binabasa mo ang...
Finding Rico

Chapter 12: Finding Rico

     Pakiramdam ni Rico ay parang lumulutang lang sa ulap at hindi totoo ang lahat. Mahirap paniwalaan, ayaw niyang paniwalaan. Matagal siyang nanatiling nakatayo lang sa pintuang iyon dahil parang hindi na niya kayang humakbang pa. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng lugar kung saan naroon ang ilang tao na marahil ay katulad niya na hindi alam ang nararamdaman. Hindi na niya pansin ang mga mata na nakatingin sa kanya, maging ang paglapit ni Kat at pagyakap sa kanya nito ng mahigpit.

 

     Hindi na rin maalala ni Rico kung paano siya nakarating doon, kung ano ang nangyari sa mahabang biyahe niya mula Banaue matapos niyang makatanggap ng tawag mula kay Kat.

 

     Wala siyang maalalang kahit na ano liban sa mabigat na damdamin at blangkong pag-iisip. Nakatingin lang siya sa kanyang harapan, sinasabi sa sarili na isa lang iyo’ng masamang panaginip.

 

     Mahigpit ang yakap ni Kat sa kanya na tila hinuhugutan siya nito ng lakas. Matagal ang yakap nito sa kanya pero wala siyang nararamdaman. Ayaw niyang may maramdaman.

 

     May kung anong sinabi sa kanya si Kat pero hindi niya iyon makuhang pakinggan. Wala siyang gustong marinig at maramdaman at wala siyang gustong makita. Ilang sandali niyang ipinikit ang mga mata, nananalanging ‘pag dilat niya ay wala na ang lahat ng ‘yon sa paligid.

 

    

     “S-she would have wanted you to have these.”

 

     Isang maliit na kahon ang inilapag ni Kat sa mesa. Tinitigan lang iyon ni Rico na para bang wala itong balak na buksan.

 

     Sinundan ni Kat si Rico nang lumabas ito at naupo sa lugar na malayo sa lahat ng iyon. Kung titingnan niya ang binata, wala sa mukha nito ang lungkot na inaasahan niya. Parang wala itong emosyon at parang wala itong alam sa mga nangyayari. Wala siyang nakita rito kahit na isang patak ng luha kahit pa alam niyang kung mayroong isang tao na higit na nasasaktan at nahihirapan, si Rico ‘yon.

 

     Hinawakan niya ito sa balikat at bahagyang tinapik ito. “Ibinilin n’ya sa ‘kin na ibigay ko raw ‘yan sa’yo. Matagal na n’yang gustong ibigay sa’yo ‘yan.”

 

     Ilang piraso ng iba’t-ibang klase ng papel na may sulat-kamay ni Lia ang unang nakita niya sa loob ng kahon. Sumunod ang isang lumang puting panyo. At nang makita niya ang sariling larawan na nakaipit sa mga sulat ay hindi na niya napigilan ang lumuha. Kuha iyon noong graduation nila ng high school.

 

     “Mahal ka na ni Lia noon pa, Rico. Hindi ko alam na posible pala na magmahal ng gano’n pero si Lia, sobra ang pagmamahal niya sa’yo. She tried everything just to know anything about you after graduation. Habang busy s’ya sa pag-aaral sa New York, hanggang sa pagma-manage ng magazine, hindi s’ya tumigil nang paghahanap sa’yo. And you can never imagine how happy and excited she was nang malaman n’ya na posible ka n’yang makita sa Banaue.”

 

     Siya ang dahilan kung bakit umakyat ng Banaue si Lia. Kung bakit nagkaroon ng foundation sa lugar nila. Ngayon, naiintindihan na niya ang lahat-lahat.

 

     “Handa siyang iwan ang lahat para sa’yo, Rico,” naiiyak na sabi ni Kat. “Kahit ako, hindi ko s’ya maintindihan nung umpisa, pero gagawin niya ang lahat para sa’yo, kahit hindi siya maintidihan ng lahat ng tao. Ikaw lang ang mahalaga sa kanya. Hindi n’ya kailangan ang kahit na ano, ikaw lang.”

 

     Si Rico na mismo ang napayakap kay Kat. Sa bawat pagyugyog ng balikat ng binata ay ramdam ni Kat ang labis nitong hinagpis. Ramdam nito ang labis na pag-ibig ni Rico para kay Lia na hindi na nito maaaring ipadama.

 

        

     Kung nalaman lang ng mas maaga ni Rico na si Lia ang nagbibigay sa kanya noon ng mga sulat at mga tula at ng pangakong walang hanggang pag-ibig, hindi na sana nangyari ang ganoon.

 

     Pero huli na.

 

     Isinama ni Rico ang laman ng kahon ni Lia sa sariling kahon na matagal na niyang itinatago. Labing-apat na taon niya iyong iningatan, kasabay ng mahabang panahong paghihintay ng kasagutan sa mga tanong na kalakip ng di mabilang na mga sulat at maliliit na bagay, na nagbigay sa kanya noon ng lihim na tuwa at pag-asam na darating ang araw na makikilala niya ang espesyal na taong pinanggalingan ng mga ‘yon.

 

     Labing-apat na taon siyang nakulong sa isang tila panaginip na paminsan-minsan pa rin niyang binabalikan. Dahil alam niya sa sarili n’ya na mamahalin niya, maging sino man iyon na nag-alay sa kanya ng unang pag-ibig.

 

      At kung may paraan lang na masabi niya sa dalaga at maipadama ito ay gagawin niya ng paulit-ulit hanggang sa walang hanggan.

 

     Pero Disyembre na naman.

 

     Imposible na ang umasa pang maaayos ang lahat. Palagi pa rin niyang naaalala ang mga panahong magkasama sila ni Lia, at wala sa loob siyang naghihintay na muli itong magbabalik at makikita na lamang niya ang dalaga na nakatayo sa pintuan nila isang araw. 

 

     Maraming gabi siyang parang baliw na naghihintay dito. Sabi niya sa sarili, marinig lang niyang muli ang tinig ni Lia, wala nang siyang ibang hihilingin pa.

 

     Pero lumipas na ang maraming araw at maraming buwan. At ngayon, Pasko na naman. Iyon na marahil ang pinakamalamig na Pasko sa buong buhay ni Rico. At alam niyang ang mga susunod na Pasko ay magiging mas malamig pa do’n.

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

10 thoughts on “Chapter 12: Finding Rico

  1. engot k nman rico..maybe u need to make ur move nman. mg aantay k n lng jan. d mu kya pntahan c lia..
    nakuuuuu kung malapit k lng skn nbatukan n tlga kta!

    Posted by aileen | Oktubre 29, 2013, 6:36 hapon
  2. at last,., alam mo na din kung anong hirap ang pinagdaanan ni LIA para sa’u,. HUH,., graveh,., excited na ako sa last chapter,.
    #looking forward for a HAPPY ENDING,. har.har

    Posted by zyn | Mayo 18, 2013, 8:41 hapon
  3. nakakatouch c lia. .
    Ahmf!. .maxadu ka kcng insensitivet rico! Nde ka manlang tlga gumawa ng effort!! her lifetym she give u she’s full effort!
    bqa uxto mung batukan pfa kta para matauhan ka??!
    itz ur turn rico!!!kainix ka!
    Over sa pride!!

    Ahmf!!!!! =o >

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 8, 2012, 9:49 umaga
  4. urggghhh..i hate you Rico…magEffort ka naMan…

    Posted by Ranie Lyn | Disyembre 15, 2010, 9:21 umaga
  5. awwww..u make me cry..huhuhuhuhu

    Posted by Einnah | Abril 9, 2010, 3:28 hapon
  6. oh no! hindi pwede to?! ano ang ginawa mo kay
    lia?!

    Posted by sUnDAy | Pebrero 24, 2009, 1:49 hapon
  7. bat parang..biglang malungkot..

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 1:54 umaga
  8. tsk! tsk!
    naku naman..
    heto na nga sumablay pa?!?
    nalulungkot aq pra ky rico..
    he’s soo insensitive
    and he’s gonna regret evrythng
    about Lia..
    aww..😦

    Posted by geLyN88 | Oktubre 25, 2008, 8:25 umaga
  9. hanggang ilang chapters kaya ‘to?

    Posted by nadine | Setyembre 4, 2008, 6:25 umaga
  10. ay naku.. kala ko love story.. bakit naging suspense..
    tsk..tsk..tsk..🙂

    Posted by Maki | Setyembre 3, 2008, 3:40 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2008
M T W T F S S
« Aug   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: