binabasa mo ang...
Maybe

Maybe – 04

“KAMUSTA Icka? Kanina pa kita pinagmamasdan. Mukhang malalim ata ang iniisip mo.” tanong ni Jake sa akin.

Hindi ko alam kung paano niya ako nasundan o kung anung salamangka ang kaniyang ginamit pero bilib ako sa kaniya. Tulad ng dati, lagi niya akong sinusurpresa.

Bilib? Ibig bang sabihin nun ay may nararamdaman pa rin ako sa kaniya? Hindi maari! Magagalit si Brian! Mabait si Brian! Mahal ako ni Brian! Mahal ko rin siya at dapat lang na ibigay ko ang aking katapatan sa kaniya.

At siya? Siguradong magagalit si Charise sa kaniya pag nalaman nitong sinundan ako ng impaktong ito sa Maynila! Pasaway pa rin ito gaya ng dati.

“Anong ginagawa mo dito Jake? Alam mo bang kailangan ka nila tita dun sa probinsya? Mamaya baka nag-aalala na sila sayo.” sagot ko naman sa kaniya. Iniiwasan kong maging masyadong personal ang magiging usapan namin.

“As usual, iniiba mo na naman ang usapan. Simple lang ang ginawa ko para sundan ka.” sabi niya sa akin bago ito ngumisi na gaya ng isang aso. Tama– isang pangit na aso!

Umupo siya sa lugar kung saan ako umupo kanina. Kitang-kita ko ang kaniyang porma. Simple lang ang kaniyang kasuotan ngunit sadya atang inaakit ako ng kaniyang mga damit. Nakakaasar ngunit hindi ko magawang maaasar.

Tulad ng dati, tila nasira ang pose ko ng makita ko siya. At gaya ng dati, ito rin ang una kong naramdaman ng una ko siyang makita. Kaasar!

“Niyaya ko ng inuman ang barkada nating si Karen. Nung nalasing, hindi na ako nahirapan na tanungin siya ng kung anu-ano. Nalaman ko rin kung saan ka nagta-trabaho kung kaya’t tumayming lang ako. Sakto namang naabutan kita kaya sinundan kita hanggang sa mapadpad ka nga dito sa MOA.” pahayag niya.

“Alam ko rin na may boyfriend ka na—Brian ang pangalan, tama ba? Pero ang hindi ko lang alam ay kung ano ang ipinakain sayo ng lalakeng yun at nagkaruon ka bigla ng syota. Alam mo naman ang mga lalake dito sa Maynila, karamihan sa kanila’y mga babaero at sinungaling.”

“So what are you trying to say Jake? Na babaero at sinungaling ang boyfriend ko?” mataray kong tanong sa kaniya habang dinuduro ko siya.

“Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako.” sagot niya sa akin.

NAGING mahaba-haba pa ang aming pag-uusap at pagtatalo ngunit sa huli’y napilit niya ako na ihatid sa aking tinutuluyang apartment.

Sinabihan ko siya na hanggang sa labas na lamang ng aking tinutuluyan ngunit mapilit siya.

Gusto niyang makita kahit sa labas ng pintuan ang aking bagong tahanan. As usual, hindi pa rin nawawala ang pagiging maaalalahanin at protective niya sa akin.

At sa tuwing maiisip ko ang kaniyang mabubuting ugali niyang yun ay naiinis talaga ako! Hindi niya ako mahal. Magkaibigan lang kami. Si Charise ang girlfriend niya at hindi ako.

Sa isang banda’y may sumaging tanong as aking isipan.

“Break na kaya sila ni Charise?”

“OO!” sigaw ng isang parte sa aking puso na tuluyan pa ring nagmamahal sa kaniya.

“Hindi no! Asa ka pa! Remember, a trophy will always be a trophy.” sabi naman ng isang parte sa aking puso na galit sa kaniya.

Iwinaksi ko sa aking isipan ang nagsabi ng ‘OO’ sa akin. Hindi maari. Hindi ko siya mahal!

PAGKABUKAS ko ng pintuan ay bigla kong nakita si Brian na tila kanina pa ako hinihintay. Bigla niya akong hinalikan sa aking labi. Ipinikit ko ang aking mga mata at ramdam ko pa rin ang kilig factor na dapat kong maramdaman para sa boyfriend ko. Tama, mahal ko si Brian at hindi ang manhid na Jake na yun!

“Eherm!” may umubong lalake sa likuran ko.

Nakalimutan kong nasa likuran ko pala si Brian at bumuntot sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ano na lang ang iisipin ng boyfriend ko pag nakita niya ang lalakeng ito. Tiyak na magagalit yun sa kaniya!

“Ahm—ano—honey—kasi—“

“I’m Jake. You must be Brian.” sabay lahad ng kaniyang kanang kamay.

“You’re right. And you are?” tinanggap nito ang kaniyang pakikipagkamay.

“I’m Brian. Ex girlfriend ni Icka. Nice meeting you.”

“I’m Icka’s ‘current’ boyfriend. Same here pare” may diin nitong sabi.

TILA nasa gitna ako ng gera. Nakikita ko kasi sa kanilang mga mata at ilong na may lumalabas na apoy habang nagkakamayan sila. At pareho din nilang hinihigpitan ang kanilang handshake na para bang atat na basagin ang mukha ng isa’t isa.

Agad kong hinawakan ang kanilang mga kamay at inawat ang dalawa. Naghiwalay sila ngunit hindi sila nagpahalata ng kahinaan sa isa’t isa.

Pareho silang malumanay magsalita ngunit nararamdaman kong pareho silang galit sa isa’t isa. O baka naman sa akin sila nagagalit? Ah ewan, wala akong paki!

“Thank you Jake sa paghatid mo sa akin. Umuwi ka na sa probinsya, ‘diba’ may gagawin ka pa dun?” sabay irap ko sa kaniya na umalis na habang hindi pa nagagalit si Brian.

“Tapos na ang gawain ko dun pero may kailangan lang akong tapusin kaya napaluwas ako ng Maynila ng wala sa oras.”

“Pare, ingatan mo ang Icka ko. Later, kukunin ko rin siya sayo.” deretsong sabi ni Jake kay Brian bago ito tuluyang umalis ng apartment ko.

Susugurin sana ni Brian si Jake ngunit napigilan ko siya. Galit na galit ito sa kaniya—at sa akin.

“WHAT do you think you’re doing honey!?” tanong niya sa akin.

“It’s not my fault Brian. Bigla na lamang siyang sumulpot na parang singaw!” sagot ko naman sa kaniya.

Sinusubukan kong tingnan siya sa kaniyang mata ngunit kusa itong umiiwas sa tuwing magsasalita siya. Wala naman akong dapat ikatakot kung wala kaming ginawang masama.

Besides, wala namang namagitan sa amin ni Jake nang magkita kami. Siya lang naman itong mapilit.

“At nagpapilit ka naman!?” sigaw sa akin ng aking budhi.

Pero bakit hindi ko magawang tingnan ang mga mata ni Brian?

Hindi maari! Mahal ko si Brian! Siya lang ang lalake para sa akin at hindi ang preskong Jake na yun!

SINUYO ko si Brian ng buong gabing iyon.

Ibinigay kong muli sa kaniya ang aking sarili ngunit kahit ganun ang nangyari’y batid ko pa rin mula sa kaniyang mga ulos ang galit na kaniyang nararamdaman para kay Jake.

Nagseselos ba ito kay Jake? Dapat lang… girlfriend niya ako eh. Kung gayo’y wala siyang dapat ikatakot diba? Wala.

Talakayan

14 thoughts on “Maybe – 04

  1. I’m Jake. You must be Brian.” sabay lahad ng kaniyang kanang kamay.

    “You’re right. And you are?” tinanggap nito ang kaniyang pakikipagkamay.

    “I’m Brian. Ex girlfriend ni Icka. Nice meeting you.”

    “I’m Icka’s ‘current’ boyfriend. Same here pare” may diin nitong sabi.

    M.U. nga..Magulong Usapan🙂 peace sana maayos yung mga dialogue

    Posted by ChasVic14 | Agosto 27, 2012, 11:19 umaga
  2. may pagka bulgar ung kwentong to pero ukie lng . hindi ko lang magets ung sa part na to. .

    I’m Jake. You must be Brian.” sabay lahad ng kaniyang kanang kamay.

    “You’re right. And you are?” tinanggap nito ang kaniyang pakikipagkamay.

    “I’m Brian. Ex girlfriend ni Icka. Nice meeting you.”

    “I’m Icka’s ‘current’ boyfriend. Same here pare” may diin nitong sabi.

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 11:21 umaga
  3. weeeh??d nga ? Wla ba tlgah? . .heheh🙂

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 2, 2012, 10:43 hapon
  4. ayaw na to😀 haba ng hair mo girl :)))

    Posted by Thea Jane | Enero 28, 2012, 9:26 hapon
  5. apoy talaga.. hehehe

    Posted by karen bunda | Nobyembre 27, 2011, 11:00 umaga
  6. i’m happy to see this foo…after several years i want to write again

    Posted by lashes | Disyembre 22, 2010, 6:17 hapon
  7. hehehe..pang famas ah.. TROPHY

    Posted by einnah | Abril 12, 2010, 11:49 umaga
  8. a trophy will always be a trophy na puwedeng masira hahahaha

    Posted by helianemaine22 | Enero 25, 2009, 8:10 hapon
  9. opo.. ganda na..excited nko sa next chapter..at marami salamat foo ha.. ingat…

    Posted by sjyo | Nobyembre 10, 2008, 3:52 hapon
  10. foo, ang ganda nman.. sbi mo my my surprise ka skin sa part 6 nito.. hmmm. dna ko makapaghintay.. gus2 kna mabasa un.. keep up the good work and godspeed…

    foo: well, sshh ka na lang sa nabasa mo ha. hehehe

    Posted by sjyo | Nobyembre 10, 2008, 1:23 hapon
  11. sige sige aabangan ko ang next chapter

    Posted by razy_love | Nobyembre 8, 2008, 11:06 hapon
  12. love it! ganda ha? hmmm… i wonder kung anong gagawin ni Jake?

    Posted by Louise | Nobyembre 8, 2008, 10:40 hapon
  13. AUTHOR’S NOTE:

    Susubukan kong tapusin ito ng mabilis para makapag release kami ng bagong istorya by next week. (or next next week).

    Sana’y magustuhan ninyo ang part na ito. Later, mas grabeng scenes pa ang makikita ninyo between Brian at Jake laban sa kanilang pag-ibig kay Icka.

    Abangan!

    Posted by foobarph | Nobyembre 7, 2008, 7:19 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: