binabasa mo ang...
Breeze (Former TOP Specials)

Act 015: Cellphone

Hindi makapaniwala si Foo sa bilis ng mga pangyayari, paano nya nagawang tugunin ang sandaling halik na iyon ni Tessa? At ang sandaling halik na iyon ang hindi magpatulog sa kanya ngayong gabi. Paulit-ulit na bumabalik iyon sa kanyang balintataw. Mahal ba talaga sya ni Tessa?

Hindi pwede ito, kapatid lang talaga ang turing nya sa bulingit na iyon, at sigurado syang masisira lang ang kanilang magandang pagsasamahan kapag lumagpas pa iyon ng higit sa pagkakaibigan lang. Napabuntonghininga sya. Bakit nasasaktan din sya sa tuwing nakikita nya itong umiiyak ng dahil sa kanya? Pakiramdam tuloy nya napakasama nyang tao dahil nagagawa nyang saktan si Tessa kahit hindi iyon sinasadya.

Paano ba sya makawala sa sitwasyong nakasuungan? Hay… puro tanong pero wala naman syang maisagot. Ipinilig nya ang ulo, masyado na syang nag-iisip hindi man lang namalayan na ala-una na pala ng umaga. Agad nyang sinet ang alarm clock ng cellphone nya. Maaga pa sya bukas, baka ma-late sya kung ipagpapatuloy nya pa ang mga kalokohang ito.

Kung kailan naman nakapwesto na sya para matulog ay tsaka naman tumunog ang telepono nya. Kunot noong tumingin sya rito. ‘Sino naman kaya ang magte-text sa kanya sa mga oras na ito?’. Para malaman ang kasagutan ay kinuha nya ang cellphone na nakapatong sa kanyang side table para tignan. Hindi ito naka-register sa phonebook nya dahil numero lang ang lumabas. Binuksan nya ang mensahe. “Hi Foo-tot🙂 i’m looking forward of meeting you – Alexandra”.

(by Louise)

~

Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.

Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

3 thoughts on “Act 015: Cellphone

  1. alam u na yan d u lang maexplain why
    at d u lang maamin

    Posted by jjhuls | Nobyembre 9, 2012, 9:04 umaga
  2. hehehehe ikaw lang ang nakakaalam nyan foo-tot😉

    Posted by Louise | Disyembre 4, 2008, 11:48 hapon
  3. hahay.. ipagpapatuloy ko pa ba ito? nakaka-stress ang maglipat ng domain. gaahh

    Posted by foobarph | Disyembre 4, 2008, 10:32 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: