binabasa mo ang...
Maybe

Maybe – 07

PAGKALINGON ko sa aking likuran ay nakita ko si Jake. Nakatayo ito at hawak nito ang kaniyang cellphone. Pinindot niya ang OK key bago siya ngumiti sa akin.

Pagkaraan ng ilang sedundo’y naka receive ulit ako ng text sa kaniya.

“I give up. Friends again?”

Nagtaka ako sa kaniyang itinext sa akin. Gusto ko siyang lapitan para kumprontahin sa kaniyang itinext pero sumakay na lamang ako sa kaniyang gimik.

“Friends naman tayo. Buti sumuko ka na. What happened?” reply ko sa kaniya.

“It’s a long story to tell. If you want to hear it, you know where you should go. But if you don’t want to, we can always talk about it later.”

Nabigla ako sa kaniyang ini-reply. Totoo ba ito? Si Jake, sumuko na sa kaniyang pangungulit sa akin? Ibig bang sabihin nun ay wala na kaming problema ni Brian? Kung ganun, isa itong himala!

LUMAPIT siya sa akin pagkatapos niyang makita ang aking ngiti. Iyon na siguro ang pinakamatamis sa lahat ng mga ngiting naibigay ko.

“Sasamahan na kita sa inyo. You must be tired from that long trip.” masigla niyang sabi sa akin.

Napatango lamang ako. “Hindi naman nakakapagod. Don’t worry, I can handle it myself.”

Paalis na sana ako ngunit bigla niyang kinuha ang dala kong back pack na bitbit ko sa aking kanang balikat. Binitbit niya iyon bago niya ako nginitian.

“I insist. Pero promise, after kong makapagmano kay tita, aalis na agad ako.”

“Yan ka na naman! Nangungulit ka na naman.” biro ko sa kaniya.

“Hindi naman.” sagot niya bago ito ngumisi.

PAGDATING sa bahay ay napansin kong naghihintay na aking aking inay. Maski si Karen ay naruon na rin kasama si Gino. Kinawayan ako ng aking inay para magmadali sa paglalakad.

“Inay!” para akong bata na sumigaw. Matagal na panahon ko rin kasing hindi nakita ang inay simula ng mag-trabaho ako sa Maynila.

“Oh dahan-dahan hija, baka madapa ka. Kumain ka muna.” Sabi niya pagkatapos kong makalagpas sa aming maliit na bakod na yari pa sa kawayan.

“Aba Jake! Nandito ka rin pala. Tara, sabayan mo na kaming kumain. Medyo huli na nga sa oras ng hapunan pero hindi naman na mahalaga yun.” Paaanyaya ng aking inay.

Tiningnan ko lamang silang dalawa bago ko kinuhang muli ang aking backpack na binitbit ni Jake para sa akin. Hinintay ko ang kaniyang isasagot.

“Hindi na po tita. Nakakain na po ako at may tatapusin pa po ako sa bahay.”

“No tita, don’t believe him.” Sabat naman ni Karen bago ito kumindat sa kaniya.

Matalim kong tinitigan si Karen nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Don’t tell me may crush nga talaga ang tsismosa kong friend sa inutil na Jake na iyon?

“Oo nga naman. Sabayan mo na kami. Mas marami, mas masaya diba?” segunda naman ni Gino.

Mabilis namang sumagot si Inay. “Oo nga naman Jake, sabayan mo na kami. Kahit sandali lang.” pakiusap ng aking Inay.

Halos mabatukan ko ang aking sarili sa nangyari. Tila plinano nilang lahat ang eksenang ito. Wala naman ako sa pelikula pero pakiramdam ko’y nakatutok sa akin ang spotlight ng oras na iyon.

Maya-maya’y tumutok iyon kay Jake. “Kung papayag po si Icka, bakit po hindi.” sabi niya na para bang nang-aasar.

Bumalik sa akin ang spotlight bago tumahimik ang paligid. Hinihintay nila ang aking kasagutan. Napabuntong-hininga na lamang ako.

“Oo nga Jake, bakit nga hindi—diba?” mataray kong sabi sa kaniya. Parang alaskador ang tono ng aking boses ngunit hindi naman nila pinansin iyon.

Bagkus ay nginitian lamang nila akong lahat bago sila sabay-sabay na nagsalita nang—“Yay!”

INILIGPIT ko muna ang aking gamit sa aking kwarto bago ako nag-ayos ng aking sarili. Bigla ay naalala ko ang aking set-up ng aking pamilya.

Si itay ay kasalukuyang nasa cruise ship bilang mekaniko na nagpapaikot-ikot sa bandang Europa. Si inay naman ay abala sa aming bunsong kapatid. Walang trabaho si inay ngunit sinusustentuhan naman siya ni itay sa pagpapadala nito ng pera tuwing kinsenas. Kung kinukulang man ay sa akin siya lumalapit pero madalang lang na mangyari iyon.

Ako naman ay nag desisyong umalis sa lugar namin para mag-trabaho sa Maynila at para maka-iwas kay Jake. Mahal ko si Jake nang mga panahong iyon ngunit hindi na ngayon.

Natigilian akong muli bago ko tiningnan ang aking paligid.

Sa aking study table ay naruon pa rin ang sulat na ibinigay sa akin ni Jake bago ako nagpa-Maynila. Hindi ko na binuksan iyon dahil sa sama ng loob. Pero ngayon ay maari ko na itong basahin ulit.

Nagdalawang isip muna ako kung bubuksan ko ang sulat na iyon o hindi.

Kung hindi ko ito bubuksan, wala akong magiging problema o panibagong problema na mararanasan. Wala rin akong masyadong iisipin dahil friends na lang kami ni Jake ngayon at tinanggap na nito ang kasalukuyan naming sitwasyon.

Kung bubuksan ko naman iyon, babalik na naman ako sa nakaraan. Ngunit kung makakabalik ako sa nakaraan kahit sa sandaling panahon lang ay tiyak na mayruong parte sa aking puso at isipan ang masasagot.

Nakapag desisyon ako. Bubuksan ko ang sulat na yun. Nilapitan ko iyon at kinuha. Huminga muna ako ng malalim bago—

“Ate! Bilisan mo! Lumalamig na ang ulam!” sigaw ni Gino.  Halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa sobrang lakas ng kaniyang boses.

Kung kanina’y mabilis ang tibok ng aking puso ngayon ay humupa na! Ibinaba ko muna ang sulat sa dati nitong kinalalagyan. Tutal— mayruon namang mamaya para kunin at buksan iyong muli.

“Eto na! Pababa na!”

SA hapag kainan ay masasarap ang mga putahin niluto ni inay. Soup, adobong manok,  ampalaya, kanin at leche plan. Ayos! Ito ang masasabi kong perfect late lunch with my loved ones.

Bagama’t wala si Itay ay tiyak kong hahalakhak na naman ng malakas iyon kung sakali mang makita nila kami na sabay-sabay na kumakain.

Si inay ay abala sa paglalagay ng pagkain sa aming mga plato. Si Gino nama’y inunahan na kami sa soup. Si Karen nama’y ngiti ng ngiti kay Jake. At etong si Jake nama’y ngumingiti din kay Karen.

Close ba ang dalawa o nagliligawan? Hindi na ako nag-isip. Pinili ko ang una. Sigurado ako, pinagplanuhan talaga nila ang tagpong ito. Ibang klase talaga oh!

“ANAK, hindi kaya mapagalitan ka sa pagpunta mo dito? Alam mo naman ang mga call center diba? Sobrang higpit sa mga tao.” ani Inay.

“Nagpaalam naman po ako Inay. Kung tutuusin, hindi naman ako nahihirapan sa trabaho ko dahil gusto ko ang gusto ko naman iyon.” sagot ko naman sa kaniya.

Sumingit si Karen. “Ano naman ang paaalam mo aber?”

Napailing lamang ako sa kanila ngunit matalim kong tiningnan si Jake. Ngunit ng sumagi sa isip ko ang nangyari sa tatay nito’y bigla akong nagmukhang maamong pusa.

“Si tito kasi nagkasakit kaya ganun. Dadalawin ko siya pagkatapos nating kumain at makapagligpit.”

“Sigurado kang yun ang paalam mo? Imposibleng payagan ka ng mga yun.” bumanat naman ulit si Karen. Tila namana nito ang kakulitan ni Jake.

“May trangkaso ako kaya ako nandito. Happy?” sadista kong sagot kay Karen. Napahalakhak lamang ito at muntik pa ngang mabulunan.

Bigla namang sumabat si Jake, tila nabigla sa aking sinabing dahilan. “Sorry. Dapat later na lang kitang sinabihan para hindi na kita naabala pa.”

Tila nanlumo ang aura ni Jake. Ang dating pagiging makulit at pagiging inutil nito’y napalitan ng isang maamo at mabait na lalake. Palibhasa’y siya ang may kasalanan kung bakit ako bumalik sa probinsya ng wala sa oras.

“It won’t happen again next time.” ani Jake.

“It’s ok, I don’t mind.” sagot ko sa kaniya.

PAGKATAPOS kumain, makapag-ligpit at makapag-ayos ay kinausap ko si Jake para samahan ako na makipagkita sa tatay niya. Pumayag naman siya para alalayan ako.

Pagkadating sa bahay nila Jake ay muli akong napahanga sa kagandahan nito. Kung dati’y maganda ito, ngayon ay hindi na.

Dahil ubod na ito ng ganda dahil sa bagong light colour theme ng mga dingding. Pati ang atmosphere ng paligid ay ibang-iba sa labas dahil sa indoor fountain na makikita sa kanilang sala at sa kakaibang lighting style na inilagay dito. May malaki ring chandelier na nakasabit sa ibabaw nito.

Maituturing ko na isang perfect mansion ang bahay nila Jake. Malayong-malayo sa itsura ng bahay namin. Ang kapalaran talaga, iba kung maglaro.

Naghintay ako sandali sa kanilang sala pagkatapos umakyat ni Jake para sabihan ang kaniyang papa na lumuwas ako dahil sa kaniya.

Maya-maya pa’y nakita ko na si tito na bumababa sa hagdanan. Medyo nakabawi na ito ng lakas pero halatang inaalalayin pa rin niya ang sarili.

“Hija, napadalaw ka?” matamis na bati sa akin ni tito pagkatapos naming makaupo sa sala.

“Tito! How are you!?” mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya bago ako nagmano at hinalikan siya sa pisngi.

Tumingin muna siya kay Jake bago ito nagsalita. “I’m ok now. Thanks to Jake… and thanks to you dahil dumalaw ka.”

“Oh that’s good to hear.” Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos kong marinig ang masigla na niyang boses. “Aren’t you going to states para matingnan kayo ng husto duon?”

“You know—they have the technology and medical facilities to help you fully recover. I’m sure it will help fasten your recovery.” Pag-aalala kong tanong sa kaniya.

“I’m thinking about it hija. But you know me—still hard-headed like your father.” Pagbibiro nito bago ito ngumiti ng pigil. Hindi kasi siya maaring tumawa ng malakas kaya alalay rin kami sa pagbibiro sa kaniya.

Hinawakan ni Jake ang balikat ng kaniyang papa. “I think Icka is right. You should go to states and let the best doctors see you there.”

“Do you think so hijo?”

“Opo naman!”

“In one condition.”

“Ano yun papa?”

“The condition is—not I, it would be ‘us’ who should go to states.” sabi ng kaniyang papa sa akin. Gusto ni tito na isama ako sa US para samahan siya habang nagpapakagamot. And that would also mean another thing— makakasama ko si Jake!

Kung aalis ako kasama nila, paano na si Brian? Sigurado, hindi papayag yun! Mabilis namang tumingin sa akin si Jake na tila nabigla rin sa sinabi ng kaniyang papa.

~

AUTHOR’S NOTE:

Maituturing ko na isang Big Mac ang istoryang ito. Kasi, pag depressed ako o di kaya’y gusto kong mag celebrate mag-isa, kumakain ako sa McDo para bumili ng Big Mac.

Sa istoryang ito, isa lang ang napatunayan ko– mahirap magpatuloy ng kwento ng ibang tao! Ako man ay nag e-enjoy habang sinusulat ito sapagkat maski man ako hindi ko alam kung paano ko wawakasan ang istoryang ito.

Nawa’y samahan ninyo ako hanggang sa huling mga yugto ng Maybe. And maybe, time will tell if this is worthy to be compared into a Big Mac just like the way I compared it myself.

Talakayan

8 thoughts on “Maybe – 07

  1. nakakaloka ang tumawang mag-isa.. . i don’t care ‘coz i can’t help ot. . lol

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 12:03 hapon
  2. grabe aman t0ng story na to para na aque ditung bliw!. .hahahah
    naiiyak tax biglang tatawa. .heheh =)

    grabe tulu luha que dun sa scene sa papa ni jake. .:'(

    sana i hve my father also to support me and to guide me too. .
    But. . . .nOthng😥

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 2, 2012, 11:36 hapon
  3. wooww kawawa si brian kung iiwan ni Icka

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 10:06 hapon
  4. grabe…related ako sa part na toh..hehe…lalo na yung magkatabi na at lahat lahat..pero nagttxt-an pa..hehe..thanks poh…

    foo: lolz! kelangan, bantay sarado, tama ba rox? ^^

    Posted by roxanne | Enero 29, 2009, 10:05 hapon
  5. whoa,,

    like the progress,,!!

    what’s gonna be her decision??

    i hope ma release agad,, tnx pala sa pag release!! ^^

    Posted by bella | Nobyembre 19, 2008, 1:06 umaga
  6. i love it…🙂 nx chapter pls..🙂 good thing meron nito online pra pg bored me d2 my bnbasa me.. love it..🙂

    Posted by jhen | Nobyembre 18, 2008, 9:21 hapon
  7. foo, next chapter na pls.. ipublished mna lahat.. excited nko basahin ang mga susunod..thanks. keep up the good work & Godspeed..

    foo: sige nitz, il try to fix this up. :p

    Posted by sjyo | Nobyembre 18, 2008, 7:12 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: