binabasa mo ang...
Finding Rico

Chapter 8: Finding Rico

“YOU SEEM TO BE SMILING A LOT SINCE YOU CAME.”

Binuksan ni Lia ang blinds sa bintana ng opisina para pumasok ang magandang sinag ng araw. Bumalik siya sa upuan nang nakangiti.

“Ikaw lang naman ang kilala kong tao na nasa hospital na ang tatay, maganda pa rin ang ngiti,” sabi ni Kat.

Muli, ngiti lang ang itinugon ni Lia. She got a call from her mother yesterday saying that her dad had a heart attack. It was mild, though. Nag-panic lang ang kanyang ina kaya siya nito tinawagan at agad na pinauwi. Kahit pa ayaw niya, wala rin siyang nagawa. Kahit pa ayaw niyang iwan si Rico, kailangan niyang bumalik ng Maynila para sa ama, at para na rin sa ilang mga obligations niya sa magazine.

“Ganyan ba talaga ang nagagawa ng ‘love’?”

Ngumiti lang si Lia.

Napailing si Kat. Nang tawagan siya ng kaibigan about what happened, she wasn’t sure wheather to be happy or not. After all, Rico was Lia’s solitary dream came true. But at the same time, it meant Lia’s career at risk. “So, what’s your plan? Do you have to go up there every weekend? Or he moves down here?”

“We haven’t thought about that yet. Pero may plano s’yang mag-aral ng medicine dito sa Manila,” sabi niya. Nabanggit rin ni Rico sa kanya ang balak ni Abby na sa Maynila na rin mag-college.

“Have you told him?” tanong ni Kat na nakamasid lang sa pagpirma ng kaibigan sa ilang dokumento na naiwan nito noong umakyat ito ng Banaue.

Bahagyang umiling si Lia. “I think it’s no longer necessary. It’s been fourteen years, anyway. And I think, malaman man niya o hindi ang tungkol sa high school, it won’t matter anymore.”

“That’s not what I’m talking about,” nag-aalalang sabi ni Kat.

“Huh?” nagtatakang tanong ni Lia. “What are you talking about?”

“Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa’yo? ‘Yung totoong ikaw? Na hindi ka isang simpleng empleyado ng NGO, na ikaw ang editor-in-chief ng Glitz?”

Hindi naituloy ni Lia ang pagpirma nang marinig ang sinabi ni Kat. That was something that she had overlooked. She did try to tell him but everytime she attempted to let him know, it seemed like it’s always not the right time. Until she had to go back to Manila.

“You haven’t told him?”

“I’m going to. In time.”

Napailing si Kat. “Don’t you think it’s gonna be a big problem?”

Yes, it is. Kaya nga nahihirapan siyang sabihin dito ang totoo. Ayaw niyang magbago ang tingin nito sa kanya. Pero sasabihin rin naman niya ang tungkol do’n sa tamang oras. As of now, she doesn’t want to spoil anything. And besides, she thinks that it won’t be a big deal anymore, knowing how much Rico loves her. He would definitely understand and accept whatever she has to tell him.

Napapailing na tiningnan ni Kat ang kaibigan. Alam niyang nahihirapan ito sa sitwasyon nito ngayon. Wala pang isang linggo mula nang makabalik ito ng Maynila pero hindi na niya mabilang kung ilang beses na nitong nasabi na nami-miss na niya ang Banaue, at si Rico. Gusto na nitong muling bumalik doon at doon na lang tumira kahit habang-buhay.

Pero hindi gano’n kadali. Maraming responsibilidad si Lia sa magazine. Marami itong responsibilidad bilang editor-in-chief, at bilang isa sa mga importanteng tao sa larangan ng fashion. At hindi gano’ng kadali na iwan ang lahat nang ‘yon. Hindi madali na iwan ang nakasanayan nitong marangyang buhay para lang kay Rico. But Kat thinks that nothing matters to Lia anymore but Rico. She’s willing to give up everything and she doesn’t give a damn about her status, her career and about what people might say. Lia has been dreaming of the time when she would be with him and now that the moment has come, it’s the only thing that would ever matter.

“Pa’no si Mayor?” tanong ni Kat habang nagdi-dinner sa mamahaling Italian restaurant na pagmamay-ari ng ama na ipinamana sa kanya. “Pa’no mo ipapaliwanag sa kanya ang tungkol kay Rico?”

She made an appointment with Roy on Saturday evening and she’s going to tell him then. It won’t be easy but she has to tell him because nobody else would.

Same with the fact that she has to tell Rico the truth about her because nobody else would.

HE CALLS LIA at least a couple of times everyday and it somehow eases the difficulty of not seeing her. Ilang araw pa lang ang nakakaraan pero parang napakatagal na panahon na mula nang huli silang nagkasama. Gusto niya itong laging tawagan pero alam niyang abala rin ang dalaga sa trabaho nito sa Maynila, katulad na lang ng tumawag siya rito kaninang umaga. Tatlong beses niya itong tinawagan at nang makausap niya ito ay wala pang limang minuto silang nagkausap. Busy raw ito, nasa gitna ng meeting at tatawagan na lang siya nito pagkaraan ng dalawang oras.

Hinintay niya ang tawag ng dalaga pero lumipas na ang dalawang oras, tatlo hanggang apat na oras pero hindi na ito tumawag hanggang sa makauwi na siya ng bahay. Alam niyang hindi dapat sumama ang loob niya dahil normal lang naman ang ganoon, pero hindi niya maiwasan. Nangyari na ang ganoon sa kanya noon, at sa ganoon nagsimula ang pinakamasamang bangungot niya. At ngayon, hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niya ang parehong masamang pakiramdam na naramdaman niya noon.

“Hindi mo ba sasagutin ‘yan?” tanong ni Mang Ricardo. Kanina pa tumutunog ang telepono ng anak pero parang wala itong naririnig. Tumingin lang sa kanya ang anak pero hindi kinuha ang cellphone sa ibabaw ng mesa. “Baka importante ‘yan.”

Mula sa pintuan ay lumapit si Rico sa sala, kinuha ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag, kahit pa alam niyang si Lia iyon. Patuloy lang iyon sa pag-ring at inisip pa niya kung sasagutin ‘yon o hindi.

“Bakit hindi mo sagutin?” nagtatakang tanong ng ama. Alam niyang kay Lia galing ang tawag at nagtataka siya kung bakit ayaw iyong sagutin ng anak. “Kanina mo pa hinihintay ‘yang tawag na ‘yan, ngayong tumatawag na, ayaw mo namang pansinin.”
Bahagya lang na ngumiti si Rico at lumabas ng bahay. Sinundan lang siya ng tingin ng ama.  “H-hello?”

“Rico? Kanina pa ‘ko tumatawag, busy ka ba?”

“M-medyo,” simple niyang tugon. Sino kaya ang mas busy sa kanilang dalawa?

Alas siyete na ng gabi nang matapos ang meeting niya at kailangan pa niyang bumalik ng opisina para sa ilang papeles na kailangan niyang pirmahan. Kasunod niya si Kyla na pumasok sa opisina at iniabot nito sa kanya ang mga papeles na ‘yon. “Kumusta?”

Naupo si Rico sa pasimano ng bahay at huminga ng malalim. Lalo lang niyang na-miss ang dalaga. Lalo siyang nahihirapan sa tuwing naririnig niya ang boses nito sa telepono. “Okay lang. Ikaw?”

Nakatingin si Lia sa screen ng laptop at ibinaba ang cellphone para makapag-type sa keyboard. Inayos niya ang headset sa tainga para marinig nang mabuti ang kausap. Nasa harap pa rin niya ang sekretarya, hinihintay ang anumang ipag-uutos niya. “I’m fine. Si lolo, kumusta na?”

“Okay lang, hinahanap ka n’ya. Pati sina nanay at tatay, lalo na si Abby. Tinatanong nila kung kailan ka raw babalik.”

Napangiti si Lia. “Sila lang ba ang naghahanap at nagtatanong kung kailan ako babalik?”

Bahagyang napangiti si Rico. “Nagtatanong rin sina Doc Mike. Tsaka ‘yung ibang nurse dito.”

“Ikaw, hindi mo ba itatanong kung kailan ako babalik?” tanong niya. Iniabot niya kay Kyla ang mga dokumento.

Hindi tumugon si Rico. Hindi siya magtatanong tungkol do’n, ayaw niyang magtanong dahil natatakot siya sa maaari nitong isagot. “A, Lia-“

“Rico, I’m sorry but I’ve got an important call. I’ll call you back, okay?”

Bago pa siya makapagsalita ay naputol na ang linya. Hindi na nagawa pa ni Rico na makapagpaalam at sabihin dito kung gaano niya ito nami-miss. Napailing na lang siyang ibinulsa ang cellphone.

“May problema ba?”

Hindi na niya ito nalingon dahil lumapit na ito agad sa kanya. “Wala po.”

Tinapik siya nito sa balikat. “Wala pang isang linggo Rico, sumusuko ka na ba?”

Hindi sa sumusuko siya, hindi lang talaga madali ang sitwasyon nila ngayon ni Lia. Hindi siya sanay sa ganoong palaging may iniisip, palaging may inaalala. Kaya nga ba ayaw na niyang magmahal nang ganoon. Masyadong kumplikado, masyadong mahirap.

“Alam mo nang magiging mahirap. Dapat sa simula pa lang, inihanda mo ang sarili mo.”

Tumango lang siya. Madaling sabihin, mahirap gawin. Ganoon yata talaga. Kahit anong pilit niyang hindi mag-alala, minsan, minumulto pa rin siya ng nakaraan.

Kung hindi lang sana kailangan ni Lia na muling bumalik ng Maynila, siguradong mas magiging madali ang lahat. Kung sana ay dito na sa Banaue mananatili si Lia habang-buhay.

“Mahal mo ba talaga si Lia?”

Oo, walang duda. Kung hindi ‘yon pagmamahal, hindi na niya alam kung ano iyon. Kung hindi niya ito mahal, hindi niya ito iisipin nang halos oras-aras sa araw-araw, at hindi siya mag-aalala at matatakot na baka mauwi lang sa wala ang lahat.

“Bakit hindi mo siya puntahan sa Maynila? Bakit hindi mo subukan ‘yung scholarship na ibinibigay ng foundation nila? Subukan mo lang, wala namang mawawala. Naroon ang pangarap mo, naroon si Lia, ano pa nga bang ginagawa mo rito?”

Simula nang dumating ang imbitasyon mula sa foundation nina Lia tungkol sa scholarship sa Maynila ay pinag-iisipan na niya iyong mabuti. Sa totoo lang, gusto niyang subukan. At ang totoo, plano niyang pumunta ng Maynila sa susunod na linggo at isorpresa ang dalaga. Pero sa mga nangyayari ngayon, hindi niya alam kung tama pa ba ang gagawin niyang iyon.

“MA’AM, APPOINTMENT N’YO po with Mayor Orillaza at 9:30,” narinig niyang sabi ni Kyla.

“What time is it?” tanong niya. Marami pa siyang kailangang tapusin nang gabing iyon.

“A, eight o’clock po, Ma’am. Sa Manila Peninsula raw po kayo magdi-dinner.”

“Manila Peninsula?” gulat niyang tanong. Isinara niya ang laptop at muling hinarap ang ilan pang kadarating lang na dokumento. “I told you to tell him to meet me at Kat’s restaurant, right?”

Tumango si Kyla. “P-pero tumawag po si Mayor kanina, sa Peninsula na lang raw po. Nagpa-reserve na raw po s’ya ng dinner at 9:30.”

Tiningnan niya si Kyla na para bang mula sa ibang planeta ang balitang iyon. Sa tuwing makikipagkita siya sa binata ay palagi na lang nitong binabago ang lugar ng meeting nila. “Tinawagan mo na ba uli ‘yung number ni Rico?”

“Yes ma’am. Wala po talagang sumasagot e.”

“Okay, thank you. You can go home now. Ako na lang ang tatawag.”

“Sigurado po kayo? Maaga pa naman po, baka may kailanganin pa kayo.”

Umiling si Lia at ngumiti. “It’s okay. I can manage,” sabi niya. “And besides, it’s your birthday today, right? I’m sure, hinihintay ka na ng pamilya mo sa inyo.”

Lumiwanag ang mukha ni Kyla. Tumayo si Lia, binuksan ang drawer at kinuha ang isang puting sobre. Iniabot niya ito kay Kyla. Hindi ito kumibo at kinailangan pa niyang kunin ang kamay ng sekretarya.

“I had no time to buy you something, you know how crazy these passed days had been,” sabi niya. “Go home and take your family out to dinner, hangga’t maaga pa.”

“Naku, thank you po ma’am, matutuwa po ang mga kapatid ko nito.”

“Welcome. Sige na, go home and have a happy birthday.”

Si Lia pa mismo ang nagbukas ng pinto para kay Kyla. At nang tuluyan na itong lumabas ay muli niyang ipinagpatuloy ang trabaho. Muli niyang tinawagan si Rico pero out of coverage area ang telepono nito.

“I THOUGHT YOU WEREN’T COMING,” nakangiting tanong ni Roy nang dumating si Lia. Halos kalahating-oras na siyang naghihintay doon sa restaurant ng Hotel. Hinatak ni Roy ang upuan para kay Lia.

“Sorry, I had to finish some work at the office.”

Dumating na ang waiter at umalis rin agad nang makuha nito ang orders nila. “So, how are you?” tanong ni Roy.

“Fine, I’m fine,” simple nitong tugon. “We were supposed to have this dinner at Kat’s, right?”

Tumango si Roy. “Naisip ko na minsan na lang naman tayo mag-dinner so, I want our dinner to be special.”

Ngumiti na lang si Lia. Hindi na naman iyon bago.

He hasn’t seen Lia for more than a month and as he looks at her now, he noticed that she looked better, and more beautiful. She doesn’t look stressed as what he had expected for all the work she’s been doing with the magazine, as well as the foundation that she has told him about. Ito ang palagi nitong idinadahilan sa kanya sa tuwing iimbitahan niya itong lumabas para mag-dinner o kahit para lang magkape. “By the way, how’s the foundation?”

Dumating na ang kanilang orders at hinintay muna ni Lia na umalis ang mga waiters bago tumugon. “O-okay naman. We thought of putting up an administrative center in Banaue.”

Nalaman ni Roy mula na rin sa mga kuwento ng ama nito ang tungkol doon. Ang tungkol sa biglang pagiging involve ni Lia sa charity works ng grupo at ang paglalagi ng dalaga sa lugar nitong mga nakaraang linggo. “Banaue seems to be a very nice place for you to get so fond of .”

She sensed that he meant something more than what he had really said. “Yes, actually, it is a very nice place.”

Tumangu-tango si Roy at nagpatuloy sa pagkain. When he got a call from Lia’s secretary saying that she wanted to have dinner, he was thrilled. Ngayon lang siya nakatanggap ng imbitasyon mula dito at naisip niyang gawing special ang dinner na iyon. He wanted this night to be perfect and he intends to make it. Ayaw niyang makasira sa napakagandang gabi ang tungkol lamang sa isang walang kwentang lugar. Gumastos siya ng malaking halaga sa pagrenta ng buong restaurant na iyon at hindi niya sisirain ang gabi para lang sa walang kwentang pag-uusap.

Pinagmasdan lang niya ang dalaga habang kumakain ito. Palagi nitong tinitingnan ang cellphone na nakalapag sa mesa na tila may hinihintay na tawag. “Nagulat ako nung sabihin sa’kin na in-invite mo ‘ko for dinner. For you to invite someone to dinner, I thought this must be very important.”

Muling ibinalik ni Lia ang cellphone sa loob ng bag. Uminom siya ng tubig at tiningnan si Roy. Tiningnan din niya ang kabuuan ng lugar at medyo nagtaka nang makitang sila lamang ang laman ng restaurant, liban sa ilang waiters sa di kalayuan. The place was filled with beautiful flowers and she thought that Roy really has a great taste with almost everything. And when the violinist appeared and began to play a wonderful music, she didn’t know what to think.

“Do they always have these here?” nakangiti niyang tanong kay Roy.

Ngumiti rin ito at nagkibit-balikat. “Probably it’s a special night,” sabi nito. Ilang sandali rin nilang pinakinggan ang musika at masaya si Roy na nagustuhan iyon ng dalaga. “Lia, I have something to tell you.”

“What is it?” tanong niya. Doon pa rin siya sa tumutugtog nakatingin.

“I…”

Nang matapos ang isang piyesa ay muling tumugtog ang violinist ng isa pa at tiningnan ni Lia ang binata. Hinintay niya ang sasabihin nito pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya kaya minabuti niyang sabihin na muna ang importante niyang sasabihin bago ang lahat. “Roy, before you say whatever you want to say, may sasabihin din muna sana ‘ko sa’yo.”

Kinuha ni Roy ang baso ng wine at ininom ang lahat ng laman no’n. “Go ahead.”

Huminga siya ng malalim at uminom din muna ng wine bago magsalita. “Matagal na tayong magkaibigan and I really appreciate everything that you’ve been doing for me. I’m very lucky to have you, as my friend.”

“So am I,” sang-ayon ni Roy.

“Gusto ko sana, magpatuloy kung ano ‘yung meron tayo ngayon, ‘yung friendship natin nina Kat. Kahit ano sanang mangyari, walang magbago.”

Tahimik lang na nakikinig si Roy. Gano’n din naman ang gusto niyang mangyari.

“And I hope whatever I do and wherever I want to go, you’d still be there and support me. Because I’ll do the same for you, specially with your political career.”

Napangiti ito. “Thank you.”

“Alam mo naman siguro ‘yung pagpunta ko sa Banaue, diba?” tanong niya. “Well, it’s true that I’ve been busy with dad’s foundation but actually, there’s more than that.”

Nakangiti pa rin si Roy, iniisip kung paano sisimulan ang sasabihin sa dalaga.

“Nagpunta ‘ko sa Banaue dahil kay…Rico.”

Nang marinig ni Roy na banggitin ni Lia ang isang pamilyar na pangalan, biglang nawala ang ngiti niya. May ilang beses na rin iyang narinig ang pangalan na iyon kay Kat.

“H-he’s a nurse at a hospital.”

Hindi na kailangan ni Roy na marinig pa ang kwento ni Lia dahil naiintindihan na niya ang nangyayari. Lia met someone else. Sa simula ay wala siyang kahit anong naramdaman pero nang tingnan niya ang mga mata ng dalaga, hindi maikakaila na ang ningning ng mga iyon ay hindi para sa kanya.

“He’s a very nice man, quiet but really nice.”

“D-do you love him?” bigla nitong tanong.

Ilang sandali pa muna bago nagawang makatugon ni Lia. Marahang tango lang ang nakayanan niya.

Yumuko si Roy, tiningnan ang kanina pa’ng hawak na diamond ring at ibinalik iyon sa bulsa. “He is a very lucky man.”

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

5 thoughts on “Chapter 8: Finding Rico

  1. ouch,., kawawa naman c ROY,. ganyan talaga ang buhay pare,. tanggapin nalng natin ang katotohanan
    marami pa jang eba
    hanep nga naman talaga ang nagagawa ng lOVE

    Posted by zyn | Mayo 18, 2013, 7:50 hapon
  2. ooohhh. .wawa aman c roy. . but sana matangap nlan nia and nde na xa maging pang’gulo. . =D
    well thatz life. .if u realy love someone u have to let her/him go. . =(
    nde lan tlga xa para sau. .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 7, 2012, 9:10 umaga
  3. oh my gosh..ang sakit nun ha.

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 1:22 umaga
  4. sayang yung diamond ring…ahaha…lol..but mainam na sinabi na talaga nya kay roy yung totoo..ang intindihn nalang nya ay kung panu sabihin ang totoo kay rico…

    Posted by roxanne | Enero 24, 2009, 7:05 hapon
  5. Arayy.. ang sakit non para k roy.. lucky talaga si Rico.. tama lng n sbihin ni lia ang totoo para fair kay roy..

    Posted by Maki | Agosto 26, 2008, 12:25 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Agosto 2008
M T W T F S S
« May   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: