binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (11)

Sa pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang mga bulaklak na nakaayos papunta sa unahang bahagi ng bulwagan. Nasamyo ko ang pinaghalong halimuyak ng mga rosas at usok na nagmumula sa nasusunog na kandila. Nakita ko ang mga hanay ng upuan sa kaliwa at kanang bahagi. Ang ayos ng mga upuan ay kagaya ng sa simbahan.

Maraming tao ang nabatid kong matamlay, nakasimangot, nanlulumo sa hinagpis. Saka ko lamang napagtantong may nilalamayan sila nang mapansin ko ang isang puting kabaong sa harapan. Pamilyar sa akin ang mga mukha ng mga bisitang iyon. Nakaupo sa bandang likuran ang kaibigan kong si Mariel. Nginitian niya ako at nagbalik-ngiti ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kabaong. Sa kabilang bahagi naman, magkatabi sina Ashley, Tita Luz at Brixx. Bahid ng kalungkutan ang kanilang mga mukha. Sa may unahan, nakita ko si Melving pinatatahan ang nanay namin. Lumapit ako upang yakapin si Nanay.

Tinapik niya ang likod ko na para bang nag-uudyok na tunghayan na ang laman ng kabaong.

Nakababaog ang katahimikan. Tiningnan ko ang kabaong. Halos magutay ang loob ko nang makita ko ang sarili ko sa loob niyon.

Talakayan

5 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (11)

  1. Nd nmn to love story nu b yan nmn…

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 12:08 hapon
  2. Thats not ahood joke. . Its scary

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 8:05 umaga
  3. Scary!!!

    Posted by joyjoy | Agosto 19, 2010, 11:47 hapon
  4. shocks ano b 2ng story n 2 romance horror
    suspence, triller…whooo…

    hu wrote dis story malawak ang iip niya parang totoo..

    Posted by nime | Abril 23, 2010, 10:08 hapon
  5. is this a dream??????

    Posted by chen | Pebrero 10, 2009, 2:44 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Abril 2008
M T W T F S S
« Mar   May »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: