binabasa mo ang...
Finding Rico

Chapter 10: Finding Rico

NANG LUMABAS NG ELEVATOR SI LIA AY NAABUTAN NIYA si Kyla na naghihintay sa kanya. Maganda ang ngiti nitong sumalubong sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti rin.

“What’s with that smile?” tanong ni Lia sa sekretarya. Kinuha nito ang mga dala niyang folders at tumuloy na silang maglakad. Kasabay niya si Kat na nagtataka rin sa ngiting iyon ni Kyla na bihira nilang makita. “Good news?”

“May bisita po kayo sa opisina n’yo.”

Tumigil si Lia sa paglalakad, gano’n din si Kat. “My next appointment is not until two o’clock, diba?” tanong niya at tumingin sa wristwatch. Ala-una pa lang ng hapon.

“Yes ma’am,” tugon ni Kyla na nakangiti pa rin. “Importante raw po na makausap niya kayo.”

Saglit na nag-isip si Lia kung sino ang bisita na sinasabi ni Kyla na importante’ng makausap siya. “Sino?”

“Si sir Rico po, ma’am.”

Sabay na tumigil si Lia at si Kat sa paglalakad, at muntik pang bumangga sa kanila si Kyla. Humawak si Lia sa braso ni Katie at ramdam ng kaibigan na bigla siyang nalamig. “R-Rico? S-sinong Rico?”

“Si sir Rico po, ma’am, Rico San Antonio.”

Parang huminto ang pagtibok ng puso ni Lia at saglit siyang hindi nakagalaw. “T-tell me you’re just kidding me, Kyla.”

“Hindi po ma’am. Talaga pong nasa office n’yo si Sir Rico.”

Nakangiti pa rin si Kyla at tila kinikilig pa. Lia looked at her and she’s sure that her secretary doesn’t have any idea what’s happening. “W-where is he?”

“Nasa loob po ng opisina n’yo po, naghihintay.”

Nagkatinginan silang magkaibigan, at sabay silang napatingin sa kanyang opisina na ilang hakbang lang ang layo mula sa kinatatayuan nila. “D-did you tell him anything?” tanong niya kay Kyla.

“H-hindi po ma’am, wala po akong sinasabi kahit na ano, bakit po, m-may problema po ba?”

Ang maganda nitong ngiti kanina ay biglang nawala at napalitan ng pag-aalala. Hindi naman masisi ni Lia ang sekretarya dahil wala naman itong alam sa nangyayari. Muli niyang tiningnan si Kat. “He’s actually in my office right at this very moment, Kat. A-ano’ng gagawin ko?”

Hinawakan ni Kat ang kaibigan sa magkabilang balikat. “Relax, Lia. You know this is going to happen anyway.”

“Yes, I know pero hindi ngayon!”

“Just go there and tell him the truth. He will understand whatever it is that you have to tell him, right?”

Tumangu-tango si Lia at huminga ng malalim. “He will understand.”

“You can do this, Lia. Piece of cake.”

Muli, tumango si Lia at pilit na ngumiti. “Piece of cake.”

Kasunod pa rin niya si Kat nang tumungo siya sa opisina. Ilang minuto pa muna siyang nanatili sa labas no’n, iniisip ang mga sasabihin. Kat gave her a pat in the back before she opened the door.

Matagal muna siyang nanatili sa pintuan matapos iyo’ng isara. Huminga siya ng malalim bago lumapit dito. Naabutan niya ang binata na nakaupo lang, nakayuko. “R-Rico?”

Hindi lumingon si Rico kahit pa alam nito na si Lia ang dumating. Hindi siya umalis sa pagkakaupo sa mamahaling couch na iyon. Hindi niya tinangkang tingnan ang dalaga.

Dahan-dahang lumapit pa si Lia sa kinauupuan nito. Nakayuko pa rin ito at kahit anong pilit niyang pag-aninag sa mukha nito ay hindi niya iyon makita. Napansin niyang suot nito ang pulang t-shirt na bigay niya rito. “S-sana tumawag ka man lang na darating ka ngayon, g-ginulat mo ‘ko,” sabi ni Lia pilit itinatago ang kaba at takot na nararamdaman. Akma na niya itong lalapitan para yakapin at halikan pero bigla itong tumayo.

Bahagyang nag-angat ng mukha si Rico pero hindi ito tumingin sa kanya. “Parang ako ang mas nagulat,” sabi nito. At nang tumayo ito at harapin siya, alam niyang malaking problema ang kaharap niya ngayon. “Masyado naman yatang maganda ‘tong opisina na ‘to para sa isang simpleng empleyado ng NGO.”

“R-Rico, please, let me explain,” marahan n’yang sabi.

“Sa tingin ko, sapat na ang lahat ng nakita ko para malaman na hindi ikaw ang Lia na nakilala ko sa Banaue,” walang emosyon nitong sabi.

Hindi kayang tingnan ni Lia ang binata kaya tumungo siya. Mas mahirap iyon kaysa sa inaasahan niya. Kung alam lang niya na ganoon ang magiging reaksyon ni Rico, sana ay noon pa niya sinabi ang lahat dito. “Please…pakinggan mo muna ako. I am sorry, I know I should have told you about this…dapat noon ko pa sinabi sa’yo pero-”

“Pero hindi mo sinabi. Hinayaan mo ‘ko na maniwalang isang simpleng tao ka na nagmamagandang loob, hinayaan mong mahalin kita nang sobra para lang ano? Para lokohin mo, paasahin lang sa isang bagay na imposible?”

“R-Rico, sinubukan kong sabihin sa’yo pero hindi ako nagkaroon ng chance!” naiiyak niyang sabi.

Biglang tumayo si Rico na ikinabigla ng dalaga. Matalim ang tinging ibinigay nito sa kanya. “Lia, napakaraming pagkakataon para sabihin mo sa’kin! Sa totoo lang, dapat nung una pa lang, sinabi mo na! Bakit nga ba kailangan mo pang magpanggap?”

Hindi rin alam ni Lia pero nangyari na lang nang hindi niya sinasadya. “I-I didn’t mean to, Rico. Nangyari lang…h-hindi ko sinasadya na-”

Marahang iling ang itingon sa kanya ng binata. “Niloko mo ko.”

“No, no, Rico please! Mahal na mahal kita kaya-“

“Kaya ka nagkunwari dahil mahal mo ‘ko?”

“Mahal kita at natakot ako. Ayokong mawala ka sa’kin, Rico. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal!”

Wala nang kailangang marinig si Rico at wala na rin siyang gustong sabihin sa dalaga. Tila hindi niya kilala ang magandang dalaga na nakatayo sa harap niya. Malayung-malayo ang ayos nito ngayon sa Lia na nakilala niya noon.

“I’m so sorry! Please understand, I just don’t want to lose you. Let’s talk about this, please! Give me a chance to-”
Bago pa naituloy ng dalaga ang sasabihin ay mabilis na lumabas si Rico ng opisina at nakita niya ang mga tao roon na nakasunod ang mga mata sa kanya hanggang sa makapasok siya sa elevator. Ayaw niyang makita ang pag-iyak ni Lia. Ayaw na niyang marinig ang sasabihin nito dahil alam niyang hindi niya maipapangako kung makakayanan niyang umalis pa at iwan ito.

NANG PUMASOK si Kat sa loob ng opisina ng kaibigan ay naabutan niya itong nagsasalin ng red wine sa baso. Simula nang bumalik ito mula Banaue ay ngayon na lang niya ito muling nakitang uminom. Halatang pinipigilan nito ang pag-iyak.

“Lia…”

Nanginginig ang kamay na inilapag ni Lia ang bote ng wine sa mesa at nanatiling nakatalikod kay Kat. “He didn’t even want to listen to me, Kat.”

Nilapitan niya ang kaibigan at hinagod ang likod nito. Ngayon na lang uli niya ito nakitang umiyak nang ganoon. Si Lia ang tipo ng taong hindi nagpapakita ng totoong damdamin, lalo na kapag nasasaktan. At ngayon, alam niyang masyado itong nasasaktan sa nangyayari. Wala siyang anupamang masabi, wala siyang maisip na maaring makapagpagaan ng loob nito.

“Where is he, is he still inside the building? I’ve got to talk to him,” ilang sandali pa bago nakayanan ni Lia na makapagsalita. Kinuha nito ang handbag. “Kung kailangan ko s’yang puntahan uli sa Banaue, gagawin ko, Kat. Kailangan niya ‘kong kausapin,” sabi pa nito habang pinupunasan ang luha.

Halos patakbong sinundan ni Kat ang kaibigan at nang magtangka itong pumasok sa bukas nang elevator ay pinigilan niya ito. Nakatingin lang sa kanila si Kyla, at ilang mga empleyado na halatang nagtataka.

It wasn’t an everyday scene anyway.

“Lia, you’re not gonna do this. You’re not going to follow that guy all the way down the lobby just to give those people out there something to talk about.”

“P-pero kailangan ko siyang makausap.”

Tiningnan ni Kat ang mga tao sa paligid, at madaling bumalik ang mga ito sa mga kani-kaniyang trabaho na parang walang nangyari. “May tamang oras para magkausap kayo. And now’s not the time. It’s much better for you to give him space and time to think.”

Kat might have a point but she can’t just sit and wait for something to happen. Alam niyang kasalanan niya ang lahat at alam niyang siya ang dapat na gumawa ng paraan para maayos iyon.

KAT HAS BEEN STARING AT LIA EVERSINCE SHE entered her friend’s office. Nadatnan niya ito na abala sa trabaho nang Sabado nang umagang iyon. Ni hindi nga nito napansin ang pagpasok niya at kinailangan pa niyang tawagin ito sa pangalan para ipaalam na naroon siya.

Habang tinitingnan niya ang kaibigan ay naisip niyang wala naman talagang bago sa senaryo sa opisina nito. Lia has always been a workaholic, na kahit tapos na ang oras ng trabaho ay nagtatrabaho pa rin ito. Kahit na Sabado at Linggo ay laman ito ng opisina. At ang araw na iyon ay walang pagkakaiba sa ibang mga ordinaryong araw.

“How are you?” tanong ni Kat. Inilapag niya ang tasa ng kape sa mesa ng kaibigan.

“I just got the lay-out for the next month’s issue and I think we have to review it,” tugon ni Lia na hindi naman talaga sinagot ang tanong ng kaibigan. “We’re gonna have an emergency meeting tomorrow and I want everybody to be present.”

“It’s a Sunday tomorrow Lia.”

Sandaling tiningnan ni Lia ang kaibigan. “I mean on Monday.”

Tumangu-tango lang si Kat at naupo sa upuang nasa harap ng mesa ni Lia. “So, how are you?” muli niyang tanong.

“I’m busy, as you can see,” nakangiting sagot ni Lia. “By the way, I had the chance to talk to Engr. Contreras last night and he’s looking forward to working with us for the December issue. He even agreed for an interview with him and his girlfriend.” tanong ni Lia habang inaayos ang ilang gamit sa ibabaw ng mesa. “Kasama siya sa exhibit ni Mam last month. Maya Evangelista yata ang pangalan, if I’m not mistaken. We could feature her together with the other artists, don’t you think?”

Muli, tumangu-tango lang si Kat. Alam niyang alam ni Lia na wala naman siyang interes tungkol sa kung ano man ang sinasabi nito. “Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Lia. How are you?”

“I’m okay, do I look like I’m not okay?” natatawa nitong tanong.

“No, you look absolutely perfect,” sabi niya. “Which makes me worry.”

“Kat, salamat sa concern pero okay lang talaga ‘ko.”

Umiling siya. “You’ve been killing yourself with work, keeping yourself busy para lang hindi mo maisip si Rico, diba?”

Sumandal si Lia sa upuan at tinanggal ang reading glasses. “First of all, I’m not killing myself with work. Second, I am not keeping myself busy because it just so happen that my work needs a lot of time and a lot of effort. It’s not as if I have a choice.”

“Lia, you have a choice. You know you have a choice. Bakit hindi ka muna magbakasyon? Take some time off. Kami na muna’ng bahala sa magazine. You definitely need a break.”

“Para ano? Para maghapon at magdamag akong mag-isip at umiyak?” natatawang sabi ni Lia.

“There’s nothing wrong with that. Sa tingin ko, mas makakabuti ‘yon sa’yo.”

“You know me better than that, Kat.”

“Exactly. I know you. Kaya nga nagwo-worry ako sa mga kinikilos mo e. It has been a week pero wala ka pa ring ginagawa para kausapin si Rico. Dapat nasa Banaue ka na ngayon at ginagawa ang lahat ng paraan para magkaayos kayo, hindi ‘yang nagbi-busy-busy-han ka dito sa opisina kahit Sabado.”

Ngumiti lang si Lia at umiling.

NGUMITI LANG SI RICO AT UMILING. Nang tanungin siya ng ama kung kailan raw ba niya balak na bumaba ng Maynila at ibalik sa Banaue si Lia, ngumiti lang siya at umiling. Mag-aalas dose na nag gabi pero gising na gising pa rin siya. Mahirap na para sa kanya ang makatulog nitong mga nakaraang araw. Gusto man ng katawan niyang magpahinga, ayaw naman ng utak niya.

“Bakit gising pa kayo?” tanong niya sa ama. Nakahalukipkip ito kahit pa makapal ang suot na jacket. Papalapit na ang panahon ng kapaskuhan kaya mas lumalamig na rin ang simoy ng hangin.

“Ikaw, bakit gising ka pa?’ balik nitong tanong. “Maaga ang medical mission n’yo bukas, hindi ba?” Nang tapunan ng tingin ni Mang Ricardo ang anak, seryoso ang mukha nitong nakatanaw sa madilim na langit. Tumingin rin siya roon at inakbayan ito. “Wala ka na ba talagang balak na makipag-usap kay Lia? Hindi na ba talaga kayo magkakaayos?”

Matagal pa munang nag-isip si Rico bago sumagot. “Ewan ko ‘tay. Kahit siguro kayo ang nasa sitwasyon ko, mahihirapan kayong maintindihan ‘yung ginawa niya.”

“Kung ako ikaw, susubukan ko’ng pakinggan ang paliwanag ni Lia. Pipilitin ko s’yang unawain.”

“Nagsinungaling s’ya sa’kin, ‘tay. Nagsinungaling s’ya sa’tin. Wala akong maisip na kahit anong dahilan kung bakit kailangan n’yang magpanggap ng gano’n.”

“Anak, mahal ka nung tao. Sa tingin ko nagawa n’ya ‘yon hindi para saktan ka.”

“Nasaktan na n’ya ‘ko.”

“At sa tingin mo ba, ikaw lang ang nasasaktan sa nangyayari?” tanong ni Mang Ricardo sa anak. “Parang napakamakasarili naman yata kung sariling damdamin mo lang ang importante sa’yo. Hindi mo man lang ba naisip na baka nga mas nasasaktan si Lia sa ginagawa mo’ng ‘yan sa kanya ngayon?”

“Pero hindi yata tama na itago niya sa’tin kung ano talaga s’ya. Ginawa n’ya ‘kong tanga.”

“Naro’n na ‘ko, mali na ‘yung ginawa n’ya kung mali. Lahat naman tayo, nagkakamali. Siguro nga, mali na paglihiman ka n’ya pero siguradong pinagsisisihan na n’ya ‘yon ngayon. Bakit kasi hindi mo s’ya bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag? Hindi ‘yang ganyan na isip ka nang isip kung bakit.”

Siguro nga, dapat ay pinakinggan niya ang anumang ibibigay na paliwanag ni Lia. Pero hindi na mahalaga ‘yon sa kanya. Kahit saang anggulo tingnan ni Rico, isa lang ang malinaw. Nagawang magsinungaling ni Lia, niloko siya nito at walang kahit na anong paliwanang ang magpapabago sa katotohanan na iyon.

“Rico, sabihin mo nga sa’kin, mahal mo ba talaga si Lia?”

Napatingin siya sa ama.

“O baka naman hanggang ngayon, hindi mo pa rin nakakalimutan si Belinda? Baka akala mo lang mahal mo si Lia pero ang totoo, nagpapaalala lang s’ya sa’yo ng nakaraaan, at ang akala mong nararamdaman mo ngayon kay Lia, ‘yan pa rin pala ‘yung pag-ibig mo para kay Belinda.”

Pilit umiwas si Rico sa mapanuring tingin ng tatay niya. “’Tay, ayoko na pong pag-usapan ang tungkol do’n.”

“Alam ko kung gaano ka nasaktan nang iwan ka ni Belinda. Alam ko rin na iniisip mong katulad lang ng nangyari noon ang nangyayari ngayon sa inyo ni Lia. Pero Rico, iba si Belinda, iba si Lia. Nagkataon lang na mayaman din si Lia pero hindi ibig sabihin no’n, wala na s’yang kakayahang mahalin ka ng totoo.”

Nang umalis ng walang paalam si Belinda tatlong taon na ang nakakaraan, umasa siya na babalik ito. Naghintay siya ng isang linggo, isang buwan, hanggang abutin na iyon ng isang taon. Pinlano niyang puntahan ito sa Maynila pero nalaman n’yang ikinasal na ito sa isang mayamang negosyante ilang buwan lamang pagkaraan nilang maghiwalay.

Minahal niya si Belinda at nangarap s’yang iyon ay panghabang-buhay.

Sa pangalawang pagkakataon, nangarap s’ya ng isang panghabang-buhay na pag-ibig at sa pangalawang pagkakataon ay pagkabigo lang ang idinulot nito.

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

7 thoughts on “Chapter 10: Finding Rico

  1. how sad naman din pala ng pinagdaanan ni fafa RICo but that doesn’t mean na porke hindi xa minahal ng totoo ng mayamang babaeng ‘yong c BELINDA ay ganun din c LIA,., He should somehow listen to what Lia was about to explain,. u need a break man

    huhuhu

    Posted by zyn | Mayo 18, 2013, 8:22 hapon
  2. hahai,yan kc c lia ,palhim, yan toloy nd cla nagka unawaan ngaun,hahai ang pg ibg tlga,gnda tlga nto nxt chap. na

    Posted by Khrishna | Agosto 22, 2012, 11:50 umaga
  3. ahmf. .dapat pnakingan muna nia c lia. .para sa kania din aman kung bkit ni lia ngawa un ei. . .
    kung alam lan nia since high ei. .mahal na xa ni lia. .

    lia confess it all to rico. .
    para nde na xa matakot na iwan mu xa. .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 8, 2012, 7:51 umaga
  4. sino ang writer nito?! grabeeehh, sapul ang
    reader!

    Posted by sUnDAy | Pebrero 24, 2009, 1:35 hapon
  5. hirap masaktan..masakit

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 1:43 umaga
  6. i piTy LiA..
    LoVe the stOry..

    Posted by geLyN88 | Oktubre 12, 2008, 9:04 umaga
  7. patay kng lia ka.. hahaha.. Lagot.. sino kaya susuko s kanila??

    Posted by Maki | Agosto 30, 2008, 4:29 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Agosto 2008
M T W T F S S
« May   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: