binabasa mo ang...
Finding Rico

Chapter 13: Finding Rico (END)

HALOS ISANG ORAS NANG NAKATINGIN si Rico sa labas ng bintana ng kanyang opisina sa ospital. Palubog na ang araw at patapos na ang araw niya sa trabaho. Isinilid na niya ang mga gamit sa kanyang backpack at kailangan na niyang umuwi. Nakapangako siya sa kanyang mga magulang na maaga siyang uuwi para sa espesyal na hapunan.

“Doc, may naghahanap po sa inyo sa nurse station sa ibaba.”

Si Allan iyon, ang bagong head nurse ng kanilang public hospital. Maliit itong lalaki, maitim, tubong Ifugao. “Sino?” tanong ni Rico dito.

“Kaibigan n’yo raw po, doc. Kailangan raw po kayong makausap. Importante raw po.”

“Sige, susunod na ‘ko.”

Kinuha ni Rico ang backpack at pagkatapos ayusin ang ilang gamit sa kanyang mesa ay tuloy na siyang lumabas.

Isa-isa niyang sinilip ang bawat kuwarto na kanyang madaan, at nang madaan ito sa dating kuwarto ni lolo Milyo ay maraming alaala ang bumalik sa kanya. Ano na nga ba ang nangyari kay lolo Milyo? Ilang araw lang mula nang bumalik si Lia sa Maynila ay bigla na lang itong nawala. Ang sabi ng mga kasamahan niya, may dumating raw na isang kaanak nito, isang babae na maaaring apo at inilipat na ito ng ospital sa Nueva Ecija, kung saan ito nakatira. Hindi man lamang siya nakapagpaalam dito, katulad ng hindi niya pagkakaroon ng pagkakataong makapagpaalam kay Lia. Tatlong taon na rin ang nakakaraan mula nang nangyari ang matinding aksidente rito. Ayaw na niyang alalahanin ang huling sandali nang makita niya ito, doon sa ospital. Marami itong sugat at gasgas, may dugo ang benda nito sa ulo at maraming tubo ang nakalagay sa katawan. Hindi na kailangang ipaliwanag sa kanya ang pangyayari at nang mga oras na iyon, parang gusto na niyang mamatay. Alam niyang wala nang pag-asa, alam ng lahat ‘yon pero minabuti ng lahat na dalhin si Lia sa Amerika para doon maipagamot. Ilang araw, ilang linggo siyang naghintay ng balita mula sa kaibigan nitong si Kat, ilang buwan, ilang taon at hanggang ngayon, wala pa rin siyang balita tungkol dito, ni hindi niya alam kung nakayanan ba nito ang aksidenteng nangyari, o wala na ba talaga ito. At kinailangan niyang piliting tanggapin ang masaklap na katotohanang hindi na magbabalik si Lia kahit kailan.

Sayang. Dahil kung makikita siya ngayon ni Lia, siguradong matutuwa ito. Nakayanan niyang maipagpatuloy ang pagdo-doktor, at ipinagpapatuloy niya ang nasimulan nitong foundation. Marami mang nagbago, marami mang nangyari, natutunan niyang tanggapin ang mga pagkabigo at humarap sa panibagong buhay. Kahit nga wala na si Lia para magmahal sa kanya.

Bumaba na si Rico ng hagdan hanggang sa ground floor kung saan naroon ang nurse station. Habang papalapit doon ay may ilang nurse na nagpaalam na sa kanya, at ang ilan ay nangumusta. Tiningnan niya ang bisita na sinasabi ni Allan na kasalukuyang nakatayo doon, nakatalikod sa kanya, kausap ang isa pang babaeng nurse. Hanggang likod ang tuwid at itim nitong buhok.

“Excuse me, hinahanap n’yo raw ako?”

Bigla ang ginawang paglingon ng dalaga sa kanya, nakangiti, nakangiti ng magandang ngiti akala niya’y di na niya muling makikita. “Hi….kumusta?

Tiningnan niya ang buong kapaligiran, ang lahat ng mga taong paroo’t-parito, sinisigurado kung totoo ba ang lahat ng iyon at hindi siya nananaginip. Ilang beses na niyang nakita ang ganoon sa panaginip niya, ilang beses na niya iyong pinangarap.

“R-Rico…okay ka lang ba?”

Tumango siya at umiling, tumango at muling umiling.

Bahagyang natawa ang dalaga. “Well, nagpunta lang ako dito para ibigay ‘to sa’yo,” sabi nito, at iniabot sa kanya ang isang paper bag. Atubili niya itong kinuha. “H-happy birthday.”

Wala siyang sagot, kahit isang simpleng thank you, hindi niya magawang sabihin.

“A, by the way, may alam ka bang maliit na apartment na p’wedeng tuluyan? Balak ko kasing mag-stay ng ilang buwan o kaya…ilang taon.”

Nakangiti si Lia habang kausap si Rico, dahil hindi nito iyon mapigilan. Matagal nito hindi nakita ang binata, at natutuwa itong muling makabalik sa Banaue, sa ospital na iyon at muling makita si Rico na nakaputing uniporme. Nakalagay sa dibdib nito ang name pin na may nakasulat na Rico San Antonio, M.D.

“Sige, I…better get going, happy birthday.”

Tumalikod ito at tumuloy na palabas ng ospital. Ilang sandali pa bago atubili niya itong patakbong sinundan. “Lia!”

Sa tapat ng karinderya ay huminto ito at tumingin sa kanya. Hinintay siya nitong makalapit.

“A-anong nangyari sa’yo? B-bakit ka narito?” tanong ni Rico, na sa tingin niya ay hindi na dapat niya itanong dahil obvious na ang sagot. Pero gusto niyang marinig ang sagot mula sa dalaga.

“Bumalik ako p-para sa…foundation,” nakangiti nitong sabi. “At para sana sa birthday mo.”

Sa wakas ay nagawang ngumiti ni Rico, na matagal na panahon na niyang hindi nagagawa. “H-hanggang kailan ka dito?”

“Depende.”

“D-depende saan?”

“Depende sa’yo.”

Maingay ang mga sasakyang dumadaan, pati na ang mga tao sa kalsada. Marami siyang tanong, patuloy ang dagsa ng tao sa ospital, sa karinderya, at patuloy ang buhay sa paligid nila. Pero para kina Rico at Lia, parang huminto ang oras, at huminto ang pag-ikot ng mundo…

END

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

48 thoughts on “Chapter 13: Finding Rico (END)

  1. Grabe ang ganda😍😍😍

    Posted by chani | Disyembre 14, 2015, 2:28 umaga
  2. Grabe. I read this story 3 years ago and its one of those stories na hindi ko nakalimutan. Tumatak talaga sakin. Hanggang ngayon ang lakas pa din ng impact ng story na to sakin. May part 2 na ba??

    Posted by Katrina Alfonso | Setyembre 26, 2014, 3:15 hapon
  3. Grabe wala man lang kiss,,,asar!

    Posted by morena | Setyembre 17, 2014, 2:46 hapon
  4. another great story!! kaso prang wlang backbone c rico..kakainis.d man lng mag effort!

    thanks ms. cecilia

    Posted by aileen | Oktubre 29, 2013, 7:05 hapon
  5. bitin naman ng ending,., pero ok na rin,.,
    hmm,., uo nga naman ano., ang dali lang ng panahon,. hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin at kailan ta’u ma chuchugeh,., hehehe joke lang pero totoo,.,
    hahay buhay nga naman

    Posted by zyn | Mayo 18, 2013, 8:51 hapon
  6. Maganda kaso bitin yung ending. pero thank you for sharing sana may sumunod pa!🙂

    Posted by Icell | Hulyo 15, 2012, 4:22 umaga
  7. ang ganda sana.. kaya lang..
    ang bitin naman ng ending.

    Posted by karen | Marso 21, 2012, 8:48 hapon
  8. Bitin,dpat my nxt chater,,gnda ng story eh,,

    Posted by Alyn | Marso 18, 2012, 4:45 hapon
  9. hala?? Un lang kakabitin. .sana may next pa! . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 8, 2012, 10:09 umaga
  10. kabitin naman ung ending… pero ok lng maganda naman sya… =D

    Posted by dondhon02dong don | Pebrero 8, 2012, 5:26 hapon
  11. bakit ganoon yong ending??? bitin naman…

    Posted by lhynn | Pebrero 12, 2011, 8:00 umaga
  12. ang ganda ng story i lyk it

    Posted by feona | Enero 20, 2011, 11:06 hapon
  13. kea pla ung flow ng story feels like it delivers a sad aura… kc it’s really intended to be a regretful love story den biglang happy ending pla,,although in-expect ko na n wla n c lia tas c rico mgkakaron ng new luv lyf,, aun whew! kala ko made-depressed n nman ako..hehe

    Posted by bainisah | Enero 7, 2011, 11:19 hapon
  14. Oh man, I salute the writer for writing this story, actually, it makes me cry, i don’t know why, I can feel the feeling of the characters in this wonderful story that’s why I can’t help myself but to cry… Thanks for your talent, sana more stories to come pa na makakapagpa-iyak sa’kin, splendid work? God Bless

    Posted by michelle | Enero 7, 2011, 9:54 hapon
  15. it’s like of those movie that keeps you thinking “what?!?!?”

    Posted by Ranie Lyn | Disyembre 15, 2010, 9:25 umaga
  16. dahilan kung bakit bitin ang ending🙂 :

    originally, the ending of finding rico is a very sad one but then, the time i made this story was also the time when my ‘the girl from the coffeeshop’ novel was rejected because of its ‘not-so-happy ending’. so, ayun po, i tried to change the last chapter (kaya parang na-rush). sorry guys😦

    finding rico part 2 is still a work in progress.

    Posted by cecilia | Nobyembre 2, 2010, 10:38 umaga
  17. bitin ang ending ^_^…

    Posted by donna | Nobyembre 2, 2010, 9:26 umaga
  18. For the first time, ikaw ang author na hindi nagmukhang grammar police. Maliban sa pagsulpot sulpot ni noel eh wala akong nakitang mali…keep it up!

    Posted by princessette | Oktubre 3, 2010, 5:30 hapon
  19. ang bilis nman ata ng mga pangyayari…… but anyway.. it’s a nice story….
    grave mag mahal si girl….. na kaya nyang mag hintay kahit ilang decades pa just to find his one and truly love.. hehehe…..

    Posted by micole_seno | Setyembre 17, 2010, 5:56 hapon
  20. Maganda yung kwento, nalibang ako sa office,
    So ngayun uwian na naman hehehe mabilis ang takbo ng oras,
    Mamaya pasok na ako sa part time hehehe need kumita ng dollars talaga…
    Bilib ako kay Lia magaling maghintay… sakin kaya baka may naghihintay rin,
    or naghahanap kasi nung high school marami rin akong natatangap na sulat e,
    sabi sa sulat “Yabang mo talaga, mamaya aabangan kita pag labasan”.
    joke! hehehe Natakot ako dun sa ending naisip ko baka multo na lang si Lia…
    hehehe denial lang hehehe

    Posted by Let chat: ding_dong557@yahoo.com | Agosto 25, 2010, 3:48 umaga
  21. Ganda! I read this 1week ago pero ngyn lng aq nag comment! Sa lahat po ng stories s T0P e2 lng ang binasa ko ng dalawang beses kc malapit sa puso q itong ganitong tipo ng story. kudos to cecilia! Para tuloy gs2 q mag punta s benguet bka don q xa makikita lolz. Balak ko muling basahin ito in future kc favorite ko tlga ito and i will b happy pag may continuation e2 kc bitin eh. Actually nagawan q na xa ng continuation s imagination ko! Dalawang gabi dn aq nag imagine hbang pagulong-gulong s kama dala ng kakiligan s kabaliwan ko. Pero mas ok if si cecilia magtutuloy. Saling pusa lng ung sken! Hehehe..

    Posted by myzzkriz | Agosto 15, 2010, 8:33 umaga
  22. geleng!

    luv eet!

    mind-stimulating..

    perfect!

    Posted by kaye | Hulyo 16, 2010, 11:50 hapon
  23. nice story thanks! sana may season 2 kz bitin talaga…

    Posted by trish | Hunyo 23, 2010, 4:04 hapon
  24. season 2 please~!!!!!!!!!!!!!!!!

    Posted by deezz | Hunyo 19, 2010, 7:04 hapon
  25. waaa…bk8 gnunnnn???
    bitin ung story…>.<
    pero ang gnda sobra!!!!
    nkkakilig…!!yiieeeeee..
    hahaha
    *^_^*

    Posted by kRisHaa mEi | Hunyo 13, 2010, 1:26 umaga
  26. ..TaPos..???

    anu na..?

    TAPOS Na..? nyak..btin ung ❤ story..
    labang prt 2..o nxt chapter..hehee..

    Posted by nime | Hunyo 10, 2010, 12:29 umaga
  27. hehe.., bitin nga.., pero at least happy ending..,

    Posted by zjirikui | Mayo 8, 2010, 7:40 umaga
  28. yah nbitin din ako sa ending.. but its cool..🙂..

    Posted by Marcy | Abril 26, 2010, 3:15 umaga
  29. magnda yung story pero medyo magulo yung pagkakadeliver ang yung pagkakasunod sunod ng flow.. konting editing and changes lang sa ibang scnes.. and parang kulang sa emotions… mas mganda kung ramdam na ramdam ng mga mambabasa yung storya ginwa mo. yung makakarelate sila sa emotions na bnbbigay ng bwat charcters mo sa stories. that way mas magkakaroon ng impact yun sa kanila.. tingin ko konting improvements pa. pero magaling kang writer kasi nakagawa ng gnito. Congratz… and godbless.. u”ll be a great writer..

    Posted by Marcy | Abril 26, 2010, 3:14 umaga
  30. Ganda story pero bitin ending hehe.thank u

    Posted by clarisse | Abril 19, 2010, 1:50 hapon
  31. this bring tears to my eye..i really can help it…

    Posted by Einnah | Abril 9, 2010, 3:32 hapon
  32. happy ending naman pala… hhaaayyyy sarap
    mainlove, sana hinanap at naghintay rin ako… aa
    aawww😦

    Posted by sUnDAy | Pebrero 24, 2009, 1:53 hapon
  33. wow grabe ang ganda ng story, grabe super galing nyo po ms. cecilia…bow po ako sa inyo!

    Posted by sheryl | Pebrero 9, 2009, 10:06 umaga
  34. nabitin ako dun ah..

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 2:01 umaga
  35. parang bitin ung ending!!!!
    by da way tanx poh sa story!!!!

    Posted by ulyong | Enero 29, 2009, 4:21 hapon
  36. UhHhmm.bitin aquh!….

    ganda p nman sana n story…

    Posted by hurt | Nobyembre 21, 2008, 4:13 hapon
  37. uy, in fairness. tinapos ko talaga ito. i liked it. kaso lang… BAKIT PAMINSAN-MINSAN SI RICO ay NAGIGING si NOEL? =)

    Posted by siangelnawalangpakpak | Nobyembre 18, 2008, 11:29 umaga
  38. bitin,,

    ano bah,,

    like d story,,

    so what’s ur nxt story?

    Posted by bella | Nobyembre 17, 2008, 8:18 hapon
  39. gnun lang ang ending…kakabitin naman…haiks

    Posted by yhza | Nobyembre 13, 2008, 12:00 hapon
  40. ang gnda po.kso parang bitin ung ending?.anyway.kakakilig din po,.

    Posted by tin | Nobyembre 12, 2008, 8:28 hapon
  41. ang ganda wla na kong masabi salamat sa story mo ha
    sana mas maganda pa ang susunod pero maganda rin ito
    TY sa nice story mo

    Posted by razy | Nobyembre 1, 2008, 4:53 hapon
  42. woW..
    gHandA pouH..!?
    LuRve it.
    biTin aNg endiNg..
    kAkiLirgs..
    ♥♥

    Posted by geLyN88 | Oktubre 12, 2008, 9:17 umaga
  43. meron bang season 2? dugtungan muh. pwedeng nagkaroon sila nang anak tapos Kung anong ngyari sa iba. ^^ anyway, ang ganda niya. kaso bitin🙂

    Posted by krissy | Setyembre 24, 2008, 1:54 hapon
  44. maraming salamat po sa mga nagbasa at sa mga magbabasa pa haha
    maraming salamat rin sa mga nag-komento

    hinahabi na ang part two…🙂

    Posted by cecilia | Setyembre 12, 2008, 8:57 umaga
  45. ay tapos n po? bitin nmn! hehehe… sa susunod ulit…

    Posted by abby | Setyembre 8, 2008, 12:45 hapon
  46. ganda nito but bitin ako sa ending…

    Posted by chen | Setyembre 8, 2008, 7:25 umaga
  47. tnx cel s story.. maganda.. bitin nga lng.. ano next story mo??

    Posted by Maki | Setyembre 5, 2008, 5:38 umaga
  48. whaaa….ang ganda po nito..thanks po..thaks sa pag share..ang ganda po talaga.. ^____^

    Posted by nadine | Setyembre 5, 2008, 3:43 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2008
M T W T F S S
« Aug   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: