binabasa mo ang...
Maybe

Maybe – 09

NANGHINA ng sobra ang aking katawan pagkatapos kong marinig ang sinabi sa akin ni Inay.

“Na-aksidente si Brian. Kailangan ka niya. Eto ang address kung nasan yang boyfriend mo.” sabi sa akin ni Inay. Hindi ko maipinta ang kaniyang mukha kung galit ba siya sa akin o naaawa. Napabuntong hininga na lamang ako ng malaki dahil maski man ako’y hindi ko alam kung ano ang aking dapat gawin.

Sa isang banda ng aking isipan ay sinasabi nito na magiging maayos si Brian dahil tutulungan naman ito ng kaniyang mga kamag-anak. Sa isang banda nama’y may nagsasabi na dapat kong puntahan ito dahil mas kailangan niya ako kaysa sa tito ko.

Matagal akong nag-isip. Tinimbang ko ang bigat at gaan ng sitwasyon. Sa huli’y nakapag-desisyon din ako at katulad din ito ng naging desisyon ko pagkatapos naming mag-usap sa telepono– ang mahalin siya hanggang sa abot ng makakaya ko!

Kailangan kong ipakita ang aking suporta kay Brian. Mas kailangan niya ako ngayon kaysa kanino pa mang tao. Luluwas ako ng Maynila bukas.

PAGKABABA sa istasyon ng bus ay agad akong kumuha na taxi papunta sa ospital kung saan naruon ang boyfriend ko. Hindi na ako maayos na nakapag-paalam sa mga naiwan ko sa probinsya dahil sa sobrang pagmamadali. Tanging si Inay lamang ang pinagbilinan ko tungkol sa bagay na ito.

At isa sa mga pinakamahigpit kong bilin ko sa kaniya ay ang pagtatago ng tunay na rason kung bakit ako lumuwas kaagad ng Maynila– lalo na kay Jake!

NARATING ko ang ospital kung saan naruon si Brian.

Mabilis kong pinuntahan ang information center para i-verify kung nandun nga si Brian. Nasa ICU pa rin daw ito ayon sa nurse na nakausap ko.

ICU!? Hindi lang basta aksidente iyon! Halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan ngunit tinatagan ko ang aking sarili. Kung magpapakita ako ng kahinaan ay mas lalong hindi ko matutulungan ang boyfriend ko. At habang naglalakad patungo sa  lugar kung saan nakahimlay ang aking minamahal ay may isang bagay akong naalala na hinding-hindi ko makakalimutan…

Naalala ko kasi ng minsang umiyak ako sa tabi niya dahil may naka-away ako sa trabaho. Plano ko na mag-resign sa trabaho ko nuon dahil sa nangyari. Ngunit imbes na damayan niya ako ay pinagalitan pa ako ni Brian.

Sinabi niya na walang mangyayari sa akin kung iiyak na lamang ako at agad-agad susuko. Dapat daw na lumaban ako dahil siya rin ay lumalaban sa lupit ng buhay para sa akin.

Bahagi na ako ng buhay ni Brian at nararamdaman ko yun dahil marami akong mga bagay na ngayon ko lang nagagawa dahil sa suporta niya. Masyado siyang expressive sa kaniyang nararamdaman at sa tuwing naririnig ko ang malambing at pilyo niyang tinig ay agad-agad akong napapasuko nito.

Ngunit ngayon, mas lalo kong nararamdaman ang pangangailangan ko sa kaniyang pagmamahal. Maraming sumisingit na ibang emosyon sa akin ngunit naging manhid na ako sa mga iyon. Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon—ang makita si Brian at makabawi sa mga pagkukulang ko sa kaniya.

NASA labas na ako ng ICU at sinabihan ako ng nurse na hintayin na lamang ang doctor na gumamot kay Brian bago ko siya makita.

Ayon sa nurse, marami siyang sugat na natamo ngunit ang pinaka-grabe sa lahat ay ang pagkakabali ng kaniyang kaliwang paa. Naghintay ako at maya-maya pa’y dumating na rin ito. Galing ito sa isang floor kung saan may tsineckup itong pasyente. Agad ko siyang pinuntahan.

“Doc, kamusta na po ang boyfriend ko?” tanong ko sa kaniya.

“Ahm, if you’re referring to that guy inside the ICU, he’s fine already. He just needs some rest to get back to his old piece.” sabay tapik nito sa aking balikat.

Nakahinga ako ng maluwag. “Thank God! Salamat po doc. Pero—kelan ko po siya pwedeng makausap?” pahabol na tanong ko sa kaniya.

“He has a strong will hija. I’m not sure but my estimate is baka bukas ay pwede mo na siyang makausap. Hindi naman ganun karaming anestisya ang kinailangan niya para matiis ang operasyon. Besides, his operation is not a major one. I can say it’s more of a over-all check-up.”

“If you’ll excuse me—Ms?” tinanong ni Doc ang aking pangalan.

“Ms Icka po.” Pagpapakilala ko sa kaniya.

Pinag-usapan din namin ng doktor ang gastos sa pagpapagamot ni Brian. Napag-alaman ko na inabonohan muna ni Miram ang gastos na iyon kaya bukas ay babayaran ko siya kahit kalahati man lang. Tutal, may naipon pa naman akong pera sa aking suweldo. Gagamitin ko iyon para sa pagpapagamot sa boyfriend ko.

NAGING maganda ang gising ko kinabukasan dahil gising na si Brian. Nang una pa nga niya akong nakita ay ngumiti agad siya sa akin. Nang makita ko ang mga ngiting iyon ay gumaan ang aking pakiramdam. Ngunit sa isang banda nama’y parang kinukutya ako dahil nakipagkita ako kay Jake.

Ngunit hindi ko naman sinasadya iyon. Ang totoong pakay ko kaya ako bumalik sa probinsya ay dahil sa tito ko na nagkasakit. Kailangan ako ng tito ko dahil pag nakikita ako nun ay lumalakas ang loob ng matanda kahit papaano. Pero hindi ko naman inaakala na magiging ganun ang takbo ng pangyayari.

Na sumuko na si Jake sa paghahabol sa akin…

Magandang balita ito para sa amin ni Brian! At least, makakatulong ito para bumilis ang kaniyang paggaling. Ibabalita ko ito sa kaniya! Tama—dapat niyang marinig ang pagsuko ni Jake!

“Are you ok Icka?” tanong ni Brian sa akin. Kanina pa pala niya ako tinititigan. Para akong tuliro na hindi maintidihan.

“Ahm—yeah! I’m ok!” mabilis kong sabi bago ko ipinakita ang aking killer smile sa kaniya.

Bigla niya akong niyakap. Matagal. Hinalikan niya ako sa aking leeg, cheeks, noo, ilong—sa labi!? Teka! Hindi niya ako hinalikan sa labi!

Nagtaka ako. Hindi ata ito ang boyfriend ko. Dati kasi kung makahalik si Brian ay talaga namang nalulunod ako sa kaniya. Pero ngayon, tila naging mahinahon siya habang nilalandi niya ako.

“Icka, nagkita kayo ni Jake, tama ba?” tanong niya sa akin.

Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko! I mean, alam ko naman ang dapat isagot pero may pumipigil sa akin. Tumikom ang aking bibig ng matagal na sandali. Kinakabahan ako.

“Hindi ako magagalit kung nagkita man kayo. Kasalanan ko rin, hindi kasi kita naaasikaso ng husto ngayon dahil sa trabaho ko.” Nagsisimula na siyang magpaliwanag.

“May hula ako na kaya ka lumayo sa kaniya ay dahil may iba siyang pinagkakaabalahan o di kaya ay may iba siyang mahal. Pero kung ano man—“

“Brian… hindi ko na mahal si Jake. Actually, sumuko na siya sa akin at nag-sorry. Friends na lang kami nun gaya ng dati. That means—I’m all yours to keep from now on.” Ani ko.

“Sumuko na siya sayo… but ikaw, isinuko mo na ba siya?” tanong niya.

Parang akong hihimatayin sa tanong na yun. Hindi ko akalain na itatanong niya sa akin ang ganung bagay. Ang ugali ni Brian ay ibang-iba kay Jake.

Si Brian ay thoughtful, honest at unpredictable. Samantalang si Jake ay…kabaliktaran ng mga magagandang ugali ni Brian!

Halos mapaluha ako dahil hindi ko talaga masagot ang tanong niya. Buti na lang at itinigil niya ang mga pagtatanong sa akin at muli niya akong niyakap hanggang sa makatulog siya ulit.

Marahil ay pagod pa rin ito at hindi pa ganap na nakakabawi ng lakas. Pakiramdam ko tuloy ay nagsasalita siya habang tulog dahil ibang-iba ang aura ni Brian kaysa sa natural niyang ugali.

Talakayan

9 thoughts on “Maybe – 09

  1. ang bait naman ni bryan…… get well soon .🙂

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 12:14 hapon
  2. kawawang bryan. .
    Akin ka nlang!hahah! ;p

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 3, 2012, 12:08 umaga
  3. ganda ng story…

    Posted by maldita 05 | Oktubre 23, 2010, 4:21 hapon
  4. foo naku haa. bitin ako… pero ok lng next chp.
    thank you foo ha friend nata sa friendster ang saya ko kasi
    friend ko ra rin si ate cecilia….

    Posted by razy-lover | Nobyembre 26, 2008, 6:58 hapon
  5. ayos! next chapter foo!

    Posted by Louise | Nobyembre 26, 2008, 10:19 umaga
  6. bakit nyo kelangan ng editor? di ako nag-aapply dahil ang mga post ko kelangan din ng matinding editor…

    asan ang kasunod?hehe

    Posted by anakngpiso | Nobyembre 26, 2008, 10:18 umaga
  7. foo, nkabitin talaga.. sa thursday ha ung next chapter ha..iba iba ang naglalaro sa isip habang binabasa ko to.. miss u foo.. ingat..

    foo: miss you din po..

    Posted by sjyo | Nobyembre 25, 2008, 12:55 hapon
  8. tsk… kailangan na talaga namin ng editor!

    sinong gustong mag-apply, taas ang paa! este… kamay pala! ^^

    Posted by foobarph | Nobyembre 25, 2008, 12:54 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: