binabasa mo ang...
Breeze (Former TOP Specials)

Act 013: Katahimikan

SUMAPIT ang alas-sais ng gabi at natapos din ang kanilang trabaho. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at napansing isa-isa na ring nag-uuwian ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho. Agad din niyang napansin si Tessa na nagmamadali rin sa kaniyang pag-uwi. Sinubukan niyang tawagin ito pero inisnab siya nito. Nang lumabas ito ay hinabol niya ito hanggang sa labas pero hindi niya ito naabutan. May sa-pusa kasi minsan ang babae, madulas! Napabuntong hininga na lamang siya sa nangyari. “Pasaway na bulingit!” sigaw niya sa sarili bago siya naglakad papunta sa mall para libangin ang sarili.

Nasa mall na siya pero hindi pa rin siya mapakali. Sinubukan niyang mag-arcade, mamili ng mga bagong damit, kumain sa paborito niyang restaurant, magbasa ng maninipis na libro at marami pang iba. Pero kahit anong kalokohan ang gawin niya wala laging pumapasok sa isip niya kung hindi si Tessa. Hindi siya nalilibang sa kaniyang mga ginagawa kung hindi naaasar siya sa sarili.

Naloloko na ba siya? Siguro nga. Nagsimula ata iyon pagkatapos niyang mabasa ang istoryang isinulat nito sa TOP. Napaka emosyonal kasi ng pagkakasulat. Ibang-iba ito sa nakikita niyang ugali ng dalaga. Isang malaking coincidence din ang nangyari dahil ang kaibigan nitong si Kristen ay kaibigan din ni Tessa. Oo, nagbabasa siya sa TOP pero hindi naman niya iyon siniseryoso dahil busy din siya sa kaniyang trabaho.

Sinubukan niyang tawagan si Tessa sa kaniyang cellphone pero hindi ito sumasagot. Binigyan pa niya ang kaniyang sarili ng huling beses para tawagan ito at pag hindi pa rin ito sumagot ay uuwi na lang siya para makapagpahinga. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya narinig na nag-ri-ring ang cellphone ni Tessa dahil pinatay na niya ito. Bumagsak ng malakas ang magkabilang balikat ni Foo saka niya iniangat ang kaniyang mukha sa pagkadismaya. Pagka-angat niya ng mukha ay may nakatitig na maganda at cute na babae sa harapan niya.

(by foo)

FOO’s NOTE: Ok, pagkatapos nito ay isa pang kasunod. Nasa mood kasi magsulat ang inyong abang lingkod. T_T

~

Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.

Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

3 thoughts on “Act 013: Katahimikan

  1. Siguro nga senti… inlove na si foo kay tessa

    Posted by Clay | Hulyo 28, 2009, 3:39 hapon
  2. ayan!….kaw naman ngayon ang d pinansin…may pahabol habol effect ka pa foo…..bleh!

    inlove ka na cguro sa kanya….hahahahaha

    Posted by senti | Hulyo 22, 2009, 9:56 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: