binabasa mo ang...
Maybe

Maybe – 10

BUMALIK sa normal ang aking buhay simula ng makalabas kami sa ospital ni Brian.

Mas lalo akong naging masigla sa aking trabaho at na-promote pa ako bilang team leader sa call center na pinapasukan ko. Si Brian naman ay nag-resign sa kaniyang trabaho sa Laguna pagkatapos niyang makahanap ng bagong pagkakakitaan malapit sa apartment na tinitirhan ko.

Mas nagkaruon kami ng maraming oras sa isa’t isa. Every weekend morning ay pumupunta kami sa baywalk para mag-jogging. Sa tanghalian nama’y kumakain kami sa isang vegetarian restaurant sa Mall of Asia. Sa gabi nama’y nanunood kami ng sine bago kami umuwi ng apartment. At siyempre pa, hindi mawawala ang pagiging maharot ni Brian bago kami matulog.

Ang tito ko naman ay tumuloy na rin sa US kahit hindi ako kasama. Syempre pa, kasama si Jake. Hindi na niya ako kinulit o tinext man lang. Talagang tinotoo nito ang sinabi niya na kakalimutan na niya ako. Natahimik ang aking buhay pagkatapos ng mga pangyayaring ito.

At ito ang pinapangarap kong buhay—simpleng buhay.

PAGKATAPOS ng shift ko sa trabaho ay sinundo ako ni Brian para mag-lunch. Babalik pa kasi siya sa kaniyang trabaho pagkatapos naming kumain. Mauuna akong umuwi sa aming apartment para magpahinga at pagkatapos nun ay ipagluluto ko siya ng hapunan.

Nag desisyon ako na  kumain na lamang sa isang restaurant malapit sa building ni Brian para mabilis siyang makabalik. Hindi ganun kakapal ang mga tao kaya mabilis kaming nakahanap ng upuan. Four-seaters ang table na nakuha namin kaya medyo maluwag pa ang table para sa aming dalawa.

After na maka-order ni Brian ay agad siyang umupo sa aking tabi. Siya pa nga mismo ang naghain ng pagkain sa akin. Sisimulan ko na sana ang pagsubo nang biglang may boses akong narinig.

“Excuse, pwede pong maki-share ng table? Wala na kasi kaming—“ nagulat ang lalake na nagsalita sa likuran namin. Maski man si Brian ay nagulat din!

“Jake! What are you doing here!?” masigla kong sabi sa kaniya. Tinitigan ko lamang si Brian at hinintay siya kung pa-uupuin ba niya ito o hindi.

Mabilis namang sumagot si Brian at nginitian niya rin ito. “Sure pare, the more, the merrier.” ani niya bago niya inialok ang dalawang bakanteng upuan para kay Jake.

“Teka Jake, may kasama ka ba? Sabi mo kasi kanina ay ‘kami’ eh.” tanong ko.

“Yeah, actually, kasama ko si Charise ngayon. Pumunta lang siya sa restroom sandali.” ani Jake pagkatapos ay ngumiti siya sa akin na para bang walang nangyari sa amin. EX-MU kami at parang mabilis yatang nawala ang feelings niya para sa akin. Naasar ako na hindi ko alam pagkatapos kong makita ang ngiting iyon!

Ang pagkakaalam ko kasi, ang ngiting iyon ay para sa akin. Pero sa nakikita ko ay parang masaya ito sa piling ng Charise na yun. Gusto kong tadyakan ang kaniyang ibon para tuluyang lumipad iyon sa kawalan. Pero bakit ko naman gagawin iyon, wala na naman kami diba? Saka isa pa… may Brian na ako, siya naman ay may Charise na. So what’s the point?

Parang may sumundot na karayom sa aking puso. Tila bumabalik na naman ang dati kong pakiramdam para sa kaniya. Ngunit mabilis akong iniligtas ni Brian dahil nagsalita siya kaagad.

“Charise?” tanong ni Brian.

“Yeah, do you know her—pare?” may pilyong tanong ni Jake sa kaniya.

Sa tono ng kaniyang pananalita ay para bang may nangyaring kakaiba sa buhay ni Jake. At para lalong mas naging agresibo ito simula ng nakipagbalikan ito kay Charise. Kung ano man iyon ay kailangang malaman ko! Siguradong mayruon pang mas malaking bagay ang malalantad oras na magpakita ang bruhang iyon.

Hindi kaagad nakasagot si Brian sa tanong ni Jake. Pakiramdam ko ay may itinatago sa akin ang dalawang unggoy na ito. Balak ko na sanang magsalita ulit nang biglang may nagsalita sa likuran ni Jake. Boses babae.

“Honey! Thank God at nakahanap ka ng upuan. Kain na tayo, mahuhuli pa tayo sa seminar para sa—“ biglang tumigil sa pagsasalita ang babae ng makita nito si Brian na nakatitig sa kaniya.

“Brian!” sabi ng babae.

“Charise!” sagot naman ni Brian sa kaniya.

TILA huminto ang mundo ko nang makita si Jake at Charise. Ngunit nang makita ko ang pagmumukha ni Brian pagkatapos makita si Charise— pakiramdam ko’y hindi lang ito huminto, bumaliktad pa ata!

Pagkatapos ng tanghaliang iyon ay marami akong nalaman sa nakaraan ni Brian na hindi pa niya sinasabi sa akin hanggang ngayon.

Si Charise kasi ang unang naging girlfriend ni Brian at si Brian naman ang unang naging boyfriend ni Charise. In short, pareho nilang ‘first-love’ ang isa’t isa!

Kung nung una’y nagseselos ako kay Charise dahil siya ang niligawan ni Jake at hindi ako. Ngayon nama’y nagseselos ako dahil hindi ako ang naka-una kay Brian! At sa dinami-dami pa ng babaeng ipinanganak sa mundo—bakit si Charise pa!

Oo! Nagseselos ako dahil boyfriend ko si Brian at sa akin dapat nakatuon ang kaniyang atensyon! Ngunit simula ng makita niya ang pagmumukha ng Charise na yun ay parang nag-iba ang pag-uugali ni Brian— dahil mas naging malambing siya sa akin kaysa sa dati!

Pero iba na rin ang pag-uugali ni Charise ayon sa aking nasaksihan nang magkita kami. Hindi na ito maarte o ma-porma gaya ng dati. Mas simple na siyang tingnan at kahit simpleng blusa at pants lang ang suot niya’y nakakakuha pa rin ito ng atensyon sa iba’t ibang tao na nakapaligid sa amin.

Hindi ko alam ang buong detalye pero maski ang tito ko at si Karen ay hindi makapaniwala sa make-over ng bruhang yun! Ayaw kong maniwala pero sabi nila— tuluyan na daw nagbago ito. Ano kaya ang nangyari? Kailangan kong malaman iyon!

ISA sa mga nalaman ko na ikakasal na sila Jake at Charise dalawang araw mula ngayon. Isang grand-wedding kaya ang ihahanda sa kaniya ng aking papa pagkatapos nitong magpagamot sa ibang bansa? Sana naman ay hindi!

Tiyak na tuluyang mawawala na sa akin si Jake oras na sabihin nila sa isa’t isa ang mga salitang “I do” pagkatapos niyaon ay ang paglalapat ng kanilang mga labi bilang tanda ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

No! Hindi na nila mahal ang isa’t isa dahil hindi naman talaga mahal ni Jake si Charise! Kung ganun nga, sino ang mahal ni Jake? Ako!? Hindi maaari at hindi dapat!

Pero ano ba ang dapat kong gawin at dapat na mangyari? Dapat ay maging masaya ako sa kanilang dalawa pero parang nagulantang ang aking ‘simpleng buhay’ pagkatapos kong makausap ang inutil at bruhang yun! Pero hindi ako dapat mangamba— may Brian naman ako na mapagmahal at mabait.

HINDI ako nakatulog ng gabing iyon. Pakiramdam ko’y may tinatagong problema si Brian. O hindi kaya marahil ay— mahal pa rin nito ang dati nitong nobya?

Mas lalong hindi ako makakapayag na mangyari yun! Dahil ako ang mahal ni Brian at hindi na ang Charise na yun! My god! Labo-labo na ito!

Maya-maya pa ay nakauwi na rin si Brian. Nakahinga ako ng maluwag ngunit kasabay nun ay naamoy ko rin ang mainit na singaw ng alak at pawis na nanggagaling sa kaniyang katawan. At sa tindig pa lang niya ay isa agad ang aking napansin—- mainit ang ulo nito. Kung anu man ang dahilan ay hindi ko alam.

“Brian, pupunasan na kita.” lalapitan ko na sana siya ng bigla niyang tinabig ang aking kamay.

“No Icka, I can handle it myself.” mahina niyang sabi sa akin bago siya pumuta sa kusina. Naghahanap ito ng tubig. Binigyan ko siya. Kinuha naman niya iyon sa akin.

“Alam mo ba kung sino ang Charise na yun? Niloko niya ako!” sumigaw si  Brian sa akin.

Halos mapaiyak ako sa kaniyang sinabi. Binalita rin kasi sa akin ni Karen na niloko rin nito si Brian. Nagkausap din kasi kami ng kaibigan ko habang hinihintay ko ang pagbabalik ni Brian sa apartment. Ako na mismo ang huminto sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa kanilang dalawa dahil mas mainam kung si Brian mismo ang magsasabi sa akin at hindi ang ibang tao.

Tumahimik na lamang ako habang patuloy na pasigaw na nagsasalita si Brian.

“Icka, mahal mo pa ba si Jake?” bigla niya akong tinanong.

Gusto kong sabihin na ‘hindi na’ pero may isang parte sa aking puso ang biglang gumising at pinipilit akong sabihin kay Brian na “Oo, mahal ko pa siya!” Pero hindi ko iyon nagawa.

“Pwes ako mahal ko pa rin ang punyetang babae na yan!” sigaw niya bago niya ibinato ang baso sa sahig. Nagkapira-piraso iyon. Tulad din ng aking puso… nagkapira-piraso din iyon ng marinig ko ang kaniyang mga sinabi.

“I– I hate you!” sigaw ko rin sa kaniya bago ako nag-iiiyak sa kama. Kung inutil si Jake… inutil din ang Brian na ito dahil nakalimutan ata niya na ako ng current girlfriend niya at hindi ang Charise na yun!

Ang masama pa ay mahal ko pa rin ata si Jake. Ang problema lang ay hindi ko maisigaw sa kaniya kagaya ng ginawa niya ng gabing iyon. Gusto kong pigilan ang aking luha pero hindi ko magawa. At sa puntong ito, nawala ang aking ‘simpleng buhay’ at halos kabaliktaran ng aking pangarap ang bumulaga sa aking harapan.

ARAW na ng kasal nila Jake at Charise ngunit may isang oras pa ako para mag-desisyon. Ipinikit kong muli ang aking mga mata bago ko pinatay ang monitor sa akin tabi. Pinindot ko rin ang mute button ng aking telepono para wala akong tawag na matanggap.

“Icka, pag kinasal ako sa ibang babae, anong gagawin mo?” tanong ni Jake sa akin.

“Gagawa ako ng grand entrance at guguluhin ko ang kasal mo!” sagot ko sa kaniya.

“At bakit mo naman gagawin yun Icka? Hindi ka ba magiging masaya para sa akin?”

“As if namang magiging masaya ka sa ibang babae bukod sa akin. Magka partner ata tayong dalawa no.” sabi ko sabay halik sa kaniyang pisngi.

Iminulat ko ang aking mga mata. Tumayo ako sa aking kinauupuan bago ako naglagay ng malaking note sa aking monitor, “OUT FOR LUNCH” sabay sibat papalabas ng opisina.

Pagkababa ng building ay nakita ko si Brian. Tila hinihintay nito ang aking paglabas dahil nakatitig ito sa akin. Tumakbo ako papalayo sa kaniya dahil tiyak na pipigilan niya ako sa aking gagawin—gagawa ako ng grand entrance at guguluhin ko ang kasal ng inutil na Jake na yun! Hindi dapat matuloy ang kasal!

Ngunit mabilis akong naabutan ni Brian. “Where are you going?” tanong  niya. Hawak na niya ng mahigpit ang aking braso kaya hindi ako makatakas.

“Brian—nasasaktan ako, let me go!” sabi ko sa kaniya. Wala na akong panahon para makipag-usap o pakiusapan si Brian. Kailangan kong makaabot sa kasal or else mahuhuli na ang lahat para sa akin.

Gusto kong hingin ang kaniyang permiso kung dapat ba akong manggulo sa kanilang kasal o hindi. Kung pipigilan niya akong gawin yun, it simply implies na mahal nga niya si Charise despite sa bad attitude nito. Kung totoo nga ang hinala ko na kaya nga nagustuhan ulit ni Jake ang Charise na yun dahil nagbago na ito eh wala na siguro akong maiaangal.

But why am I doing this crazy things!? Simple lang—mahal ko pa rin ang inutil na Jake na yun! At hindi siya maaring mapunta kay Charise dahil sa akin lamang siya!

“I’m letting you go Icka…” ani Brian bago niya ako binitiwan.

Nagulat ako sa aking narinig. Brian is letting me go!? Anong ibig niyang sabihin?

“I know you still love Jake kahit na dumating tayo sa punto na maayos na ang lahat. Pero simula na nakita mo siya ulit, bigla akong nakaramdam ng selos at takot na baka mawala ka ulit sa akin.” si Brian.

“But I never expected na makikita kong muli si Charise—at sa piling pa ng Jake na yun! That time, yung selos at takot na nararamdaman ko para sayo ay nalipat kay Charise. Especially nang malaman ko na ikakasal na sila ngayon.” Si Brian habang nagsasalita ito na nakatitig sa kawalan.

“Do you still love Charise? You know I hate her.” tanong ko sa kaniya. This time, hindi na ako kinakabahan sa anumang sasabihin ko sa harapan niya. Hindi tulad dati na masyado akong naging matatakutin.

“Yes and I hate her too. But how about Jake? Alam mong presko at mayabang ang unang dating ko sa kaniya diba?” Ani Brian.

“Kaya nga ako tumakas sa office eh. Ano, mag-uusap na lang ba tayo dito?” tanong ko bago ko ipinakita ang suot kong wristwatch sa kaniya.

“Ay sorry, tara na sa kasal at gagawa tayo ng malaking eksena! Pipigilan natin ang kasal!” masiglang sagot ni Brian.

“Yay!” pasigaw kong sagot.

Talakayan

11 thoughts on “Maybe – 10

  1. naks kakaiba ang dalwang to ah…. go excited na ako sa grand entrance na kanilang gagawin….lol

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 12:22 hapon
  2. wahahahah!!!nakakaiyak at nakakakaba na ei! . .sabay comedy nung dalawa!!hahah muka na kung bliw dito! . . .

    Go go go!! Sana it endz na double wed heheh! :p
    para happy lahat!;p

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 3, 2012, 12:30 umaga
  3. may sayad tong dalawang to HAHAHAH😀

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 11:10 hapon
  4. ahahahaha🙂 war shock na😀 wui mahiya naman kaung dalawa xDD

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 22, 2010, 7:43 hapon
  5. wow..ito ang tunay na giyera..hahahahaha..

    Posted by einnah | Abril 12, 2010, 1:17 hapon
  6. gera na2!!!!!!!!!!!!!!!
    wahakhakhak!!!!!!!!!!!!!!!!

    Posted by wew | Enero 29, 2009, 11:22 umaga
  7. ang tagal poh ng sunod…kaka excite,…nakakabitin poh..

    Posted by lalie | Nobyembre 30, 2008, 2:40 hapon
  8. oo nga. nakita ko yung mali ko. ayan, inedit ko na.

    moral lesson: hwag magsusulat ng tulog. :p

    Posted by foobarph | Nobyembre 28, 2008, 2:00 hapon
  9. nku excted nako sa susunod.. foo, bkit ganun, antok ka yta sa pagsusulat eh, bkit puro kna lng jake ng jake, dpat brian ang nkasulat na name don sa mga eksena ahh. foo, mgseselos nko nyan ky jake ha.. puro kna lng jake… hehehe.. ingat.. love u foo..

    Posted by sjyo | Nobyembre 28, 2008, 7:15 umaga
  10. ^- maLapiT naH pHue bUh 2 matpOS??!…ganDah tLguh!!…saNah makaabOt cLa sa weDdin6….medyO ma6uLo pHue…paRan6 dapaT bRian nakaLa6aY dUn nDI jaKe ehH…taMA pHue bUH??!…

    Posted by lilbratgirl29@yahoo.com | Nobyembre 27, 2008, 9:24 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: