binabasa mo ang...
Finding Rico

Chapter 11: Finding Rico

NAKANGITI SI NENITA NANG LUMAPIT KAY LIA DALA ANG PABORITO nitong fruit salad. Hindi nito inaasahan ang pagbisita ng anak nang umagang iyon kaya nagulat siya nang makita ito sa kanyang garden.

“Bakit hindi ka man lang tumawag nang nakapagluto ako ng breakfast?” tanong nito habang nagsasalin ng juice sa baso.

“Hindi rin ako magtatagal. Ngayon lang ang free time ko kaya ngayon na ‘ko dumaan. Marami ‘kong schedule hanggang bukas.”

Naupo ang kanyang ina sa katapat na upuan at sinaluhan siya sa pagkain. “Tumawag ka pa rin sana.”

Natawa si Lia. “Palagi naman akong nagpupunta dito nang hindi tumatawag, bakit kailangan ko pang tumawag ngayon?”

“Malay mo di mo ko maabutan dito, baka umalis ako, sayang naman ang punta mo, diba?”
“At sa’n ka naman pupunta?”

Nagkibit-balikat lang si Nenita. “Bakit ka nga ba napadaan, may problema na naman ba?”

Naubos na ni Lia ang kinakain at kumuha ng isa pa. Doon lang kasi s’ya nakakatikim ng ganoong klaseng tiramisu. “I’m planning to go back to Banaue.”

“Ano pa ba’ng bago do’n?” natatawa nitong tanong.

“I mean, I’m planning to go there and maybe stay there for some time.”

“Gaano katagal, one week, two?”

“Iniisip ko, one month, two…three months. Hindi ko pa alam.”

Hindi naituloy ni Nenita ang pag-inom. Nagulat siya sa sinabi ng anak pero mas nagulat s’ya nang tingnan niya ito ay para bang wala lang ang sinabi nito, na para bang ordinaryong desisyon lang iyon. “Bakit? At ano’ng gagawin mo do’n ng isa, dalawa o tatlong buwan?”

“Para sa foundation.”

Kahit pa nagtataka at nabibigla ay hindi napigilan ni Nenita na matawa. “Foundation? Ano ‘yan, codename ni Rico?”

“Mam naman, para talaga sa foundation.”

“At para kay Rico?”

Ngumiti si Lia. Hindi niya iyon maaaring ikaila sa ina dahil alam naman nito ang lahat nang tungkol do’n. Even with what has happened between her and Rico lately. “I think I still need to talk to him.”

“I think so,” sang-ayon ng ina. “At sa tingin ko, mas maiintindihan ka niya kung malalaman niya na simula high school hanggang ngayon, siya lang at siya pa rin. Na maraming taon mo s’yang hinanap. Na kahit hanggang sa buwan, pupuntahan mo s’ya kung kailangan.”

‘Yun din ang talagang balak gawin ni Lia, ang sabihin dito ang lahat-lahat. At kung sakaling hindi pa rin siya magawang patawarin nito, handa siyang manatili sa Banaue at maghintay, kahit habang-buhay. Wala na siyang alam gawin kundi ang maghintay at mahalin lang si Rico.

Itatanong na sana ni Lia sa ina kung tama ang gagawin nang mayro’n siyang marinig na tumatawag sa kanyang ina. Nagmumula iyon sa loob ng bahay at palakas iyon nang palakas. “M-may bisita ka? May ibang tao dito?” nagtataka niyang tanong sa ina na nakatingin sa pinto, hinihintay ang sinumang lalabas doon.

Nanlaki ang mga mata ni Lia at napanganga nang makita kung sino ang lumabas mula doon. “Dad!?”

“L-Lia! G-good morning,” bati nito na halatang nagulat sa pagkakita sa kanya. Lumapit ito at humalik sa pisngi niya. “N-narito ka pala.”

“Anong ginagawa mo rito, Dad?”

Tiningnan muna nito ang ina ng dalaga. “J-just visiting. Palagi mong sinasabi sa ‘kin na puntahan ang nanay mo paminsan-minsan, diba?”

“Nang ganito kaaga?” nagtatakang tanong ni Lia sa ama. At mas nagduda siya nang mapansin ang suot na polo shirt na bihirang isuot ng ama. Halata rin na bagong paligo ito at amoy na amoy ang mamahaling pabango. “Kadarating mo lang ba, o ngayon ka pa lang uuwi?” nakangiti niyang tanong. “Is there something that the two of you are not telling me?”

Saglit na nagkatinginan ang dalawa. “There is something that you’re not telling me,” sa halip ay sabi ni Amado. “Sino si Rico? ‘Yon daw ang dahilan kung bakit ka nagpupunta sa Banaue?”

“And she’s actually planning to go back there,” dugtong pa ng nanay niya.

“You are going back? Bakit?”

Si Lia naman ngayon ang hindi alam kung ano ang itutugon. Kanina lamang ay kakampi niya ang ina at ngayon ay parang pinagtutulungan na siya ng dalawa.

“Dahil sa Rico na ‘yon? I heard that you’ve been acting like a stalker at parang obsessed na obsessed ka sa nurse na ‘yon?”

Kung paano nalaman ng ama ang tungkol doon ay hindi na niya ipinagtaka pa. With what she’s been seeing, she’s sure that her father’s surprise visit was not the first time. And probably, her mother has been feeding him too much information about Rico.

“Ngayon alam ko na kung bakit bigla kang naging concern sa foundation.”

“Dad, seryoso po talaga ‘ko sa foundation.”

“At seryoso ka rin sa Rico na ‘yon?” tanong ni Amado. Naupo ito sa upuang katabi ng ina ni Lia. “Mahal mo ba?”

Tumango si Lia, isang walang alinlangang tango.

“At babalik ka do’n para sa kanya?”

Muli, tumango si Lia.

Muling nagkatinginan ang dating mag-asawa at parehong nagkibit-balikat. “May magagawa pa ba kami? Hindi ka naman namin mapipigilan. Kahit ayaw namin na bumalik ka do’n, wala naman kaming magagawa, diba?”

“Wala,” natatawa niyang sagot.

“Well, we wish you good luck,” sabi ni Amado. “At dapat pagbalik mo dito, kasama mo na ang Rico na ‘yon para makilala ko. At kapag ayaw sumama sa’yo, sabihin mo sa ‘kin, kakausapin ko.” sabi ni Amado. Sa mga kwento naman ni Nenita, sa tingin niya ay wala silang dapat ipag-alala. “Kailan ka aalis?”

“Probably before the magazine’s anniversary. I want to bring him to the party and if possible, I’d like to invite his family to spend Christmas here.”

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

10 thoughts on “Chapter 11: Finding Rico

  1. wwwwwooooooowwwwwww,., shocked naman ako sa feedbacks ng papa nya about kay RICO pero mas shocked ako sa nalaman ko sa mag-asawa,., graveh

    Posted by zyn | Mayo 18, 2013, 8:32 hapon
  2. yes!!!thatz da spirit lia!!!
    go!!go!!go!! hahahah! . .😉

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 8, 2012, 8:20 umaga
  3. todo na ‘to..

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 1:49 umaga
  4. wala bang full story..?? fav ko kc mag basa ng mga pocket book:P

    Posted by kim | Setyembre 25, 2008, 3:13 umaga
  5. san n po chapter 12??? tagal nmn po. hehehe

    Posted by abby | Setyembre 2, 2008, 3:08 hapon
  6. ang danda ng story nya..excited na ko sa mga susunod na mangyayari..

    Posted by nadine | Setyembre 2, 2008, 12:36 hapon
  7. kala ko.. post n chapter 12..

    Posted by Maki | Setyembre 2, 2008, 10:01 umaga
  8. nakakabitin po… hehehe…. gsto ko n malaman kung anong mangyayari s knla dlawa… hehehe…

    Posted by abby | Setyembre 1, 2008, 1:38 hapon
  9. danda naman….

    Posted by bb | Setyembre 1, 2008, 5:39 umaga
  10. seryosohan nato.. hahaha..

    Posted by Maki | Setyembre 1, 2008, 4:01 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2008
M T W T F S S
« Aug   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: