binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (12).

Kinabadhaan ng sobrang pananakit ang ulo ko nang unti-unti kong naimulat ang mga mata ko. Ang unang mukhang nakita ko ay pagmamay-ari ng isang morenang babaeng may mahabang buhok at may singkit na mga mata. Sa kanyang tabi ay nakamasid ang isang nakasalaming lalaki. Saka ko lamang naikintal sa isip ko na iyon ay sina Ninang Grace at Kuya Melvin.

“Donna…”

“Ma! Gising na si Donna.”

Napansin ko ang papalapit kong nanay. “Mataas pa rin ba ang lagnat niya?” tanong nito.

“Napunasan ko na siya. Pinalitan ko na rin ng damit,” sabi ni Ninang Grace kay Mama. Pagkatapos, tumutok siya sa akin. “Kumusta na, Donna?”

Muling umikot ang paningin ko. Matagal-tagal bago ko nagawang makapagsalita ng maayos.

“Nandito ka na pala, Ninang.”

Nginitian niya ako.

“Ano’ng nangyari?” buong-lakas kong tanong.

“May lalaking naghatid sa’yo dito,” paliwanag ni Mama. “Ano nga bang pangalan no’n, Melvin?”

“Rick.”

Nagtaka ako.

“Si Brixx po ba, Ma?”

“Brixx nga yata.”

“Basang-basa ka kanina.” May pag-aalala ang tonong iyon ni Ninang. “Wala ka ding malay.”

“Nasa’n na po si Brixx?”

“Kapapauwi ko lang sa kanya,” sabi ni Mama pagkaupo niya. “Mag-aalas-onse na rin kasi.”

“Ano po ang sabi ni Brixx?”

“Ayun nga. Nag-uusap daw kayo no’ng biglang tumakbo ka tapos nawalan ka daw ng malay. Anak naman, kabilin-bilinan kong huwag kang magpapabaya sa kalusugan mo. Tingnan mo, nagpabasa ka sa ulan.”

Bumalik sa akin ang lahat ng nangyari mula sa pag-uumpisa ng gabi. Ang lahat ng narinig ko mula kay Brixx, ang pagkamuhi ni Ashley, ang pagpapakita ni Mariel…

“Donna. Lumilipad ang isip mo!” pagbigla sa akin ni Ninang. “Is there something wrong?”

“Mabuti pa e dalhin na natin siya sa room niya nang makapagpahinga na siya. We need rest Mare, alam kong nakakapagod ang flight mo.”

“Makakabangon ka na ba, Donna?”

“Opo, Ninang. Panhik na po tayo sa taas, Ma.”

Binatak ni Ninang ang kumot na itinakip sa akin nang umanyo na akong titindig. Pagkatiklop niya niyon, kinuha niya ang unan upang madala sa pagpanhik. Paika-ika ako sa pagtungo sa hagdanan. Inalalayan ako ni Kuya sa kaliwa, habang nakakapit ako sa hawakan sa kanan.

“Boyfriend mo ba ‘yung Rick?” bulong ni Kuya.

“Sino’ng Rick?”

“Yung lalake.”

“Si Brixx?”

“Brixx ba pangalan non?”

“Hindi ko boyfriend ‘yon.”

“Hindi daw boyprend. Mamatay-matay nga sa pag-alala sa’yo kanina nung nandito, eh!”

“Hindi ko nga boyfriend ‘yon.”

Pagkarating namin sa kuwarto ko, panay pa rin ang panunukso ni Kuya sa akin. Pinagsaraduhan ko na lang siya ng pinto para huminto na siya. Binuksan kong muli ang pinto, ngunit bahagya lang, upang bumati ng magandang gabi kina Mama at Ninang. Hinalikan ako nilang dalawa sa pisngi bago sila pumasok sa kuwarto.

Pagkahigang-pagkahiga ko sa malambot kong kama, hinablot ako ng pag-aasam na makapanatag na at ipagpabukas na lamang ang lahat. Sa gabing iyon, naramdaman ko ang pagdaloy ng matinding kalungkutang hindi mailabas-labas ng pag-iyak dahil sa pag-udlot ng kalaliman ng gabi. Marapat ngang isara na lamang ang mga mata kasabay ng pagsara sa dumadausdos na kalungkutang maaaring kumitil na naman sa gabing iyon.

Ipinaubaya ko sa pagtulog ang paglimot, kaakibat ang pangangarap na magkakaroon ng panibagong bukas pagmulat ko. Alam kong mangyayari iyon.

Talakayan

5 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (12).

  1. Ok next…

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 12:11 hapon
  2. Gnda nman. .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 8:10 umaga
  3. Good story!!!

    Posted by joyjoy | Agosto 19, 2010, 11:51 hapon
  4. weehh di nga…di nga boylet yun???

    Posted by batabatuta | Abril 3, 2008, 10:15 umaga
  5. ows… di raw boypren… pakipot pa.

    Posted by foobarph | Abril 1, 2008, 2:39 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Abril 2008
M T W T F S S
« Mar   May »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: