binabasa mo ang...
Finding Rico

Chapter 4: Finding Rico

LIA,
I am so sorry about last night, it was all my fault and please forgive me. I hope we could still be friends.
Roy

Isang bouquet ng mamahaling fresh red roses ang nadatnan ni Lia sa kanyang opisina kinaumagahan, kasama ng maliit na card na iyon. Isinuot niya ang kanyang salamin bago kinuha iyon at binasa.

Everytime they have an argument, it never fails. Lia always gets red roses from Roy and everytime, everything just gets back to normal as if nothing happened. Hindi niya alam kung ano pa ang p’wede niyang gawin para ipaintindi kay Roy na hanggang magkaibigan lang talaga sila. She had told him what he needed to know a very long time ago and she made sure that her intentions are clear.

She just hopes that Roy would understand sooner so they could maintain the friendship. After all, he’s been a very good friend even from the start and it would be a shame if they will throw it away just like that.

Lia put aside the flowers, as well as the card and started with her work. Days had come and go so fast and before she knew it, it’s the weekend once again. Friday has always been the busiest day for her. A lot of conferences to attend to, a lot of deadlines to meet. She used to love Fridays with all the pressure but these passed few days, she thinks otherwise.

She feels like she needed to do something else. Something different.

Muling tiningnan ni Lia ang mga bulaklak mula kay Roy. Any girl would be pleased to get the kind of treatment Roy has been giving her. And she should be thrilled to receive those expensive flowers from him. Pero wala siyang anumang maramdaman. For her, those flowers were just typical flowers from an ordinary person with no meaning or whatsoever.

If only those were given by someone else, she would surely be the happiest. If only those were from someone really special.

“Good morning!”

Si Kat. Dala nito ang isang malaking paper bag ng pasalubong galing Hongkong. Si Lia ang dapat pupunta sa annual fashion show ng kaibigan nilang designer doon pero si Kat na lang ang ipinadala niya bilang representative ng magazine. Humalik ito sa kanya sa pisngi matapos ilapag ang paperbag sa table niya. “How was your trip?” tanong niya sa kaibigan.

“Disaster!” malakas nitong sagot. Kumuha muna ito ng sariling kape sa espresso machine bago naupo. “Guess who I met in Hongkong.”

“Jakie Chan?” nakangiti niyang tanong habang tinitingnan ang laman ng paperbag. Isang designer-labeled bag at ang paborito niyang mamahaling pabango ang laman niyon.

“Si William!”

“William, your ex-boyfriend?”

Tumango si Kat. “With his wife. Nakasakay ko pa sila sa eroplano pauwi. It was the worst flight ever.”

Natawa si Lia. The guy is into textile business and Kat met him last year, fell in love with him instantly without knowing that he was engaged. Maraming luha ang iniyak ni Kat para sa lalaking iyon noon, pero tinatawanan na lang nila ‘yon ngayon.

“How about you, how was your trip?” interesadong tanong ni Kat na lumapit pa sa kanya.

Nagkibit-balikat si Lia at itinuon ang atensiyon sa ginagawa. “Good.”

“Good as in it was all worth it or good as in you don’t want to talk about it?”

“Good as in…it was all worth it.”

Dahan-dahang ibinaba ni Kat ang hawak na tasa ng kape. “So?”

“So…what?”

“So what happened? Nagkita kayo, were you able to talk to him?”

Tumango lang si Lia.

“And?”

“And what?” natatawang tanong ni Lia.

“And what else happened? Naalala ka ba niya? Nakilala ka ba niya from the same high school?”

Inayos ni Lia ang dalang pasalubong ni Kat at inilapag iyon sa tabi ng mga bulaklak galing kay Roy. Tinanggal niya ang salamin sa mata at tumayo. “I think he had no idea about that.”

“W-what? You didn’t tell him about that?” gulat na tanong ni Kat na alam na rin ang sagot sa sariling tanong.

May kinuha si Lia na ilang dokumento sa file cabinet at muli ring bumalik sa mesa. “I don’t need to tell him about that…yet…I think…But I’m going to.”

“Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi niya alam ang tungkol sa’yo? Wala siyang alam na kahit ano tungkol sa’yo?”

Umiling si Lia at muling isinuot ang salamin sa mata. “But I already met his family. And his sister is really adorable. It was his birthday last Sunday.”

Napanganga si Kat sa sinabing iyon ng kaibigan. “And you didn’t tell him about high school?”

Muling umiling si Lia. Tiningnan lang siya ni Kat.

Hindi alam ni Kat kung good news ba o bad news ang kuwento ni Lia. Matagal pa bago muling nakapagtanong si Kat. Iniisip nito ang mga pangyayari, at pilit nitong binabasa ang nasa utak ng kaibigan. “So, Lia, what’s gonna happen? Nagkita na kayo, nakita mo na siya. Siguro naman you can let it all go and move on.”

Umiling si Lia. “Not really.”

“What do you mean not really?”

“I’m actually going back there,” sabi ni Lia habang abala sa pagbabasa ng mga papeles. “Tonight.”

Muntik nang matapon ni Kat ang kape sa sobrang pagkagulat sa narinig. “A-ano?! Bakit?!”

“Well, I told you that I’ll do everything to make him fall in love with me. And that’s exactly what I’m going to do.”

“O my God, Lia…sabihin mo sa ‘king nagbibiro ka lang.”

At natapos na’t lahat ang lunch meeting nila sa isang executive ng isang TV network at dalawa pang meetings nang hapong iyon ay hindi pa rin natatapos ang usapan nila tungkol sa pagbalik niya sa Banaue. Kasunod nilang dalawa ang kanilang mga assistants at ilang staff pabalik sa opisina na nagtataka sa ikinikilos nilang dalawa. Ang iba’y pilit na pinakikinggan ang usapan nila.

“Lia, nagbibiro ka lang, diba?” mahinang tanong ni Kat. Nasa loob na sila ng elevator at halos magsiksikan sila sa loob.

“I’ve already booked a flight and made a reservation at the lodge,” mahina ring sagot ni Lia, para hindi marinig ng mga kasama nila sa loob ng elevator.

“Iiwan mo na naman sa ‘kin ang buong staff?”

“Tapos na naman ang lahat ng important meetings and don’t worry, I already made sure that everything’s smooth before I go.”

“Gaano katagal ka na naman mawawala?” naiinis nitong tanong.

“Probably a week,” sabi niya. “Or until my mission is accomplished.”

Nauna si Lia na lumabas ng elevator at kasunod pa rin niya ang kaibigan sa loob ng opisina niya.“Don’t worry, I’ll be in touch with everybody while I’m away.”

Napapailing na napaupo si Kat sa sofa. “Gano’n mo kamahal si Rico at handa mo’ng iwan lahat para sa kanya?”

Tumabi si Lia sa kaibigan at iniabot dito ang isang baso bago niya iyon salinan ng red wine. Nagkibit-balikat siya.

“Bakit?”

“Bakit ano?”

“Bakit mo pinapahirapan ng ganyan ang sarili mo? You are Lia Sebastian, my friend, the famous editor of a famous magazine. A lot of sought-after men are dying to have even just one dinner with you. And here you are, willing to do everything just to be noticed by a plain nurse working in a public hospital.”

Walang naitugon si Lia. Uminom lang siya ng wine at huminga ng malalim. Kung gano’n lang sana kadali ang lahat. Kahit siya sa sarili niya, hindi niya gusto ang nangyayari’ng iyon. Mahirap at magulo ang sitwasyon pero wala na siyang ibang pagpipilian.

“GOOD MORNING.”

Iyon lang ang narinig ni Lia mula kay Rico nang pumasok ito sa kuwarto. Dalawang walang emosyong salita at wala nang iba. Hindi man lang niya ito nakaringgan kahit kaunting kasiyahan sa pagkakita sa kanya, samantalang s’ya ay hindi na alam ang gagawin dahil sa sobrang excitement. Saglit lang siya nitong tinapunan ng walang emosyong tingin at tahimik na nitong inasikaso ang matanda.

“K-kumusta na siya?” tanong ni Lia. Sa tingin niya ay hindi ito magsasalita hangga’t hindi siya magtatanong.

“Temporary amnesia raw kaya hindi ka niya naaalala. P’wedeng lumala ‘pag tagal, p’wede ring gumaling. Hindi natin masasabi, dahil na rin sa edad ni lolo. Pero mukha namang okay ang response ng katawan niya sa mga gamot.”

Ikinalungkot ni Lia ang balita, dahil alam niya ang hirap na maaaring pagdaanan ng matanda kung sakaling lumala ang sakit nito. Tiningnan niya ito na mahimbing ang tulog. Simula nang dumating siya isang oras na ang nakakaraan ay tulog na ito.

“Mas makakabuti siguro sa kanya kung dito muna siya para mas maalagaan siyang mabuti,” sabi ni Rico. “Maiwan na kita, marami pa ‘kong gagawin.”

Masama ang tinging ibinigay ni Lia sa umalis na binata. Hanggang sa makalabas na ito ay sinundan pa rin niya ito ng tingin. “He seemed so happy when we talked on the phone. And he was like so excited when I told him that I’m coming back. Tapos ngayon, parang wala siyang pakialam. Siya yata ang may temporary amnesia, lolo, hindi kayo.”

“MARAMING SALAMAT, IHA. Hindi ka na dapat nag-abala,” sabi ni Aling Lumen pagkatapos ilapag sa center table ang inihandang juice at sandwich para kay Lia.

Hapon na nang magtungo si Lia sa bahay nina Rico para dalhin ang mga pasalubong niya sa mga ito galing Maynila. Isang set ng sewing accessories para sa ina ni Rico, mga gamit naman sa pagtatanim para kay Mang Ricardo, ilang bagong fashion magazines at stylish blouse kay Abby.

“Naku, ‘nay, tamang-tama, luma na ‘yung karamihan sa mga gamit ko,” sabi ni Mang Nicanor. “Maraming salamat, Lia.”

“Okay lang po. Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo for being so hospitable. Tsaka, kayo lang po kasi ang kakilala ko dito.”

“Basta may kailangan ka, ‘wag kang mahihiya na pumunta rito sa ‘min, ha. Ituring mo na kaming pamilya,” nakangiting sabi ni Mang Nicanor. “Kapag may problema, nasa ospital lang naman si Rico, puntahan mo lang siya do’n.”

“Salamat po.” Ngumiti rin siya at tiningnan si Rico na tahimik lang na nakatayo sa may pintuan. Sigurado siyang nagtataka ito ngayon kung ano ang ginagawa niya sa bahay nito.

Kadarating lang noon ni Mang Ricardo galing sa munisipyo. At naupo ito agad sa tabi ng asawa. At wala pang kalahating oras ay dumating na rin si Rico, kasama si Abby. Pagkakita pa lang ng dalagita kay Lia ay maganda na ang ngiti nito, lalo na nang makita ang mga magazines sa ibabaw ng mesa na naka-plastic pa ang bawat isa. Excited nitong kinuha ang mga iyon.

“Ate Lia, thank you, ha. Matutuwa ‘yung mga kaibigan ko nito.”

“Welcome,” sabi ni Lia habang tinitingnan si Rico na tahimik lang at nakamasid.

“O, Rico, ito ang para sa ‘yo, bigay ni Lia, para sa ‘yo,” sabi ni Mang Nicanor at iniabot sa anak ang paper bag na naglalaman ng mamahaling polo shirt. Kakaiba ang ngiti nito sa panganay na anak.

Nagtatakang kinuha iyon ni Rico na hindi man lang sinilip ang laman, at muling ibinaba sa mesa. Gusto sana niyang itanong kung para saan ang lahat ng iyon pero baka bigyan iyon ng masamang kahulugan ng bisita. “Salamat.”

Iyon lang ang narinig ni Lia mula kay Rico sa pagbisita niyang iyon, na hindi na nakakapagtaka. Bago magdilim ay nagpaalam na rin siya. Hinatid siya ng buong pamilya hanggang sa gate ng bahay at masaya ang mga itong nagpaalam sa kanya.

“Hindi ka na dapat nag-abala,” sabi ni Rico nang makarating na sila sa lodge.

Pareho na silang nakababa ng kotse at naroon sa tapat ng lodge. Maraming tao ang pumapasok sa restaurant dahil oras na ng hapunan. Sa mga taong dumaraan nakatingin si Rico, hindi kay Lia. Matagal pa muna bago nakapagsalita si Lia.

“G-gusto mo’ng mag-dinner muna?” biglang tanong niya na hindi pinansin ang sinabi ng binata. Alam niyang nagulat ito sa sinabi niya. Sinabi niya sa sariling hindi niya iyon gagawin pero mabilis iyong lumabas sa kanyang bibig. Napailing siya pagkatapos.

“H-ha?”

“D-dinner. Gusto mo’ng kumain muna bago ka umuwi?”

“H-hindi na,” sagot ni Rico, sabay iling.

“Coffee? Kahit coffee?”

Nilaru-laro ni Rico ang hawak na susi ng kotse at alanganing ngumiti. Hindi niya alam kung bakit siya niyaya ng dalaga na kumain, o magkape. Sa totoo lang, hindi naman iyon ang unang pagkakataon na may nagyaya sa kanya ng ganoon. At hindi rin iyon ang unang pagkakataon na tatanggi siya kung sakali. Pero iyon ang unang imbitasyon sa kanya mula sa isang napakagandang dayo katulad ni Lia. Mukhang tama yata ang pakiramdamdam niya na parang may kahulugan ang ipinapakita nitong kabaitan hindi lang sa kanya kundi pati sa kanyang pamilya pero parang imposible naman iyon.

“G-gusto ko rin kasing magtanong tungkol sa mga medical missions n’yo, tungkol sa buhay dito…tungkol sa ‘yo.” Siyempre, hindi niya sinabi ang huli.

Alanganing tumango si Rico. Sana nga iyon lang ang dahilan.

Maraming tao sa loob ng restaurant at halos mapuno ang lugar. Mabuti na lang at mayroon pa silang bakante’ng pandalawahang mesa na naabutan. Agad na dumating ang waitress at ibinigay sa kanila ang menu.

Tig-isang tasa ng kape ang in-order nila sa waitress. At nang makaalis iyon ay nanatili lang na nakatingin si Rico kay Lia. Pansin niya na tila malalim ang iniisip nito. “Lia?”

“B-bakit?”

“Ano ‘yung gusto mong malaman tungkol sa medical mission?”

“Ha?” wala sa sariling tanong ni Lia. Ninanamnam niya ang sandali’ng iyon na kasama ang binata at malayo ang isip niya sa medical mission.

“Sabi mo, may itatanong ka tungkol sa mission ng ospital.”

Alanganing tumango si Lia. “Oo nga.”

Ilang sandali pa ay dumating na ang kape nila.

“Gaano ka na nga pala katagal na nurse dito?” tanong niya.

“Tatlong taon. Mag-aapat na,” simple nitong tugon.

“May nasabi si Abby na sa Maynila ka raw nag-college?”

“Oo, sa FEU. Sa Maynila kasi talaga kami nakatira. Do’n kami pinanganak ni Abby. Lumipat lang kami dito nung mamatay ang lolo ko. Kay tatay iniwan ‘yung bahay at ‘yung lupain kaya kailangan naming lumipat dito.”

“S-sa Maynila ka rin ba nag-high school?”

“Oo.” tugon ni Rico. “Teka, akala ko ba, tungkol sa medical mission ang gusto mong malaman? Bakit parang sa ‘kin na napunta ang usapan?”

“M-may balak ka pa bang bumalik sa Maynila?”

Nagkibit-balikat si Rico. Nagsisimula na siyang magtaka sa mga tanong ni Lia tungkol sa kanya. “Hindi pa sa ngayon, mag-iipon muna ako. Kapag sinuwerte at nakakuha ng scholarship, baka ituloy ko ang med course ko do’n. B-bakit mo naitanong?”

Hindi tinugon ni Lia ang tanong na iyon. “Magdo-doktor ka?”

“Balak. Sana.”

Tiningnan ni Rico ang kape’ng hindi pinapansin ni Lia, at napatingin din doon ang dalaga. Ngumiti ito at uminom. “K-kung makakakuha ka ng scholarship, babalik ka ng Maynila?”

“S-siguro, hindi ko pa alam.”

“P’wede kitang tulungang maghanap ng scholarship. Marami akong kilala na makakatulong sa’yo,” sabi ni Lia. “I’ll call my friends, and I’ll see what I can do.”

“Mukhang marami kang koneksyong mayayaman sa Maynila, a.”

Natigilan si Lia. “Well, m-marami kasing tumutulong na mayayaman sa foundation,” tugon niya. “A lot of them live in the states. Marami sa kanila ang nagbibigay ng scholarships lalo na sa mga medical students. I’m sure, they can help you.”

“’Wag na, nakakahiya naman sa’yo.”

Matamis na ngiti lang ang itinugon ni Lia. Kung p’wede lang niyang sabihin na kaya niyang gawin ang lahat para dito. “It’s okay, no problem. Besides, it’s part of our foundation’s effort to help.”

Medyo nagulat si Rico dahil sa paraan ng pagsasalita nito ng english. Halatang sanay ito sa lengguwahe at napaisip siya. Hindi rin niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat sa alok ng dalaga. Sobrang tulong na ‘yon para sa tulad niyang ilang araw pa lang nitong kilala.

“Ikaw, matagal ka na bang member ng foundation n’yo?”

“A, medyo,” alanganin niyang tugon. “Pero sa totoo lang, ngayon lang ako in-assign sa field work. Puro paperworks lang kasi noon ang hawak ko.”

Muling uminom ng kape si Lia. Masyado nang marami ang kasinungalingan niya simula nang mapunta siya sa lugar na iyon pero hindi pa siya handang magtapat ngayon.

“Mabuti okay lang sa mga magulang mo na malayo ka sa kanila.”

“Wala namang problema sa kanila. As long as I’m happy with what I do, okay lang sa kanila kahit anong gawin ko.”

“Ang swerte mo naman pala.”

Inubos na ni Rico ang kape sa tasa niya. Pa-kaunti na ang mga tao sa restaurant at palalim na rin ang gabi. Kailangan na niyang umuwi.

“Kailangan ko nang umuwi, maaga pa’ng pasok ko bukas.”

Mabigat sa loob na hinatid ni Lia ang binata sa labas ng lodge kahit pa anong pagtanggi nito.

“Salamat sa kape.”

Ngumiti si Lia. At hiling ni Rico na sana ay bawas-bawasan nito ang pagngiti ng ganoon dahil kapag ipinagpatuloy pa iyon ng dalaga ay hindi niya alam ang maaaring mangyari. Lumayo na si Rico para na rin iiwas ang tingin sa dalaga. Binuksan niya ang pinto ng kotse at agad nang sumakay doon.

“Ingat.”

At mula sa side mirror ay kita ni Rico na nanatiling nakatayo si Lia sa gilid ng daan habang palayo ang kanyang sasakyan. Hindi man niya aminin sa sarili, maganda ang pakiramdam niya nang gabing iyon. At hindi niya iyon nagugustuhan.

Nang pumasok sa loob ng bahay si Rico ay naroon pa rin ang kanyang buong pamilya sa sala, halatang galak na galak sa mga ibinigay na pasalubong ni Lia. Nasa mesa si Abby at abalang nagbabasa ng magazine, inaayos naman ng nanay niya ang mga gamit sa pananahi doon sa makina nito, at tinitingnan isa-isa ng kanyang ama ang mga gardening tools galing kay Lia. Nakangiti ang lahat ng mga ito nang makita siya.

“Napakabait na bata naman nung si Lia, ano, ‘nay? At magalang pa.”

“Hay naku, sinabi mo, ‘tay. Nakakatuwa. Aba, sa panahon ngayon, bihira na ang mga kabataang ganoon,” tugon ni Aling Lumen. “At napakaganda pa, ano, Abby?”

Tumango si Abby na sa magazine pa rin nakatingin.

Napapa-iling si Rico na naupo sa pang-isahang upuan katapat ng ama. Alam niyang gusto ng mga ito na marinig niya ang usapan na iyon tungkol kay Lia. Tiningnan lang niya ang ginagawa ng mga ito.

“Ano sa tingin mo, Rico?” tanong ni Mang Ricardo.

“Tingin ho saan?”

“Kay Lia. Aba’t biruin mong bigyan pa tayo ng pasalubong galing Maynila?”

Iniabot ng kanyang ama ang paper bag na para sa kanya. Atubi niya itong kinuha pero hindi niya iyon binuksan. “Hindi ba kayo nagtataka kung bakit parang ang bait-bait n’ya sa’tin?”

“Aba, anak, hindi maganda ang mag-isip ng masama sa kapwa, dapat nga magpasalamat tayo at nag-abala s’ya na pasalubungan tayo,” sabi ni Aling Lumen.

“’Nay, para kasing sobra ‘yung kabaitan na ipinapakita n’ya, lalo na’t kakakilala lang niya sa ‘tin. Alam n’yo bang magdo-donate siya ng mga gamot sa ospital? Sabi rin ni Doc, may dumating din daw na malaking halaga galing sa foundation nila.”
“O, e galing naman pala sa foundation, hindi galing sa kanya mismo. Ano’ng problema mo do’n?” nagtatakang tanong ni Mang Ricardo na inumpisahan nang iligpit ang mga gamit na nakakalat sa center table.

“Nag-alok pa siya na tutulong na maghanap ng scholarship para sa pag-aaral ko ng medicine.”

Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa kanya. “Talaga, anak?” gulat na tanong ni Aling Lumen. “Aba, magandang balita ‘yan! Hindi mo na kailangang mag-ipon at maghintay ng matagal para sa pag-aaral mo.”

Nakita niyang masaya ang lahat sa balitang iyon. Liban sa kanya. “Hindi ko naman po ‘yon tatanggapin.”

“Bakit?” gulat na tanong ng tatay niya. “Matagal mo nang pangarap ‘yan, bakit hindi mo tatanggapin?”

Umiling lang si Rico. “Baka mamaya, may kapalit lahat ‘yon.”

“Kapalit? Ano’ng kapalit, ang katawan mo?” natatawang tanong ng kanyang ama. “Anak naman, nagmamagandang-loob ‘yung tao. Malaking tulong ‘yan, para sa’yo, pakakawalan mo pa ba?”

Oo nga’t matagal na niyang gusto’ng ipagpatuloy ang medical course niya pero hindi yata niya kayang tumanggap ng ganoong kalaking pabor mula kay Lia. Maari siyang humingi ng tulong sa iba, sa kahit na kanino, huwag lang kay Lia. Sabihin nang ma-pride siya’ng tao pero may prinsipyo siyang pinangangalagaan.

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

11 thoughts on “Chapter 4: Finding Rico

  1. chooseyyyyyyyyyyyyyy kapa teh,., biruin mo! katawan ang ipapalit? ganyan ba kababaw ang tingin mo kkay LIA d ba pwedemg ILOVE muna ung tao saka mo husgahan? asese

    Posted by zyn | Mayo 18, 2013, 5:49 umaga
  2. ang swerte nman n rico,hmhmh ggawn tlga ang lahat,hahai ang love tlga marming paraan.

    Posted by Khrishna | Agosto 22, 2012, 9:15 umaga
  3. grabe c lia. .ga2win nia tlga lahat para kay rico. .hahah
    ang love nga nman. .
    ayao aman ni rico i’entertain ung feelingz nia kay lia. .pero soon. . .mare2alize nia din un. .hahah!
    I cant wait! Itz thrilling me!har.har!

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 6, 2012, 8:08 umaga
  4. ang swerte naman nung guy…… mayaman yung girl na nagkagusto sa kanya and willing to do everything for him…..🙂
    ganada nang story nakakaaliw.. hehehe

    Posted by micole_seno | Setyembre 15, 2010, 11:49 umaga
  5. ok next chapter na…ang ganda kasi ng story..

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 12:11 umaga
  6. wow,.ha.buti pa c kat na meet na nya in person c jackie chan,.idol ko pa naman yun…hehhe..

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 12:11 umaga
  7. hay naku rico.anu ka ba naman ang swerte mo nga eh..anu pa bang ina arte mo…

    Posted by babyrock | Pebrero 1, 2009, 12:09 umaga
  8. AT SINO NAMAN SI NOEL?

    Posted by MELODY | Enero 28, 2009, 5:08 umaga
  9. hay naku..siguro nakakahalata na si rico na nagsisinungaling si lia sa kanya…at alam na nya siguro na sya talaga ang pakay ni lia..kasi nahahalata nya sa pagmamagandang loob ni lia sa kanila..thanks poh ah

    Posted by roxanne | Enero 24, 2009, 6:08 umaga
  10. Bakit torpe naman masyado si Rico.. kawawa naman.. pag-ibig talaga o.. tnx s story cecilia.. maganda..

    Posted by Maki | Agosto 19, 2008, 4:54 hapon
  11. 1st to comment, hehe katawan eh noh, natawa ako dun ah. medyo nakakahiya nga din naman kung tatanggap siya ng tulong ng ganun na lang lalo na sa isang babae parang nakakababa ng pagkalalake, tsaka hindi pa pati niya pinapakitaan ng much appreciation mga ginagawa ni lia para sa kanya, di tulad ng parents niya.

    Posted by marcpogi | Agosto 19, 2008, 5:12 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Agosto 2008
M T W T F S S
« May   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: