binabasa mo ang...
Maybe

Maybe – 08

NABIGLA ako ng marinig ko ang sinabi ng tatay ni Jake, na siya ring itinuturing kong pangalawang tatay simula ng magkamalay ako.

“You heard me Icka, I want you to come with us to states before I undergo with my operation.” ani Tito.

Bigla namang nagsalita si Jake. “Pa, busy si Icka sa work niya dito. Ako na lang ang sasama sayo.”

“No need for that Hijo. After what happened to me, I realized something that is more important than money and power.”

“What do you mean tito?” ani ko.

“I realized that life is too short for you to enjoy because it is limited. If you want to enjoy your life, you must be happy and contended with all all the things that you do.” pangangaral ng Tito ko.

Tumagos sa puso ko ang mga sinabi niyang iyon. Nagbago na nga siya. Dati kasi mainitin ang ulo niya at may pagka-barat pagdating sa pera. Lagi rin siyang nakasimangot pag hindi niya kilala ang taong kaharap niya para ipakita ang kaniyang kapangyarihan dito.

Pero pag alam naman niyang nangangailangan ang taong nasa harapan niya, hindi siya mag-aatubiling tulungan ito. Hindi rin niya ipinaaalam kahit kanino ang mga ‘good deeds’ na ginagawa niya dahil tanging ang mga malalapit sa puso at mga pinagkakatiwalaan nito lamang niya ang mga nakakaalam nito.

“Wow! Nice speech!” papuri ni Jake sa kaniyang papa bago niya ito niyakap. Halos mapaluha si Jake sa harapan ko nang makita ko ang tagpong iyon.

Maganda ang pinagmulang pamilya ni Jake. Kung tutuusin, naiinggit ako sa kanila dahil kahit anong gawin nila’y parang hindi nauubos ang pera nila. Samantalang kami, isang kahid—isang tuka, ikanga ng mga matatanda.

Ang pinakamasakit pa nito, talagang napilitan akong magpa-Maynila dahil kailangan kong umiwas kay Jake at hindi para kumita ng pera. Kung tutuusin din kasi, halos sapat na rin ang kita ni Inay sa pagtitinda ng kakanin at paglalabada. Tinutulungan ko rin si Inay sa kaniyang trabaho kung kaya’t kahit papaano’y hindi siya nai-stress masyado.

Ibang-iba ang social standing namin. Ako sa hindi-gaanong mahirap at hindi mayamang level. Pero si Jake—nasa above rich level, kung meron mang ganung estado.

DAHAN-DAHANG tumayo ang papa ni Jake bago ito dumungaw sa bintana na nakaharap sa kanilang malawak na hardin.

“Icka… Jake…” malambing na sabi ni tito.

“Po?” sabay naming sabi ni Jake. Nagkatinginan lamang kami ni Jake. Napangiti siya kaya napangiti na rin ako.

“Can you give me a grandson or granddaughter? Wala kasi akong mapagkaka-abalahan dito sa bahay kung sakali mang hahaba pa ang buhay ko.” sabi ni tito sa amin ng walang anumang delay o pasakalye.

Halos mapatihulog si Jake sa kaniyang kinauupuan. Ang mukha ko nama’y biglang namula sa hiya. Grabe!

Pero bakit naman ako mamumula sa hiya? Ang mga nakakaramdam lang nito ay yung mga taong in-love pag pinag-uusapan na ang mga maseselang bagay tulad nito.

No way! Ibig bang sabihin nun ay in-love pa rin ako sa Jake na yun? Hindi nga pu-pwede! May Brian ako at siya ang official boyfriend ko and husband-to-be later.

“Papa, no way. Actually, Icka has a—“

Bigla akong sumingit habang nagdadahilan si Jake. “Tito, I have a boyfriend na po. Saka magkaibigan po kami ni Jake. Hindi po posible yang sinasabi niyo.”

Halos magkabuhol buhol ang dila ko sa pagpapaliwanag kay tito. Pero parang bingi ito sa mga sinabi ko bagkus ay humirit pa ito.

“Then break-up with your boyfriend hija.” sabi ni tito sabay bago ito nagsimulang humalakhak.

“Pa! Don’t laugh too hard! Baka atakihin na naman kayo!” awat ni Jake para mapigilan ang tuluyang paghalakhak ito ng malakas.

Halos matulala ako sa sinabi ng tito ko. Kung pranka si Karen, si tito nama’y maituturing ko na mapagbirong pranka. Minsan kasi ang mga biro niya ay half-meant kaya mas maraming pagkakataon na hindi siya lubusang naiintindihan ng kaniyang kausap.

UNA, gusto ni tito na magka-apo. IKALAWA, iminungkahi nito na makipag break ako kay Brian—ang current boyfriend ko. Ano pa kaya ang ikatlo?

Pagkatapos naming mag-usap ay pinauwi na ako ni tito para makapagpahinga naman ako mula sa aking mahabang biyahe. Palubog na rin kasi ang araw at hanggang hapon lang ang paalam namin ni Jake kay inay.

Pero bago iyon ay binabagabag pa rin ako ng pag-uusap namin ni tito kanina.

“ICKA, hija, pasensya ka na sa tito mo ha.” Paghingi niya ng paumanhin.

“Ok lang po yun tito.” Sagot ko bago ko siya binigyan ng matamis na ngiti.

“Pero alam mo, mas gusto ko sana kung ikaw ang makakatuluyan ng anak ko. Matagal na kasi kayong magkakilala at mas panatag ang loob ko sayo kaysa sa Charise na yun. May pagka-matapobre kasi eh.”

“I understand tito but you know my stand, right?” tanong ko sa kaniya.

“I understand. I just don’t want the two of you have any regrets later. At least, I’ve told you how I feel about your situation.” ani Tito.

Tila tumigil ang mundo ko ng mga oras na iyon ng marinig ko ang salitang “regret”. Naisip ko si Brian. Sabi niya, wala siyang regret mula ng makilala niya ako at matutuhang mahalin. Samantalang ako… tila naguguluhan pa rin sa totoo kong nararamdaman.

“Thank you po tito.” ang tangi kong naisagot sa kaniya. Iyon ang pangatlong hirit niya.

PAGKATAPOS naming may-usap ni tito ay nag-usap naman kami ni Jake.

Tulad ng dati ay nakaupo kami sa lugar kung saan kami huling nag-usap mga ilang taon na ang nakakaraan. Ito rin ang lugar kung saan iniwan ko ang lahat ng pagmamahal ko para kay Jake. At ito rin ang lugar kung saan maari ko nang tuluyang isara ang aking puso para sa kaniya.

“Icka, nagtataka ka siguro kung bakit sumuko na ako.” panimula niya.

“Oo nga, hindi ka naman dating ganiyan. I remember, hinamon mo pa ang boyfriend ko na aagawin mo ako sa kaniya diba?” sabay kindat ko sa kaniya.

Inakbayan niya ako pero hindi ako tumutol. Pinakiramdaman ko muna siya kung ano ang susunod niyang gagawin o sasabihin sa akin. Para talagang bumalik kami sa nakaraan nung kami ay magkaibigan pa.

“It’s a man secret but I will simply wait for you. At pag di na ako makapaghintay, magpapakasal na lang ako sa ibang babae para makalimutan kita kaagad.” pabirong sabi niya sa akin.

Tinitigan ko lamang siya habang magkalapit ang aming mga mukha. “Magpapakasal ka kahit hindi mo mahal ang babae? Inutil ka pa rin, alam mo ba yun?”

“Who knows? Only time can tell, diba?” inalis niya ang kaniyang kamay sa pag-akbay sa akin bago ito tumayo. “Nabasa mo ba yung huli kong sulat sayo?” tanong niya.

Bigla kong naalala ang sulat na naiwan ko sa aking kwarto. Hindi ko binasa o pinunit man lang yun nang saktan ako ng inutil na ito. “Hindi pa, pero plano kong basahin iyon mamaya.”

“Lyrics lang ng kanta ang nakasulat dun. Kung tatanungin mo ako kung anong kanta yun, sigurado akong alam na alam mo yun.” sabi niya bago siya ngumiti sa akin.

Tumayo din ako sa aking kinauupuan bago ko siya tinulak pababa. “May pakiramdam ako na nasa cellphone ko ang kantang yun, tama ba?” tanong ko sa kaniya bago ko siya dinuro gamit ang aking daliri.

Binigyan niya ako ng thumbs up sign bago niya ako sinagot, “Maybe.”

THERE I was
Waiting for chance
Hoping that you’ll understand
The things I wanna say

“Hija, anak, yung phone mo, nag-riring na naman. May tumatawag na ata sayo.” Sigaw ni Inay sa akin habang naliligo ako sa banyo.

As my love went stronger than before
I wanna see you more and more
But you closed your door

“Nay! Pakisagot na lang po muna. Sigurado si Jake na naman yan.” Bilin ko habang abala ako sa paliligo.

Why don’t you try
To open up your hear
I won’t take so much—

Hindi na tiningnan ni Inay ang screen ng aking phone at sinagot na lamang niya kaagad. Nilambingan pa nga niya ang tono ng kaniyang boses dahil si Jake naman ang nasa kabilang linya.

“Aba hijo, gabi na ha. Napatawag ka? Naliligo pa si Icka, tumawag ka na lang mamaya Jake.”

“Sorry po Ma’am pero hindi po ito si Jake. Isa lamang po akong tao na nagmamagandang loob sa taong may-ari ng cellphone na ito.” Sabi ng isang hindi kilalalang lalake sa linya. Tila malaki ang dala nitong problema habang nagsasalita ito sa Inay ko.

“Sorry din hijo pero hindi kita maintindihan. Akala ko kasi ikaw si Jake. Ano bang nangyari at sino ka?” tanong ni Inay.

“Miram po ang pangalan ko at yung may-ari po ng cellphone na ito ay nasa malubhang kalagayan. Na-aksidente po kasi siya habang nagmo-motor sa kahabaan ng EDSA. Maulan po kasi dito ngayon.” pagpapaliwanag niya.

“Por dios por santo! Ano bang pangalan niyang may-ari ng cellphone na yan at ka-ano-ano niya ang anak ko?” tanong ni Inay. Balisang balisa ito sa kaniyang narinig.

“Sa nakikita ko po, magkasintahan po ata sila Brian at Icka. Sige po, ite-text ko na lamang po yung address kung nasan kami kasi kailangan ko na rin makauwi. Saka wala rin po akong pambayad sa gastos ng lalakeng ito kaya sana nauunawaan nyo po. Thank you po, bye!” pamamaalam ni Miram, ang taong tumulong kay Brian para madala ito sa ospital pagkatapos nitong ma-aksidente.

Talakayan

15 thoughts on “Maybe – 08

  1. ow. . . . . kawawa naman si brian. .

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 12:10 hapon
  2. OMG!!sunud2 ang problema!

    Bryan> if u really love a person u can let her/him go. . .
    kung saan xa sasaya khit na masakit. . .kakayanin mu un. .nde lang tlga kau para sa isat’isa. . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 2, 2012, 11:57 hapon
  3. OM! mukhang lalong maiipit si Icka sa sitwasyon ah.. hmmmm…..

    Posted by Veronica | Enero 30, 2012, 2:12 hapon
  4. why naaksidente si brian kakalungkot naman

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 10:38 hapon
  5. sana matuluyan si brian–lol—joke

    foo: haha, wawa naman yung tao. ^^

    Posted by roxanne | Enero 29, 2009, 10:25 hapon
  6. kakatuwa ung mga cnusulat mo foo,,

    foo: ^_^

    Posted by poksai | Nobyembre 23, 2008, 8:34 hapon
  7. whaaa,, pa-nice ng pa-nice ang progress ng story,, maybe ifo-follow ko talaga toh,, aie,, hindi maybe,, ifo-follow ko talaga!! ^^ tsktsk,,

    foo: kung ikaw kaya ang i-follow ko? o.O? ^^

    Posted by bella | Nobyembre 22, 2008, 2:30 hapon
  8. oi foo, san na yung susunod? hehehe kakabitin!!!!!
    exciting!!!!

    foo: wala na! hindi ko na susundan ito. na e excite ka eh. nyahahaa! joke!

    Posted by Louise | Nobyembre 21, 2008, 12:53 hapon
  9. huhuhu..wawa naman meh!!!!

    Posted by MIram | Nobyembre 21, 2008, 12:15 hapon
  10. foo bakit naman boy ang role ko jan!!!!!huhuhuu..minurder nya na naman ang name ko..huhuhuhuhu…pero nice cya huh!!!next na pls!!

    foo: ganun talaga. ikaw ang nag register sa utak ko nung sinusulat ko yan. demanding ka kasi. hahahaha!

    Posted by Miram | Nobyembre 21, 2008, 10:42 umaga
  11. foo, thanks.. excited nko sa susunod..bitin pero ok hintayin kna lng ung kasunod, alam ko nman tapos mna un eh.. good job..ingatz

    foo: thanks nitz. gusto ko na talagang i-release ito ng isang bagsakan lang pero may schedule kasi na naka-set para sa mga stories. hahay… nakaka-lurkey!

    Posted by sjyo | Nobyembre 21, 2008, 7:19 umaga
  12. nadidistract ako sa mga “ako” at “ko”. pero ok pa rin ang kwento.

    next na!

    foo: maski man ako na di distract. kasi from the way it was originally written, 1st person perspective ang ginamit ni cindy. so wala akong magagawa kung hindi i-adopt ang style niya.🙂

    Posted by bench | Nobyembre 20, 2008, 8:33 hapon
  13. foo naku saan na ang kasunodddd….
    foo ano na ba magyayari malapit na bng matapos ang love story nila…
    i like u na tlaga pero mas gusto 2 ko ang love story nila…
    foo sa sunosud ha pakiaga ng pagpopost mo …
    peero thank you n rin ksi u share u’r story…
    break a leg …. 2 u and all d’ author’s also this site…

    foo: sa next tuesday at thursday po ang labas ng next part. ahehe.🙂

    Posted by razy-lover | Nobyembre 20, 2008, 7:45 hapon
  14. wOw..thanks foo ^__^

    foo: np!

    Posted by nadine | Nobyembre 20, 2008, 6:58 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: