binabasa mo ang...
Maybe

Maybe – 06

MAG A-ALAS-SIYETE na nang umaga bago ako magising.

Pinuyat ko ang aking sarili sa pag-iisip tungkol sa amin ni Brian. Pero mas lalo akong napuyat at napagod sa inutil na Jake na yun!

Tinampal ko ang aking sarili bago ko ginawa ko ng mabilis ang aking morning routine— ang bumangon, iligpit ang kama, maligo at maghanda ng quick breakfast.

Naisip kong kailangan ko pa lang lumuwas sa probinsya dahil may sakit ang tatay ni Jake. Nag-isip ako ng magandang paraan kung paano makakapag absent ng may magandang dahilan. Buti naman at nakaisip ako!

Tumawag ako sa opisina at ipinaalam sa aking bisor na tina-trangkaso ako. Nagsinungaling ako at ito ang unang beses na ginawa ko iyon. I fi-file ko na lang as sick leave ang kalokohan kong ito. At least, hindi ako ma te-technical foul sa gagawin ko.

“Sure Icka, be well and take care.” sabi ng bisor ko sa kabilang linya.

“Thanks Ma’am” sagot ko sa kaniya na may pa cough and colds effect kahit wala naman. May pagsisisi akong naramdaman ngunit mas mahalaga pa rin na makauwi ako.

Pagkaputol ng aming pag-uusap ay naisip ko na nasa bus station pa rin pala si Jake! Huli na ako sa usapan namin.

Pero hindi ko alam kung saang bus station ang tinutukoy niya. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

“Wer u n? Pnthn n ntin c t2.” nag-text  na lamang ako kay Jake.

Napahipo ko ang aking noo. Mainit iyon—para nga talaga akong tina trangkaso pero mabuti naman ang pakiramdam ko. Kaasar!

Napapikit ako. Ganun din kasi ang pakiramdam ko ng bata pa kami. Laging kakaiba ang aking nararamdaman sa tuwing naiisip ko ang inutil na Jake na yun!

Blah! Ako ata itong inutil at hindi siya.

NAKAPAGBIHIS na ako at naihanda ko na rin ang aking gamit. Ang tanging hinihintay ko na lamang ay ang reply ni Jake. Pero hindi iyon dumating.

Dahil sa mainipin ako ay binigyan ko pa siya ng tatlumpung minuto para mag reply. Pag hindi siya sumagot, tatawagan ko si Karen para i-confirm kung totoo nga ang sinabi ni Jake.

Naniniwala kasi ako na hindi magsisinungaling sa akin si Jake at hindi ito magdadamay ng ibang tao para lamang makausap at guluhin ako. May tiwala pa rin ako kay Jake—gaya ng dati.

Napakagat ako sa aking sarili.

Naisip ko si Brian. Dapat malaman niya itong gagawin ko. For sure, magagalit yun pag nalaman niya na makikipagkita ako kay Jake.

Pero may valid reason naman kaya wala siya dapat na ipangamba. Besides, nag-usap na kami gabi at tuluyan ko nang tinuldukan ang anumang namamagitan sa amin ng inutil na Jake yun.

Nag-usap na kami kagabi at naniwala naman siya sa akin kaya dapat wala rin akong ipangamba. Mahal ako ni Brian. Period.

“Brian— I’m sorry.” anas ko sa aking sarili bago ko ikinansel ang tawag ko sa kaniya.

Kung mahal ako ni Brian, mauunawaan niya ako.

Iyon ang naging paninindigan ko sa pagkakataong iyon. Ah—bahala na!

LUMIPAS ang tatlumpung minuto ngunit wala akong natanggap na reply. Halos maibato ko ang aking cellphone sa inis pero bago ko gawin yun ay nag desisyon muna akong kausapin si Karen, ang barkada namin ni Jake sa probinsiya.

“Karen, how’s Jake’s father?” agad kong tanong kay Karen pagkasagot nito ng phone.

“Medyo ok na si Tito. Nagpapahinga na lang sa bahay.” sagot niya sa akin.

“Nandyan na ba si Jake? Totoo ba na wala na sila ni Charise? At bakit mo binigay ang lugar kung saan ako naruon? Alam mo namang tinatago ko yun pati sa pamilya ko pero sayo ko lang sinabi in case of emergency diba?”

“Grabe! Ang dami kong tanong! Dali? Sagot!” sadista kong sabi kay Karen.

“Ok fine! Ito na, sasagutin na po!” ani Karen.

“Number one, nakabalik na si Jake dito. Pero mukhang binagsakan ng langit at lupa ang pagmumukha niya kaya medyo nabawasan siya ng 10,000 pogi points ang fafa mo. And I think— kasalanan mo iyon.”

“Number two, wala na sila ni Charise dahil sumama ito sa ibang lalake na kasing-kati niya. Kung sino man yun, wala na akong pakialam. Basta’t ang mahalaga, break na sila ng malditang yun.”

Napangiti ako sa tono ng pananalita ni Karen. Gaya ng dati, pranka pa rin ito at walang maseselang balita ang nakakalagpas sa akin dahil sa kaniyang pagiging tsismosa—magaling na tsismosa.

“At number three, kumanta ako dahil inilibre ako ng toma ng dati mong jowa. Kilala mo ako, basta’t naka-toma, bumibigay agad.” biglang naging pilya ang tono ng kaniyang pananalita.

“Ang hindi ko lamang naibigay sa kaniya ay ang aking pagkakabae. Siguro masarap siyang humalik at malaki ang kaniyang ano diba?” sabay halakhak ni Karen.

Namula ako sa kaniyang narinig. Saglit ay parang naramdaman ko ang kaniyang huling halik sa akin ng gabing iyon. Masarap, mainit at kapana-panabik. Naramdaman ko rin ang kaniyang ano—malaki nga kasi galit na galit.

Natauhan ako at mabilis kong inawat ang kaniyang mga susunod pang sasabihin. Mahirap na baka kung saan pa mapunta ang aming usapan.

“Ewan ko sayo! Hindi ka lang tsismosa— malandi ka pa rin.” biro ko sa kaniya.

“Hindi naman. Alam mo naman ako, multi package in everything diba?” sagot naman niya sa akin.

“ICKA…” biglang nag seryoso si Karen.

“Po?” sagot ko sa kaniya.

“Jake really loves you.” pauna niyang sabi.

“Sabi nga niya sa akin.” sagot ko naman sa kaniya.

“And what did you say?”

“Karen… may boyfriend na ako diba? Na kwento ko na siya sayo. Mahal ko ang boyfriend ko at magiging unfair sa kaniya kung iiwanan ko siya dahil sa inutil na Jake na yun.”

“Icka, mahal mo ba talaga yang Brian na yan? Feeling ko kasi sa tuwing sasabihan mo siya ng inutil eh napapalitan iyon ng cute—cute na Jake.”

“Ewan ko sayo! Baka ikaw lang ang may gusto sa kaniya no at hindi ako. Aminin mo Karen, type mo ang Jake na yun no?”

“Oo naman. Bukod na sa mapagmahal, gwapo at mayaman, eh sobrang kalog pa. Hindi siya bored kasama unlike sa ibang guys na kinalantari ko.” prankang sabi ni Karen.

“Eh ikaw— ano ba talaga?”

Sasagutin ko sana si Karen ngunit biglang naputol ang aming pag-uusap dahil naubos na ang battery ng cellphone ko.

HUMIGA akong muli sa aking kama at nagpasyang magpahinga muna sandali.

“Nakapag desisyon ka na diba?” tanong ko sa aking sarili bago ko inihilig ang aking katawan sa bandang kaliwa.

Napabuntong hininga ako bago ko naman inihilig ang aking sarili sa bandang kanan. “Ano ba talaga Icka?”

Tiningnan ko ang aking relo. Alas-nueve na pero nasa apartment pa rin ako.

Kung papasok ako, makakaabot pa ako sa opisina. Besides, madali lang naman  mag kunwari na gumaan na ang aking pakiramdam. In fact, hindi ko naman ako dapat mag kunwari dahil hindi naman totoo na may trangkaso ako.

Kung aalis naman ako, saan naman ako pupunta? Mauubos lang ang oras ko kung babalik ako ng probinsya. Aksaya na sa pera… aksaya pa sa lakas.

Bigla’y naisip ko ang ginawa ni Jake kagabi.

Lumuwas siya ng probinsiya para puntahan ako. Sinundan niya ako hanggang MOA. Inihatid niya ako sa apartment. At indirect din itong nagtapat ng pag-ibig sa boyfriend ko. Pambihira talaga ang inutil na yun!

Napaisip akong muli.

Ginawa niya lang ang lahat ng iyon dahil wala na sila ng Charise na yun. Correction, iniwan at ipinagpalit siya sa ibang lalake. Buti nga!

Tumayo ako sa aking kinahihigaan bago ko tiningnan ang aking mga nakaimpakeng gamit. Nagkaruon ng liwanag ang aking mga mata—alam ko na kung saan ako pupunta!

HALOS abutin ako ng apat at kalahating oras para marating ang aming probinsiya.

Malaki-laki na rin ang naging pagbabago ng lugar namin. Sementado na ang daanan at marami na ring mga tindahan ang nagsulputan sa magkabilang daanan ng kalye. Nagiging commercialized na ang aming lugar.

May mga ilang mukha rin akong natatandaan na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa lugar namin. Ang ilan sa kanila’y nakikilala pa ako ngunit ang iba nama’y halos nakalimot na.

Palibhasa’y tumangkad na ako at mas naging petite. Hindi na rin ako mukhang losyang dahil sa light make-up na inilagay ko kanina sa bus. Nag-aply din ako ng conditioner para kumintab ang aking buhok. Nagsuot ako ng fit na jeans at shirt para naman bumilis ang aking pagkilos. Ngunit lalo yata akong sumeksi sa ginawa ko.

Napapa-wow din ang mga lalakeng nakakita sa akin bago ako makalapit sa aming bahay. Ngunit bago pa man ako makalampas sa kanila ay may nagsalitang lalake sa aking likuran.

“Hi miss, saan ka dito?” pilyong tanong nito sa akin.

Paglingon ko ay nagulat ang lalakeng bumati sa akin. Mas lalo pa itong nagulat ng makita niya ako ng malapitan. “Ate Icka!? Ikaw ba yan!?”

“Oo. At pilyo ka pa rin Gino! Dadagukan kita sige ka!” pagbibiro ko sa kaniya bago ko siya tinadyakan ng mahina sa tuhod.

Si Gino ang nakakabatang kapatid ni Karen. Madalas kasing saling pusa ito sa tuwing maglalaro kami ng barkada ko. At ngayong lumaki na ito, nagkaruon ito ng ‘pleasing personality’ na kagaya sa kaniyang ate. Pero dahil sa magkapatid sila ng barkada ko, pareho rin sila ng ugali— pilyo at pilya.

Tinitigan ni Gino ang mga barkada niya. “Hoy! Arbor ko ko na to. Iba na lang ang pag piestahan nyo!” pabirong sigaw nito sa kaniyang mga barkada. Nagtawanan naman ang mga ito.

“Ate Icka, napaluwas ka? Sasabihan ko si Ate ha?” tanong niya sa akin.

“Hay naku Gino, mahabang istorya. Sige, sabihan mo ang ate mo para masabayan niyo akong kumain. Medyo nagutom ako sa biyahe at konti lang ang kinain ko bago umalis.”

“Sure!” sagot nito bago ito kumaripas ng takbo papunta sa kanilang bahay.

Biglang nag-buzz ang aking cellphone. May nag send ng text message sa akin. Kinuha ko ito sa aking bulsa saka binasa.

“Life never seems to be the way we want. But we need to live it the best way we can. There’s no perfect life… but we can fill it with perfect moments.”

Si Jake ang nag text! Talaga naman—inutil! Pinaghintay ako buong umaga pero hindi nag reply! Ngayong nakarating na ako sa probinsiya’y saka ito nag text. Nakakaasar talaga ang inutil na yun!

Talakayan

8 thoughts on “Maybe – 06

  1. losyang talaga huh……. hehehe

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 11:55 umaga
  2. ang ganda ganda😀 kamuka ng author🙂

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 9:55 hapon
  3. please,,

    nxt chapter,,

    pretty please!!!!
    ^^

    foo: wahh!

    Posted by bella | Nobyembre 17, 2008, 8:23 hapon
  4. foo post mo ang next chapter nabibitin na ako…

    foo: eto na po! naka schedule lang para ma retain ang original flow ng TOP.

    Posted by razy_lover | Nobyembre 17, 2008, 1:17 hapon
  5. hehehe! ok nasan na yung next? lolz!

    Posted by ♥heart nymph | Nobyembre 14, 2008, 1:40 hapon
  6. woooo! binasa ko na! akala ko ba nakapag-isip ka na, ba’t wala pang continuation???
    hahaha! maganda! Natatawa lang ako. Main character kasi babae pero halatang lalaki ang nagsusulat. First person pa man din. Natatawa akong iniimagine, lalo na yung scene with Brian. Ang sweet niyo!!!
    Good Job po sa TOP admin natin! Keep it up!

    foo: thanks!

    Posted by ariehle | Nobyembre 13, 2008, 4:29 hapon
  7. foo, inip nko sa chapter 8, hehehe.. excited nko mabasa un..

    Posted by sjyo | Nobyembre 13, 2008, 7:16 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: