binabasa mo ang...
Finding Rico

Chapter 7: Finding Rico

“WHAT ARE YOU SAYING? Your dad is okay. Hindi mo kailangang umuwi agad, sabi ni ninang, over-fatigue lang, lalabas na rin s’ya ng hospital bukas. You really don’t need to come home.”

“Uuwi na ‘ko bukas, Kat.”

“Bakit, anong nangyari?”

Kinuha ni Lia ang beer in can sa mesa at uminom. Pinahiran niya ang luhang kanina pa niya pinipigilan. She’s never a cry baby but when it comes to Rico, she can’t help but cry. Kaya lalo siyang naiinis dito ngayon. Ito lang ang tanging nilalang na nagpapaiyak sa kanya. Kahit sa mga simpleng bagay.

“Lia, are you still there?” tanong ni Kat nang hindi tumugon ang kaibigan. “Lia, are you crying?” muli nitong tanong nang marinig na sumisinghot ito. “Ano ba’ng nangyari?”

“This is just a waste of time,” sabi ni Lia na patuloy lang sa pag-iyak. “He already has a girlfriend. And I hate him.”

“What?!”

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Lia. Kumuha ito ng tissue sa bag at sunud-sunod ang ginawang pagsinga. “I came all the way up here just for nothing.”

“Akala ko ba, you’ll do everything to make him fall in love with you? Ano’ng nangyari? Susuko ka lang nang basta-basta?”

“It’s useless. I don’t want to force myself to someone who’s in love with somebody else.”

When she heard Ayie sang the song last night, she felt like dying. That was her song for Rico way back in high school. And Ayie was singing her song. She stole her song for him, and she stole Rico from her.

Maging si Kat ay naiiyak na dahil sa kalagayan ng kaibigan. “Lia, you’ll be fine…”

“Y-yes, of course..I’ll be fine,” mahinang sagot ni Lia. “Thanks. I’ll be there tomorrow.”

Naibaba na ni Lia ang telepono pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Mabuti na lang at walang tao sa veranda ng restaurant at palubog na rin ang araw.

Naalala niya si Lolo Milyo na hindi niya nadalaw kanina. Pipilitin niyang puntahan ito bukas bago siya umalis pero hindi rin niya iyon sigurado. Pagkatapos ng pagwo-walk-out niya kagabi sa bar, wala na siyang mukhang ihaharap sa mga kakilala sa ospital. Lalo na kay Rico.

At ayaw na niyang makita ang mukha ng Rico na iyon habang buhay. Kailangan niyang tanggapin na hanggang do’n na lang ang lahat. Na wala ring kinahinatnan ang labing-apat na taon niyang pag-ibig.

Labing-apat na taon.

Napakahabang panahon ng pag-aaksaya ng oras. At ng pag-ibig.

NANG DUMATING SI RICO sa lodge, itinuro siya ng waitress na napagtanungan doon sa terrace na kinaroroonan ni Lia. Nakita niya itong nakaharap sa rice terraces, sa palubog na araw, hawak ang isang beer in can. “Lia?”

Ilang sandali pa ang nakalipas bago ito lumingon sa kanya. Dahan-dahan nitong inilapag ang wala nang lamang lata ng beer sa mahabang counter kung saan naroon ang ilan pang lata na wala na ring laman. Nakalugay ang buhok nito at nakabukas ang zipper ng suot nitong jacket. Nakakunot ang noo nitong tumingin sa kanya. “A-anong ginagawa mo rito?”

“Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito? Diba dapat nagpapahinga ka? Sabi ni lolo, may sakit ka raw, kaya wala ka sa ospital kanina. Okay ka na ba?” nagtataka nitong tanong. Muli niyang tiningnan ang lata ng beer na hawak nito kanina.

“At kailan ka pa naging concern sa ‘kin?” mataray na tugon ni Lia.

“May problema ka ba? B-bakit ka umiinom?”

Muli itong tumalikod sa kanya. “Wala kang pakialam.”

Ngayon ay talagang naguguluhan na si Rico sa kakaibang kinikilos ng dalaga. Lumapit siya sa kinatatayuan nito.

“Ano ba’ng ginagawa mo rito?”

“A…” Hindi alam ni Rico kung paano sasagutin ang simpleng tanong ni Lia. Nang tingnan ni Rico si Lia, napansin nito na kagagaling lang nito sa pag-iyak. “Umiiyak ka ba?” nagtataka niyang tanong nang pa-simple nitong pinahiran ang luha. Napansin rin niya ang maraming tissue paper sa ibabaw ng mesa. “Lia?”

“P’wede ba, umalis ka na?” sabi niya. Ayaw niyang ipakita sa binata ang tunay na nararamdaman.

“Pero sabi ni lolo, may sakit ka raw at puntahan raw kita-“

“Wala akong sakit kaya umalis ka na.”

“Lia, nagpunta ako dito dahil sa sabi ni lolo, kailangan kong pumunta rito dahil may sasabihin ka raw sa’kin,” sabi ni Rico. “Ano’ng sasabihin mo sa ‘kin?”

Umiling rin si Lia. “Wala akong sasabihin, kaya umalis ka na,” mariin niyang sabi. “J-just go and leave me alone! Go away and I don’t want to see you again and I hate you!”

Nagulat si Rico. “Galit ka ba? Ano bang nagawa ko, bakit ka nagkakaganyan?” nagtataka niyang tanong. Mahinahon at nag-aalala siyang nagpunta doon para alamin ang kalagayan nito pero ganoon pa ang isasalubong nito sa kanya. “Ano ba talaga’ng problema mo?”

“You still don’t get it, do you? At itatanong mo sa ‘kin kung bakit kita tinawag na insensitive?” tanong ni Lia. “This is exactly the reason! Wala kang pakiramdam! Hindi ko alam kung nagpapanggap ka lang na talagang hindi mo alam, o manhid ka lang talaga.”

“A-ano?” natatawang tanong ni Rico. “Hindi kita maintindihan. May kinalaman ba ‘to sa pagwo-walk-out mo kagabi? Dahil ba ‘to kay Ayie?” tanong niya. May nabanggit ang mga kasama niya kagabi na parang nagseselos raw si Lia kay Ayie. “N-nagseselos ka nga kay Ayie?”

Muling tumalikod si Lia. She tried to be calm but it’s impossible. There she was, crying her heart out while there he was, laughing at her.

“Lia, ‘yung totoo, may gusto ka ba talaga sa ‘kin?” pabiro nitong tanong. Dahil hindi niya p’wedeng seryosohin ang ganoong bagay.

“’Yung totoo? Gusto mong malaman ‘yung totoo?” tanong ni Lia. Humarap ito sa kanya na pinipigil ang pag-iyak. “Oo. Nagseselos ako. At oo, totoo na may gusto ako sa’yo,” seryoso niyang sabi na nagpagulat kay Noel. “Ano, masaya ka na?”

Saglit na natigilan si Rico pero mabilis rin namang nakabawi. “’Wag kang magbiro ng ganyan, Lia, hindi magandang biro ‘yan.”

“Hindi ako nagbibiro, ‘yun ang totoo.” She knew she had to tell him now or she won’t be able for the rest of her life.  “H-hindi ko alam kung bakit pero ‘yun ang totoo. At hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ‘yon maramdaman.”

Halos mapanganga si Rico sa narinig. Gusto niyang ipaulit kay Lia ang lahat ng sinabi nito para makasigurado siyang tama ang pagkakaintindi niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nito nasabi ang ganoon.

At parang nabigla sa sarili, tumalikod si Lia. Kinuha niya ang iniinom na beer at inubos ang laman no’n. She wished that she was just in a dream and everything that just happened was just a dream. Pumikit siya at muling dumilat. Sana ay wala na si Rico pagtalikod niya.

Mula sa palubog na araw ay dahan-dahan siyang humarap sa binata. Kitang-kita niya kay Rico ang sobrang pagkabigla. Namumula ang buong mukha niya, hindi niya alam kung dahil sa sobrang pag-iyak, o sa dami ng beer na nainom, o sa kahihiyan.

Lia has said what she’s been needing to say to Rico and it’s enough. She thinks it’s much better that way. Iyon naman talaga ang dahilan ng pagpunta niya roon, ang masabi kay Rico ang matagal na niyang nararamdaman para dito. At ngayong alam na ni Rico ang lahat, gusto na niyang kainin ng lupa.

Mabilis niyang kinuha ang backpack, sinukbit iyon sa balikat at mabilis na umalis. Patakbo siyang bumaba ng hagdan patungo sa tinutuluyang kuwarto. Mabilis din siyang sinundan doon ni Rico. Inagaw nito ang susi sa kanya at pinigilan ang pagbukas niya ng pinto.

“U-ulitin mo ang sinabi mo, Lia.”

Umiling si Lia. “Nasabi ko na, n-narinig mo na, ayoko nang ulitin.”

“Kailangan kong marinig ulit. Please.”

She looked at him looking at her in a way that made her knees wobble. He stood so close to her, she could feel her own heart in her chest pound as if she’s in a rollercoaster ride. And she she couldn’t do anything but to close her eyes as she felt his lips come down on hers.

For Lia, it was an eternity.

NAGULAT SI LIA NANG MAKITA SI RICO sa harap ng kanyang pintuan nang umagang ‘yon. Hindi niya alam kung gaano na ito katagal nakatayo roon at naghihintay sa paglabas niya. “K-kanina ka pa?”

Tumango si Rico. Sinadya niyang hindi ito katukin at hintayin na ang dalaga sa labas ng kuwarto. Mabuti na lang at kilala niya ang mga tao sa lodge at pinayagan siyang bumaba at doon sa loob hintayin si Lia. “Good morning.”

Isinukbit ni Lia ang knapsack at isinara ang pinto ng kuwarto. Talagang palabas na siya para mag-almusal at tumuloy na sa ospital. Even though she was not able to sleep at all last night thinking about Rico and about what’s gonna happen next, she still woke up early, feeling excited to see him again at the hospital.

Bahagyang lumapit si Rico sa dalaga. Hindi niya alam kung tama ba na halikan niya ito sa pisngi, o sa labi. Bahagya siyang lumapit, at bigla ring lumayo. “K-kumusta?” tanong ni Rico.

Natatawang nagkibit-balikat si Lia. Kumusta na nga ba siya pagkatapos ng nangyari kagabi? “O-okay lang,” sagot niya kahit pa alam niyang mas higit pa do’n ang kondisyon niya ngayon. “A-ano’ng ginagawa mo dito?” tanong niya. Mag-aalas-siyete pa lang ng umaga, at napansin niyang hindi ito naka-uniform ng pang-nurse. “W-wala ka bang pasok?”

Ngumiti lang si Rico, nagpapakita ng malalim nitong dimples. “Nakipagpalit ako ng day-off. Kung wala kang gagawin, kung may gusto kang puntahan, p’wede kitang samahan.”
Walang naitugon si Lia kundi ngiti. Kahit pa siguro marami siyang gagawin nang araw na iyon, ika-cancel niya lahat para lang makasama si Rico.

Habang nagmamaneho si Rico ay paminsan-minsan niyang tinitingnan si Lia na noon ay tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana ng luma niyang kotse. Ngumingiti ito kapag nahuhuling nakatingin siya. Parang hindi totoo ang lahat. Hindi siya makapaniwalang mahal siya ng isang tulad ni Lia. Na sa maikling panahon ng pagkakakilala niya sa dalaga ay minahal na niya ito. Kung kailan siya nangako sa sarili na hindi na muling iibig, na kailanman ay hindi na siya maaaring masaktan ng kahit na sino.

Pero ngayon, naglaho nang lahat ang alinlangan niya’t takot. Nang dahil kay Lia, natututo siyang muling magtiwala at magmahal.

Tiningnan ni Lia ang binata nang kunin nito ang kanyang kamay at halikan iyon. At sa tuwing hahawakan ni Rico ang kanyang kamay, o kahit sa tuwing tinititigan lamang siya nito ay pakiramdam ni Lia ay parang nasa langit.

“Talagang mahal mo na?” natatawang tanong ng kanyang ama. Mula sa dining area ay tanaw nila na nag-uusap sina Lia at ang nanay niya sa kusina. Si Lia ang nagprisinta’ng maghugas ng kinainan.

Tumango si Rico at tinapunan ng tingin si Lia.

Tiningnan ni Ricardo ang anak at hindi maikakaila ang pag-aalala sa mukha nito. Alam niyang hindi madali para rito ang sitwasyon. At naisip ni Ricardo na parang bumabalik ang lahat sa nakaraan. Ang pinagdaan nitong hirap at sakit noon sa dating pag-ibig.

Mataman niyang tiningnan ang anak. “Rico, sigurado ka ba?” tanong ni Mang Ricardo. Ang makitang muling masaktan ang anak nang dahil lamang sa isang babae ang pinakahuli niyang gustong mangyari. “Ikaw na rin ang maysabi noon, taga-Maynila si Lia, hindi mo pa nakikilala ang mga magulang niya. Hindi mo alam ang buhay niya do’n. Sigurado ka ba na kaya mong harapin ang lahat?”

“Hindi ko alam, ‘tay. Basta mahal ko si Lia. Bahala na.”

“Alam kong matanda ka na pero ayokong makita kang masaktan uli gaya ng dati. Hindi mo maiaalis sa ‘min ang mag-alala. Anak, hindi ko sinasabi’ng tigilan mo ang relasyon mo kay Lia. Sa totoo lang, gustung-gusto ko talaga s’ya para sa ‘yo. Mabait siya, matulungin sa kapwa at higit sa lahat, maganda,” natatawang sabi ni Ricardo. “Natutuwa nga ako at natutunan mo na uling magmahal at nakalimutan mo na si…”

“’Tay, ‘wag na po natin s’yang pag-usapan.”

Tumango si Ricardo. Tatlong taon na mahigit ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring marinig ni Noel kahit pangalan ng dati nitong kasintahan. Kung sa bagay, hindi rin niya ito masisisi, minahal ni Rico ang dalaga noon nang higit pa sa buhay nito. Ibinigay nito ang lahat, ginawa ang lahat para lang sa kaligayan ng dating nobya na hahantong lang sa wala. “Matagal na ‘yon, anak. Ngayo’ng natuto ka na uli’ng magmahal, siguro naman panahon na rin para kalimutan ang nakaraan.”

Hindi tumugon si Rico. Aaminin niya, masyadong masakit ang nangyari para basta na lang kalimutan. Pero ngayong naroon na si Lia, mas magiging madali na siguro ang lahat.

“Kailan ang baba n’ya ng Maynila?” tanong ni Ricardo nang hindi na kumibo ang anak.

“Bukas po ng umaga,” mahina niyang sagot. Kahit pa gusto ng dalaga na manatili, kailangan nitong bumalik ng Maynila dahil sa ama nitong nasa ospital.

“Pa’no ka?”

Nagkibit-balikat si Rico. Hangga’t maaari, ayaw muna niyang isipin ang tungkol doon. Ayaw muna niyang isipin ang pag-alis ni Lia kinabukasan. Lalo na’t walang kasiguruhan kung kailan ito makakabalik.

Inakbayan ni Ricardo ang anak. “Sa tingin ko naman, mahal na mahal ka ni Lia. Kung ano man ang maging desisyon niya, kung dito kayo o doon, ‘wag mo na munang masyadong isipin. Ang mahalaga, magkasama kayo. Kahit saan, ang mahalaga, ‘yung kayong dalawa. Hindi mo naman siguro siya hahayaan na mawala dahil lang sa distansiya ng lugar n’yo sa isa’t-isa, diba? Alam nating mahirap pero gano’n talaga. Mahal ka ni Lia, Rico. Sapat na ‘yon.”

Iyon na lang ang palaging iniisip ni Rico. At ayaw na niyang mag-isip ng kahit ano pa. Mahal siya ni Lia, iyon lang ang tanging mahalaga. Makakayanan niya ang lahat basta’t alam niyang mahal siya ng dalaga.

“PARA KASING ANG LALIM NG INIISIP MO, baka mamaya nagbago na agad ang isip mo tungkol sa ‘kin,” pabirong sabi ni Rico nang tahimik lang si Lia na nakatingin sa kabuuan ng terraces. Pabiro niya iyo’ng sinabi pero sa puso niya, totoo ‘yon. Nag-aalala siya na baka pansamanta lang ang nararamdaman ni Lia para sa kanya. na hindi rin iyon magtatagal.

“Imposible ‘yon,” natatawang tugon ni Lia. Sa lahat ng pinagdaan niya at ginawa niya para lang muli itong makita, imposible ‘yon. Tiningnan niya ito habang nakatingin sa kanya. Naroon sila sa veranda sa labas ng kanyang inookupang kuwarto. Pagkagaling sa bahay nina Rico at ng kaunting pamamasyal ay inihatid na siya nito sa People’s lodge.

Niyakap siya nito mula sa likod at hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Bakit?”

“Bakit ano?”

“Bakit gano’n mo ko kamahal? Bakit gano’n mo agad ako kamahal?”

Napabuntung-hininga si Lia. Tama bang malaman na ni Rico ang lahat ngayon? Siguro nga, tamang sabihin na n’ya sa binata ang tungkol sa habang-buhay niyang paghahanap dito. “A…”

“Kailan mo nalaman na mahal mo na ‘ko?” muli nitong tanong, nakangiti.

Ngumiti rin si Lia at lalo pang hinigpitan ng binata ang pagkakayakap sa kanya. Tiningnan niya ang binata na naghihintay ng sagot niya. “’N-nung unang-una kitang makita.”

“S-sa karinderya?” Dahil noon din ito unang nakadama ng takot na mamahalin niya ang dalagang iyon.

Nagkibit-balikat siya. Fourteen years ago, kung p’wede lang niyang sabihin. “Basta, nung una kitang makita.”

Ngumiti ito at hinalikan siya sa labi. Habang tumatagal, pakiramdam niya ay lalong  nadaragdagan ang pagmamahal niya kay Lia, na minsan ay hindi niya maiwasang matakot, lalo na sa sitwasyon nila. Kaya nga ba sa umpisa pa lang ay pinilit na niyang umiwas sa dalaga, na hindi naman niya nagawa. “Aalis ka na bukas.” Niyakap uli siya nito ng mahigpit. “Mami-miss mo ba ‘ko?”

“Oo naman, ako ba, di mo mami-miss?” nakangiti niyang tanong.

Umiling ito at tumingin sa kanya. “Kailangan kong pilitin na ‘wag kang ma-miss.”

Kung kay Lia lang, ayaw na sana niyang umalis pa. “Pilitin mo lang akong mag-stay, di ako aalis,” sabi niya, na nagpangiti kay Rico.

Umiling ang binata. Ayaw naman nitong pigilan ito sa gusto nitong gawin. Alam niyang kailangan nitong bumaba ng Maynila dahil sa ama nito, at sa trabaho nito. “Babalik ka rin naman agad, diba? Hihintayin na lang kita.”

Si Lia naman ngayon ang yumakap dito. “Before you knew it, nandito na ‘ko ulit. Hindi kita kayang paghintayin ng matagal. ‘Yon na ang ginawa ko buong buhay at alam ko kung gaano ‘yon kahirap.”

Rico was about to ask her another question but Lia suddenly kissed him. Lia just kissed Rico with all the passion and the love she’s feeling for him for all the passed years. At sana sa pamamagitan no’n ay masabi niya rito ang lahat-lahat ng nararamdaman niya.

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

9 thoughts on “Chapter 7: Finding Rico

  1. tell rico everything n ah kz…para d n xa matakot or mgduda hehe

    Posted by aileen | Oktubre 28, 2013, 6:28 hapon
  2. kilg naman

    Posted by zyn | Mayo 18, 2013, 7:29 hapon
  3. nalilito but may n0el dn ma rico n naman ang pngalan,dalwa ang pngalan papa rico dito ah,jejej

    Posted by Khrishna | Agosto 22, 2012, 10:36 umaga
  4. OMG!! . .ang bilis cla na!!ayiiiii. . !
    supper kilig! . . .
    haay. . .dapat cnabi na ni lia para nde na mgworie c papa rico. . .heheh
    hmmm. .but i thnk smethngs seem to be happen. . .haay. .sana nde na cla mgkalabuan. .heheh

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 6, 2012, 12:15 hapon
  5. i feel the sadness in Lia’s heart….hala c lia…di pa niya iNamin kay RiCo ang triP niya…:'(

    Posted by Ranie Lyn | Disyembre 15, 2010, 8:40 umaga
  6. cla na agad..

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 1:07 umaga
  7. ang bilis ng mga pangyayari..

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 1:04 umaga
  8. la p rin chapter 8…

    Posted by Maki | Agosto 26, 2008, 3:49 umaga
  9. oi.. sila na.. hapi na sila.. pero parang me kulang p rin..

    Posted by Maki | Agosto 24, 2008, 4:28 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Agosto 2008
M T W T F S S
« May   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: