aming nakaraan

Archive for

Half Crazy – Chapter 9

NANANAKIT ang buong katawan ni Marga pagkagising niya. Pagmulat ng mga mata niya’y bumungad sa kanya ang mukha ni Justin na nakatunghay sa kanya. Gusto niyang matawa sa ekspresyon ng mukha nito. Puno ng pag-aalala ang mukha, parang nagbabantay ng taong maysakit. “Good morning,” aniya rito. Ngumiti ito, pinapanood ang bawat galaw niya. “Okay ka … Magpatuloy sa pagbasa

My Only You – Chapter 9

“MAGTAPAT ka nga kuya. Anong dapat malaman namin ni mommy?” tanong agad ni Sam sa kanya, isang umaga, nang makalabas siya sa kwarto. “What are you saying?” maang na balik tanong niya. Nagulat siya sa tanong nito kaya iniwas niya agad ang tingin dito. “Don’t get me wrong kuya, I heard you last night” sabi … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 8

SA unang linggo ng pananatili nila sa hacienda’y mas naging kumportable sila sa isa’t isa. Naibsan ang alalahanin ng dalaga dahil wala na siyang itinatago pa sa dating kasintahan. Nararamdaman niyang nahihirapan ito sa sitwasyon nila ngunit nanaig ang kagustuhan nitong intindihin siya kesa sa sarili nitong damdamin. Unti-unting nabuwag ang harang sa pagitan nila. … Magpatuloy sa pagbasa

Kamandag ng Pag-ibig – 10

Naunang nagising si Adam kinabukasan. S’ya man sa sarili hindi makapaniwalang ikinasal sila kagabi ni Rania. Hinalikan n’ya ang mga pisngi nito na ikinagising ng huli.            “Good Morning Mrs. Rania Cartallejo!” bati ni Adam sa magandang asawa. Sabay halik sa noo.                                                                                                                    ” It was not a dream.” Sabi n’ya nang mahawakan ang kamay … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 7

  “GALIT KA PA?” Napalingon si Marga sa kinaroroonan ng boses. Sumimangot siya nang makita ang dating kasintahan. Itinuon niya ulit ang atensyon sa malawak na lupain ng mga Camara. Nasa veranda siya’t nagpapahangin. Naisip niyang talunin iyon kanina para makatakas. Pero iwinaksi niya iyon sa isipan nang makita kung gaano kataas iyon. Wala sa … Magpatuloy sa pagbasa

My Only You – Chapter 8

IT’S DEAN! Kasama ang mga kabarkada nila noon hanggang ngayon. And hindi lang sila kundi may mga kasama rin pala ang mga ito na mga babae na maiikli ang mga damit na wari mo’y nakahubad na. Ang hindi niya mapaniwalaan ay ang babaeng nakapulupot kay Dean at walang iba kundi si Dennise. Para itong linta … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 6

  NAGISING si Marga sa matinding hilab ng tiyan at sakit ng ulo. Gusto niyang takbuhin ang banyo dahil pakiramdam niya’y babaliktad na ang sikmura. Ngunit nagulat siya nang mabungaran ng mga mata ang silid na hindi pamilyar sa kanya. At mas nagulat siya nang makitang wala siyang kahit na anumang saplot sa katawan maliban … Magpatuloy sa pagbasa

Kamandag ng Pag-ibig – 9

Pagkatapos mag-almusal umalis na si Adam. Nginitian n’ya ito ng makahulugan. Tila inis na inis pa rin ito ng makasakay ng bus. Maliban sa munting usapan nang sila ay kumain hindi na sila nagkausap ng sarilinan. Nakatulog s’ya kagabi sa tulong ng  antihistamine. Pero alam n’yang ginulo nito ang kanyang panaginip.            Hindi muna n’ya … Magpatuloy sa pagbasa

Kamandag ng Pag-ibig – 8

Nakapwesto na ang chess board at pieces sa kawayang mesa. Umupo naman si Adam opposite to her.           ” Bakit naman alternate iyang chess pieces na parang dama?” nagrereklamong wika ni Adam at binago ito na pinigilan naman ni Rania ang mga kamay nito sa gustong gawin. They both stared at each other. Rania could … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 5

  ILANG minuto pa’y nakarinig na siya ng busina sa labas. Nagpakawala si Marga ng malalim na hininga. Binuksan na niya ang pintuan ng silid. Nakita niya si Henrik, naka-upo ito, nakasalikop ang dalawang kamay habang nakayuko. Nag-angat ito ng tingin nang bumukas ang pinto. Tumayo ito para lapitan siya. “Nasa labas si Sara,” aniyang … Magpatuloy sa pagbasa

My Only You – Chapter 7

NOW…. “IT’S REALLY over Danielle” ulit na sabi ni Dean sa kanya. Parang bombang sumabog ang narinig niyang sabi na nagmula kay Dean. Nasa likod sila ng Engineering building ng mga oras na ‘yon na kung saan ay malayo sila sa karamihan. “NO!” tanggi niya. “N-no..no..no” hindi makapaniwalang sambit niya habang umiiling. Hindi niya mawari … Magpatuloy sa pagbasa

Half Crazy – Chapter 4

  KANINA pa hindi mapakali si Marga. Nagsisisi siya kung bakit hindi siya bumaba kasama ni Justin. Halos hindi umuusad ang sasakyan nila dahil sa sobrang traffic. Disin sana’y kasama na siya nina Rhoda ngayon at hindi naiipit sa isang nakakatensyong sitwasyon kasama si Henrik. “Maglalakad na lang ako pauwi.” bigla’y nasabi niya. Napatingin si … Magpatuloy sa pagbasa

Kamandag ng Pag-ibig – 7

Pangatlong linggo n’ya sa Pilipinas at naisipang tawagan uli si Sunshine at kumustahin. Pero cannot be reached pa rin ang numero nito. That was her tenth attempt to contact ‘her’ again but to no avail. She texted ‘her’ too but didn’t get a reply. Marahil umalis  na ito papuntang Japan. Pero sana kahit papaano’y itinitext … Magpatuloy sa pagbasa

Kamandag ng Pag-ibig – 6

Walang pagsidlan ng kanyang tuwa habang pinapanood ang mga kapatid at mga magulang na namimili. Ito ang naging inspirasyon n’ya para  magtrabaho sa labas ng bansa. Malaki talaga ang pasalamat n’ya sa Diyos sa lahat ng grasyang inaani. Mula sa mapagmahal na magulang, mga kapatid na kahit madalas mag-pikunan pero maganda naman ang takbo ng … Magpatuloy sa pagbasa

My Only You – Chapter 6

Years ago…. “Bro! Ano ‘tong nabalitaan ko na bumalik na sa dati ang walang kabuhay-buhay mong buhay ha?” tudyo sa kanya ng kapatid sa kabilang linya. “Who’s the girl?” dagdag na tanong nito. Alam niyang natatawa na si Kean sa kanya. Kean is the only brother he had. Hindi lang simpleng kapatid kundi kakambal pa … Magpatuloy sa pagbasa

Kamandag ng Pag-ibig – 5

        Maaga s’yang nagising kinabukasan kahit hindi s’ya masyadong nakatulog. Panay ang pag-iisip n’ya sa muling pagkikita nila ni Adam. Lihim n’yang ipinagdasal na sana umuwi na ito at ang sinuman na kasama nito. Confident s’ya na magaling ang pagkaka-make-up ni Sunshine sa kanya that night. Pero bakit sobra namang coincidence na nandito ito sa Dakak? … Magpatuloy sa pagbasa

TOP Calendar

Pebrero 2010
L T M H B S L
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Mga Istorya

Aming Nakaraan