binabasa mo ang...
Finding Rico

Chapter 1: Finding Rico

HALOS ISANG ORAS NANG NAKATANAW SA LABAS NG KANYANG OPISINA SI LIA. Mula sa 19th floor ng building na iyon ay kitang-kita niya ang hindi mabilang na nagtataasa’ng gusali, pati ang mga ilaw nito na tila mga bituin sa langit. Halos isang oras na siyang nakaupo sa harap ng kanyang mesa, sa harap ng kanyang napakaraming trabaho pero malayo doon ang isip niya.

“Ma’am.”

Mamayang gabi ang flight niya patungong Baguio, at ang huling biyahe pa-Banaue ang kukunin niya sa gabi’ng iyon. Tumingin siya sa screen ng laptop at muling binasa ang mga impormasyon tungkol sa lugar. Wala siyang ideya kung paano pumunta roon, hindi niya alam kung ano ang aasahan niya pagdating niya sa maliit na bayan na iyon.

“Ma’am?”

Ngayon lang muling napansin ni Lia na nakatayo sa harap niya si Kyla na matagal-tagal na ring naroon. Kanina pa ito nakatayo, hawak ang isang notepad na naglalaman ng kanyang schedule sa buong isang linggo, hanggang buong isang buwan. Maliit ito’ng babae, payat kaysa sa pangkaraniwan, at malaki ang suot na salamin sa mata.

“Ma’am?”

Tiningnan ni Lia ang kanyang sekretarya na tatlong taon na ring nagtatrabaho sa kanya simula nang siya na ang maging editor-in-chief ng Glitz Fashion and Lifestyle magazine. Tatlong taon na rin mula nang mabili niya ang pinakamalaking share ng magazine na iyon.

Mabilis na tiningnan ni Kyla ang dalang notepad. “Gusto ko lang po kayo’ng i-inform tungkol sa breakfast meeting n’yo bukas with the new photographer, si Mr. Perez, tungkol daw po sa photo shoot next month,” sabi nito. “At bukas din po ‘yung meeting para sa anniversary party ng magazine.”

Tumingin muna si Lia sa kopya ng schedule na iniabot sa kanya ng sekretarya. “Paki re-schedule ‘yung kay Mr. Perez next week, please. And Kat is going to handle the meeting for the anniversary party, okay?”

Tumangu-tango lang si Kyla, nagtataka.

“Is there anything else?” tanong ni Lia.

“A, ma’am, tumawag po uli si Mayor Orillaza, confirming about your dinner on Sunday.”

“Paki-cancel na rin ‘yon.”

Muli, tumangu-tango si Kyla at isinulat sa notepad ang mga pagbabago’ng sinabi ni Lia.

“And cancel everything else until Monday. I’ll be gone for the weekend so just e-mail whatever it is that I must know.”

“Y-yes ma’am.”

“Okay, thank you.”

Muling tumanaw si Lia sa labas pagkaalis ni Kyla at muling napaisip. Isang linggo na ang nakakaraan mula nang napagpasyahan niyang umalis patungong Banaue at saglit na iwan ang abala niya’ng buhay sa Maynila. Simula nang matanggap niya ang tawag na iyon ay ilang beses niyang itinanong kung tama ba ang gagawin niyang iyon pero iisang sagot lang ang palagi niyang nakukuha sa sarili.

“Are you sure?” naalala niyang tanong niya kay Kat nang araw na sabihin nito ang tungkol do’n. Si Kat ang kanyang best friend, at assistant editor. Nagmamadali siyang lumabas ng conference room para tanggapin ang tawag na iyon ni Kat. Kasalukuyang nasa gitna siya ng brainstorming, kasama ang buong editorial staff para sa next month’s issue ng kanilang magazine. Naiwan ang lahat doon na nagtataka, lahat ng mata ay nakasunod sa kanyang paglabas. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na tumanggap siya ng tawag sa kalagitnaan ng isang napakaimportanteng meeting. “Kat, are you sure?”

“I am very sure. Si Rico San Antonio. Nakausap ko pa nga,” narinig niyang sagot ng kaibigan sa kabilang linya.

Tatlong araw kasing naglagi si Kat sa Banaue, para samahan ang pinsan nito’ng mag-soul searching. At isang araw itong na-ospital dahil sa tubig na nainom, at si Rico nga ang naging attending nurse nito.

“Lumipat sila do’n years ago, kaya pala wala tayong makuhang information tungkol sa kanya that time. Three years na siyang nurse sa public hospital do’n. Same high school, Lia. Imposible’ng hindi siya ‘yon. Ilan ba’ng Rico San Antonio ang nurse sa buong Pilipinas na nag-aral sa pareho’ng high school na pinasukan natin?”

Nag-iisa lang ang Rico San Antonio para kay Lia. Pero hindi pa rin siya makapaniwala. Na sa tinagal-tagal ng panahon, ay makakatanggap pa siya ng balita tungkol sa kinaroroonan nito.

Ilang taon na nga ba niyang tinatangka’ng hanapin si Rico? Apat? Limang taon? Mula nang mag-aral siya sa New York ng kolehiyo, wala na siyang anumang narinig tungkol kay Rico. Ang huling balita niya rito ay nag-aaral ito ng Nursing. ‘Yun lang at wala na.

“LIA, ARE YOU OUT OF YOUR MIND?” malakas na tanong ni Kat pagpasok na pagpasok nito sa opisina ni Lia . “You’re really going to do it?”

Tinanggal ni Lia ang suot na stylish eyeglasses at inilapag iyon sa mesa. Tumango lang siya.

“You are really out of your mind.”

Natawa si Lia. “I guess I am.”

Naupo si Kat sa upuan sa harap ng table ni Lia at seryosong humarap sa kaibigan. “Hindi ko ‘yon sinabi sa ‘yo noon para sumugod ka sa Banaue at puntahan si Rico.”

“Bakit mo pa sinabi sa ‘kin? Alam mo naman na ito ang gagawin ko kapag nalaman ko kung nasaan siya,” natatawa niyang sagot. “I’ve waited for this for a very long time Kat, you know that.”

“I know that.” Tumayo si Kat, naglakad-lakad sa buong opisina, at muling naupo. Mas matangkad ito kay Lia ng tatlong pulgada, mas payat. Hanggang likod ang tuwid nitong itim na buhok. Anim na buwan na ang nakakaraan nang sabihin niya iyon kay Lia at akala niya ay wala lang ito sa kaibigan. At ngayon, pagkaraan ng anim na buwan, sasabihin nito’ng pupunta ito ng Banaue para makita si Rico San Antonio. “Okay, pupunta ka do’n, and then what, ano’ng gagawin mo? Magpapakilala ka kay Rico? Ano’ng sasabihin mo sa kanya- O, hi Rico, remember me, Lia Sebastian? From high school? Ako ‘yung nagpapadala sa ‘yo ng Valentine’s card every year in four years. Sa ‘kin din galing ‘yung mga Christmas gifts mo every Christmas. And o, yes, ako ‘yung nagbigay sa ‘yo ng graduation card and the going away present, remember?”

Nginitian lang iyon ni Lia. Oo, natatandaan niya ang mga kalokohan niya noong high school.

“Lia, please, maybe it’s been too long. You’re not even sure if he still remembers you for Christ’s sake. Hindi nga natin alam kung kilala ka n’ya e.”

“I know. I just need to do this.”

“Para saan pa?”

“Peace of mind. Gusto ko siyang makita, gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kanya.”

“And then what?” naguguluhang tanong ni Kat. Kahit pa matagal na niyang kaibigan si Lia, minsan ay hindi pa rin nito maintindihan ang mga desisyon nito sa buhay. Lalo na kapag tungkol kay Rico. Like the time when Lia left for New York ages ago. Kahit naroon na ito, she always tried to know something about Rico, which she thinks is sometimes too much. It’s either she truly loves him or she just got too obsessed with him. Lia always gets what she wanted and Rico is someone she couldn’t and wouldn’t really have. “And then what are you gonna do after seeing him?”

Nagkibit-balikat si Lia.

“Alam na ba ‘to ng daddy mo?”

“No. And don’t ever tell him, please. This will just take the weekend. I’ll be back on Monday.”

“Si Ninang? I’m sure, alam na ni Ninang ‘to?” muling tanong ni Kat. Ninang nito ang ina ni Lia. Although hindi nagsasama ang mga magulang ni Lia, they are in good terms. “And I’m sure, kinunsinti ka na naman no’n.”

Lia’s mother is a well-known artist and a part of a prominent artist society of the country. Kaya rin siguro hindi nag-work-out ang relationship nito sa doctor niya’ng ama. She rather stays in a secluded island than to live in a high-class city with all those glamorous, rich and scientific people. Lia actually feels the same way and dreams the same life like her mother but everything changed when her grandfather got ill after her high school graduation and she had no choice but to go to New York to see him. Simula noon, hindi na siya muling nakabalik sa Pilipinas, doon na siya nag-aral ng kolehiyo at tumira kasama ng ama. Three years ago lang sila nakapagdesisyon na manirahan sa Pilipinas dahil sa plano ng kanyang ama na magtayo ng ospital at tumulong sa mga nangangailangan.

It was a great news for Lia, specially when she learned about the editor-in-chief position that was offered for her at the Glitz magazine. It’s been three years, and life has never been better. She couldn’t really ask for anything more, except this one little thing that has been with her for as long as she could remember.

That is for her to see Rico again.

“How about the Mayor? Alam na ba ‘to ni Roy?”

“I’m going to call him kapag nasa Banaue na ‘ko.”

“And about your dinner with him? It’s his birthday on Sunday, right?”

“Cancelled,” simple niyang sagot.

“Gusto mo, ako nalang ang makipag-dinner sa kanya on Sunday?” nakangiti nitong tanong.

“By all means,” nakangiti niyang sabi. The three of them had been good friends for a long time. And it’s not a secret that Kat has a big crush on Roy eversince.

Roy Orillaza is a family friend, na isa sa pinakabata at pinakamagaling na Mayor sa buong Pilipinas. Nakilala ito ni Lia sa Amerika nang nag-aaral pa ito sa Harvard Law school. Lia thinks he’s a very fine man, and thinks of him as a brother, really. She only goes out with him because of her father’s request, ang nothing more. May pakiramdam siyang gusto ng kanyang ama na magkamabutihan sila ni Roy, and will eventually end up getting married in the future.

Napansin ni Kat ang mamahaling maleta sa tabi ng sofa, kasama ng isang maliit pa’ng bag. Handang-handa na ang kaibigan sa pag-alis mamaya.
“Lia, noon, naiiitindihan ko pa ‘yung mga kalokohan mo sa kanya dahil mga bata pa tayo no’n. Pero ngayon…Lia, I’m sorry to tell you this but don’t you think you’re getting a bit overboard with this? You’re 26 years old, and you’re acting like an obsessed teenager inlove with a guy,” seryosong sabi ni Kat. Palagi naman itong ganoon na parang nanay sa pangangaral sa kanya kaya sanay na siya rito. “Unless you’re really still in love with Rico…O my God, Lia, don’t tell me you’re still in love with that guy?”

Itinuon ni Lia ang mga mata sa laptop at kunwaring abala doon. “Kaya nga gusto ko siyang makita. I want to know if…” If what, if she’s in love with him still? “I want to make sure if I really don’t care about him anymore. So I could…move on.”

“Move on? Ibig mo’ng sabihin, for the passed ten years, you haven’t moved on?” gulat na tanong ni Kat.

Umiling si Lia. Ngayon lang niya ito naamin sa kahit na kanino, at kahit na sa sarili niya. “I need to see him so I could then let it go.”

“And what if you found out that you can’t let it go and that you’re still in love with him?”

Tumayo si Lia at kinuha ang laptop. Nagtungo ito sa sofa at isinilid iyon sa dadalhing knapsack. “Then I’ll do everything to make him fall in love with me.”

SUMAKAY SI LIA NG EROPLANO NANG KINAKABAHAN, at bumaba siya rito nang mas kinakabahan. At nang sumakay siya ng bus patungong Banaue, parang gusto na niyang muling bumalik ng Maynila at kalimutan na ang lahat. Pero alam niyang hindi na siya maaaring umurong ngayon. Ngayon pa na ilang oras na lang ay naroon na siya kung saan naroon si Rico. At ilang oras na lang ay makikita na niya ito.

Sinubukan ni Lia na matulog sa buong anim na oras na biyahe niyang iyon pero magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kaba, dahil hindi niya alam ang aasahan, tuwa, dahil sa tinagal-tagal ay makikita na niya si Rico, at takot dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumiyahe siya nang walang kasama, at nang walang alam sa kanyang patutunguhan.

She feels like she’s liberating herself, freeing herself from all that has kept her from doing the things she really wants to do. Like traveling. And getting away from all her responsibilities. She feels like she needed this more than she could admit. Hindi lang ito dahil kay Rico, kundi para na rin sa kanyang sarili.

Maliwanag na ang paligid nang magmulat ng mata si Lia. Naramdaman niya ang nanunuot na lamig sa bus, nakita niya ang napakagandang tanawin sa labas, lalo na ang kamangha-manghang rice terraces.

Parang nawala ang lahat ng alalahanin niya at halos muntik na niyang makalimutan ang talagang dahilan ng pag-akyat niya sa Banaue dahil sa magandang tanawin na iyon. Alas siyete na ng umaga nang huminto ang bus sa gilid ng daan, kung saan may mangilan-ngilang tricycle na nakaabang para maghatid sa mga turista sa mga pupuntahan ng mga ito. Hindi maiwasan ni Lia na mapangiti nang bumaba siya mula sa bus at salubungin siya ng isang matandang lalaki na nag-alok na ihatid siya nito. Magalang nitong kinuha ang kanyang maleta at sinundan niya ito sa nakaparada nitong tricycle ilang hakbang lang mula sa bus.

Nagpahatid siya sa People’s Lodge kung saan siya mayroong reservation. Habang daan ay hinangaan ni Lia ang tanawin at ang malamig na simoy ng hangin. Kalagitnaan noon ng Agosto, at medyo umuulan kaya naman hindi rin nakatulong ang suot niyang jacket para labanan ang lamig.

Wala pang kalahating oras ay narating na nila ang town proper kung saan marami ring katulad niyang turista ang naglalakad sa paligid. Marami nang tao at buhay na buhay na ang lugar sa napakagandang umagang iyon. Tabi-tabi ang mga Lodges at restaurants sa gilid ng daan kung saan maraming turista ang naglalabas-masok. Bumaba siya mula sa tricyle at muling namangha sa rice terraces sa kanyang harapan. At nagpasalamat siya sa Diyos sa desisyon na magtungo doon sa Banaue.

Pinuntahan ni Lia ang itinuro ng napagtanungan niyang ale na People’s Lodge and Restaurant. It was a very nice and perfect place for her trip. Maganda ang kabuuan ng lugar na gawa halos lahat sa kahoy, na nagbibigay dito ng relaxing appeal. Nag-check in siya sa counter at tumuloy muna sa restaurant nito para mag-almusal. Doon siya umupo sa veranda kung saan kita’ng-kita ang kabuuan ng Banaue Rice Terraces.

It was simply breathtaking. She couldn’t believe that she’s actually in front of the famous  Banaue Rice Terraces. It was like looking at a life-size post card.

Pagkatapos makaorder ng breakfast of the day ng restaurant, kinuha ni Lia ang biniling libro tungkol sa Banaue. She wants to know the right places to go, especially the location of the public hospital where Rico works.

At muli, nakaramdam siya ng kaba. Now that she’s in Banaue, she doesn’t know what‘s gonna happen next. Naisip niya ang posibilidad na maaaring ilang minuto na lang mula ngayon ay makikita na niya si Rico. Maaaring mamaya ay makausap na niya ito, at malalaman na niya ang bagay na gusto niyang malaman.

Paano nga kaya kung tama si Kat na dapat na niyang kalimutan ang lahat dahil wala rin namang mangyayari? Pero paano rin kung tama ang sabi ng kanyang ina na kailangan niya iyong gawin para sa ikatatahimik ng kanyang kalooban? Nang sabihin niya rito ang tungkol sa plano niyang pag-akyat sa Banaue para makita si Rico, natuwa ito para sa kanya.

“Tama ‘yang gagawin mo, Lia. Kung ano ang alam mong makakabuti sa ‘yo, ‘yun ang gawin mo. At kung talagang mahal mo siya, wala kang dahilan para matakot.”

“Pero Mam, hindi ko nga po alam kung talagang love nga ba ‘to, o baka nga in love lang ako sa idea ng pagiging in love sa kanya.”

“Kaya nga mas dapat na makita mo siya para makasiguro ka, diba?”

Pinanood ni Lia na magpinta ang ina, na madalas niyang gawin kapag naroon siya. Sa tuwing naguguluhan siya sa mundo at kailangan ng matinong kausap, pinupuntahan niya ito sa bahay nito sa Quezon. Minsan, hindi niya alam kung matino nga ba itong kausap o mas nakakagulo lang ito sa sa mga desisyon niya sa buhay. Lalo na kapag pagkatapos noon ay maririnig niya ang opinyon at payo ng kanyang ama na talaga namang kabaligtaran ng sa kanyang ina. Pero ang totoo, mas gumagaan ang loob niya sa tuwing nakakausap ang ina. Dahil wala itong rules na sinusunod, walang tama o mali para rito. Mas mahalaga ang kaligayahan ng tao, ang kung ano ang sinasabi ng puso, kaysa sa anupamang bagay sa mundo. Wala itong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

Madalas ngang sabihin sa kanya ng kanyang ama na malaki ang pagkakahawig niya sa ugali ng ina, and that she always reminds him of her mother. Her impulsiveness, her strength, her unpredictability.

Kung siya ang tatanungin, sa tingin niya ay mahal pa rin ng kanyang mga magulang ang isa’t-isa. Both of them haven’t married yet and both never had any relationships or whatsoever. May mga bagay lang talaga siguro na mahirap ipilit, lalo na ang mapagsama ang dalawang magkaibang tao. Pero hindi pa rin siya sumusuko. Naniniwala siya na darating din ang panahon na magkakabalikan ang nanay at tatay niya. At kapag nangyari ‘yon, siya na marahil ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.

Pagkatapos mag-breakfast at maiayos ang lahat ng gamit sa kuwartong inookupahan, nag-shower si Lia at muli nang lumabas ng Lodge. Nagpunta muna siya sa Tourist Information Center upang magpatala at tsaka siya tumuloy sa terminal ng tricycle at nagpahatid sa Banaue Public Hospital. Dala ang kanyang maliit na knapsack at suot ang simple’ng jeans at light blue na sweatshirt ay huminga muna siya ng malalim bago bumaba ng tricycle at mapagpasyahang magtungo muna sa isang maliit na cafeteria sa tapat ng ospital.

Naupo siya sa pang-apatan na mesa sa may harap ng cafeteria kung saan tanaw niya ang mga taong lumalabas at pumapasok sa dalawang palapag na ospital. Tinitingnan niya ang bawat taong dumaraan, nagbabakasakali na makita sa daan si Rico, o pumasok doon sa ospital si Rico, o kaya ay lumabas ito mula roon.

Tumingin siya sa mamahalin niyang relo. Alas diyes pa lang ng umaga, halos kalahating oras na siyang nakaupo roon at naghihintay. Nakangiti lamang ang medyo may edad nang babae na  naroon sa tuwing titingnan niya at hindi niya alam kung bakit. Malamig na rin ang inorder niyang soup na hindi pa niya nagagalaw.

Inisip niya kung kailangan ba niyang pumasok sa loob ng ospital kaysa sa maghintay roon sa wala dahil wala naman talaga siyang ideya kung naroon nga sa ospital ang hinahanap niya sa ganoong oras. Sa tingin niya ay walang mangyayari sa kanya doon. Ilang sandali pa bago siya nakaipon ng lakas ng loob para umalis doon at pumasok sa ospital. Bahala na, anuman ang mangyari, bahala na. Kung kailangan niyang magtanong sa ospital tungkol kay Rico ay gagawin niya. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya naroon ngayon. Kumuha na siya ng pambayad sa wallet at handa na sanang tumayo nang makita niya ang isang grupo ng nurse na parating. Ang dalawang lalaki ay tumuloy na sa ospital samantalang tumuloy doon sa cafeteria ang isa. Nanatili lang siyang nakaupo at tiningnan ang bagong dating.

“Good morning, manang, isang mineral water po.”

“Good morning Rico, kumusta naman ang nanay at tatay?”

Rico. Dinig na dinig ni Lia na tinawag ng matanda ang lalaking iyon sa pinakamagandang pangalan para sa kanya. Rico. Mataas itong lalaki, kayumanggi, medyo kulot ang buhok, may dimples sa dalawang pisngi, at maganda ang malalim nitong boses.

“Ang nanay, abala po sa pananahi sa bahay. Ang tatay, nagtatanim pa rin po sa likod bahay pagkatapos ng trabaho sa munisipyo.”

Nakangiting iniabot ni Manang Linda kay Rico ang binili nitong mineral water kasama ng sukli. “Ikumusta mo na lang ako sa kanila, anak.”

“Sige po, manang, makakarating. Salamat po.”

And he was gone. Just like that. After more than a decade of waiting to see him again, ilang minuto lang ang itinagal ng muli nilang pagkikita. Sinundan na lang ni Lia ng tingin ang palayo nang si Rico. Ni hindi man lang nito nagawang tingnan siya.

What does she expect? He probably doesn’t know that she exists. Hindi tuloy niya maiwasang matawa sa sarili. This is truly making her crazy. Ilang sandali lang niyang nasilayan ang binata, pakiramdam niya ay pwede na siyang kunin ni Lord.

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

20 thoughts on “Chapter 1: Finding Rico

  1. taga baguio aq pero what i know is, f u want to go to banaue wag k dumaan ng baguio…mpapalayo k lng.

    Posted by aileen | Oktubre 28, 2013, 12:28 hapon
  2. kunin agad ni LORD? panu na c RICO., hehehe
    one step forward LIA,., one step at a time
    go for it,. kaya mo yan

    Posted by zyn | Mayo 18, 2013, 12:18 umaga
  3. ahahahah! . .nakakatuwa aman to. .heheh
    a secret girl lover since high school??
    hahah. . .nice story😉

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 2, 2012, 10:48 hapon
  4. maganda

    Posted by hal25 | Hunyo 19, 2010, 5:48 hapon
  5. like it!

    Posted by sUnDAy | Pebrero 23, 2009, 5:46 hapon
  6. wow,.ang ganda naman,,pero pwede po bang malaman sinu author nito?

    foo: si cecilia corder po. “thenotebook82” po ang YM niya.

    Posted by babyrock | Enero 31, 2009, 10:48 umaga
  7. wow..kilig ako….hehe..thanks poh..

    Posted by roxanne | Enero 24, 2009, 4:42 umaga
  8. Pasensiya na, Ning. Kasi ako ang author ng Skylander. Feeling ko prinsesa ako ng Cordillera kaya iyang ruta ng Banaue-Sagada-Baguio ay alam ko. Pati iyang People’s Lodge, diyan ako tumuloy. Di nga rin nagpapapirma sa Tourism office nila e. Akala ko pipirma din tulad sa Sagada. Kapag di kayo sigurado sa mga isusulat ninyo, research-research lang. Kasi minsan diyan nalilintikan ang mga writers. Kapag di nagre-research. If di kayo nagresearch at kung di kayo sigurado gumawa na lang kayo ng fictional place. Dahil nang isulat ko ang tungkol sa Cordillera, nilakbay ko talaga ang mga bundok. Todo research talaga.Para maidala ninyo sila sa totoong lugar. Kasi kapag nabutasan kayo ng mga readers ninyo, di na kayo bibilhan. Kasi feeling nila, niloloko lang ninyo siya. Advice lang po. Huwag masasaktan.

    foo: calling ces! ^_^

    Posted by sofia_jade | Enero 23, 2009, 10:07 hapon
  9. Never mind the last paragraph comment. Binasa ko na. Nahilo lang ng konti pero iyong iba… iyon pa rin comment ko. Kung magbu-bus ka pa-Banaue, nine hours iyan. Mag-bus ka na lang pa-Banaue. Wag ka nang dadaan ng Baguio. Mahihilo ka lang. Pissu!

    foo: honestly, di pa ako nakakapunta sa lugar na yan. ei ces! yare ka kay sof. haha!

    Posted by sofia_jade | Enero 23, 2009, 7:14 hapon
  10. Una, nahilo ako. saan ba talaga siya pupunta? Banaue o Baguio? kasi madalas akong mag-Cordillera. Saan ba talaga siya doon pupunta dahil magkabilang dulo iyon ng Cordillera Autonomous Region. Either you take the bus to Banaue that night or may flight ka pa-Baguio. At ang distansiya ng Baguio to Banaue ay… more or less ten hours. May flight ba sa Baguio ng gabi? Parang usually morning iyon kasi nga foggy kapag gabi.

    Ang pinakamalapit na airport sa Banaue ay nasa Nueva Vizcaya. At kung di ako nagkakamali ay sa Kabakan iyon.

    Kung nasa People’s Lodge ka, di pa Banaue Rice Terraces na sikat ang makikita mo doon. Ibang rice terraces iyon at hindi ang nakikita mo sa postcards. Kung gusto mong makita ang mala-stairway to heaven na rice terraces, sasakay ka pa ng jeep or tricycle dhil may kalayuan po ito sa mismong Poblacion ng Banaue.

    Hmmm…I have a problem with the continuity of the story. Kasi parang nag-flashback ang eksena niya with Kat at pinagsama sila sa isang eksena with Kyla. Mukhang okay but kung ilalagay sa novel medyo nakakahilo ito. Tapos ganito ulit sa nanay niya at sa pagpunta niya sa Banaue.

    Konting research pa po sana.🙂

    Hmmm… di ko rin nabasa kung sino ba talaga si Rico sa buhay niya. Alam ko medyo minsan gusto ng writer may element of surprise pero may mga bagay na dapat ipipaliwanag agad para makumbinsi ang kung bakit importanteng makita niya.

    foo: si cecilia po ang may sala, siya po ang inyong ipadakip. ^_^ salamat po sa komento! ^^

    Posted by sofia_jade | Enero 23, 2009, 6:59 hapon
  11. wow parang finding nemo ito ahh hehehhee oki keep up the good work. I love reading here…

    Posted by Pinaylovestories(weng) | Agosto 19, 2008, 7:31 hapon
  12. agreed!thumbs up!;)

    Posted by blue | Agosto 18, 2008, 9:11 umaga
  13. full of surprises yan masasabi ko sa author, i didn’t know she can write a story as good as this one, galing!

    aabangan ko mga kasunod nito. mukhang mapapahilig ako sa mga babasahing ito ah. parang pang pelikula.

    Posted by marcpogi | Agosto 15, 2008, 5:00 umaga
  14. tama si yesha! moving ang characters! nag enjoy ako! (yun naman dapat eh)

    i have published 9 chapters of this pero it will appear every two days.

    sana’y samahan ninyo kami sa panibagong storyang hatid ng TOP. salamat po sa inyong suporta at patuloy na pagtangkilik!

    Posted by foobarph | Agosto 14, 2008, 5:13 umaga
  15. hindi ko xa natapos kasi may deadline ako ngaun sa odesk but the story was written in a nice and interesting genre, moving ang tauhan sa kwento. Ito ang isang ingredient na minsan ay nkakalimutan ng isang writer sa pgluluto ng story. Your story is good and I’ll be back to spend more time reading. Congrats!

    Posted by yesha | Agosto 13, 2008, 12:34 hapon
  16. Nice story. Will read the next chapter. Hope to catch up with the author.

    Posted by Jonell | Agosto 13, 2008, 9:18 umaga
  17. hi…nai-pass ko na po ung mga chapters, busy yata si sir foobarph…
    thank you for appreciating.

    Posted by cecilia | Agosto 13, 2008, 5:20 umaga
  18. Maganda.. andon na, pinakawalan p.. sayang..
    Kelan po posting ng chapter 2?

    Posted by Maki | Agosto 12, 2008, 6:31 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Agosto 2008
M T W T F S S
« May   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: