binabasa mo ang...
Breeze (Former TOP Specials)

Act 016: Pagtakas?

Halos nawala ang antok ni Foo dahil sa mensaheng natanggap niya sa kaniyang cellphone. Inisip niya kung sino ang nagbigay ng kaniyang numero at dalawang suspek lang ang bigla niyang naisip! Si Kristen na sobrang makulet sa YM at si Yesha ang diwatang ka-tandem ni Kristen sa kalokohan! Siguradong may pinaplano ang dalawang bruhang ito para guluhin ang kaniyang tahimik na buhay—- at hindi siya makakapayag na magwagi ang dalawang bruhang ito sa kaniya! Never!

Mabilis namang sumingit sa isipan niya si Tessa. Halos mapalunok siya ng maalala ang matamis na halik na natanggap niya mula rito. Napakasarap ngunit may kaunting pait rin na kasama ito. “Ano kaya ang problema ng bulingit na yun? Minsan, kwela. Minsan pasaway. Nakakaasar. Sala sa init, sala sa lamig!” pasigaw na bulong ni Foo sa kaniyang sarili bago niya ibinato ang sarili sa kaniyang magulong kama.

“Bahala na. This time, hindi na ako tatakbo. Haharapin ko kayong lahat! Ang misteryosang Alexandra na yan. Ang dalawang bruha na yun! Pati na rin ang pasaway na bulingit na nagnakaw ng halik sa akin…” muling bulong nito sa kaniyang sarili habang unti-unting sumasara ang mga talukap ng kaniyang mga mata. Nag-iimbita ang malamig na gabi para makapaghinga ang kaniyang pagal na katawan upang sa kinabukasan ay mayruon siyang lakas na harapin ang bukas.

Kinabukasan…

(by Foo)

~

Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.

Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

7 thoughts on “Act 016: Pagtakas?

  1. uhmf! . .nde bruha ang ateh yesha que! . .
    mediu lan har.har! . .=)

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 16, 2012, 8:55 hapon
  2. foo…asan ang act 15?…may secret ba?

    Posted by jalugznd | Enero 6, 2010, 12:02 umaga
  3. asan yung 15?

    bakit 16 kagad???

    Posted by prettyraz | Nobyembre 9, 2009, 2:57 hapon
  4. wahahaha pagtulungan kaya natin yesh? hehehe

    Posted by Louise | Disyembre 6, 2008, 8:45 umaga
  5. Jejeje…kulit namin talaga ni tin noh!

    Posted by Yesha | Disyembre 6, 2008, 4:44 umaga
  6. foo! ayos yan ah hehehe! galing!

    Posted by Louise | Disyembre 5, 2008, 10:09 hapon
  7. at last! naayos din ang .com namin! konting dekorasyon na lang at siguradong gaganda pa ito lalo. nyahaha!

    Posted by foobarph | Disyembre 5, 2008, 7:44 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: