binabasa mo ang...
Maybe

Maybe – 11 (END)

ALAS-ONSE ang kasal nila Jake at Charise ngunit alas-onse y media na ay hindi pa rin dumarating si Charise.

Nagsisimula ng ma-tense ang tatay ni  Jake. Pati sila Inay, Gino at Karen ay kinakabahan na rin. Ngunit nawala ang lahat ng ito ng makita nila ang bridal car na papalapit sa simbahan.

“Hay sa wakas! Dumating din ang demonyitang pasaway!” sabi ng isa sa mga barkada ni Karen na galit kay Charise.

“Sinabi mo pa! Hindi ko nga alam kung bakit yan pa ang pinili ng Jake eh!” birit ng katabi nito.

“Siguro, pinikot. O di kaya, no choice na lang talaga ang Papa Jake natin!” segunda naman ng isa.

“Tumahimik na nga kayo dyan, malay mo nagbago na talaga ang Charise na yun diba. Let’s just see and wait.” si Karen na ang nagsasalita.

“Kung hindi magiging maganda ang takbo ng kasal nila ay problema na nila yun. Besides, Jake can easily annul this marriage kasi mayaman sila. Pero sinong makakaalam sa hinaharap diba?” segunda ni Karen sa sarili.

MABILIS na huminto ang bridal car. Binuksan ng isa sa mga nag-aabang sa kanila ang pintuan ng sasakyan. Kinabahan ang lahat dahil magsisimula na ang kasal.

Una nilang nakita ang long-legged na paa ni Charise—sobrang ganda nito at lalo pa itong gumanda dahil sa customized na shoes na ipinagawa pa nito sa ibang bansa. Kasunod nito ay ang paglitaw ng kaniyang katawag suot ang napakagandang wedding gown. Kasabay nito ay ang pagdungaw ng kaniyang ulo na nababalutan ng makapal na belo papalabas sa sasakyan.

Nang makita ng si Charise na nakadamit pangkasal ay talagang nakakuha ito ng perfect ten ito sa lahat ng mga tao. Para siyang anghel na ibinigay ng langit para kay Jake.

Nagsimula ang kasal. Walang sinumang gumambala sa kanila. Ang inaasahan nila Karen at Gino ay lilitaw si Icka sa simula pa lang ng kasal at mangugulo ito. Ngunit hindi pa ito dumadating. O baka naman wala na itong balak magpakita at siguro’y nagmumukmok na lamang sa isang tabi?

“Ate! Ang tagal naman ni Ate Icka! Diba boyfriend niya yang ikakasal? Dapat pigilan niya to diba?” si Gino. Palingon-lingon sa lahat ng sulok ng simbahan.

“Hindi niya officially boyfriend yan no. Mag MU lang sila.” giit ni Karen.

“Kahit na MU. Eh feeling ko naman mahal ni Ate Icka si Kuya Jake eh. Dapat talaga magpakita na siya ngayon bago pa sila mag-kiss to each other or else mahuhuli na ang lahat.” si Gino ulit.

“Tumahimik ka na nga lang dyan! At ayusin mo yang pag-i-ingles mo ha. Kiss to each other… baka kissing each other no!”

Napatawa na lamang sa kanilang sarili habang hinihintay ang pinakahihintay ang lahat—- ang pagsusumpaan sa harap ng altar, saksi ang mga taong nasa likuran nila.

Unang tinanong ng pari si Charise.

“IKAW Charise, tinatanggap mo ba si Jake bilang iyong asawa, na mamahalin sa hirap o ginhawa? Sagot.” tanong ng pari sa kaniya.

“Opo.” mabilis na sagot ni Charise. Medyo paos ang boses nito ngunit hindi na ito pinansin ni Jake. At hindi na siya nagtaka sa bilis ng pagsagot nito. Gusto na kasi nitong matapos ang kasal para hindi na makaabot si Icka para pigilan ang kanilang kasal.

Pero mauubos na ang oras. Siya na ang tatanungin ng pari. Marami siyang naiisip na paraan para umatras ngunit mas pinili muna niya ang maghintay. May ilang segundo pa ang natitira.

Tumingin naman ang pari kay Jake bago siya tinanong nito.

“Jake, tinatanggap mo ba si Charise bilang iyong asawa, na mamahalin sa hirap o ginhawa? Sagot.” tanong ng pari sa kaniya.

Hindi nakasagot si Jake. Parang nasa kawalan ito at tila hindi mapakali sa kinatatayuan. Pati ang mga taong dumalo sa kasal nila ay pigil hininga sa isasagot niya. Alam kasi nila na si Icka ang tunay na mahal nito at hindi si Charise.

Oo nga at nagbago na ito pero hindi pa rin ito sapat kung ang pamantayan ng pag-ibig ang pagbabatayan. Ngunit mababago ang lahat ng ito sa oras na sagutin ni Jake ng ‘opo’ ang pari sa itatanong nito sa kaniya.

Nagkaruon lang ng kakaibang pangyayari para mapapayag nito si Jake na pakasalan siya. At simula ng magkita sila at hanggang sa araw ng kasal ay tila may kulang pa rin sa buhay ni Jake. At isa lang ang ibig sabihin nun– si Icka pa rin ang laman ng puso niya!

“Father, I can’t do this. Charise, I’m sorry. I cannot sail with your plans anymore.” mahinang sabi nito sa kaniya. Narinig ito ng pari pati na rin ang lahat ng mga taong nasa loob ng simbahan. Inaasahan na nila ang pag-urong ni Jake pero ang inaasahan nila na may sisigaw upang pigilan ang kasalan nila ay hindi dumating.

Ngunit nananatiling tahimik si Charise at nakatingin sa sahig. Hindi ito nagsalita sa sinabi ni Jake. Galit siguro ito sa kaniya dahil sa ginawa nitong pag-urong sa kanilang kasal.

Huminga muna ng malalim si Jake. Tiningnan niya si Charise ngunit hindi niya ito hinawakan. “Charise, I still love Icka. I made big mess at napahiya kita. I’m sorry about it. Handa akong harapin ang reklamo mo na ikakaso mo sa akin dahil karapatan mo iyon. But I have to leave and find that stupid girl.” sabi ni Jake bago niya tinalikuran si Jake saka naglakad papalayo ng altar.

Ngunit hindi pa man nakakalayo si Jake ay may tumamang bagay sa kaniyang ulo. Tiningnan niya ito. Isang makapal na belo. Sa inis niya’y hindi niya nilingon si Charise at pinagpatuloy ang paglalakad papalayo sa altar.

Lahat naman ng mga bisita’y napanganga sa kanilang nakita kung sino ang nakatayo sa altar. Nasulyapan ni Jake ang kanilang mga reaksyon ngunit hindi niya iyon pinansin. Ipinagpatuloy pa rin nito ang paglalakad palayo ng altar.

Kailangang makalayo siya sa babaeng ito at hanapin ang Ickang iyon!

“Inutil ka talaga!” isang malakas na sigaw ang narinig nilang lahat pati na rin si Jake.

Napahinto siya. Nag-isip kung sino ang may-ari ng boses na yun. Hindi siya maaring magkamali! Kay Icka ang boses na yun! At ang boses ay nangagaling sa kinatatayuan ni Charise!

Dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang likuran at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Si Icka ay nakadamit pangkasal at nasa puwesto ito ni Charise! Pero papaano!?

Tinanggal at ibinato ko kay Jake ang suot kong makapal na belo ngunit hindi niya ako nilingon. Kung hindi pa ako sumigaw ay hindi hihinto sa paglalakad papalayo ng altar ang inutil na yun! Tama. Hindi si Charise ang dumating bagkus ay ako. Saktong-sakto ang pangyayaring ito para maging memorable ang grand entrance ko sa kasal ng inutil na to!

Nabigla ang ilan sa mga panauhin ngunit hindi na mahalaga yun. Basta’t ang mahalaga ay wala namang tumutol sa aming kasal. Sa tingin ko pa nga’y nag-eenjoy sila sa kanilang nakita.

Pati sila Inay, Karen, Gino at tatay ni Jake naman ay abot hanggang tainga ang ngiti kaysa kanino pa mang mga bisitang nakakita ng eksenang iyon. “Yes! Dumating din ang loka!” koro nila bago ko sila kinindatan.

Kumaway pa ako sa lahat ng mga tao habang tinititigan ko si Jake. Nagpalakpakan naman sila at hinintay ang gagawin naming romantic scene sa loob ng simbahan.

NAKIPAGPALIT ako kay Charise nang makasalubong at harangin namin ni Brian ang bridal car ni Charise habang papunta sa simabahan.

Nung una ay tumanggi si Charise na makipagpalit sa akin ngunit nang hinalikan siya ni Brian at sinabi ang salitang “Antonella” ay biglang nanlamig ang babae at nanlumo. Pagkatapos ng kanilang ilang minutong pag-uusap ay nakumbinsi niya ito na umatras sa kasal nila. Wala na itong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ni Brian na ipalit ako sa pwesto ni Charise. Mabilis kaming pumunta sa isang malapit na beauty salon at dun isinagawa ang pagpapalitan ng damit. Kung nasan na si Brian at Charise ay hindi ko alam. Basta’t ang mahalaga ay nakagawa ako ng grand entrance at napigilan ko ang kanilang kasal.

TULALA pa rin si Jake. Hindi makapaniwala sa nangyayari.

Kung kanina’y balisa ito ngayon ay hindi na. Marahil ay talagang mahal pa rin ako ng inutil na ito. Isa na lang ang naiisip kong paraan para matapos na ang istoryang ito.

“Shall we continue?” tanong ng pari sa aming dalawa.

“Please do father.” ani ko.

“Icka, tinatanggap mo ba si Jake bilang iyong asawa. Na—”

Sumingit ako. “No Father.” Nabigla na naman ang lahat.

“Ano na naman!?” naiinis na sabi ni Jake.

“Gusto ko kasi simulan ulit sa umpisa ang kasal para naman maging memorable ang araw na ito para sa amin. At gusto ko rin kasi–” marami pa sanang sasabihin si Icka ngunit sumabat si Jake.

“Isang tanong, isang sagot—mahal mo ba ako o hindi!?” halos pasigaw na sinabi ni Jake. Narinig ng mga tao ang aming mga usapan dahil tinutok na ng pari ang microphone sa mga bibig namin.

“Oo naman. Inutil ka lang no.” sagot ko sabay bigay ng peace sign sa lahat ng taong nakikinig sa amin. Nagpalakpakan ang lahat.

“Yun naman pala eh. Mahal din kita! Narinig mo yun father ha? Pwede ko na bang halikan ang misis ko? Kanina pa ako nagugutom eh.” reklamo ni Jake.

Isinara ng pari ang kaniyang hawak na programa at bibliya. Tumingin ito sa amin saka nagsalita. “Mabuhay ang bagong kasal!” nakangiting sagot ng pari sa amin.

“Mabuhay!” sigaw ng mga dumalo sa aming kasal bago ako hinagkan ni Jake sa unang pagkakataon na walang anumang pag-aalinlangan at sa harap pa ng maraming tao.

NUNG araw ding iyon ay binura ko ang theme song na ‘Maybe’ sa aking cellphone na inialay ko para kay Jake. Nagpapaalalala lamang kasi iyon sa mga pangit na nangyari sa amin. Mas lalo lang akong na de-depress! Kung anuman ang ipinalit ko dun ay hindi na mahalaga. Basta’t ang mahalaga ay nailahad ko ang pag-iibigan namin ni Jake na maaring kapulutan ng magandang inspirasyon pagdating sa pag-ibig.

Dahil ang ang pag-ibig ay hindi dapat sinasagot ng ‘Maybe’. Oo o hindi lang ang dapat isagot pagdating dito. Dahil sa huli, masaktan ka man o hindi, ang tunay na pag-ibig pa rin ang siyang mananaig. Kung hindi man, gagawa ng paraan ang tadhana upang matagpuan mo ang iyong tunay na minahamal.

END

~

AUTHOR’s NOTE:

Once again, uulitin ko, I repeat. Hindi ko ito orihinal na istorya.

Ang Chapter 1 at 2 ay sinimulan ni Cindy ngunit dahil busy ito sa kaniyang lovelife (nyahaha!) ay hindi niya nagawang ipagpatuloy ang kwentong ito. Pero dahil sa mga alien na mga nangungulit sa akin ay napilitan akong ipagpatuloy ito. Sana’ y ang enjoy kayo habang binabasa niyo ito at salamat sa mga umokray at humanga sa kwentong ito. In the end, kayo ang boss at hindi ako. (yummy!)

Next stop is ‘susubukan’ kong isusulat ang ‘Maybe 2’.

Ang istoryang ito ay tungkol sa dalawang magkasintahang pinagkaitan ng tadhana na ibigin ang isa’t isa. Ngunit dahil sa isang biyayang mula sa langit na ipagkakaloob sa kanila ay mapipilitan ang tadhana na pagsamahin silang muli. Pero ano ang magagawa ng biyayang mula sa langit at tadhana kung sila na mismo ang napagod para mahalin ang isa’t isa?

Ito ang istorya nila Brian at Charise.

Talakayan

27 thoughts on “Maybe – 11 (END)

  1. hahaha ang ganda namn

    Posted by jjhuls | Disyembre 20, 2012, 5:49 hapon
  2. nice one, grabe di npansin ni jake n c icka yun. iintayin ko ang maybe 2. next pls

    Posted by Irene | Abril 30, 2012, 6:55 umaga
  3. haitz…. kakaiba talaga ang istoryang to…… lol…… nakakaloka talaga si icka,. . haha. .
    very good ang story. .😉

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 12:31 hapon
  4. Ganda ng grand entrance ni icka.., ahaha!

    Posted by Maganda ako | Abril 15, 2012, 9:16 hapon
  5. wOw!!. .ganda nito! mediu kinabahan aque dun aah? . .hahahah! . .

    Aabangan que ung maybe2 heheh😉

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 3, 2012, 12:46 umaga
  6. Ayus n ayus ung last part eh,,kakakilig tlag,,,

    Posted by Alyn | Marso 29, 2012, 1:37 hapon
  7. maikli lang yung story pero ang cute…..🙂

    Posted by Veronica | Enero 30, 2012, 2:32 hapon
  8. ganda ng ending siguro anak nila brian ans charise si antonella : ))))

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 11:22 hapon
  9. nice ganda,grand entrance tlga ang ngyari.hehe

    Posted by belle garcia | Enero 26, 2012, 11:57 hapon
  10. gagawa ng paraan ang tadhana upang matagpuan mo ang iyong tunay na minamahal… korek na korek.

    Posted by joy | Enero 12, 2012, 5:46 hapon
  11. ganda…

    Posted by mary | Enero 7, 2012, 3:20 hapon
  12. nice nice nice story…

    nice story foo..
    good job..🙂

    Posted by maricar | Abril 14, 2011, 6:38 hapon
  13. ahahaha ang ganda ng ending😀 i love it to the ninth degree.. san ang next story😦

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 22, 2010, 7:52 hapon
  14. I am glad I found this site, nawawala ang bored ko dito sa Alaska lalo na ngayon winter time na.

    I love the story Foo….galing mo talagang writer. I’ll be waiting for your next novel.

    Posted by ruby | Nobyembre 20, 2010, 11:54 hapon
  15. nice one..hehehe..kahit indi ikaw ang ng.umpisa..

    Posted by sweet _anne | Hulyo 24, 2010, 3:03 hapon
  16. just a new fan!..im so thankful i found ds site!..really lyk almost ol ‘d novels!..cant w8 4 ‘d nxt novel..

    Posted by PuRpLe | Hunyo 21, 2010, 10:19 umaga
  17. ..ano po ung ANTONELLA..?
    Magic Word b un..hehee??

    Posted by nime | Hunyo 11, 2010, 12:50 umaga
  18. hahaha nakakaloka . .. oo nga foo ano ba yong antonella? magic word ba yon?hahhahhahhahhahahahah

    Posted by chyrin | Mayo 16, 2010, 12:09 hapon
  19. hehe,ang gand nang story…s huli inutil parin ang twg ni icka ky jake…teka ano po ba ang antonilla?slmat foo,hehe…sa uulitin,

    foo: antonella? secretttt

    Posted by marjorie | Mayo 6, 2010, 8:54 hapon
  20. love the story!!!!

    Posted by tricshine | Mayo 5, 2010, 4:44 hapon
  21. wow… im looking forward for brian and charise story..

    Posted by einnah | Abril 12, 2010, 2:09 hapon
  22. …anu naman poh ung word na antonella??….
    …kakakilig ung story…
    …ang cute ng tawag nia inutil…

    Posted by sakura07 | Pebrero 14, 2009, 8:18 hapon
  23. anong meron sa “antonella”?

    Posted by nhikz | Pebrero 12, 2009, 11:11 hapon
  24. Wow, foo ang ganda nman, nkakakilig.. hehehe congrats.. miss u na foo.. ingat

    Posted by sjyo | Disyembre 3, 2008, 7:29 umaga
  25. ^_ waaaahhhh!!!….an6 6andaH tLguh!!…nYhz endin6 anD sTorY xempRe””…

    Posted by lilbratgirl29@yahoo.com | Disyembre 2, 2008, 9:16 hapon
  26. whaaa….thanks dito foo..sana magawa mo ung maybe 2..success itong 1..ang ganda..thanks ^__^

    Posted by nadine | Disyembre 2, 2008, 8:37 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: