binabasa mo ang...
Breeze (Former TOP Specials)

Act 011: Lalake

Pagkatapos basahin ni Foo ang storya ni Tessa ay napansin niyang namamasa ang kaniyang pisngi. Pinahid niya iyon ng kaniyang kamay at napansing nagmumula iyon sa kaniyang mga mata. Umiiyak na pala siya. At ayaw niya ng umiiyak dahil tanda lamang iyon ng kahinaan. Pero wala siyang nagawa. Para siyang nalunod sa kaniyang binasang storya.

Ang storya ni Tessa ay tungkol sa isang babae na laging umaasa na mamahalin din sya ng kaniyang pinakamamahal na lalake. Ang lalake naman ay sobrang manhid dahil may iba pa itong gustong gawin sa kaniyang buhay. Nag desisyong umalis ang lalake para abutin ang kaniyang pangarap. Naiwan at umasa ang babae na babalik ito pagkatapos niyang matupad ang mga pangarap niyang iyon. Lumipas ang maraming taon at bumalik ang lalake. Nang dalawin niya ang babae ay kapatid niya ang naabutan nito. Sinabi sa kaniya ng kapatid nito na namatay ang babae dahil sa sobrang depresyon at paglala ng sakit na matagal na niyang dinadal nung mga bata pa sila.

Nabitin si Foo dahil hindi binigyan ni Tessa ng ending ang lalake. Hindi niya isinalaysay kung ano ang sunod na gagawin ng lalake sa istorya nito. Kung anu man ang rason ay hindi niya alam. Marahil ay malungkot ito sa tunay na buhay. Ibang-iba kasi ito sa nakikita niyang babaeng nangungulit sa kaniya na masiyahin at palangiti. Napakagat siya ng labi at naiinis siya sa kaniyang sarili. Tila naapektuhan siya ng labis sa kaniyang nabasa.

Itinigil ni Foo ang pagluha pagkatapos ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Napabuntong-hininga siya ng malakas saka niya sinigawan ang kaniyang sarili. “Gagaya ka ba sa lalakeng iyon Foo? Mag-isip-isip ka bago mahuli ang lahat.”

(by foo)

FOO’s NOTE: Sana ipagpatuloy ito ng ibang manunulat… Naaabuso na ang karakter ko dito. Huwah!

~

Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.

Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

5 thoughts on “Act 011: Lalake

  1. ahahah. .wawa aman c mr.foo . . .=D

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 16, 2012, 7:50 hapon
  2. Bakit walng 010?

    Posted by guia_0108 | Nobyembre 21, 2009, 11:01 hapon
  3. hi foo. sori 4 d ds2rbance. can i have ur email add? pati na rin Ym.. hup u don’t mind. hehe:-) thank u.
    here’s my email add. Ceyk_Reyes@yahoo.com
    GodBless:-)

    TOP: foobarph’s e-add and ym > foobarph

    Posted by Ceyk | Setyembre 1, 2009, 11:06 hapon
  4. Nakakatakot ba ako…hihihihi. Siguraduhin mo lang na masu-surprised ako. \m/

    foo: bahala na.🙂

    Posted by Clay | Agosto 1, 2009, 7:27 hapon
  5. care to tell what is the title of that story that wrote by Tessa.. parang magandang story eh…jejejeje

    foo: nandito rin sa TOP yun… clay, ikaw ha… iba ka kung mag-isip, nakakatakot ka bilang reader, hahaha! basta stay tuned na lang, for sure, masu-surprised ka.🙂

    Posted by Clay | Hulyo 28, 2009, 3:17 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: