ng waiter. Nang makita n’ya ang nag-serve sa kanila kaninang umaga nilapitan n’ya at tinanong sa menu. Umupo s’ya sa barstool at binasa ang menu.

           “You love to eat, aren’t you?” si Adam na nakadungaw sa menu mula sa kanyang likuran. Nasamyo n’ya ang cologne nito at aaminin n’yang makalaglag-pantyliner ang bango. Tumambol na naman ang kanyang dibdib pero nang maalala ang babaeng socialite na lumapit rito kanina, bumangon ang kanyang inis. Kunot ang kanyang noo ng lingunin ito.

          “Yes I live to eat not the other way around.” Walang ngiti n’yang tugon at ibinalik ang mga mata sa menu. Naramdaman n’yang umupo din ito sa tabi n’ya at tiningnan ang kanyang paa.

          “Nice feet.” Wika nito maya-maya. Nag-angat s’ya ng mukha at tinaasan n’ya ito ng kilay.

          “My feet is not nice & I knew that long time ago. So don’t be a liar. You can’t flatter me.” May inis na sa kanyang boses.    

          Obvious naman kasi na binola s’ya nito. Kung may bahagi man ng kanyang katawan na hindi n’ya sobrang paborito iyon ay ang kanyang mga paa. Totoong parang paa ito ng sanggol dahil maputing mamula-mula. But her toes are not sexy. Nakabuwang-wang ito. Salamat nalang at kahit papaano hindi natulad sa luya. She hated wearing shoes. Naging madalas na lang ang pagsasapatos n’ya when she was in college pero hindi ito nakatulong ng malaki para mapaganda ang kanyang mga daliri sa paa. Iyong tinawag ng kanyang ina na ‘pikiryum’ na ibig sabihin sexy feet, hindi sexy ang kanyang mga paa.

          “Oh I’m sorry did I say feet? I mean anklet.” Nakangiti pa rin si Adam. 

         “Thanks.”  nasabi na lang n’ya.

         “Guess what?  They look familiar.” Kumindat pa si Adam.         

         Naramdaman n’yang uminit ang kanyang mukha. Siguro na misheard n’ya ang anklet sa feet. At ang anklet na iyon ay sinuot n’ya sa pageant. Naalala kaya nito iyon? Ano ang gustong palabasin ni Adam ngayon?

          Tinawag n’ya uli ang waiter at sinabi ang kanyang orders at kung saang table n’ya gustong ipa-serve ito. Pagkatapos nagpaalam na s’ya kay Adam. Pero sumunod ito sa kanya hawak ang beer nito. Gusto n’yang tumakbo pero magmukha naman s’yang over-acting kung gagawin n’ya iyon. Baka iisipin ng mga tao na nagpa-feel s’ya. Pagkarating n’ya sa mesa na pagdalhan ng kanilang lunch pasimple s’yang umupo sa isa sa mga upuan na nakaharap sa dagat. Nakita n’yang naliligo pa ang mga magulang at mga kapatid. Umupo rin si Adam sa kanyang left side.

          ” Bakit mo niloko ang mga tao Rania alyas Emma Darna?” seryosong tanong ni Adam na sa dagat din nakatingin. Hindi agad s’ya nakasagot. Gusto n’yang mag-deny pero mukhang buking na s’ya nito.

          Nahulaan pa ang kanyang inisip. ” Don’t you dare to deny it.” At dinukot nito ang cellphone may pinindot at ibinigay sa kanya. Video clip ng pageant ang kanyang nakita. Pero s’ya ang naka-focus doon. Mayroong kuha nakaharap, naka-sideview at nakatalikod mula ulo hanggang sa kanyang paa at naroon nga ang angklet na hindi n’ya pwedeng ipagkaila. Maaring may kahawig ang anklet na iyon pero ang kulay  red n’yang  pedicure na may white tip ay mahirap ipaliwanag na coincidence lang. Mahilig kasi s’yang mag-eksperimento. Kung minsan blue iyon na may tip na puti. French tip pa rin tawag nya dun pero hindi transparent ang kanyang itenerno.

          Paano nito nakunan iyon? Wala naman itong hawak na camera during the pageant? Alam n’yang may videographer ang pageant na iyon at marami rin ang cameramen pero ang tanong n’ya bakit sa video clip nito s’ya lang ang naka-pokus? Ini-espesyal ba s’ya ng cameramen at binigyan si Adam ng kopya? Marahil, pero malilintikan ito ng organizer kung hindi binigyan ng fair exposure ang lahat ng kandidata sa video.

          “Fooling people was not my intention. I have my own personal reason why I joined Ms. Gay Sir. That’s none of your concern though.” Matigas n’yang sagot kahit sukol na s’ya. Ibinababa n’ya sa mesa ang cellphone.

          “May sense kaya ang personal reason mo Rania? Alam ba iyon ng pamilya mo? Na inuna mong sumali sa Ms. Gay kaysa dumiretsong umuwi sa inyo?” may galit sa mga mata nito nang tumingin sa kanya.

          Nangangapa na naman s’ya ng isasagot. Lihim s’yang natakot sa totoo lang. Paano kung isusumbong s’ya nito sa pamilya n’ya? Sigurado s’yang hindi iyon ikakatuwa ng mga ito? Lalo na ng kanyang ina. Hindi n’ya hahayaang sirain nito ang kanyang unang bakasyon sa Pilipinas mula ng magtrabaho s’ya sa ibayong-dagat. Pero naiinis s’ya sa pakikialam ni Adam.

          ” Wala kang pakialam sa akin at sa pamilya ko. Mahal ko ang aking pamilya at kung kinakailangan i-extend ko ang bakasyon ko para ‘mabayaran’ ko ang mga araw na inilagi ko sa Maynila para sa pagsali sa Reyna de Mayo imbes na iniuwi ko sa amin,gagawin ko. Now, forget that we met.” From the corner of her eyes, nakikita n’ya ang pagtiim ng anyo nito. He stared at her sharply at kinuha ang cellphone nito  at ibinalik sa bulsa.

          ” May pakialam ako Rania dahil ipinahiya mo pa ang aking girlfriend na si Bumby at isa ako sa mga taong niloko mo.” Awtomatikong napatingin s’ya rito. Tuluyan na s’yang nagalit. Hindi n’ya iniisip na si Bumby pala ang pinaka-dahilan ng pangingi-alam nito ngayon.

          ” It was not my fault. Kung hindi mo ako tinanong ng out of the world na tanong hindi mangyayari iyon. Saan ka nakakita ng beauty pageant na ang judge nagtatanong ng nonsense sa candidates? Hindi mo ba alam ang mga typical questions sa mga ganoong event? Such as what is a woman of substance huh Mr. Cartallejo?” kumukulo na talaga ang kanyang dugo. Ipinaalala lang nito kung gaano s’ya napahiya sa ginawa nitong tanong. Ang konsolasyon lang n’ya ay nasagot naman n’ya ito at naipahiya pa n’ya  si Bumby.

          ” That question was not my idea. ”

          “Oh yeah and that’s your gf’s idea?” Nanunuya n’yang wika.

          ” It was given by the organizer!” tumaas ang boses ni Adam at tiningnan s’ya ng mata sa mata. Natahimik s’ya.

          ” Narinig mo naman siguro ang questions ng dalawang ibang candidates pero parang nakalipad ang utak mo after you answered my question. ” sabi uli nito.

           Pilit n’yang inalala pero hindi na s’ya halos nakinig sa paligid when she finished answering his question. Tama ito lumilipad na ang kanyang utak sa mga sandaling iyon ng pageant.

           “Ang organizer ang gumawa ng mga tanong na iyon. Dahil gusto daw nila na mapa-iba ang kanilang pageant. Gusto nilang salain ang mga future candidates. Para kapag sasali ang mga ito sa mga future beauty pageant nila magkakaroon ito ng takot. Gusto nilang maiiba ang beauty pageant ng kanilang bayan at upang patunayan na hindi lang beauty at body ang binigyan ng halaga kahit sa Ms. Gay pageant, ang utak din. As you knew a lot of candidates were pretty some were beautiful but only few were real brains.” Mahaba ang paliwanag nito ngunit isa-isang ina-absorb ng kanyang utak ang bawat kataga na sinabi nito. Though she was distracted by his small kissable lips.

          ” When was the last time Philippines won Ms. Universe Rania? Of course it’s been a while. Why is that? Dahil mas binigyan ng pansin ang mukha at tindig kaysa laman ng utak.” Bumuntong-hininga s’ya. Ibig sabihin kaya hindi s’ya nanalo dahil mas matalino si Joanna kaysa kanya kahit pa mas maganda s’ya rito? Insulto iyon ah.

          ” In your case that night, you were clever however not enough to understand my Spanish plus maliit ang score na ibinigay ni Bumby sa iyo kaya nahulog ka sa 1st runner-up. Which you don’t actually deserved.” Ngumiti si Rania. At least inamin din nito na she was the best sa lahat doon. She deserved more than a 1st runner-up.

           ” You should not even be included sa screening pa lang. Because you don’t belong in that pageant. It was for shemales. You cheated and cheaters never win. For that I even gave you lesser points than Bumby did but luckily the third judge just liked you so much. Doon ka nakabawi. See yah!” At sinabayan nito ng tayo.

           Nagngitngit ang kanyang kalooban. Ang walang hiya nagpapa-cute na sana s’ya sa pag-aakalang the best s’ya sa lahat ng candidates iyon pala insultuhin lang s’ya. Nilingon n’ya ito at gustong sigawan pero s’ya namang pagdating ng waiter. Kinawayan n’ya ang mga magulang at kapatid.

          ” Ate sino iyong kausap mo? ” tanong ni Gracy. Inihanda na n’ya ang sagot dahil alam n’yang nakita ng mga ito si Adam.

           ” Iyong ibinintang mong crush ni Khara? Hmmp mukhang ikaw yata ang may crush.” Nakangiti n’yang wika sa kapatid. Namula agad ang mga mata nito at nagiba ang mukha lalo na ng sabay na nag “oyyy” sina Charmel at Khara. Inakbayan naman ito ng ama at hinalikan ang ulo.

           ” Miss ka lang ni Ate Rania mo kaya ka biniro h’wag ka ngang iyakin. Malapit ka ng maging dalaga at magka-crush ka na rin.” Mahinahong sabi ng kanilang ama na nagpa-kalma naman sa bunso.

            “Oo nga Gracy.” Sabi n’ya. “Pero ang name ng guy na iyon ay Adam at ako ang may crush sa kanya.” Nginitian n’ya ang bunsong kapatid at nagtataka s’ya kung bakit hindi umimik ang mga ito. Nakatingin lang sa ibabaw ng kanyang ulo. May nasamyo s’yang amoy.

          Nilingon n’ya kung sino ang nasa kanyang likod. Si Adam  nakangiti ito hawak ang kanyang beer na hindi pa ubos. Bumalik pala ito. She smiled nervously. Nakakarma s’ya sa ginawang panunukso sa kanilang bunsong kapatid.

          ” I’m sorry. I Didn’t mean to interrupt .” Friendly ang ngiti nito. Kaya hindi s’ya pwedeng maging bastos.

           Palihim n’ya itong pinandilatan. “Well nagtuturuan kasi ang mga kapatid ko kung sino ang may crush sa iyo. So para matapos I told them na ako ang may crush sa iyo. Pero biro lang iyon ha.” Aniya saka tumayo.

          ” Everybody this is Adam Cartallejo. Guest din s’ya rito. Don’t be fooled by his mestiso looks. He speaks tagalog & he is from Manila. And Adam they are my family. My dad Teodoro, my mom Elvy, that’s Gracy our youngest, Khara the third & Charmel our second.” Pakilala n’ya at lihim n’yang binigyan si Adam ng don’t-you-dare-say-anything-about-the-pageant look.

         Isa-isang kinamayan ni Adam ang mga ito. “Nice meeting you all. You are a perfect picture of a happy family.”  At bumaling si Adam kay Rania. ” You are very lucky.”

          ” Sir, ma’am, pretty girls, Rania I’ll go ahead and start na your lunch. Nice meeting you again. I’ll surely be seeing you around.”   

          Tumango at ngumiti ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Nakahinga na rin s’ya ng maluwag nang umalis na si Adam. Sinimulan na nilang lantakan ang mga pagkain at kahit kinabahan pinilit n’yang kumilos ng normal. Pinag-usapan nila habang kumakain ang magiging kurso ni Khara at ang trabaho ni Charmel. Napag-usapan din nila ang munting negosyo ng kanyang ama. Ang kanilang tricycles na pinaupahan. So far so good. Hindi naman pala nagkaroon ng malalaking problema maliban sa sobrang pagtaas ng gasolina.

          Her family strived to live a life of comfort but not in luxury. Maliliit pa sila tinuruan na silang makontento sa anong mayroon ngunit hindi rin masamang mangarap at kung paano ang magtitipid. Dahil hindi sa lahat ng panahon may pagkain at pera ang tao. Pagdating sa mga gamit hindi sila pumili sa mga ‘signature’, basta quality at good deal doon sila. Kung ang tao marunong lamang makontento at hindi nakipag-unahan sa lifestyle ng mga taong sumusobra ang pera talagang maipagkasya kahit gaano kaliit ang income. S’ya sa Canada mamimili lang s’ya kung may sale at kung kailangang-kailangan. Nagagandahan naman s’ya sa mga nagmamahalang mga damit,sapatos at pabango pero inuna n’ya ang kanyang pag-iimpok para sa pagpatayo n’ya ng sariling negosyo at para sa pagtulong sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid.

          Naiisip rin n’ya na may mga taong kahit nagsusuot ng basahan lumilitaw pa rin ang totoong ganda. Habang ang iba naman kahit Versace ang suot ay hindi pa rin gumanda. May mga damit pa nga s’yang binili sa Baclaran na maraming beses napagkamalang galing sa mga signature boutiques ng mga kaibigan n’ya sa Canada.  Pero dahil nga binigyan s’ya ng mga napaglumaan ng kanyang among babae nakapagsuot na rin s’ya kahit papaano ng mga mamahaling damit at sapatos.

           Naalala na naman n’ya si Adam. That man even if he’ll walk naked litaw pa rin ang kagwapohan. Whoa! That was a naughty thought. Ipinilig n’ya ang ulo at nainis sa isiping kahit kumakain s’ya naapektuhan na ang kanyang utak ni Adam. Hindi n’ya gusto ang mga nangyayari. Napagdesisyunan n’yang iwasan na ito habang nasa Dakak sila. Wala s’yang laban rito. May hawak itong alas laban sa kanya. Pissing him off will only means ruining her family’s vacation.

          She noticed that Adam kept his distance, which she thought was a great thing for him to do. The next days were normal. Naglalaro sila ng scrabble, naliligo at naglaro din ng volleyball.  Sa araw ng kanilang pag-uwi nag-suggest s’yang mag-shopping sa Dipolog downtown. Tuwang-tuwa ang kanyang mga kapatid.

           Her mom secretly talked to her when her sisters were still inside the cottage para mag-empake. “Rania malaki na ang nagastos mo dito, magpapakain ka pa sa bahay ng lola mo at kilala kita masyado kang generous. Hindi naman masama but we also know that you are not picking your money sa kalsada ng Canada.” Paliwanag ng kanyang ina. Nakikinig lang ang kanyang ama.

          Ngumiti s’ya at inakbayan ang ina. “Ma, I’m earning more than what we really need. We are saving noon pa man. Pero hindi tayo yumaman.” Bumungisngis s’ya bago nagpatuloy. ” Ikaw na rin ang maysabi you work so much all of your life. Ngayon hindi tayo mayaman pero hindi rin poor. Siguro 20k for a day shopping spree is a biggie for others pero not to us anymore. Basta h’wag lang araw-arawin. I dare say that our life is almost perfect now. Parang ang tanging mahihiling ko na lang ay patuloy ang grace ni God at good health sa ating lahat. Hindi baling manatili akong dakilang yaya slash tutor.” Mahaba n’yang paliwanag.

          Tumingin sa kanya ang ina.” Pero nahihiya ako sa mga kamag-anak natin. Baka sabihin nila na pa shopping-shopping tayo tapos hindi man lang nakatulong. Batid mong kahit pambili ng bigas ang iba sa kanila ay walang-wala talaga.” Matagal ng isyu ang tungkol sa kanilang ibang mga kamag-anak. Lagi na nilang pinagtalunan iyon. She was not against in helping them as long nakikita n’yang tinulungan din ng mga ito ang kanilang mga sarili. Pero naiinis na rin s’ya kapag malaman n’yang nanalo ito sa jai-alai o kaya nagkasahod tapos buong araw na nasa downtown at kinabukasan walang bigas.

          Kung ihahambing sa iba nilang mga kapitbahay nakakaahon ng konti ang iba n’yang mga kamag-anak. Lalo na at halos lahat ay may pinag-aralan. Pero minsan pina-iral ang pagiging maluho kahit nahihirapan at hindi marunong ng tinatawag na budgeting. One day millionare ‘ika nga.

           “Ma, we helped already. Hindi pu-pwedeng bibigyan natin sila sa lahat ng panahon. Kung masundan man iyon hindi ko alam. But one thing is for sure, we ain’t helping forever. Kung ano man ang naabot natin ngayon, we worked,saved,prayed & sacrificed for it. Lord says, ‘work & I’ll help you’ but in some of their cases they are maybe striving but not hard enough to live a comfortable life. I’m sick of  their line ‘ito kasi naging palad namin,maging mahirap’. They chose their lives to be like that. So bakit tayo magi-guilty kung gumasto tayo from the money we earned? Tell me anong klaseng sakripisyo ang ginawa natin para may madudukot sa panahon ng tag-ulan? Kung ginawa nila ang ginawa natin, hindi sila maghihirap ng ganyan.” may inis na sa kanyang boses. Bumuntong-hininga naman ang kanyang ina.

          “Tama si Rania. We have every right to spend our own money.” Sabat ng kanyang ama. Tapos din ito ng Accountancy hindi nga lang nabigyan ng chance noon na makapag-board dahil na rin sa kakapusan sa pera.

Talakayan

23 thoughts on “Kamandag ng Pag-ibig – 5

  1. nice story. lagor ka rania, baka ibuking ka ni adam sa family mo.

    Posted by mia garcero | Hulyo 30, 2014, 4:43 umaga
  2. nxt chap n

    Posted by may2 | Nobyembre 14, 2013, 10:33 umaga
  3. one sided story ata.

    Posted by aileen | Oktubre 22, 2013, 8:18 hapon
  4. tama! . .i like da ans of rania in her mther about deir relatives. . . =)

    hmmm. .im just wOndering if how he knew dat emma darna and rania is one person??? O.o

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 31, 2012, 12:26 hapon
  5. Next na chapter na

    Posted by blueboy | Pebrero 2, 2012, 7:15 umaga
  6. kilig na man this chapter…iloveyou,mama…sobrang understanding talaga ng mama ni Rania…

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 11:21 umaga
  7. ka relate ako sa ina ni Rania kasi ganun din sa mga relatives ko dito sa aming lugar…pero i like the answer of Rania…hindi nga aasenso ang tao kung hindi sya pursigidong umangat sa buhay…

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 10:49 umaga
  8. tama,ndi sa lhat ng oras mpagbigay tayo,kasi minsan tayo n rin ung may kasalanan kung bakit ganon cla…
    mapang-abuso…🙂

    Posted by Riza Responde | Enero 8, 2012, 4:14 hapon
  9. @ikay: agree aqo sau ikai😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 21, 2010, 11:14 umaga
  10. I like the perception nung main charter about dun sa mga kamag-anak nya…very inteligent…and tama nga nman yun.
    thanks to the author! ^__^

    Posted by IKAY | Oktubre 10, 2010, 12:35 umaga
  11. gabda naman ng story….. marami kang matututunang magandang asal… hehehe
    for the author:: keep it up.!!!!!!
    big thumbs up for u🙂

    Posted by micole | Oktubre 5, 2010, 6:02 hapon
  12. tnx po..

    Posted by eizzy | Pebrero 24, 2010, 11:13 umaga
  13. bkt ayaw lumabas ng chapter 6???

    Posted by seysey11 | Pebrero 7, 2010, 11:19 umaga
  14. “Kung ano man ang naabot natin ngayon, we worked,saved,prayed & sacrificed for it.”
    i love this line..
    i do agree w/ her.. wag mong sanaying lagi kang natulong s knila dahil kukunsintihin m lang cla n maging tamad.. at ang ending lagi nlng clang aasa sau..

    nice 1 miss writer…

    Posted by seysey11 | Pebrero 4, 2010, 8:46 hapon
  15. Dipolog City is a nice place,spcaily in Dakak!…..

    Have u been there Ms.writer? looks like u really know the place……..are u from Dipolog?

    The story is great!..Hindi boring at kakaiba xa!

    i’ll wait for the next chap! ^_~

    Posted by senti | Pebrero 3, 2010, 4:18 hapon
  16. bakit ganun… na doble yata….

    ay! nabuking si Rania… next chapter na po!!!!

    Posted by Clay | Pebrero 3, 2010, 1:32 hapon
  17. ay may naulit po na part dito

    but all in all
    very good

    Posted by winter | Pebrero 3, 2010, 11:29 umaga
  18. foo.. na double paste po…. hehhehhe

    lakas tlaga ng pang amoy ni adam ah.. akalain mo wla na pla maittago c rania.. as in kilala nya na tlaga.. kya pla ganon ang tingin nya ky rania eh.. laging prang galit….

    oi kriz.. nauna me syo.. hehehhe.. kumiss nko ky adam.. hehehhe.. dont worry dko sya aagawin.. syo parin sya.. dko lng napigilan di kumiss .. hehehhehe..

    thanks mira.. ganda.. ingatz

    Posted by sjyo_0208 | Pebrero 3, 2010, 9:51 umaga
    • hinanap ko ang na double paste dko makita. i am sorry guys apat kasi mata ko kaya siguro dko makita. pero ako ang nag-post kaya it is really all my fault.

      @foo kung ikaw nag-fix ng doble paste, maraming salamat🙂

      Posted by miraluna | Pebrero 4, 2010, 7:52 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: