binabasa mo ang...
Breeze (Former TOP Specials)

Act 009: Pocketbook

Mabilis na nag-type si Foo para i-reply si Kristen. Nakilala niya ito sa Internet at isa itong writer sa isang online pocketbook project. Pareho sila ng hilig– ang magbasa ng pocketbook. “Kristen! Paano mo nalaman na kami na ni Tessa!? I mean, hindi naman talaga kami! Tsismis lang yun!” protesta niya.

Mabilis namang nag-reply si Kristen. “Ano ka ba! May tenga ang dingding at may pakpak ang balita.” biro nito sa kaniya. Nag-send pa ito ng kasunod na mensahe sa kaniya. “You should be happy you know. I think Tessa is the right girl for you.”

“No way! Kapatid lang ang turing ko sa kaniya! Please help me! Kailangang makawala ako sa bulingit na yun!” nagmamakaawa si Foo sa kaniya. Aminado siya na maganda at mabait si Tessa. Pero kung ito lang ang magiging batayan para mahalin niya ang babaing ito ay hindi pa rin ito sapat. Gusto kasi niya na siya ang kusang ma-i-in-love sa babae, hindi ang babae sa kaniya.

“I will help you– in one condition.” reply ni Kristen sa kaniya. “Kailangang basahin mo ang pocketbook na isinulat ni Tessa sa website namin. She’s a writer like me kaya alam ko kung ano ang tunay niyang nararamdaman sayo. She’s crazy about you!” sinabayan pa niya ito ng laughing hard na smiley. Talaga naman ang pagkakataon oh!

(by foo)

FOO’s NOTE: Ok! Tinatanggap ko na ang aking kapalaran na ako lang yata ang makakapagpatuloy ng kwentong ito. Naku po naman! Talaga naman! Grr!

~

Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.

Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

4 thoughts on “Act 009: Pocketbook

  1. maganda nmn eh…lol

    Posted by jlhayne | Enero 10, 2011, 9:26 umaga
  2. hahahaha… umpisahan mo nang basahin ang pocketbook ni Tessa

    Posted by Clay | Hulyo 28, 2009, 3:09 hapon
  3. hahahaha…….wala kang kawala jan..matinik talaga si tessa…

    Posted by senti | Hulyo 22, 2009, 9:44 umaga
  4. Ahehehe! naku pu!

    Posted by Louise | Nobyembre 18, 2008, 11:18 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: