binabasa mo ang...
Kamandag ng Pag-ibig

Kamandag ng Pag-ibig – 2

Tatlong gabing pagsasanay para sa blockings ng pageant ang ginawa ng choreographer. Nagpasalamat si Rania na hindi masyadong mahirap ang steps ng kanilang production number. Pagsasayaw talaga ang pinaka-ayaw niya sa beauty pageants. Hindi niya alam kung bakit at kahit anong pilit ang pagsasanay niyang gawin para matutong sumayaw hindi niya magaya ang gracefulness ng mga taong mahilig sumayaw.

Sa duration ng kanilang practice pinilit niyang huwag masyadong maki-join sa ibang mga kandidatang baklita. Baka makahalata ng mga ito na isa siyang tunay na babae. Natatawa siya sa sarili sa kanyang ayos. Siguradong sa gabi ng pageant mas lalo pang i-exaggerate ni Sunshine ang kanyang make-up at costumes.

“You’re a very beautiful gay,Emma Darna. “wika ng isa sa mga bading na organizer habang niligpit nito ang mga gamit sa mesa. Ngumiti siya at kinabahang sumagot na pinaliit ang boses. “Thank you & to the modern technology nowadays. Miracles are no longer impossible.”aniya.

Lalong lumapad ang ngiti ng organizer na bading. Umupo ito sa katabing upuan. “You’re right but you need millions to do it. Si Joanna gumasta diumano ng halos five million pesos para sa kanyang over-all retoke.”

Inilapit ng bading ang bibig nito sa kanyang kanang tainga. “Atin-atin lang ito ha. Iyang si Joanna ay sobrang pangit noong pipitsuging bading pa iyan na gumagala sa Quiapo at nagtitinda ng lanzones. Dati pa iyang miyembro ng sindikato. Sinuwerte nagustuhan ng milyonaryong hapon na ang balita ay nilason nito at napunta sa kanya ang ari-arian.”

Tumango si Rania at lihim na tinapunan ng tingin ang operadang si Joanna na laging nakapamaypay. Sa ayos nito ngayon hindi mo halos kakitaan ng bakas ng kapangitan. Sobrang kinis ang kutis , perpekto ang ilong, malaki ang boobs at hindi nga lang perfect ang balakang. Nagkamali pala s’ya ng akala na hindi magaling ang doctor na nag-opera nito. Kung pangit ito noon, pwes genius ang doctor na nag-opera rito.

“Everybody lapit dito for the final instructions.”Sigaw ng babaeng organizer. Nagsilapitan naman ang mga kandidata at ang kanilang mga make-up artists. Panay ang sulyap ng ibang bading kay Rania na kanya namang nginitian. Bakas sa mukha ng mga ito ang paghanga at inggit. Wish lang n’ya hindi mahalata ng mga ito na isa s’yang tunay na babae.

Si Sunshine ang nag take down sa instructions ng organizer. Hindi namalayan ni Rania na tapos na ang announcement at nag- good night na pala ang mga ito. Kinalabit s’ya ng organizer na naka-usap n’ya kanina. “Goodluck for tomorrow darling. By the way I’m Gyle hindi ko pala nasabi name ko kanina sa ating munting chit-chat.”anito at inilahad ang kamay na buong akala ni Rania ay makipag-shakehands ito pero beso-beso pala.

“Thanks Gyle. Goodnight.”Nilapitan niya si Sunshine na nakipag-chikahan sa ibang mga bading. Ngumiti ang mga ito nangg makalapit na s’ya. Ipinakilala s’ya ni Sunshine ngunit hindi talaga n’ya nabigyan ng pansin ang mga pangalan ng mga ito maliban ang kay Joanna Mendoza. Hindi sila nagkalayo sa edad at kilos. Kunwari de numero ang kanilang mga kilos kahit ang pagngiti at pagsasalita.

“By the way one of the judges is Bumby Lorenzo.”Saad ni Joanna na nakataas ang kilay. Napansin n’ya ang disappointment sa mukha ng mga bading na sabay yatang rumehistro. “I hate her. Hindi ko pa nakalimutan ang question niya sa akin last year ha. What is the French word of fame? She’s a pain in the neck.”Sabat ni Sunshine.

Nang lulan na sila ng taxi tinanong niya si Sunshine. “Sino si Bumby Lorenzo Madam?”

“Haaay nako isang fashion designer na sobrang ‘feeler’. Hindi naman kagandahan. But then her family is mega rich. Congresswoman ang mommy niya. Lagi siyang kinuha bilang judge sa mga beauty contests. Tralala kung magtanong. Laging far-out but nevermind I’m confident you can handle her.”

Kinabukasan maaga silang dumating sa dressing room. Nagkagulo na ang lahat. Sigawan doon, tawanan dito. Those noise were part of the thrill. Ang kaibahan nga lang naging conscious siya sa kanyang mga pagkilos this time. Maingat na maingat siyang nagbihis para sa production number. Kahit may boobs din ang ibang mga kandidata siyempre dahil tunay ang sa kanya kaya medyo asiwa siya.

Narinig nilang tapos na ang doxology at pambansang awit. Isa-isa ng ini-introduce ang mga judges ng host. Kahit papaano natuwa siya dahil hindi chairwoman si Bumby Lorenzo. Na hindi pa man niya nakita ay kinaiinisan na rin niya. Siguro naki-join na rin siya sa feeling ni Sunshine at ng ibang mga bading na inis rito.

“… and now ladies & gentlemen, let us welcome our candidates for Reyna de Mayo 2008 in their production number!”sigaw ng host at hindi magkamayaw ang sigawan ng mga tao. Biglang nanginig ang tuhod ni Rania. Tumindig ang kanyang mga balahibo at para siyang maiihi. Kahit talaga gaano na niya ka-beterana sa beauty contests every pageant was still as exciting as the first one at hindi maiwasang kabahan.

“Goodluck!”sigawan ng mga make-up artists. The music started, hudyat na maglabasan na ang walong candidates vying for the title. Nasa stage na sila at hanggang tainga ang ngiti ni Rania. Sigurado siyang walang makakilala sa kanya at comfortable din ang kanyang costume. Fairy ang concept ng kanilang production number at pinili nila ni Sunshine na maging fairy s’ya ng mga alien. Isang napakagandang alien. Wearing a tiny silver colored tube & short. Hindi n’ya inales ang anklet nyang pure platinum. Bigay iyon ng amo niyang babae. May mga swarovski crystal ang anklet kung kaya’t kumikinang ito kapag nadaanan ng ilaw.

Hindi matigil-tigil ang sigawan ng mga tao nang rumampa ang walong candidates. No.8 si Rania kaya siya ang pinakahuli. It was her turn to introduce herself to the audience. Ikunumpas n’ya ang kanyang props na hawak, ang ‘magic wand’ at dahil napuno iyon ng silverdas inilipad ng hangin ang mga silverdas. “Awwwwwwww!”sabayan ng crowd na lalong ikinangiti ni Rania.

Inilapit n’ya ang bibig sa microphone at of course inaninag ang mukha ng mga judges. She pose for a moment nang mamataan ang seryosong mukha ng lalaking judge na nasa pinakagitna. Malamang ito ang chairman. Nakangiti ang mga tavulators at kahit ang dalawang judges na hindi n’ya alam kung sino si Bumby Lorenzo pulos ito babae pero duda s’yang transvestite ang isa.

“Emma Darna wants to rock your world and I’m the fairy of Planet 11!”sinabayan n’ya ng pagtaas ng dalawang kamay.

Naghiyawan ang mga audience. “Idoooolll!!!”sigaw ng grupo ng mga kalalakihan sa pinakahulihang bahagi ng bleachers. Nag-flying kiss s’ya sa mga ito at lalong lumakas ang hiyawan. Pasimple s’yang nag-exit at kahit nasa backstage na s’ya hindi pa rin matapos-tapos ang sigawan ng mga tao.

Nagsalita ang emcee habang nagkagulo sa dressing room para sa swimwear competition. Malakas na binasa ng isa sa mga bading doon ang mga criteria na hindi rumehistro sa kanyang utak. The face of that one judge disturbed her. He seemed unhappy, annoyed & oh yeah he got a naughty eyes.

“I like your effect on stage ma’am.”Si Sunshine na nag-spray ng konting tubig sa kanyang buhok. “Ang mga tao ay hindi makapaniwalang you’re a gay! Ahahahay dhoooy!”nag-grind pa ito habang inayusan siya.

Lumapit sa kanila si Joanna Mendoza. Nakangiti ito at obvious na sobrang confident ito sa suot nitong 2-piece swimsuit na halos band-aid sa liit ang harapan. “I like your legs. Mine kasi masyadong masculado dahil laging naka-heels. Mabuti ikaw at girlash talaga ang legs.”Sabi nito na hinimas pa ang kanyang binti. Lihim na nagkatinginan sila ni Sunshine sa malaking mirror.

Rania smiled nervously. Joanna seemed nice afterall. Problema lang ang pambobola ay isa sa mga bagay sa mundo na pinaka-ayaw niya. Flattering living things was like fooling and lying to them. But she should return the ‘favor’ anyway. Joanna have many nice parts although most of it were result of multiple surgeries.

“You’re a beauty yourself Joanna. Your legs may not be perfect but gosh, your eyes,lips,nose & even your eyeballs,they are all beyond perfection. I won’t mind being your runner-up.”ibinulong niya ang huling sentence.

Joanna’s eyes sparked with pride. Ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis at paniwalang-paniwala sa kanyang mga sinabi. “Well what can I say new friends, Sunshine & dearette?”wika ni Joanna. Sincerity ang naaninag ni Rania sa mga mata nito. Lihim tuloy s’yang nakonsensya. Niyakap s’ya ni Joanna bago ito umupo uli. Pasimpleng tinapos ni Sunshine ang kanyang make-up and she was ready for the swimwear competition.

While she ramped for the swimwear competition, she felt naked. Her swimwear was not as revealing like the other’s candidates were wearing. It was styled like a two-piece but connected by rhinestone hardware rings and an adjustable goldtone chain with rhinestone-studded goldtone kitty charm. The straps tie at the back of her neck and hook at midback. Saka pinatungan ng sarong. Simple at hindi masyadong vulgar.

Nagpapasalamat siya at hindi supply from the organizer ang susuotin nila sa pageant. May guidelines nga lang, as long may suot ang mga bading okay lang. It made sense though dahil paano kung hindi babagay sa candidate ang design na gustong ipapasuot ng organizer?

Biglang nangatog ang kanyang mga tuhod nang mapansing nanunuot na yata hanggang sa kanyang atay ang titig ng lalaking judge. Napansin niyang panay naman ang sulyap ng dalawang judges rito. She can only saw his face clearly through the little light na nagmula sa lampara na nasa mesa nito. Mukhang galit itong nakatingin sa kanya.

Pilit niyang ini-ignore ang presence ng lalaking judge at smile lang s’ya ng smile while she walked elegantly. Hinubad n’ya ang cover-up o sarong. Naiiling ang video man. Ngumiti ito sa kanya at napalatak ng “sayang naman oh”. Mas lalo s’yang nangiti nang magsigawan na naman ang mga tao at ang mga bading na nasa gilid ng stage.

“Golly parang walang testicles!”sigaw ng isa sa mga bading na ikinatawa ng mga nakarinig. Ayon kay Sunshine hindi siya voluptous body but she had a different aura that made her feel the prettiest and it reflected the way she carry herself. Pero katabi ng adversaries niyang mga bading at tunay na may mga testicles she was a goddess. Iba’t-ibang sigawan. May nagsipulan at sumigaw ng ‘idol, at I love you!

Lalong ginanahan si Rania sa paglakad at pag-kembot ng kanyang mga balakang. Kahit ang emcee na parang may tinago yatang kabadingan nagniningning ang mga mata habang pinanood sila.

“Ladies please give us a full-turn, now.”wika ng host at sabay namang nag-ikot at nag-pose ang mga candidates. Palakpakan uli ang mga tao. “Now it is time that we’ll give some awards. Let’s start for Ms. Friendship. She was voted by the organizers and will receive a sash & a giftcard from Argentum. The best ointment na pamatay fungi!”nagkatawanan ang mga tao at naki-smile lang of course ang mga candidates. Wala naman talagang pakialam ang mga candidates kahit sino pa ang sponsor. “Who’s your bet?”tanong ng host. Syempre pa sigawan ang crowd sa numero ng kanilang mga manok.

Pero may mga nagsipagtawanan lang. Hindi mawawala ang mga rude audiences sa mga ganitong shows kahit pa nga sa mga variety shows sa tv. “Sa no. 1 iyan kasi mukhang fungi!”sigaw ng isang lalaki sabay sipul. Hindi iyon pinansin ng emcee. May iilang bantay patrol ang lumapit rito. Pinagsabihan marahil na huwag masyadong magulo pero hindi na pansin iyon ng mga tao. Nakatutok ang kanilang atensyon sa susunod na sasabihin ng host.

“Well, Candidate No. 3 is Reyna de Mayo Ms. Friendship. Joanna Mendoza!”Palakpakan ang mga tao lalo na ang grupo na kinabibilangan ng mga alalay ni Joanna. Exaggerated na humawak si Joanna sa kanyang mga pisngi at kunwari shock na shock. Rumampa ito sa gitna ng entablado para tanggapin ang award at kumaway.

“Argentum para sa may mabahong paa!”sigaw na naman ng isang audience. Sa laki ng boses ng sumigaw narinig talaga ng lahat.

“Yes pampaputi rin ng kili-kili ang argentum buddy.”Sabi na lamang ng host. “And now for our Best in Production no.”hindi pa nakatapos ang emcee everybody were already shouting, “Emma Darna!!! Emma Darna!, No. 8!!!”hindi magkamayaw ang mga bading na nasa gilid ng stage. Lalo na si Sunshine, halos lumabas ang eyeballs nito sa kasisigaw ng numero ni Rania.

“Perfect guess! Ms. Emma Darna is our Best in Production number!”lalong sumigabo ang palakpakan at sipulan. Rania expected it already sa totoo lang pero kailangan n’yang gayahin ang reaksyon ng mostly sa mga candidates na surprise diumano na names nila ang tinawag for the certain award. “She’ll receive a cash & a trophy courtesy of Vulhot motors. Basta motor vulhot!”saad pa ng host.

Nag-chanting na ang mga audience ng a.k.a ni Rania. While she was busy searching the face of that judge again. Titig na titig pa rin ito sa kanya habang parang model ng 500 pesos bill. Nangiti lalo si Rania dahil naisip n’ya na baka ipinagmayabang nito ang relos. Kahit nakadistansya s’ya rito maaninag ang kinang ng relong suot ng judge. Hindi n’ya alam kung gold ba iyon o silver pero malaki ito sa karaniwan at paminsan-minsan sumulyap doon ang gwapong judge tapos iiling at titingin uli sa stage.

After she received her award pinag-exit na sila ng emcee. When they came back, evening gown competition na at doon din sasabihin ang Best in Swimwear at ang pag-announce ng magic 3. So far smooth naman ang daloy ng pageant. Wala talagang nakakapansin na si Emma Darna ay isang tunay na eba.

Nagkakagulo na naman sa dressing room. Kinamayan s’ya ng mga bading na make-up artists at mga alalay. Nilapitan din s’ya ni Joanna para i-congratulate. Naging sentro silang dalawa ng atensyon. Mas lalo s’ya ngayong tinitigan ng mga bading sa dressing room at mas curious ang titig ng mga ito. She was very nervous and felt so alive at the same time. Maliban that she was bothered by the way that judge looked at her. His eyes told something that she didn’t know. Those gazed made her heart trembled.

Nakabihis na sila para sa evening gown competition. She was wearing a long ivory stretch matte jersey halter gown that has a gold-beaded triple-diamond appliqué on the rouched bodice, a front slit and a back zipper. Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Lumitaw ang kanyang features bilang tunay na babae.

Kakatwa ang sitwasyon n’ya. Parang naiinis na s’ya sa isipin na napagkamalan talaga s’yang bakla kahit pa man sabi ng mga ito she was almost so much of a woman. Naiiling s’ya at kinuha ang bote ng mineral water na may straw. Nariring n’yang nag-uusap ang mga bading tungkol sa mga judges. Nakikinig lamang s’ya.

Sa totoo lang napagod din s’ya sa kanyang ginawa ngayon. To act, smile & speak like a true gay was no easy. Gustong-gusto n’yang makihalubilo sa mga ito pero kailangan n’yang maingat sa kanyang pagsasalita at pagkilos. Mahirap na kung ngayon pa mabuking na s’ya ay tunay na eba.

“Naku, Adam is so handsome with his barong tagalog.”Kinikilig na sabi ng isang bading sa kampo ni Joanna.

“Ewan ko lang kung anong nakita n’ya kay Bumby at ito pa ang napili n’yang maging gf.”Sagot naman ng isa ring bading sa kampo ng no. 4 na candidate.

Kinalabit n’ya si Sunshine. “Madam, alin sa mga judges doon ang pinag-uusapan nila?”bulong tanong n’ya rito. Kahit may ideya na s’ya kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Nag-iisa lang naman ang tunay na lalaking judge doon ah.

Pabulong namang sumagot si Sunshine. “Iyong kaisa-isang gwapo sa hanay ng mga judges iyon si Adam Cartallejo. Kita mo na hindi pretty si Bumby?”Tumango si Rania.

“May I have your attention everybody.”Sigaw ni Joanna at nagsipagtahimik naman ang lahat. “This contest is for fun. Walang samaan ng loob whoever would be the winner. Now we all knew that Bumby is a pain in the neck pero ang nobyo n’yang si Adam na sobra kong crush at parang bago ang relo, ay mas matindi daw ang topak. Kung napansin n’yo kahit nagsusulat ng score namin naka-ninoy aquino.”

Tawanan ang mga bading. “Pero minsan na itong naging judge ng Beauty Pageant sa Mindanao. Isa pala itong software engineer. Pero ang klase ng tanong na itatanong nito ay minsan related sa computer software. Preliminary interview sa Ms. Teen Mindanao was, what is html ? Sobrang na-tsule ang tinanong na shondidata kaya that’s why magkasundo sila ni Bumby in that aspect. Pero hindi tayo mangungulelat sa interview sino man ang masali sa top 3. Goodluck to all.”At nag-apiran ang mga bading.

“Go, fight, win ladies!”sigaw ni Sunshine. Hinarap s’ya nito pagkatapos. “Bring home the bacon ma’am. You are so lovely. At dahil nakuha mo ang production number surely pasok ka na sa magic 3 dahil major award iyon. Kaya nasa iyo if you want to get the crown. Go na dahil call na kayo ng host.”

Medyo natahimik ang paligid ng lumabas ang mga candidates in their evening gown attire maliban sa mahinang palakpak. Siguro nadala sa saliw ng awiting Soledad ng Westlife. Pagkatapos ng serenade ng isang baguhang singer nagsimula na namang nagsigawan ang mga tao. May sigawan portion nang umawit ang singer at humawak sa kamay ng mga kandidata but when he tried to kiss Rania sumenyas ang huli ng no at hindi naman ipinagpatuloy ng singer.

“Okay Ladies & gentlemen that’s Ryan Cruz the next singing sensation!”anuns’yo ng host. “And now, we’ll award our Best in Swimwear and give some minor awards. We’ll begin at Ms. Aloe Vera Lotion.”naghiyawan na naman ang mga tao ngunit ang atensyon ni Rania sa mga sandaling iyon ay nasa judge na si Mr. Adam Cartallejo. Ngumiti ito sa nobyang si Bumby at gumanti rin ng matamis na ngiti si Bumby. Na nagpainis sa kanya sa hindi malamang dahilan. Nalimutan n’ya sandali na nasa entablado s’ya. Kaya nakakunot ang kanyang noo at nawala ang kanyang smile. Panay naman ang paalala ni Sunshine na nasa gilid ng stage na nagtatago sa likod ng soundbox ngunit parang walang narinig si Rania. Nawala s’ya saglit sa sarili. Kulang na lang batuhin s’ya ni Sunshine.

“Smile once again Sweetheart of the crowd because you are the Ms. Swimwear. Please step forward candidate number 8, Ms Emma Darna!”malakas na wika ng host na itinuro s’ya sa hawak nitong envelope. Noon lang s’ya naalimpungatan. Napatingin s’ya sa paligid na sa kanya rin nakatingin. Lumakad s’ya sa gitna ng stage at tinanggap ang award. She wondered na baka tinawag s’ya sa ibang minor awards pero hindi lang n’ya narinig dahil sa kung anu-anong iniisip sa lalaking judge.

Pasimple siyang lumingon sa ibang mga candidates nakita n’yang may sash ang bawat isa. Ikinatuwa n’ya iyon. At least walang na-zero sa kanila. Natigilan din s’ya nang maisip kung pumalakpak lang ba s’ya ng tanggapin ng mga ito ang kanilang shares of awards. Sinulyapan n’ya ang lugar na kinatatayuan ni Sunshine nakangiti ito ngunit sumenyas ito na plantsahin n’ya ang kunot ng kanyang noo.She smiled widely instantly. “Damn it Mr. Software man!”sabi ng kanyang isip nang tingnan uli si Adam na nakakunot-noo pa rin.

“Now ladies, this is the moment that I’ll announce the top three. And one of them will be our Reyna De Mayo 2008! Okay, without much ado here they are in no particular order. Come forward again Candidate number. 8 .”parang naputulan ng daliri ang crowd, kahit pa si Sunshine. Naglulukso ito sa tuwa at ibinuhos ang lakas sa pagpalakpak.

Rania’s reaction in that moment was real. She expected to be included in the top three for this competition but hearing her number being called was still different. Maraming beses na rin s’yang natalo sa mga beauty contest na babae ang mga kabangga n’ya noon. To taste the victory again even if it was not really her ‘field’ fulfilled her weirdest dream.

“You are in Candidate no. 6 Ms. Joanna Mendoza! Of course to complete the magic 3, please join in Candidate No.5 !”nagtambulan ang mga tao. Naawa si Rania sa limang nagsipag-exit. Naisip n’ya kung hindi s’ya sumali malamang isa sa mga iyon ang nasa pwesto n’ya ngayon. Pero saka na n’ya isipin uli iyon. Kailangan lubusin na n’ya ang pagganap sa papel ni Emma Darna.

Talakayan

21 thoughts on “Kamandag ng Pag-ibig – 2

  1. nakakbtin

    Posted by leajane | Hulyo 9, 2014, 3:21 hapon
  2. Ayos….haha

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 20, 2014, 11:55 hapon
  3. MANDARAYA LANG

    Posted by knic | Pebrero 26, 2013, 4:39 hapon
  4. hahaha kaloka

    Posted by jjhuls | Nobyembre 29, 2012, 5:06 hapon
  5. hai nku. . .nkaka amuse talaga. . Happy Birthday!!! :)XD

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 2:13 hapon
  6. hahah! . .grabe nkakatawa tlgah! . .

    hmmm. .adam is so interesting men hahah!
    Like it! panu kaya cla mgkakakila2 ni rania?
    bading ba xa or girlalush?
    hahah! . .grabe t0ng story na to! ;p

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 31, 2012, 9:58 umaga
  7. Baka kilala sya si adam kay ganun na lang king makatingin sa kanya

    Posted by bhengay | Enero 27, 2012, 8:25 hapon
  8. nakonsensya pa rin si Rania nang makapasok sya sa top 3…

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 8:55 umaga
  9. ganda tlga nito…🙂

    Posted by Riza Responde | Enero 8, 2012, 2:14 hapon
  10. hehehe..nice..

    Posted by Liv | Nobyembre 16, 2011, 9:10 hapon
  11. huh!!!
    d’ best ito…

    i love u rania…

    Posted by bhebz28 | Nobyembre 10, 2010, 11:07 umaga
  12. congrats kay rania…
    ky mr.software sana bwsn nia ang pgsimangot…
    jejejeje…gudlak

    Posted by gethsemane | Pebrero 22, 2010, 6:52 hapon
  13. wew!!!
    2da highest lvl na2^^
    kakatuwa^^

    Posted by jenny09 | Pebrero 2, 2010, 1:06 hapon
  14. grabe.. kakaloka naman ito!!!!!!!!!! Go Miraluna…

    Posted by Clay | Enero 27, 2010, 1:53 hapon
  15. grave pwang aq knkbahan 2wing mgaannounce ung emcee ng winners haha… great story! congrats ke rania a.k.a. EMMA DARNA

    Posted by blankita_08 | Enero 27, 2010, 1:29 hapon
  16. hahah ang ganda ganda…

    Posted by eizzy | Enero 27, 2010, 12:27 hapon
  17. kaloka! exciting…!
    keep it up… go go go to chap 3!

    Posted by irresistible | Enero 27, 2010, 5:18 umaga
  18. hay……galing naman! sobrng ganda!….

    Posted by senti | Enero 26, 2010, 1:00 umaga
  19. hehehhe..mira prang nadouble ung type ng story.. hehehhe.. kya pla sobrang haba..

    thanks mira.. next chapter na pls.. gus2 kna magkakilala c adam at rania.. ahahahha.. (atat)…

    Posted by sjyo_0208 | Enero 26, 2010, 12:01 umaga
  20. nice..kelan ang next posting?

    Posted by pakats | Enero 24, 2010, 2:31 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2010
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: