binabasa mo ang...
Kamandag ng Pag-ibig

Kamandag ng Pag-ibig – 3

        ”  Congratulations ladies! Now, in this box are the names of the judges that will ask each one of you a question. You’ll have different questions from different judges so there is no need to lock any of you inside the dressing room and have you wear a big earpiece.” Natatawang wika ng host. At pumagitna ito sa mga candidates.  ” We’ll start with you Candidate number 8.” Lumapit si Rania at binigyan s’ya ng cordless microphone ng assistant ng emcee na s’yang may hawak sa box na kinapalooban ng mga pangalan ng judges.

         ” How are you doing Ms. Emma Darna? Pretty Face, pretty name.” Scripted na saad ng host.

         ” I’m great thank you so much.” Sagot n’ya.

         ” Pick one please.” at itinuro ang box. Bumunot s’ya ng pangalan. Nanginig ang kanyang kamay. She prayed silently huwag sana ang lalaking judge. Binasa n’ya ang maliit na rolyo ng papel na nabunot.

          “Read it loudly please Ms. Emma Darna.” nakangiting request ng host.

          ” Adam Cartallejo.” Mahina n’yang wika na sa judge nakatingin. Whoa! Biniro talaga s’ya ng pagkakataon. Ayon na naman ang relo ni Adam. Nadi-distract s’ya nito.

         ” Good Evening, Emma Darna.” Bati nito ng walang kangiti-ngiti.

         “Sir de la buena tarde y señoras y caballeros de la buena tarde.” Sagot n’ya na nagpasigabo ng palakpakan. Tila ikinainis ng judge ang pagsagot n’ya sa Spanish.  “Translation, Good Evening sir and good evening ladies and gentlemen.” Lihim na nagdiwang ang kanyang puso dahil napatiim-bagang ang gwapong judge at nasiyahan ang mga tao na nagsalita s’ya ng konting Spanish.

          Iba’t-ibang gimik pagdating sa mga beauty contests. Pero hindi talaga n’ya binalak at hindi rin itinuro ni Sunshine na kausapin o sagutin n’ya ang judge sa Spanish lalo na at hindi naman talaga n’ya kabisado ang naturang lenggwahe. Basta na lang bumuka ang kanyang bibig. Pero masarap sa pakiramdam ang palakpakan. Pinalakpakan s’ya ng mga tao kahit hindi marahil nito naintindihan ang kanyang little Spanish talk dahil minaster n’ya ang linyang iyon. May mga naging kaibigan s’yang Mexicans sa Canada at nagpaturo s’ya ng mga basic words sa Spanish with the right accent.

          The voices of the crowd faded away. The judge breathed deeply then held the microphone again. “Oh, hablas español. Esto es de hecho un candidato maravilloso número ocho de la tarde..” Sagot ni Adam na ikinalaki ng kanyang mga mata. Oh no! Ano ang isasagot n’ya? Hindi n’ya alam ang buong translation ng sinabi nito. Alam n’yang ang hablas español ay ‘you speak spanish’ pero hindi n’ya naintindihan ang buong kahulugan ng sinabi nito. Ano ngayon ang kanyang gagawin? Anong topak kasi ang pumasok sa kukuti n’ya?

        Kung hindi lang marahil s’ya nakamake-up napansin na siguro ang kanyang pamumutla. Natahimik ang lahat. Nakaramdam s’ya ng tensyon. Tila naman ngiti ng pang-uuyam ang nasa mukha ng nobya nitong si Bumby. Masaya na tinola s’ya ng boyfriend nito. Kung bakit kasi naman pa-spanish-spanish pa s’ya. Nakagat naman ni Sunshine ang mga daliri. Ninerbyos din ito sa ginawa ni Rania.

           ” I’m sorry sir. Please repeat the question.” she smiled tensely. Never s’yang nagpaulit ng question sa mga judges before. Adam’s lips broke into an amusing smile. Lalong kinabahan si Rania.

           ” I am not asking you yet candidate no. 8. But it seemed you don’t understand my little Spanish.” He was mocking her. May narinig s’yang tumawa. Tola na talaga s’ya. Napatingin s’ya sa gawi ni Sunshine. Ngumiti ito ngunit alam n’yang na tense rin ito sa mga kaganapan. Oh help! Ang host ay tila nag-eenjoy sa eksena at kinalimutan yata na papel nitong ‘tulungan’ s’ya. “Sheyt.” anang kanyang isip.

          ” Okay since you are in a hurry to answer your question here it is.” At tumingin ito sa papel na hawak. “Emma Darna, please tell us what is schadenfreude?” he looked at her intensely. Nagbulungan ang mga tao. Saang lupalop ng mundo galing ang tanong nito? Nang hindi s’ya agad sumagot biglang nagsalita si Bumby. Nalipat ang tingin ng mga tao rito na tila sobrang ikinatuwa ng huli ang atensyon.

          ” Excuse me, let me interrupt candidate no. 8. Just want to give you a clue. Schadenfreude is some sort of a Greek word. Thanks & Goodluck.” Obvious na nag-enjoy ito sa ginawa ng kanyang boyfriend. Pakiramdam n’ya pinagtulungan s’ya ng magsyota. That was very rude of Bumby at ni hindi man lang ito sinaway ni Adam. Lihim s’yang nasaktan. Akala niya kahit papaano may tenderness sa puso ni Adam despite his lordy exterior.

         She was so hurt and bit her lips then she answered. “Thank you ma’am. But I’m sorry it didn’t help at all and a little trivia there is no such thing as some sort of a greek word.” Sabi nya at iminuwestra ang peace sign gamit ang dalawang daliri saka ngumiti. Lumaki ang butas ng ilong ni Bumby sa tinitimping galit. Pigil-hininga ang lahat lalo na ang mga bading. Mangilan-ngilan sa mga audience ang tumawa.
         Tiningnan n’ya si Adam. Blangko ang mukha nito at waring naghihintay sa sunod n’yang sasabihin. ” Schadenfreude is a german word. From Schaden which means damage or harm and Freude means joy. Those two german words put together means, a pleasure taken from someone else’s misfortune. If any of you here was happy for my little misfortune earlier, that’s schadenfreude. Thank You!” pigil ang kanyang hininga sa naghahalong komosyon ng kanyang emosyon.

          Hindi umimik ang mga tao. Tumingin ang mga ito sa gwapong judge. Tila gustong makarinig ng confirmation na tama ang kanyang sagot. They assumed that Adam knew the answer since he was the one asking it. Pero hindi kumilos si Adam na matamang nakatingin kay Rania.Isa sa crowd ang sumigaw. ” Woooyyyy, tama?”

         Saka pa lang kinuha ni Adam ang microphone. ” Yes she is right. Thank You Ms. Emma Darna.” Saka lamang nagtayuan ang ibang audience at makabinging palakpakan ang nangyari.

         Hindi maipinta ang mukha ni Bumby Lorenzo. Nakini-kinita na n’ya ang score na maaring ibigay nito sa kanya. Wala na s’yang pakialam sa kalalabasan. Ilang beses na ba s’yang natalo sa beauty contest? Kung sinu-sino ng tumalo sa kanya. Kung natalo s’ya noon na wala s’yang iniinsultong judge ngayon pa kaya?

          Natapos ang Q & A ng dalawang ibang finalists na hindi n’ya namalayan. Nagbigay uli ng major award. Si Joanna ang nakakuha ng best in gown. Maganda ang pagkadala nito sa gown. Masaya s’ya para rito. Kontento na s’ya sa mga awards na nakuha n’ya. Nagbalik na rin sa normal ang kanyang pulso. Pinag-exit sila ng emcee para sa isang dance number habang abala ang tavulators sa pag-total ng mga score ng mga kandidata.

          Abot-tainga ang ngiti ng mga bading nang salubungin s’ya sa dressing room. Yumakap ang iba sa kanya at nakipag-beso-beso.      

         ” I’m so proud of you. Tsk tsk tsk, you’re a legend. Bumbee had her greatest nightmare tonight.” si Joanna. Sabay na nagsipag-sang-ayun ang lahat.

          “She probably hated me now.” aniya.

          Lumabi si Sunshine.  ” Keber. Umabot na rin sa sukdulan ang kaniyang kabastusan. She has no right to interrupt your Q & A noh.”  

        Malamang galit din si Adam sa ginawa n’ya. Nobya yata nito ang naipahiya n’ya.

          “By the way paano mo nalaman ano ang ssssu-suddenfrog.?” Natawa si Rania. Dala marahil ng nerbiyos hindi ito narinig ni Sunshine ng malinaw.

          ” Schadenfreude hindi suddenfrog.”

          ” Whatever.” Saad ni Sunshine.

          ” I studied German for my foreign language for two years. German at French ang pinili ko remember?  ” Explain n’ya.

          ” Oo nga pala. You can speak german. Sana german na lang din ang sinabi mo kanina kaysa spanish. Lukaret ka talaga Rania!” Nakangiting wika nito.

          Nasa stage na uli sila for the announcement of winners. Tinawag na ang 2nd runner-up at s’ya at Joanna na lang ang pinagpipilian para sa major crown. Mahigpit silang naka hawak-kamay. Itinodo din ng host ang suspense. “I can’t believe this. Two beauties & brains, the two bests among the rest, but who will be the queen? Ladies & gentlemen.” ilang segundo pa ang pinalipas nito bago nagpatuloy. “Joanna Mendoza is our Reyna de Mayo 2008! And Emma Darna is the first runner-up! Napaiyak si Joanna.

          Nakaramdam din s’ya ng relief. She kissed Joanna before she stepped forward.  Umakyat ang isang konsehal at asawa nito na s’yang naglagay ng kanyang sash at maliit na tiara. At nagkagulo na matapos ang crowning ni Joanna. Matalim ang tinging ipinukol ni Bumby sa kanya nang umakyat ito at si Adam para maglagay ng crown ni Joanna. Nginitian n’ya ito ng patuya. Anyways hindi s’ya kilala nito at never na makilala. Pasimple siyang ume-exit ng pakiramdam n’ya tapos na ang kanyang papel. Nagpa-picture din s’ya kasama ng mga bading na hindi nanalo at kasali ang organizers ng pageant.

         Mabuti at nakahanda na si Sunshine at nailigpit na ang kanilang mga gamit. Dali-dali silang nagpunta sa parking area na kung saan naghihintay na sa kanila ang inarkilahang taxi. Panay ang kanilang hagikgikan nang nasa apartment na sila.

         ” Thank you so much sa tulong madam. This is impossible without you.” Madamdaming sabi ni Rania.

          ” You are welcome. Pero you still can make it even without me. Ma’am you have the guts, beauty and brain. Not to mention your faith. Kaya mo yatang gawin kahit ano.”

          ” Sobra naman iyan madam. Hindi naman ako superwoman noh. Pero honestly kinabahan ako kanina nang magsalita rin ng Spanish si Mr. Cartallejo.”

Humalakhak si Sunhshine. ” Kung alam mo lang gusto kong matawa at mainis sa iyo. Tralala ka talaga kung minsan. Pero lagi mong carry ang lahat ng ka-tralalahan mo. D’yan ako saludo sa iyo.” Nagsaludo nga ang bading na ikinabungisngis n’ya.

Talakayan

31 thoughts on “Kamandag ng Pag-ibig – 3

  1. hahaha ang cute🙂

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 2:10 hapon
  2. kw na galing

    Posted by may2 | Nobyembre 14, 2013, 10:27 umaga
  3. galing naman🙂

    Posted by vhenus | Abril 29, 2013, 3:33 hapon
  4. GALING MO HA

    Posted by knic | Pebrero 26, 2013, 5:38 hapon
  5. kalurke nman toh….

    Posted by jjhuls | Nobyembre 29, 2012, 5:11 hapon
  6. ahahaha. . . . . duh…. buti nga sa impaktang judge na yun. . . lol

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 2:24 hapon
  7. ha. .ha. .! Buti nga sa bumbyble na un!
    bumby>supalpal ka nuh??!
    wahahahah!

    rania>baliw ka tlgah dpat german nlang ung inispeak mu para napatanga tlgah cla eventhough u have a little bit kn0w how to speak spanish xempre mas maganda pdin ung kn0w mu tlgah davah??!hahah
    anywayz! . .galing mu!
    supalpal tlga c bumbyble dun! . .wahahahah

    ang galing tlgah ng author nito! . .hahah
    diz is da one of my favorite story here in top!🙂

    {salute}😉

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 31, 2012, 10:28 umaga
  8. Buti si joanna ang nanalo

    Posted by blueboy | Pebrero 2, 2012, 4:36 umaga
  9. congratulations to Riana!
    palaban ka talaga

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 9:37 umaga
  10. hahaha…
    nice one Rania…🙂
    kwwa c bumby…😛

    Posted by Riza Responde | Enero 8, 2012, 2:37 hapon
  11. hahahha nice story! unique…=D

    Posted by rioangela | Nobyembre 10, 2010, 11:38 hapon
  12. ahahahaaha^_^ d ko pa natatpos tung chapter n to napilitan k lng agad magcomment kc natatawa ko kay emma ng
    kausapin din xa n adam ng spanish ahahhahaha..^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^…

    Posted by nime | Abril 15, 2010, 4:37 hapon
  13. .ang yabang nmn ng gf ni papa adam!..grabe..,

    ..but i like ranias guts and confidence!.,hehe

    Posted by yvonne | Abril 1, 2010, 7:22 hapon
  14. cute…ngspanish c rania…
    kya lng lgot, ngspanish din c adam..
    pero ang gling alam nia ung Schadenfreude..
    i2 nmng epal n c bumby pagreek-greek word p mli nmn..
    jejejeje

    Posted by gethsemane | Pebrero 22, 2010, 7:02 hapon
  15. i like she move it move it^^
    hakhak!!!!

    Posted by jenny09 | Pebrero 2, 2010, 1:20 hapon
  16. muy buena.._^_^

    Posted by benign_love | Enero 30, 2010, 8:42 umaga
  17. ganda2,rainbow.. akin na c fafa adam ah…wla pang nag mamay- ari sa knya kya akin na xa,ate nitz,glo at senti.. akin na c adam..nxt chapter na..thanks..godbless and takecare

    Posted by krizia | Enero 29, 2010, 5:00 hapon
  18. ganda2,rainbow.. akin na c fafa adam ah…wla pang nag mamay- ari sa knya kya akin na xa,ate nitz,glo at senti.. akin na c adam..nxt chapter na..thanks..godbless,rainbow//

    Posted by krizia | Enero 29, 2010, 4:59 hapon
  19. nice one! masaya!🙂

    Posted by Calla Lily | Enero 28, 2010, 11:59 hapon
  20. I LIKE THIS!!!!!!!!!!!!!!!! as in… !!!!!

    Posted by sweetypink | Enero 28, 2010, 9:33 hapon
  21. ANG GANDA NAMN NG STORY ..NAALALA KO TULOY ANG KABARKADA NAMIN NA BADING…NAKAKABADING KSAMA HAHAHAH…..

    Posted by leu | Enero 28, 2010, 3:50 hapon
  22. ganda tlga… sobra… sna may sunod n agad.. tnx po..

    Posted by MsIvy | Enero 28, 2010, 8:20 umaga
  23. NICE STORY, NEXT CHAPTER PLS.

    Posted by Vil8nel | Enero 28, 2010, 8:17 umaga
  24. nice one! i’m hooked…😀 can’t wait for chap 4!

    Posted by irresistible | Enero 27, 2010, 10:08 hapon
  25. HEHEH.. ganda naman nung story.. as in sobrang nice… buong time na nagbabasa ako nakangiti lngg… hahah.. keep up the gud work.. next chapter pleas!!!!!!!!1

    Posted by kris3515 | Enero 27, 2010, 8:32 hapon
  26. hehehehe.. katuwa nman c rania…….. nagiging exciting na mga chapter.. hehehhe.. gus2 kna makilala c adam.. dmi ng-uunahan eh.. c kriz knya na dw.. sbi ko ky senti gus2 ko mna mkilala.. ahahhaha..

    thanks mira.. ganda.. next chapter na pls.. hehehehe.. ingatz

    Posted by sjyo_0208 | Enero 27, 2010, 2:31 hapon
  27. wow!…super ganda talaga!……pati ako nate tense sa ka-tralalahan ni emma darna! can’t wait for the next chap!…….

    Posted by senti | Enero 27, 2010, 2:22 hapon
  28. ang galing nman… nxt chapter nah…. hay knabahan ulit aq dun s tnung s knia… whew! nice

    Posted by blankita_08 | Enero 27, 2010, 1:39 hapon
  29. hayyy next na po..

    Posted by eizzy | Enero 27, 2010, 12:50 hapon
  30. hahahahhah… cute nman… trip lang talaga nya..

    baliw talga din 2 c rania..

    gudluck mariluna

    Posted by glory2me | Enero 27, 2010, 9:08 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2010
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: