binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (14).

Ilang minuto lamang ang layo ng iiwanang bahay ni Ninang mula sa bahay namin. Nasa may bungad ng kahabaan ng lansangan ang bahay na iyon na isa sa mga natitirang bahay na gawa sa kahoy sa aming baranggay. Halos hindi ko na maalaala ang mga nagdaang Pasko at iba pang okasyon kung kailan napunta ako o kaming magkakapamilya sa lugar na iyon. Ang pagpanhik-panaog ko noon sa kanilang hagdan ang tangi kong naalaala. Maliit pa ako noong sumugal si Ninang ng pakikipagsapalaran sa Maynila. Nanalo naman siya kaya nagkaroon siya ng magandang hanapbuhay doon. At ngayon nga’y permanente na siyang maninirahan sa malaking lungsod at sa pagkakataong ito ay kasama ako.

Natagalan si Ninang sa pagsuot ng tamang susi papasok sa tarangkahan. Nakalilito kasi ang mga magkakasingkulay at magkakasinghugis na koleksyon niya ng mga susi.

“Sosorpresahin ko si Nana Ising kaya huwag kang maingay. Malamang ay nananahi na naman iyon.”

“Sino pong Nana Ising?” tanong ko pagkapasok namin dala-dala ang ilang bagahe.

“Hindi mo na yata natatandaan. Siya ang pag-iiwanan ko nitong bahay.”

Tahimik kaming nangunyapit papanhik upang hindi marinig ni Nana Ising na may mga taong paparating. Nagulat ang matanda nang makita si Ninang.

“Kumusta na po? Ngayon lang ulit ako nakabalik dito, Nana.”

Sinalubong ni Nana Ising, na iniwan ang sinusulsing damit, si Ninang ng isang mahigpit na yakap.

“Nabigla ako sa pagdating mo. Inaasahan kong gabi ka pupunta. Mabuti naman ako dito. Ngayon na ba ang alis mo?”

“Oho. Kasama ko nga ho si Donna, anak ni Carol.”

Binati ako ng matanda at sinabing nakakamukha ko ang nanay ko. Binati ko rin siya ng isang magandang hapon. Napansin kong atanda na si Nana Ising pero kabana-banaag ang isang malakas na espiritu sa kanya. Para bang kahit siguro naiisip niya nang nasa kahuli-hulihang kabanata na siya ng kanyang buhay, may lakas ng loob pa rin siyang sumuong sa mga huling hamon ng buhay.

Kapagkara ay dumako kami ni Ninang sa kuwarto niya upang makuha ang ilang gamit na nais niyang dalhin. Ipinakita niya sa akin ang nakatagong photo album na kinalalagyan ng karamihan sa mga litrato nila ni Mama. Tumambad sa akin ang mga kalokohan ni Mama pagdating sa mga postura niya kapag kinukuhaan ng litrato.

“Magulo talaga ‘yang nanay mo noong araw. Tingnan mo ‘tong isa.”

Itinuro niya ang isang lalaking nakasalamin, na ang hitsura ay hindi nalalayo sa isang pamilyar na taong hindi ko maalaala kung sino.

“Naalala mo pa ba ‘tong taong ‘to?”

Umiling ako. Agad na isinantabi ni Ninang ang photo album na iyon at kumuha ng isa pa at nagpatuloy sa pagkuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang dalawa ni Mama. Naisip ko tuloy si Mariel.

“Ang huling away namin ni Carol e, sa pagkakatanda ko, napag-awayan namin ang isang napakasimpleng bagay.”

“Nag-aaway din po kayo noon?”

“Oo naman, normal naman sa isang pagkakaibigan ang pag-aaway, ang hindi pagkakasundo. Doon pa nga nasusukat ang katatagan ng isang samahan. ‘Yon ang natutunan ko nang mag-away kami ng nanay mo noong college kami. Mabuti na lang at hindi kami nagpadaig sa emosyon. Inisip namin na wala namang maidudulot na mabuti ang pag-aaway. Kaya, pinag-usapan namin. Kung anuman ang nakasakit sa isa, kung anuman ang hindi naunawaan, pinalipas namin ‘yon.”

Kung sa amin ni Mariel siguro nangyari ang bagay na iyon, walang masamang mangyayari sa kanya. Sa puntong iyon ay pagsisisi na naman ang lumambong sa akin. Ang pagsisisi ang isang bagay na kalaban ko noon pa man. Palagi na lang kasing may pagsisisi sa mga bagay na sumaliwa sa wasto.

Binuksan ni Ninang ang aparador na may salaming tinginan at kinuha ang ilang piraso ng damit na naroon. Naupo ako sa gilid ng higaan at inabot ang mga damit upang matiklop.

“Ninang…”

“Bakit?”

“Naniniwala po ba kayo sa multo?”

“Multo?”

“Naniniwala po ba kayong pwedeng magpakita sa buhay ang patay?”

“Paano naman ako maniniwala kung hindi pa nangyayari sa’kin?”

Napatigil ako sa pagtitiklop. Sinaluhan ako ni Ninang sa pagkakaupo at siya na ang nagtuloy sa naudlot kong gawain. Tiningala ko ang orasang nakasabit sa dingding.

“Ano ba ‘yang mga tinatanong mo! Halika na, lumabas na tayo. Malamang e pinaghanda tayo ng merienda ni Nana Ising. Masarap siya magluto ng merienda!”

Pagkalabas namin sa kuwarto, isiniksik ni Ninang ang mga kinuha niyang gamit sa malaki niyang bag. Niyaya kami ni Nana Ising na kumain bago umalis. Totoo nga ang sinabi ni Ninang na masarap magluto ng pagkain ang matanda.

“Ninang, isang oras pa naman po bago tayo pumunta sa terminal, diba?”

“Oo, bakit?”

“Gusto ko po sanang pumunta muna sa sementeryo bago umalis.”

Talakayan

4 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (14).

  1. Bitin

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 8:31 umaga
  2. nakakabitin

    Posted by jane | Hunyo 28, 2012, 7:53 hapon
  3. ala sya kasalanan nanay ni marial ang may kaalanan di si maiel

    Posted by krisitne | Pebrero 5, 2009, 12:20 hapon
  4. multuhin ka sana! bad girl ka donna. hmpf!

    Posted by foobarph | Abril 9, 2008, 3:27 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Abril 2008
M T W T F S S
« Mar   May »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: