binabasa mo ang...
Kamandag ng Pag-ibig

Kamandag ng Pag-ibig – 1

Malakas ang pagkatok ni Rania sa pinto ng apartment ng kanyang bestfriend na bading na si Sunshine. Naglalaro ang ngiti sa kanyang mga labi. Tiyak n’yang masosorpresa ito ng husto pag makita s’ya. Kahapon s’ya dumating sa Maynila. Una s’yang nagtrabaho sa Hongkong bilang tutor at nanny.

Nang mag-expired ang 2 years contract n’ya nakatakda na sana s’yang umuwi sa Pilipinas kaso nang sabihin ng kanyang mga amu na mag-migrate ang mga ito sa Canada at willing ba s’yang sasama, umuo agad s’ya. Imbes na umuwi inilaan n’ya ang panahon para ihanda ang kanyang mga papeles. Naging praktikal na lang s’ya kahit miss na miss na n’ya ang pamilya. At least nakatulong s’ya na igapang ang pag-aaral ng dalawa n’yang kapatid.

At the age of 27, she was actually eager to meet the man that God had choosen for her. Marami rin ang nanligaw sa kanya sa Canada. May Pinoy at Canadian. Ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakapag-paibig sa kanya. Iniiwasan n’ya ang mga lalaki na agresibo. Pagdating sa pananaw sa sex, pinaiiral pa rin n’ya ang pagiging dalagang pilipina. She always wanted to have her first with her soulmate.

Pupungas-pungas si Sonny Boy a.k.a Sunshine nang buksan ang pinto. Halatang kagigising lang nito. Sabagay alas-sais pa lang ng umaga at dahil mahilig itong gumimik sa gabi madalas na napupuyat. Nanlaki ang mga mata ng bading sabay ang pagsigaw nang mabuksan nito ang pinto. “Rania!”at nagtitili ito habang niyakap siya. Gumanti din ng yakap si Rania.

“Open the door wider, let me in!”sabi n’ya. Nagkakandakahog ang bading at nahulog pa ang malong na s’yang ibinalot sa katawan. Pagkapasok, umupo si Rania at tiningnan ang kaibigan na hindi alam ang sasabihin o gagawin.

Nagkatinginan sila uli at kapwa humagalpak ng tawa. “Goodness after 4 years pilya ka pa rin Rania. Tumawag ka sa akin last week pero hindi mo man lang binanggit na uuwi ka!”nakangiting saad ni Sunshine. ( Malaking gulo kung Sonny Boy ang itawag mo sa kaniya🙂

“How about you’ll take a bath first kasi awkward iyang ayos mo eh.”Suhestiyon ni Rania. Tumayo ang bading at namaywang. “Ok manood ka muna ng tv. Entertain yourself. Are you hungry?” Umiling si Rania. Kinurot nito ang kanyang pisngi bago pakembot na pumasok sa banyo.

Hindi nakaramdam ng gutom si Rania. Binuksan na lang n’ya ang tv at naghanap ng news channel. How she missed doing it. Wala silang TFC sa Canada at nahihiya naman s’yang magsabi sa mga amu. Kaya sa internet na lang s’ya nakibalita.

Madaling nakabalik ang bading na bagong ligo. Alam naman n’yang automatic ito sa pagbihis kahit hindi nakalimutan ang kilay at make-up. Tatalunin ang kanyang kilay sa arko ng kilay ni Sunshine. Humagikgik s’ya nang umupo at nag de-kuwatro ito. Itinaas ang mga kilay, pinasingkit ang mga mata at pa-sexy na binuka ang mga labi. Naging mannerism na iyon ng bading na naaaliw n’yang tingnan.

Tapos ng Computer Science si Sunshine. Naging kaklase n’ya ito sa college sa iilang minor subjects. Minsang nag-shift ito ng automotive sa dahilang maraming lalaki ang naturang vocational course kaya naging six years ito sa college. Minsang pina-drawing ito ng makina ng automotive instructor, kilay ang iginuhit ni Sunshine. Kaya nagsumbong ang instructor sa Dean at pinag-shift ito ng Computer Science.

“I still can’t believe na nandito ka na uli.”

“Life is full of surprises masanay ka na.”at binuksan ni Rania ang maleta at ibinigay ang paperbag na may lamang mga make-up, pabango at chocolates. Ini-abot n’ya ito sa bading. “Aba may suburno!”Agad hinalungkat ng bading ang mga laman.

Nakahiligan n’ya ang pagsali sa mga beauty pageants at si Sunshine ang naging official make-up artist n’ya. Nagustuhan n’ya ang trato nito sa kanya. Marami kasi sa ibang make-up artist at ‘handler’ na ini-exploit ang kanilang mga kandidata. Marami sa mga naging kasamahan n’ya sa beauty pageants lalo na ang mga nagsipag-reyna ang napaburara dahil sa impluwensya ng kanilang mga ‘handlers’.

Pero s’ya at Sunshine wala sa agenda nila ang ganoon. Sumali lang s’ya sa mga beauty pageants para mag-enjoy. She loves the feeling of being on stage. Naging bahagi na iyon ng kanyang high school at college life.

“Thank you ma’am. Lagi ka talagang the best. Pero kailan ka dumating? Sinong kasama mo? Woooi baka may Canadian ka sa hotel room, pwedeng pa-borrow?”tinampal nito ang kanyang hita.

“Chareng! Wala akong lalaking kasama noh. I’ll never do that maybe sa sunod kong uwi.”At kinindatan n’ya ito.

“Gawin mong dalawa para isa sa akin.”Biro naman nito.

“I arrived yesterday. Hindi alam ng family ko nandito na ako. I’m on vacation for one month. Sobra akong excited madam sa aking unang bakasyon sa trabaho.”Madam at ma’am ang naging tawagan nila week later ng una nilang pagkakilala.

“I’m sure! Salamat at dumalaw ka muna sa akin bago ka tutuloy ng Mindanao. Flattered talaga ako ma’am.”Sabi ni Sunshine.

Sumeryoso ang mukha ni Rania nang magsalita s’yang muli.

“May mahalaga akong gagawin while I’m here with you.”

Sunshine looked at her in confusion. “You mean you’ll stay with me longer than 24 hours?”Obvious na ikinatuwa iyon ng bading.

“Yes I am. Maybe a week or so. Am I welcome?”nakangiti niyang tanong/

“Of course you are! Mag-iisip ako ng gimik para may magagawa tayo together while you are here.” bakas ang tuwa sa mga mata ni Sunshine. Ilang segundo lang pinitik ng bading ang daliri at itinuro sa kanya.”How about sasali na naman tayo ng beauty pageant. Tamang-tama may—“Naputol ang sunod na sasabihin nito nang sumagot si Rania.

“Yup! Nag-research ako and I found out na may beauty contest sa Parañaque. I want to join Reyna de Mayo!”saad niya at masusing tiningnan ang reaksiyon ng bakla.

Kumunot ang noo ni Sunshine. “Ms. Gay iyon ma’am. Para sa mga bakla.”Idiniin nito ang bakla sakaling lumampas iyon sa bumbunan ni Rania. “Sinalihan ko iyan last year as you knew na-tsugi ako. Sasali tayo sa Hara ng Batangas!”Pang-eengganyo ng bakla.

Pasimpleng umiling at ngumiti si Rania. Ngiting kilala ni Erica. That was Rania’s your-not-getting-it-smile. Umiling din si Erica. Parang nagkaroon na ito ng ideya sa gusto n’yang gawin. Inuhan uli ni Rania ang bading bago pa makapagsalita.

“I’ll join Reyna de Mayo. Alam kong Ms. Gay iyon. Ako bilang si Emma Darna at ikaw ang maging make-up artist ko of course. Tonight is the screening at pupunta tayo!”tumayo s’ya at nag-pose na ala Ms. Universe. Natahimik at malalim na nag-isip si . Kilala n’ya si Rania, marami itong ka-wirduhan sa utak. Weird is Rania’s ‘middle name’. Presidente ng kanilang university nito naluluha sa katatawa sa weird actions ng dalaga when she joined their university’s beauty contest. Hindi nanalo si Rania sa pageant na iyon. Pero ang pagsali sa Ms. Gay? Paano ito naisipan ni Rania?

“Makinig ka sa akin Rania. Hindi pwede ang gusto mong gawin. Come on girl, it’s not your field. I mean para sa mga bading ang Reyna de Mayo. Isa pa, narinig kong sasali si Joanna Mendoza. Iyong bading na may asawang hapon. Transsexual na dating drag queen. Hindi ito patatalo. Don’t mess up with it. It’s nonsense “Sunshine explained truthfully.

Pero lalo lamang nakita nito ang determinasyon sa mukha ni Rania. “I just want to have another weird but blasting experience. Pwede nating sabihin na operada rin ako tulad ng Joanna Mendoza na iyan. Pupunta tayo sa screening tonight at walang makapagpigil sa akin. Think of the fun will be having madam! Think of it, I’ll play the role of a gay. And it is not nonsense. “kumikinang ang mga mata ni Rania.

Sunud-sunod ang buntong-hininga ni Sunshine. Kinakabahan ito sa gustong gawin ni Rania. Baka sumablay at mahalata ng mga kaibigan n’yang bading na isang tunay na babae ang kanyang candidate. Tiyak na magagalit ang mga ito lalo na kung manalo pa si Rania sa Ms. Gay. S’ya ang lalabhan ng mga kaibigang baklita.

Sumeryoso ang mukha ng baklita. “Ma’am para na rin tayong mandaraya sa gagawin nating iyan. Ambisyon ito ng mga bading na gaya ko. May hindi makakasali na gustong sasali dahil sa iyong pagsali. No doubt makukuha ka sa screening and they only need 8 candidates. Hundreds malamang ang pupunta sa screening.”

Hindi man lang natinag si Rania sa himig-pakiusap nito. She had everything well planned.

“Sorry madam hindi mo ako makukuha sa famas na iyan. Look, most of the people in this business ay pera ang habol. Whatever the price I’ll get from it ang half ay sa iyo. Saka you are leaving Manila soon isn’t it? Hindi ka na matunton ng mga bading mong friends na hindi naman true friends if ever they’ll find out that I’m fake. So why worry?”

Tinabihan niya ito sa upuan at inakbayan. In her sweetest friendly voice she said, “I know that this is the weirdest idea I’ve ever come up with. But the promise of fun for doing this is frantically tempting. You know I can’t do this alone. I need you.”

Malaking challenge para sa kanya ang gawin ito. It has been her hidden desire to join Ms. Gay since she started joining beauty pageants. She didn’t know if she had some abnormalities. Pero kung hindi siya naging OFW malamang na impersonator siya ni John Lapus o kaya ni Pokwang. “You’re my friend, one of the best I have, but if you don’t really want to help me, I will understand. Nonetheles I’m determined to do it.”Rania explained earnestly.

Walang nagawa si Sunshine iyon ang magic words ni Rania. She’ll do it anyway with or without ‘her’. Sunshine always liked to be referred as she & her. Naisip na lang nito sa lahat namang beauty pageant mapa-Mr., Miss o Miss Gay ay may dayaan. Iba’t-iba ang gimik ng mga make-up artists, handlers, organizers at mga candidates.

Ang Reyna de Mayo ay isa lang pa contest para magsilbing entertainment sa mga tao at upang piliin ang pinaka-malanding bading hindi para piliin ang ambasaddress of goodwill. Sunshine sighed in resignation. “Ma’am ewan ko talaga sa iyo. Ilan bang beauty contest ang sinalihan mo at inilihim mo sa iyong pamilya ha? At sinu-sino bang pangalan ang dinala mo para hindi ka makilala ng iyong millions of relatives na nagkalat sa buong mundo? But you are a good contestant kahit sobrang tigas ng ulo mo. At may point this is only for fun. D vah?”saka pina-ikot ni Sunshine ang kanyang mga eyeballs.

Nag-apir sila at naghagikgikan. Wala silang sinayang na oras. Kumain sila ng agahan at inayusan ni Sunshine si Rania. Gusto ng huli na simulan niyang magkilos bakla paglabas nila sa apartment para mamili ng kakailanganin niya sa screening.

Nang nasa mall na sila si Rania ay isa ng magandang bakla sa ayos nito. Kahit gwardya ng mall nag-comment na napakagandang bakla niya. Nililingon sila ng mga tao. Ngiti lang ng ngiti si Rania ngunit sa totoo lang nagsimula na siyang kabahan pero pakiramdam din niya napaka-multi talented niyang tao.

Pagdating ng panahon ikukuwento niya ito sa mga kaibigan at sa magiging asawa niya. May lungkot na humaplos sa kanyang puso sa isiping iyon. Deep inside alam niyang naghahanap na siya sa tamang lalaking iibigin. Nakakasawa na rin ang pagiging single kaya lang, only God knows kung kailan niya makilala ang nasabing tunay na pag-ibig. Lagi niyang ini-imagine ang maging future Mr. Right niya. Syempre kailangan gwapo ito, neat manamit at financially stable. Pero halos lahat ng nanligaw niya sa Canada ay ganoon na. Pero bakit wala siyang maramdamang sparks of love? Admiration lang at ayaw niyang pakasal kung hindi rin lang true love.

Napansin ni Sunshine ang kanyang biglaang hindi pag-imik.
“Ano na, afraid? Pwede ka pang umatras, I won’t mind. “wika nito habang itinigil ang pag-arrange ng kanyang make-up kit.

Kumunot ang noo ni Rania. “What? No way. We’ll do it! This is no biggie. Hindi ako papatay ng tao noh, para kabahan. I’m just thinking about my Mr. Right.”Hiyang amin ni Rania.

Napa-bunghalit ng tawa si Sunshine at umaksyon itong babatukan siya ng suklay pero hangin ang dumampi sa kanyang bunbunan. “Chareng ka talaga Ma’am. H’wag mong isipin iyan may panahon ka pang manglandi o kaya ay mamikot.”

Kinatok ni Rania ang dresser. “Knock on wood! Never kong inisip na mamikot. Hindi baleng maging old maid.”Saka siya ngumuso.

“Gustong-gusto ko talaga ang projection mo kanina sa mall. No soul dares to disrespect you. Para rin silang nakakita ng bigating star ha. Di mo napansin kinunan ka pa ng larawan ng iba habang nasa scalator tayo. Bongga!”

Rania chuckled. “Alam mo parang nawili na yata akong magbading-badingan madam. Hindi ako head turner kung mag-ayos babae ako.”

“Heh, shodi (gay language ng hindi), mas maganda ka pa rin being Rania noh.”Seryosong saad nito. Hindi naman sa pagmamalaki may kakaiba naman talaga siyang appeal. She can dress well & astound people. Kahit ang amu niyang babae na sa edad 38 para pang beinte anyos kung mag-ayos ay bilib sa kanyang beauty. Maganda rin ito, in fact para sa kanya superb ang beauty nito. Pero hayagang sinabi nito na nagseselos ito sa kanyang simplicity pero striking personality. Ang klase daw ng ganda niya ay iyong hindi trying hard. Classic and pure.

Dakong alas siyete ng gabi nagsimula ang screening. Kayraming bading na talagang parang tunay na mga babae. Nakasuot siya ng maikling leather mini skirt na itim at boots na kulay itim rin at pulang tube top. Magaling ang pagka-make-up ni Sunshine sa kanya. Marami s’yang compliments na natanggap mula sa mga bading. Walang alam ang mga ito na tunay nga s’yang babae.

“Emma Darna?”tawag ng bading na tagalista. Itinaas niya ang kamay at muli napatingin sa kanya ang halos lahat na naroon. Tiningnan siya ng bading na tagalista at malapad itong ngumiti. “You’re next Emma Darna. ”

Ngumiti si Rania at kinindatan si Sunshine na nakataas ang leeg. Snob raw ang drama ng bading ngayong gabi para hindi raw ito kulitin ng mga kaibigang naroon tungkol sa kanya.

“Ikembot mo talaga ang pagwalk. Iyong itinuro ko sa iyong catwalk. Now go!”at inilalayan siya nitong tumayo.

Kinabahan si Rania nang nasa loob na siya ng screening room ngunit nakangiti pa rin siya ng ubod tamis. Nginitian naman siya ng tatlong screening committee. Lihim siyang nagpasalamat at dalawa sa mga ito ay babae.

Unang nagsalita ang naka-sombrerong bading. “You look great tonight.”

Lumunok siya ng laway bago sumagot. Lihim niyang panalangin na sana hindi sasabit ang boses niya. “Thanks to you. I love your hat!”sagot n’ya na simulan ng pawisan pero nagawa pa n’yang bolahin ang bading.”Goodness hindi pala ito sobrang simple.”bulong ng kanyang isip.

Ngumiti ang bading. “Galing ito sa Hawaii pasalubong ng isang friend.”sagot naman nito at sumunod na nagtanong ang babaeng kulay burgundy ang buhok. Lihim siyang nangiti. Hindi bumagay sa babae ang kulay ng buhok nito. She looked untidy.

Uminom muna ito ng soda bago nagsalita.”You’re such a pretty gay. Modern technology is really amazing. Saan ka nagpapa-opera?”prangka ngunit nakangiting tanong nito.

“Sa C-Canada.”pagsisinungaling niya. Pinalakad siya ng mga ito para tingnan marahil ang kanyang posture. Tumayo siya at lumakad naman. Sabay na nagtanguan ang tatlo. Obviously pumasa siya. It was really no surprise for her because honestly,she expected it.

Masaya siyang lumabas sa screening room at nakangiti rin si Sunshine na sumalubong sa kanya. Hawak na nito ang malaking abaniko na nakapwesto sa dibdib. May inggit ang mga tinging ipinukol ng mga bading na kanyang dinaanan. Kahit ang tinawag nilang Joanna Mendoza ay nakasimangot.

Nilagyan ng foam ni Erica ang kanyang bust at may padding ang kanyang mini-skirt. Nagmukha s’yang 36-24-36. Maraming nakapansin na babaeng-babae diumano ang kanyang braso at hita. Si Joanna ay maganda ring bading ngunit masyadong malaki ang boobs nito kaysa balakang. Sino mang doctor nagbigay ng operasyon nito ay hindi masyadong magaling.

Talakayan

29 thoughts on “Kamandag ng Pag-ibig – 1

  1. hahahah🙂 auz

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 1:52 hapon
  2. NYAHAHAHAHA

    Posted by knic | Pebrero 26, 2013, 4:03 hapon
  3. hahaha pasaway talaga

    Posted by jjhuls | Nobyembre 29, 2012, 5:03 hapon
  4. oh my gosh!ano talga ang nkain mo raina?

    Posted by mary grace villegas | Nobyembre 16, 2012, 7:28 hapon
  5. lol…. ayos to ah.. . . chosa. .

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 1:49 hapon
  6. hahahah!! . .kakatuwa tlagah! . . .
    Lakas ng trip ni rania aah?!!hahahah!
    Anu bang tinira mu rania?katol?!
    nyahahahahahah! . .;p

    nde nkakaboring bsahin tawa aque nang tawa!
    grabe! . .heheh =D

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 30, 2012, 7:33 hapon
  7. Next chapter nako yehey

    Posted by blueboy | Pebrero 2, 2012, 4:01 umaga
  8. Iba rin ang trip ni rania ah bading na bading hahaha

    Posted by bhengay | Enero 27, 2012, 8:08 hapon
  9. babae na nga nagbading badingan pa…wierd ka nga Rania

    Posted by maritel go teves | Enero 11, 2012, 11:28 hapon
  10. excited na akong matapos to,hahaha…
    nakakaloka c Rania…🙂

    Posted by Riza Responde | Enero 8, 2012, 1:45 hapon
  11. next chapter please…

    Posted by Liv | Nobyembre 16, 2011, 8:55 hapon
  12. gowra rania!😀

    Posted by maruchiko | Oktubre 23, 2011, 4:51 hapon
  13. ahahaha go rania.. kaya mo yan😛

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 21, 2010, 10:15 umaga
  14. ..nice stori… love it… ;))..

    Posted by mischale | Setyembre 17, 2010, 5:05 hapon
  15. ang saya nito..
    heheheee…

    Posted by sweet _anne | Agosto 27, 2010, 5:32 hapon
  16. nice…bading na bading..
    gudlak kay rania…

    Posted by gethsemane | Pebrero 22, 2010, 6:36 hapon
  17. what’s wrong with this chapter? bakit chapter 1 ulit, kala ko 6 nato?… pakiayos pls? thanks po!

    Posted by jane | Pebrero 7, 2010, 9:13 hapon
  18. panu babasahin chapter 6, bumabalik naman po sa 1.,

    Posted by blase | Pebrero 7, 2010, 7:05 hapon
  19. ok po yong story,ka abang- abang talaga… kaya lang po may problema yata sa chap 6, kc pag kinlik po un chap 6, bumabalik uli sa chap 1….thanks po..keep up the good work

    Posted by norman espulgar | Pebrero 7, 2010, 6:03 hapon
  20. Ms. Rainbow,
    un link po nung Kamandag ng Pagibig Chapter 6 bumabalik sa Chapter 1. bat ganun po?
    pagclick ko chap.6 chap.1 lumalabas.
    pls. check po di ko mabasa chp.6 po eh. thanks

    Posted by xerine | Pebrero 7, 2010, 9:24 umaga
  21. ms. Rainbow

    Posted by xerine | Pebrero 7, 2010, 9:22 umaga
  22. nyaahaha^^
    umpisa plng yan^^
    diz is rely gud^^

    Posted by jenny09 | Pebrero 1, 2010, 10:37 hapon
  23. sino c Erica?

    Posted by irresistible | Enero 21, 2010, 10:34 hapon
    • Oh my! Irresistible, I am very sorry for the typhos. Si Sunshine ay si Erica sa tunay na buhay. This story is based on a true story that happened few years ago. I edited this like 100 times d pa rin nakaligtas si ” Erica”. I apologized…….

      Posted by miraluna | Enero 22, 2010, 5:52 umaga
  24. wow… kulit din ni rania eh noh..maipilit ang gust.. hehehhe..

    mkikita or makikilala nya don ang mr. right nya.. one of the judges.. hehehhe.

    thanks mira.. next chapter na..

    Posted by sjyo_0208 | Enero 20, 2010, 3:39 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2010
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: