binabasa mo ang...
Maybe

Maybe – 05

BUONG magdamag ng Sabado at Linggo ako binantayan ni Brian.

Mula pagkagising, pagkain, pagligo, pamamalengke, pag-grocery, pagsimba at pati na rin siguro sa paghihilamos ko ay hindi ako nakawala sa paningin ng boyfriend ko.

Aaminin kong mas naging panatag ang aking kalooban dahil sa mga ginawa niyang iyon. Marahil, kung ibang babae ang kaniyang naging girlfriend ay tiyak na maiinis yun sa kaniya. Pero iba ako sa kanila– dahil malawak ang aking pang-unawa.

“Sinungaling!” pang-uupat ng aking masamang sarili. “Dinadaya mo lang si Brian! Ang totoo ay nandyan pa rin sa puso mo yang Jake na yan, diba?” umulit pa ito.

Sinubukan kong mag-isip ng ibang bagay. Ngunit bumabalik ang aking nakaraan—ang aming nakaraan. Naiinis na naman ako sa aking sarili.

Kung nilawakan ko sana ang aking pang-unawa kay Jake marahil ay naging kami na ngayon. At marahil, siya ang aking kaniig at hindi si Brian.

NAGHILAMOS muli ako ng aking mukha.

Pang-apat na beses ko na atang ginagawa itong paghihilamos na ito. Pero kahit anong hilamos ang aking gawin, sadyang hindi pa rin nawawala ang mga luha sa aking mga mata sa dami ng aking iniisip.

Nagpaalam na si Brian sa akin dahil kailangan pa nitong bumalik sa kaniyang trabaho. Pero sinabihan niya ako na sa susunod na linggo ay dito na siya titira sa apartment ko. Kakausapin daw niya ang landlady tungkol sa aming sitwasyon. Siguradong hindi tututol ang landlady namin dahil maabilidad si Brian pagdating sa mga ganitong bagay. Kaya niyang paikutin ang ulo ng sinuman.

Pinapaikot din kaya ni Brian ang ulo ko?

Naghilamos akong muli. Nag-isip ng magagandang bagay na nangyari sa amin ni Brian. Napangiti ako ngunit sadyang sumisingit ang mga salitang binitawan niya sa akin bago siya umalis.

“Pagbalik ko, dito na ako titira sa apartment mo. If I need to get a new work para lang mapalapit sayo, gagawin ko iyon. That Jake will try to steal you away from me. He is brave but I’m braver than him.” Ani Brian.

“Do you love me?” tanong niya sa akin.

Tiningnan niya ako ngunit hindi ko siya matingnan ng maayos.  Hindi katulad kay Brian na kahit anong pang-aasar ang ginagawa niya sa akin ay nagagawa ko pa rin siyang titigan ng walang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata.

Napatanga ako sa aking kinauupuan at ang tanging naisagot ko lamang sa kaniya ay—“Oo naman, boyfriend kita eh.”

“Mahal mo ako dahil boyfriend mo ako. Ha! This is so unfair! You still love that Jake, don’t you—Icka?”

Nahuli niya ako sa kaniyang sinabi.

Oo, aaminin ko na meron pa nga. Pero hindi kasing-tindi ng nararamdaman ko tulad sa kaniya. Siguro may pagsisisi pero love? Hindi na siguro.

Napaiyak ako sa aking kinauupuan kung kaya’t bigla namang nag-sorry sa akin si Brian. Mas lalo akong napaiyak ng hinalikan at niyakap niya ako.

“I’m so unfair to him!” anas ko sa aking sarili.

NAGHILAMOS akong muli.

Sa pagkakataong ito’y nakapag-isip ako ng paraan upang tuluyan ng mawala ang punyetang feelings na ito para kay Jake.

Kailangan kong mag-open up kay Brian at humingi ng tulong sa kaniya. Gusto kong lumaya ng tuluyan kay Jake at asikasuhin ang aming relasyon ng huli.

Tama! Iyon ang dapat kong gawin! Give and take dapat sa isang relasyon. Maging honest sa isa’t isa. Dapat nagdadamayan sa isa’t isa—sa hirap man o ginhawa.

Napangiti ako bago ko itinuloy sa pagligo ang paghihilamos na iyon. Tiyak, magugulat si Brian sa mga malalaman niya.

PAGKATAPOS kong maligo ay agad kong tinawagan si Brian sa telepono.

Kahit dis-oras ng gabi ay natitiyak kong gising pa ito. Kinuha ko agad ang aking telepono at kahit hindi pa ako nakakapagibihis ay nagpatuloy pa rin ako sa pag-dial ng kaniyang numero.

Inabot ng limang ring bago niya sinagot ang tawag ko. Naging maayos naman ang aming pag-uusap at ramdam ko mula sa kabilang linya ang kaligayahang naramdaman niya ng sinabihan ko siya ng “I love you honey”.

Napangiti ako at gumaan ang aking pakiramdam pagkatapos kong maibaba ang telepono.

Madali lang pala ang maglambing kahit na may atraso sa kaniya. Talagang mahal ako ni Brian at hindi ko siya ipagpapalit kahit sa kaninumang lalake sa mundo. Kahit sa inutil na Jake na yun!

THERE I was
Waiting for a chance
Hoping that you’ll understand
The things I wanna say

Nag-ring ang aking cellphone. Madaling araw na pero sinong pasaway ang tatawag sa akin ng ganitong oras? Sigurado, si Jake na naman yun!

Nang tiningnan ko kung sino—si Jake nga! This time, hindi na siya nag-text kung hindi ay tumawag na ito. Gusto niya akong kausapin pero tinitigan ko lamang ang aking nag-riring na cellphone.

As my love went stronger than before
I wanna see you more and more
But you closed your door
Why don’t you try
To open up your heart
I won’t take so much of your time

Naasar ako. At dahil sa wala ako sa mood marinig ang susunod na line ng kanta ay sinagot ko ang telepono.

Si Jake—umiiyak!

“Oh Jake! What happened!?” agad kong sabi sa kaniya.

“Si Papa, inatake sa puso. I need to go back but I’m so helpless right now.”

“Oh my! Where are you right now? Puntahan natin si tito!” sabi ko sa kaniya ng walang pag-aalinlangan.

Saglit lang ay natigilan ako—may mali! Hindi ko dapat sinabi yun! Pero ibang tao naman ang involve at naging malaki rin ang naging papel sa akin ng tatay ni Jake simula pagkabata dahil itinuring ko na rin ito na kagaya ng aking ikalawang tatay.

Minsan lang sa dalawang taon ko makita ang aking tatay dahil nagta-trabaho ito bilang mekaniko ng isang cruise ship na bumibiyahe sa sa paligid ng Europe. Mahal ko ang aking tatay at mahal ko rin ang tatay ni Jake.

“Nasa bus station pa ako. Dapat kanina pa ako nakaalis pero kanina pa rin kita iniisip. Hindi ako mapakali sa mga ginawa ko.” Ani Jake

“Don’t mind it. At since nandyan ka na at malapit na ring mag-umaga, hintayin mo na lang ako dyan maya-maya. Sasamahan kita pabalik ng probinsya.” Sabi ko.

“Icka—galit ka pa ba?”

“Oo! Pero gaganti ako sayo mamaya kaya humanda ka! Isa kang inutil, insensitive at easy-go-lucky brat! Humanda rin sa akin yang Karen na yan! Tapos, isusumbong pa kita kay Charise sa ginawa mong pang-iiwan sa kaniya!” sinigawan ko siya.

“Wala na kami ni Charise…” mahina niyang sabi sa akin.

Kung kani-kanina lang ay inaantok ako– ngayon ay nagising akong bigla! Tila naikot ko ng tatlong beses ang buong luneta dahil nabuhay lahat ng aking mga natutulog na ugat.

“Buti nga sayo.” ang tangi kong naisagot sa kaniya.

MAY sandaling katahimikan ang namagitan sa aming pag-uusap. Ang katahimikang ding iyon ang nagbigay sa akin ng tsansa para maibaba ko na ang cellphone. Maghahanda pa kasi ako sa pagbabalik sa aming probinsya kasama siya.

Pero pinigilan ako ni Jake na putulin ang tawag na iyon.

“Jake, mamaya na lang. Just text me your exact location mo para—“ nagsasalita pa ako’y sumabat naman ito bigla.

“Please say you love me Icka… or even at least you loved me.” Biglang naging seryoso ang boses nito.

“Why Jake? Why now?” tanong ko sa kaniya bago ko tinakpan ng unan ang aking pagmumukha.

“Because I realized that you’re the one that I should loved before and not Charise.” pangungumpisal niya.

“You know that I have a boyfriend already. You should know that—Jake.”

“I know. But do you love him?”

“Yes. How about you? Do you love Charise?” sarkastiko kong tanong sa kaniya.

“No. Ikaw ang mahal ko.”

“Damn it Jake! Kaibigan lang ang turing mo sa akin! Have you forgotten what you have said before? K-A-I-B-I-G-A-N mo lang ako!” sumigaw na talaga ako.

“Nakalimutan ko na dahil isa na lamang nakaraan yun. This time, I’m sure with my feelings. Mahal kita kahit alam kong may mahal kang iba o kahit na alam kong may nagmamahal sayo.”

“You’re insane Jake! I hate you!” ani ko sabay putol sa pag-uusap namin.

Kasunod nun ay tinanggal ko naman ang battery sa cellphone ko para hindi na makatawag o makapag text ulit ang Jake na yun!

Nakakaasar! Ako na naman ang sumuko sa aming dalawa! Nung bata kasi tuwing nag-aasaran kami ng barkada, ako itong unang umiiyak. Until now—umiiyak pa rin ako. And until now—mahalaga pa rin sa akin ang aming nakaraan!

BAGO ako tuluyang umidlip ay nagdesisyon muna akong buksan ang radyo sa aking tabi. Hindi ko alam kung anong istasyon ang pakikinggan ko kaya’t nang meron akong ma tiyempuhang istasyon na maayos ang dating ay itinigil ko na iyon dun.

Maybe, it’s wrong to say please love me too
Cause I know you’ll never do

Tila itinaon yata ng pagkakataon na mapakinggan ko ang kantang iyon na hanggang sa ngayo’y tumatagos pa rin sa aking kalooban.

Papatayin ko na sana ang radyo pero nag desisyon na lamang muna akong patapusin iyon bago ako magpahingang muli. Later, hahanapin ko ang inutil na Jake na yun para sabihan siya na mag-isa na lamang umuwi sa probinsya dahil sumama ang pakiramdam ko.

Somebody else is waiting there inside for you
Maybe it’s wrong to love you more each day
Cause I know he’s here to stay
But I know to whom you should belong

“I hate you— Icka…” ang tanging naibulong ko sa aking sarili pagkatapos kong marinig muli ang awiting iyon at bago ko isinara ng tuluyan ang aking mga mata.

Talakayan

10 thoughts on “Maybe – 05

  1. so sad namn

    Posted by jjhuls | Disyembre 20, 2012, 5:38 hapon
  2. graveh…. magastos sa tubig ang babaeng to. .

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 11:27 umaga
  3. complecated. . .nakakaiyak!

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 2, 2012, 10:53 hapon
  4. awww bat ganon si jake??

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 9:42 hapon
  5. ano ang title ng song?

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 22, 2010, 7:05 hapon
  6. my GOD.. this song,, this reminds me of someone

    Posted by kaizer | Abril 12, 2010, 11:53 umaga
  7. hi! foo..inip nko sa kasunod na chapter.. alm mna po un.. wla pa po ba bago.? ingat po.. GOD Bless..

    foo: meron na pong kasunod. naka-pending na dito sa system namin. it will be published next week. ahehe.

    Posted by sjyo | Nobyembre 12, 2008, 8:51 umaga
  8. Maraming salamat atleast may nababasa na ako.Hirap po ng walang libangan dito israel, kaya salamat ng marami sa mga author ng pocket book online.

    foo: ow, anong ginagawa mo jan sa israel iha?

    Posted by Chanda | Nobyembre 12, 2008, 12:24 umaga
  9. wowww nakakabiti na man oo
    sig next chapter na man pls.

    foo: eto na poo!

    Posted by razy_lover | Nobyembre 10, 2008, 7:27 hapon
  10. ^- haii…keLan pHue an6 nexT cHaptEr??!…ahhee..iT’s sO ganda suPeR!!!…i’m xctEd waT’s gOin6 tO haPPen nexT..!!

    foo: T-TH po ang scheduled release ng Maybe.

    Posted by bhEibhiE6uRL | Nobyembre 10, 2008, 6:59 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: