binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (15). (The End?)

Wala akong dalang bulaklak nang hapong iyon. Nalanta na ang dati’y mahahalimuyak na bulaklak na huli kong inihandog sa kanya. Dinaramayanan ang pagkalanta ng mga iyon ng tila nababahalang panahon. Ang papalubog na araw sa kanluran ay nakikidalamhati kaya marahil nakatago ito sa likod ng malalaking ulap. Hindi iyon isang kaakit-akit na dapithapon ngunit binanat ko pa rin ang mga gilid ng mga labi ko upang makangiti.

“Pa’no ba ‘yan, Mariel, kailangan ko nang umalis,” sabi ko. “Sana maintindihan mo. Wala rin namang mangyayari kung patuloy akong magpapakain sa nakaraan.”

Saka ko lamang napansin na hindi lang ako ang nakaari sa sementeryo nang hapon iyon. Sa di-kalayuan ay nakasilong sa ilalim ng mahahabang sanga ng mga puno ang isang lalaki.

“Hinding-hindi kita kakalimutan, Mariel. Sabi natin noon, walang kalimutan kahit anong mangyari. Panghahawakan ko ang pangako nating iyon kahit saan pa ako mapunta. Pangako ko sa’yo ‘yan. Kung hindi lang talaga nagkandaloko-loko, hindi ako papayag na mapa-Maynila.”

Ang lalaking nakita ko sa kakahuyan ay nakasuot ng puting-puting pantaas at gusgusing pantalon. Mabagal niyang nilakad ang daan patungo sa kinaroroonan ko. Nagulat ako nang mapagtanto kong siya ang tumatawang lalaking nakita ko dito rin sa sementeryo kamakailan. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa lapida ng puntod ni Mariel at nagsimula na namang tumawa. Nakatuon lamang ang mga mata niya roon at marahil ay binasa ang mga nakasulat.

“Hangal!”

Ikinagitla ko ang salita niyang iyon. Bakas sa kulay ng kanyang mga buhok ang katandaan gayon na rin sa marami-raming kulubot na namahay na sa kanyang balat. Ipinagpatuloy niya pa rin ang kanyang pagtawa sa kabila ng pag-urong ko sa kinatatayuan ko.

“Ito ba, Miss? Ito ba ang kinakausap mo?” turo niya sa libingan ni Mariel. “Mariel Ful—gencio.”

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong sumagot. Para siyang isang baliw na naghahanap lamang ng makakausap at makukulit. Kinilabutan ako sa mga tawa niya. Kakaiba ang pakiramdam na idinulot ng pagkausap niya sa aking iyon.

“Noong isang araw niyo pa po ako tinatawanan. Ano po bang problema?” lakas-loob kong tinanong.

Lumiit ang mga tawa ng matanda at nagsimulang umangat ang mga mata niya sa akin.

“Hangal kang tunay. Nagpaniwala ka sa mga bagay na hindi totoo. Nagpaniwala ka sa lahat ng nakita mo. Isa kang hangal!”

Walang idinulot sa akin ang mga nanlilisik niyang mga mata kundi walang kasintinding takot at pagkauyam.

“Sino po ba kayo? A—A—Anong mga pinagsasasabi niyo?”

“Nandito ako noong nilibing ang kaibigan mo. Nandito ka rin, diba? Isa kang malaking tanga, Donna.”

“Pa’no niyo nalaman ang pangalan ko?”

“Makinig ka sa sasabihin ko. Narinig kong aalis ka na. At ngayong aalis ka na, maiging mahinto na ang kahangalan mo. Alam mo, Miss, kahit anong hukay pa ang gawin mo sa libingang ‘yan, wala kang makikitang bangkay sa loob ng kabaong na nasa ilalim niyan.”

“Ano po bang ibig niyong sabihin? Hi—Hindi ko kayo maintindihan!”

Tumawa na naman siya.

“Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon. Magpatuloy ka sa buhay mo. Niloko ka ng mga tao sa paligid mo kaya’t huwag na huwag mo nang hahayaang linlangin ka nilang muli. Paalam.”

Lumakad siya papaikot sa akin at nang lumingon ako sa likuran ay wala akong nakitang bakas ng sinumang matandang lalaking tumatawa. Walang sinumang naroroon sa lugar na iyon kundi ako.

Iyon na nga ang huling kong araw sa lugar na iyon. Kung makababalik ako, hindi ko alam. Ang natitiyak ko lamang ay ang pananatili ng magaganda at masasaklap na alaalang kikintal sa isip ko saan man ako patungo.

THE END (?)

Talakayan

67 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (15). (The End?)

  1. nyahahhahha

    Posted by aki | Nobyembre 24, 2015, 7:03 hapon
  2. tsk ang ganda ng ending parang umuhi ka lng na naputol sa bandang huli dun sa mismong nakilig kna sana hayyyysssttttt

    Posted by aki | Nobyembre 24, 2015, 7:02 hapon
  3. wala po ba talagang part 2 to?

    Posted by tin | Setyembre 30, 2015, 10:45 hapon
  4. Potek ngaksaya lng aq ng oras,hmf!

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 12:18 hapon
  5. Haha,sobrang gulo ng kwento,paikot ikot lang.lol

    Posted by Evelyn Pequiro | Hunyo 17, 2014, 4:09 hapon
  6. Bkot ganyan ang endin?

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 8:52 umaga
  7. Anu un?? Bitin namaN,, medyo magulo na nga ung istorya!! Binitin !! Pah jejeje!

    Posted by darkaNgeL | Hulyo 5, 2013, 10:14 hapon
  8. Y LAMI
    Y LAREXXXX

    Posted by BRAT | Mayo 3, 2012, 11:17 umaga
  9. ang labo grabe.. kala ko nung una love story yun pala horror ata to.. pero pinagtyagaan ko pa din basahin.. kakatawa!!😀

    Posted by akeisha | Abril 14, 2012, 11:55 hapon
  10. This story is really weird.. Almost a horror story.. Pero grabe, npakagaling ng story. Parang its up to us kung ano ang gusto nating ending!!! The best!

    Posted by anatomyfreak | Marso 27, 2012, 10:59 umaga
  11. Parang nainis lang ako hahahahaha anu kaya yun….. Ni walang love story kung meron man kulang lang….. Ok sana kung may mga bagay na nireveal eh tolerable pa…. Hay naku maganda nmn sna so far

    Posted by danicarose | Pebrero 20, 2012, 11:38 umaga
  12. eee hnd mnlang cnabi kng anu dhilan kng bk8 hnd na oki relationship ng family ni donna at mariel at kng bat mgkagalit na cla??/paurong nman….

    Posted by saien | Enero 31, 2011, 6:08 hapon
  13. @paurong: sna gwan mu nlang 2 ng part 2 pra mganda klabasan at sna kng meron man, sna happy ending prin at sna brixx at donna prin mgktuluyan…plzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz paurong….. sna me part 2 na 2 ngaun……plz nman, gus2 ko ung story kh8 medjo nkakatakot….=((((

    Posted by saien | Enero 30, 2011, 8:38 hapon
  14. ..2008 pah pin0st ang st0ry nah 2..sana aman ngaung 2011 madugtungan nah..mganda sna kung happy ang ending..at mejo magulo..d nah alam qng anung nangyari keh brixx at d0nna..cnu ung mtandang lging tnatawanan c d0nna sah sementery0?bgla nah lng sumulp0t d man lng ngpakilala haixt..
    sana meh part 2….. Anyway..happy new year sateng lahat..^^,nu handa nyu..?pakain..:b

    Posted by jerrelyn | Disyembre 31, 2010, 11:32 hapon
  15. ..2008 pah pin0st ang st0ry nah 2..sana aman ngaung 2011 madugtungan nah..mganda sna kung happy ang ending..at mejo magulo..d nah alam qng anung nangyari keh brixx at d0nna..cnu ung mtandang lging tnatawanan c d0nna sah sementery0?bgla nah lng sumulp0t d man lng ngpakilala haixt..
    sana meh part 2….. Anyway..happy new year sateng lahat..^^,nu handa nyu..

    Posted by jerrelyn | Disyembre 31, 2010, 11:30 hapon
  16. ..part 2 poh plz..danda ng st0ry kz0 bitin..

    Posted by jerrelyn | Disyembre 31, 2010, 11:22 hapon
  17. kailan kaya lalabas ang karugtong :)thank you sa pagshashare

    Posted by gracy | Nobyembre 27, 2010, 4:20 umaga
  18. Grabeh Ahh nabitin tlga ako..
    maganda pa man din siya.Pwede siyang pang horror.
    palong palong..! 1005 bitinnnnnnnnnn ako!!!
    maraming beses nang nangyari 2..Sana man lang may part 2 cia:((

    Posted by toogs | Nobyembre 6, 2010, 1:14 hapon
  19. ???????????????

    Posted by donna | Nobyembre 2, 2010, 11:03 hapon
  20. Is there a book 2?

    Posted by joyjoy | Agosto 20, 2010, 3:05 umaga
  21. naguguluhan po ako sa story. haha…

    Posted by fate | Agosto 13, 2010, 7:47 hapon
  22. pwedeng magbigti na lang ang nagsulat nito..
    hehehehe..
    pangit talaga…
    peace..
    Yesha: aw…grabe nman😦

    Posted by sweet _anne | Hulyo 23, 2010, 5:12 hapon
  23. yun lang ba yun???panget naman kung ending na yun…sana po may continuation…

    Posted by marice | Hunyo 27, 2010, 1:58 hapon
  24. wahhhhhhhhhh ang ganda ng story sababy nabitin hahahahaha nga pala bakit nawala ung story ng beauty is the best

    Posted by gel | Hunyo 26, 2010, 12:08 umaga
  25. it could turn into wonderful story, sayang………im looking forward kung may karugtung toh, it feels mysterious yung mga unang chapter kaya lang hindi naging maganda yung paglalad ng mga mysteries, biglaan……sa akin lang kasi, i see potential sa story na maging novel, it could one of those novels about love, friendship, and forgiveness……anyway i still hope for the karugtung

    Posted by Benees Mae | Hunyo 18, 2010, 5:29 hapon
  26. nice story however bitin ang storya..hope there’s a continuation. more power.keep safe. God bless us more

    Posted by gracey | Hunyo 11, 2010, 8:18 hapon
  27. aw??nkkbitin nmn poh..
    pkidug2ngan nmn poh ung story…
    ang gnda gnda eh…
    anuh n bng mngyyri ky blix at donna??…
    hhtayin qo ang kdug2ng n2..:D

    Posted by ...kRiShaA_mEi... | Hunyo 5, 2010, 1:36 umaga
  28. huhuuhuh
    please………….
    dagdagan nyu pa po toh
    kakaiyak
    anu po nangyareh
    nung makapunta c donna sa mynila??
    ano ang nangyareh kay mariel??
    at kay brix????
    plzzzzzzz……..
    dagdagan nyu po toh..
    magan da po xa…..

    Posted by kimie | Mayo 26, 2010, 11:11 hapon
  29. ..hay sna may paat 2… panu naman ung love story ni donna at brixx????? bkit kailangan ng magulang ni mariel na palabasin na patay na ito???? sna may kasunod or karugtong pa…

    Posted by tricshine | Mayo 20, 2010, 5:15 hapon
  30. nu daw yun…..?di ko maintindihan kung bkit gnito yung story…..bitin nman….

    Posted by khira | Mayo 15, 2010, 2:12 hapon
  31. ha!!!!??? anu daw????

    Posted by einnah | Mayo 11, 2010, 2:54 hapon
  32. wala akong naintindihan…(sorry)
    bitin’ talaga’ eh…
    ano ang nangyari kay brixx?…
    dba dapat naging cla?…

    Posted by megumi | Abril 12, 2010, 2:37 hapon
  33. waaaa… fakit fitin:(( wat nang yari kay brixxxx

    Posted by myheart | Abril 9, 2010, 9:56 hapon
  34. bitin nga to…at hindi yata naliwanagan si donna….

    la akong naintindihan haha

    Posted by chen | Pebrero 10, 2009, 3:03 hapon
  35. oist…foo-ding…asan na ung 2 nito?!
    ito naman ang gawan mo bago ung ibang natutulog na story…
    super bitin eh…

    o kaya…………wait……….

    ATE PANGARAP! ATE YESHA! ATE LOU!……lahat ng mga ate o mga otors…asan na kayo?!
    tuloy nyo naman to…plzzzz…😀

    Posted by nadinekyut | Pebrero 10, 2009, 2:49 hapon
  36. pst PAURONG may part two bah???

    Posted by aikah | Pebrero 7, 2009, 9:46 hapon
  37. may part two bah?? bakit naman bitin yung kwento?? tapos nilagyan ng question mark sa tabi ng “the end”

    part two naman poh jan…

    Posted by aikah | Pebrero 7, 2009, 9:42 hapon
  38. part two plssssssssssssssssssssssssssss

    Posted by krisitne | Pebrero 5, 2009, 12:25 hapon
  39. ang gulo ng story di ba nagkatuluyan si, buhay ba si mariel???

    Posted by krisitne | Pebrero 5, 2009, 12:25 hapon
  40. ang ganda ng story kaso parang bitin ata!!!!
    hakhak!!!!pero nag enjoy aq sa pagbabasa!!!!
    tanx poh sa pag share!!!!!^^;

    Posted by wew | Enero 30, 2009, 10:02 hapon
  41. wahhh..nasan na poh yung part 2 natoh…yung lab story ni donna at brixx pati nadin kung pano malalaman ni donna na buhay nga talaga si mariel…PLS NAMAN POH KUYA GAWA KA POH NANG PART 2 NATO..NAKAKABITIN PO KASI..PLS..THANKS…ASAHAN KO POH

    Posted by roxanne | Enero 29, 2009, 3:38 umaga
  42. May karugtong po iyan…

    Posted by Paurong | Nobyembre 29, 2008, 1:27 hapon
  43. bitin… dapat may part two pa ito!!!

    nice.

    Posted by siangelnawalangpakpak | Nobyembre 28, 2008, 1:08 hapon
  44. wut the f*@#? bitin! kainis nman nde tinapos…..
    ok n sana eh, patay b c mariel?
    nagkatuluyan b cla ni brix?
    pumunta b xa ng manila?
    book 2 nman jan

    Posted by mistreatedbitch | Nobyembre 27, 2008, 8:54 umaga
  45. CRITIQUE, it doesn’t have to be a love story for it to be appreciated. If you don’t like the story, it’s fine; what matters the most the living craft within how it was written.

    pundido said this on Mayo 15, 2008 Sa 5:25 am

    ang pagkritika po sa isang gawa ay hindi po ibig sabihin na hindi mo ito na-appreciate, bakit po ba binibigyan ng kritisismo ang isang gawa? hindi po ba dahil upang mapabuti ang isang gawa?
    saka ang pagkakasabi po ni “critique” kung aking iisipin ay maaring sinadya o di sinadya. sinadya nya upang mapabuti pa ang gawa ni kuya superpaurong sa kanyang gawa. o maaring hindi nya rin sinadya dahil iyon lang talaga ang nais nyang ikomento sa gawa ni kuya.
    saka po sa kritisismo. negative or positive critisism accept it. (sinabi rin sa akin iyan hehehe!!!) dahil para rin sa kabutihan iyan ng nagsusulat.

    foo: err..

    Posted by Mahikangribon | Nobyembre 18, 2008, 2:29 hapon
  46. -sa totoo lang po maganda ang pagkakagawa ng inyong katha. Dahil ang inyong katha ay binalutan o binabalutan ng hiwaga. subalit medyo parang magulo nga lamang.
    -ipapaprint ko na lang itong gawa mo po dahil gusto kong punahin yung mga pangyayaring naguguluhan po ako.

    -una po kasing napansin ko ano pong kaugnayan ng pamagat sa kuwento?
    -pangalawa po, saan po ba umiinog ang kwento ng iyong ginawa, sa pag-iibigan po ba ni mariel o brix. o sa pagkakaibigan nila mariel o donnah. dapat po ay mamili ka sa dalawa na iyan kung alin ang iyong mas pagtutuunan ng pansin.
    -sa tingin ko(sa tingin ko lang po ah!)po ay maraming nagsasaliwaan sa kuwento.

    -marami kasing tanong sa isip ko ngayon na hindi ko pa po masasabi ngayon dahil salat ako sa oras. subalit bibigyan ko ito ng oras. medyo nakukulangan kasi ako sa kwento po. pero maari pa naman po itong irebisa.
    -sana po lagyan nyo na lang po ng karugtong ito.
    dahil ang ginawa nyo pong pagtatapos ay hindi nabigyang kasagutan ang ibang misteryong dapat ay mabunyag po sa inyong katha. subalit naiisip ko rin po na nasa isip mo po na maaring ang ginawa mong pagtatapos ay ang pag-iiwan sa mambabasa ng interpretasyon sa wakas. ngunit ang naisip ko parin hindi ito maikling kwento, pocketbook ito at kapag sinabing pocketbook nobela ito. at ang karaniwang nababasa ko sa pocketbook. sa precious heart romance,sa mga katha ni gilda olbidado, at iba pang pocketbook ay natatapos na ang lahat ng misteryo sa kwento ay nabubunyag.

    foo: salamat sa iyong puna. aaminin ko, maski man ako ay nabitin sa kwento ni paurong. pero dahil alam ko kung gaano siya ka-busy sa tunay na buhay ay hindi ko na siya kinulit na ipagpatuloy ang kwentong ito. time will tell kung kailan niya ito dudugtungan. for now, feel free to cite comments in our other works. this is a good chance for us to see where we can improve. ^^

    Posted by Mahikangribon | Nobyembre 18, 2008, 2:17 hapon
  47. ^- keLan nMn pHue an6 paRt 2??…ka2btin….aheehhe…(lilbratgirl29@yahoo.com)

    foo: paki PM na lang po si paurong sa kaniyang YM. siya po mismo ang sasagot niyan.🙂

    Posted by lilbratgirl29 | Nobyembre 17, 2008, 10:49 hapon
  48. waaaaaaaaah!!biten!ituloy..!!hahaha

    Posted by tin | Nobyembre 12, 2008, 9:54 hapon
  49. ^- naka2bitin phue…!!…peRo iTs sO nYhz tLguh!!

    Posted by bhEibhiE6uRL | Nobyembre 10, 2008, 10:03 hapon
  50. wow paurong bakit ganun ha ano na may part 2
    ba ito?

    Posted by razy_lover | Nobyembre 10, 2008, 4:49 hapon
  51. ito ang pinaka gusto ko sa lahat. galing mo tsong!

    Posted by bench | Nobyembre 7, 2008, 10:16 hapon
  52. ang lungkot nmn po! bat gnun??? sana may totoong ending kse nakakabitin eh… hehehe… ano n nangyari kay mariel? asan cia? c donna at brix???? sana mayron p ksunod… nice story p rin po. ingat po!

    Posted by abby | Setyembre 2, 2008, 5:30 hapon
  53. ang ganda ng story..nakaka bitin nga lang..may part 2 pa po sana..

    Posted by nadine | Agosto 28, 2008, 3:59 umaga
  54. wwaaaaaaaaaa……. d end na ba un???

    ahm…. sa totoo lang ganda pow ng story….

    wwwwwwwweeee…

    gud job😉😀😛

    Posted by michelle | Hulyo 24, 2008, 11:57 hapon
  55. ANG LALIM NG STORY NA ITO. HINDI KO MASYADO NAKUHA YUNG KWENTO. ABOUT FRIENDSHIP BA ITO??? MUKHANG MAY PART TWO. MERON NGA BA??????

    Posted by LEAH | Hulyo 1, 2008, 12:17 hapon
  56. binasa ko ito ng paulit ulit kasi di ko na-gets nung una. pero i like the story. about friendship pala ito.
    touching!congrats!

    Posted by jinks | Mayo 18, 2008, 11:31 umaga
  57. CRITIQUE, it doesn’t have to be a love story for it to be appreciated. If you don’t like the story, it’s fine; what matters the most the living craft within how it was written.

    Posted by pundido | Mayo 15, 2008, 5:25 umaga
  58. bakit ganun? ang labo ng istorya, promise! kung saan saan na napunta, wala man lang kilig moments, panay ganun. it should not be a love story then, sorry, hindi ako nagenjoy ang panget.

    Posted by critique | Mayo 14, 2008, 2:07 umaga
  59. ano ba yan?! pano na sina brixx at donna? may part two ba to??

    Posted by jackelyn | Mayo 9, 2008, 8:05 umaga
  60. may part two ba to???

    Posted by reed | Mayo 8, 2008, 10:18 umaga
  61. uuuyyyy bitin naman pano n ung pg-ibig nila donna at brixx??? gnun nlang un??? waaaaaaah…may part 2 b?

    Posted by eigger0320 | Mayo 7, 2008, 5:51 hapon
  62. May prequel.

    Posted by pundido | Mayo 5, 2008, 8:37 umaga
  63. hoy paurong…the end ba yan? ni walng ending sa laht ng twist…puro bitin…

    Posted by cindy fado | Abril 27, 2008, 3:28 umaga
  64. bka nga my part two, kuya!..parang bitin kasi..wala pang nangyayari kina donna at brixx eh.hehehe..

    Posted by blue | Abril 9, 2008, 10:29 umaga
  65. WAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!

    pusaaaaaaa! ano yun, buhay si Mariel? o ano?

    kung anu man yun, nag enjoy talaga ako! yeyyyy!

    the best ka Paurong! parang maganda kung may part two ito. ahehehe!

    Posted by foobarph | Abril 9, 2008, 3:31 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Abril 2008
M T W T F S S
« Mar   May »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: