binabasa mo ang...
Finding Rico

Chapter 3: Finding Rico

“ATE LIA!”

Nagulat si Lia nang marinig ang malakas na sigaw ni Abby mula sa karinderya. Palubog na ang araw at kalalabas lang niya ng ospital at talagang papunta na doon. Nakita niyang kumaway ang dalagita at mula sa loob ng tindahan ay lumabas si Rico na hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya o hindi. Nakasukbit sa balikat nito ang itim na knapsack at may hawak na isang bote ng mineral water sa kaliwang kamay. Kasunod ito ni Abby na tumawid palapit sa kanya.

“Pauwi ka na, ate?”

Tumango si Lia at ngumiti. “Ikaw? Sa’n ka galing?” tanong niya. Linggo noon at walang pasok. Naka-maong itong pantalon at pulang t-shirt. Naka-ipit din ang buhok nito katulad kahapon.

“Sa classmate ko, gumawa kami ng project,” masaya nitong sagot nang tuluyang makalapit sa kanya. Saglit lang niyang tiningnan si Rico na seryoso lang ang mukha. “Sumabay ka na sa ‘min.”

“H-hindi na, okay lang. Magta-tricycle na lang ako.”

“Birthday ni kuya ngayon, may konting inihanda sina nanay, sama ka sa bahay,” sabi ni Abby. Inakbayan ni Rico ang kapatid at binatukan ito nang mahina dahil sa kadaldalan nito.

“B-birthday mo?” gulat na tanong ni Lia kay Rico. Bigla niyang inisip ang petsa nang araw na iyon. August 16. “B-birthday mo ngayon?”

“Para namang wala akong karapatang mag-birthday,” seryoso nitong sagot. Nagtataka ito sa reaksyon ng dalaga.

“Ano, ate Lia, sama ka sa ‘min,” muling sabi ni Abby. “Okay lang naman ‘yon kay kuya, diba, kuya?”

Uminom si Rico ng tubig mula sa bote ng mineral water bago magsalita. “Baka may gagawin pa siya, ‘wag mo na siyang abalahin.”

Kumunot ang noo ni Lia at lalong nadagdagan ang pagkairita sa binata. “W-wala naman akong gagawin kaya lang nakakahiya yata.”

Biglang kinuha ni Abby ang kamay ni Lia at hinatak iyon hanggang sa nakaparadang lumang sasakyan. “Okay lang ‘yon. Birthday naman ni kuya. Siguradong matutuwa ang mga nanay kapag nakilala ka. Naikwento kasi kita kina nanay. Kaya gusto ka nilang makilala.”

Para yatang gusto nang umatras ni Lia sa imbitasyon at umiwi na lang. Hindi pa siya handang makilala ang future in-laws niya.

“TAGA-MAYNILA KA RAW, IHA?”

Marahang tumango si Lia sa tanong ng ina ni Rico. Maliit itong babae, maiksi ang buhok, maputi. Sa tingin niya ay dito nagmana si Abby sa pagkamasayahin nito. Palagi itong nakangiti at palaging may nakahandang sasabihin. Katabi nito sa upuan si Mang Ricardo, na asawa nito. Kasingtangkad ito ni Rico, kasing-kayumanggi at medyo maputi na ang buhok. Maganda rin ang pagkakangiti nito sa kanya at malugod ang pagtanggap sa kanyang pagbisita.

Nasa mesa ang mga luto’ng pagkain na pagsasaluhan nila, mga tipikal na inihahanda ng isang tipikal na pamilya sa ganoong okasyon. Palibot silang nakaupo sa paikot na mesa. Si Lia, si Abby, si Aling Lumen, Mang Ricardo, at si Rico.

“Nagbabakasyon ka ba dito sa amin?” tanong ni Mang Ricardo at iniabot kay Lia ang bandehado ng kanin at ipinaglagay siya ng kanin sa kanyang pinggan.

“A…parang gano’n na rin po. At may inaasikaso po ako para sa…” para saan nga ba? Tiningnan niya isa-isa ang mga kaharap at naghihintay ito ng kanyang sagot. “Para po sa…Foundation…na balak naming itayo dito sa lugar n’yo.”

“Foundation? Nagtat-trabaho ka sa foundation?” muling tanong ng ama ni Rico.

“A, ‘yung opisina po na p-pinagtatrabahuhan ko sa Maynila, parang NGO po…naghahanap po kami ng mga remote areas na bibigyan ng tulong.”

Nagkatinginan ang mag-asawa at sabay na napatango. “Maganda ‘yang ginagawa ninyo para makatulong,” sabi ni mang Nicanor. “Pero sa tingin ko iha, mas bagay yata sa ‘yo na mag-artista kaysa sa magtrabaho sa NGO.”

Napangiti si Lia at nakitang napailing si Rico. Hindi niya alam kung dahil sa kahihiyan o sa kung ano man. Tahimik lang itong kumakain sa gitna ng napakaraming tanong ng pamilya nito sa kanya. Pakiramdam niya ay isang talk show iyon at siya ay nasa hotseat. Mahigit ding isang oras ang itinagal ng hapunan at nagpasalamat siya nang sa wakas ay matapos iyon. Although she really feels at home with the family, hindi pa rin niya maiwasang mahiya, to think na ngayon lang niya nakilala ang mga ito. Kahit pa gano’n na parang kapamilya na ang turing ng mga ito sa kanya.

Except for Rico’s silence, she totally enjoyed the night. Wala siyang anumang narinig dito sa buong hapunan. Kinailangan pa itong pilitin ng mga magulang para lang ihatid siya hanggang sa lodge na tinutuluyan. Sa buong tatlumpung minuto ng biyahe ay wala itong sinabi na kahit na ano. Ni hindi siya nito nakukuhang tingnan.

“Salamat.”

Bumaba si Rico mula sa kotse nang walang sinasabi at nanatiling nakatayo sa gilid ng sasakyan habang nakatingin sa pagbaba niya. Sumandal ito sa sasakyan at hinintay siyang makapasok sa bakal na gate ng lodge.

“H-happy birthday.”

“Salamat.”

Iyon na marahil ang huli nilang pagkikita, naisip ni Lia. At nalulungkot siya sa katotohanang iyon. Ayaw pa niyang bumalik ng Maynila, lalo na’t hindi pa sila ganoong nagkakakilala ni Rico. Ayaw pa niyang umalis ang binata, at ayaw pa niyang matapos ang maikli nilang usapan. “By the way, it was nice to meet you…and your family,” sabi ni Lia.

Tumango lang si Rico. Simula nang makita niyang muli si Rico, hindi na niya mabilang kung ilang tango na ang natanggap niya bilang tugon mula dito. Malayo sa dating Rico na kilala niya noong high school. “G-ganyan ka ba talaga katahimik?”

“H-ha?” naguguluhan nitong tanong. Bahagyang lumapit si Rico at tiningnang mabuti ang dalaga.

Umiling-iling si Lia at natawa. Hindi na niya dapat sinabi iyon. “W-wala.”

“A-ano’ng ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong nito.

Muling umiling si Lia. “Kalimutan mo na…s-sige, good night.” muling sabi ni Lia at nginitian lang ang binata. Dapat ay tumalikod na siya pagkatapos makapagpaalam. Pero nanatili siyang nakatayo sa harap ni Rico.

Hinintay ni Rico na pumasok ito sa loob ng lodge. Pero tumayo lang ito sa harap niya, nakayuko, habang hawak-hawak ang magkabilang handle ng backpack. Nang ilang sandali pa ay hindi pa rin ito natinag sa kinatatayuan ay napangiti si Rico. “S-sige, good night.”

“G-good night,” sabi ni Lia.

“M-may sasabihin ka ba?” Para kasing may gustong sabihin ang dalaga na parang hindi nito masabi.

“Ha? Kasi…” Paano ba niya sasabihin dito ang totoong dahilan ng pagpunta niya sa lugar na iyon? Na ayaw pa niyang matapos ang gabi’ng iyon at gusto pa niya itong makausap nang mas matagal. Kung p’wede lang niyang sabihin dito ang lahat.

That she’s been looking for him her whole life and that she’s still in love with him.

Wala sa sariling umiling si Lia at tumungo. Still in love with him? Well, she hasn’t figured that out yet, really. She probably needs more time to decide on that.

But she has to leave the next morning.

“L-Lia?”

Agad siyang nagtaas ng tingin, nagulat nang marinig na sabihin nito ang pangalan niya. He did remember her name after all.

“M-meron kaming medical mission sa kabilang bayan. Kung gusto mo, p’wede kang sumama.”

“G-gusto mo ‘kong sumama?” tanong ni Lia, na nagpakunot ng noo kay Rico.

“A…sabi mo kasi, naghahanap kayo ng lugar na mabibigyan ng tulong…naisip ko na baka gusto mong makita ‘yung lugar.”

“Kailan?”

“Baka sa Sabado o kaya sa Linggo. P’wede kang mag-volunteer.”

Bahagya siyang lumapit sa binata. Madilim na noon at ilan na lamang ang bukas na ilaw sa paligid. Alas nuebe pa lamang pero parang napakalalim na ng gabi. Hindi na niya masyadong maaninag ang mukha ni Rico. Hindi niya masyadong maintindihan kung bakit bigla nitong nabanggit ang tungkol sa medical mission na iyon. “K-kailangan ko nang bumaba ng Maynila bukas.”

Hindi nakaligtas sa mga mata ni Lia ang pagkagulat ni Rico. “B-bukas?”

Tumango siya.

“Paano si lolo?” nakakunot-noo’ng tanong nito.

“S-si lolo…” Oo nga, si Lolo, halos nakalimutan na niya ang tungkol kay lolo. “Ikaw na muna sana ang bahala sa kanya. Ipapadala ko na lang sa ospital ‘yung mga kailangan niya, pati ‘yung pag-settle sa account. Hindi na rin kasi ako p’wedeng magtagal dito, marami akong naiwang trabaho sa Manila.”

“B-babalik ka pa ba?”

Nagpangiti iyon kay Lia. “H-hindi ko alam. D-depende siguro.” At that moment, Lia wasn’t sure wheather she wanted to go back to this place or not. Hindi siya sigurado kung may dahilan pa ba para bumalik siya. Mataman niyang tiningnan si Rico. Nakatingin din ito sa kanya. And everything just came back to her. Her reasons for coming here, her feelings for the man who’s standing in front of him. “D-depende sa…b-boss ko, hindi naman kasi ako p’wedeng magdesisyon nang ako lang.”

Tumangu-tango si Rico. Hindi niya inaasahan na babalik na kaagad ang dalaga sa Maynila at ang gabing iyon ang huli nilang pagkikita. Hindi niya alam kung bakit pero parang mabigat ang loob niya sa pag-alis nito. “M-mag-iingat ka sa pag-uwi.”

“Salamat.”

“GOOD EVENING MA’AM, naghihintay na po ang lahat sa conference room.”

Mabilis na tumayo si Lia sa kanyang upuan, isinuot ang salamin sa mata, at kinuha na ang mga folders at papeles na kakailanganin sa meeting ng gabi’ng iyon. Ibinigay niya iyong lahat kay Kyla at nauna na siyang lumabas ng opisina papunta sa 18th floor kung saan naroon ang conference area ng publication.

It has been three days since Lia got back from Banaue. At simula nang makabalik siya ay balik na rin lahat sa normal ang buhay niya bilang edtor-in-chief. Busy, demanding, difficult. Which has been her life for as long as she could remember. Kabi-kabila ang mga business meetings, ang mga seminars at events. It has only been three days but it feels like a lot longer than that.

Habang nasa harap nilang lahat ang kanyang creative director at nagpapaliwanag ng mga magaganap na pagbabago para isabay sa kanilang 10th anniversary, nakatingin lang siya sa kanyang cellphone at naghihintay na mag-vibrate ito. Pero natapos at natapos na ang meeting ay wala kahit na isang mensahe mula kahit na kanino.

“Ma’am, ilang beses na pong tumatawag simula kaninang umaga si Mayor Orillaza. Tinatanong po kung kailan n’ya kayo p’wedeng makausap,” sabi ni Kyla nang makabalik na siyang muli sa opisina at nagsisimula na siyang mag-ayos ng gamit para makauwi. Nakamasid lang ito sa kanya na tila namamangha sa ginagawa niya. Sumunod ito sa kanya hanggang sa elevator pababa hanggang lobby.

“I’ll call him later.”

“Pinapa-confirm nga po pala ni Mr. Peralta ‘yung breakfast meeting n’yo with him tomorrow.”

“Yes, that’s 8:30, right?”

“Y-yes ma’am. Tsaka po ‘yung meeting n’yo at 10 o’clock-“

Bumukas na ang elevator at kasunod pa rin ni Lia ang sekretarya hanggang sa lobby. “Kyla, you can tell me about that tomorrow, okay? It’s almost 10, why don’t you go home?”

Natigilan si Kyla sa gitna ng pagsunod sa kanya. Nagulat ito sa sinabi niya. Sa tagal niyang pagtatrabaho bilang sekretarya nito, ngayon lang siya nito pinauwi nang maaga. At malimit pa na naiiwan ito sa opisina habang silang lahat ay nakauwi na. Ngayon lang ito tila gustong-gustong makauwi agad. “Ma’am?”

“I said, go home, it’s late. Tell everybody at the office to go home.”

“Y-yes ma’am, thank you po,” litong sabi ni Kyla. “Good night, Ms. Sebastian.”

“Good night.”

Pinagbuksan si Lia ng guwardya ng pinto ng pumaradang Mercedes. “Good evening, ma’am.”

Nginitian ni Lia ang guwardya bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Masarap sa pakiramdam ang malamig na air condition ng kotse at nakapagpaalala iyon ng malamig na hangin ng Banaue. Tumingin siya sa labas ng bintana at namataan ang isang puting 1994 Nissan Sentra.

“KUYA?”

Nakita ni Rico ang kapatid na nakatayo sa harap niya habang hawak ang isang science book. “Bakit?”

“Ano’ng bakit? Kuya, kanina pa ‘ko salita nang salita dito, hindi ka pala nakikinig?”

Humigop si Rico ng kape at nagulat siya nang malamang malamig na ito. “Kanina ka pa nand’yan?”

“Kuya, okay ka lang?” tanong ni Abby. Naupo ito sa upuan sa harap niya. “Kahapon pa ‘ko narito, hindi mo ‘ko napapansin?”

Umiling siya. “Ano’ng problema?”

Si Abby naman ang umiling. “Ako wala, ikaw ano’ng problema mo?”

“Wala,” sagot ni Rico at kinuha niya ang librong dala ng kapatid at binuklat iyon. Madali naman iyong binawi ni Abby.

“Bakit kasi hindi mo siya tawagan?”

“Sino?”

“Sino pa raw? Kuya, bakit hindi mo pa tawagan? Kumustahin mo kung okay siya, kung kailan siya babalik.”

Muling kinuha ni Rico ang libro mula sa kapatid. Alam niyang si Lia ang tinutukoy nito. At natawa siya. “Abby, p’wede ba, mag-aral ka na lang, kaysa sa kung anu-anong kalokohan ‘yang sinasabi mo.”

“Miss mo s’ya ano? Tawagan mo na kasi.”

Umiling si Rico at tumayo. “Bakit ko naman ‘yon mami-miss? Ang sabihin mo, baka ako ang nami-miss n’ya,” biro pa niyang sabi. “Tsaka isa pa, paano ko siya tatawagan, hindi ko naman alam ang number niya.”

“Hindi mo man lang nakuha ang number ni Ate Lia? Tsk, tsk, kuya, ang hina mo talaga, kahit kailan. Mabuti pa ako, nakuha ko ang number niya.”

“’Yun naman pala, e bakit hindi ikaw ang tumawag at mangumusta?”

“Bakit nga ba hindi?”

Napatingin si Rico sa kapatid na noon ay hawak ang cellphone at hinahanap na ang number ni Lia. Hawak na rin nito ang cellphone niya na nakapatong sa mesa. “O, ano’ng gagawin mo?” tanong niya nang lumapit siya kay Abby.

“Tatawagan si Ate Lia,” sabi nito at idinial na ang numero sa cellphone niya. Hinintay nitong mag-ring iyon at nang mag-ring ay ipinasa iyon sa kanya. “O ayan, kausapin mo na.”

Mabilis na umakyat si Abby sa hagdan at nakatawang iniwan siyang nakatayo doon hawak ang sariling cellphone. Narinig na niyang may nagsalita sa kabilang linya. Boses iyon ng isang babae at sa tingin niya ay si Lia na nga iyon.

“Hello?” tanong ni Lia. Kasalukuyan niyang kasama si Roy na nagdi-dinner nang mga oras na iyon. Iyon lang ang oras na libre siya para makipagkita sa binata. “Hello?”

“Hello, L-Lia?”

“Yes, speaking, who is this?” nagtataka niyang tanong. Walang pangalan ang numerong rumehistro sa telepono niya at hindi niya alam kung kanino ang malalim at magandang boses na iyon. Nakatingin sa kanya si Roy. “Who’s calling please?”

“S-si Rico.”

Biglang tumayo si Lia at iniwan si Roy na napatayo rin nang umalis say nang walang paalam. Mabilis siyang lumayo doon at nagtungo sa veranda ng restaurant. “R-Rico? S-sinong Rico?” tanong niya. “R-Rico San Antonio?”

“O-oo,” sagot niya kahit pa nagtataka siya kung paano nalaman ng dalaga ang apelyido niya. “K-kumusta?”

Hawak ni Lia ang ulo habang kausap si Rico sa kabilang linya. Tinawagan siya ni Rico at hindi siya makapaniwala. “M-mabuti. Ikaw?”

Lumabas ng bahay si Rico at doon itinuloy ang pakikipag-usap “Okay lang.”

Kausap niya ngayon si Rico, at hindi pa rin siya makapaniwala. “Bakit ka napatawag?”

Napakamot sa ulo si Rico. “W-wala lang.”

“Wala lang?” tanong ni Lia, lihim na natatawa.

“A, kasi si…Abby, idi-nial ‘yung number mo kaya heto, kausap kita ngayon.”

Natawa si Lia at muling naalala ang kakulitan ng kapatid ng binata. “Kumusta si Abby?”

“Makulit pa rin.”

“Si lolo, kumusta?”

“Kanina, itinanong ka niya kung bakit hindi ka na raw niya nakikita. Sa tingin ko, medyo naaalala ka na niya nang kaunti,” sabi ni Rico. “Itinatanong din niya kung…kailan ka babalik dito.”

Saglit na nag-isip si Lia bago sumagot. “H-hindi pa ‘ko sigurado,” sagot niya. Pagbalik pa lang ng Maynila ay iniisip na niya kung babalik pa ba siya sa lugar na iyon. “Pero susubukan kong makasama sa medical mission n’yo.” Hindi alam ni Lia kung bakit niya nasabi ‘yon at huli na para bawiin niya ang nasabi.

“Totoo?” tanong ni Rico. Hindi nito maitago ang tuwa dahil sa narinig.

“Kapag naayos ko na lahat ng dapat kong ayusin, baka sa Saturday nand’yan na ‘ko.”

“Siguradong matutuwa si lolo kapag nalaman na babalik ka. Lalo na si Abby.”

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa at nagpaalam na rin si Lia nang mapansin si Roy na nakatingin na sa direksiyon niya. “A..Rico, m-may sasabihin ka pa ba?”

Umiling si Rico na nakatingin sa maliwanag na kalangitan. “W-wala na. Pasensiya na kung naabala kita, marami ka yatang ginagawa.”

“Okay lang, ikumusta mo na lang ako kina Abby. At kay lolo.”

“Sige, bye.”

“Bye.”

“WHO’S THAT?” tanong ni Roy pagbalik ni Lia sa mesa. Naka-order na ito ng dessert para sa kanilang dalawa.

“A friend,” nakangiti niyang sagot. Sinimulan na niyang kainin ang chocolate cake na alam ni Roy na paborito niya.

“ Friend? Bakit ganyan kaganda ang ngiti mo kung friend lang?” nakangiti rin nitong tanong.

Hindi na iyon pinansin ni Lia. Hindi pa rin maalis ang ngiti niya habang nakatingin sa cellphone. Malakas pa rin ang pintig ng puso niya matapos makausap si Rico.

“By the way, sa’n ka nga pala nagpunta last weekend?”

“I-it’s not that important and I really don’t want to talk about it,” sabi ni Lia. Hangga’t maaari ay ayaw niyang may ibang makaalam ng pinuntahan niya.

“You didn’t even call me. We’re supposed to have dinner last Sunday.”

“We’re having dinner now, Roy.”

“Last Sunday was my birthday, not now,” seryoso nitong sabi.

Ibinaba ni Lia ang hawak na tinidor at tiningnan ang binata. Roy looked so handsome with his expensive coat and tie. And looked so respectable too. But then again, Roy is not the type whom she wanted to spend most of her time with. Paminsan-minsan ay tinatanggap niya ang imbitasyon nitong lumabas para mag-dinner, o sumama sa mga events at parties na dinadaluhan nito. Pero hanggang doon lang ‘yon. She goes out with him as a friend and she intends to keep it that way.

“Lia, I’m sorry. I was just disappointed when you cancelled the dinner. Hindi mo naman siguro ‘ko masisisi na magtampo dahil hindi ka man lang tumawag para batiin ako,” sabi ni Roy nang mapansin na tila hindi nagustuhan ng dalaga ang sinabi niya.

“I sent you an email. And a birthday present, right?”

Tumangu-tango si Roy. “Yes, and thank you,” sagot nito nang maalala ang natanggap na regalong necktie mula sa dalaga. Computerized ang message sa card na kalakip nito, at alam niyang ang sekretarya lang nito ang nag-asikaso no’n para sa kanya. “Anyway, it’s my parent’s wedding anniversary this Sunday. They are expecting you.”

“Sunday?”

Sa ekspresyon ng mukha ni Lia nang marinig ang sinabi niya, alam ni Roy na hindi maganda ang ibig sabihin no’n. “Why, don’t tell me you can’t make it, again?”

“I already made a prior arrangement on Sunday.”

Roy laughed. A fake one. “I am a Mayor of a province Lia, at marami rin akong ginagawa but I make it a point to spend time with you. I just don’t understand why it seems like you are a lot busier than I am. Mas demanding ba ang maging editor-in-chief  kaysa sa maging mayor?”

Kumunot ang noo ni Lia. “What are you trying to say?”

“What I’m trying to say is that you are not making enough effort for us,” sabi ni Roy. Hindi na rin nito tinapos ang pagkain ng dessert at inubos na lamang ang red wine sa baso. “Lia, we’ve been going out for almost four years now and…honestly, I don’t know where we are heading.”

Napailing si Lia. “I’ve told you that I am not ready to have a relationship right now. And Roy, I don’t remember asking you for this in the first place. Friendship is all I can offer, you know that. If you keep on demanding something that I can’t possibly give you, I am sorry but I think it’s much better for us to stop seeing each other.”

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

6 thoughts on “Chapter 3: Finding Rico

  1. ayan busted k 2loy.

    Posted by aileen | Oktubre 28, 2013, 1:59 hapon
  2. hahaha LQ agad,., kapal mo ROY

    Posted by zyn | Mayo 18, 2013, 5:28 umaga
  3. uuuy!!mai guxto din aman c rico ayao pfa aminin. .hahah

    roy > sopla ka nuh??hahahah!

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 6, 2012, 7:21 umaga
  4. for sure natatandaan ni rico si lia…nd lang nya masigurado kung si lia nga ba talaga yung nakasama nya nung bumabagyo..hehe…kilig..hehehe

    Posted by roxanne | Enero 24, 2009, 5:35 umaga
  5. editor-in-chief ng Glitz Fashion and Lifestyle magazine na artistahin. hmmm sino nga ba naman hindi maghahantay niyan ng 4 na taon o kahit mahigit pa, swerte naman ni rico. wawa naman si roy, tsktsktsk🙂

    Posted by marcpogi | Agosto 18, 2008, 4:53 umaga
  6. Di ba talaga maalala ni rico si lia.. tsk.. tsk… next chapter plz..

    Posted by Maki | Agosto 17, 2008, 4:34 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Agosto 2008
M T W T F S S
« May   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: